Bad Blood/Bad Romance Duology Chapter 23

“FINN!” sigaw ni Denim habang kinakalampag ang mga bar na nakapagitan sa kanila ni Finn. `Yong iyak na kanina pa niya pinipigil, kumawala na. “Finn, wake up, please! You can’t die like this! You hear me? Hindi ako papayag na mawala ka sa’kin!”

“Baby…”

Natigilan si Denim at biglang umurong ang mga luha nang marinig ang nanghihinang boses ni Finn. Kumilos ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong makabangon mula sa literal na pagkakadapa. Bigla naman siyang naubusan ng lakas dala ng relief. Napaluhod siya sa harap ng selda. “Finn…”

“I’m still alive,” pag-a-assure sa kanya ni Finn sa mas malakas na boses. Pagkatapos, humawak ito sa bar at hinila ang sarili hanggang sa patagilid na itong nakasandal sa mga rehas na nakapagitan sa kanila. Nilabas nito ang isang duguang braso para mahawakan ang kamay niya. “See? I’m warm.”

Kumalma si Denim nang maramdamang mainit pa nga si Finn. Pinisil niya ang kamay nito. Masaya siyang buhay pa ito, pero hindi siya masayang makita ang napakaraming latay at sugat sa itaas na bahagi ng katawan nito. In fact, hindi na nga niya masundan ang mga peklat nito sa dami ng dugo sa katawan nito.

Nakikita niya ang mga `yon dahil wala namang damit pang-itaas si Finn. Maong na pantalon lang ang suot nito. But even his pants had blood stain. His legs must also be wounded.

Binitawan ni Finn ang kamay niya para marahang pisilin ang baba niya. Maingat din nitong inangat ang mukha niya paharap dito. He smiled weakly at her. “Mukha ko lang ang titigan mo, okay?”

Nangilid ang mga luha ni Denim. Even his handsome face was bruised. Putok ang gilid ng mga labi nito at may tumutulo pang dugo sa gilid ng noo. “I’m sorry, Finn,” bulong niya sa basag na boses. “Kung nakinig ako sa’yo, hindi mangyayari ang lahat ng `to. Sana tiniis ko na lang ang lahat ng nakita ko ng araw na `yon at hindi na nangialam. Like what you wanted me to do. Siguro nakatakas tayo kung sinunod kita.” Kinuha niya ang duguang kamay ni Finn na nakahawak sa baba niya. She leaned down to kiss his bloody knuckles. “I’m so sorry.”

“Baby girl,” marahang saway ni Finn sa kanya. “Hindi kita sinisisi sa nangyari. Ako ang may kasalanan nito dahil dinamay kita sa gulong `to. I’m sorry for letting you see the ugly side of the world when I wanted you to look at life with rose-colored glasses.”

Nag-angat si Denim ng tingin kay Finn, hindi pa rin binibitawan ang kamay nito. “Finn…”

Ngumiti si Finn para i-assure siya. “Denim, kilala kita. Hindi na ikaw ang Denim na mahal na mahal ko kung naging makasarili ka at pinabayaan mong mapahamak ang ibang tao. Hindi ka gano’ng klase ng mortal kaya naiintindihan ko kung bakit mo tinulungang makatakas si Lilac Alonzo.”

Tahimik na pumatak ang mga luha ni Denim nang umiling siya. “Kung alam ko lang na ganito ang magiging kapalit ng pagtulong ko, tiniis ko na lang sana si Lilac.”

Natawa ng mahina si Finn. “Do you mean that, Denim?”

Hindi nakasagot si Denim dahil hindi siya sanay magsinungaling. Isa pa, hindi naman talaga niya pinagsisisihan na niligtas niya si Lilac. Gaya ng alam na ni Finn, hindi `yon kakayanin ng konsensiya niya. “I’m so sorry,” naiiyak na sabi niya. “I’m really, really, sorry. I hate myself for being this way…”

“Hindi mo kasalanan `to, Denim,” mariing giit ni Finn. “Don’t hate yourself for being loyal and honest with your feelings. `Yon nga ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa’yo.”

“Tumakas tayo, Finn,” mahinang sabi ni Denim. “Let’s run away.”

“Will you marry me if we run away?”

Tumango si Denim. “Yes, Finn. I will marry you.”

Naging malungkot ang ngiti ni Finn. “Baby, I know you love Ethan. You’re just saying what I want to hear to console me.”

