Bad Blood/Bad Romance Duology Chapter 30

PAKIRAMDAM ni Tyrus ay huminto ang puso niya sa pagtibok nang makita niyang nagliliyab sa sarili niyang apoy ang kubo kung saan nararamdaman niya si Lilac. Sigurado rin siyang nando’n pa si Magnus dahil bukod sa nararamdaman niya ang lalaki, naririnig din niya ang malakas nitong apoy. “Lilac!”

Ginamit ni Lilac ang punyal niyang may apoy niya. Napakalakas ng nilikhang apoy niyon dala siguro ng matinding kagustuhan ng babae na tapusin si Magnus. Isa pa, espesyal na mortal ang kanyang asawa kaya siguro malakas na apoy ang napalabas nito ngayon.

Pero kung ganito kalaki at kalakas na apoy ang nailabas ng punyal, kahit isa pang Mortal Vessel si Lilac, tutupukin pa rin siya ng apoy ko!

He could feel his own flame getting out of control. Kaya nga nasunog niyon ang buong kubo.

Damn!

Sinubukan niyang tumakbo ng mabilis pero hindi pa yata kaya ng katawan niya dahil sa pagtalon niya, naramdaman niyang bumigay na naman ang mga tuhod niya kaya nadulas siya sa sangang inapakan niya. Pinilit niyang gumalaw sa ere pero deretso ang naging pagbagsak niya.

Tinamaan kasi siya ng malakas na Bloodlust ni Magnus kanina bago nito itakas si Lilac. Kaya heto, bumagal siya dala ng matinding injury. Para siyang sinabugan ng malakas na bomba sa mukha. Gano’n kalakas ang epekto niyon na kahit ang matigas niyang balat ay nalapnos. Sa katunayan nga niyan, nasunog ang mga braso niya nang isangga niya ang mga `yon sa bola ng enerhiya.

Nag-angat siya ng tingin sa kubo. Napamura siya nang biglang nanlabo ang mga mata niya na para bang mawawalan pa siya ng malay. Pero mariin siyang umiling para gisingin ang sarili.

Hindi, Lilac. Hindi ka mamamatay. Sabay nating palalakihin ang anak nating si Sterling!

Humugot ng malalim na hininga si Tyrus at tumingin sa malaking apoy sa kubo. Ilang metro na lang pero hindi pa siya pinagbigyan ng katawan niya. Kaya nag-concentrate na lang siya para kontrolin ang apoy niya. Hindi puwedeng mamatay si Lilac sa sarili niyang apoy!

I’ll kill myself if you die because of my flame, babe…

Binuka niya ang mga kamay niya at sumigaw habang pilit na kinukuha muli ang apoy niya.

Malapit na sanang mawalan ng pag-asa si Tyrus nang hindi gumagalaw ang apoy mula sa kubo papunta sa mga palad niya. Hindi siya sinusunod ng apoy niya kahit sa kanya `yon nagmula dahil siguro tinutugon ng salamangka ng talim ang matinding kagustuhan ni Lilac na tapusin si Magnus.

Ah, tama. Ang salamangka ni Lilac ang nagpalakas sa kanyang apoy ng ganito.

If that was the case, the flame would only be wiped out after the Nobleblood was dead.

Pero sa oras na `yon, siguradong wala na rin si Lilac…

Muli, umangil si Tyrus. Pinilit niyang tumayo kahit na nagrereklamo ang buong katawan niya. Lahat yata ng kalamnan niya, umiiyak na sa sakit. Naghanda siya sa muling pagtakbo pero hindi pa man din siya nakakaalis sa puwesto niya, naunahan na siya ng kung sino.

Kumunot ang noo niya nang makita ang ginintuang buhok at mahabang bestida. Hindi niya alam kung ilusyon lang ba `yon o ano dahil mabilis ding nilamon ng apoy ang imahen ng babae dahil mabilis itong pumasok sa loob ng nasusunog na kubo.

Cerise Alessandra Stratton?

Sa takot ni Tyrus na baka may masamang gawin si Cerise kay Lilac, napuwersa niya ang sariling tumakbo sa kabila ng lahat. Nang pumasok siya sa loob ng kubo, hindi naman siya naapektuhan at lalong hindi siya napaso ng apoy niya. Maging ang makapal na usok, bale-wala sa kanya.

