Ilang linggo nang pumapasok ako sa trabaho nang walang gana, tulala at halos hindi na ako kumain. Palagi akong inaasikaso ni Alem. Si Ardent ay pagkatapos ng trabaho ay nandito agad. Nahihiya man ako dahil nape-perwisyo ko sila sa nangyayari sa akin ay hindi ko na iyon magawang pansinin.
Laurent..
Halos wala na akong mailuha madalas ay tulala na lang ako. Iniwan niya na nga talaga ako. Gano'n siguro talaga ang buhay hindi mo kontrolado kung sino ang aalis at mangiiwan. Kahit sinabi niyang may mahal na siyang iba hindi ako naniniwala roon dahil hindi niya kayang magsinungaling, sa kilos na ipinapakita niya para alagaan ako at ang pamilya ko ang lalaking nagmamahal lang saiyo ang kayang gawin ang lahat katulad ng ginawa niya.
"Kumain ka naman kahit kaunti," sermon sa akin ni Alem.
"Tama na, Anmela! Wala na nga, eh. Kailan mo ba 'yon tatanggapin, huh?" Tumingin lang ako sa kaniya at muling pumatak ang luha ko.
"Sobrang mahal ko siya, Alem." 'Di ko na napigilan ang humagulgol.
Hindi ito alam nila nanay at ayaw kong mag-alala sila.
"Mahal ka ba niya?"
Durog na durog ang puso ko sa tanong niyang iyon. Mahal niya nga ba ako? O minahal niya nga ba talaga ako? Imposible namang hindi dahil nakita ko ang pag-aalaga niya sa akin at sa pamilya ko. Pero bakit nagkagano'n na lang bigla?
Araw-araw kong naaalala ang mukha niyang nakangiti. Umaasa ako na isang araw pagmulat ko ng mata ay siya ang makikita ko pero nanlulumo ako nang si Ardent ang lagi kong nakikita tuwing umaga. Walang sawa niya akong inaasikaso pero alinman sa ginagawa niya ay hindi ko magawang hangaan katulad ng paghanga ko kay Laurent.
"Mag-almusal ka na. Babalik ako after work," sabi ni Ardent habang inihahanda ang almusal.
Dati si Laurent ang gumagawa no'n. Bakit biglang naging ganito?
"Salamat, Ardent," mapakla akong ngumiti sa kaniya.
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Magigising ka na lang isang araw nakalimutan mo na siya."
Tiningnan ko siya ng may malungkot na mga mata. "Sana nga, Ardent. Sana nga."
Sinabi ko iyon kahit na alam kong kahit minsan hinding-hindi ko naisip na kalimutan siya. Siya lang ang nag-iisang lalaking minahal ko.
Lumapit si Ardent at humalik sa noo ko. Gusto ko siyang sigawan kung bakit niya iyon ginawa pero wala akong lakas kaya tiningnan ko lang siya.
"Tingnan mo naman ako kahit minsan, kahit saglit lang," madamdaming sabi ni Ardent.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh?"
"Lagi mo kong kasama pero kahit minsan hindi mo ako napansin," nangingilid ang luhang sabi ni Ardent.
"Hindi kita maintindihan?"
"Hindi mo talaga maiintindihan. Paano ba naman laging siya ang iniintidi mo. Iniwan ka na nga 'di ba?"
Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita "Baka may rason siya."
Kahit kaunting pag-asa na baka mayroon nga hindi ko iyon ipinagkakait sa sarili ko pero kahit iyon ay parang tinatangay na ng hangin.
"Hanggang kailan ka magpapakatanga?"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.
Hanggang kailan nga ba? Halos hindi na umusad ang buhay ko dahil sa nangyari. Iyon ay kung may buhay pa nga ba ako?
"Ardent.." Napahagulgol na ako dahil sumakit nanaman ang dibdib ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napakasakit! Ang sakit sakit."
Hinayaan ko siyang yakapin ako nang mahigpit. Siya, si Alem, ang mga magulang ko, sila na lang ang mayroon ako.
Si Laurent iniwan na ako.
"Bakit kailangang maging ganito kasakit?"
"Tahan na. Mamayang gabi mag-bar tayo para naman maiba ang ginagawa mo." Tumango lang ako.
"I think I can't go to work now," kinulit ko siyang pumasok sa trabaho dahil gusto niyang samahan pa ako pero sa huli napilit ko rin kaya umalis na.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang laki ng eyebags, ang payat ko na, maputla ang labi, halos hindi ko na makita ang dating ako. Kailangan kong maging matatag. Naligo ako at nagdamit nang maayos, nag-make up at inayos ang buhok. Maya-maya ay nandito na sina Alem at Ardent.
"Wow!" Sabay nilang sabi.
Pinilit kong ngumiti. "Tara!" Yaya ko sa kanila.
Uminom lang kami at nagkwentuhan.
"Naalala ko pa dati tumalon 'yong palaka ko sa zoology nagtakbuhan lahat," tumatawang kwento ni Alem.
Tumawa naman ako nang malakas nang maalala iyon. "Oo nga, akala ko pa naman kung ano na 'yong mga maarte nating kaklase todo tili."
Si Ardent ay nakangiti lang at nakikinig sa usapan namin.
"Sayaw tayo," tumayo ako at sumayaw sa dancefloor kahit nahihilo na.
Sumunod 'yong dalawa at sumayaw kami ng parang baliw. Hindi ako marunong sumayaw hindi katulad ni Laurent. Muling pumasok sa alaala ko noong una ko siyang nakitang sumayaw. Swabe at gwapong-gwapo ang mga moves niya. Humawak si Ardent sa baiwang ko. Tawa kami nang tawa habang sumasayaw.
