Bad Blood/Bad Romance Duology Chapter 7

DUGO ng tao.

Nakatulog si Tyrus sa loob ng mahabang panahon matapos siyang malinlang ng isang mortal na inibig at pinagkatiwalaan niya. Nang nagising siya, wala na ang babae pero nanatiling puno ng galit at pait ang dibdib niya. Lalo na para sa lahi ng mga tao, `yon man ang pinagmulan ng kanyang ina.

Kakaiba ang epekto sa kanya kapag uminom siya ng dugo ng tao, kaya nang nagising siya, nangako siya sa sariling hindi na muli iinom ng dugo. Sa loob ng dalawampung taon, nakayanan niyang tiisin ang uhaw. Kaya naman niyang mabuhay sa normal na pagkain. Nahihirapan lang naman siya kapag nauubos ang lakas niya at nagtatamo siya ng malalang pinsala. Kailangan ng mga Bloodkeeper ng dugo ng tao para sa mabilis na paggaling. Pero dahil sa pangako niya sa sarili, tiniis niya ang kanyang pagkauhaw.

But… what’s this?

May kakaibang nalalasahan si Tyrus. Ang likido na gumagapang sa lalamunan niya, matamis at makinis. Hindi niya mapigilan ang sariling sipsipin `yon ng sipisipin. Gusto pa niya. Habang tumatagal at mas maraming likido ang natitikman niya, naaalala na niya kung ano ang masarap na lasa na `yon…

Ah. I almost forgot how good human blood tastes.

Human blood?

Biglang nagmulat ng mga mata si Tyrus. Sa pagkagulat niya, sumalubong sa kanya ang magandang mukha ni Lilac. Nakapikit ang babae, nakakunot ang noo, at kagat-kagat ang ibabang labi na para bang nahihirapan ito. Ang mas nakakapagtaka pa, napakaputla na ng balat nito.

He was about to ask her if she was okay but he realized that there was something stuffing his mouth. Nang tumingin siya sa pababa, nagulat na lang siya nang makitang kagat-kagat niya ang pupulsuhan ni Lilac at dugo ng babae ang sinisipsip niya. Hawak pa nga niya ang braso nito na para bang ayaw niya itong pakawalan. Dahil maputla ang mortal, kitang-kita niya ang pasa nito dahil sa pagkakahawak niya rito.

Shit!

Mabilis na tinigilan ni Tyrus ang pagsipsip sa dugo ni Lilac, saka niya binitawan ang babae. Pagkatapos, bumangon siya at gumulong palayo sa mortal. Nang lingunin niya si Lilac, napansin niyang nakayuko ito at nakatukod ang mga kamay sa kalsada, halatang hinang-hina.

Napasobra ang sinipsip niyang dugo kay Lilac!

Pero paano nangyari `to?

Nang-angat si Lilac ng tingin sa kanya. Sobrang putla ng maganda nitong mukha. Her face became apologetic when she saw him looking at her. “I’m sorry, Tyrus. I had to make you drink my blood because I don’t want you to die. Plus…”

Nanlaki ang mga mata ni Tyrus nang bigla-bigla, may dalawang bampira ang bumagsak mula sa itaas. Mabilis na hinawakan ng mga ito si Lilac sa magkabilang-braso, saka walang kaingat-ingat na hinila patayo ang babae na napasinghap sa sakit. Malamang, nabali ang braso ng mortal.

Umangil siya sa galit pero nang tangkain niyang tumayo, may naramdaman siyang bampira sa likuran niya na bigla siyang tinarakan ng patalim sa likod.

“Tyrus!” nag-aalalang sigaw naman ni Lilac na nagpupumiglas mula sa mga bampirang may hawak at pumilit na humihila dito.

Sumigaw si Tyrus hindi dahil sa sakit, kundi para pakawalan ang kanyang kapangyarihan. Kasabay ng pagiging pula ng kanyang mga mata at paglabas ng pangil at mahahabang kuko, ang sumirit na dugo mula sa butas na bahagi ng katawan niya ay naging apoy ayon sa kagustuhan niya.

Narinig niya ang pagsigaw ng bampira sa likuran niya na malamang ay tinupok ng kanyang apoy dahil bigla ring nagliwanag sa paligid niya. His flame came from his witch blood, so he was pretty sure the Bloodsucker had already turned into ashes.

