Bad Blood/Bad Romance Duology Chapter 16

<BOOK 2: BAD ROMANCE>

***

“LILAC!” nag-aalalang bulalas ni Tyrus. Marahan niyang niyugyog ang balikat ng dalaga. Hindi naman siya natataranta dahil alam niyang buhay pa ito, pero nag-aalala siya dahil ramdam niyang nanghihina ito. “Hey. Wake up.”

Kumunot ang noo ni Lilac hanggang sa unti-unti na itong nagmulat ng mga mata. Ilang segundo itong nakatitig lang sa mukha niya, saka ito ngumiti. “Tyrus, you’re back to normal.”

“Ano bang nangyari sa’kin kanina?”

“Tinatawag mo kong Rosemary.”

Napamura si Tyrus sa isipan. Malamang, kagagawan `yon ng dugo na sapilitang pinainom sa kanya. Hindi na niya natatandaan ang eksaktong pangyayari dahil wala rin siya sa sarili no’ng oras na `yon, pero medyo naaalala niyang may nagpatak ng dugo sa bibig niya hanggang sa mabaliw na siya sa lasa niyon at hindi na niya alam ang sunod na mga nangyari.

“Pinainom ka raw ni Cerise Alessandra Stratton ng dugo niya,” mayamaya ay sabi ni Lilac. “At bilang epekto no’n, nakita mo raw sa isipan mo `yong bagay na ayaw mo nang maalala.”

That traitor? Then it meant that they were kidnapped. Damn.

“Buti na lang effective `yong naisip ko para maalis ang epekto ng dugo ni Cerise sa’yo.” Bumangon si Lilac at ginalaw-galaw ang leeg at mga balikat nito. “Nalinis ng dugo ko ang dugo niya sa sistema mo.”

Kumunot ang noo ni Tryus at bumangon din. Itatanong pa lang sana niya kay Lilac kung pinainom uli siya nito ng dugo nito, pero hindi na kinailangan dahil nang ikiling nito sa kanan ang ulo nito, na-expose sa kanya ang leeg nito. Na may marka ng kagat ng pangil. “Shit,” hindi makapaniwalang bulalas niya. Nang nag-angat siya ng tingin kay Lilac, napansin niyang nakatitig ito sa kanya. “Kinagat kita sa leeg.”

Tumango si Lilac, saka humawak sa leeg nitong may kagat. “Oo. Pero hindi naman ako naging half-vampire tulad mo.”

Marahang umiling si Tyrus. “Hindi naman kita mababago dahil lang sa kinagat kita sa leeg. Pero ito na ang pangalawang beses na ininom ko ang dugo mo. Sigurado akong nagkaro’n na ng koneksyon ang mga isipan natin kanina. Tama ba?”

Bumuntong-hininga si Lilac, pero tumango ito. “Ang sarap pa naman sana sa feeling habang kinakagat mo ko kanina…”

“Masarap sa “feeling?”” Hindi napigilan ni Tyrus ang mapangisi sa sinabi ni Lilac dahil alam niya eksakto kung ano ang nararamdaman ng isang mortal kapag kinakagat sa leeg ng isang tulad niya. It was equivalent to a human’s sexual pleasure. He was glad to know that he had pleased her when he bit her neck. “Thank you.”

“Shut up,” inis pero namumula ang mukha na saway ni Lilac sa kanya. Tumikhim pa ito, saka niyakap ang mga binti. Nang nagsalita ito, seryoso na at nakatitig pa sa mga mata niya. “Nakita ko `yong ilang memory niyo ni Rosemary. Alam ko na kung bakit nakatulog ka for fifty years.”

“Ah.” Lumiyad si Tyrus at tinukod ang mga kamay niya sa likuran niya habang nakahaba ang mga binti niya sa sahig. Nag-iwas siya ng tingin. “Helper siya ng pamilya Rousell. Bata pa lang siya, malapit na ang loob ko sa kanya. Kaya no’ng nasa early twenties na siya, hindi ko na pinigilan ang damdamin ko para sa kanya. Pero hindi ko naman inakala na magiging gano’n siya ka-attach sa’kin. Pagkatapos ng Eternal Sleep, naging busy ako sa pagsasanay at paghuli sa mga traidor. Nagkalayo kami ni Rosemary no’ng nadestino kami ni Ethan sa Europa para hulihin ang Nobleblood na si Francis Armulo de Leon. Ginawa ko naman ang lahat para ipakita at iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko kahit magkalayo kami.”

