NAKATAYO si Tyrus sa sanga ng matabang puno at nakapatong ang isang braso sa katawan niyon habang sinusundan niya ng tingin si Lilac na halatang hinahanap siya.
Kanina, nang makalagpas sila ng cabin, pinababa niya ng kotse si Lilac at iniwan ito ng walang pasabi. Saka siya nagtatatalon sa mga puno sa kakahuyan na kailangan munang daanan bago marating ang mansiyon na nagsisilbing kampo ng squad niya.
Oo, dinala niya si Lilac sa campbase ng squad niya dahil hindi niya nagawang tanggihan ang desperadang pakiusap ng mortal na sumali sa paghahanap sa nilalang na pumatay sa kakambal nito. Alam niyang mali na idamay ang isang ordinaryong tao sa misyon ng mga gaya niyang Bloodkeeper, pero hindi niya nagawang tanggihan ang babae. Kung dahil sa nakikusap nitong mga mata na puno ng lungkot, o dahil sa boses nitong puno ng desperasyon, hindi niya sigurado.
But it looked like she wouldn’t accept a ‘no’ for an answer anyway.
Napailing na lang si Tyrus nang maalala na pagkatapos niyang ihatid si Lilac sa apartment nito, wala pang sampung minuto ay lumabas na ito dala ang malaking maleta at malaking backpack. Mukhang nakapaghanda na ang dalaga na tumira kasama ang squad niya kaya nag-empake na ito bago pa man din sila mag-usap. Come to think of it, it seemed like she had planned this out carefully.
Females are scary.
Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Tyrus nang may maliit na batong tumama sa noo niya. Hindi naman siya nasaktan, pero nainis siya na makitang si Lilac ang naghagis ng bato na `yon.
First, that woman slapped me. Now, she hit me with a pebble! Baka sa susunod, saksakin na lang ako ng mortal na `to.
Binigyan niya ng matalim na tingin si Lilac na nakatayo at nakatingala sa harap ng matayog na punong pinagtataguan niya. Hindi siya nakikita ng mortal dahil sa makakapal na dahon at matatabang sanga na nagkukubli sa kanya. Pero malamang, ginamit ng babae ang abilidad nitong makita ang kulay ng dugo ng ibang nilalang kaya alam nito kung saan direksyon siya babatuhin.
`Yon lang naman ang gustong subukin ni Tyrus kaya tumalon na siya pababa. Kahit mataas ang sanga na pinanggalingan niya, bumagsak pa rin siya na nakatayo sa lupa.
“Tinamaan ba kita?” excited na tanong ni Lilac nang tumakbo ito habang hila-hila ang maleta nito.
“Bakit parang masaya ka pang tinamaan mo ko?” reklamo ni Tyrus. Natigilan siya nang mahimigan niya ang iritasyon sa boses niya kaya tumikhim siya at kinalma ang sarili. As a squad captain, he had to maintain his cool all the time. And his squad could hear him from the mansion. “Oo, tinamaan mo ko.”
Huminto si Lilac sa tapat niya at tumingala, nakatitig sa noo niya. Kinagat nito ang ibabang labi na parang nagpipigil ngumiti nang malamang, nakita nito ang pamumula ng parteng tinamaan ng bato kanina.
Magrereklamo sana si Tyrus, pero napansin niyang mas maaliwalas na ang mukha ni Lilac ngayon kaysa no’ng unang beses silang nagkita. Alam naman niyang pinupuwersa lang ng babae ang sarili nito na umarteng masigla at alam din niyang ginagamit lang siya nito bilang distraction, pero aaminin niyang gumaang ang kalooban niya sa panibagong disposisyon na ipinapakita nito ngayon.
Baka nga maging ang pagpipilit ni Lilac na hanapin ang pumatay sa kapatid nito ay ginagawa lang nitong distraction para makalimutan nito ang sakit sa pagkamatay ng kakambal.