“I’m a mere human. I’m allowed to be vulnerable.”

“Denim–”

“I love you, Finn,” mariin at sinserong sabi ni Denim. Hindi siya nagsisinungaling dahil mahal naman talaga niya si Finn. Hindi nga siguro sing lalim ng nararamdaman niya para kay Eton, pero sapat `yon para piliin niya ang best friend niya na makasama habambuhay. “Hindi ko pinipilit ang sarili kong mahalin ka kasi alam mo namang mahal kita talaga, `di ba? Kung magkakasama tayo ng matagal, dadami at lalalim din `tong feelings ko para sa’yo. Handa na kong mahalin ka ng seryoso ngayon. Plus, we’re so good together. I’m sure I won’t regret having a married life with you.”

Halatang nagulat si Finn sa mga sinabi niya. Pero nang makabawi, napangiti ito at nangilid ang mga luha. “Ang tagal kong hinintay na marinig `yan mula sa’yo, Denim.”

“I love you,” sabi uli ni Denim. “Babawi ako sa tagal ng panahong hinintay mong sabihin ko `to sa’yo.” Nilusot niya ang kamay niya sa rehas para haplusin ang pisngi ni Finn. “Mahal kita, Finn.”

“Mas mahal kita,” masuyong sabi naman ni Finn na pinatong ang kamay sa kamay niya na nasa pisngi nito habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. Mga matang puno ng pagmamahal. “Will you marry me, Denim Blue Benitez?”

Ngumiti si Denim at marahang tumango. “Yes, Finn Lee Mancini. I will marry you.”

“Aw, how touching.”

Nanigas sa takot si Denim nang marinig ang boses ni Magnus. Pero nang tumingala siya sa pinanggalingan ng tinig, nanlaki ang mga mata niya nang ang Uncle Miguel niya ang sumalubong sa kanya. Ginagamit na naman ng bampirang `to ang tito niya! “Stop possessing my uncle’s body!”

“Visiting hour is over, little girl,” playful na sabi ni Magnus, saka ito kumindat sa kanya. “I’ll give you time to have your honeymoon soon. Pero sa ngayon, kami muna ng fiancé mo ang maglalaro. Kaya bago pa kita masaktan, umalis ka na sa harap ko.” Nawala ang ngiti nito at binigyan siya ng matalim na tingin. “Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pagtatraidor nang tulungan mong tumakas si Lilac Alonzo.”

May gusto sanang isagot si Denim pero natigilan siya nang pisilin ni Finn ang kamay niya. Nang lingunin niya ang lalaki, binigyan siya nito ng nagmamakaawang tingin at para bang pinapakiusapan siyang umalis na lang ng tahimik. Nagdudusa si Finn ngayon para protektahan siya, kaya hindi niya sasayangin ang sakripisyo nito. Tumango na lang siya at binitawan na ang kamay nito.

Ngumiti siya bago siya tumayo. Saka niya nilagpasan si Magnus nang hindi tinitingnan ang bampira. Napapikit na lang siya nang marinig na binuksan ng Nobleblood ang selda.

Magnus would definitely torture Finn again.

Patakbong inakyat ni Denim ang hagdan hanggang sa makalabas siya ng basement. Tumakbo siya papunta sa kuwarto niya para do’n umiyak. Pagsara pa lang niya ng pinto, napaluhod na siya sa sahig.

Siguradong sa mga oras na `yon, nasasaktan na naman si Finn. Kahit gumagaling ng kusa ang mga sugat nito, hindi naman ibig sabihin ay hindi na ito masasaktan. Isa pa, hindi pa nakakainom ng dugo ng tao ang best friend niya kaya paano ito magkakaro’n ng panibagong lakas?

Baka hindi na kayanin ni Finn ang gagawin sa kanya ni Magnus…

Pinigilan ni Denim ang pag-iyak. Kailangan niyang iligtas si Finn sa kahit anong paraan. Isang nilalang lang ang alam niyang makakatulong sa kanya.

Pinunasan niya ang mga luha niya, saka siya tumayo at tumakbo papunta sa kuwarto ni Aunt Cerise. Kung kinakailangan niyang magmakaawa sa bampira, gagawin niya. Sa isang linggong lumipas, nakakulong lang ito sa kuwarto na para bang iniiwasan siya.

