Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 9

ASLAN’S POV

Naglalakad ako malapit sa likod nina Tyson at Aurora nang harangan ako ng di ko makitang harang. Lumingon sa akin si Tyson at saka ngumisi sa akin, maya’t maya pa ay biglang naglaho ang harang.

“Ano iyon?’’ tanong ko habang sinusundan siya.

“Mayroon akong isang napakalakas na witch na naglagay ng isang spell sa paligid ng palasyo na ito. Lahat ng harang ay nakaugnay sa akin. Kaya naman, walang sinuman ang makakapasok at makakalabas ng wala sa aking kahilingan.’’

“Ibig sabihin ba niyan binibihag mo kami?’’ hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Huwag mong sayangin ang iyong oras sa hindi naman kinakailangang mga detalye. May mga pagsubok pa tayong dapat paghandaan,’’ sabi ni Tyson at nauna ng naglakad sa harapan namin.

Nagnakaw naman ako ng patagilid na tingin kay Aurora.  Namumutla ang kanyang mukha at medyo bumabagal ang kanyang mga hakbang habang naglalakad. Naglakad ako papalapit sa kaniya at tinanong, “Ayos ka lang ba?’’

Nagpakawala siya ng malalim at mahaba na paghinga, “Hindi ko alam, Aslan… pero salamat sa pagtanong.’’

Nagpakita siya nang napakalakas na tapang sa pamamagitan ng pagbuwis niya ng buhay niya sa panganib upang mailigtas lamang ang kapatid ko. At ang tanging magagawa ko lang ay ang pasalamatan siya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya, “Salamat sa pagligtas mo sa kapatid ko. May utang na loob kami sa’yo.’’

Hinila niya agad ang mga kamay niya at pinulipot ito sa may bandang dibdib niya, “Mukhang hindi naman kayo pareho ng nararamdaman ng kapatid mo!’’ madiin niyang sabi.

Gan’un na talaga si Tyson. Kung pinakitahan mo siya ng kahit anong kabutihan o pagmamahal, itutulak ka niya palayo. At siguradong ganun din ang ginagawa niya kay Aurora.

“Alam ko mahirap pakisamahan ang kapatid ko, pero may mabuti siyang puso,’’ sinubukan kong ipaliwanag sa kanya pero sa kalagitnaan pa lang ng pagpapaliwanag ko ay pinigilan niya na ako. “Sinong niloloko mo, Aslan. Duda ako kung ni isa meron siya nun.’’

Dinila ko siya ng tahimik sa may courtroom pagkatapos nun.

 Nanatiling bukas ang panga niya at inilibot niya ang ulo niya para makita niya ang buong kapaligiran. Ang mukha niya ay parang batang nag-iinspeksyon sa isang tindahan ng mga kendi.

Natunaw ang puso ko nang makita ko ang mga ngiti niya. Doon ko lang napagtanto na iyon lang ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti matapos ko siyang dakipin. Napabuntong hininga ako bago ko siya hilain sa isa sa mga dulo ng lugar na iyon.

Ang mga dragon-shifters, witches, at ang mga residente ay isa-isang pumasok at hindi nagtagal ang silid ay napuno ng mga tao. Pumasok si Tyson at nakaayon ang damit niya sa gaganaping seremonya.  Walang anumang bahid ng sakit o pagod sa mukha niya pero kita ko ang buhawing naglalaro sa mga mata niya.

“Hayaan niyo akong diretsyuhin ko kayo sa punto ko. May lumabag sa ating seguridad nang hindi man lang ako nabalaan o nasabihan. At taong gumawa nito ay kailangang maparusahan. Miss Raina, humakbang ka paharap!’’

Lumaktaw ang puso ko. Hindi… hindi maaaring siya…

Sa takot ko, ang taong naglakad paharap ay ang aking Raina. Itinago namin ang relasyon namin mula kay Tyson sa napagkakahalataan namang dahilan. Gagamitin niya lang siya laban sa akin.

“Aking pinuno, kailangan ko na pong umalis… ang anak kong babae ay may sakit…’’ sabi niya nang  may nanginginig na boses at yumuko.

“Bakit hindi man lang ako nasabihan? Bakit hindi kayo gumawa ng pagsasaayos?’’ ang boses ni Tyson ang siyang bumulwak sa silid.

“Aking pinuno, sinabihan niya ako. Kasalanan ko ang lahat. Nakalimutan kong ipagbigay-alam sa’yo,’’ sabi ko, at humakbang paharap.

“Hindi ko matandaan na naglabas ng isang atas na bigyan ng permisyo ang kapatid ko na palayain ang mga paksa mula sa kanilang tungkulin. Tuturukan si Raina ng Lifandi Mratro.’’

“Hindi!’’ sigaw ko at nagpunta ako sa harapan. Alam kong paparusahan ako ni Tyson sa ginawa kong ito pero sa oras na ito wala akong pakialam.

“Parang-awa mo na, aking pinuno… Patayin mo na lamang ako pero huwag lang sa ganito… nagmamakaawa ako…’’ pagmamakaawa ni Raina.