“Lilac, naiintindihan mo ba kung gaano kaseryoso at kadelikado ang pagsama mo sa squad ko para hanapin ang nilalang na pumatay kay Marigold Hamilton?” seryosong tanong ni Tyrus.
Bumaba ang tingin ni Lilac sa mukha niya. Naging seryoso rin ito. “My life has never been safe, Tyrus. Mas gugustuhin ko nang mapahamak na may ginagawang makabuluhan, kesa naman mapahamak ako dahil lang sa mga bampirang may masamang balak sa’kin.”
The fire that Tyrus saw in her eyes was enough to render him speechless. Mukhang wala na siyang magagawa o masasabi para mabago ang isipan ni Lilac. Gaya ng sinabi nito, ang kailangan na lang niyang gawin ay siguraduhing ligtas ito at hindi mawawala sa paningin niya.
Bumuga na lang siya ng hangin at sa mabilis na pagkilos, inikutan niya si Lilac at marahang inagaw dito ang maleta nito. Pagkatapos, nauna na siyang maglakad bitbit ang bagaheng mabigat pa yata sa mortal. Dinala ba nito ang buong kuwarto nito?
“Tyrus, may nakalimutan pala akong itanong sa’yo kanina,” sabi ni Lilac nang humabol ito sa kanya at sumabay sa lakad niya. “Ano ba `yong meron kami ng kakambal ko na gustong makuha ng kalaban niyo?”
Biglang napahinto si Tyrus sa paglalakad. Gusto sana niyang sabihin kay Lilac ang totoong sitwasyon nito kapag kasama na niya ang squad niya. Pero baka mas makakabuti kung siya na mismo ang magsasabi sa mortal. Baka mailang ito sa mga kasamahan niya.
And well, he wanted to assure her that no matter how dangerous her situation was, he would protect her with all that he got.
“Kayo ni Marigold Hamilton, ipinanganak kayo no’ng gabing may pulang buwan,” seryosong sabi ni Tyrus, saka niya nilingon si Lilac na nakatayo lang sa tabi niya habang kunot-noong nakatingala sa kanya. “Ang ibig sabihin no’n, may kakayahan kayong ipagbuntis at isilang ang anak ng mga nilalang mula sa ibang lahi. Like the vampire race.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Lilac. “Is that that rare? I mean, half-half ka. Ibig sabihin, `yong mother mo at ang nanay ng marami pang Bloodkeeper na gaya mo, ipinanganak din ng may pulang buwan kaya nga nagkaro’n ng maraming half human-half vampire or half-whatever sa mundo, `di ba?”
“Magkaiba ang panahon noon sa panahon ngayon, Lilac,” mariing paliwanag naman ni Tyrus. “Ang mga tulad kong Bloodkeeper na nabubuhay sa kasalukuyan, hindi puwedeng maging mas bata pa sa isandaang taong gulang. Hindi rin naman kami gano’n karami. Dahil isang siglo na ang lumilipas, ipinagbawal na sa mga bampira ang pagbuo ng anak sa mga mortal. In fact, pure vampires should not even exist in this time.”
“Bakit naman?”
“A century ago, the vampire king and queen ordered every vampire in the world to enter Eternal Sleep,” pagkukuwento ni Tyrus. “It is equivalent to death for the vampire race.”
“Every vampire….” Napasinghap si Lilac, halatang nagulat. “So one of your parents…”
“My father who was a Nobleblood, a high-ranking vampire in the society, entered Eternal Sleep a century ago,” sagot ni Tyrus sa hindi natapos na tanong ni Lilac. “Alam ko na ang sunod mong itatanong kaya sasagutin na kita. Oo, masasabing parang mass suicide sa lahi ng mga bampira ang nangyari.”
“Tinanggap mo `yon?” halos pabulong na tanong ni Lilac, puno ng simpatya ang boses. “Tinanggap `yon ng mga kamag-anak o partner ng mga pure vampires?”