Hinanap agad niya si Lilac sa parang dagat na apoy sa paligid. Pero ang unang kumuha ng atensiyon niya ay ang nasusunog na si Magnus. Walang tigil sa pagsigaw ang matandang bampira habang inaatake ito ng kulay lila niyang apoy na naghugis ahas habang nakapalupot sa katawan ng Nobleblood.

Burn him, mariing utos niya sa apoy niya. Huwag kayong titigil hangga’t hindi siya nagiging abo!

“Tyrus!” sigaw ni Cerise. “Nandito si Lilac!”

Mabilis na tumakbo si Tyrus papunta sa direksyon kung saan nagmula ang boses ni Cerise. Nasa isang sulok ng bahay ang Nobleblood, nakaluhod sa tabi ni Lilac na nakahandusay sa sahig. “Babe!”

Nakakapagtaka ang manipis na gintong liwanag ang nakabalot kay Lilac na para bang pinoprotektahan niyon ang babae. Ramdam niya ang salamangka sa liwanag na `yon. Kay Mayumi ba `yon?

That’s not important right now.

Mabilis lumuhod si Tyrus sa tabi ni Lilac. Mabilis na binuhat niya ang asawa at tumakbo siya palabas ng kubo. Ramdam niyang kasunod niya si Cerise.

Hindi naman siya nakalayo dahil talagang hindi na kinaya ng katawan niya. Nasa gitna pa lang siya ng kakahuyan ay napahinto na siya. Maingat na binaba niya si Lilac sa damuhan at marahang pinatong ang ulo nito sa kandungan niya. Napakahina na talaga ng tibok ng puso nito.

Parang sinuntok ang dibdib niya nang mapansin na sa kabila ng proteksyon ni Lilac kanina ay nalapnos pa rin pala ang malaking bahagi ng katawan ng babae. Wala siyang pakialam sa naging hitsura ng asawa niya. Ang mas inaalala niya ay ang dinanas nitong sakit dahil sa apoy niya.

Mabilis nangilid ang mga luha ni Tyrus. He gently cupped her face. “I’m so sorry, babe.”

“Hindi pa huli ang lahat, Tyrus!” saway naman sa kanya ni Cerise nang mapansin siguro nitong naging emosyonal siya nang makita ang naging pinsala ni Lilac. Nakaluhod ang matandang bampira sa kabilang gilid ni Lilac. Hindi niya alam kung arte lang ba o totoong nag-aalala ito para sa asawa niya. “Kaya mo pa siyang iligtas. Kung babaguhin mo si Lilac Alonzo, mabubuhay siya at gagamutin din ng dugo mo ang natamo niyang sunog. Mapapatibok mo rin uli ang puso niya na tinamaan ng pag-atake ni Magnus kanina.”

Kumunot ang noo ni Tyrus sa pagtataka. Binigyan niya ng nagdududang tingin si Cerise. “Bakit mo `to ginagawa? Anong pinaplano mo?”

“Ginagawa ko `to para makabawi kay Denim. Lilac is her friend so I want to save your wife,” seryosong sagot ni Cerise, nangingilid ang mga luha pero mas nangibabaw ang determinasyon sa mukha nito. Napansin niyang nalapnos din ang mga braso nito. Nasunig din ang mga manggas at laylayan ng bestida nito. Pero mukhang hindi iniinda ng Nobleblood ang mga pinsala nito. “Huwag kang mag-alala dahil hindi ako tatakas. Sa oras na masiguro kong okay na si Lilac, ako mismo ang susuko kay Prince Estefano at hahayaan siyang ipataw sa’kin ang parusang kamatayan. Sa ngayon, iligtas mo muna ang asawa mo.”

Nagtagis ang mga bagang ni Tyrus. “You don’t have to tell me that.”

“Then do it now.”

Tumingin si Tyrus sa magandang mukha ni Lilac at marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. Kaunti na lang, malapit nang huminto ang tibok ng puso ng babae. `Yon ang kailangan niyang hintayin para mabago niya ang babae at mailigtas ito. “I hope you forgive me for what I’m about to do, babe.”

