Bad Blood/Bad Romance Duology Chapter 15

PINAGSALIKOP ni Denim ang nanginginig niyang mga kamay. Habang papalapit sila sa Sta. Elena, ang bayan sa Bulacan kung nasaan ang private hospital na pupuntahan nila, lalo siyang kinakabahan.

Napapaligiran na sila ng mga nagtatayugang puno na mas lalong nagpadilim sa paligid. Bukod sa malalim na ang gabi, liblib din ang lugar kung saan nakatayo ang ospital. Para ngang nasa kakahuyan sila sa dami ng puno at mga paniking tumatama sa salamin ng sasakyan. Kanina ay may nadaanan pa silang mga kubo. Pero ngayon ay wala na silang kasabay na sasakyan sa malubak na kalsada.

“Kung natatakot ka, nagpaiwan ka na lang sana sa ibang lugar,” sabi ni Eton na nagmamaneho ng mga sandaling `yon. “Sa kasalukuyan naman, papunta na rin ang squad namin sa binigay mong address ng ospital. Makakasiguro kang maililigtas namin ang lahat ng naiwang biktima ro’n, may buhay man o wala. Sisiguraduhin din naming makakauwi sila sa kanya-kanya nilang pamilya.”

Hinawakan na lang ni Denim ang seatbelt niya, saka siya tumingin sa labas ng bintana para hindi makita ni Eton ang takot sa mukha niya. Gaya ng madalas na ginagawa niya kapag natatakot o kinakabahan siya, dumaldal na naman siya. “I’m fine. Ako ang nagdala sa’yo rito kaya bakit naman ako aatras? Malaking bagay `tong ginagawa natin para sa mga pamilya ng mga biktima kaya mag-i-stay ako.”

Bumuga ng hangin si Eton habang iiling-iling. “You don’t have to do this yourself.”

“Ako ang naka-discover kung nasaan sila kaya ako dapat ang pumunta,” katwiran naman ni Denim. “Isa pa, hindi ako makakatulog hangga’t hindi ako mismo ang nakakakita na naalis na sila sa hospital na `yon. Kasi, alam mo na, may konsensiya ako.”

Kunot-noong sinulyapan siya ni Eton. “Are you upset because I told you to grow a conscience before?”

“Of course not,” umiirap na kaila ni Denim, saka niya iniba ang usapan. “Ang sabi mo kanina, lahat ng full vampire na buhay ngayon ay masama. Bakit mo nasabi `yon?”

“Mukhang walang nagbanggit sa’yo ng tungkol sa Eternal Sleep era ng mga bampira.”

Umiling si Denim. “I was sheltered. In-assure lang ako ni Finn noon na hindi ako puwedeng kagatin ng mga bampira at saktan ng mga tulad niyang Bloodkeeper dahil civilian ako.”

Tumango-tango lang si Eton. “Ipinag-utos ng hari at reyna noon ang panghabambuhay na pagtulog para sa lahat ng purong bampira mula sa lahat ng uri sa tulong ni Mayumi, ang pinuno noon ng mga salamangkera. Pero may isang grupo na nag-aklas noon sa pamumuno ng Nobleblood na si Victor at ang traidor na salamangkerang si Ylona. Tinakasan nila ang Eternal Sleep at nagplano para muling ipakilala sa buong mundo ang lahi ng mga bampira.

“Nitong nakaraan lang, tinapos na sina Victor at Ylona ng prinsipe ng mga bampira na si Estefano, pero patuloy pa rin ang paggalaw ng mga naiwang Nobleblood gaya nina Cerise Alessandra at Magnus Cadmus Stratton.”

Kunot-noong nilingon ni Denim si Eton. “Wait, vampire prince? Akala ko ba, lahat ng bampira ay tulog na except sa mga nag-traidor?”

“Hindi pa tapos ang seremonya nang magtraidor sina Victor kaya may tatlong purong bampira pa ang gising ng mga sandaling `yon,” paliwanag ni Eton. “Ang vampire prince na si Estefano, ang Rareblood na si Riccos, at ang Nobleblood na si Nicholas. Nagdesisyon silang huwag munang pumasok sa Eternal Sleep hanggang hindi pa nahuhuli at napaparusahan ang lahat ng traidor. Ang vampire prince at si Lord Riccos, pumasok muna sila sa pansamantalang pagtulog para mabawi ang mga lakas nika dahil napuruhan sila no’ng araw na tinangka nilang pigilan si Victor. Si Lord Nicholas naman ang nanatiling gising at namuno sa’ming mga Bloodkeeper para tugusin ang mga traidor na bampira.” Tinuro nito ang leeg niya. “`Yong mga traidor, may barcode sila sa leeg. Tanda `yon ng sumpa ni Mayumi. Ang sumpa na `yon ang dahilan kung bakit hindi puwedeng uminom ng dugo ng mga tao ang mga full vampire, at wala na rin silang kakayahang baguhin ang mga mortal, bilang paunang parusa sa kanila.”