“Aunt Cerise, I really need your help,” bungad agad ni Denim pagpasok sa kuwarto. Pero mabilis din siyang natigilan nang makita ang bampira na nakahandusay sa sahig. “Aunt Cerise!”

Tumakbo siya palapit at lumuhod sa tabi ni Aunt Cerise. Napansin niyang napakaputla nito at hinang-hina ang hitsura. Maging ang mga labi nito ay tuyo. Marahan niyang tinapik ang pisngi nito at niyugyog ang balikat, pero wala pa ring nangyari. Humihinga pa ito kaya alam niyang buhay pa ang bampira. Ang ipinagtataka niya lang ay ang kawalan nito ng lakas kumilos.

Hanggang sa mapansin niya ang namumulang leeg ni Aunt Cerise. At nakita niya ang marka ng kagat ng bampira. Mukhang bago lang `yon.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Denim sa sobrang galit. Napakasama talaga ng bampirang `yon! Iniinom pala ni Magnus ang dugo ni Aunt Cerise kaya siguro may lakas pa rin siya para agawin ang katawan ni Uncle Miguel kahit sobrang hina na ng totoo niyang katawan.

Totoong katawan ni Magnus?

Nanlaki ang mga mata ni Denim nang may maisip siya. Tama. Mahina ang katawan ni Magnus. Kung ang diwa nito ay nasa katawan ni Uncle Miguel, ibig sabihin ay tulog na naman ang totoo nitong katawan.

I have to kill him while the real him is still asleep.

Binigyan niya ng naaawang tingin si Aunt Cerise bago siya tumakbo palabas ng kuwarto.

I’ll come back for you later, Aunt Cerise. For now, I have to save Finn and Uncle Miguel. Kapag hindi pa umalis ang bampirang `yon sa katawan ng uncle ko, baka may masama nang mangyari.

Alam ni Denim na hindi tatalab kay Magnus ang ordinaryong kutsilyo, kaya dumeretso siya sa dati niyang nursery room. Naalala niya na sinabi sa kanya ni Finn na no’ng baby siya, maraming baliw na bampira ang humahabol sa kanya dahil sa mabango niyang dugo.

Nag-alala raw ang mga magulang niya para sa kaligtasan niya kaya bumili ang mga ito ng traditional dagger mula sa isang antique shop na pag-aari raw ng isang witch. Nakakatawa raw, pero ang patalim daw na `yon ang birthday gift sa kanya ng mommy at daddy niya no’ng third birthday party niya.

Meron pa ngang recorded video ang mommy niya kung saan pinapaliwanag nito sa three year old version niyang naglalaro sa crib na may salamangka raw ang dagger kaya mapoprotektahan siya niyon.

Kung totoong may salamangka ng witch ang dagger na `yon, baka tumalab `yon kay Magnus. Based on the vampire history that Eton told me before, lahi ng mga witch ang nagpatulog sa mga bampira.

Pagdating ni Denim sa dati niyang nursery room, dumeretso agad siya sa drawer kung saan alam niyang nakatago ang antigong dagger dahil madalas niya `yong silipin sa mga pagkakataong naiisip niya ang totoo niyang mga magulang. According to Aunt Cerise before, to preserve the memories of her parents, they did not change the house interior and they did not throw anything away.

Nakahinga siya ng maluwag nang nakuha niya ang antigong dagger. Inalis niya `yon sa lalagyan. Sumalubong sa kanya ang maikli pero matalim na blade niyon. Kahoy ang hawakan ng dagger pero may wood carving `yon na tingin niya ay sumisimblo sa kung ano.

Please help me kill the vampire to save my family.

Hindi alam ni Denim kung imahinasyon niya lang ba o ano, pero parang biglang lumamig ang hawakan ng dagger. Pero dahil nagmamadali siya, hindi na lang niya pinansin ang kakaibang naramdaman niya sa patalim. Tumakbo siya palabas ng nursery room bitbit ang sandata.

Dumeretso naman siya sa third floor ng mansiyon na ginawang buong kuwarto ni Magnus. Pagdating niya sa pinakadulong baitang, huminto siya para kalmahin ang sarili at hawakang mabuti ang wooden hilt ng dagger gamit ang dalawang kamay niya.

