TYSON’S POV
Gumalaw ako sa pagkatulog ko na ramdam ko ang napakasayang sensasyon. Pakiramdam ko ay kumpleto ang araw ko. Napangiti ang mga labi ko at binuksan ko ang aking mga mata.
At matapos no’n, para bang kinidlatan ako ng malakas. Hindi ko intension na matulog katabi si Aurora. Hindi ko naman siya hinayaang makalapit sa akin ng sobra pero ngayon ay napakalapit niya na.
Umalis ako sa kama ko at saka pinagmasdan si Aurora. Ipinagpapasalamat ko na lamang na tulog pa siya. Hindi ko gustong isipin niya na may nararamdaman ako para sa kanya, kaya naman umalis na ako bago pa man siya magising.
“Aslan, Zarina, Caleb!” tawag ko nang makarating ako sa pasilyo.
Si Zarina ang kauna-unahang tumambad sa harapan ko gamit ang kanyang kakayahang mag-teleport. Mukha atang napakasaya niya na pinagbigyan ko siyang magamit ang kaniyang mahik sa loob ng palasyong ito. Lumipas ang ilang sandali ay dumating na rin si Aslan.
“Pupunta ako sa Typhoon, Zarina, responsibilidad mo muna na alagaan si Aurora. Tulungan mo siyang araling gamitin ang kanyang kapangyarihan. Aslan, tungkulin mo namang bantayan ang mga tungkuling iiwanan ko at si Caleb naman, gawin niya na lamang ang mga bagay na gusto niyang gawin…” pag-uutos ko at naglakad sa lugar na walang anumang harang.
Magpapalit anyo na sana ako sa anyong dragon ko nang sumunod sa akin si Aslan, “May problema ba, aking kapatid?”
“Wala, Aslan, may trabaho lang akong aasikasuhin…”
“May mali eh… Nagmamadali kang umalis na hindi mo man lang nagawang maligo na muna. Malakas ang pakiramdam ko na tungkol ito kay Aurora.”
Nagpakawala ako ng isang malalamin na pagbuntong hininga at saka sinabing, “ Kung nanatili ako sa lugar na ito, mapipilitan lamang kaming matulog sa iisang kwarto para lamang sa aming pagpapanggap…”
“Ano bang nangyari, Tyson? Ayos lang ba si Aurora?”
Napaatras ako sa tanong niya. Iniisip ba ng kapatid ko na may nagawa akong kasalanan sa kanya? Siguro nga mas makakabuti na iyon na lamang ang isipin niya.
“Alagaan mo siya habang nasa malayo ako… palagi mo akong balitaan…” sabi ko lamang at saka tinuluyan ko ng magpalit anyo at umalis papunta sa aming tahanan, sa Typhoon.
CALEB’S POV
Tila nalaglag ang puso ko sa sandaling makita ko si Meridith sa loob ng isang saksakyan. Mas maputla pa siya sa multo. Masyado ata siyang abala sa ibang bagay na hindi niya man lang napansin ang sasakyan kong paparating.
Buti na lamang ay nagawa kong tapakan ang break sa tamang oras at ang sasakyang gamit ko ay huminto malapit sa kotse niya.
Lumabas naman ako agad mula sa sasakyan at saka lumapit sa kanya. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya…
Imbes na sagutin ang aking tanong, isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ko at nagsimulang humagulohol sa iyak. Ang mga pag-iyak at hagulhol niya ay pinalalambot ang aking mga buto. Ano ba ang nangyari upang umiyak si Meridith ng ganito? Isa siya napakalakas ng babae at marami na akong nakita pagiging malakas niya sa buong buhay niya.
“Meridith…sabihin mo sa akin ang nangyari… ayos ka lang ba?” paulit-ulit kong tanong pero hindi niya ako binigyan ng kahit anong sagot.
Ayaw ko sanang gawin ito pero mukhang wala na akong mapagpipilian. Itinaas ko ang baba niya upang tumingin siya sa akin at iniutos, “Inuutos kong sabihin mo sa akin ang nangyari.”
