BAIDER (FILIPINO VERSION) Chapter 12

Malapit na matapos ang kurso ko kaya naman todo review ako para sa board exam para maging registered nurse.

Nahihilo na ako kakabasa sa makapal na libro na Fundamental of Nursing 1 and 2. Tiningnan ko ang malaking orasan sa side ng kama ko.

12 am

Napabuntong hininga ako at pinilit na labanan ang antok. Dal'wang taon na kami ni Laurent, masaya ang pagsasama namin kahit paminsan-minsan hindi ko na talaga matagalan ang kasungitan niya pero hindi ko magawang mainis sa kaniya kahit isang beses. Sa tagal naming ito ay natutulala pa rin ako kapag ngumingiti siya dahil sa akin niya lang iyon pinapakita. Minsan magugulat na lang ako na may dala siyang isang bugkos ng bulaklak o magpapadala siya ng kung anu-ano sa room ko.

Hindi na ulit nanggulo pa ang mga nakalaban niyang sindikato noon pero hindi pa rin ako mapanatag dahil paminsan-minsan nakikita kong namumula ang kamay ni Laurent nasisiguro kong may sinapak o sinuntok nanaman siya.

Hanggang ngayon ay marami pa rin akong tanong tungkol sa kaniya pero hindi na ako naglakas loob na tanungin iyon dahil sabi niya may 'tamang panahon' para roon.

"Coffee."

Muntik nang bumagsak ang mga mata ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Laurent. Naglapag siya ng coffee sa table ko.

"Salamat," nakangiti kong sabi at sinimsim iyon.

Kumuha siya ng bangko at itinabi sa akin. Umupo siya at yumakap sa baiwang ko.

"Kaya mo 'yan, bebe girl. Ikaw pa," nakangiti niyang sabi.

Tulad pa rin ng dati saglit akong natutulala sa ngiti niya. Oo, hindi na ako nasanay roon dahil kakaiba ang dating sa akin ng ngiti niyang iyon. Para bang napakahirap makita no'n sa kaniya.

"Inaantok na ako," nakanguso kong sabi at saka sinandal ang ulo sa balikat niya.

"Okay, let's sleep."

Binuhat niya nanaman ako. Lagi niya iyong ginagawa lalo na kapag nakikita niyang pagod na ako. Inihiga niya ako sa kama at kinumutan.

"Bakit palagi mo akong binubuhat?" Nakatunghay siya sa akin ngayon at nakatingin lang sa mukha ko.

"Kasi bebe girl kita."

Napangiti ako at sa wakas ay hindi niya ako sinagot ng 'kasi gusto ko'.

"Hmm?" Nakapikit na ako at yumakap sa baiwang niya. Nakaupo siya ngayon sa tabi ng kama at hinahaplos ang buhok ko.

"Sleep well," naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko at ang pagtabi sa akin.

Madalas siya rito matulog dahil wala raw akong kasama. Nakakalungkot naman talaga mag-isa pero minsan ay nandito si Alem at Ardent. Gano'n pa rin kapag nakikita niya kaming magkasama ni Ardent nagseselos siya. Seloso siyang talaga.

Nilamon na ako nang antok dahil patuloy lang na hinahaplos ni Laurent ang buhok ko.

Nang magmulat ako ng mga mata ay maliwanag na. Mukha niya agad ang nakita kong nakatunghay sa akin.

"Good morning," nakangiting bati niya.

Ganda nang umaga ko dahil ngiti niya agad ang nakita ko. Mabilis akong pumunta sa kaniya at umupo sa hita niya. Yumakap ako at ibinulong ang "Good morning."

Nakapikit pa ako pero binuhat niya nanaman ako papuntang banyo. Dahil sa puyat at pagod ko ay antok pa rin ako. Naramdaman ko na hinilamusan niya ang mukha ko. Pagkatapos ay sinabi niyang "ih" nag-ih naman ako. Nakapikit pa rin ako pero ramdam kong tinooth-brush-an niya ako. Napangiti ako dahil palagi niya akong inaalagaan. Iyon ang isa sa mga napansin ko sa kaniya. Maalaga siya kahit masungit.

Napamulat ako ng mata nang maramdamang labi niya na ang dumampi sa labi ko matapos niya akong sepilyuhan.

"Hoy!" Saway ko sa kaniya.

Bumungisngis siya. "Halik lang pala ang magpapagising saiyo."

Ihinaya ko sa kaniya ang kamay ko na parang bata at nagpapabuhat sa kaniya. Nakangiti niya naman akong binuhat papuntang kusina.