“Ngayon, ano naman magiging silbi nito sa akin? Lifandi Mratro ay perpekto para makita ang kahalagahan ng pagbabantay, Raina. “

“Paano mo nagagawa ito Tyson? Alam mong si Raina ay may…’’ nagsimula akong magprotesta pero hinawakan ng mahigpit ni Raina ang kamay ko at umiling.

Kita ko sa mga mata niya ang takot. Hindi tama na kalabanin si Tyson sa harap ng silid ng hukuman. Halos di ko na makain ang mga impormasyong ito kung isang pagsabog na naman ang aatake sa amin.

“Ang susunod na salarin ay si Aurora. Sinuway niya ang direktang utos ko nang masugatan ako. Makukulong siya sa kanyang silid sa susunod na sampung araw!’’

Nagnanakaw ako ng tingin kay Aurora. Hindi man lang siya nagprotesta. Para bang inasahan niya nang mangyayari ito. Umiiyak ang puso ko dahil sa kawalan niya ng pagiging patas. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw sa kaniya, “Nababaliw ka na ba, Tyson? Paano mo nagagawa iyan? Iniligtas niya ang buhay mo, for God’s sake…’’

Hindi ako binigyan ng atensyon ni Tyson at ipinatapon ako palabas ng hukuman. Tama nga si Aurora, walang puso si Tyson.

AURORA’S POV

Heto ako, nakakulong sa walang kwentang silid. Limang araw na ang lumipas matapos ang pag-atake, at ang dugo ni Aslan ay unti-unti nang nawawala ang epekto sa akin. Maya’t maya pa ay  isang biglaang sakit ng pamumulikat ang siyang umaatake sa aking ngayon at sa paniguradong pati sa mga susunod pang mga araw.

Ang tanging daan ko sa katinuan ay si Caleb. Mula nang araw na iligtas niya ako mula sa bala, naging isa ito sa mga huling sandali ng aking buhay. Ang takot at pag-aalala mula sa mga mata niya ang nagpabago sa akin sa paraan na hindi ko inakala.

Sumasakit ang puso ko sa kagustuhan kong makausap siya, mayakap siya, pero alam kong imposible iyon. Kung nakilala ko lamang siya sa ordinaryong panahon.

Nagbukas ang pinto at nakuha ng atensyon ko si Tyson na nakatayo sa may daan ng pinto. Nagsalubong ang mga braso ko at itinaas ang mga kilay ko, hinihintay siyang magsalita ng isang wala na namang kabuluhan mga bagay.

“Dinakip ni Caleb si Aslan. At gusto niyang ibigay kita doon ng mag-isa ka lamang. Sasamahan ka ng mga tauhan ko. Mananatili silang nakatago habang sinisugurado mong kunin ang pansin ng asong iyon.’’

“At bakit ko naman gagawin iyon?’’ tanong ko at umiling.

Tila hindi siya nahimasmasan sa paghamon ko, sa halip ang mukha niya ay tila nagningning ng isang nakakalokong ngiti habang siya ay naglalakad ng may pagbabanta papunta sa akin. Huminto siya matapos ang ilang hakbang mula sa akin.

Napairap ako nang mas lalo niyang hinihigpitan ang kanyang mga kamay sa braso ko, bago niya ilagay ang isang cellphone sa may kamay ko.

Pinagpawisan ako ng malamig nang makita ko ang isa footage. Sina Micheal, Edmund, at Rosetta ay nakatali sa isang poste at may mga nakataling timebomb sa may baywang nila.

Kinilabutan ako ng bumulong siya sa may tainga ko, “Hindi pa sila dapat saktan ngayon, hindi ba?’’

Bumuhos ang luha sa pisngi ko. Hinding-hindi ako mabubuhay ng tahimik kapag may nangyaring masama sa kanila.  Nilunok ko ang namuong bukol sa lalamunan ko at tinango ang ulo ko para tanggapin ang gusto niyang gawin.

Namamanhid ang isipan ko sa pagkabigla. Wala na akong makita ni maramdaman. Hindi ako nasabihan kung ano ang balak nilang gawin at pagod na pagod ako para subukan pang alamin.

 Bilang pagsunod sa bilin niya, pumasok ako sa sasakyan. At bago ko pa man malaman, nakarating na pala kami sa pupuntahan namin. Sinamahan ako paloob ng mga gwardya ni Tyson.

Nag-umpisang tumibok ang puso ko ng tila di na wasto sa oras na napasok ko na ang lungga. Patuloy lang ako sa pagtitig sa mga paa ko, takot akong tumingin kay Caleb. Paano kung ahasin ako ng mga mata ko?

Lahat ng mga balahibo sa aking katawan ay nagsisibuhay sa sandaling naramdaman kong lapitan ako ni Caleb. Bumuhos ang luha ko sa aking mga psingi. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, umaaasang hindi ako maiyak nang tuluyan.

Hinawakan ni Caleb ang baba ko, tinataas niya ang ulo ko at pinipilit akong tignan siya kanyang mga mata. Biglang nalungkot at nabahala ang mga mata niya nang makita niya akong lumuluha. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at inihagis ang sarili ko sa kanya. Sinubsob ko ang ulo ko sa dibdib niya at nagsimulang umiyak. Hinawakan niya ako ng napakahigpit na yakap. Inilabas ko lahat ng sakit, pagkabahala at takot sa mga luha ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.