Nagtilian ang lahat ng babaeng nakarinig ng sinabing iyon ni Laurent. Napaawang ang labi ko nang makita ang matamis niyang ngiti.
Kailan pa ba ako masasanay sa ngiti niyang iyon?
"Si Laurent!"
"Woah!"
“Ang pogi niya talaga!”
Sigawan nila pero nang lumapit si Laurent at hinapit ang baiwang ko ay nagbago ang tilian at napalitan ng bulong-bulungan.
"’Nay, sige po. Tatawag na lang po ako ulit. Ingat po kayo parati. I love you."
"Sige, nak. Ingat ka rin parati riyan miss na miss ka na namin."
Nangilid ang luha ko sa sinabi niyang iyon. Nangungulila rin ako sa pamilya ko. Humalik si Laurent sa noo ko kaya nakangiti ko siyang tiningnan.
"Give back the phone to him," bulong niya agad. Napangiti ako dahil seloso siya talaga.
"Salamat, Ardent," nakangiti kong inabot ang phone ni Ardent pero ang mga mata niya ay nagpalipat-lipat sa amin ni Laurent. Nakakunot at iritado.
"Wala kang sinasabi sa akin, Anm," pabulong na sabi ni Ardent. "Bakit hindi ka nagkwe-kwento?"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Bihira ko kasi siyang makasama kaya hindi ko agad nakwento sa kaniya.
"Dapat bang sabihin saiyo lahat?" Napalingon ako nang si Laurent ang sumagot no'n.
"Oo! Dahil kaibigan ko siya," inis na sabi ni Ardent.
Mag-aaway nanaman ba sila?
"Kaibigan ka lang," nakangising sabi ni Laurent.
Naninibago ako sa kaniya dahil noon naman ay halos wala siyang emosyon pero ngayon ay naipapakita niya na iyon. Tiningnan siya nang masama ni Ardent at nakita ko ang pagkuyom ng mga palad niya.
"Ako, boyfriend," taas-noong sabi ni Laurent at mas lalo akong hinapit sa kaniya. Nagbaba ng tingin si Ardent sa kamay niyang nakahawak sa baiwang ko.
"Ardent, " mahina kong sabi.
Pinagpawisan ako dahil ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng titigan nilang dal'wa.
"Can you please introduce me to them, bebe girl?" Ang pagkakangisi ni Laurent ay halatang mapang-asar habang diretsong nakatingin kay Ardent.
Nagkamot ako ng ulo bago nagsalita. "Ah--si Laurent nga pala, boyfriend ko," nahihiya kong sabi kay Alem at Ardent.
Tumalim ang mga titig ni Ardent kay Laurent.
Ano bang nangyayari? Hindi ko naman maintindihan kung bakit lagi silang magkaaway?
"Alem," inilahad ni Alem ang kamay kay Laurent.
Ngumiti si Laurent at hindi niya iyon tinanggap kaya pinagsabihan ko siya kaya kinuha niya rin. Bumuntong hininga si Ardent bago lumapit at naglahad din ng kamay kay Laurent.
"Pasensya na kung hindi maganda ang mga naging pagkikita natin nitong mga nakaraan. Ardent nga pala," dire-diretsong sabi niya. Nawala na ang talim ng tingin niya.
"Laurent Baider," hinawakan ni Laurent ang kamay niya na halos mapangiwi si Ardent sa hindi ko malamang dahilan.
Nagtitigan sila nang matalim. Hanggang sa napansin kong ang higpit na pala ng hawak nila sa isa't isa.
"Laurent?" Inagaw ko ang atensyon niya dahilan upang magbitaw na sila ng kamay.
"Guys, tara na. Uwi na tayo," gusto kong magpasalamat dahil sumingit na si Alem upang yayain kami.
