Barely Heiresses: Amira Chapter 102

Bago pa makahuma si Francois ay inangkin ni Amira ang labi nito. She used every ounce of her power for that kiss. She let her senses take over. Gusto niyang di pwedeng ipagkamali ng binata ang intensyon niya.

She wanted to be possessed by this man because she wanted to, not because she had to. Sa wakas ay pinapayagan niya na kumawala ang pagnanasa na nararamdaman niya dito mula nang unang beses pa lang silang magkita. It was a feeling she wanted to suppress from the beginning because she was scared that she would end up like this – crazy for him and losing control. It was a weakness but not anymore. Her desire for him and this one hot night was her salvation for the cold, lonely nights ahead of her.

Umungol siya nang mula sa labi niya ay naglakbay ang labi nito sa tainga niya. She moaned when he bit her earlobe. Pakiramdam niya ay may mumunting bomba na sumabog sa katawan niya. It was just an earlobe. She didn’t expect that it was an erogenous zone.

His thumb casually passed over the peaks on her bra. Her nipples stood in attention. It finally met his master. Hindi niya kailangang matakot na di niya kayang ibigay ang sarili dito o di niya alam ang gagawin. Her mind might not be ready for it but her body was oh-so-ready for him. At natitiyak niya na si Francois lang ang pwedeng magbigay ng ganitong pakiramdam sa kanya.

Saka niya biglang naramdaman na tumigil na lang ito. Humihingal nitong idinikit ang noo sa noo niya at ang mga kamay nito ay nakahawak lang sa baywang niya. Nararamdaman niya ang panginginig nito. Pilit nitong nilalabanan ang sarili.

“Francois, what’s wrong?” tanong niya.

Tinanggal nito ang binti niyang nakapulupot sa baywang nito. “Kailangan na nating umahon. It is starting to get colder. Baka magka-pulmonya ka dito.”

At lumangoy na ito pabalik sa pampang nang sa wakas ay makawala ito sa kanya. He left her dumbfounded and brokenhearted. Anong nangyari? Bakit nauwi sila sa pagkakaroon ng pulmonya? Things were heating up back there. Tapos ay basta na lang siyang iiwan basta-basta. He easily turned off his desire like a switch. Habang siya ay di alam ang gagawin. He lit a fire inside her and she was confused.

Ayaw ba nito sa kanya? Did he realize that she was not good enough for him. Masyado bang novice ang dating niya at gusto nito ng mas experienced na lover? He didn’t want to make love to a virgin? Anong gusto nito?

Nang umahon ito ay dali-dali itong nagbihis. Kinuha nito ang malong niya at saka inilahad. “Umahon ka na, Amira. Then we’ll talk,” anito sa malamig na boses.

Parang gusto niyang maiyak nang lumangoy pabalik. Gusto sana niyang magmatigas at sabihin ditong hayaan siyang mag-isa. Ayaw niya itong kausapin. Her heart was too raw. Ngayon lang niya hinayaan ang sarili na makawala at sundin ang gusto ng puso niya. Tapos ay tatanggihan lang siya ng lalaking gusto niya? Hindi ba’t sampal iyon sa kanya. At kung tinanggihan siya ni Francois, ibig sabihin ay sakit din pala ang babaunin niya kapag pumayag siyang magpakasal kay Sikandro kinabukasan. She won’t have good memories of a passionate night with him. At naramdaman niya na umiiyak ang puso niya.

Pero di niya ipinakita dito na nasasaktan siya. Taas-noo siyang umahon at hinablot ang malong niya dito. Isinuot niya iyon saka nagmartsa palayo sa falls. Wala silang kibuan at ito na ang nagbukas ng flashlight. Damn it! Gusto na niyang umiyak. Gaano pa ba kalayo mula sa kubo niya para masimulan na niya ang pagluluksa ng puso niya?

“Magbihis ka at mag-uusap tayo,” anang binata sa malamig na boses nang malapit na siya sa kubo nila. May ilang metro ang layo ng kubo ng binata sa kanya.

“Hindi na. Gusto kong matulog.”

“Amira, kailangang nating pag-usapan ang nangyari kanina.”

Iniwas niya ang mata dito. What a nice way to rub salt over a wound. Tinanggihan na nga siya nito, gusto pa nitong ipagdikdikan at himay-himayin. No, thanks. Masyado nang wasak ang pride niya. Kahit konti naman ay magtitira siya. Di na niya aalamin kung bakit siya nito inayawan.

“Francois, ano pa bang gusto mong pag-usapan natin? I offered myself to you and you said no. End of the story. Goodnight.”

Iiiyak na lang siya hanggang bukas. Hanggang wala na siyang iiiyak at manhid na kapag inalay niya ang buong buhay niya sa Lambayan at kay Sikandro.

Pinigilan nito ang balikat niya bago pa siya makapasok sa kubo niya at ihinarap dito. “Amira, you listen. Hindi kita tinanggihan dahil ayaw ko sa iyo. I want to make love with you so badly. I want to have you since I first saw you.”

