Bad Blood/Bad Romance Duology Chapter 5

DENIM put her oversized sunglasses on the top of her head when she stepped out of the car.

Napabuntong-hininga na lang siya nang makita ang malaking mansiyon ng kanyang Uncle Miguel. Confirmation `yon na oo, pinutol niya ang bakasyon niya sa New York para umuwi ng Pilipinas. Which meant she needed to deal with the family drama that she started.

Pagpasok niya sa mansiyon, sumalubong agad sa kanya ang nakangiting si Cerise Alessandra Stratton, ang Nobleblood na pinagsisilbihan ng kanyang pamilya, na hinihintay siya sa tapat ng grandstaircase. This old vampire had always been good to her. In fact, her Aunt Cerise had been like a mother to her ever since her biological mom died a long time ago.

“Aunt Cerise,” nakangiti at excited na bulalas ni Denim. Nakakaisang hakbang pa lang siya kaya nagulat siya nang bigla ay nasa harap na niya ang bampira. Natawa tuloy siya. “I missed you!”

The lady of the house greeted her with a tight hug. “Welcome back, my darling. I missed you, too.”

Hindi niya alam kung gaano gaano katagal nang nabubuhay sa mundo si Aunt Cerise, pero sigurado siyang matagal nang huminto ang pagtakbo ng oras para rito dahil nanatiling bata ang anyo nito.

With Cerise Alessandra Stratton’s golden braided hair, small angelic face, stunning emerald eyes, pointed nose, vivid red lips, her classic beauty was timeless. She also had a gorgeous slim figure and glamorous long legs that international models would surely kill for. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito kahit hanggang talampakan ang suot nitong itim na bestida.

Very classy.

Umabistre sa kanyang braso si Aunt Cerise at marahan siyang inakay paakyat ng hagdan. Sa pagkakataong `yon ay sinabayan siya ng bampira sa mabagal na paglalakad. Well, mabagal para rito pero `yon naman ang normal na bilis para sa mga tulad niyang ordinaryong mortal.

“How was your flight, darling?” tanong ni Aunt Cerise sa gentle nitong boses.

“It was fine, Aunt Cerise,” simpleng sagot ni Denim, nakalabi. “But I really dreaded coming back. Kung hindi dahil sa binalita mo sa’kin, hindi pa ko uuwi. I don’t want to see Uncle Miguel yet.”

Bumuntong-hininga ang kanyang Aunt Cerise at hinawakan ang kanyang kamay. “Denim, dear, unawain mo na lang ang Uncle Miguel mo. Isa pa, sa edad niyang `yon, hindi naman nakakapagtaka kung magkaro’n siya ng karelasyon. Your uncle is already in his early fourties.”

Sumimangot si Denim. A month ago, she found an ultrasound copy of a baby boy in Uncle Miguel’s suit jacket when she was looking for her credit cards that her uncle confiscated as a punishment for her “improper behavior” (aka firing her new PA, again). “Aunt Cerise, wala namang problema sa’kin kung gusto nang mag-settle down ni Uncle Miguel. Pero sana naman, `yong ka-level namin ang dine-date niya. But no. He’s dating girls my age from small and unknown acting agencies. `Yon ang hindi ko matanggap.”

Her uncle was Miguel Lorenzo Benitez, president of a huge TV network who also owned New Dimension Pictures, a movie company known for producing blockbuster films.

Bilang nag-iisang pamangkin ng kanyang tiyuhin na tinuring na rin niyang parang tunay na ama simula nang maulila siya no’ng tatlong taong gulang pa lang siya, hindi naman katanggap-tanggap na nakikipag-date lang ang Uncle Miguel siya sa mga starlet. Sigurado kasi siyang ginagamit lang ng mga babaeng `yon ang tiyuhin niya para magkaro’n ng big break sa showbiz. Ang ayaw niya sa lahat ay ang ginagamit ang pamilya niya dahil sa yaman nila.