“Nakikita ko ang marka na `yon sa mga Bloodsucker na utusan ni Finn, pero hindi kay Aunt Cerise.”

“Noblebloods are beauty conscious,” paliwanag ni Eton. “Siguro, ginagamit nila ang kapangyarihan ng kanilang dugo para itago ang marka sa leeg nila, lalo na sa ordinaryong mga mata.”

“Ah. So, gumising ba ang vampire prince?”

“Oo, gumising siya para tapusin sina Victor at Ylona,” pagpapatuloy ni Eton. “Pero nasa Europa siya ngayon kung saan mas malala ang labanang nagaganap. Saka hinahanap din niya si Lord Riccos na tinangay ng mga Grandkeepers noon, `yong malalakas na uri ng mga Keeper.”

Napayuko si Denim. Sa dami ng kinuwento ni Eton, isa lang ang pinakatumatak sa kanya. “Nagtraidor si Aunt Cerise sa lahi ng mga bampira…?”

“Posible ring tinutulungan niya si Magnus sa lahat ng `to.”

Nagprotesta agad ang kalooban ni Denim. Humarap siya kay Eton at nang sulyapan siya ng lalaki, mariin siyang umiling. “Posibleng nagtraidor si Aunt Cerise nang hindi siya pumasok sa Eternal Sleep, pero hindi niya magagawang tulungan ang Magnus na `yon sa pagpatay ng mga inosenteng babae. Hindi masamang bampira ang aunt ko. Kung gano’n siya, eh di sana hindi siya naging mabait at mabuti sa’kin.”

“Denim–”

“Saka anong klase ng leader ang mag-uutos sa nasasakupan niya na mag-mass suicide?” reklamo ni Denim. “Bakit hindi ginawang voluntary ang pagpasok sa Eternal Sleep na `yan?”

“Hindi maiintindihan ng isang mortal na tulad mo ang klase ng dangal na meron ang mga bampira.”

“What does pride have to do with wanting to live? Vampire or not, no one has the right to tell you to take your own life. Selfishness ang tawag do’n.”

Biglang hininto ni Eton ang kotse.

Napasinghap si Denim at napakapit sa seatbelt. Akala talaga niya, galit si Eton sa mga pinagsasasabi niya kaya bigla itong huminto. Pero nang lingunin niya ang lalaki, nakita niyang deretso ang tingin nito.

Tumingin din siya sa harap at napasinghap siya sa sumalubong sa kanya: maraming Bloodsuckers.

“Denim, can you drive?” nagmamadaling tanong ni Eton.

Nilingon ni Denim si Eton. Sa sobrang seryoso ng lalaki, hindi na niya nakuhang magbiro o magmatigas. “Yes, I know how to drive.”

“Good,” sabi ni Eton, saka tinanggal ang seatbelt nito. Hinarap siya nito. “Lalabanan ko sila. Mag-drive ka lang papuntang ospital at huwag kang hihinto kahit anong mangyari. Bago ka pa makarating sa ospital, sisiguraduhing kong makakasunod na ko sa’yo kaya `wag kang matakot.”

“Hindi ako natatakot,” sabi naman ni Denim, saka niya tinanggal ang seatbelt niya para makalipat siya sa driver’s side. “Kung tauhan ni Finn ang mga Bloodsucker na `yan, siguradong hindi nila ako sasaktan. Hindi siya papayag na masaktan ako.”

Tumaas ang kilay ni Eton. “Sigurado kang hindi mo boyfriend si Finn?”

“Ikaw ang gusto kong maging boyfriend kaya huwag mo na kong i-ship sa iba,” nagmamadaling sabi ni Denim, tinutulak si Eton palabas na binuksan na ang pinto sa gilid nito. “Don’t die, okay?”

Tumango lang si Eton saka ito bumaba ng kotse.