Nang hanapin niya si Lilac, nakita niyang pilit nang sinasakay ang babae sa isang itim na van na hindi niya namalayang dumating pala. Alam niyang seryoso ang sitwasyon, pero hindi niya maiwasang humanga at maaliw sa mortal nang makitang sumisigaw ito at nagsisisipa para mahirapan ang mga bampirang ipasok ito sa sasakyan. Kahit anong sitwasyon talaga, palaban ito.

I know you don’t need help, but let me save you.

Sa mabilis na pagkilos, tumakbo si Tyrus papunta kay Lilac. Nang sipain ng babae sa dibdib ang isang bampira na umangil, sinamantala niya ang pagkakataon para i-armlock sa leeg ang distracted na Bloodsucker. In one swift and poweful move, he broke the low class vampire’s neck until the Bloodsucker turned into ashes. Only the vampire’s clothes fell on the ground.

Halatang nabigla si Lilac sa nangyari. Natauhan lang ito nang bitawan ito ng Bloodsucker na may hawak dito at itulak ito na dahilan kaya nasubsob ito sa kalsada. Nang mga sandali ring `yon, ang van na malamang ay minamaneho at naglalaman din ng iba pang bampira ay kumaripas na ng takbo.

“Lilac!” nag-aalalang sigaw ni Tyrus.

Sinubukan niyang lapitan si Lilac pero hinarang siya ng malaking Bloodsucker na may lakas pa ng loob na angilan niya at labasan ng mga pangil na para bang sinisindak siya. Mahina at mababang klase lang ito kaya wala itong binatbat sa isang trained Bloodkeeper na gaya niya. Sa mabilis na pagkilos lang, naikutan agad niya ang Bloodsucker na halatang ikinabigla nito.

Nang nasa likod na siya ng malaking bampira, walang sabi-sabing binaon niya ang kanyang kanang kamay sa dibdib nito. Nang tumagos ang kamay niya sa katawan nito, hawak na niya ang puso ng Bloodsucker. Before the low class vampire could even scream, he already crushed his heart in his hand.

As soon as Tyrus was done dealing with the Bloodsuckers, he ran to Lilac’s side. Lumuhod siya sa tabi ng babae at tinulungan itong tumayo. Mukhang nanghihina talaga ito dahil sumandal ito sa kanya na para bang hindi nito kayang dalhin ang sariling bigat. “Are you hurt, Lilac?” nag-alalang tanong niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang damdaming `yon, pero mahirap na `yong labanan. “Can you walk?”

Humugot ng malalim na hininga si Lilac at tumingin sa paligid, binabale-wala ang mga tanong niya. “Si Eton…” Tinulak siya ng babae, saka ito may tinuro. “Your brother needs help, Tyrus! Go!”

Hindi nagustuhan ni Tyrus ang pagtulak sa kanya ni Lilac pero mas nangibabaw pa rin ang pag-aalala niya para kay Eton. Nilingon niya ang direksyong tinuro ng mortal. Sa pagkagulat niya, nakita niya si Eton na nakahiga sa kalsada. Sinusubukang tumayo ng kakambal niya pero hindi ito makakilos na para bang may kung sino o kung ano na nakatapak sa katawan nito.

But Eton was snarling as if he was in so much pain.

Ethan!

“Tyrus, burn the Bloodkeeper,” utos ni Lilac sa kanya. “Inaapakan niya si Eton at sa tingin ko, may balak siyang saksakin ang kapatid mo! Nakikita ko ang pagdaloy ng dugo sa mga braso niya na nakaangat at parang may hawak na patalim!”

Umangil si Tyrus dala ng pag-aalala para kay Eton at galit para sa kalaban ng kakambal. Pinagkrus niya ang mga braso, saka niya hiniwa ang mga `yon gamit ang matatalas niyang kuko. Sa sobrang lalim niyon, mabilis na sumirit ang kanyang dugo mula sa mga braso niya.

Inutusan niya ang dugo niya na maging apoy at sunugin ang kung sino mang nilalang na nakatayo sa itaas ni Eton na nakahandusay sa kalsada.