Nakahiga ang natutulog na katawan ni Magnus sa malaki at itim na kama na nag-iisang furniture sa buong palapag. Nakasabog ang mahaba at kulay pilak nitong buhok sa unan, nakapatong ang mga kamay sa tiyan, at mukhang mahimbing talaga ang tulog dahil hindi ito kumikilos.

Gaya noon, itim na trench coat at itim na pantalon ang suot nito. Pero sa pagkakataong `yon, walang sapin sa mga paa ang matandang bampira.

Dahan-dahan at tahimik na naglakad si Denim palapit sa kama kung saan nakahiga si Magnus. Inangat niya ang mga kamay niyang may hawak ng dagger bilang pagbuwelo.

Isang tingin pa lang niya sa mukha ng bampira, nabuhay na ang matinding galit at pagnanasa niyang patayin ito. Hindi siya nakaramdam ng pag-aalinlangan o takot dahil gagawin niya `to para sa mga mahal niya sa buhay.

It was either to kill or be killed. Handa na siyang mamatay ang isang bahagi ng pagkatao niya sa pagkitil ng buhay ng ibang nilalang dahil ang kapalit naman niyon ay ang kaligtasan ng pamilya niya. Kung kasalanan mang patayin ang bampirang ito, saka na niya pagbabayaran ang krimeng ito.

Please die now, Magnus Cadmus Stratton.

Binaon niya ang dagger sa bandang kaliwang dibdib ni Magnus sa pag-asang masasapol niya ang puso ng bampira, kung meron man. Nang dumugo ang katawan nito, napaatras siya habang hinahabol ang hininga. Anuman ang dahilan niya, may nilalang pa rin na posibleng mamatay dahil sa kanya. Natigil lang ang pagkatok ng konsensiya niya nang may napansin siyang kakaibang nangyayari.

`Yong talim ng dagger sa dibdib ni Magnus, naglabas ng malamig na usok. Unti-unting nabalot ng manipis pero malinaw na yelo ang blade. Gumapang ang malamig na usok sa katawan ng bampira. Nagsimulang mabalutan ng yelo ang dibdib nito pababa sa sikmura.

Mababalot siya ng yelo…?

Well, that bastard deserved it.

Kumunot ang noo ni Magnus at umungol na ito.

Natauhan si Denim kaya mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan. Nagigising na ang tunay na katawan ni Magnus kaya kailangan na nilang makatakas!

“Denim!”

Napasinghap si Denim nang marinig ang boses ni Finn. Huminto siya sa pagtakbo at pumihit paharap sa pinanggalingan ng boses. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang lalaki. Suot nito ang jacket at mga sapatos na nakita niyang gamit ng Uncle Miguel niya kanina. “Finn…”

Sinalubong siya ni Finn ng yakap, pero mabilis din siya nitong binuhat saka ito tumakbo palabas ng mansiyon. “Biglang nawalan ng malay si Miguel at nang magising siya, bumalik siya sa normal. Pinatakas na niya ko. Gusto ko sanang isama siya, pero nagpaiwan siya dahil babagal daw tayo kung dalawa kayong ililigtas at poprotektahan ko. Kaya nakiusap siya na unahin kitang itakas.”

Pinigilan ni Denim ang pagiging emosyonal para makapag-isip siya ng malinaw. “Finn, babalikan natin sina Uncle Miguel at Aunt Cerise, `di ba?”

“Oo,” mariing sagot ni Finn. “Sa ngayon, kailangan muna nating humingi ng tulong sa iba.”

“Kanino?” kunot-noong tanong ni Denim.

Hindi sumagot si Finn at sa halip, dumeretso ito sa garahe. Binuksan nito ang driver’s side ng kotse at sinakay siya ro’n. Sa mabilis nitong pagkilos, sa ilang segundo lang ay nasa passenger seat na ito. “Go, baby! Kailangan na nating makaalis!”

Napahawak si Denim sa manibela. No’n lang niya napansin na nakasuksok na pala ang car key at buhay na rin ang makina ng kotse. Hindi siguro niya nakita na ginawa `yon ni Finn sa bilis ng kilos nito. Gaya ng utos ng lalaki, nagmaneho agad siya. Mabuti na lang at sports car ang sasakyan kaya tinodo na niya ang bilis niyon. “Saan tayo pupunta, Finn?”

“Sa mga Bloodkeeper,” nanghihinang sagot ni Finn na napasandal. “Can I drink some blood, baby?”

