"Aalis na ako," sabi ni Laurent. Pumunta siya sa sofa at kinuha ang bag niya.
"Akala ko rito ka matutulog?" sumimangot ako.
Lumapit siya at humalik sa noo ko.
"Tomorrow, I have something to do."
Ngumiti na lang ako nang pilit. "Sige, bukas, huh?" tumango siya. "Bukas huh?" pag-uulit ko.
"Why you're always naughty, bebe girl?" Nakakunot noo niyang tanong.
Ngumisi ako at lumapit sa kaniya. Tumingkayad ako upang maiyakap ko ang parehong kamay sa leeg niya. "Ang naughty ganito," dinampian ko siya ng halik.
Akala ko ay hindi siya tutugon pero tumugon siya at idiniin ang sarili sa akin bago pa lumalim ang halik ay tumigil na siya.
"Naughty nga," nakangisi niyang sabi. "Hatid mo na ako sa baba," ngumiti na siya at hinawakan ang kamay ko.
Napapadalas na ang pagngiti niya. Iyon ang napapansin ko.
Lumabas kami nang magka-holding hands. Ang pagkakangiti ko ay hindi na nawala. Malapit na kami sa kotse niya nang mamataang may ibang tao pala. Itinago niya agad ako sa likod niya.
"Bebe girl, go back inside," halos pabulong niyang sabi.
Sinilip ko kung sino ang nando'n at gano'n na lang manginig ang buo kong katawan nang makitang mga armadong lalaki ang nando'n. Nakangisi kay Laurent. Nagmadaling kumilos si Laurent nang makitang lalapit na sa amin ang mga iyon. Patakbo niya akong hinila pabalik sa loob pero humilakbo ang buo kong sistema nang harangan kami ng isang lalaki at tutukan ng baril.
"Anong nangyayari?" Halos mautal kong sabi.
Hala! Anong gagawin ko?
"Shhh, quite. Trust me," mahina niyang sabi.
"Girlfriend mo?" Nakangisi nitong sabi at saka sinilip ako. Napatago ako sa likod ni Laurent nang makitang ako ang tinitingnan niya. Nakatutok pa rin ang baril kay Laurent pero tila hindi naman kinakabahan ang isang ito.
"If you look at her again. I'll get your eyeballs," maawtoridad na sabi ni Laurent. Makatindig balahibong tawa ang binitawan ng lalaking iyon.
"Seloso ka pala," sinilip ko ulit ang lalaki. Nakakatakot siya pero mas nakakatakot pa rin si Lauressa ang kapatid ni Laurent.
"What do you want?" Mayabang, nakataas ang noo, at kalmadong sabi ni Laurent. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil sa takot ko.
Paano na lang kung may masama silang gawin sa amin?
May mga baril sila at halata sa hitsura na hindi mabubuting tao.
"Your life," matalim na tumitig ang lalaki kay Laurent.
Nagwala sa kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Takot na takot ako kaya tumulo ang luha ko. Hindi naman ako marunong manakit ng tao paano ko siya matutulungan kung sakaling may gawin silang masama sa amin?
"Don't cry," mahinahong sabi ni Laurent at saka pinisil ang kamay ko.
"Sweet!" Tumawa nanaman ang lalaking may hawak ng baril pero agad ding napalitan nang masamang tingin.
"Pakialamero ka kasi. Sana ngayon ine-enjoy mo ang lovelife mo," nakatiim bagang na sabi ng lalaki. "Alam mo bang ilang milyon ang nawala sa amin nang iligtas mo ang batang iyon?"
Bata? Iniligtas? Ano iyon? Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaguusapan nila. Totoo ngang hindi ko pa kilala ang Mr. Baider ko.
"I don't care."
Nalaglag ang panga ko nang sagutin siya ni Laurent nang gano'n. Walang emosyon at diretsong nakatingin sa lalaki. Hindi talaga siya marunong matakot.
"Yabang mo talaga. Laurent Baider, kilala na kita," ikinasa ng lalaki ang baril kaya naman lalong gumapang ang takot sa buo kong katawan.