When she brought up her concern, she and her Uncle Miguel had an ugly fight. Nagtampo siya sa tiyuhin niya dahil sa unang pagkakataon, hindi siya nito pinakinggan. Dahil sa sama ng loob, naglayas siya at nagbakasyon sa America ng halos isang buwan.

“Ayokong magkaro’n ng pinsan kung ang mommy niya ay starlet lang,” pagpapatuloy ni Denim sa paglalabas ng hinanakit. “Ang dami-dami namang babae d’yan from other buena familia na interested kay Uncle Miguel. Why not just date one of those women?”

Natawa ng mahina si Aunt Cerise. Iiling-iling na kumalas sa kanya ang bampira para buksan ang double doors ng kanyang kuwarto. “Kung ganyan lang kadaling pilitin ang sariling magmahal ng iba, posible sana `yang sinasabi mo. But love doesn’t work that way, darling. Remember that.”

Sumimangot lang si Denim bago siya pumasok sa loob ng kuwarto niya. Four posted queen sized bed, elegant curtains, huge walk in closet, pastel clolored-walls. Nothing had changed in her room. “`Yon din ba ang reason kung bakit hindi ka pa nag-aasawa, Aunt Cerise? Are you still in love with the man you told me about before?” Na ni minsan ay hindi pinapangalanan o pinapakita ni Aunt Cerise ang picture sa kanya.

Pumihit paharap sa kanya si Aunt Cerise. There was a sad look on her face even when she was still smiling. “A vampire’s love is eternal, my dear.”

Denim was left speechless. Gano’n ba talaga kalalim ang damdamin ng mga bampira?

“I can’t believe you just asked that question to a Nobleblood, Denim.”

Inis na nilingon ni Denim ang pinanggalingan ng malalim at masungit na boses na `yon. Nakita niya si Finn na nakasandal sa door frame habang nakahalukipkip at binibigyan siya ng nananaway na tingin.

Koreana ang mortal na ina nito kaya hindi tulad ng karaniwan, mukhang Asian si Finn. But nevertheless, he was still strikingly and undeniably gorgeous. He was tall and lean, and the size of his muscles was just enough to show that he had been taking really good care of his body. He had jet-black hair, chinky eyes, pointed nose, thin reddish lips, and pale skin just like most half-vampires did.

“Kung alam kong `yan lang ang sasabihin mo sa’kin pagkatapos kong umuwi ng Pilipinas para sa’yo, hindi na sana kita binalikan dito,” paghihinanakit ni Denim kay Finn.

Kumunot ang noo ni Finn. “Ako ang dahilan ng pag-uwi mo?”

“I told Denim what happened to you, Finn,” sabi ni Aunt Cerise. Pagkatapos, nakangiting nagpalipat-lipat ng tingin ang bampira sa kanya at kay Finn. “You two need to talk. Please excuse me.”

Bago pa kumurap si Denim, wala na sa kuwarto si Aunt Cerise. Masyadong mabilis ang kilos ng bampira para sa ordinaryong mortal na gaya niya.

“Totoo ba `yong sinabi ni Lady Cerise?”

Napasinghap si Denim sa gulat nang bigla-bigla, nasa harap na niya si Finn. Nakakunot pa rin ang noo nito habang nakatingin pababa sa kanya. Umabot lang kasi siya sa leeg nito. “Bakit ka ba nanggugulat?”

“Totoo bang umuwi ka dahil nalaman mo ang nangyari sa’kin?”

Humalukipkip si Denim at tinaasan ng kilay si Finn. “What if I say yes?”

Biglang napangiti si Finn. “Are you finally falling in love with me?”

“No,” mariing sagot ni Denim. “Falling in love with you would be like having incestuous feeling for an older brother. Nakakakilabot, Finn.”

Nawala ang ngiti ni Finn at bumalik sa pagiging masungit ang boses. “We’re not blood-related, Denim.”