“Ang pagsunod sa kagustuhan ang mga pinuno ng lahi ng mga bampira ay isang malaking karangalan para sa kanila,” sagot ni Tyrus sa boses na puno ng pagmamalaki. “Aaminin ko. Mahirap at masakit makita ang aking ama na pumasok sa Eternal Sleep. Pero wala akong karapatang tumutol sa desisyon niya, lalo na’t alam kong ginagampanan niya ang tungkulin niya bilang isang marangal na bampira. That’s exactly why I’m proud of my father. Sigurado rin akong gano’n ang nararamdaman ng mga Bloodkeeper na sinamahan ang kanilang mga magulang o kapareha na pumasok sa habambuhay na pagtulog.”
“Bakit inutos `yon ng vampire king and queen?” nagtatakang tanong ni Lilac.
“Naniniwala silang tapos na ang misyon ng mga bampira sa mundo dahil kaya nang protektahan ng mga mortal ang sariling lahi,” sagot ni Tyrus. “Na mas mapoprotektahan ng mga bampira ang mga tao kung mawawala na ang matatandang bampira. Pero dahil hindi naman gusto ng aming hari at reyna na tuluyang mawala ang mga bampira sa mundo, hinayaan nilang mabuhay ang mga tulad kong mga kalahating-bampira lang. Mapaparami pa naman namin ang mga tulad namin kapag nagkaro’n kami ng kapareha. Mas ligtas ang mga mortal sa mga tulad kong Bloodkeeper dahil kumpara sa mga purong bampira, nakokontrol namin ang kagustuhan naming sakupin ang mga mortal. Kaya rin naming makuntento sa tahimik na buhay. `Yon sana ang plano pero gaya siguro ng iniisip mo, may mga tumutol at nag-aklas.”
“Sabi ko na, eh,” iiling-iling at pumapalatak na sabi ni Lilac.
Tumango si Tyrus bilang pagsang-ayon. “May mga purong bampira ang nag-aklas dahil ayaw nilang pumasok sa Eternal Sleep. Nag-traidor sila sa kautusan ng hari at reyna. Kaya ngayon, kaming mga Bloodkeeper sa ilalim ng pamumuno ni Lord Nicholas– ang nag-iisang Nobleblood na pinayagang hindi matulog para pamunuan ang mga Bloodkeeper– ay may misyon na hulihin ang mga traidor na `to at pigilan ang masamang balak nila na muling iangat ang lahi ng mga bampira at sakupin ang mundo.”
Naipatong ni Lilac ang mga kamay sa dibdib, nanlalaki ang mga mata. “Ah, may leader kayong Nobleblood…” Unti-unti itong natigilan at napalitan ng galit ang pagkaaliw sa mukha nito kanina. “Wait. `Yong bampirang nakasama ni Marigold… isa siya sa mga traidor na hina-hunting niyo?”
“Gano’n na nga.”
“Ang bampirang `yon… alam niyang kayang magbuntis at magsilang ni Marigold ng anak mula sa kanya, at plano niyang gamitin lang ang sanggol para paramihin ang lahi niya?” galit na tanong ni Lilac. “Pinaglaruan niya lang ang kakambal ko?!”
“Hindi pa namin alam ang dahilan niya kung bakit gusto niyang magkaro’n ng anak sa isang mortal,” maingat na sagot naman ni Tyrus.
“Kilala niyo na kung sino ang bampirang `to?” kunot-noong tanong ni Lilac.
Damn, this girl was sharp.
Bumuga ng hangin si Tyrus at tumango. “Oo, Lilac, Kilala namin kung sino ang bampirang ito.”
“Sino siya?”
“Para saan, Lilac? Ni hindi pa nga namin na-te-trace kung saan siya nagtatago.”
“Gusto kong malaman kung anong klase ng bampira ang gumawa no’n sa kakambal ko,” mariing giit ni Lilac, nangingilid ang luha sa galit.