“Nakita ko naman `yon sa memory mo,” puno ng simpatya na sabi ni Lilac. “Madalas kang sumulat sa kanya at pinupuntahan mo siya kapag kaya mo. Pero gusto niyang lagi kayong magkasama.”

“Na ayokong mangyari dahil masyadong mapanganib para sa kanya,” sagot ni Tyrus. “Ginusto niyang baguhin ko siya para raw masamahan niya kong lumaban. Pero ewan ko ba. Hindi ko naramdaman na dapat kong gawin `yon. Kasalanan ko rin siguro dahil nasakal ako sa pagmamahal niya, kaya pansamantala ko siyang nilayauan. Gusto ko kasing matuto muna siyang tumayo sa sarili niyang mga paa, para maging mas malakas siya at hindi parating nakadepende sa’kin. But it didn’t turn out well. Inutusan ako ni Rosemary na matulog at gumising lang kapag wala na siya sa mundong ito.”

“Paano niya nagawa `yon, Tyrus?”

Nilingon ni Tyrus si Lilac. “Alam mo namang may lahing salamangkera ang aking ina, `di ba?”

Tumango si Lilac, puno ng kuryosidad ang mukha. “May lahing witch din ba si Rosemary?”

“Oo, dahil matalik na magkaibigan ang aming mga ina,” tumatango-tangong sagot ni Tyrus. “Parang sumpa ang binitawang salita ni Rosemary, idagdag pa na maraming dugo niya ang nasa sistema ko dahil siya lang naman ang mortal na iniinuman ko ng dugo. Because I trusted her with all my heart. That’s why I never understood why she always doubted my love for her.”

“Women are vulnerable that way, Tyrus,” sabi naman ni Lilac. “We always need assurance because we always give everything we have for the person we choose to love.”

Ngumiti ng malungkot si Tyrus. “I know that now.”

“I really can’t blame you, though,” bawi naman ni Lilac. “Nakita ko naman na hindi ka tumatakas lang. Talagang naging busy ka lang sa paghuli sa mga traidor na Nobleblood.” Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. “Anong naramdaman mo no’ng nalaman mong wala na sa mundong ito si Rosemary nang nagising ka?”

“I won’t lie,” matapat na sagot ni Tyrus. “Galit pa rin ako kay Rosemary kahit no’ng nalaman kong wala na siya sa mundo. Nakita mo naman siguro na bago pa niya ko isumpa, parati na kaming nag-aaway dahil kinokontrol niya ko para lang hindi ako umalis sa tabi niya. Dahil sa kanya, madalas kong hindi nasasamahan si Ethan sa mga misyon. Pero higit sa lahat, nagalit ako no’ng nalaman ko mula kay Ethan na si Rosemary pala ang dahilan kung bakit namatay ang aming ina.”

“Hindi ko `yon nakita sa memory mo,” gulat na bulalas ni Lilac. “What happened?”

“Magigising lang ako kapag namatay siya, kaya nilagay niya sa panganib ang buhay niya,” pagsisimula ni Tyrus. “Nagpunta siya sa bayan na sinasakop ni Francis Armulo de Leon dahil gusto niyang maging tulad namin sa pamamagitan ng anak na lalaki ni Francis na isang Bloodkeeper. Inakit niya ang Bloodkeeper na ito para baguhin siya. Pero para mangyari `yon, kailangan niya munang mamatay.”

“At kapag namatay siya, magigising ka,” paghula ni Lilac. “Kung nagising ka sana no’ng oras na `yon, isa na siyang Bloodkeeper.”

Tumango si Tyrus, nagtatagis ang mga bagang. “Natakot daw si Rosemary nang makuha na nito ang loob ng anak ni Francis dahil naging obsessed daw dito ang lalaki. Humingi raw ito ng tulong sa aming ina para makatakas mula sa Bloodkeeper. My mother died while helping Rosemary escape. Ang aming ina raw ang nakipaglaban sa anak ni Francis gamit ang salamangka. Nang dumating naman si Ethan, huli na ang lahat dahil matagal nang walang buhay ang aming ina. Napatay naman ng kakambal ko ang Bloodkeeper, pero wala naman nang saysay `yon. Rosemary, on the other hand, lived longer and even had her own family. Ang sabi pa ni Ethan, pinakasalan daw ni Rosemary ang lalaking tumulong at kumupkop dito matapos nitong takasan ang anak ni Francis.”

“I’m sorry…” bulong ni Lilac.

