Barely Heiresses: Amira Chapter 103

“Does he even like you? Anong gagawin niya para sa iyo? Sabi mo anak siya ng isa sa mga namatay sa paglaban sa minahan. Paano kung saktan ka niya?”

“It doesn’t matter. Francois, ihananda ko na ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin.” Hinaklit niya ang harap ng polo nito. “That’s why I want you to make love with me. Gusto kong maranasan na maging masaya kahit na isang gabi lang. Gusto ko itong maalala buong buhay ko.”

“No. I don’t want you to make love with me because you have no choice.”

“I want you to make love with me because I choose you.” Yumakap siya sa leeg nito. “For once, I want to be free. Gusto kong ibigay ang sarili ko sa lalaking gusto ko. At sinabi mo na gusto mo rin ako. Please, Francois. Take me.”

She kissed his lips. Coaxed him into kissing her back. Subalit matigas ito. Nang hindi iyon gumana ay ibinaba niya sa leeg nito ang labi niya. Her hands fumbled with the buttons of his shirt. She knew that he would give in to his desire. Kailangan lang niya itong kumbinsihin.

Pinigilan nito ang kamay niya. “Amira, ayoko!”

Humagulgol siya ng iyak. “Please. Kahit ngayon lang. Wala na akong ibang hihingin sa iyo. I know I won’t have any chance like this. I want my first time with you. Hindi sa lalaking di ko gusto. Di sa lalaking hindi ako pinagkakatiwalaan. I know you can make it good and special for me.” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “Hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan kahit ngayon lang?”

“No. Dahil hindi rin ako papayag na pakasalan mo ang lalaking iyon.”

Umungol siya. “Akala ko ba tutulungan mo ako para tanggapin ulit ako ng mga Lambayan?”

Nanatiling matigas ang anyo nito. “Ang sabi ko tutulungan kita na protektahan ang Kanayama at mailipat nang tuluyan sa pangalan nila. Hindi ko sinabi na papayag ako sa kalokohang kasal na ito sa lalaking di mo gusto…”

“Francois…” He was mad. Really mad. Hindi niya alam kung galit ito sa kanya o sa ibang tao.

“Ganitong klaseng pagtanggap ba ang gusto mo? Sa palagay mo ba irerespeto ka nila at ituturing na kaisa nila kapag pumayag ka? No. Magiging second-class citizen ka pa rin. And you deserve more, Amira. Kung gusto ka nilang tanggapin, dapat ay bukal sa puso niya at walang anumang kondisyon. Ganoon ang pagtanggap. Gaya nang tanggapin ka pabalik ng Idang Asra mo.”

“That was different. She is… sick. Akala niya ako ang nanay mo.”

“Just the same. Kung ayaw ka nilang tanggapin, e di huwag.”

Mariin siyang pumikit. “Please don’t say that. Di mo ako naiintindihan.”

“Naiintindihan kita. You want acceptance. Pero ganitong klaseng acceptance ba ang gusto mo? Kailangan mo bang gawin ang kalokohang ito kahit na habambuhay kang magdudusa. I respect your grandfather’s stand and this tribe. Pero alam mo sa sarili mo na mali ito, Amira. Hindi ka nila mamahalin o tatanggapin gaya ng pagtanggap na ginawa sa iyo ng mga kapatid mo. Pamilya mo rin sila. Sa palagay mo anong mararamdaman nila kapag nalaman nila na ginawa mo ito? Paano kung hindi mo na sila makita ulit kapag ikinasal ka sa Sikandro na ito?”

Nahigit niya ang hininga. He had everything thought out at a small amount of time. Iniwas niya ang tingin. “Kailangan nilang tanggapin ang desisyon ko. Hini naman lahat sa kanila ganoon kalapit sa akin.”

Pero alam niyang iiyakan niya kung mawawalan na siyang tuluyan ng kaugnayan sa mga kapatid niya. Malulungkot siya kung hindi na niya matutupad ang pangako kay Eira na gagawa sila ng snowman kapag isinama niya ito sa ibang bansa. O matikman ang cupcakes ng Ate Vera Mae niya. At parang pinipiga ang puso niya nang maisip ang iba pang bagay na di niya magagawa sa iba pa niyang mga kapatid. Baka di na nga niya mabigyan ng tour ang mga ito sa bahay ng Lola Celestina niya at di niya alam kung paano niya itutuloy ang mga pangarap niya para sa ancestral land nito sa Sagada. Ibig bang sabihin ay maiiwan na lang niya iyon sa madrasta niya? Kapag nangyari iyon, mawawala na ang bakas ng lagi niya at mapapalitan na ang simpleng kubo ng isang boutique hotel. Tanging ang legacy na lang ni Carrie ang maiiwan.

Hinawakan ni Francois ang balikat niya. “At paano naman ako? Handa akong tanggapin ka kahit ano ka pa, Amira. Kahit na isang outcast na Lambayan ka pa o isang Banal na heredera o isang aktibista na di natatakot kahit tutukan ng baril kapag rally o mas gusto mong makipag-usap sa puno kaysa sa akin, tanggapin pa rin kita. Titiyakin ko na magiging masaya ka at lagi kitang poprotektahan.”

“Bakit gagawin mo iyon para sa akin, Francois?”

He cupped her face and stared into her eyes. “Because I love you, Amira Catindig-Banal. At ipinapangako ko na walang ibang lalaki pwedeng humawak o humalik sa iyo o magpakasal sa iyo kung ayaw mo. I had never been a possessive man but I want to brand you with my kisses and make you mine. At gusto ko na ang yakap at halik ko lang ang matatanim sa alaala mo. Wala nang iba pa.”