Kumislap ang mga mata niya sa akin at nag-umpisa siyang ipaliwanag ang nangyari na tila bai sang robot, “Bumisita ang Dark Lord. May ginawa siyang mga spell sa mga kasama natin maliban sa akin. At kung hindi ka nakipagkita sa kanya sa loob ng dalawampu’t apat na oras lahat sila ay mamamatay,” bigla itong bumalik sa pagkakaluhod at patuloy sa paghagulhol.
Yumuko ako sa isang gwardya na nagbabantay sa harapan ng pasukan. Nanginginig ang aking mga daliri sa sandaling sakalin ko ito hanggang sa wala ni kunting pulos na akong nararamdaman mula sa kanya. Namuti ang kanyang mga mukha na mas maputi pa sa multo at napansin kong hindi na rin tumitibok ang puso niya.
Nagmadali naman akong pumasok upang hanapin ang aking Gamma, Alacair, na siyang nakahandusay sa sahig. At nang pumasok pa ako lalo, kitang-kita ko ang mga madaming katawan na nagkalat sa paligid.
“Lahat sila ay nagtipun-tipon upang ipagdiwang ang pagkapanalo natin laban sa mga Bloodhound Pack,” sabi ni Meridith habang pumapasok.
Halos mamilipit sa sakit ang puso ko na nakikita ang mga ekspresiyon nila na nalulungkot sa nangyayari. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Masyado akong naging abala sa pag-aalala kay Aurora at nakalimutan kong tandaan ang panukalang inaalok sa akin ng Dark Lord.
Bigla namang tumulo ang mga luha sa pisngi ni Meridith at saka sinabing, “Patawarin moa ko, Caleb. Hindi ako nanging matagumpay bilang isang Beta mo. Ni hindi ko man lang naprotektahan ang ating grupo.”
Pinunasan ko naman ang kanyang mga luha gamit ang aking daliri. Tumingin ako sa mga mata niya at saka sinabing, “Maghintay ka lamang dito at siguraduhin mong wala ni isa sa kanila ang masasaktan. Itatama ko ang lahat ng ito kahit pa… kahit pa maging demonyo ako.”
FIVE MONTHS LATER
AURORA’S POV
Huminga ako ng malalim habang binibinat ko ang aking mga binti. Nananakit ang mga binti ko ng labis. Hindi naging madali ang pagbubuntis ko nitong mga huling araw. Madalas na pagsakit ng ulo, cramps, pagkawala ng ganang kumain at pag-iba-iba ng mood ko araw-araw na para bang nasa isa akong labanan.
“Cramps ba ulit?” tanong ni Caleb at lumuhos sa harapan ng kinauupuan ko.
“Hmmm…” bulong ko habang nagtatama ang aking mga ngipin.
Agad niya namang ipinatong ang mga binti ko sa ibabaw ng kanyang kandungan at nagsimula itong masahiin. Pagkatapos ng mga ilang minute ay nawala na ang sakit. Tila ba ata magiging eksperto na siya sa bagay na iyon.
“Naalis na ang sakit, Caleb, salamat para dito…” sabi ko sabay hawak sa kamay niya upang huminto na siya.
Isa namang magandang ngiti ang ibinigay niya sa akin at tinanong, “Uminom ka ba ng potion?”
Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko at saka umiling. Ayaw na ayaw ko ang potion na iyon, parang pinagsamasamang dahon ang lasa nito at parang iba’t ibang uri ng lasa ang nagsamasama dito at hindi maganda ang naging kahihinatnan.
“Aurora, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na kailangan mo iyong inumin sa tamang oras.”
“Ang pangit ng lasa niya!”
“Sige na, heto na, Aurora, uminom ka na,” sabi ni Zarina at inabot sa akin ang isang gintong baso. Sila Caleb at Zarina ay kahit papaano ay nakabuo ng isang pagkakasundo. Palagi nila akong inaalagaan at palagi rin nila akong inaaliw. Mamamatay na ata ako sa pagkaboring kung wala sila sa tabi ko.
Nakatitig lang ako na nandidiri dito pero agad ko naman itong ininom at nagmadaling ilunok. At saka naman ibinigay ko pabalik ang baso kay Zarina.