Tinitigan ni Tyrus ang kulay abong mga mata ni Lilac. Then he realized that he had no match against her stunning eyes that seemed to pull a string in his heart. “Magnus Cadmus Stratton,” sagot niya sa pasukong boses. “Siya ang pinakabatang Nobleblood sa lipunan. Kung tatanungin mo kung anong klaseng bampira siya, isa lang ang masasabi ko: baliw. He once tried to kill the vampire prince during a fencing match. Kung hindi dahil sa kabutihang loob ng prinsipe, baka matagal na siyang pinarusahan ng kamatayan.”
Nasapo ni Lilac ang noo nito na para bang bigla itong na-stress. “Matalino at malakas makaramdam si Marigold. Paano siya nabilog ng gano’ng klase ng bampira?”
“Don’t underestimate a Nobleblood, Lilac,” saway ni Tyrus kay Lilac. Hindi naman niya pinagtatanggol si Magnus. Gusto lang niyang malaman ni Lilac kung gaano kapanganib at kalakas ang kalaban nila. “Magnus is one of the most cunning vampires you’ll ever meet. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit mahabang panahon siyang nabuhay sa kabila ng mga nagawa niyang kasalanan laban sa royal family?”
Humugot ng malalim na hininga si Lilac na parang kinakalma ang sarili. “Hindi si Marigold ang unang babaeng sinubukang lahian ng Magnus na `yon?”
“Si Marigold ang pinakabago at pinakahuling nahulog sa bitag ni Magnus,” maingat na sagot ni Tyrus. Hindi niya masabi ang salitang “biktima.” Ewan ba niya pero para bang ayaw niyang masaktan si Lilac. “Gaya ng sinabi ko kanina, iba na ang panahon ngayon. Mas marami nang bampira ang wala sa kontrol. Sila ang dahilan kung bakit mabilis namamatay ang mga tulad mong ipinanganak na espesyal. Mabango ang dugo niyo at lapitin kayo ng trahedya. That makes you easy prey. That’s why today, a full-grown female born during a red room is rare. Karamihan pa sa mga mortal na may alam sa kanilang abilidad, itinatago ang mga sarili nila para makaiwas sa kapahamakan.
“Hindi na siguro umasa si Magnus na may makikita siyang mortal na may kakayahang ipagbuntis ang anak niya. Siguro, desperado na siya kaya sinubukan niya ang mga babaeng ipinanganak din naman ng may kakaibang pangyayari sa buwan. Espesyal din ang mga gano’ng klase ng mortal, kaya nga nabuo pa rin ang sanggol sa mga sinapupunan nila. Pero hindi pa rin `yon sapat para lumaki ang bata at mabuhay sa kanilang katawan kaya `yon din mismo ang ikinamatay nila.”
Kumunot ang noo ni Lilac at itinaas pa ang isang kamay. “Bakit hindi na lang mangagat at sumipsip ng dugo ang Magnus na `yon para dumami ang lahi niya?”
“Si Mayumi, ang pinakamalakas na salamangkera ng kanilang lahi, ang tumulong sa vampire king and queen para ipasok sa Eternal Sleep ang mga purong bampira. At bago namatay si Mayumi, sinumpa niya ang mga traidor bilang parusa sa pagtakas ng mga ito sa panghabambuhay na pagtulog,” paliwanag ni Tyrus. “Ang marka ng barcode sa leeg ng mga bampira ang simbolo niyon. Nawalan na sila ng kakayahang baguhin ang mga mortal na kinakagat nila, at sa oras na uminom sila ng dugo ng mga tao, mamamatay naman sila. Kaya maraming bampira ang nabaliw sa labis na pagkauhaw.”
“Posibleng ang natitirang paraan na lang na nakita ng Magnus na `yon sa pagpapakalat ng lahi niya ay ang paggamit sa mga mortal na kayang magbuntis sa anak ng isang matandang bampira na gaya niya,” nanghihinang realisasyon ni Lilac, biglang namutla. “Kapag nalaman niyang pinanganak din ako na may pulang buwan, siguradong gagawin din niya sa’kin ang ginawa niya kay Marigold.”
