Nagising ako nang may mahigpit na nakayakap sa akin. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko na agad ang gwapong mukha ni Mr. Baider. Kinilig ako at napamaang sadyang hindi pa rin makapaniwala. Napakagat ako sa labi ko nang masulyapan ang labi niya.
Ang aga mo naman magnasa, Anmela!
Pinakatitigan ko ang mukha niya.
Akin ba talaga siya?
Napangiti ako at pinangiliran ng luha. Akala ko ang hirap abutin ng isang Baider pero ngayon ay naabot ko na hindi lang 'yon hawak niya rin ako katulad ng pagkapit ko sa pagmamahal ko sa kaniya. Tama pala si Alem kapag may pangnungkit naaabot ang mga nasa taas.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa baiwang ko. Tulog na tulog pa siya. Pagkagalaw ko pa lang ay kumirot na agad ang hindi ko alam sa bandang ibaba ko. Ang sakit pala no'n. Humalik ako sa pisngi niya at pinisil ang ilong niya nang mahina.
Marahan akong naglakad papunta ng banyo. Naglinis ako ng katawan pagkatapos ay tinitigan ko muli ang mukha niyang natutulog. Gusto kong magluto ng almusal para sa kaniya.
Lumabas ako ng kwarto at diretsong pumunta ng kusina.
Ano kayang mayroon dito?
Namangha ako dahil sobrang dami ng pagkain na nasa ref. Kinuha ko ang ham, egg, hotdog, pero natigilan ako nang makitang may nagluto na ng breakfast.
"Ay señorita, okay na po, nagluto na ako," sabi ng sa tingin ko ay kasambahay.
"Sa susunod po 'wag niyo nang subukan magluto pagagalitan ako ni señorito Laurent," halata ang kaba sa dibdib niya habang nakatingin sa hawak ko na lulutuin ko sana.
"Bakit? Masungit ba siya saiyo?" Umupo ako sa harap ng lamesa.
"Eh?"
"Hindi lang naman ikaw ang sinusungitan niya natural na 'yon sa kaniya," nakangiti kong sabi at muling naalala ang unang araw na nakita ko siya.
"You!"
Sabay kaming napalingon ng kasambahay nang makita si Lauressa.
"Leave us alone," walang emosyon niyang sabi sa kasambahay.
Tinanguan ko ito at sinabing "okay lang 'yan" nagmadaling umalis ang kasambahay.
Napaatras ako nang biglang lumapit si Lauressa. Gumapang ang kaba sa dibdib ko dahil sa tingin niyang parang anumang oras ay papatayin ako. Sobrang sama ng tingin niya, nakatiim ang mga bagang at hindi ko alam kung bakit parang galit na galit siya sa akin.
"I will kill you," mahinahon pero sobrang diin ng pagkakasabing iyon ni Lauressa.
Nangatog ang mga tuhod ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang natakot ako sa sinabi niya pero mas nakakatakot ang mga tingin niyang parang palaging may masamang balak saiyo. Parehas sila ni Laurent kung magsalita tungkol sa pagpatay ng tao ay parang sigurado at walang takot. Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang mayroon sa pamilyang ito.
"I will.. kill you," pag-uulit niya at halata ang pagngitngit ng mga ngipin. Atras lang ako nang atras. "If you cheat on him."
Papatayin niya ako kapag niloko ko ang kapatid niya?
Hindi na ako magtatanong kung gaano siya kasiguradong kaya niyang gawin dahil kitang-kita sa mga tingin niyang isang maling galaw ay patay na ako agad.
"You don't know this family.. if you doesn't love him.. go away!" Gigil na gigil niyang sabi. "Mamamatay ka lang."
Mamamatay ka lang...
Nag-echo ang mga salitang iyon sa isip ko.
Eh, ano naman? Kung mamamatay ako dahil sa pagmamahal ko kay Laurent ano naman?
Wala talaga akong pakialam basta mahal ko siya.
"Do you understand? Iwanan mo siya kung hindi mo mahal dahil nasisiguro ko saiyo na hindi lang ikaw ang mamamatay kasama mo ang buong pamilya mo sa hukay!"
Kumabog nang sobrang lakas ang dibdib ko. Natakot ako, sobrang takot ako kahit hindi ko siya maintindihan, kahit wala akong alam sa mga sinasabi niya.
Umiling ako at naglakas loob magsalita.