“You’re not my type,” deretsang sabi ni Denim. Pagkatapos, kinuha niya ang kanang braso ni Finn. Hindi naman nag-react ang lalaki habang nirorolyo niya ang sleeve ng jacket nito hanggang sa siko nito. At muli, napasinghap siya nang makita ang sunog na bahagi sa forearm nito. The burnt mark was visible. If a mortal like her could clearly see the scar, vampires definitely could see it as well. “Totoo nga ang sinabi ni Aunt Cerise. Hindi gumagaling ang burnt mark mo kahit may speedy recovery ka.” Nag-angat siya ng tingin kay Finn na nakatitig lang sa mukha niya. “I know how much you care about your physical appearance. You might have been so upset. Saan mo ba kasi nakuha `tong sunog na `to at hindi mawala-wala?”

“That’s not important,” paiwas na sagot ni Finn.

Kahit kailan talaga, hindi dini-disclose sa kanya ni Finn ang “trabaho” nito. Ang alam lang niya, delikado `yon dahil lagi na lang injured ang best friend niya kapag nakakatapos ito ng misyon. Hindi nakakapagtaka `yon dahil si Finn ay isang Bloodkeeper na personal bodyguard at right-hand man ng isang Nobleblood.

“Are you okay, Finn?” nag-aalalang tanong ni Denim.

“I wasn’t for the past month that you’re gone,” sagot ni Finn. Then he cupped her face in his warm, big hands while gently brushing his fingers against her cheeks. “But now that you’re here and you made me feel loved and cherished again, I’m fine.”

Bumuntong-hininga na lang si Denim. Ipinalupot niya ang mga braso niya sa baywang ni Finn, saka niya sinubsob ang mukha niya sa balikat nito. Ah, mas mainit at di hamak na mas matigas ang katawan nito kaysa sa normal na tao. Pero kahit kailan, hindi ipinaramdam sa kanya ng lalaki na dapat niya itong katakutan. Parati pa ngang safe ang pakiramdam niya kapag kasama niya ang best friend niya. She closed her eyes and sniffed in his masculine scent that she secretly loved. “I missed you so much, Finn.”

Bumuntong-hininga si Finn na parang nadismaya sa mga sinabi niya dahil alam naman niyang hindi `yon ang gustong marinig nito mula sa kanya. Pero magaang na ipinalupot din naman nito ang mga braso sa katawan niya. “If you’ve missed me that much, then don’t leave my side ever again, okay?”

NAGULAT pa si Lilac nang paglabas niya ng building, madilim na. Pero kung sabagay, hapon na rin naman nagsimula ang audition niya. Hindi niya namalayan ang oras habang nasa loob siya.

Narinig niyang bumuga ng hangin si Tyrus kaya nilingon niya ito.

The Bloodkeeper still looked gorgeous even after she made him look like her personal bodyguard by making him wear sunglasses, blue polo, black slacks, and leather shoes. To make it more realistic, she also made him wear bluetooth earpiece which really worked because it was connected to Eton’s phone which, on the other hand, acted like her personal driver.

“Masama ba ang loob mo dahil pinag-pose kita as my personal bodyguard?” tanong ni Lilac. “Ginawa ko `yon kasi ayaw mo namang mawala ako sa paningin mo. Saka kailangan `yon para isipin ng mga producer na sikat na ko kaya kailangan ko ng bodyguard.” Bumungisngis siya. Aaminin niya na medyo mayabang at mapanlinlang ang ginawa niyang `yon. Pero nang may maalala siya, mabilis din siyang naging seryoso. “Sorry, ha? Kailangan ko talagang makapasok bilang talent ng BBS dahil sa TV network na `to nagtrabaho noon si Marigold. Dito ako maghahanap ng clue para mahanap ang ex-fiancé niya.”

