CALEB’S POV
Binuhat ko si Tiara palabas ng silid upang magawang bihisan ng manggagamot at ni Zarina si Aurora. Kamukhang-kamukha niya si Tyson: pareho sila ng kulay ng mga mata, magandang mga kilay pero ang labi niya ay katulad lamang ng kay Aurora, kasing ganda lamang ng isang pulang rosas.
Isa siya klase ng bata na agad-agad mong mamahalin kapag nakita mo. Kaya kong makipaglaban sa buong mundo para lamang sa kanya. Inilagay ko naman ang isa kong daliri sa maliit niyang palad, nanlabot ang puso ko sa tuwa nang hawakan niya ito.
Ang oras na makasama ko ang anghel na ito ay maikli lamang sa sandaling marinig ko ang nag-aalalang boses ni Aurora, “Asan ang anak ko?”
Agad namang namuo ng isang napakagandang mga ngiti sa kanyang mukha sa sandaling makita niya si Tiara sa aking mga kamay. Agad namang umiyak si Tiara ng napakalakas na tila ba nasasaktan siya o ano.
“Nawawala si papa at pati na din si mama?” ngiti ko sa bata saka iniabot na kay Aurora. Napapaisip na lamang ako sa sandaling makita ko si Tiara na huminto agad sa sandaling hakawan na siya ni Aurora.
Ilang sandali lamang ay pumasok si Zarina ng silid na may dala-dalang bote na para sa bata. At saka inabot ito kay Aurora. Isang mahinang pag-inom ng bata ang naririnig mula sa loob ng silid na tila ba gutom na gutom.
“Ano ang laman ng bote?” hindi ko mapigilan ang sarili kong tanungin siya.
“Kahalusan ng laman ay gatas pero may kaunting dugo na mula kay Tyson. Iyon ang ginawa ng aming ina para painumin sina Aslan at Tyson noon. Ang gatas mula sa isang witch ay hindi sapat para mapanatili ang kalusugan ng bata na may lahing dragon,” pagpapaliwanag ni Zarina at saka umupo sa tabi ni Aurora.
“Nandito si Tyson?” tanong ni Aurora at saka tumingin sa pintuan na may halong umaasa.
Huminga naman ng malalim si Zarina at saka sinabing, “Nakakalungkot man, pero wala siya rito… May mga itinabi lang akong dugo na galing sa kanya…”
Napakahirap paniwalaan na wala man lang pakialam si Tyson. Dumating man lang sana siya kahit panandalian lang upang makita ang kanyang anak kahit isang saglit.
Umiling ako at hindi makapaniwala. “Anong klaseng ama siya? Hindi niya ba gustong makita ang kanyang anak?” sabi ko.
Itinikom naman ni Aurora ang kanyang mga labi at saka nag-umpisang tumulo ang kanyang mga luha… Mas nararapat sa kaniya ang taong mas karapat-dapat pa kay Tyson. Alam nang Diyos kung paano siya naipit sa B****** na iyon!
Nagpakawala naman ng isang malalim at mahabang buntong-hininga si Aurora at saka sinabing, “Para sa isang pighead na iyon, ang pagiging ama niya ay nagsisilbi lamang bilang paraan para sa “Heary of Magic.’”
Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay, “Kawalan niya na iyon… Napakaganda ni Tiara… magkakaroon siya ng mga tao sa paligid niya na mamahalin at aalagaan siya…”
Binigyan niya naman ako ng buong-pusong pagngiti na nagpapakinang sa kanyang mga mata. Isang bagay na paborito ko sa kanya.
“Hindi na mahalaga kung ano man ang tingin ni Tyson kay Tiara, lahat tayo ay mahal siya ng higit pa sa anumang meron sa mundong ito,” dadag ni Zarina at yumuko palapit sa amin upang makita ang bata ng malapitan.
ASLAN’S POV
“Hey, Aslan. Asan ka ba nagsusuot? Nakita mo na ba si Tiara? Isa siyang parang maliit na simbolo ni Tyson!” sabi ni Zarina ata saka nagtungo sa study room.
“Hindi pa, naging abala ako,” sabi ko at saka kinuha ang isang libro at binuklat ang bawat pahina nito.
Agad niya namang inagawa sa akin ang libro at pinilit akong tumingin sa kanya.
“Ano bai yon, Zarina?” hindi ko mapigilan ang pagkairita ko at nasabi ko iyon sa naiinis na boses.