Tumango si Denim at inabot niya ang braso niya kay Finn. Kaya naman niyang magmaneho ng isang kamay lang ang gamit. She used to car race with him since she was a teenager. “Are you okay?”

Hinalikan ni Finn ang pupulsuhan niya bilang sagot, bago nito kinagat ang braso niya at sinipsip ang dugo niya sa paraang para bang gutom na gutom talaga ito.

Napapiksi si Denim sa pagbaon ng mga pangil ni Finn sa balat niya. Ngayon lang ito naging ganito ka-rough sa pagsipsip ng dugo niya, pero naiintindihan naman niya ang lalaki. Kailangan nitong mabawi agad ang lakas nito. Drink my blood to your heart’s content, Finn.

Nag-concentrate naman siya sa pagmamaneho kahit madilim na ang daan dahil gabi na. May mga lamppost naman sa magkabilang-gilid ng kalsada. Kung hindi lang sila hinahabol ng mapanganib na bampira, baka na-enjoy niya ang magandang scenery sa paligid dahil sa matatayog na puno.

Diniliaan ni Finn ang parte ng pupulsuhan niya na kinagat nito bago nito nilayo ang mga labi sa braso niya. “Thank you, baby.”

Ngumiti lang si Denim at hindi pinakita kay Finn ang biglaang panghihina na naramdaman niya. Naparami ng sipsip ang lalaki sa dugo niya kahit sa braso lang siya nito kinagat, pero bale-wala lang `yon sa kanya. “Bumalik na ba ang lakas mo?”

“Not totally, but I can fight now,” seryosong sagot ni Finn, nakatingin sa side mirror. “He’s near.”

Dalawang kamay na ang ginamit ni Denim sa pagmamaneho at mas binilisan pa niya ang takbo ng sasakyan. Aminin man niya o hindi, ginagapang siya ng takot.

“Denim, baby, I want you to listen carefully to what I’m about to say,” seryosong sabi ni Finn.

Kumunot ang noo ni Denim. Kung malapit lang si Magnus, siguradong maririnig nito ang mga sasabihin ni Finn. “Hindi ba puwedeng mamaya na lang?”

Umiling si Finn, sa side mirror pa rin nakatingin. “I’m breaking off our engagement.”

Kumunot ang noo ni Denim sa pagtataka. “What are you saying, Finn?”

Nilingon siya ni Finn, blangko ang mukha. “Alam ko namang mahal mo ko. Naniniwala rin ako na hindi mo pinipilit ang sarili mong magpakasal sa’kin. Pero hindi ako makasarili para itali ka sa’kin habambuhay ngayong may mas mahal ka nang iba. Matatangap ko siguro ang desisyon mo kung noon mo sinabi `yan. No’ng hindi mo pa nakikilala si Ethan.”

“Finn, let’s not talk about this now, okay?”

“Hayaan mong baguhin ka niya para magkasama kayong dalawa habambuhay,” pagpapatuloy pa rin ni Finn. “Alam kong pangarap mong magkaro’n ng masayang pamilya, pero hindi ko sigurado kung makakaya mong dalhin sa sinapupunan mo ang anak niya dahil purong mortal ka na walang espeyal na abilidad. Pero puwede naman kayong mag-ampon. Naalala mo `yong orphanage na sinusuportahan natin? You love the kids there, don’t you? Sigurado akong may bata ro’n na magugustuhan niyong ampunin ni Ethan. Live a happy married life with the man you truly love, Denim. Huwag kang makuntento sa lalaking mas mahal ka.”

Naguluhan si Denim sa mga sinasabi ni Finn. “Hindi ko maintindihan…”

“I’m setting you free,” pabulong na sagot ni Finn, nakahawak sa doorknob sa gilid nito. “The moment you said ‘yes’ to me when I asked you to marry me was the happiest moment of my long life, Denim. Thank you for another warm memory that I will always be grateful for.”

Ewan ba ni Denim pero kinabahan siya sa mga sinabi ni Finn. Natakot. Umiling-iling siya para alisin sa isipan ang panlalamig na naramdaman niya. “Stop, Finn. You’re making my chest hurt.”

Tinawanan lang `yon ni Finn. “Keep on driving, baby.”

Bago pa makapagtanong si Denim, narinig na niya ang pagbukas ng pinto. Nang lingunin niya si Finn, wala nang sakay ang driver’s side. Kasunod niyon ay narinig niya ang malakas na sagutan ng ungol mula sa itaas. Napaiyak na siya sa sobrang pag-alala. “Finn, please don’t die.”