"Mahal ko siya.. kahit pa mamatay ako ngayon. Mahal ko siya," nangingilid ang luha kong sabi.
Natigilan siya at umaliwalas ang mukha. Sa paraan niya ng pagtitig ay inaalam kung totoo ang sinasabi ko. Nang makita niya ang sinseridad ay mawala na ang galit na kanina ko pa nakikita sa kaniya.
"Lauressa!"
Umalingawngaw ang tinig na iyon ni Laurent. Nagmadali siyang kunin ako at inilagay sa likod niya.
"Tinakot mo?" Tanong niya sa kapatid. Ngumisi lang ito sa kaniya.
Nilampasan kami ni Lauressa pero huminto sa gilid ko. Halos parehas sila ng ugali ni Laurent pero mas nakakatakot nga lang si Lauressa. Ang mga tinginan nila palaging akala mo may ginawa kang masama.
"What's your name?"
"A-anmela," nanginginig kong sabi.
"Fight for your love, then."
Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na siyang umalis. Napahawak ako sa braso ni Laurent dahil sa panghihina.
'Fight for your love, then.'
Anong ibig sabihin no'n?
Nalilito man ay pinalis ko iyon sa aking isip.
"I'm sorry. Natakot ka ba sa kaniya?" Nag-aalala niyang tanong.
Iniupo niya ako sa upuan sa harap ng lamesa. "Hindi, okay lang," pagsisinungaling ko.
"She's my younger sister. She is really committed to the family that's why she acts like that," bumuntong hininga siya. "Sobrang natakot ka ba?"
Hinawakan niya ang pisngi ko. Medyo kumalma ako at pilit na ngumiti. Napatayo ako bigla nang maalalang may klase pala ako.
"Hala! May klase ako!" Nagpa-panic kong sabi.
Tumawa siya. "Your reaction is cute. Maaga pa, bebe girl."
Nag-init ang pisngi ko sa pagbanggit niya ng 'bebe girl'. Hindi na ba ako masasanay?
"Akala ko tanghali na," nahihiya akong nag-iwas ng tingin.
Napaupo ulit ako nang maalalang wala na pala akong cellphone naiwan kagabi roon sa madilim na eskinita.
"Why are you look worrying?"
Napansin niya siguro ang mukha ko. Sumimangot ako.
"Naiwan ko 'yong cellphone ko roon sa eskinita kagabi," nakanguso kong sabi.
"I'll buy you a--"
"Hindi! Ako na. May pera pa ako."
Pinilit niya pa ako pero tinatanggihan ko lang iyon.
"Pwede bang makigamit ng phone? Tatawagan ko sila nanay."
Mabilis niyang kinuha ang phone sa bulsa niya.
Natigilan ako nang makitang mukha ko pa rin ang naka-wallpaper.
“Hindi mo tinanggal?”
“Ang alin?’
“Wallpaper,” itinaas ko ang phone niya at ipinakita iyon sa kaniya.
“There’s no reason to remove that.”
Nakangiti akong nag-dial.
"Good morning, nanay!" Masigla kong bati pero natigilan nang marinig ang iyak niya.
Gumapang ang kaba sa dibdib ko at takot na baka kung ano ang nangyari at ganito na lang ang iyak niya.
"Bakit, ‘nay?"
Napatayo rin si Laurent at tiningnan ako. Aligaga akong nagpabalik-balik sa paglalakad.
"Pinapaalis na tayo rito dahil may nakabili na raw ng lupa. Hindi lang tayo lahat ng tao rito sa atin."
"Huh!?" Napalakas ang sigaw ko kaya lumapit si Laurent at humawak sa baiwang ko.
"Paano na 'yan?" Nasapo ko ang noo at tumulo na ang luha ko.
Anong gagawin ko? Paano sila? Paano na ang pamilya ko?
Tinanggal ni Laurent ang luha ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"What's the problem?"
Umiling lang ako ayaw kong madamay pa siya sa problema namin. Nagulat ako nang agawin niya ang cellphone. Napatitig lang ako sa kaniya.
"Magandang umaga po.. ako po si Laurent Baider.. Boyfriend po ni Anmela. Opo." Napakunot ang noo ko sa kung ano ang ginagawa niya. "Opo.. saan po ba kayo nakatira?" Lalong nangunot ang noo ko.
Bakit niya tinatanong?
"Camarines Norte. Okay po.. sige po.. ingat po kayo palagi."