As soon as he leaned down to kiss her, her heart stopped beating.

NANG imulat ni Lilac ang mga mata, ramdam agad niyang may nag-iba sa kanya.

Napakaraming ingay siyang naririnig, nararamdaman niya ang mga presensiya ng mga nilalang sa paligid, at higit sa lahat, kitang-kita niya na walang pores si Tyrus na unang sumalubong sa kanya.

Habang nakatitig sa mukha ng boyfriend niya, biglang nagbalik sa kanya ang mga nangyari.

“Si Magnus!” bulalas niya, sabay bangon. Napahawak siya sa dibdib niya nang maalalang nabutas ang dibdib niya nang maglaban sila ng matandang bampira. Pero nagulat siya nang wala siyang maramdamang sugat. But then she realized something. “Dapat patay na ko…”

Sumimangot si Tyrus. “Hindi ako papayag na mawala ka sa’kin. Huwag mo na ring alalahanin si Magnus dahil wala na siya. Naging abo na siya kaya hindi ka na niya uli masasaktan.”

Napakurap-kurap si Lilac nang mapansin niyang nasa kuwarto siya ni Tyrus dahil naamoy niya ang amoy ng lalaki sa bawat kasangkapan sa silid. Lalo na sa malaking kama kung saan siya nakaupo habang katabi ang boyfriend niya na nakatagilid ng higa habang nakapalumbaba.

Kung makatingin naman `tong si Tyrus, parang tinutunaw na siya. Na parang sobrang relieved ito na nabuhay at nakaligtas siya mula sa pag-atake ni Magnus at sa malaking sunog.

Tumingin si Lilac sa mga braso niya. Short-sleeved white dress ang suot niya kaya nakikita niyang malinis ang balat niya. Walang marka ng sunog kahit parang nararamdaman pa rin niya ang napakainit na apoy na tumupok sa kanya. But her skin looked as good as new.

At napakaputla rin niya.

“You changed me,” hindi makapaniwalang bulalas ni Lilac, saka niya binalingan si Tyrus na halata ang guilt sa guwapo nitong mukha. “Tama ba ko, Tyrus?”

Umayos ng upo si Tyrus at seryosong tumango. “I can’t lose you, Lilac. Wala na kong ibang pagpipilian kundi ang baguhin ka. Hindi ko kayang mabuhay ka. Ayoko ring mawalan na naman ng mommy si Sterling.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Patawarin mo ko kung binago kita nang walang paalam.”

Ngumiti si Lilac at marahang umiling. Ngayong kalmado na siya, natanggap na niya ng maayos ang mga nangyari. “Naiintindihan kita, Tyrus. Isa pa, kahit na hindi ko sinasabi noon, matagal na kong handa na magbago para makasama ka ng matagal.”

Halatang nakahinga ng maluwag si Tyrus. “Thank you, babe. Akala ko, magagalit ka sa’kin.”

Tinawanan lang `yon ni Lilac. Pero mabilis siyang naging seryoso. “Talaga bang wala na si Magnus?”

Tumango si Tyrus at hinaplos ang pisngi niya. “Wala na siya, Lilac. At ikaw ang nakatapos sa kanya. Naipaghiganti mo na ang pagkamatay ni Marigold. Alam kong hindi no’n maibabalik ang buhay ng kapatid mo. Pero dahil sa pagkawala niya, naging ligtas na ang mundong ito para sa anak natin.”

Nangilid ang mga luha ni Lilac pero ayaw niyang maiyak kaya ngumiti siya at mabilis pinunasan ang mga luha niya. “Hindi ko `to magagawa kung hindi dahil kay Marigold. Babe, puwede ba nating dalawin ang puntod ng kapatid ko? I miss her.”

“Of course. Isama din natin si Sterling para makilala niya ang tunay niyang mommy.

Kumunot ang noo ni Lilac. “Nasa’n nga pala si Baby Sterling? Hindi ko siya nararamdaman dito.”