“VICE-CAPTAIN, huli na ang pupuntahan nating villa sa Tagaytay sa listahan ng properties ng mga Benitez dito sa Luzon, `di ba?” tanong ni Saffron habang nagmamaneho.

Tumango si Eton habang nakaupo sa passenger seat at binabasa sa computer tablet ang tungkol sa article tungkol sa villa sa Tagaytay na pag-aari ng mga Benitez. Minsan `yong na-feature sa isang lifestyle magazine. Meron pa ngang picture si Denim kasama ang mga magulang nito, pero sanggol pa ang babae. “Gano’n na nga. Bakit mo naman naitanong?”

Nilakihan niya ang picture sa tab gamit ang zoom in feature para mas makita niya ang hitsura ni Denim noong baby pa ito. Ang sabi sa article, anim na buwan pa lang ang sanggol nang kuhanan ang larawan. She already looked divine with her milky skin and puffy cheeks.

“Ako na lang ang pupunta sa Visayas area para hanapin si Denim sa mga properties ng mga Benitez do’n,” mayamaya ay sabi ni Saffron.

Kumunot ang noo ni Eton, saka niya nilingon si Saffron na parang kabado. “Bakit naman?”

“Hindi ka na kasi nakakadaan sa Isabel’s Mart dahil sa misyon natin ngayon, Vice-captain,” parang nahihiyang sagot ni Saffron. “I know why you always go there. Pero isang linggo ka nang hindi nakakabisita ro’n. Kaya para magkaro’n ka ng oras, ako na lang muna ang pupunta sa Visayas.”

“Tingin mo ba hinahalughog ko ang buong Luzon sa lumipas na isang linggo dahil lang sa misyon ito?” iritadong tanong ni Eton. “Ginagawa ko `to dahil gusto kong makita si Denim. And what do you care about my personal business anyway?”

“Gusto ko lang namang tulungan si Denim na makuha mo ang kaligayahang hiniling niya para sa’yo, Vice-captain,” pagpapatuloy ni Saffron sa boses na may takot. “Sa totoo lang, pinahanga ako ng mortal na si Denim nang buong-tapang niyang hinarap si Cerise Alessandra Stratton para iligtas ka. Nasa labas lang ako no’n, Vice-captain, sa tapat ng mga bintana.” Dumaan ang guilt sa mukha nito. “Pero nanginig ako sa takot. Hindi ko kinaya ang Bloodlust ng Nobleblood kaya hindi kita natulungan. But Denim was different. Ni hindi siya nagdalawang-isip na puntahan ka. Kahit pa sabihing malapit siya kay Cerise, kahanga-hanga pa rin ang ginawa niyang pagharap dito. She was more of a Bloodkeeper than I was that day.”

Naguluhan pa rin si Eton. “Hindi ko maintindihan, Saffron.”

Hininto ni Saffron ang kotse sa gilid ng kalsada. Pagkatapos, ginamit nito ang pangil para sugatan ang daliri nito, saka ito humarap sa kanya. “Vice-captain, ipapakita ko sa’yo ang mga nakita at narinig ko ng araw na `yon. Matagal ko nang gustong gawin `to, pero ngayon lang tayo lumabas ng tayong dalawa lang.”

Alam ni Eton na ang kapangyarihan ng dugo ni Saffron ay ang pagpapakita ng bahagi ng memorya nito sa nilalang na papatakan nito ng dugo. Nag-aalangan man, tumango siya at nilahad ang palad niya kay Saffron. “Sige. Gusto kong makita ang alaala mo.”

Ngumiti si Saffron, saka nito tinapat ang daliri sa palad niya.

As soon as the blood dropped on Eton’s palm, he closed his eyes. Kasunod niyon ay ang paglalaro ng mga imahen sa isipan niya. Mula sa pagpigil ni Denim kay Cerise na tapusin siya, hanggang sa pakikipagsundo ni Denim sa Nobleblood. At huli, no’ng nakaluhod na ang babae sa tabi niya.

The scene was actually beautiful and sad at the same time. Beautiful because of the glistening thin ice covered floor. And sad because Denim was crying while saying goodbye to him.