“`Yon ang iniiwasan nating mangyari,” determinadong sabi ni Tyrus. “Ang sabi mo, ang mga salamangkerang nag-alaga sa inyo ang nagdesisyong paghiwalayin kayo ni Marigold at pagamitin kayo ng magkaibang apelyido. Hangga’t hindi alam ni Magnus na may kakambal si Marigold, ligtas ka.”
“Hindi sinabi ni Marigold ang tungkol sa’kin. Pero paano kung malaman pa rin ni Magnus na espesyal din ako?” nag-aalalang tanong ni Lilac.
Hindi alam ni Tyrus kung bakit biglang umangat ang kamay niya na para bang gusto niyang haplusin ang pisngi ni Lilac para kalmahin ito. Nang pigilan niya ang sarili niya, huli na ang lahat. Nakaangat na ang kamay niya at nakaharap ang palad niya sa mukha ng mortal. Damn.
Kumunot ang noo ni Lilac sa pagtataka habang nakatingin sa kamay niya. “Ano `yan?”
Napalunok si Tyrus. Dinikit niya ang palad niya sa noo ni Lilac dala ng pagkataranta, saka siya biglang namulsa. He kept a poker-face and shut his mouth to avoid more mistakes.
Lumabi si Lilac at hinimas ang noo nito. “Para saan `yon?”
“Ganyan ang pagbati ng mga Bloodkeeper sa isa’t isa,” pagsisinungaling ni Tyrus, saka niya tinalikuran si Lilac at nauna na siyang maglakad habang hila-hila ang maleta nito. “Let’s go to the mansion.”
“TEAM, meet Lilac Alonzo, the new member of our squad.”
Ngumiti si Lilac ng matamis kahit na pamilyar na mga mukha ang sumalubong sa kanya na nagpapakaba sa kanya: ang maganda at mala-supermodel na babaeng may mapusyaw na buhok, ang payat na lalaki na mukhang college drop-out, ang maskuladong Bloodkeeper na nakasimangot at nakaka-intimidate, at `yong guwapong half-half na medyo hawig at ka-height pa ni Tyrus.
“Lilac, meet the Keepers you knocked down,” pagpapatuloy ni Tyrus.
Nawala ang ngiti ni Lilac. Nilingon niya si Tyrus na nakatayo sa tabi niya para bigyan ito ng masamang tingin. Pero ang buwisit na half-half, busy sa pagpapakilala sa kanya ng mga kasamahan nito. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ito o ano dahil seryoso ang mukha at boses nito.
“Hyacinth,” sabi ni Tyrus, saka tinuro ang nag-iisang babae sa grupo. “Onyx,” dugtong nito na ang tinuro naman ay `yong lalaking masama ang tingin sa’kin. “Saffron.” Tinuro naman nito `yong cute guy na mukhang estudyante pa. “And my twin brother, Eton.”
Napatitig si Lilac kay ‘Eton.’ Ah, kakambal pala ito ni Tyrus kaya malaki ang pagkakahawig ng dalawa.
Only Eton looked more mature because of his day-old stubbles, “sharp” high cheekbones, and more muscular built. Pero ang mga mata, tangos ng ilong, at hugis ng mga labi ay kahawig ng kay Tyrus.
Twins…
Naging malungkot ang ngiti ni Lilac nang maalala niya si Marigold. Hindi man sila magkamukha ng kanyang kakambal, wala namang makakapantay sa koneksyon nila. Her twin sister was her soulmate, and she still will be even when she was already gone.
“Lilac?” untag ni Tyrus sa kanya. “Are you okay?”
Mabilis na binalik ni Lilac ang masigla niyang ngiti, saka siya tumango. Pagkatapos ay lumapit siya kay Hyacinth at dinikit ang palad niya sa noo nito na halatang ikinagulat nito. “Hello, team. Sorry sa nagawa ko dati.” Lumipat naman siya kay Saffron at dinikit ang palad niya sa noo nito na ikinatawa lang ng lalaki. “I hope we get along well.” Tumingkayad siya para maabot naman niya ang noo ni Onyx na medyo nilakasan niya ang pagtapik sa noo na ikinasinghal nito kaya mabilis siyang lumipat sa harap ni Eton na binibigyan siya ng nagbabantang tingin. Mas nilakihan niya ang ngiti niya. “Please take care of me,” sabi niya, saka niya mabilis na dinikit ang palad niya sa noo ni Eton bago siya tumakbo pabalik sa tabi ni Tyrus.
