BAIDER (FILIPINO VERSION) Chapter 15

Lumipas ang mga linggo medyo gumagaan na ang loob ko. Kakatapos ko lang maglinis ng katawan nang may kumatok.

Siguro si Alem o si Ardent.

Binuksan ko iyon at gulat ako nang bumagsak si Ardent sa akin. Lasing na lasing. Iniupo ko siya sa sofa.

"Hey!" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. "Bakit ka nagpakalasing?"

Nagmulat siya ng mata at saka ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko na ikinakunot ng noo ko.

"Ang ganda mo talaga, tagal na kitang pinapangarap. Kung bakit ba naman kasi torpe ako edi sana hindi mo na nakilala pa ang Laurent na iyon."

Tumitig lang ako sa kaniya. Kung minsan ang hirap niyang intindihin.

"Hindi mo ko kayang mahalin puro ka Laurent, Laurent, Laurent! Wala na nga, eh."

Akala ko ay nagiging okay na ako pero bigla ay kumirot nanaman ang dibdib ko. Naalala ko nanaman ang sakit noon. Tumulo nanaman ang nakakairita kong luha pero pinalis ko agad iyon.

"Ano! Iiyak ka nanaman? Eh, kung ako kasi ang minamahal mo? 'Di ba?"

Hindi ko siya pinansin at kumuha na lang ng towel at binasa iyon.

"Akala mo madaling makita kang ganito? Kung masakit saiyo mas masakit sa akin!" Patuloy niya. Pinapakinggan ko lang ang sinasabi niya. Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang pinagdadaanan niya. Hindi ko alam dahil simula pa lang naman talaga kaibigan ang turing ko sa kaniya pero siya ay higpit pa pala roon.

"Tanggalin mo shirt mo," utos ko sa kaniya.

Wala naman akong pakialam kung makita ko ang topless niyang katawan. Kaibigan ang tingin ko sa kaniya. Tinanggal niya nga iyon at walang anu-ano'y pinunasan ko siya.

"Hindi ka naiilang?" Nakakunot-noo niyang tanong.

"Saan? Lahat mayroong katawan at isa pa palagi akong nakakakita ng ganiyan sa hospital," paliwanag ko.

Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. "Di ako makahinga."

Ewan ko ba, hindi talaga ako madaling magalit o mainis. Hindi rin ako marunong manakit ng tao. Parang sobrang bait ko?

"Anmela," napakunot ako ng noo nang tumulo ang luha niya sa likod ko. "Mahal kita." Natigilan ako at napako sa kinauupuan. Totoo? Hindi ko magawang sumagot.

"Buong buhay ko ikaw lang ang iniisip ko palagi. Anmela, mahal kita. Dati pa, nahirapan akong itago dahil alam ko naman na hindi mo ako mamahalin pabalik. Nakikita ko ‘yon saiyo." Napabuntong hininga ako. Sa kalasingan niya iiyak-iyak siya riyan. “Masakit makita kang ganito.” Naging matunog ang pag-iyak niya. Hinaplos ko ang buhok niya at hinayaang umiyak sa balikat ko. Ito lang ang magagawa ko para sa kaniya. Masakit din naman makita na nasasaktan ang kaibigan mo ng dahil saiyo.

Eh, kung dalhin ko kaya sa banyo?

Inalalayan ko siya at dinala sa banyo. Nanlaki ang mata niya at nagtatalon dahil binuhusan ko siya ng tubig. Edi nahimasmasan din siya.

"Ano, okay ka na?" Ngumiti ako sa kaniya.

Tumango siya at tiningnan ang sarili "Basa na damit ko."

"Lalasing-lasing ka kasi. Halika magpalit ka muna ng damit mo. Kumain ka na ba bago ka uminom?"

"Tsk."

Napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Laurent 'yon.

Laurent...

Parang saglit na tumigil ang mundo ko. Kumalabog ang puso ko hindi ako makapaniwalang nandito siya. Kumurap-kurap pa ako dahil baka namamalikmata lang ako pero siya talaga. Bakit siya nandito?

"Tapos na ba kayo maglandian?" Kunot-noong tanong niya.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo ko ring tanong.

"Aalis na ako, Anmela," napalingon ako kay Ardent.

Gano'n na lang katindi ang pagkakakunot ni Laurent nang makitang walang shirt si Ardent. “Bakit siya nakaganyan? Anmela?” Tiim bagang na sabi ni Laurent. Hindi ko siya sinagot at bumaling na lang kay Ardent.

"Sandali, Ardent."