“Galit na galit ako nang nalaman ko ang nangyari habang tulog ako,” iiling-iling na sabi ni Tyrus. “Pero namatay na si Rosemary dala ng katandaan, kaya hindi ko na siya magagantihan dahil sa pagkamatay ng aking ina. Binuhos ko na lang ang galit ko sa pagtugis kay Francis Armulo de Leon na nanatili pa ring buhay no’ng panahong natutulog ako. Pero kung kelan naman nakita na namin siya ni Ethan, naunahan naman kami ni Magnus na tapusin siya.” Kumunot ang noo niya. Sa pagbanggit niya ng pangalan ng kalaban nila, saka niya naaalala na hindi `yon ang tamang oras para pag-usapan ang tungkol sa nakaraan niya. “Enough of my past. Kailangan na nating makatakas dito.”

Bumuga ng hangin si Lilac. “Nakabantay si Cerise Alessandra Stratton sa’tin. Kaya mo bang labanan ang isang Nobleblood para makatakas tayo? Nabawi mo na ba ang lakas mo?”

Mariing tumango si Tyrus. “Gagawa ako ng daan para makalabas ka, Lilac.”

“NAKIPAG-ugnayan na si Finn Lee Mancini kay Denim Blue Benitez,” pagbabalita ni Eton sa mga kasamahan niyang sina Hyacith, Onyx, at Saffron. “Binigay niya ang lokasyon nina Tyrus at Lilac. Nagpadala rin siya ng picture ng dalawa para patunayan ang sinasabi niya. Pero ang kondisyon niya, kailangang kaming dalawa lang ni Denim ang pupunta. Sa oras daw na makita niyang may ibang nakasunod sa’min, tatapusin daw agad niya si Tyrus dahil si Lilac lang naman daw ang kailangan nila.”

Hinampas ni Onyx ang kamay sa mesa. “Ang lakas ng loob nilang pagbantaan ang buhay ng captain natin!” angil pa nito.

“Nakakasiguro ako na gagawin niya ang banta niya kaya wala tayong magagawa kundi ang sumunod sa hinaing kondisyon ni Francis Lee Mancini,” mariing sabi ni Eton. “Kaya ngayon, pupunta kami ni Denim sa lugar na sinabi ng traidor na Bloodkeeper.”

“Nang hindi sasabihin sa’min kung saan?” hindi makapaniwalang tanong ni Hyacinth.

“Ililigtas ko si Captain Tyrus kaya huwag kayong mag-alala,” paiwas na sagot ni Eton. “Ang gusto ko, maiwan kayo rito at ipagpatuloy ang pagbabantay sa lahat ng tauhan ng Star Crib, lalong-lalo na kay Miguel Lorenzo Benitez. Ngayong nakumpirma na nating hindi pa rin tumitigil si Magnus sa pambibiktima ng mga mortal na babae, mas lalong hindi dapat tayo huminto sa pagpigil sa kanila. Wala na sanang madagdag sa listahan ng mga biktima.”

“Pero paano ka, Vice-captain?” nag-aalalang tanong ni Saffron. “Kung mag-isa ka lang na pupunta ro’n, makakaya mo bang harapin mag-isa ang mga kalaban?”

“Minamaliit mo ba ang kakayahan kong lumaban?” sita ni Eton dito.

Mabilis namang umiling si Saffron. “Hindi sa gano’n, Vice-captain. I’m just worried.”

“Wala kang dapat ipag-alala dahil kaya ko ang sarili ko,” mariing sabi ni Eton. “Aalis na kami ni Denim.” Binalingan niya si Hyacinth. “Ikaw muna ang mamuno sa squad, Hyacinth.”

Magalang na yumukod si Hyacinth. “Salamat sa tiwala, Vice-captain. Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin naming wala nang madadagdag na biktima ni Magnus.”

“Aasahan ko `yan,” sagot ni Eton. Palabas na sana siya nang may maalala siya. “Pinapasabi nga pala ni Denim na may ginawa siyang fruit salad na nasa ref ngayon. Kainin niyo raw `yon kapag na-stress kayo sa meeting niyo. Huwag niyo sanang sayangin ang pagod niya sa paghahanda ng dessert para sa inyo.”

“Yes, Vice-captain,” sabay-sabay na sagot nina Hyacinth, Onyx, at Saffron.

Tumango lang si Eton, saka siya lumabas ng conference room para ibigay na kay Hyacinth ang pansamantalang pamumuno sa squad nila.