Kinuha niya ang baso mula sa aking kamay at umiling sabay ngiti na parang may halong kademonyohan.
“Hey! Isa na itong pandaraya, asan na ang kendi ko? Tapos ko nang inumin ang nakakadiring potion na iyon. Asan na ang kendi ko?”
Inilabas naman ni Zarina ang isang kendi saka ikinaway ito sa akin at sinabing, “Halika, kunin mo!”
Hindi ako magpapahulog sa bitag niya! Dahil noong huli ay pinagtakbo niya ako sa buong bahay na ito habang sumusunod sa kanya.
Gumamit ako ng isang mahika at kinuha sa kamay niya ang kendi. At agad ko namang binuksan ito at agad na isinubo bago pa man niya mapagtanto kung ano ang nangyayari.
Bigla namang namuti ang mukha ni Zarina at sinabing, “Ilang beses ko ng sinabi sayo na huwag na huwag kang gumamit ng mahika.”
F***! Hindi! Nakalimutan ko ang tungkol doon. Masyasong mahina ang katawan ko dahil sa dinadala kong dragon-shifter sa sinapupunan ko. Kaya naman, gumamit agad ng isang mahika si Zarina sa pagitan ko upang mapanatiling ligtas ang anka ko at ako. Pero sa dahil nagamit ko na ang aking mahika ang ginawa niyang spell ay hindi umepekto.
“Caleb, buhatin mo siya agad papuntang medical room. Babalik ako kasama ang manggagamot,” sabi ni Zarina at agad na umalis ng kwarto.
“Masiyado ata siyang nag-aalala, Caleb, wala naman akong nararamdaman na kakaiba,” sabi ko sa sandaling buhatin ako ni Caleb pataas ng hagdan kung nasaan ang medical room.
“Hindi naming gustong magkaroon ng mga posibilidad na mangyari,” sabi naman ni Caleb sa napakaseryosong boses at saka ako inihiga sa kama.
At bigla ko na iyong naramdaman, nakaramdam ako ng matinding sakit na tila ba may sasabog mula sa looban ko. Napasigaw naman ako habang hawak-hawak ko ang aking tiyan sa sakit. Pinagpapawisan na ang mukha ko at tumutulo na ang mga luha ko sa aking pisngi.
Agad naman na naupo sa tabi ko si Caleb. Hinawakan niya ang aking kamay at nakaramdam ako ng kaunting pagkalma. Ramdam ko ap din ang sakit pero nakakaya ko na itong labanan.
Maya’t maya pa ay dumating na rin ang manggagamot at may kung-anong itinurok sa akin. Hindi na ako nakaramdam ng kahit anong sakit nang umepekto na ang gamut.
Nanatili sa tabi ko si Caleb ng ilang mga sandali habang hawak-hawak ang aking kamay. Maya’t maya din ay nakaramdam ako ng isang matamis na kaginhawaan, at mahinang pag-iyak.
Napaiyak naman ako sa sandaling makita ko ang anak ko na punong-puno ng dugo. Napakaliit niya pero napakaganda niya. Nakaramdam ako ng paggaan ng loob sa hindi ko inaasahang pagmamahal ko. Para bang nawala lahat ng tao at ang tanging nakikita ko lamang ay ang aking anak.
Agad naman siyang nilinis ng manggagamot at saka ibinalot sa isang tela bago niya ito ihiga sa tabi ko. Nang mahawakan ko ang aking anak ng malapitan ay parang kumpleto na ang aking araw.
At nanlambot naman ang puso ko nang makita ko itong ngumiti, ang mga kulay copper na mga mata niya ay kumkinang sa labis na galak.
“Pwede ko ba siyang hawakan?” sabi ni Caleb habang nakatingin sa aking anak at nakangiti sa galak.
Ang mga labi ko ay nanginig pa sa pagkahin ng katawan ko pero nagawa ko parin siyang sagutin, “Hindi-hindi ko hahayaang mawala sa mga kamay ko si Tiara kahit ilang sandali lamang.”
Ilang sandali lang ay bigla na lamang nandilim ang aking paningin.