Iniwan ko saglit sila at kinuha ang damit sa closet. Mga damit ito ni Laurent noon na halos dito na tumira pero hindi ko nagawang itapon dahil sayang. Kumuha rin ako ng towel. Nilampasan ko si Laurent na ngayon ay masama na ang tingin at nakakuyom ang palad.

"Magkakasakit ka niyan" Pinunasan ko ang ulo ni Ardent bago ibigay ang damit sa kaniya. "Suotin mo muna 'yan. Kaya mo ba mag-drive pauwi? Kumain ka ba kanina?"

Kinuha niya iyon at ngumiti bago sumulyap kay Laurent at ibinalik ang tingin sa akin. "Kumain na ako. Salamat."

"Magbihis ka na muna."

Pumasok siya ulit ng banyo. Nakita kong nakatiim bagang pa rin si Laurent habang nakatingin sa akin. Hindi ako nagsalita.

Ano ba kasing ginagawa niya rito? Guguluhin niya nanaman ako!

"Aalis na ako, Anmela. I'm one call away if you 'need' me," diniinan niya ang salitang iyon saka sumulyap kay Laurent. Lumapit siya at humalik sa noo ko. “Tawagan mo ako kapag may masamang ginawa ang bisita mo.”

Tumango ako at sinamaan siya palabas. "Ingat ka," nakangiti kong sabi at saka isinarado ang pinto.

Hinarap ko si Laurent. Gusto kong magtaray o magtaas man lang ng kilay pero hindi talaga ako marunong no'n. Wala sa ugali ko ang maging maldita. Tiningnan ko lang siya na ngayon ay masama pa rin ang tingin sa akin. Kumikirot ang dibdib ko at sobrang sakit noon. Ngayong nandito siya hindi ko alam paano siya haharapin. Masakit pa rin na iniwan niya ako.

"Boyfriend mo?" Iritado niyang tanong. "Ilang beses ko na ba siyang nakitang natutulog dito?"

Nanlaki ang mata ko. Nakita? Anong ibig sabihin no'n?

Pero imbes na sagutin siya ay tinalikuran ko siya.

"Bukas ang pinto. Matutulog na ako. Umuwi ka na lang," pinilit kong 'wag maging emosyunal para hindi ko siya mayakap.

Iniwan niya ako tapos babalik na lang siya bigla?

Nagulat na lang ako nang biglang buhatin niya ako at ihiga sa kama. Pumalag ako nang pumalag.

"I left you! Iniwan na kita, eh. Pero kahit anong gawin ko bumabalik at bumabalik pa rin ako saiyo!" Madamdamin niyang sabi, tumulo na ang luha sa mga mata niya. "Akala mo ikaw lang ang miserable? Mas miserable ako lalo na kapag tinitiis ko ang sakit na makitang dito mo pinapatulog si Ardent! Anong ginagawa niyo? Paulit-ulit sa isip ko na baka kung ano na ginagawa niyo! Without you is like a hell. The day will never end if I don’t see you although I’m looking at you at the distance."

Umupo siya sa kama at naihilamos na ang dal'wang palad sa kamay. Iyak siya nang iyak. Kasabay niya ay umiiyak na rin ako. Ramdam ko ang samu't saring emosyon. Hindi ko alam paano ako magre-react sa sitwasyon. Umuurong ang dila ko dahil sa sakit at hinanakit ko sa kaniya.

"Bakit mo ako iniwan?" Sa wakas ay naisatinig ko rin ang matinding tanong sa isip ko.

"Dahil natatakot ako. Natatakot ako sa sariling pamilya ko!"

Napamaang ang bibig ko sa sinabi niya. "Bakit?"

"Hindi mo maiintindihan 'yon, isa pa sikreto ng pamilya," lumapit siya at niyakap ako. "Selos na selos ako, bebe girl. I'm so jealous and hurt! Ang sakit sakit! Kaya hindi ko na kinaya pa at nagpakita na saiyo. Araw-araw akong pinapatay nang wala ka."

Ibig bang sabihin no'n matagal na niya akong tinitingnan sa malayo? Na tama ang iniisip ko na may laging nakatingin?

"Mahal na mahal kita! Ayaw kong mawala ka."

"Mahal na mahal din kita, Mr. Baider."

Niyakap ko rin siya nang mahigpit. Lagi namang ang mahalaga sa akin ay ang pagmamahal ko sa kaniya wala ng iba kaya siguro kahit ano pang gawin niya hindi ko siya kayang tiisin.