Bigla ay napasulyap ako sa madilim na parte ng bar na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Laurent pinuyupos ko pa ang mata ko pero nang tingnan ko ulit iyon ay wala namang tao roon. Namamalikmata ba ako?
"What's the problem?" Tanong ni Ardent.
Ngumiti lang ako at sumayaw ulit. "Wala."
Parang nando'n talaga siya pero imposible paano siya mapupunta rito? Isa pa, hiwalay na kami wala na siyang pakialam sa akin. Ang isiping iyon ang dahilan upang yumakap ako kay Ardent. Tumutulo nanaman ang mga luha ko.
"Anmela, we're here to be happy," paalala niya.
Pinalis ko agad ang luha ko. Oo nga pala kailangan kong maging masaya.
Laurent..
Paulit-ulit lang ang pangalang iyon sa isip ko. Ganito rin kaya siya? Malamang ay hindi. Naka-move on na siguro 'yon.
"Ye yo ye!" Sabi ni Alem at todo kembot sa pagsasayaw.
Natatawa ko siyang pinanood. Lasing na siya. Nahihilo na rin ako umiikot na ang paningin ko. "Ardent, Alem, uupo na muna ako nahihilo na ako."
Hinatid ako ni Ardent sa upuan pero nagpaalam saglit dahil magba-banyo raw.
Isinandal ko ang likod ko sa malambot na upuang nando'n. Ipinikit ko ang mga mata ko. Muntik na akong makatulog pero may naramdaman akong haplos sa pisngi ko.
Laurent..
Mabilis akong nagmulat ng mata pero ang nakita ko lang ay ang magulong mga tao, nagsasayaw at nagsasaya. Nababaliw na siguro akong isiping nandito pa rin siya kahit wala naman talaga. Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko pero may nararamdaman akong nakatingin sa akin. Muli akong nagmulat ng mata at iginala ang pangingin sa lahat.
Ano bang pakiramdam ito? Posible bang nandito siya?
"Is there anything wrong?" Tanong ni Ardent at umupo sa tabi ko.
"Wala naman parang nababaliw na 'ata ako?"
Tumawa siya nang malakas. "Mukha nga."
"Hindi ako nagbibiro," sumimangot ako. "May nararamdaman akong kakaiba. Wala naman akong Makita."
"Guni-guni mo lang 'yon," hinawakan ni Ardent ang kamay ko at saka kinuha namin si Alem sa dancefloor. "Uwi na tayo," sabi niya habang si Alem ay nagpupumiglas pa dahil gusto pa raw niya makipagsayaw.
Tahimik lang kami nang ihatid si Alem.
“Ba-bye,” kumaway kami kay Alem nang maihatid na naming.
"Dito ako matutulog," sabi ni Ardent habang pinapagpag ang sofa.
Lagi siyang dito natutulog sa apartment ko dahil natatakot silang baka raw mag-suicide ako. Kapag wala siya ay si Alem naman. Mga totoo silang kaibigan.
"Thank you dahil palagi kayong nandito para sa akin," nakangiting sabi ko kay Ardent at yumakap sa kaniya.
"Ngayon mo lang napansin?" Tumawa siya kaya sumimangot ako.
"Anong ngayon ko lang napansin?"
"Na hindi kita iniwan kahit kalian," nakangiti niyang sabi. "Kung manliligaw ba ako papayagan mo?"
Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam ang sagot doon dahil ang tingin ko lang naman sa kaniya ay kaibigan, kaibigang maaasahan sa lahat ng oras.
"Ah--" Naghagilap ako ng sagot pero wala akong makuha.
"Baka mabago nito."
Nagulat na lang ako nang hapitin niya ako at halikan.
Laurent..
Iyon ang laman ng isip ko kaya naman naitulak ko siya.
"Oh!" Napasabunot si Ardent sa buhok niya at naihilamos ang sariling kamay sa mukha."Sorry, hindi ko sinasadya. Lasing ako sorry, sorry, Anmela, sorry talaga."
Napatitig lang ako sa kaniya. Siguro nga ay lasing lang siya kaya naiintindihan ko iyon. Wala naman sa akin 'yon dahil alam ko naman na minsan talaga matindi ang tama ng alak.
"Sorry talaga, Anmela, sorry, nabastos ba kita? Hindi ko sinasadya so--"
"Okay lang," tumango ako sa kaniya at ngumiti.
"Sorry talaga," pag-uulit niya pero ang sinseridad ay nandoon.
"Matulog ka na. Goodnight."
Tinalikuran ko siya at pumasok sa kwarto. Napaupo ako sa likod ng pinto at humagulgol ng iyak. Muntik ko nang tugunan iyon dahil si Laurent ang naaalala ko.
Hanggang kailan ko ba mararamdaman ang sakit na ito?
Pagod na pagod na ako. Hinang-hina na ako. Palagi kong hinahanap ang presensya niya halos mabaliw ako kakaisip na may palaging nakasunod sa akin at nakatingin sa malayo pero wala akong nakikita. Umaasa pa rin ako na sana isang araw bumalik siya dahil hindi siya titigilan ng pagmamahal ko sa kaniya. Kahit isang araw hindi siya nawala sa isip ko. Hindi ko pinagsawaan ang umiyak kung ang dahilan naman noon ay siya. Minahal ko siya nang walang alinlangan at ngayong nasasaktan ako wala akong pakialam, laging ang mahalaga ay ang pagmamahal ko sa lalaking Baider na iyon.
Siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko..
Bumalik ka na, bebe boy, please...
Laurent..