Ang mga mata niya ay umapoy sa galit at sinabing, “Wala akong sinasabi kahit pa sa sandaling nanatili kang umiiwas sa mga panahong buntis pa lamang si Aurora. Pero ito na ang pagkakataon mo para bumuo ng pagkakataon na mapalapit sa bata. Huwag mong kalimutan ang papel mo, Aslan. Dapat na mapapayag natin si Aurora upang ibigay niya ang kanyang anak sa pag-aalaga natin habang hinahanap natin ang ‘Heart of Magic,’”
Nagpakawala ako ng isang malalim ang napakahabang buntong-hininga at saka sinabing, “Natatakot ako na baka mapalapit ako ng husto sa bata at isa siya sa magiging kahinaan ko.”
“Bakit hindi mo ito sa akin sinabi ng mas maaga? Ilagay mo ang kwintas na ito sa leeg mo, magagawa nitong pigilan ka na mapamahal sa bata,” sabi ni Zarina at saka iniabot sa akin ang isang hugis kalahati ng puso kulay gintong kwintas.
Tumango ako at saka isinuot sa leeg ko ang kwintas at pumasok papasok sa silid ni Aurora. Nang wala na sa paligid si Zarina, inalis ko agad ang kwintas at saka ito inilagay sa aking bulsa.
Hindi ko iyon maaaring suotin hangga’t hindi ko naipapatingin iyon kay Amy, ang isang witch na nakatira sa Zacnorian Quarter. Napakasakim niya at humihingi ng labis na kapalit pero iyon ay isang bagay na magagawa mo siyang pagkatiwalaan.
Ang balak ko lang ay pumasok sandali at agad ding lalabas pero may isang bagay na kumuha ng aking atensyon. Hindi ko alam kung ano bai yon… isa kaya iyon isa sa mga pakiramdam ko.
Agad naman akong napansin ni Aaurora sa sandaling bumalik ako sa katinuan ko. “Ang tagal nating hindi nagkita, kuya. Nag-uumpisa pa man din ako na isipin na wala ka ring pakialam kay Tiara katulad lamang ng MAGALING mong kapatid na si Tyson. Buti na lamang ay pinakita mo sa akin ngayon na mali ang hinala ko.”
Wala na akong pagpipilian pa kundi ang pumasok pa lalo. Sa sandaling lumapit ako kay Tiara parang nakapaloob ako sa isang mahika. Nakaramdam ako ng matinding kasiyahan at isang ngiti ang puminta sa aking labi.
Hindi ko mapigilan ang tuksong nagsasabing kunin ko siya sa aking mga kamay. Ngumiti siya sa akin.
“Mukhang gusto ka niya. Sa kabila nang lahat ibinahagi mo sa kanya ang iyong dugo,” sabi ni Aurora habang tumitingin ng napakasaya sa kanyang anak.
Damn! Heto ang dahilan kay hindi ko gustong makita si Aurora at ang kanyang anak. Masyado nila akong pinagkakatiwalaan.
“Heto, gusto mo ba siyang painumin ng gatas?” sabi niya habang inaabot sa akin isang bote.
Kinuha ko ang bote at inamoy ito, may naramdaman akong mali dito.
“Aurora, iniwan mo ba ang boteng ito na di mo na wala sa harapan ng mata mo?”
“Hindi… hmm… sandali…oo, sa palagay ko… Dinala ko si Taira sa harden dahil mukhang gusto niyang malibang kanina.”
“Pwede mo bang gamitin ang kapangyarihan mo upang suriin ang bote?” tanong ko sa kanya at binalik ang bote sa kanya.
“Hindi ko alam… sabi ni Zarina ang uri ng ganitong mahika ay wala pa sa aking kaalaman pero susubukan ko…” sabi nito saka isinarado ang kanyang mga mata at nagseryoso sa hawak niyang bote.
Ang mukha niya ay namuti at nanginginig ang boses niya, “May lason ang gatas na laman nito. Alam ng Diyos kung anong mangyayari kong hindi mo pinasuri sa akin ang laman nito…”
Agad niyang binaba ang bote sa isang lagayan at saka kinuha mula sa kamay ko si Tiara. Niyakap niya ito ng mahigpit at saka naglakad ng paatra-abante.
Pupulutin ko n asana ang bote nangbigla itong umapoy. Sa gulat ko, napaatras ako.
“Ang gatas niya ay tila may halong maitim na mahika. Kaya naman mas mainam na sirain ko na ito bago pa may mangyaring masama.” sabi Zarina habang papasok ng silid.
Napapaisip ako kung si Zarina ba ang nasa likod ng bagay na iyon. Binabalak niya bang gawin ang matagal niya nang balak?