Umakbay sa akin si Laurent at nakangiti na siya ngayon habang nakatingin pa rin kay Ardent. Ewan ko pero parang nang-aasar siya. Pasimple kong inabot ang phone ni Ardent na hindi niya pa nakuha kanina. Kabado ko pa iyong ginawa dahil baka magalit nanaman ang isang ito.
"Bye, see you tom," paalaman naming apat. Nakakagulat na nagpaalam din si Laurent sa kanila bago kami sumakay sa kotse niya.
"Where's your apartment?" Nakangiti niyang sabi.
Natulala nanaman ako sa ganda ng pagkakangiti niyang iyon. Bakit ba ganito na lang palagi? Ramdam ko ang tibok ng puso ko dahil sa mga ngiti niyang iyon.
"Is this your apartment?" Inilibot ni Laurent ang mga mata niya.
"Pasensya ka na maliit talaga. Ako lang naman ang nandito," nahihiya kong sabi. Tumango siya at dumiretso sa kusina.
"I think we need to buy a groceries," inilibot niya ang mata dahil siguro walang nakitang pagkain.
"Sige."
Masaya kaming lumabas at nag-grocery. Nagtutulak siya ng cart habang ako ay nakahawak lang sa braso niya.
"I forgot nasa kotse ang phone mo."
"Huh?"
"Binilhan kita para hindi ka nanghihiram kung kani-kanino."
"Sige babayaran ko saiyo pero hindi muna ngayon wala pa akong pera."
"No need."
"Basta. Babayaran ko."
"Okay, ang kulit mo," huminto siya at tumingin ng pwede niyang bilhin.
"Wag masiyadong marami wala pa akong pera," nahihiya kong sabi.
"Ako ang magbabayad," wala sa akin ang tingin niya kung hindi sa mga kung anu-ano.
"Ano ba! Ako na. Lahat na lang ikaw hindi naman ako nanghihingi ng pera saiyo tapos binili mo pa 'yong lupa--" natigil ako sa sinasabi nang halikan niya ang labi ko. Agad uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.
"You're noisy," nakakunot noo niyang sabi.
Nanahimik na ako hanggang marating namin ang cashier. Ang dami niyang pinamili nakipagpilitan akong ako ang magbabayad pero nang makita kung magkano iyon ay wala na akong nagawa. Ipinasok namin sa apartment ko ang lahat ng mga pinamili.
"Ang dami naman nito," nakanguso kong sabi.
"Tama lang 'yan. I think I stay here always."
"Huh?"
"Ayaw mo?"
"Gusto," napangiti ako nang malapad.
Nang matapos namin maglipit ay naupo kami sa maliit na sofa. Isenenyas niya ang hita niya na ro'n daw ako umupo. Sinunod ko naman siya.
"Matagal mo ng kaibigan si Ardent?" Napalingon ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Gumuhit ang ngisi ko sa labi.
"Yes, bakit selos ka?" Pang-aasar ko.
"Yes."
Nanlaki ang mata ko nang prangka niya iyong sinabi.
"Lagi ba siyang umaakbay saiyo?" Kunot-noo niyang tanong.
"Ah--" naghagilap ako ng sagot pero nang tingnan niya ako nang masama ay wala akong nagawa kung hindi magsabi ng totoo. "O--o"
"Don't let him," masama ang tingin niyang sabi. "You're my girl ayaw ko nang may ibang lalaking humahawak saiyo."
"Seloso mo naman."
"What's mine is mine," seryoso niyang sabi.
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Pero kaibigan ko siya."
"Boyfriend mo naman ako. Ako ang masusunod."
“Hindi pa nga kita asawa possessive ka na.”
“That’s my request, Anmela Eris.”
Hindi na lang ako nagsalita. Maiiwasan ko ba si Ardent? Buong pananatili ko sa school silang dal'wa lang ni Alem ang nakakasama ko.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa likuran ko. "Bebe girl?"
"Hmm?"
"I love you."