Ang apoy niya, may binalot na kung ano sa itaas ng kanyang kakambal. Kasunod niyon ay narinig ang malakas na ungol na parang may kung anong nasasaktan. Pagkatapos, kumilos ang hindi nakikitang Bloodkeeper na nasusundan na nila ang galaw gamit ang apoy na tumutupok dito.

And then the invisible Bloodkeeper unleashed his powerful Bloodlust. Nakakakilabot ang mabigat nitong intensiyon na pumatay at napakalakas din ng enerhiyang pinakakawalan nito.

Napaluhod si Lilac sa kalsada, hindi kinaya ang malakas na presensiya ng kalaban. “He’s strong…”

Si Tyrus naman, pinilit na manatiling nakatayo at hindi umuusad sa kinatatayuan kahit na itinutulak siya ng napakalakas na enerhiya. He summoned his own Bloodlust to create a barrier to protect Lilac.

Damn. Who is this Bloodkeeper?

Dahil sa malakas na Bloodlust ng Bloodkeeper, naapula nito ang apoy na nagmula sa kanyang dugo. It was a feat because in his one hundred twenty five years of existence, only high ranking vampires had succeeded in extinguishing his flame. Not even Eton could stop his fire attacks.

Nanlaki ang mga mata ni Tyrus sa gulat nang unti-unti nang nakita ng kanyang mga mata ang pisikal na anyo ng Bloodkeeper na kanilang kalaban. At pamilyar sa kanya ang mukhang `yon. “The Korean-looking guy from earlier…”

Humalukipkip ang Bloodkeeper na mukhang Koreano habang nakatuntong ito sa tuktok ng poste at nakatingin pababa sa kanila. Blangko ang tinging ibinibigay nito sa kanila at nang nagsalita, malamig ang boses na ginamit nito. “Greetings, my fellow Bloodkeepers.”

Umangil si Tyrus. Kung hindi lang siya nag-aalala na madamay sina Lilac at Eton na parehong nahihirapang kumilos ngayon, sinugod na niya ang Bloodkeeper. “Isa kang Bloodkeeper pero bakit inaatake mo ang mga kauri mo? Sino ka at ano ang kinalaman mo sa pagkamatay ni Marigold Hamilton?”

“Ikaw ba ang pumatay kay Marigold?!” tanong naman ni Lilac na hindi man makatayo, buhay na buhay naman ang matinding galit sa mga mata habang nasama ang tingin sa kalaban.

Hinubad ng Bloodkeeper ang jacket suit nito na nasunog na dahil sa apoy ni Tyrus, saka `yon basta na lang binitawan. Nakatitig ito kay Lilac. “You are Marigold Hamilton’s twin sister, aren’t you?”

Mabilis na humarang si Tyrus sa harap ni Lilac. Kung alam ng Bloodkeeper ang tungkol sa koneksyon ng kambal, isa lang ang ibig sabihin niyon. “You’re working for Magnus Cadmus Stratton. Isa ka ba sa mga Bloodkeeper na sumumpa ng katapatan sa isang traidor?!”

Tumaas lang ang sulok ng mga labi ng Bloodkeeper, halatang nang-aasar.

Umangil si Tyrus at susugod na sana, pero natigilan siya nang hawakan ni Lilac ang laylayan ng polo niya. Nang lingunin niya ang babae, inalalayan agad niya ito nang makita niya itong tumatayo habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa Bloodkeeper. “What’s wrong, Lilac?”

Sumandal si Lilac sa katawan niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kalaban. At nakahawak ang babae sa dalawang pendant ng suot nitong kuwintas. “The necklace he’s wearing belongs to Marigold…”

Mabilis na nilingon ni Tyrus ang Bloodkeeper. May suot nga itong kuwintas na may pendant na ulo ng kabayong may ginintuang buhok. Halata rin na may espasyon sa ulunan niyon para sa sungay ng unicorn. And that silver horn was in Lilac’s possession now. “You traitor of our kind…”

Ngumisi lang ang Bloodkeeper, pagkatapos ay naglabas ito ng patalim mula sa likuran nito. Pero himbis na atakihin sila, inangat nito ang braso at ginamit nito ang punyal para sugatan ang sarili. Malalim `yon dahil mabilis na dumugo ang braso nito. And while his blood dripped from his cut, his presence and his physical body were quickly disappearing from sight.