“Our son is being taken care of Lucho and Jinny,” paliwanag ni Tyrus. “Hindi kasi kita maiwan ng nag-iisa dito. Hindi rin ako makakilos at makapag-isip ng maayos hangga’t hindi ka pa nagigising. Kaya pinaubaya ko muna sa kanila ang anak natin. Pero araw-araw naman akong dumadalaw. Sa tuwing oras na para paliguan ka ni Hyacinth at ng mga babaeng Helper, binibisita ko muna ang anak natin.”

Tumango-tango si Lilac. “Gaano katagal akong nakatulog?”

“Two weeks, babe. Dalawang linggo na rin akong parang zombie.”

Naawa naman si Lilac kay Tyrus na halatang pagod nga, pero hindi naman maipagkakamali sa iba ang kaligayahang makikita sa ngiti at mga nito. Dinamba niya ang binata na natawa nang mapahiga ito sa kama, samantalang pinatong niya sa dibdib nito ang mga braso niya habang tinititigan niya ang lalaki.

Tyrus was giving him the same look. Mainit, puno ng pangungulila, at nag-uumapaw sa pagmamahal.

Sa sobrang init ng tingin ng lalaki, nag-iinit na rin ang katawan niya. Gutom siya. Hindi lang para sa pagkain at hindi rin para sa dugo. Ibang klase ng putahe ang gusto niyang tikman.

“Babe, gutom ka?” nang-aakit na tanong ni Lilac habang pinaparaan ang isang daliri sa dibdib ni Tyrus na mabilis nagdilim ang mga mata.

Umangil si Tyrus. The next thing she knew, she was already lying on the bed and her boyfriend covered her with his hot, solid body. His leg was also placed between her legs. “Don’t tempt me, babe,” banta nito, saka ipinako ang mga braso niya sa kama. Mas lalong naging mainit ang tingin nito. “Kakainin na talaga. Wala akong pakialam kung may makakarinig sa gagawin natin ngayon.”

Ngumiti ng pilya si Lilac. Tiniklop niya ang mga tuhod para umangat ang dress niya. Gaya ng inaasahan niyang mangyari, napatingin agad si Tyrus sa mga hita niya. Napaungol ang lalaki. “Wala rin akong pakialam kung may makarinig sa’tin. Sila na lang ang mag-adjust.”

Tyrus gave her a look filled with love and desire. He was about to dive in for a kiss when suddenly, someone barged in the room.

Bastos!

“May pakialam kami sa ingay na gagawin niyo,” deklara ni Eton na basta na lang pumasok sa kuwarto ng walang katok-katok.

“Kayo na ang mag-adjust, busy kami,” sabi ni Tyrus, saka sinubsob ang mukha sa leeg niya at hinalikan siya ro’n na nagpaungol sa kanya.

Pinalupot naman ni Lilac ang mga braso sa leeg ni Tyrus at mas lalo pa itong hinila palapit sa katawan niya. She closed her eyes and savored his trail of hot kisses from her ear down to her neck and shoulder. She missed him so much that she wanted her body to mold with his in a very intimate manner.

Kaya sige na, Eton. Kayo na mag-adjust.

“Bakit hindi sila lumabas? Ayaw nilang maistorbo? Wala ba silang pakialam sa’kin?”

Biglang nagmulat ng mga mata si Lilac nang marinig ang malakas, masigla, at maingay na boses na `yon. Iisang babae lang ang kilala niyang walang preno ang bibig sa pagtatanong. Sa sobrang excitement niya, natulak niya si Tyrus. Hindi pa niya tantiyado ang lakas niya kaya napalakas pala ang tulak niya kaya humagis sa kabilang panig ng dingding ang binata na halatang nabigla.

Napabangon siya. Natawa siya nang makitang pinagtatawanan ng mga bisita nila si Tyrus na dinampot ang malaking vase na ginamit nito para takpan ang ibabang bahagi ng katawan nitong nabuhay bigla.

“Oh, brother,” natatawa at iiling-iling na sabi ni Eton. “You’re so whipped.”

“So you are, brother,” ganti naman ni Tyrus dito.

“Sorry, babe,” guilty na sabi ni Lilac kay Tyrus na ipinaikot lang ang mga mata, pagkatapos ay binalingan niya ang best friend niya na buhay na buhay at sobrang ganda sa suot nitong baby blue sleeveless dress. Hindi niya napigilang tumakbo para yakapin ito. “Denim!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.