“Hindi naman `yon ang problema ko,” sagot ni Tyrus, deretso lang ang tingin at pantay ang boses. “Napagod lang ako sa kakatanggi sa offer ng mga talent scout na lumapit sa’kin kanina habang nasa audition room ka. They are kind of persistent, you know.”

Eksaheradong sumimangot si Lilac. Aware naman siya na naging center of attention si Tyrus kanina dahil kahit naka-uniform ito, mukha pa rin itong modelo dahil sa kaguwapuhan at tangkad nito. Hindi naman nakakapagtakang nakuha nito ang atensiyon ng mga talent scout sa TV network na `yon.

Kaya nga hindi dapat nagsasama ng iba kapag may audition ka. Most likely than not, `yong kasama mo ang makukuha at hindi ikaw.

Nag-iisip siya ng magandang retort sa “humble bragging” ni Tyrus nang mapansin niyang totoong mukha itong pagod. Parang mas maputla ito kaysa normal at pansin din niyang parang hinahabol nito ang hininga kahit wala naman itong ibang ginawa kanina kundi ang tumayo.

“We should go home,” nag-aalalang sabi ni Lilac. “Nasa’n ba si Eton?”

“Kinuha ni Eton ang sasakyan sa parking space,” sagot ni Tyrus sa pagod na boses. “Dadaanan na lang niya tayo dito sa harap ng building.”

Tumango si Lilac. “Okay. Pero sigurado ka bang okay ka lang? You look really tired, Tyrus.”

Bahagya siyang nilingon ni Tyrus. Kahit naka-shades ito, ramdam niyang sa kanya ito nakatingin. “How do you do it, Lilac?”

“Do what?”

“Worry about other beings when you have so much on your plate already.”

Nilagay ni Lilac ang mga kamay sa likuran niya saka siya dumeretso ng tingin. Mula sa kinatatayuan niya, kita niya ang malaking main gate ng building. Sa labas no’n, may mga avid fans na naghihintay sa posibleng pagdating ng big stars ng network. Nakakatuwa ang dedication ng mga ganitong tao dahil kahit gabi na, talagang nagtitiyaga ang mga ito.

Sinong artista kaya ang dadating?

Anyway…

“Maaga akong nawalan ng mahal sa buhay, Tyrus,” pagkukuwento ni Lilac. “I was only eight when our biological parents died. I wasn’t able to afford mourning for a long time because I had to worry about Marigold. Do’n ko natutunan na hindi hihinto ang mundo kahit sino pa ang mawala sa’kin o kahit gaano pa ko maging kalungkot. I still have a life to live even if I lose all the reasons to.” Bumuga siya ng hangin para lumuwag ang dibdib niya na biglang nanikip. “Gano’n din ngayon. Kahit na wala na si Marigold na nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay, hindi pa rin ako puwedeng magpatalo sa lungkot at galit ko. I had to get a hold of myself after I mourned for my sister and nephew because I have to find their murderer and make him pay.” Nilingon niya si Tyrus at nginitian ang lalaki kahit alam niyang hindi magiging maganda ang dating ng ngiti niya dahil sa nararamdaman niyang kalungkutan. “Pero bukod do’n, kailangan ko rin maging matatag para sa sarili ko. Mababaliw ako kung puro paghihiganti at lungkot lang ang iisipin ko. Kaya mas gusto ko nang isipin na lang ang mga tao o pangyayari sa paligid ko. Plus, part of living is caring about other people, right? There can’t be “too much” on your plate to lose your humanity.”

“Not everyone can be as nice, Lilac,” iiling-iling na sabi naman ni Tyrus. “Decent human beings are very rare in this era.” Umangat ang kamay nito at sa pagkagulat niya, dinikit uli nito ang palad sa noo niya. “Hindi ako komportable na meron kang matinding pagnanais na dumihan ang kamay mo para maiganti ang kakambal at pamangkin mo. But knowing that you are helping yourself to be okay comforts me.”