Dumeretso siya sa harap ng mansiyon kung saan nakaparada ang pick-up truck na gagamitin nila ni Denim sa pag-alis. Sa paanan ng bundok sa Bicol ang lokasyon na binigay ni Finn na kausap niya sa phone kanina. Mabuti na nga lang at wala pa sa mansiyon ang mga kasamahan niya nang tumawag ang traidor na Bloodkeeper kaya wala ibang nakarinig ng mga pinag-usapan nila.

Naabutan niya si Denim na nasa pasenger seat na. Nakabukas ang bintana at nakapalumbaba ang babae sa windowsill. He didn’t want to admit this, but she looked cute with her hair tied in twin pigtails.

“Aalis na tayo?” tanong ni Denim sa inaantok na boses.

Tumayo si Eton sa tapat ni Denim. Namulsa siya at pababang tumingin kay Denim na nakatingala naman sa kanya. Parang may sumuntok sa dibdib niya nang makita ang pagod at antok sa mukha nito. Sabagay, ilang oras pa lang ang lumilipas simula nang manggaling sila sa private hospital sa Bulacan. Ni hindi pa nga ito natutulog, pagkatapos ngayon ay bibiyahe na naman sila. “Oo. Matulog ka na lang sa biyahe mamaya. Gigisingin na lang kita kapag nakabili na ko ng breakfast mo.”

Sinama lang niya si Denim sa biyahe na `yon dahil alam niyang naroon si Finn at hindi hahayaang masaktan ang babae. Kung mapanganib ang sitwasyon, iiwan niya si Denim para hindi ito mapahamak.

Tumango si Denim. “Ang sweet talaga ng Baby E ko.”

Bumuga lang ng hangin si Eton, saka siya lumigid sa kotse at sumakay sa driver’s side. Binuhay na niya ang makina ng kotse, saka siya nagmaneho. Mahaba-haba rin ang biyahe nila kaya kahit mag-a-alas kuwatro pa lang ng umaga, aalis na sila.

“`Di ba sinabi ko naman sa’yong huwag mo na kong tatawaging ‘Baby E?’ Kung ayaw mo ng ‘Eton,’ tawagin mo na lang akong ‘Ethan.’ `Yon ang tunay kong pangalan.”

“Ohh,” tumatango-tangong sabi naman ni Denim. “Thank you for the offer. Pero mas sanay na ko sa Baby E. That’s what you are to me.”

“How can a one hundred twenty five year old Bloodkeeper be your baby?”

Napasinghap si Denim at nanlaki pa ang mga mata habang nakatingin sa kanya. “You’re so old.”

Hindi na nagkomento si Eton. Para sa mortal na tulad ni Denim, matanda na siya. Pero sa mundong nakasanayan niya, isa siya sa mga pinakabatang Bloodkeeper na nabubuhay ngayon.

“0623.”

Kumunot ang noo ni Eton. “Para saan ang mga numerong `yon?”

“`Yon ang number combination ng lock ng favorite jewelry box ko,” nakangiting sabi ni Denim. “Alam mo ba kung ano ang meaning ng number na `yon?”

“Hindi.”

“That’s the date of the first day we met,” halatang natutuwang pagkukuwento ni Denim. “It was love at first sight, Eton. When I saw you at the parking space that day, I already knew that you’re the one.”

Hindi na sumagot si Eton. Naalala niya ang araw na sinasabi ni Denim. Aaminin niya na no’ng mga oras na `yon, na-distract siya ng babae dahil sa kagandahan nito. Akala nga niya no’ng una ay Bloodkeeper din ito dahil sa sobrang ganda nito. Pero higit sa lahat, tinamaan siya sa tapang at loyalty na pinakita nito nang ipagtanggol nito si Finn mula sa kanya kahit halatang natatakot din ito.

Bravery, loyalty, and humanity were some of the things that “modern” people lack these days. Lalo na `yong mga bata pa na tulad ni Denim. Ng araw na `yon, alam na niyang espesyal ito. Pero siyempre, pinilit niyang kainisan ang babae dahil kakampi ito ng kalaban nila. Well, no’ng una.

“Anyway, nasa loob ng jewelry box na `yon ang locket na may family picture namin,” nakangiti pero malungkot na pagpapatuloy ni Denim. “`Ang sabi ni Uncle Miguel noon, last picture daw namin `yon nina Mommy at Daddy. It was taken during my third birthday. Nakakatawa nga kasi may hawak akong antigong dagger sa picture. `Yon daw kasi ang gift sa’kin ng parents ko. Weird `no?”

Tumango lang si Eton. “Pero bakit nakatago lang ang locket sa jewelry box mo?”

