BAIDER (FILIPINO VERSION) Chapter 19

Nakaupo ako sa sofa ng apartment. Binigyan nila ako ng dal'wang linggo bago kami pumunta ng America upang harapin ang unang patunay. Umiikot ang tiyan ko pero patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro.

Binasa ko ang mga pressure point kung paano magpapatulog ng isang tao. Nag-ready rin ako ng sleeping powder at mask. Hindi ko kailangang manakit ng tao para malampasan ko iyon. Kailangan ko lang silang patulugin at maging mahusay sa pag-iwas.

Napalingon ako sa kumatok ng pinto. Natakot ako dahil baka si Laurent iyon ayaw kong sumuway. Nanginginig kong binuksan iyon pero nakahinga nang maluwag nang makitang si Resttan iyon.

"May kailangan ka ba?" Tanong niya agad at diretsong pumasok at inilagay ang bitibit niyang paper bag sa table.

"Wala naman," ngumiti ako.

"Pinapunta ako rito ni Laurent tingnan daw kita kung ayos ka lang."

"Maayos na--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magtatakbo ako at dumuwal nang dumuwal sa lababo.

Nang lingunin ko si Resttan ay seryoso na siyang nakatingin sa akin.

"Fuck! You're pregnant!" Masamang tingin niyang sabi sa akin.

"Oo," walang gana kong sabi at muling dumuwal.

Kumuha siya ng tissue at ipinunas iyon sa labi ko pero kinuha ko agad iyon at ako na ang nagpunas.Nilampasan ko siya at umupo muli sa sofa.

"You are making me worried," matalim pa rin ang tingin niya sa akin.

Bakit naman siya mag-aalala?

"Why don't you leave? Umalis ka na lang Anmela! Buntis ka pa at hindi ka makakalaban doon!" Asik niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman? Paalala lang, huh? Hindi ikaw ang tatay."

Parehas kaming natigilan sa sinabi ko. Ano raw? Saan 'yon nanggaling? Naging masungit ako simula nang magbuntis ako naging prangka at palaban na hindi naman dapat gano'n ang ugali ko.

"Sorry," nahihiya akong nag-iwas ng tingin.

"May kailangan ka ba? May mga cravings ka ba? Nagpa-check up ka na ba? Alam ba ito ni Laurent?" Sunod-sunod na tanong niya.

Lalong kumunot ang noo ko. "Malamang!"

"Bakit ka niya hinayaan dumaan ng patunay kung ganiyan ang lagay mo?!" Inis niyang sabi.

"Wait, wait! Bakit ka ba nagagalit?" Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla kong naramdaman ang pagtaas ng kilay ko na parang ito ang unang beses kong nagmaldita. "Si Laurent ang tatay hindi ikaw!" Asik ko at saka padabog na inayos ang upo sa sofa.

"Wala akong sinabing ako ang tatay! Ang akin lang dapat hindi ka na niya hinayaan dumaan ng patunay dahil sa kalagayan mo!" Lukot ang mukhang sabi niya.

Napatayo na ako sa inis. "Pwede ba 'wag mo ko galitin? Pakiramdam ko sumasama ugali ko!"

"Hindi kita ginagalit! It's just-- okay fine!" Pagsuko niya. "I'm sorry," halos pabulong niyang sabi.

"Okay," umupo ako at inayos ang mga binabasa kong papel at saka humawak sa tiyan ko. Gutom na ako!

Nakita kong diretso siyang pumunta sa kusina. Kung titingnan mo ay may pagkakahawig sila ni Laurent pati boses nila ay halos parehas, mas matangkad nga lang si Laurent sa kaniya.

"Hello.. oo.. fuck.. Laurent.. bakit naman?! Okay.. okay!" Rinig kong kausap niya sa phone si Laurent.

Napasimangot ako dahil namimiss ko na siya. Hinaplos ko ang tiyan ko.

Miss mo na rin si daddy?

Nakangiti kong tanong naramdaman ko ang kung anong pag-ikot sa tiyan ko kaya lalong lumapad ang ngiti ko. Miss na rin niya.

"Kumain ka na raw. Sabihin mo raw sa akin ang mga gusto mong kainin at 'wag ka raw masiyadong mag-iisip," mahinahong sabi ni Resttan saka niya nasapo ang noo. "Fuck! Kailan pa ako naging utusan?" Inis niyang sabi.

"Okay," umirap ako sa kaniya. Saan ko ba nakukuha ang pagtataray ko? Mamaya maging kamukha pa nitong Resttan na ito ang anak ko! Kainis!

"At mahal.. na--ahm ugh!" Hirap na hirap sabihin ni Resttan ang sasabihin niya kahit alam ko na kung ano 'yon. "Mahal ka raw niya," binilisan niya ang pagbanggit noon at bumuntong hininga pa siya.