Si Denim naman, hindi na nag-aksaya ng oras. Alam niyang makakagulo lang siya kung iintindihin pa siya ni Eton habang nakikipaglaban ito kaya pinaharurot agad niya ang kotse. Mabilis namang nagsiiwas ang mga bampira sa paligid ng sasakyan at tumalon para siguro atakihin si Eton.

Baby E, please be safe.

Dere-deretso lang ang pagmamaneho niya hanggang sa matanaw na niya ang maliit na ospital. It was just a plain white two-storey building and it seemed so quiet inside.

Pagkaparada ni Denim sa harap ng ospital, bumaba agad siya ng kotse at tumakbo papunta sa main entrance ng building. Pero hindi pa man din niya nahahawakan ang glass double doors, may bumagsak nang tatlong bampirang may barcode sa leeg sa kanyang harapan.

Dahan-dahan siyang umatras habang pinagmamasdan ang mga Bloodsucker na nakaharang sa daan niya. Iba ang mga ito sa nakasanayan niyang mga bampira na kalmado. Ang tatlo sa harap niya ngayon, mababangis ang anyo. Itim ang mga mata na may ginintuang bilog sa gitna, payat at naka-crouch na parang handa nang umatake, at tumutulo ang laway na parang gutom na gutom na.

Hindi nila ko puwedeng kagatin, `di ba?

Umangil ang mga Bloodsucker at nagsitalunan para sugurin siya.

Mabilis namang tumakbo si Denim palayo. Hindi nga nila ko puwedeng kagatin, pero puwede naman nila kong patayin sa ibang paraan!

May kung anong lumipad sa itaas niya.

Natigilan siya sa pagtakbo. Nang pumihit siya paharap sa mga humahabol sa kanya, nakahinga siya ng maluwag nang makita ang malapad at sexy na likod ni Eton habang nakikipaglaban ito sa mga bampira.

Alam ni Denim na hindi `yon ang tamang oras para mag-daydream, pero hindi niya mapigilang mapatitig kay Eton. Sobrang tight ng puwitan nito na na-a-accentuate sa tuwing mag-ha-high kick ito. Lalo ring naninikip ang manggas ng jacket nito sa pag-flex ng biceps nito sa bawat pagsuntok. `Yong huling sipa ni Eton, tumagos sa dibdib ng Bloodsucker dahilan para maglaho `yon at maging abo na lang. Napapikit naman siya nang makitang dinukot ng baby boy niya ang puso no’ng isa pang bampira at malamang, dinurog nito `yon sa kamay nito. Kahit hindi niya nakita, sigurado siyang naging abo ang Bloodsucker. Sa sobrang bilis ng pagkilos ni Eton, hindi na nagkaro’n ng pagkakataong sumigaw ang mga kalaban nito.

Nang magmulat siya ng mga mata, nagulat siya nang mapansing nawala si Eton sa paningin niya pero nakahinga rin siya ng maluwag nang mabilis din itong sumulpot sa likuran ng bampirang nakaharap sa kanya, kaya nakikita na niya ang mukha ng Bloodkeeper ngayon. Wow, sobrang guwapo at kalmado pa rin ni Eton habang nakikipaglaban na para bang hindi ito nahihirapan.

Go, Baby E!

In-armlock ni Eton sa leeg ang bampira sa harap nito na umungol na parang nasasaktan. With one solid twist, he broke the Bloodsucker’s neck and… and…

Nag-iwas ng tingin si Denim nang mapugutan ng leeg ang bampira.

“You can look now,” deklara ni Eton mayamaya.

Tumingin naman si Denim kay Eton. Hindi man pinagpawisan ang lalaki, may talsik naman ng dugo ang pisngi, T-shirt, at jacket nito. Siyempre, puno rin ng dugo ang kamay nitong pinangdukot nito ng puso kanina. Iiling-iling na lumapit siya sa lalaki habang may dinudukot sa bulsa ng ripped jeans niya.

“Let’s go,” aya sa kanya ni Eton.

Hinawakan naman ni Denim ang malinis na kamay ni Eton para pigilan ito. Nang kunot-noong lingunin siya ng lalaki, walang sabi-sabi at marahan niyang pinunasan ang talsik ng dugo sa pisngi nito. Pagkatapos, nilagay niya ang panyo sa duguang kamay nito na halatang ikinagulat nito. “Let’s go.”

Nagpauna na siya sa pagtakbo pero bago pa niya mahawakan ang pinto, nasa harap na niya si Eton at ito ang nagbukas ng glass double doors para sa kanya. Napangiti tuloy siya.

Ohh. Gentleman din pala si Baby E.