“Then why did you stop?” tanong niya.

Hinaplos nito ang mukha niya. “Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi ito ang tamang panahon. You deserve so much more. I want your first night to happen with the man you love, with the man you will marry on your wedding night. Iyon ang magandang regalo na maibibigay mo sa lalaking mahal mo at makakasama mo habambuhay.”

Napapitlag siya at umurong na parang sinampal siya nito. “Hindi iyon mangyayari, Francois. Ayokong ibigay ang sarili ko sa lalaking hindi ko mahal. Kaya nga gusto kong ibigay ang sarili sa iyo bago ko pakasalan si Sikandro,” nanulas sa bibig niya bago niya mapigilan ang sarili.

“What?” angil ng binata. “Magpapakasal ka. Sinong Sikandro?”

Pinalis niya ang kamay nito at tumalikod. “Magpapahinga na ako. Gaya ng sinabi ko, wala tayong kailangang pag-usapan.”

Subalit maagap nitong sinapo ang braso niya at pilit siyang ihinarap dito. “Ipaliwanag mo muna ang sinabi mo. You can’t just drop a bomb like then leave without an explanation. I deserve it.”

“You don’t deserve any, Francois. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo.” Tumingala siya. “You are not supposed to know until…”

“Until the deed is done. Iyon ba ang nangyari dito habang wala ako? Pumayag kang magpakasal sa ibang lalaki? Tapos di mo man lang ipapaliwanag sa akin. Ipapaalam mo ba sa lahat kapag kasal ka na? Who the hell is that Sikandro? Bakit mo siya pakakasalan?”

Ipininid niya ang bibig. Nanginginig ang labi niya dahil naiiyak siya. Hindi pa nga siya nakakabawi sa pagkakapahiya niya nang tanggihan siya nito, ngayon ay kailangan niyang harapin ang masakit na katotohanan na pilit niyang iniiwasan.

Pumalatak ang binata na parang nauubusan na ng pasensiya sa kanya. “Amira, I risked my neck for you so many times already. Pinagkatiwalaan kita. Kahit pasasalamat wala akong inaasahan mula sa iyo. Hindi sa sinusumbatan kita pero sana man lang bigyan mo ako kahit kaunting paliwanag. Ayoko sa lahat ginagago ako. What the hell is going on?” angil nito.

Lumunok siya bago matagpuan ang tinig. “Isa siyang mandirigma. Namatay ang tatay ni Sikandro sa pakikipaglaban sa minahan noon. Gusto ni Apo Semblat na pakasalan ko siya para tanggapin ako bilang isang Lambayan.”

“Pipilitin ka niyang magpakasal sa lalaking hindi mo mahal?” angil ng binata at nakita niyang kinuyom nito ang kamao. Nakita niyang muntik na nitong ibayo ang kamao sa dingding ng kubo pero sa huli ay nagkasya na lang na sipain ang dingding. “Ano pa bang gusto nila sa iyo? Buong buhay mo ay isinakripisyo mo para pagbayaran ang kasalanan ng mga magulang mo na wala ka namang kinalaman. Pinipilit mo ang sarili mo na magtrabaho sa Banal Mining kahit labag sa kalooban mo para lang mabawi mo ang Kanayama at maprotektahan sila. Sana sinabi mo iyon sa kanila para di ka na nila pilitin sa ganito.”

“Francois, wala silang tiwala sa akin. Hindi na nila pagkakatiwalaan ang isang pirasong papel. Sa pagpirma nila sa kontrata noon, nawala ang lahat sa kanila. My grandfather wants an assurance. At magiging totoong kaisa lang nila ako kung pakakasalan ko ang lalaking pinili niya at mapagkakatiwalaan niya.”

“Pero di mo mahal ang Sikandro na iyon,” anang si Francois.

“Pero siya lang ang paraan para maging bahagi ako ng tribong ito. Isang bagay na bubuo sa pagkatao ko, Francois. Siguro ay hindi mo iyon maiintindihan dahil lumaki ka na buo ang pamilya mo. Tanggap ka agad ng lahat. Everybody loves you. How about me? Buong buhay ko pilit kong ipinaglalaban para mabawi ko kung sino talaga ako. Ipinagkait sa akin iyon. Sa amin ng nanay ko. Kapag pinakasalan ko si Sikandro, hindi lang ako ang tatanggapin ng tribo. Tatanggapin din nila pati si Nanay. Maging ang mga bata dito ay papayagan na rin nilang mag-aral. Isang maliit na sakripisyo iyon kumpara sa makukuha ko.”

“Hindi mo kailangang isakripisyo ang kaligayahan mo. Sa palagay mo ba ay papayag ang nanay mo na isakripisyo mo ang sarili mo para dito?”

Umiling siya. “Hindi kailangang malaman ni Nanay. Desisyon ko ito, Francois. Pakakasalan ko si Sikandro.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.