Tumaas nanaman ang kilay ko. "Hirap sabihin? Palibhasa kasi wala kang pinagsabihan no'n kahit minsan! Babaero!"

Napatakip ako sa bibig ko. Hala! Ano ba 'yan, Anmela? Bakit ang sungit-sungit mo? Dala ba ito ng pagbubuntis ko?

Bumuntong hininga na lang siya at hindi na nagsalita.

Nagbasa lang ako habang siya ay may kung anong ginagawa sa phone. Hanggang sa lumapit siya at naglapag ng pagkain. "Mag-lunch ka na raw," ilang niyang sabi.

Inirapan ko siya bago kumain. Ang init naman yata ng dugo ko sa kaniya? Marahil ay sabi ni Laurent babaero raw si Resttan pero ayaw magmahal dahil sa pamilyang kakaiba ang tradisyon.

Nakangiti niya akong pinanood kumain. Naiilang ako dahil parang nakikita ko ang pagkakahawig nila ni Laurent.

"Wag mo nga akong tingnan!" Pagtataray ko.

"Sabi ni Laurent 'wag ka raw masiyadong magtaray wala siya rito para alagaan ka."

Ngumiti ako nang marinig ko iyon pero napasimangot nang maalala ang pangungulila ko sa kaniya. Nagpahinga lang ako at nanood ng TV lumabas si Resttan may bibilhin daw. Nang may kumatok ay mabilis ko iyong binuksan tumalon ako sa tuwa nang makitang si Alem at Ardent 'yon. Yumakap ako parehas sa kaniya.

"May pasalubong kami sa baby!" Masiglang sabi ni Ardent.

Binuklat ko kaagad ang paperbag at nakita ang mga damit na pangbata. Pulos pink at blue dahil hindi pa namin alam ang gender ng bata.

"Thank you," natutuwa kong niyakap silang dal'wa.

Natigilan ako nang makita ko ang singsing nila na parehas na parehas. Nang makitang nakatingin ako roon ay sabay nilang itinaas 'yon at ngumiti sa akin.

"Woah!" Nagtatalon ako at muling niyakap sila. "Sobrang saya ko!"

No'ng araw na bumalik si Laurent ay palagi silang magkasama hanggang sa magulat ako na naging sila na sobrang saya ko nang malaman iyon.

"Hey! Don't jump. The baby, remember?" Saway ni Ardent kaya huminto ako.

Kung alam niyo lang na mas matindi pa sa pagtalon ang gagawin ko sa patunay. Hindi ko iyon sinabi kahit kanino dahil isa sa kondisyon ay ang sikreto ng pamilya ay para lang sa pamilya.

"Look!" itinaas ni Alem ang cute na cute na dress na kulay red.

Napasimangot ako. "Tingin ko lalaki siya."

"Talaga? Edi ito!" Ipinakita niya sa akin ang cute na blue na jacket na pang-baby napangiti ako roon.

"Ang ganda!" Natutuwa kong pinaghahaplos ang tiyan ko.

Pinagpiyestahan naming tingnan ang mga pinamili nila. Ang sayang makita ng mga iyon kung normal lang sana ang magpakasal para sa amin ni Laurent ay hindi kami magkahiwalay ngayon siguro ay namimili na rin kami ng mga gamit ng baby.

"Here."

Tiningnan namin si Resttan na nagbaba ng mga prutas na kinakamot pa ang ulo. "Madami 'yan hindi ko alam kung ano ang gusto mo," naiilang siyang tumingin sa akin. Gulat namang nakatingin sa kaniya ang dal'wa.

"Kamukha niya si Laurent," nakamaang na sabi ni Alem.

"Pinsan niya, si Resttan," pakilala ko. Itinuro ko silang dal'wa kay Resttan. "Alem at Ardent, mga kaibigan ko."

Nakipagkamay silang dalawa kay Resttan at nakangiti naman itong inabot iyon.

Napatakbo nanaman ako sa banyo nang may kung anong umikot nanaman sa tiyan ko.

"Mana ka rin sa akin ano? Naughty," nakangiti kong pagkausap sa baby ko.

"Dapat nagmana ka na lang sa daddy mo tahimik at masungit."

Hindi ko napansin na nakasilip pala silang tatlo sa akin at nakangiti. Si Alem ay nangingilid pa ang luha.

"Masaya sigurong maging mommy," nakangiting sabi ni Alem at inalalayan ako palabas ng banyo.

"Sobrang saya!" Masigla kong sabi.

Nagkwentuhan lang kaming tatlo at nagtatawanan pero wala pa man lang alas otso ay pinapatulog na nila ako. Wala akong nagawa dahil silang tatlo ay pinagtutulungan ako kaya naman nahiga na rin ako.

Masaya akong tumingin sa kisame. Kahit ano pang mangyari wala akong pinagsisihan. Hinaplos ko muli ang tiyan ko.

Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Laurenz. Kayong dalawa ng daddy mo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.