Mabilis ding nawala ang ngiti ni Denim nang makitang wala nang katao-tao sa reception area pa lang ng ospital. Sa sobrang tahimik ng lugar, sigurado siyang nakatakas na ang lahat ng residente do’n. Mukhang naunahan na naman sila ng mga kalaban.

Isang malakas na pag-angil ang gumising sa diwa niya. Kasunod niyon ay ang pagkabasag ng mga salaming bintana sa paligid nila kung saan dumaan ang mga Bloodsucker. Napa-squat naman siya kasabay ng pagtatakip niya sa ulo niya gamit ang mga braso niya. Pero sa pagtataka niya, kahit na nagkalat ang mga bubog sa paligid niya, wala ni isang tumama sa kanya.

Nang tumingala siya, nagulat pa siya nang makitang nababalot na ng yelo ang mga matutulis na basag na piraso ng salamin na malamang ay tumama na sa kanya kung hindi lang napigilan. The frozen broken pieces of the glass windows were suspended in the air and if only she wasn’t in a dire situation, she would have appreciated the fact that Eton’s ice was crystal clear and it looked beautiful.

“Are you hurt, Denim?” tanong ni Eton at hindi siya sigurado pero parang nag-aalala ang boses nito.

Natauhan si Denim sa tanong ni Eton. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niya ito na nakatayo at naka-crouch sa harap niya, pero nakatalikod ito mula sa kanya. Halatang pinoprotektahan siya ng Bloodkeeper mula sa mga bampira sa paligid nila. Gaya kanina, mga Bloodsucker `yon dahil sa barcode ng mga ito sa leeg. Pero sa pagkakataong `yon, kalmado ang mga bampira tulad ng mga dati niyang bantay.

Mabilis pero maingat na iniwasan niya ang mga nakalutang na yelo sa ulunan niya nang tumayo siya at lumayo mula sa mga basag na salamin sa ere.

“I’m not hurt,” sagot ni Denim nang deretso na siyang nakatayo. Pamilyar ang mukha ng ilang mga Bloodsucker sa harap niya dahil minsan na niyang naging bodyguard ang mga ito. Meaning, tauhan sila ni Finn. And he’s probably here as well.

“Umalis ka na,” utos sa kanya ni Eton. “Bumalik ka na sa kotse at umalis dito. Parating na ang back-up kaya siguradong makakasalubong mo sila. Ako nang bahala rito.”

Tumutol ang kalooban ni Denim pero alam niyang hindi makikinig si Eton sa kanya. Kaya tumakbo siya, hindi palabas kundi papunta sa left side niya kung saan tiningnan lang siya ng mga Bloodsucker. Tama nga ang hinala niya. Tauhan ni Finn ang mga kalmadong bampira kaya hindi siya sinusugod.

“Denim!” sigaw ni Eton sa iritadong boses. “You’re impossible, woman!”

“I’m sorry, Eton!” sigaw naman ni Denim habang patuloy lang siya sa pagtakbo. “Mauuna na ko sa’yo. Again, don’t die!”

Mga ungol at tunog ng labanan na lang ang narinig niya.

Dumeretso siya sa hagdanan na nakita niyang may pinto pababa. Malamang, sa underground `yon papunta. Ayon sa video ni Marigold na napanood niya, nasa basement ang mga biktima.

Mabuti na lang at athletic siya kaya kahit kanina pa siya nagtatatakbo, nanatiling matibay ang mga binti niya habang pababa ng mahabang hagdan. Nang makita niya ang pinto sa dulo ng hagdan, tinulak niya `yon pabukas para makapasok siya sa basement. At mabilis siyang natigilan sa sumalubong sa kanya.

Si Finn, nakasandal sa dingding habang nakahalukipkip. Hindi gaya ng pormal na kasuotan nito madalas, kaswal ito sa suot na black bullcap, black leather jacket that was zipped up to his neck, black pants, and black combat boots. He even wore black gloves. And his was aura was just as dark as his outfit.

Ang pagsara ng pinto sa likuran niya ang gumising sa kanya mula sa pagkabigla.

“Finn,” bulong ni Denim, hinahabol ang hininga mula sa pagtakbo.

“I hope you realize how mad I am at you right now,” sabi ni Finn sa pantay pero nagbabantang boses. “Denim Blue Benitez, where’s the memory card?”

“I hope you realize how disappointed I am with you right now,” galit na ganti ni Denim, saka niya tinalikuran si Finn at naglakad siya papunta sa pinto sa dulo ng pasilyo na alam niyang ang laboratory na nakita niya sa video ni Marigold.