Laurent..
"How many percent do you know me?" Nakangising sabi ni Laurent.
Napakunot ang noo ko nang itanong niya iyon. Grabe talaga ang lalaking Baider na ito hindi nawawalan ng pakulo sa buhay.
"You don't know me well. Don't act like you know me from head to foot because I'm pretty sure.. " ngumisi si Laurent at pinakatitigan ang ulo hanggang paa niya. "That you know me by my name."
"Mayabang ka ngang talaga," unti-unting lumapit ang lalaki sa amin. Napaatras ako pero hindi nagpatinag si Laurent. Para bang hindi niya dapat iwasan iyon. Para bang wala siyang kahit na gatiting na takot dito.
"Yeah, I admit."
Halos masapo ko ang noo ko dahil sa sinabi ni Laurent. Hindi man lang niya itanggi iyon. Gano'n talaga ang ugali niya.
Mr. Baider, ano pa ang mga pasabog mo sa buhay?
"Sugudin niyo na nga 'yan. Ang yabang!" Inis na sabi ng lalaki.
Awtomatikong sinugod kami ng mga tauhan niya. Napaatras ako pero hawak niya ang kamay ko. Mabilis niya akong ipinasok sa kotse at humarang siya sa pinto no'n.
Napamaang ang bibig ko nang makita kung gaano siya kalakas. Sinugod siya ng isa pero malayo pa lang ito ay tumama na agad ang paa ni Laurent sa mukha niya. Nakita kong dumugo ang ilong niya at saka siya tumalsik sa kotseng itim na sa tingin ko ay dala nila. Sumugod ang pangal'wa pero hindi niya man lang ito hinayaang makahaya sa kaniya sinuntok niya na agad ang dibdib nito. Sumigaw ang lalaki sa sobrang sakit. Bakit parang ang lakas niya? Sobrang lakas!
Lumapit ang pangatlo sumuntok ito pero nakailag agad si Laurent at isang mabilis na tuhod ang ginamit ni Laurent na tumama sa baba niya. Ang pang-apat ay palapit pa lang ay sinipa niya na ito sa mukha. Halos ilang minuto lang ang lumipas pero ang dami niya ng napatumba.
Paano siya natuto ng ganiyan?
"Kahanga-hanga," pumalakpak ang lalaki kanina. "Pero hindi ka sasantuhin ng bala nito," mabilis itong nagpaputok napayuko ako at sa tingin ko tumama iyon sa gulong ng kotse.
Gusto kong sumilip dahil baka tinamaan si Laurent pero hindi ko magawa kasi baka magpaputok nanaman siya. Nanginginig akong nakatiklop sa sahig ng kotse. Yakap ko ang parehong tuhod ko at patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
Laurent...
Natatakot ako. Baka kung ano ang mangyari sa kaniya. Okay lang kaya siya?
Hanggang sa marinig ko ulit ang putok ng baril.
Hala! Laurent!
Nagulat na lang ako nang buksan ni Laurent ang kotse at tiningnan ako. Awtomatikong tumulo nang paulit-ulit ang luha ko dahil sa tuwang ligtas siya at walang nangyaring masama sa kaniya. Lumapit siya at hinaplos ang pisngi ko. Patuloy ako sa paghagulgol dahil sa takot ko.
"Shh," hinahaplos niya ang buhok ko.
"Dalhin niyo sa hospital ang amo niyo kung ayaw niyong mamatay 'yan dito!" Sigaw ni Laurent sa mga tauhan ng lalaki.
Gano'n na lang kalaki ang mata ko nang makita itong nakahiga at dumudugo ang parteng tiyan. Halos mamilipit ito sa sakit kaya naman binuhat ito ng mga tauhan pasakay ng kotse.
Anong ginawa ni Laurent?
Nanlaki ang mata ko nang buhatin ako ni Laurent dahil sa panghihina ko at takot na naroon pa rin sa dibdib ko kaya hinayaan ko siya. Ang lakas niya dahil palagi niya akong binubuhat na para bang walang kahirap-hirap. Tumutulo ang mga luha ko habang nakatingin sa diretso niyang mukha na nakatingin lang sa daan.