“I don’t often think about them,” malungkot na sagot ni Denim. “Pero siyempre, may times na na-mi-miss ko talaga sila. Gaya ngayon. Kaya puwede ba kong humingi ng favor sa’yo, baby? Nasa condo ko lang ang jewelry box. Kung puwede sana, pakikuha ang locket ko. And please keep it for me.”

“Bakit ako pa ang kailangang kumuha at magtago ng locket mo?” tanong ni Eton. “Puwede mo namang kunin at itago ang locket kapag nakabalik na tayo mula sa Bicol.”

“Makakabalik pa ba ko?” pabulong na tanong naman ni Denim.

“Denim,” saway ni Eton dito, saka niya sinulyapan ang babae na nakalabi habang nakatingin sa kanya. “Bakit mo naman naisip na posibleng hindi ka na makabalik?”

Halatang may gusto pang sabihin si Denim, pero sa huli ay ngumiti lang ito at umiling. “Baby E, para pala tayong star-crossed lovers `no?” Ah, binago na nito ang usapan. “Kasi magkalaban ang squad mo at ang family ko. But thankfully, we don’t hate each other. Para lang tayong sina Romeo and Juliet, `di ba?”

“They both died at the end of the story. Gusto mo bang mamatay din tayong dalawa?”

Nakalabing umiling si Denim. “Siyempre, ayokong mamatay ka.” Nagkuskos ito ng mga mata, halatang inaantok na. Pero nagpatuloy pa rin ito sa pagdaldal. “Romantic lang kasi ang love story nina Romeo at Juliet kaya sila ang na-mention ko.”

Hindi na nagsalita si Eton para matigil na rin ang usapan nila ni Denim. Hindi naman sa ayaw niyang kausap ang babae. Ang totoo nga niyan, nasanay na siya sa boses nito. Pero sa ngayon, gusto niyang matulog muna ito nang makapagpahinga naman bago ang sunod na laban. Himbis kasi na umidlip kanina, mas pinili nitong igawa ng panghimagas ang squad niya. Hinayaan na lang niya dahil mukhang kinailangan nitong ma-distract sa pamamagitan ng paggawa ng normal na bagay na siguro ay kinasanayan nito.

“Baby E, hindi ka ba curious kung bakit na-love at first sight ako sa’yo?” pangungulit uli ni Denim.

Hindi sumagot si Eton. Well, he was curious but he didn’t want to encourage Denim from talking nonstop when she badly needed to rest.

“Nagustuhan kita dahil sa pagiging considerate mo,” nakangiting sagot ni Denim sa kabila ng pananahimik niya. “Hindi mo sinaktan si Finn sa harap ko dahil nando’n ako. If you can be that thoughtful to a stranger, what more to the people you love? Sobrang cool ng dating mo no’n kaya tinamaan agad ako sa’yo. I felt right then and there that you’re the right man for me.”

Hindi alam ni Eton kung paano mag-re-react do’n kaya natahimik na lang siya. He didn’t want to admit this, but hearing Denim’s confession actually made his heart beat fast and loud. The last time it went crazy like this was thirty three years ago, during the time that Isabel and him were still together.

Ah, si Isabel. Hindi puwedeng may ibang babaeng makapagparamdam sa kanya ng saya na naranasan niya sa dati niyang kasintahan. Baka naaaliw lang siya kay Denim kaya siya nagkakaganito.

I should say good-bye to Isabel before we leave the city.

“Baby E?” tanong ni Denim sa antok na antok nang boses. In fact, naka-recline na ang upuan nito at nakapikit na ito, pero halatang sinusubukan pa rin nitong magmulat. Seeing her struggle to stay awake just to continue talking to him was adorable. “Anong favorite number mo sa electric fan?”

Napangiti si Eton. Damn, after what seemed like eternity, his facial muscles softened up.

Kung hindi lang siya nag-aalala na baka magising si Denim sa pagtawa niya, hindi na siguro niya pinigilan ang sarili. Nakakatawa naman kasi ang tanong ng babae para lang maipagpatuloy nila ang “kuwentuhan” kahit ito lang naman ang salita ng salita. Natutuwa na siya sa pagiging madaldal nito.

Mayamaya naman, narinig niya ang mahinang paghilik ni Denim.

Eton couldn’t contain his laughter anymore. Pero mahinang tawa lang ang pinakawalan niya habang iiling-iling. Kusa ring umangat ang kamay niya para marahang haplusin ang buhok ni Denim na parang baby sa sobrang inosente pala ng mukha kapag natutulog. “Good night, Baby Blue.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.