Alam niyang sinusundan siya ni Finn ng tingin dahil damang-dama niya ang matalim nitong mga mata sa likod niya. Sa totoo lang, natatakot siya. Pakiramdam niya, hindi na niya kilala si Finn. Kung hindi lang siya hinayaang makadaan ng mga bampira kanina, iisipin niyang baka kaya na rin siyang saktan nito.

Hinawakan niya ang doorknob ng pinto ng laboratory at nagulat siya nang sa mahinang pagtulak pa lang niya ay gumalawa na `yon.

The door is open.

Tinulak ni Denim ng malakas ang pinto habang pihit-pihit ang seradura. Madilim ang silid at wala pa man din siyang naaaninag ng malinaw, napasimangot na agad siya sa matindi at nakakasulasok na amoy na umatake sa pang-amoy niya. Pero inasahan na niya `yon kaya pinangtakip na lang niya sa ilong ang kanyang kamay habang nanatiling nakahawak ang isa sa doorknob.

Nang masanay na ang mga mata niya sa dilim, naaaninag na niya kung ano ang nasa loob ng laboratoryo. It was exactly what it looked like in the video. Pregnant women inside giant tubes filled with water, dead bodies opened up in the stomach, fetuses everywhere.

Hindi niya kinayang makita ng personal ang nakakapangilabot na lugar at ang kaawa-awang mga babae, kaya nabitawan niya ang seradura dahilan para muling sumara ang pinto at maiwan siya sa labas.

Napaatras naman si Denim palayo sa pintuan. Nalaman niya lang na nanginginig ang buong katawan niya nang bumigay ang mga tuhod niya at mapaluhod siya sa sahig. Pumatak na lang ang mga luha niya dala ng shock. Totoo ang lahat ng sinasabi ni Marigold Hamilton sa video nito.

“I told you not to get involved here, Denim.”

Napalitan ng galit ang shock na naramdaman ni Denim nang makita niya ang combat boots ni Finn. Nakatayo na ang lalaki sa harapan niya. Kaya kahit nanghihina pa siya, pinilit niya ang sariling tumayo para bigyan ng masamang tingin ang Bloodkeeper. “How did you get involved in this mess, Finn?”

Nanatiling blangko ang mukha ni Finn. “Naririnig ko na ang chopper. Let’s get out of here.”

Mariing umiling si Denim, saka siya tumingin sa pinto ng laboratory. “I have to save them.”

“Wala nang buhay sa mga naiwan d’yan,” malamig na sabi ni Finn. “Nailipat na namin ng laboratory ang buhay na mga test subject. When I realized that the memory card in the necklace was gone, I knew you were going to find this place. Kaya kumilos na kami para ilipat ang mga buhay pa sa ibang lugar.”

Test subject?

Pagharap ni Denim kay Finn, hindi niya napigilan ang pagsampal sa lalaki na hindi man lang natinag. Binuhos niya ang natitirang lakas niya sa sampal na `yon kaya parang nabali ang kamay niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon, pero hindi niya `yon ininda. “Kailangan pa naging ganyan kababa ang tingin mo sa buhay ng mga tao, Finn? Test subject? Naririnig mo ba ang sarili mo?”

Himbis na sumagot, kumilos lang si Finn at binuhat siya. “Wala akong kailangang ipaliwanag sa’yo.”

Bago pa makapagreklamo si Denim, naramdaman na lang niya na tumatakbo na si Finn habang karga-karga siya. Umaakyat ito ng hagdan pero sa bilis ng kilos nito, napapikit na lang siya sa pagtama ng malakas na hangin sa mukha niya. Muli lang siyang nagmulat no’ng huminto ang Bloodkeeper.

Nasa rooftop na sila at may nakaabang nang chopper sa ere pero medyo mataas pa `yon.

“Ibaba mo ko, Finn,” mariing utos ni Denim dito.

Bumuga ng hangin si Finn at binaba naman siya, pero nanatili itong nakaharang sa harap niya na para bang pinipigilan siya sa pagtakbo. “Natatakot ka ba sa’kin, Denim?”

Tumingala si Denim kay Finn para ipakita dito ang takot niya. “Oo, Finn. Natatakot ako sa’yo. Pero hindi sa Finn na nakilala at nakasama ko for the past twenty years. I’m afraid of the Finn that I have turned into a monster.”