Nabingi ako sa tibok ng puso ko. Parang ngayon ko lang iyon narinig sa kaniya kahit narinig ko naman na iyon. Parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng tibok no'n.
"I love you too," kinakabahan kong sabi.
Binuhat niya ako at iniupo sa sofa. Tiningnan niya ang leeg ko. "Masakit pa ba?" Hinahawi niya ang buhok ko.
"Hindi na."
Napatitig siya sa leeg ko na hindi ko maintindihan. Nakita ko ang paglunok niya.
"Bakit?" Kunot-noo kong tanong.
"Wala. Let's eat."
Inakay niya ako papunta sa kusina. Masaya kaming nagkwe-kwetuhan.
"Bakit mo binili 'yong lupa?" Natanong ko nang maalala iyon.
"Kasi gusto ko."
Natampal ko ang mukha ko sa sinabi niya. Kahit kailan talaga wala siyang matinong sagot.
"Ano nga?" Pangungulit ko habang ngumunguya.
"Ang kulit mo," nakakunot-noo niyang tanong.
"Nagsusungit ka nanaman," nakanguso kong sabi at ibinaba ang kutsara.
Buntong hininga ang sagot niya. "I hate telling a story."
Napasimangot ako. Gano'n naman siya palagi. Ano pa bang bago sa kaniya?
"Fine. Mas hate ko ang nakasimangot ka. Binili ko 'yon para saiyo at para sa mga tao ro'n. Para makatulong sa kanila."
Napangiti ako nang malapad. Binili niya iyon hindi lang para sa akin kung hindi para sa mga taong nando'n. Napakabuti niya ngang talaga.
Lumapit ako at yumakap sa kaniya. "Salamat."
"Welcome," tinanggal niya ako sa pagkakayakap. "Kumain ka na muna. Mamaya mo na ako landiin."
Nag-init ang pisngi ko. Landiin talaga? Bumalik ako sa upuan ko nang sobrang laki ang pagkakangiti. Hindi ko mapigilang humanga sa kaniya. Akala ko puro pagsusungit lang ang alam niya pero sa nakikita ko ngayon may mga bagay pa pala akong gustong malaman tungkol sa kaniya.
Kahit hindi ko lubos na maintindihan ang tungkol sa kaniya ay masaya ako dahil nakikita ko kung gaano siya kabuti. Hindi niya kailangang magmalaki dahil kusa mo iyong malalaman. Hindi niya kailangang sabihin na mataas ang antas niya sa buhay dahil para sa kaniya nakaapak pa rin siya sa lupa. Kahit masungit siya na panlabas niyang anyo hindi mo na iyon papansinin kapag nakilala mo na ang tunay na siya. Ilang ulit niya man akong pinagtabuyan noon pakiramdam ko may malaking dahilan iyon at hihintayin ko ang araw na kaya niya na sabihin sa akin.
"You look crazy in love," nakangisi niyang sabi sa akin.
"Well, hindi ko itatanggi 'yon," nginitian ko siya nang sobrang lapad dahilan upang mapatitig siya sa akin.
"Ikaw rin. Kitang-kita kung gaano ka kabaliw sa akin."
"Well, I can't deny it."
Ako naman ang napatitig sa kaniya. Ngumiti ako na halos mangilid na ang luha at hindi ko namalayang tumulo nga iyon.
"Why are you crying?" Lumapit siya at pinunasan ang luha ko.
Marami akong pangarap sa buhay, isa na roon ang maging nurse simula’t sapol iyon ang dahilan kung bakit ako nandito at nagpapakahirap mag-aral pero hindi ko inaasahang magkakaroon pa ako ng isa pang pangarap na ibinigay sa akin nang ganoon kabilis. Masasabi kong masaya na ako ngayon, hindi ko siya iiwan.
"Wala, akala ko kasi hindi mo talaga ako magugustuhan," pinunasan ko ang luha ko. Ngumiti siya at niyakap ako.
"Akala mo lang 'yon."