He’s escaping!

Gusto sana niyang habulin ang traidor na Bloodkeeper pero bigla na lang bumigat ang pagkakasandal ni Lilac sa kanya. Nawalan na ng malay ang babae. At naalala niyang malala rin ang pinsala ni Eton.

Damn.

NANG magmulat ng mga mata si Lilac, ang guwapo at nag-aalalang mukha ni Tyrus ang unang sumalubong sa kanya.

Ilang segundo siyang nakatitig lang sa Bloodkeeper hanggang sa maalala niya ang lahat ng nangyari. Napasinghap siya at biglang napabangon. Marami sana siyang gustong itanong pero napansin niyang nakabalik na siya sa kuwarto niya sa mansiyon.

“Nakatakas siya,” nanlulumong realisasyon ni Lilac. Napasandal siya sa headboard dala ng panghihina. “Natakasan niya tayo.”

Tumangi si Tyrus. Hindi siya sigurado, pero parang sobrang stiff nito habang nakaupo sa stool sa gilid ng kama. Hindi rin ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. “Alam ko kung gaano mo kagustong makompronta ang traidor na Bloodkeeper. I’m sorry I wasn’t able to capture him.”

Marahang umiling si Lilac. “Hindi mo naman kasalanan `yon. Naiintindihan ko ang nangyari kagabi. Pareho kaming injured ni Eton kaya inuna mo kaming iuwi kaysa habulin ang kalaban, `di ba?”

Muli, tumango lang si Tyrus.

Bigla namang nailang si Lilac. Nakakapagtaka kasi ang kakaibang stiffness ni Tyrus ngayon na para bang hindi rin ito komportable sa kanya ngayon. Pero hindi na siguro siya dapat magtaka dahil may kasalanan naman talaga siya sa lalaki. “Tyrus, galit ka ba sa’kin dahil pinilit kitang painumin ng dugo ko?”

Tumaas ang kilay ni Tyrus. “Paano mo naman nasabi `yan?”

“Na-mention kasi ni Eton sa’kin na twenty years ka na raw hindi umiinom ng dugo ng tao.”

Nagtagis ang mga bagang ni Tyrus at tumingin sa direksyon ng pinto. “I’m gonna kill you later for being a big mouth, Ethan.”

Napapiksi si Lilac dahil sa pagbabanta sa boses ni Tyrus. “Ethan ba ang totoong pangalan ni Eton?”

Humarap uli sa kanya si Tyrus, kalmado na. Saka ito marahang tumango. “Yes. He was born Ethan Albert Rousell.”

“Bakit siya nagpalit ng pangalan?”

“Bloodkeepers usually change names every mission we get,” sagot ni Tyrus, pantay pa rin ang boses. “Ilang beses kaming nadedestino sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan naninirahan kami ng maraming taon. Siyempre, hindi maiiwasang magkaro’n kami ng koneksyon sa mga mortal sa paligid namin. Pero hindi puwedeng malaman ng mga taong nakakakilala sa’min na matagal kaming tumanda, kaya normal lang na nag-iiba kami ng pangalan. Lalo na `yong mga kabilang sa squad para sa proteksyon ng grupo.”

“Eh ikaw? Code name mo rin ba ang ‘Tyrus?’”

Umiling si Tyrus. “Hindi. Nagpapalit ako ng second name at apelyido, pero hindi ang pangalan.”

Tumango-tango lang si Lilac, saka siya tumikhim at nagpakaseryoso na. “Bakit ayaw mong uminom ng dugo ng tao, Tyrus? Mukhang seryoso ka sa dahilan mo kasi willing kang mamatay sa gutom, eh.”

Bumuntong-hininga si Tyrus. “Lilac, ipapaliwanag ko muna sa’yo ang hierarchy ng mga bampira sa mundo namin. Nabanggit ko na sa’yo ang aming hari na si Estevan at reynang si Esperanza, hindi ba?”

Tumango naman si Lilac, naging sobrang interesado na sa mga sinasabi ni Tyrus. “Sila `yong nag-utos na pumasok ang mga purong bampira sa Eternal Sleep, `di ba?”