Kumunot ang noo ni Finn. “I don’t understand.”

“Everything you do, you do it to protect me,” malungkot na sagot ni Denim. “Hindi ka masama, Finn. Pero alam kong kaya mong maging masama para lang protektahan ako. Sigurado akong napipilitan ka lang na sundin ang Magnus na `yon para sa’kin. Ano bang hawak niya para mapasunod ka niya?”

Nanlaki ang mga mata ni Finn na parang nagulat. “Sinabi nila sa’yo ang tungkol kay Magnus?” Sumigaw ito na parang galit na galit. “I’m going to kill them!”

“Do you want me to kill myself first, Finn?”

Biglang kumalma si Finn. “Denim…”

Tinapik ni Denim ang sarili. “Ako ang may kasalanan ng lahat ng `to. Kung mawawala ako, wala ka na ring poprotektahan. Hindi mo na rin kailangang maging halimaw!”

“What made you think that I’m doing this to protect you?” angil sa kanya ni Finn. “Aren’t you being a little too self-centered, child?”

“You’re not a bad person, Finn,” giit ni Denim. “I believe in you. Kahit ano pa ang nalaman ko, naniniwala pa rin akong labag sa kalooban mo ang lahat ng ginagawa mo. Kasi kung hindi, bakit ganyan kalungkot ang mga mata mo ngayon?”

Pumikit si Finn na parang kinakalma ang sarili. “Umalis muna tayo rito, Denim. Mag-usap na lang tayo kapag kalmado ka na.”

“At nabura mo na ang memory ko tungkol dito?” tanong ni Denim, saka siya humakbang palayo kay Finn. “Hindi ako sasama sa’yo, Finn.”

Nagmulat ng mga mata si Finn. Halata ang shock sa mukha nito.

“Hahanapin ko ang Magnus na `yon at sisiguraduhin kong makakawala ka mula sa kanya,” pagpapatuloy ni Denim habang paatras ng paatras palayo kay Finn. “Sigurado akong kinokontrol ka lang niya. It’s my turn to protect you, Finn.”

Umiling si Finn. Bakas sa mukha nito ang pagmamakaawa. “Baby, the only way for you to protect me is to stay by my side. You being safe with me is what I need to keep me sane. So let’s go home. Please.”

Huminto si Denim sa pag-atras nang maramdaman niyang malapit na siya sa edge ng rooftop. Hindi na niya mapigilan ang pagpatak ng mga luha niya. “If you want me back, then tell me where to find Lilac and Tyrus.” Binigyan niya ng nagmamakaawang tingin si Finn. “Please.”

Nanatili lang nakatayo si Finn, halata sa mukha ang matinding pagkalito.

Unti-unti nang bumababa ang chopper mula sa kabilang dulo ng rooftop. Binaba na rin ang rope ladder at may kung sinong bampira ang tumawag sa pangalan ni Finn.

Inipit ni Denim ang buhok niya sa likod ng mga tainga niya dahil lumakas na ang hangin sa paligid dahil sa chopper. Masyado na ring maingay dahil sa engine niyon. Pero sa kabila ng lahat, para bang narinig pa rin niya ang pagkabasag ng puso niya nang naging blangko ang mukha ni Finn at tumalon ito paatras.

Akala niya, `yon ang desisyon ni Finn– ang iwan siya. Pero mabilis din niyang na-realize na mali ang iniisip niya sa pag-atras ng best friend niya nang makita niya ang ice daggers na nakabaon sa sahig, sa mismong parte kung saan ito nakatayo kanina.

And then Eton fell from the sky, right beside her.

“Denim…” buka ng bibig ni Finn.

Hindi na naririnig ni Denim ang ibang sinasabi ni Finn dahil sa ingay ng chopper. Pero nakita niya ang desperasyon sa mukha nito habang pinipilit nitong muling lumapit sa kanya. `Yon nga lang, sa tuwing humahakbang ito palapit ay hinahagisan ito ni Eton ng mga patalim na gawa sa yelo.

Kusang kumilos ang mga paa niya para lumapit kay Finn, pero hinarang ni Eton ang braso nito sa daan niya. Do’n siya natauhan at muling pinandigan ang desisyon niyang huwag sumama sa best friend niya hangga’t hindi ito nakikipagtulungan sa kanila.

“I’m sorry,” bulong ni Denim. “I’m so sorry, Finn.”

Kitang-kita niya ang sakit, galit, at pagkadismaya sa mukha ni Finn. Siguro, iniisip nito na tinraidor niya ito. He gave her one last accusing look before turning his back on her.