Napansin niyang kakaiba ang kinikilos ni Tyrus dahil nakahalukipkip ito at nakatakip ang kamay sa bibig. Idagdag pa na parang hindi ito makatingin sa kanya.
Sina Hyacinth, Onyx, Saffron, at Eton naman, binibigyan ng hindi makapaniwalang tingin si Tyrus.
“May problema ba?” nagtatakang tanong ni Lilac.
Mabilis namang dumeretso ng tayo si Tyrus at inalis na ang kamay sa bibig nito nang harapin siya. “Wala pa kaming Helper sa ngayon kaya pasensiya ka na kung walang makakapaghatid sa’yo sa kuwarto mo. Pero alam mo naman na kung saan ka pupunta, `di ba?”
Tumango si Lilac. Habang naglalakad sila ni Tyrus papunta sa malaking mansiyon, nasabi na nito sa kanya ang sitwasyon at kung saang kuwarto siya mag-i-stay. “Oo. Kaya ko na ang sarili ko. I’m not a child.”
“Good,” kaswal na sagot ni Tyrus, pagkatapos ay dinukot nito sa bulsa ng pantalon ang kung ano. “Nakalimutan kong isauli sa’yo `to.”
Nilahad ni Lilac ang palad niya nang senyasan siya ni Tyrus. “Ano `yan?”
Himbis na sumagot, nilagay lang ni Tyrus sa kanyang palad ang bagay na gusto nitong isauli sa kanya.
Napasinghap si Lilac nang makita ang kuwintas ni Marigold. Pero sa pagkadismaya niya, wala na ang ulo ng unicorn. Tanging ang silver horn na lang ang natira. “Ito na lang ba ang natira sa kuwintas?”
Tumango si Tyrus. “Hindi suot ni Marigold ang kuwintas na `yan. My brother found the necklace under the sofa. Hindi nila nakita kahit saan ang unicorn pendant na sinasabi mo.”
Nalungkot si Lilac. Siguro, nasira ang kuwintas habang nakikipaglaban si Marigold. Ngayong kalmado na siya, saka niya lang naalala na sobrang gulo ng condo ng kakambal niya ng araw na `yon.
“I’m sorry,” biglang sabi naman ni Eton kaya napalingon siya sa lalaki. “Hinanap ko sa buong condominium building ang unicorn pendant na hinahanap mo, pero `yang sungay lang ang nakita ko.”
Building? Napangiti si Lilac at umiling. Sinara niya ang kamay niya sa hawak niyang silver horn. “This is more than enough. Thank you, Eton.”
Tumango lang si Eton, wala pa ring emosyon.
Humarap uli si Lilac kay Tyrus na napansin niyang nakatitig na naman sa kanya na parang pinag-aaralan siya, kaya ngumiti siya. “Nabanggit mo kanina na may meeting kayo. Aakyat na ko sa kuwarto ko. Don’t worry about me.” Nilingon niya sina Eton, Onyx, Saffron, at Hyacinth na parang mga estatwa sa sobrang tigas at deretso ng pagkakatayo. No’n lang din niya napansin na parang sundalo pala ang mga ito na nasa likuran pa ang mga kamay. Lalo tuloy lumuwang ang ngiti niya. “See you later, guys.”
Nang walang sumagot sa kanya, nagkusa na siyang umalis. Dumeretso siya sa grandstaircase bitbit ang backpack at maleta niya. Malakas naman ang katawan niya kumpara sa normal na babae kaya madali lang para sa kanya ang akyatin ang hagdan habang may bitbit na mabigat.