Ngumiti lang si Lilac at hinimas-himas ang kanyang noo. May sasabihin pa sana siya, pero natigilan siya nang marinig ang malakas na tilian.

Nalingunan niya ang grupo ng mga fans na nakita niya kanina. Sa pagkakataong `yon, bukas na ang gate at may isang luxury car ang pinagkakaguluhan. Siguro, sakay ng kotse na `yon ang artistang kanina pa hinihintay ng mga tao sa labas. Karamihan sa mga `yon, babae.

Napangiti siya habang iiling-iling. Guwapo siguro `yong artistang tinitilian ng fangirls.

Bumukas ang pinto sa driver’s side at lumabas ang isang matangkad at guwapong lalaki na mukhang may lahing Koreano. Nang ngumiti ang lalaki, halos mabaliw na sa pagtili ang mga kababaihan. Hindi siya pamilyar dito kaya hindi niya alam kung sino ang artistang `yon.

Pero sigurado siyang nakita na niya ang nilalang na `yon.

Mabilis nawala ang ngiti ni Lilac kasabay ng panlalamig ng kanyang buong katawan. Mabilis niyang hinawakan ang laylayan ng polo ni Tyrus para kuhanin ang atensiyon nito. “The color of his blood…”

“What about it?” alertong tanong ni Tyrus, nakatingin sa lalaking mukhang Koreano.

“It’s the same hue I saw in the unseen Bloodkeeper in the condo,” pabulong na sagot ni Lilac. Hindi rin niya alam kung paano niya nasabi `yon. Kahit pare-pareho lang ang kulay na nakikita niya, nasasabi pa rin niya ang difference sa bawat isa ng mga dugong nakita na niya. Lalo na ang mga tinandaan niya.

And then suddenly, amid the fangirls screaming and asking for the Korean-looking guy’s attention, he turned to her and gave her a knowing smirk as if telling her that he heard what she just said.

Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa gulat. “Siya nga…”

Tyrus growled lowly. Maybe he had seen the other guy smirk, too. “I’ll catch him.”

Mukhang naririnig sila ng lalaking mukhang Koreano dahil mabilis itong bumalik sa loob ng kotse nito at nagmaneho papasok sa driveway papunta sa parking space ng building. Hinarang naman ng mga bodyguard ang mga fans na sinubukang habulin ang artista.

Nakaramdam ng pagkataranta si Lilac nang unti-unti nang mawala sa paningin niya ang kotse ng lalaking mukhang Koreano kaya tumakbo siya para habulin ito. Inaasahan niyang susunod sa kanya si Tyrus at baka nga maunahan pa siya nito. Pero natigilan siya nang mapansing walang sumunod sa kanya.

Napilitan siyang huminto sa pagtakbo para kunot-noong lingunin si Tyrus. Pero mabilis ding nawala ang kunot ng kanyang noo nang mapansing nakahawak ang Bloodkeeper sa dibdib nito na para bang nasasaktan ito. Then much to her shock, he dropped to the ground, unmoving.

“Tyrus!” nag-aalalang sigaw ni Lilac, saka siya patakbong bumalik kay Tyrus at lumuhod sa tabi nito. Natanggal ang suot nitong shades nang bumagsak ito kaya nakita niyang nakapikit ito. O mas tamang sabihing walang malay. Niyugyog niya ang mga balikat nito pero hindi ito nagising. “Tyrus!”

“What’s happening?”

Napatingin si Lilac sa bluetooth earpiece na malapit sa ulo ni Tyrus. Do’n nagmumula ang boses ni Eton na halatang nag-aalala. Kinuha niya ang gadget at kinabit `yon sa tainga niya. “Eton, nasa parking space ka pa ba ngayon?”

“Palabas pa lang. Bakit?”

Binigay agad ni Lilac ang plate number ng kotse ng lalaking mukhang Koreano bago pa niya makalimutan. “Hulihin mo ang Bloodkeeper na nagmamaneho ng kotseng `yon. Please!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.