Napapikit na lang si Denim nang makitang tumalon si Finn para kumapit sa hagdan mula sa chopper. Hindi niya kayang makita ang pag-alis ng best friend niya dahil alam niya, ng gabing `yon, naghiwalay na rin sila ng landas at malinaw na magkaiba ang pinili nilang panigan sa nangyayaring labanan.

NANG masiguro ni Eton na maayos namang nagagawa nina Hyacinth, Saffron, at Onyx ang pamumuno sa ibang mga Bloodkeeper sa paglalabas ng mga biktima mula sa laboratory at paglalagay sa mga bangkay sa bodybag, iniwan na niya ang tatlo.

Palabas na siya ng ospital nang matigilan siya. Mula sa basag na salaming pinto, nakita niya si Denim na nakatayo lang sa labas habang nakatingala. Napansin din niyang yakap ng babae ang sarili nito. Sabagay, malamig ang hangin dahil malalim na ang gabi. Saka manipis din ang suot nitong T-shirt.

Huhubarin sana niya ang suot niyang jacket, pero napansin niyang puro talsik ng dugo `yon.

This won’t do.

Hinarang ni Eton si Saffron na dumaan sa gilid niya habang may dalang bodybag na wala pa namang laman. “Take off your jacket, kid.”

Nanlaki ang mga mata ni Saffron at niyakap nito ang sarili. Pero nang angilan niya `to, natawa ito at hinubad ang itim nitong jacket na mabilis din nitong inabot sa kanya. Tinapik pa siya nito sa balikat. “Please tell Denim to give it back later. I kinda like that one,” nakangising sabi ni Saffron bago siya nito layasan.

Sa tandang `yon ni Eton, hindi niya akalaing makakaramdam pa siya ng pagkapahiya. Gano’n ba siya kahalata sa naiisip niyang gawin?

Whatever.

Lumabas si Eton at tumayo sa tabi ni Denim. Nang naramdaman niyang lumingon sa kanya ang babae, inangat niya ang hawak niyang jacket nang hindi ito tinitingnan. “Para hindi ka lamigin.”

“Mas kailangan ko yata ng yakap mo, Baby E,” magaang na sabi ni Denim. “Mas mainit naman ang mga Bloodkeeper kaysa sa normal na tao.”

Hinagis ni Eton ang jacket ni Saffron na wala naman palang silbi. Pero hindi naman siya kumilos para gawin ang inaasahan ni Denim. Mukha namang okay ang babae dahil nakakapagbiro pa ito. “Ano bang ginagawa mo rito? Nangako naman ako sa’yong makakarating ng maayos ang katawan ng mga biktima sa mga pamilya nila, kaya hindi mo kami kailangang bantayan.”

“Hindi naman `yon ang dahilan kung bakit nag-stay ako,” pabulong na sagot ni Denim. “Umaasa pa rin yata ako na lahat ng nangyari ngayong gabi, shooting lang para sa bago kong action movie. Naghihintay ako na may sumigaw ng ‘cut!’ para matapos ko na ang eksenang `to. How can reality be this bad?”

“Reality is stranger than fiction, so they say.”

“Bakit hindi mo hinabol si Finn kanina?” nagtatakang tanong ni Denim. “May chance ka pa sanang maabutan siya dahil hindi pa naman nakakalayo ang chopper no’ng dumating ka.”

`Yon nga rin ang pinagtataka ni Eton sa sarili. Balak naman sana niya talagang habulin si Finn dahil ang lalaki ang siguradong nakakaalam kung nasaan sina Lilac at Tyrus. Pero nang makita niyang umiiyak si Denim, hindi na niya nagawang umalis sa tabi ng babae.

He felt the strong urge to protect her and to keep her away from Finn. Kung bakit, hindi niya alam.

“Eton?” untag ni Denim sa kanya.

“Narinig ko `yong sinabi mo kay Finn na babalik ka lang sa kanya kung sasabihin niya kung nasaan sina Lilac at Tyrus,” pagsisinungaling ni Eton. “Nagdesisyon akong magtiwala sa naisip mong plano dahil nakita ko kung gaano kalaki ang kumpiyansa mo na mapapasunod mo ang kaibigan mo.”

Bumuntong-hininga si Denim. “Kung siya pa rin ang Finn na kilala ko, sigurado akong hindi niya ko matitiis.” Nagkuskos ito ng mga mata at nang muli itong magsalita, halatang inaantok at pagod na ito. “Kailangan lang niya ng oras para kumalma.”