Nang makarating siya sa second floor, dineretso niya lang ang pasilyo hanggang sa makarating siya sa pinakadulong kuwarto na may double mahogany doors. Ginamit niya ang susi na binigay ni Tyrus sa kanya kanina, saka siya pumasok sa loob.
Wow. The bedroom was bigger than her studio-type apartment. For real.
Sumalubong sa kanya ang king sized bed na may apat pang poste at may eleganteng “kumot.” Malaki rin ang bintana. In fact, there were pillows on the windowsill as if she was being invited to read a book by the window. From where she stood, she could also see the balcony that probably led to a beautiful view.
Pero ang pinakanagustuhan niya ay ang pakiramdam na ligtas siya sa mansiyong `yon.
I wish you had the same protection I’m getting, Marigold.
Naging emosyonal na naman si Lilac nang maalala si Marigold. Napaluhod siya sa sahig at niyakap ang kuwintas ng kakambal na ginawa niyang bracelet. “I already miss you, Marigold. Sana marinig ko uli ang boses mo…”
Boses?
Umurong ang mga luha ni Lilac nang maalala ang silver horn ng unicorn pendant ni Marigold ay isang voice recorder! At kapag tinusok `yon sa audio port sa ulo naman ng panda pendant niya, maririnig niya ang recording niyon. Sana lang, may naiwang voice message ang kakambal niya.
Hinubad niya ang kuwintas niya. Pagkatapos, sinuksok niya ang silver horn sa panda pendant niya.
“What are you, Marigold Hamilton?”
Nabitawan ni Lilac ang kuwintas nang marinig ang nakakakilabot na boses ng lalaki mula sa voice recorder. Tumayo ang balahibo niya sa kilabot. Hindi rin niya alam kung bakit pero bigla siyang nakaramdam ng takot para sa nilalang na narinig niyang nagsalita.
Sino `yon?
Boses pa lang ng nilalang, puno na ng napakalakas pero malupit na kapangyarihan. Naramdaman niya `yon kahit recorded voice na lang ang pinapakinggan niya.
“Just kill me…”
Naitakip ni Lilac ang mga kamay sa bibig niya nang marinig ang nanghihina at halatang nahihirapang boses ng kanyang kakambal. “Marigold…” bulong niya, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
Tumawa ang nilalang gamit ang boses nitong nakakakilabot. “Oh, you bet I will, my dear. I will. But you have to answer my questions first. Bakit marunong kang lumaban at gumamit ng salamangka?”
Biglang bumukas ang pinto.
The next thing Lilac knew, Tyrus was already kneeling beside her. His hand was gently holding her shoulder. Like her, he was looking at the necklace on the floor.
Ramdam niyang nasa likuran din niya ang iba pa nilang kasamahan. Nakakapagtaka man, pero naramdaman din niya na ang bawat Keeper na kasama niya ngayon ay biglang naging alerto. Naalala niyang matalas ang pandinig ng mga kalahating-bampira, kaya malamang, nakilala ng squad ang boses na naririnig nila ngayon kaya biglang napasugod ang mga ito sa kuwarto niya.
“Ang boses na `yon…” pagsisimula ni Lilac sa basag na boses. Binaba niya ang nanginginig niyang mga kamay sa kandungan niya at kinuyom ang mga `yon. “Siya ba si Magnus?”
Tumingin si Tyrus sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakakita siya ng kakaibang emosyon sa mga mata nito– awa. “Siya nga,” tumatangong sagot nito.
“Wala akong sasabihin sa’yo,” mariing sabi ni Marigold sa kabila ng mabigat nitong paghinga na para bang may iniinda itong matinding sakit. “Patayin mo na lang ako…”
Napapikit si Lilac nang napalakas ang pag-iyak niya. Hati ang damdamin niya. Gusto niyang marinig ang boses ni Marigold, pero hindi sa ganitong paraan.
“You chose to kill our child,” malamig na sabi ni Magnus. The playfulness in his voice was replaced by a threatening one. “Wala ka nang pakinabang sa’kin ngayon. Maliban sa isang bagay.” Saglit itong huminto. “Tell me where to find your twin sister.”