“Baby E, hindi ka puwedeng mamatay. Hindi mo na mababantayan si Lola Isabel kapag nawala ka. Kaya kailangan mong lumaban para sa kanya. Matatanggap kong may mahal kang iba. Pero hindi ko matatanggap kapag namatay ka ngayon, lalo na kung dahil `yon tinatrato ko bilang aunt. I’m sorry, Ethan Albert Rousell. Hindi ko kayang panindigan ang pagmamahal ko sa’yo. Bukod sa hindi ko naman puwedeng ipaglaban ang lalaking may mahal nang iba, hindi ko rin kayang talikuran ang pamilya ko, eh. But perhaps that was just an excuse. Maybe I’m just being a coward. Siguro natatakot lang ako na piliin ka dahil wala namang assurance na mamahalin mo rin ako kung mag-i-stay ako sa tabi mo.

“Ngayon pa nga lang, ang sakit-sakit na. Paano pa kaya kung magtagal `tong unrequited love ko para sa’yo? But who am I kidding? Kung hindi lang dahil sa pamilya ko, ikaw ang pipiliin ko, mahal mo man ako o hindi. Because I love you, Baby E. And I will continue loving you in silence. Even if you already love someone else.”

Yumuko si Denim at pumikit, saka nito dinikit ang mga labi nito sa mga labi niya.

“I stole a kiss from you, Ethan Albert Rousell,” nakangiti pero malungkot na sabi ni Denim. “I’ll return it only if you find me.”

Nang nagmulat si Eton ng mga mata, mag-isa na siya sa loob ng kotse pero ramdam naman niyang nasa malapit lang si Saffron. Binigyan siguro siya nito ng pribadong oras kaya lumabas muna ito.

Denim…

Inangat niya ang kanang braso niya kung saan ginawa niyang bracelet ang locket necklace ni Denim. Binuksan niya ang hugis-pusong pendant sa unang pagkakataon. Nakita niya ang mga magulang ng babae, pero mas pinagtuunan niya ng pansin ang baby sa picture.

Napangiti si Eton nang makitang may hawak ngang antigong holster ng isang makalumang dagger ang tatlong taong gulang na si Denim. She looked so adorable in her pink princess dress. His chest tightened again but this time, he already understood what it meant. The realization saddened him though.

Kahit na masakit para sa’yo, inisip mo pa rin ang kaligayahan ko. Kahit na inaakala mong ibang babae pa rin ang mahal ko, pinili mo pa ring ipagpatuloy ang damdamin mo para sa’kin. Kahit isip-bata ka minsan at purong mortal lang, nagagawa mo ang mga bagay na kahit kaming may malakas na dugo ay hindi kaya. Hindi ka mahirap mahalin, Denim. Ipapaalam ko sa’yo `yon kaya hahanapin kita kahit nasaang sulok ka pa ng mundo. Malapit na kong mabaliw kakaisip sa’yo. Pati espasyo ni Isabel sa isipan ko, pinuno mo na.

Kumunot ang noo ni Eton nang may napansin siya sa picture. `Yong dagger na hawak ni Denim sa larawan, pamilyar sa kanya. Maliit at malabo ang litrato kaya nahihirapan siyang suriin `yon, pero may kutob na siya kung ano `yon. Poible ba ang naiisip niya ngayon?

He was busy looking through the dagger in the picture when he felt that very strong Bloodlust that brought a chill down his spine.

“Vice-captain!” sigaw ni Saffron sa boses na puno ng takot.

Sa isang iglap lang, nasa labas na si Eton. Nag-alala siya nang makita si Saffron na nakaluhod at nakayuko sa kalsada, halatang hindi kinakaya ang malakas na Bloodlust na nasa malapit lang. Pero bago pa siya makalapit sa lalaki, biglang yumanig ang lupa. Nilabanan niya ang pagyanig sa pamamagitan ng sarili niyang Bloodlust na ginawa niya ring proteksyon ni Saffron.

Napatingala siya nang may nakita siyang itim na enerhiyang namumuo sa ere. `Yong Bloodlust ng Nobleblood na nararamdaman nila, naglalabas ng napakalakas na intensiyong pumatay. Na sa sobrang lakas, nakikita na niya sa kanyang isipan kung sino ang gustong tapusin ni Magnus ng mga sandaling `yon.

Biglang nanikip ang dibdib ni Eton sa takot. Pero hindi para sa sarili niya. “Denim!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.