Nang bumitaw kami ng yakap ay nagkatitigan kami. Bigla ay nawala na lang ang sakit at hinanakit ko sa kaniya. Hindi naman ako mahilig magtanim ng sama ng loob. Sa ilang buwan kong pangungulila sa kaniya ay heto at napunan na iyon sa isang yakap lang.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ang labi ko. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mawawala ka sa akin. Patawarin mo ako kung gagawin ko ito.. Anmela Eris, I want you.. I badly need you! I love you. I’m sorry."

Siniil niya ako ng halik. Tumugon ako, pakiramdam ko ay sobrang gaan na ng puso ko. Napalitan na iyon ng saya at pagmamahal. Heto na siya ulit ayaw ko nang mawala pa siya.

Ang halik ay unti-unting lumalim. Naramdaman ko na lang na nasa pisngi ko na iyon at bumababa papunta sa leeg. Hinayaan ko lang siya hanggang ihiga niya ako at pumaibabaw.

"I miss you.. so damn much," bulong niya sa tainga ko.

Bumaba pa iyon hanggang sa mammary gland ko. Tinanggal niya ang pagkaka-hook ng bra ko at itinaas iyon kasama ng shirt ko.

Naramdaman ko na lang na nasa mammary gland ko na siya naglalaro. Nakaawang lang ang labi ko at mahigpit na nakahawak sa batok niya.

"I love you," humalik ulit siya sa labi ko.

"I love you too."

Pagkasagot ko no'n ay biglang bumaba ang halik niya. Hindi ko na namalayan wala na akong saplot kahit isa at gano'n din siya. Napaigtad ako nang maramdaman ang labi niya sa palasyo.

"Laurent.." Paulit-ulit kong tawag sa pangalan niya.

Hanggang sa umakyat nanaman ang labi niya at hinalikan ako sa labi. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang kung anong pumapasok sa palasyo. Marahang pumasok ang kawal sa palasyo bumaon ang kuko ko sa balikat niya nang maramdaman ang sakit no'n.

"I love you.. " pabulong na sabi niya habang unti-unting pumapasok ang kawal sa palasyo.

"I lov—ouch," hindi ko naituloy ang dapat kong sabihin nang maramdamang pumasok na iyon hanggang dulo. Sobrang sakit noon pero unti-unting nag-iiba ang pakiramdam. Pinatahimik niya ako sa mahinhin niyang halik. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag-indayog ng musika, sa una ay marahan ngunit habang tumatagal ay bumibilis ang tugtog.

Hindi ko mapangalanan ang pakiramdam kong iyon pero kung sa kaniya ko naman gagawin kahit pa paulit-ulit ay handa akong ibigay.

Mr. Baider...

Nagising na lang ako sa maliwanag na sikat ng araw. Napangiti ako nang makitang hindi talaga ako nanaginip kagabi dahil nakaunan ako sa dibdib niya.

Tumulo ang luha ko. Kung gaano kasarap ang mahalin siya ganoon naman kasakit ang wala siya. Iyong tipong pakiramdam mo pababaliw ka na sa kakaisip sa kaniya.

Akala ko hindi na siya babalik? Akala ko iniwan niya na ako nang tuluyan?

Nang gumalaw ay agad na kumirot ang kung ano sa ibaba ko. Naramdaman ko ang pagod at panghihina. Masayang isipin na sa kaniya ko iyon inalay dahil wala namang iba kung hindi siya lang talaga. Nagmulat siya ng mata at ngumiti sa akin. Hinapit niya ako sa baiwang.

"May masakit ba saiyo?" Nag-aalalang tanong niya at hinaplos ang mukha ko.

"Mayroon," nakangiti kong sabi.

"Sorry," naiilang siyang nag-iwas ng tingin.

"Okay lang hindi ko naman ikamamatay 'yon."

"Gutom ka na ba?" Akmang tatayo siya pero pinigilan ko siya.

"Hindi pa," lalo akong sumiksik sa kaniya at dahil wala kaming saplot ay alam kong ramdam niya iyon.

"Hay nako, Anmela. Naughty mo talaga, tsk," kunot-noo niyang sabi.

Tumawa naman ako. "Sus."

Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko. "I'm sorry for all I've done to you."

Ngumiti rin ako at tumitig sa kaniya. "Okay lang 'yon hindi ako mapagtanim ng galit."

"I hope one day, you'll understand," humalik siya sa noo ko. "I love you."

"I love you too."

Humalik siya sa labi ko pero dahil mapang-asar ako idiniin ko siya sa akin hanggang sa naulit muli ang nangyari kagabi pero ni isang pagsisisi ay wala akong naramdaman.

Mahal kita, Laurent…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.