"You really a baby, huh," sabi niya habang inuupo ako sa upuan.

Tumawa naman ako dahil nawiwili na talaga akong buhat-buhatin niya. Gusto niya 'yon, eh.

Gusto niya o gusto mo, Anmela?

Natawa ako sa isipin kong iyon.

"Bukas na ang board exam mo," hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop. Bigla ay kinabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari. "Kaya mo 'yon!"

Ngumiti ako nang malapad "Kinakabahan ako."

"Kayang-kaya mo 'yon," pag-cheer niya habang umuupo sa tabi ko.

Nilagyan niya ng fried rice, egg, ham at bacon ang plato ko. Nakakatawang siya pa ang nag-aasikaso sa akin kahit dapat ay ako. Gano'n siya maasikaso, maalaga at marahan kung kumilos pagdating sa akin.

Pinagmasdan ko siya habang sumusubo ng itlog.

"Sabi mo dati hindi ka kumakain ng itlog?" Pagtataka ko.

Tiningnan niya ako at ngumiti. "Noon 'yon hindi pa kita nakikilala. Naging paborito ko ito simula no'ng dalhan mo ako sa office."

Wow! Ang haba ng sinabi niya. Dapat ko na ba siyang palakpakan?

"Buti naman. Masustansiya 'yan dahil puno ng protein na kailangan ng katawan."

"I know."

Natampal ko ang mukha ko dahil akala ko ay mahaba na ang sasabihin niya pero bigla na lang siyang nagsusungit nanaman.

Tahimik lang kaming kumain nang biglang nag-ring ang phone niya. Lumayo siya at sinagot iyon.

"Okay.. I'm going.. bye," bumuntong hininga siya bago umupo ulit sa tabi ko.

"Pinapauwi ako ni mommy."

Tumango lang ako sa kaniya. Lumapit siya at humalik sa noo ko.

"I'll be back after," yumakap siya sa akin. "I love you," bulong niya.

"I love you too."

Pinanood ko na lang ang pag-alis niya. Okay lang naman na wala siya magre-review ako madami pa 'yon.

Tinawagan ko si nanay bago magsimula ulit sa ginagawa.

"Anak! Galingan mo, huh!" Masiglang sabi niya sa kabilang linya kaya napangiti ako.

"Opo, nasaan po si tatay?"

"Saglit anak," may narinig akong parang kinuha ang phone. "Anak! Proud na proud ako saiyo. Pinagmamalaki ko na ilang buwan na lang ay magiging ganap na lisensiyadong nurse ka na."

Halos maiyak ako sa sobrang touch ng sinabi ni tatay iyon. Hindi sila nagkulang ng suporta kahit na malayo ako kaya naman laking pasalamat ko dahil sila ang magulang ko.

"Salamat, ‘tay. Namimiss ko na po kayo," malungkot kong sabi.

"Kunti na lang anak. Magkakasama na tayo."

"Ingat po kayo palagi."

"Ikaw rin anak. 'Wag ka mag-alala palagi kaming inaalagaan ng nobyo mo."

Napanganga ako nang sabihin iyon ni tatay. Huh? Paano nangyari 'yon?

"Talaga, tay?"

"Oo, hindi lang kami ang mga tao rin dito. May mga doctor na laging tumitingin sa kalusugan ng mga tao."

Napatitig ako sa kawalan sa sinabi niya. Talaga? Ginagawa niya 'yon? Kailan pa?

"Hindi pa namin siya nakikita pero lubos na kaming nagpapasalamat sa kabutihan niya," alam kong nakangiti si tatay nang sabihin niya iyon.

"Pero ‘tay, paano nangyari 'yon?"

"Siguro, anak, talagang mahal ka lang niya kaya pati ang mga taga-rito ay mahal niya rin."

"Napakabuti niya talaga, tatay."

Nakangiti kong sabi. Hindi ako makapaniwalang ginagawa niya pala iyon.

"Sana dumating ang araw na makilala namin siya para makapagpasalamat ng personal."

"Opo, tay, dadalhin ko siya riyan."

"Nga pala, anak. May pinatayo siyang mansyon pinipilit na lumipat kami roon pero hindi kami pumayag."

Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi agad makapag-react. Ano bang plano niya sa buhay? Bakit hindi ko alam? Bakit naman magpapatayo siya ng gano'n doon?

"Ah, kanino raw po 'yon?"

"Bahay niyo raw."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.