“Magpahinga ka na, Denim…” Natigilan si Eton nang mapansing hindi lang basta kinukusot ni Denim ang mga mata. Tinatago nito mula sa kanya ang pag-iyak. Bumuga siya ng hangin at namaywang. “Kung iiyak ka ng ganyan, sana sumama ka na lang kay Finn kanina. He was right. You didn’t have to get involved here. Mortal ka kaya hindi ka madadamay sa parusa ng grupo nila.”

“Sinabi nang may konsensiya ako, eh,” parang batang pagmamaktol ni Denim. Naghalo-halo na siguro ang takot, pagod, at lungkot nito kaya naging bugnutin bigla. “Hindi ko mapipigilan sa pagiging masama si Finn kung sumama ako sa kanya dahil siguradong buburahin niya ang memories ko. Ayoko nang maging clueless uli sa nangyayari. So don’t you dare try to erase my memory, too.”

Well, tungkulin ng Bloodkeeper na tulad ni Eton na siguraduhing walang alam ang mga mortal tungkol sa mapanganib na mundo nila kaya nga may kakayahan silang manipulahin ang isipan ng mga tao. Pero hindi niya magagawa kay Denim ang bagay na `yon. The information she had was valuable. Plus, she still had the memory card they needed. “Hostage ka na namin ngayon laban kay Finn Lee Mancini kaya hindi ko puwedeng burahin ang mga alaala mo.”

Bumuga ng hangin si Denim. “May konsensiya ako kaya makakaasa kayo sa full cooperation ko.”

“You hold grudges, don’t you?” iiling-iling pero naaaliw na tanong ni Eton.

Nagkibit-balikat lang si Denim. “Basta ako, malinis ang konsensiya ko. Marunong din akong mag-sorry kapag napapatunayan kong mali ang judgment ko sa ibang tao.”

“Fine,” pagsuko naman ni Eton. “I’m sorry for judging you wrongly before. For thinking the worse about your character. And for accusing you of betraying the human race. Mali ako. Okay na?”

Marahang tinapik-tapik ni Denim ang mga tainga at lumingon-lingon ito sa paligid. “What was that? Parang may naririnig akong bumulong. But I can’t hear it clearly.”

Much to Eton’s annoyance, he heard all the Bloodkeepers in the area laugh. His team was obviously amused by his little banter with Denim.

Lagot kayo sa’kin mamaya.

“Nawala na `yong boses,” mayamaya ay sabi ni Denim sa painosenteng boses. “Makaalis na nga.”

Humarang si Eton sa daan ni Denim. Bago pa `to makapagreklamo na naman, pinalupot na niya ang isang braso sa mga balikat nito at kinabig ito palapit sa katawan niya. Ang isang kamay naman niya, pinasok niya sa bulsa ng kanyang jacket. Baka kasi aksidenteng mapipi niya ang babae kung dalawang braso ang gagamitin niya. Nakalimutan na niya kung ano ang tamang lakas na gagamitin dahil matagal na no’ng huling beses na may yakapin siyang mortal.

I’m not crushing her, am I?

Mukhang hindi naman dahil narinig at naramdaman niyang bumuntong-hininga si Denim, bago nito sinubsob ang mukha sa dibdib niya at ipalupot pa ang mga braso sa baywang niya. Knowing that he was doing the embrace right, he eventually relaxed.

“Kung hindi ka lang mainit, iisipin kong poste ang yakap ko,” reklamo ni Denim sa basag na boses. “Bakit ka ba biglang nangyayakap d’yan? Gusto mo rin ba ko?”

Hindi na lang pinansin ni Eton `yon. Unti-unti niyang napapansin na dumadaldal si Denim para itago ang takot o sakit na nararamdaman nito. She was forcing herself to sound okay probably because she didn’t want other people to worry about her. “Pinahiram mo ko ng panyo mo kanina. Kaya ngayon, papahiram ko sa’yo ang katawan ko para iyakan mo. I won’t judge you. Humans are naturally emotional.”

After a few seconds of silence, Denim eventually broke down. Umiyak ito. Iyak na parang bata.

“I’m sorry that you have to get caught up in this chaos,” bulong ni Eton, sinusuntok ng konsensiya ang dibdib, habang marahan niyang tinatapik-tapik ang likod ng babae. “But you have to be strong, Denim. Things are just about to get uglier.”

---END OF PART 1---

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.