“Correct,” tumatango-tangong sagot ni Tyrus. “The king and the queen of the vampire race are the purest among the pure full vampires. They are called ‘Rarebloods’ because they are almost extinct even before the Eternal Sleep era. Napapanatili nila ang purong dugo ng kanilang lahi dahil karaniwan naman, hindi sila nagpapakasal sa labas ng kanilang angkan.

“Ang huling hari’t reyna ng lahi ng mga bampira ay magkapatid. Ang kambal na anak nila na sina Prince Estefan at Princess Esmeralda ay nakatakda rin sanang ikasal, pero inabot `yon ng kautusang habambuhay na pagtulog para sa mga bampira.”

Napasinghap si Lilac. “Incest ang lahi nila.”

“Hindi sila tao, Lilac, kaya wala silang ganyang konsepto,” paalala sa kanya ni Tyrus sa nananaway na boses. “Anyway, ayon sa kasaysayan ng lahi ng mga bampira, ang mga Rareblood ang lumikha sa susunod na uri sa hierarchy– ang mga Nobleblood. Sila `yong matatandang bampira na matataas ang posisyon sa lahi ng mga tao noong mortal pa sila, kaya nadala nila ang pagiging maharlika at espesyal no’ng gawin silang bampira ng mga Rareblood. At dahil nakainom noon ng dugo ng mga Rareblood ang mga Nobleblood, nagkaro’n sila ng sobrang lakas na kapangyarihan.”

Nanlaki ang mga mata ni Lilac nang may maalala siya. “Sinabi mo sa’kin dati na Nobleblood ang daddy mo, `di ba? Hindi ba sila nagpapakasal lang within their clans, like the Rarebloods?”

“Noblebloods usually marry within the family, but not necessarily because they are not as pure as the Rarebloods anyway. Still, hindi pa rin katanggap-tanggap para sa mga bampira kapag nagpakasal ang isang Nobleblood sa ibang lahi, lalo na sa mga mortal.”

“Bakit naman?”

“Dahil ang bunga ng pagmamahalan ng isang bampira at isang mortal o kung anumang lahi ay hindi na magiging puro,” sagot ni Tyrus, saka itinuro ang sarili. “Kaming mga Bloodkeeper `yon.”

Natigilan si Lilac, pero naintindihan din naman niya. Bilang kalahating tao-kalahating bampira, nasa pagitan ng dalawang lahi ang mga Bloodkeeper. Posibleng katakutan ng mga mortal, at pandirihan naman ng mga bampira dahil sa hindi pagiging puro ng mga ito.

That sucks…

“Anyway, ang sumunod sa mga Bloodkeeper ay ang mga Vampyre. Ang ganitong uri ay nakainom ng dugo ng mga Rareblood pero hindi dumaan sa tamang proseso ng pagbabago, kaya naging mahinang klaseng bampira sila. Pero ang kagandahan sa uri nila, kontento na sila sa tahimik na buhay. Sila din `yong mga bampirang gumagawa ng coven at nagtuturingan talaga bilang isang pamilya.”

Napangiti si Lilac. “I like them.”

Muli, hindi nagkomento si Tyrus sa sinabi niya. “At ang pinakahuli sa hierarchy ay ang mga Bloodsucker. Sila `yong uri ng bampira na ginawa lang ng mga Nobleblood para maging private army at alipin. Dahil mabababang uri, bukod sa kawalan ng dangal ay mahihina rin ang kapangyarihan nila. Karamihan sa kanila, nawawala sa sarili sa amoy pa lang ng dugo. Kahit bago pa ang Eternal Sleep era, ang mga Bloodsucker na talaga ang kahihiyan ng lahi ng mga bampira. Sila rin kadalasan `yong mga umuubos sa mga mortal na pinanganak na espesyal.”

Tumango-tango si Lilac. Na-digest naman niya ang mga sinabing impormasyon ni Tyrus. Pero kumunot ang noo niya nang may maisip siya. “Bakit mo sinabi ang lahat ng `to sa’kin, Tyrus?”