At bago pa nakakurap si Amira ay hinawakan ni Francois ang likod ng ulo niya at inangkin ang labi niya sa isang mainit na halik. And this time, there was no doubt that he wanted her and more. There was gentleness and care. He was kissing her but she felt that he was willing to protect her and give her life for her. Napapikit siya. Yes, there was sweetness that made her feel giddy inside. He made her feel everything in just a single kiss. Love. Iyon pala ang pakiramdam kapag may nagmamahal sa iyo. Parang hindi totoo pero hindi niya pwedeng dayain ang nararamdaman niya.

Napayakap siya sa leeg nito at ibinuka ang labi para tanggapin ang halik nito. She didn’t want the kiss to stop. She wanted to feel his love over and over again. Hindi ito kayang ipadama sa kanya ng ibang lalaki. Nobody could kiss her with so much passion and love. No man would risk everything for her like he did. Definitely not that man she was about to marry.

“Y-You really love me?” tanong niya. “Totoo ba iyon?”

“Hindi ko sinasabi iyon dahil lang ayokong magpakasal ka sa iba. Pero siguro naman kapag ipinagtanong ko kung bakit kailangan kong pang magtatawid ng ilog at umakyat ng mga bundok para lang sa iyo, maniniwala na mahal talaga kita. I want to own you the way you own me. I think you enchanted me.”

Niyakap niya ito. “Oh, Francois!”

Her heart flooded with joy. Hindi niya alam na ganito pala kasarap ang pakiramdam kapag sinabi ng lalaking gusto niya na mahal siya nito. And now it made sense. Siguro nga ay mahal din niya si Francois kaya hinahayaan niya itong manatili sa buhay niya kahit na sa panahong wala siyang tiwala dito. Parang baliw siya sa rollercoaster ng emosyon tuwing nagtatalo ang isip at puso niya tungkol dito. Makita lang niya ito ay pumipitlag na ang puso niya at sumasaya siya. She thought she was attracted to him. But attraction can’t make a person happy with just the sight of that special person, right?

Bumuka ang bibig niya para sabihin na mahal subalit nagsalita ito. “Amira, di kita inoobligang sabihin mo na mahal mo ako. Ayokong marinig iyon sa iyo ngayon lalo na kung may malaki kang desisyon na gagawin para bukas. Hindi dapat madaliin ang pagmamahal. I am not asking you for anything in return either. Take time on analyzing how you really feel about me. And while you are doing that, I will make sure that I will protect you. Titiyakin ko na masaya ka sa bawat desisyon mo. Because you deserve that and more. At kung dumating man ang panahon na ma-in love ka sa iba, I will respect that.”

“I don’t think so,” nakangiti niyang usal dito.

“How so?”

“You lit something powerful inside me, Francois. You drive me insane. I break my own rules but I am happy doing it for you. Ayokong tanggapin na in love ako sa iyo noong una. Pero salamat dahil binibigyan mo ako ng panahon para analisahin ang totoong nararamdaman ko. I really appreciate that you are not pressing me. At nang tugtugan mo ako ng noseflute, I know that we have something real. Na hindi lang laro ang lahat ng ito.”

“Amira, gusto ko na kapag nagdesisyon ka bukas sa harap ng buong Lambayan, huwag mong gawin iyon dahil mahal mo ako o mahal kita. I don’t want our feelings for each other to cloud your judgment. Gusto kong gawin mo ito para sa sarili mo. Gawin mo kung anong makakapagpalaya sa iyo at bubuo sa iyo. If you still want to follow your grandfather after this, I will respect that. Ayokong hayaan ka na gawin iyon pero irerespeto ko. Ayoko lang mawalan ka ng option sa buhay. At anuman ang desisyon mo, nandito ako para sa iyo.”

Niyakap niya ito. “Salamat sa regalong ito, Francois. Salamat dahil hindi mo ako ikinukulong. Ibinibigay mo sa akin ang kapangyarihan na magdesisyon para sa sarili ko.”

“Because we are partners. Sasabihin ko sa iyo kung ano ang pinakamabuti para sa iyo pero di ibig sabihin ay didiktahan kita. I respect you as a woman with her own mind. Alam ko na matalino.”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “Not where you are concerned. Nawawala ako sa sarili pagdating sa iyo. Pero nagpapasalamat ako dahil di mo sinasamantala ang kahinaan ko. That is a good thing for me.”

“Hindi ka na galit sa akin dahil…”

“Hindi ako nagpatuklas sa ahas?” nakangisi niyang tanong. “No. Sorry if I had to do that. Alam ko na mahirap para sa iyo na kontrolin ang sarili mo.”

“May tamang panahon para sa lahat, Amira. If you will make love with a man, do it with your husband. No pre-marital sex even if you love him.”

“Even with you.”

“Yesssss,” he hissed. Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “Matulog na tayo. Kailangan nating magpahinga para bukas. It would be a long day.”

“Stay with me tonight,” pakiusap niya.

“Basta ba huwag mo akong pagsasamantalahan habang natutulog.”

Itinaas niya ang kamay. “Promise.”

Magkayakap silang natulog ni Francois sa kubo niya basta nangako ito na iiwan din siya bago sumikat ang araw bukas at magising ang buong tribo. Ayaw daw nitong ilagay siya sa alanganin. Tumango na lang siya. Kontento na siya na magkasama sila ngayong gabi.

Bago matulog nang gabing iyon ay nakapagdesisyon na siya. Pipiliin niya kung ano ang totoong nakakapagpalaya at nakakapagpasaya sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.