Lumapit ako sa kaniya ng nakakunot ang noo. "Anong sinabi mo?"
"Nothing," ngumiti siya.
Sa dami niyang sinabi 'nothing' ibang klase talaga ang ugali ng isang ito.
"You don't need to cry again," humalik siya sa noo ko.
Nalilito man at hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin ay hinayaan ko na lang.
Pinakain niya ako ng breakfast at sabay na kaming pumunta ng school.
"Heck! Girlfriend niya na?"
"Baka nilandi niya?"
"Baka naman pass time?"
Kumulo ang dugo ko sa mga bulong-bulungan ng mga estudyante dahil nakita nila kaming magkasama ni Laurent pero hindi ko na iyon pinansin. Siya kasi ay nakaakbay sa akin habang naglalakad kami sa hallway. Hindi ko naman ugaling pumatol kaya nagkunwari akong hindi naririnig ang bulong nila na halata namang pinaparinig sa akin.
Nagulat na lang ako nang bigla silang puntahan ni Laurent.
"The next time you talk like that to my girl I'll kill all of you!" Sigaw niya. Nagtakbuhan ang mga chismosa. Nagsusungit nanaman si Laurent habang matalim na nakatingin pa rin sa tinakbuhan nila.
"Ano ba! Dapat hindi mo na pinatulan," marahan akong humawak sa braso niya.
Hindi niya ako sinagot, kinuha niya lang ang kamay ko at diretsong naglakad sa hallway. Hinatid niya ako sa room namin. Kitang-kita ang pagtataka sa mga kaklase ko. Nahihiya ko silang tiningnan.
"I'll fetch you after the class," ngumiti siya at humalik sa noo ko. "Study well."
Nag-init ang pisngi ko dahil gano'n na lang karami ang nakatingin sa amin. Pinanood ko lang ang pag-alis ni Laurent.
"Woah! Boyfriend mo na?" Tumatalon-talong sabi ni Alem. Nakitalon din ako sa kaniya at sabay kaming tumili.
"Yes!" Masayang-masaya kong sabi.
"Grabe ka, Anmela! Ang lupit mo. Ikaw lang ang nakasungkit. Hindi mo alam kung gaano karaming babae ang may gusto sa kaniya tapos ikaw ayiie! Naabot agad," dami pang sinabi si Alem bago dumating ang prof namin. Ang dami niyang imahinasyon sa utak na dapat daw gawin ng magnobyo tulad ng date at kung anu-ano pa. Ako naman si gaga pinapakinggan ang mga advices niya.
Nang matapos ang klase ay nakita ko si Ardent. Tuwang-tuwa akong lumapit sa kaniya.
"Ang saya ko!" Halos mawala na ang mata ko sa pagkakangiti.
Ngumiti rin siya nang malapad at saka umakbay sa akin.
"Bakit ka masaya?"
Pero biglang nawala ang pagkakangiti ko nang maalala sila nanay.
Ano na kayang nangyari?
"Ah! Pwede bang pahiram ng cellphone?" Inabot niya agad iyon sa akin.
"Hello, ‘nay?" Bungad ko pa lang ay gumagapang na ang pag-aalala ko.
"Okay na anak," sa kabilang linya ay alam kong nakangiti si nanay.
"Huh?"
"Dapat siguro magpasalamat tayo sa mga Baider. Ibinigay niya ang titulo sa aming lahat kaya naman ang lahat ng tao ay handa silang pagsilbihan kahit na sinabi nito na hindi na iyon kailangan. Hindi lang iyon anak. Nagpadala pa ng mga makinarya para sa pagtatahi, at iba pang makinarya na magagamit sa pinyahan at sakahan. Ipinapagawa niya rin ang mga bahay ng mga taga-rito upang maging semento para raw ligtas sa bagyo kung sakali. Ipinapagawa niya rin ang mga kalsada. Tinalo pa niya ang mayor. Napakabuti niya anak," masiglang sabi ni nanay.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ramdam ko kung gaano kasaya ang puso ko. Hindi ako makasagot at hindi ko alam ang sasabihin ko.
Napakabait niya!
Ginawa niya 'yon? Talaga? Talaga bang siya ang may gawa no'n? Iyon ba 'yong sinasabi niyang hindi ko na kailangan pang umiyak?
"Baider ba kamo, ‘nay. As in Baider? Baider?" Pag-uulit ko dahil hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon.
"Yes, bebe girl?"