“Para mas maintindihan mo ang sasabihin ko sa’yong epekto ng pagpapainom mo sa’kin ng dugo mo,” seryosong sagot ni Lilac. “Gaya ng alam mo na, isang Nobleblood ang aking ama. May taglay na malakas na kapangyarihan. Ang angkan ng mga Rousell, bukod sa kaya nilang gumawa ng sandata mula sa dugo, ay nagtataglay din ng lason ang kanilang sistema. Kaya masugatan ka lang ng sandata na gawa sa dugo ng aming angkan, kakalat na agad ang lason sa katawan mo.”

Hindi napigilang pumito ni Lilac sa pagkamangha. “That’s so cool, Tyrus!”

Tumango si Tyrus, pero halatang hindi masaya. “`Yon din mismo ang kahinaan ng dugo ng angkan ng aking ama. Kapag nakakainom sila ng dugo ng mortal, nawawalan ng epekto ang lason sa katawan nila.”

Kumunot ang noo ni Lilac. “Parang na-i-sterilize ng dugo ng tao ang lason sa dugo niyo?”

“Gano’n na nga,” pagsang-ayon ni Tyrus. “Pero may mas masamang epekto pa `yon at `yon din eksakto ang sekreto ng angkan ng aking ama.”

“Ano naman `yon?”

“Napapasunod kami ng mortal na nagmamay-ari ng dugong nasa katawan namin,” sagot ni Tyrus. “Pero ang pagkontrol sa’min ng mga tao ay depende rin sa dami ng dugong nasipsip namin mula sa kanila.”

Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa na-realize niya. “Dahil ininom ko ang dugo mo, mapapasunod kita sa kahit anong gusto kong gawin mo?”

Tyrus scoffed at that. “Kaya nga sinasagot ko ang mga tanong mo ngayon. Pero mahina lang ang kontrol mo sa’kin dahil kaunting dugo mo lang naman ang nasipsip ko. Kung may iuutos ka sa’kin na labag sa kalooban ko, malalabanan ko ang dugo mo sa sistema ko.” Naningkit ang mga mata nito sa kanya. “I’m warning you, woman. You can’t take advantage of a strong Bloodkeeper like me. Ang aking ina ay may lahi ring salamangkera. Bukod sa kakayahan kong gawing apoy ang dugo ko, malakas din ako laban sa mga pagkontrol ng isipan o anumang klase ng hipnotismo. Hindi ko na uli ibababa ang depensa ko gaya noon.”

Napakurap si Lilac sa bitterness na naramdaman niya sa boses ni Tyrus. “Bakit, Tyrus? May mortal na bang nanloko sa’yo at nag-take advantage sa kontrol niya sa sistema mo?”

Mariing tumango si Tyrus at dumaan ang galit sa guwapong mukha. “The last time I trust a mortal with my secret, I ended up sleeping for fifty long years.”

Napasinghap si Lilac sa gulat. “What happened?”

Nagtagis ang mga bagang ni Tyrus, pagkatapos ay mariin itong pumikit na para bang pinipigilan ang sariling sagutin ang tanong niya. Mukhang nilalabanan nito ang kontrol niya rito. “Stop asking questions, Lilac.” Nang nagmulat ito ng mga mata, masama na ang tingin nito sa kanya. “Don’t even think about using my weakness against me, Lilac. If you do, I will kill you. And I’m serious.”

Himbis na matakot si Lilac, mas nangibabaw ang lungkot niy. Wala pang tiwala sa kanya si Tyrus. Pero hindi niya magawang magdamdam dahil sigurado naman siyang may dahilan kung bakit ganito ka-guarded ang lalaki. Lalo na sa mga mortal na nakakaalam ng sekreto at kahinaan nito.

Sasabihin sana niya kay Tyrus na mapagkakatiwalaan siya nang naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya sa ilalim ng unan. Kinuha niya `yon at napakunot ang noo niya nang makitang unknown number ang tumatawag. Nag-excuse siya kay Tyrus na tumango lang, saka niya sinagot ang tawag sa kanya.

“Yes, this is Lilac Alonzo speaking,” sabi ni Lilac nang hanapin siya ng babaeng kausap niya sa kabilang linya. Hindi pamilyar sa kanya ang boses nito pero tungkol sa trabaho ang tawag na `yon. Nagulat pa siya sa sunod niyang narinig. “Your president wants me to sign a contract with Star Crib?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.