Iniupo niya ako sa sofa. Hinawakan ang pisngi ko at inalo ako.
"Are you scared?" Nag-aalalang tanong niya. Tango lang ang isinagot ko dahil nanginginig pa rin ang katawan ko.
Hindi ako sanay sa maaksyong buhay dahil hindi ganito ang pamumuhay ko. Simple lang iyon at malayo sa gulo.
"Hangga't nandito ako walang mananakit saiyo," yumakap si Laurent nang sobrang higpit sa akin.
Unti-unti ay kumakalma na ako. Ilang saglit pa ay tuluyan nang nawala ang takot at pangamba ko. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa kusina.
"Drink this," iniabot niya sa akin ang isang basong tubig. Nanginginig ang kamay kong kinuha ko iyon.
"Thank.. you."
Tuluyan naging mabuti ulit ang pakiramdam ko. Doon lang ako naglakas loob na magtanong. "Sino sila, Laurent?"
Buntong hininga lang ang ginawa niya at saka tumingin sa akin. "I hate telling a story. You know that, bebe girl? Right?"
Napasimangot ako. Lagi na lang ba? Baka mamaya magulat na lang ako patay na siya dahil hindi ko alam ang lahat sa kaniya.
"Fine. He is Dred, pinakamalaking sindikato ang pinapatakbo niya."
Bigla ay muli akong kinabahan. Kung malaking sindikato iyon malamang ay malalagay sa panganib ang buhay niya. Hindi ako mapakali roon. Natatakot ako na baka kung ano ang mangyari, mamaya, bukas, sa isang araw, sa isang linggo, natatakot ako para sa kaligtasan niya.
"Don't worry about me. He can't do something to me because.." tumingin siya sa malayo at hirap ituloy ang sasabihin. "I'm... Baider." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Anong klaseng pagmamalaki iyon? Ano namang mayroon sa pagiging Baider at gano'n na lang siya kakampante?
"Paano kung bumalik sila ulit?" Kinakabahan kong tanong.
"Edi bumalik sila," halos normal niya iyong sinabi na para bang wala talaga siyang pakialam sa bagay na iyon.
Napakamot ako sa ulo ko.
Ano nga bang makukuha kong matinong sagot sa lalaking Baider na ito?
Hindi ako makapaniwalang boyfriend ko siya. Nanlaki ang mata ko nang buhatin nanaman niya ako. Ipinasok niya ako sa kwarto ko at inihiga sa kama.
Baby ba ako para buhat-buhatin niya na lang ng gano'n? Porke malakas siya!
"You need to rest," nakangiti niyang sabi at humiga rin sa tabi ko.
"Akala ko 'di ka rito matutulog?"
Yumakap siya sa baiwang ko at humarap sa akin. "My mind change."
"Baka gusto mo lang akong katabi matulog?"
"Pwede rin." Ewan ko ba sa lalaking ito parang ewan kong sumagot. Tinitigan ko na lang ang mukha niya.
"Matutunaw na ako," walang emosyon niyang sabi.
"Ang gwapo mo," nakangiti kong sabi habang pinapasadahan ang buong mukha niya.
"I know," ipinikit na niya ang mata niya.
Siguro pagod siya sa nangyari kanina. Mas lalo niya akong hinapit at naramdaman ko ang paghalik niya sa bandang leeg ko. "Sleep ka na," hindi na siya nagmulat pa ng mata. Kahit ang dami kong tanong tungkol saiyo parang nawawalan pa rin ako ng pakialam do'n dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko saiyo.
Ano ka ba talaga?
"Sleep ka na. Don't overthink. One day, you'll know everything about me. This is not the right time."
Tiningnan ko lang siya. Nakapikit pa rin ang mata niya. Nagmulat siya saglit at humalik sa noo ko.
"For now, keep in mind that I'm Baider."