Napamulat ng mga mata si Lilac. Naramdaman din niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Tyrus sa balikat niya. Kung gano’n, alam na ni Magnus na may kakambal si Marigold?
“I don’t have a twin sister,” tanggi ni Marigold sa mariing boses. “Sinabi ko na sa’yong lumaki ako sa bahay-ampunan at wala akong kapati– ahhh!”
Napasinghap si Lilac nang nag-echo sa buong kuwarto ang sigaw ni Marigold na halatang dumadanas sa matinding hirap at sakit. Napahikbi na lang siya habang binabaon ang mga kuko niya sa kanyang mga palad. Sobrang bigat sa dibdib na wala siyang magawa ngayon kundi ang makinig na lang sa mga huling sandali ng kanyang kakambal. Parang babaligtad ang sikmura niya. “Marigold…”
“Sa susunod na pagtarak ng punyal na `to sa katawan mo, sisiguraduhin kong sa puso mo na babaon ang talim nito at hindi sa sikmura lang,” banta ni Magnus sa mapanganib na boses.
Sinaksak ng walanghiyang bampirang `yon si Marigold? Napasigaw si Lilac sa sobrang galit at sakit. Kung puwede lang niyang hilahin ang napakalupit na si Magnus mula sa voice recorder, ginawa na niya.
“Napaimbestigahan ko na ang ampunang pinanggalingan mo,” pagpapatuloy ni Magnus. “Alam ko nang hindi Marigold Hamilton ang tunay mong pangalan. Pero ang pinakaimportanteng impormasyon na natanggap ko ay ang tungkol sa kakambal mo. But unfortunately, I can’t find any record about your twin sister. I hate wasting time, you know. So you just have to tell me where she is, my dear.”
“I don’t have a twin sister,” giit ni Marigold, halata sa boses na hinang-hina na. “I don’t…”
Sumigaw si Magnus at nagsalita ng ibang lengguwahe na para bang nagmumura na ito.
Lalong lumakas ang iyak ni Lilac. Sa kabila ng parusang natatanggap ni Marigold sa mga huling sandali ng buhay nito, pinrotektahan pa rin siya ng kanyang kakambal.
“Ito na ang huling beses na tatanungin kita, Marigold,” banta ni Magnus sa boses na malamig pa sa yelo. “Nasa’n ang kakambal mo?!”
Marigold let out a soft, yet insulting laugh. “Kahit mabaliw ka pa sa kahahanap, wala kang makikitang kakambal ko. I told you a million times already. I don’t have a twin sister.”
Muli, sumigaw si Magnus sa galit.
Kasunod ang tunog ng kalansing.
At ang makabasag-pusong pagsigaw ni Marigold.
Tumayo si Lilac at patakbong nagpunta sa banyo sa loob ng kuwarto. Pagdating sa lababo, hindi na niya napigilan ang pagsuka dahil kanina pa masama ang pakiramdam niya. Hindi na rin niya napigilan ang lalo pang paglakas ng kanyang iyak habang nililinis niya ang sarili.
Base sa mga tunog at ingay na narinig niya, hindi naman mahirap isipin na dumanas pa ng torture si Marigold bago ito tuluyang bawian ng buhay.
Marigold…
Bumigay muli ang mga tuhod ni Lilac kaya sa pagkakataong `yon, sa sahig ng banyo naman siya napaluhod. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak. Kailangan niyang ilabas `yon dahil pakiramdam niya, hindi siya makahinga sa sobrang paninikip ng kanyang dibdib.
Sumigaw siya sa galit nang marinig muli sa isipan niya ang boses ni Magnus at kung paano nito pinagbantaan at sinaktan ng paulit-ulit si Marigold. Bawat himaymay ng pagkatao niya, naghuhumiyaw na kailangan niyang pagbayarin ang nilalang na sumira sa kanyang buhay.
Marigold died protecting her.
Lilac will now live to avenge her twin sister.