Umungol si Amira at isinubsob ang mukha sa unan. Nakakahiya. Narinig ni Francois ang pag-a-attempt niya na mag-musical. Kung kakanta siya sa harap ng ibang tao, definitely not with that kind of repertoire.
“What do you want? Matutulog na ako,” angil niya at inangat ang mukha.
“Open up, princess. I brought you some tea. Mint tea.”
How could she say no to that? May dalawang bagay siyang di kayang tanggihan – sweets and mint tea. At bakit kailangang ang lalaking ito ang maghatag ng kahinaan niya? Kahit na gusto niyang iwasan ito ay wala siyang choice. She wanted her mint tea para ma-relax siya.
“Iwan mo na lang diyan. Kukunin ko maya maya,” sabi niya.
“Nandito na ako. Ngayon na. Sige ka, ikaw din. Mami-miss mo ako kapag di mo ako nakita. Lalo kang hindi makakatulog. Makatulog ka man, ako pa rin mapapanaginipan mo,” nanunukso nitong sabi.
Bigla niyang binuksan ang pinto. “Excuse me lang! Gusto ko lang sabihin na may kayabangan ka rin, no?”
“Uy! Sabi na nga ba pagbubuksan mo ako ng pinto. Tea? Kailangang inumin mo na ito bago lumamig,” nakangiti nitong sabi. Parang inutakan lang siya nito. Sinadya siyang galitin wala siyang magawa kundi ang pagbuksan ito ng pinto. “Komportable ka ba sa kuwarto mo?”
“Naitanong na iyan ni Ate Yumi. Okay lang ako dito,” aniya sa malamig na tono.
Inilapag nito ang tray sa mesita. “Yes. I can see that. Mukhang close na nga kayo ni Eira. And she’s nice and friendly to everyone.”
“That might get her into trouble,” nausal niya. Ang mga gaya ng nakababatang kapatid na mapagtiwala ang madalas na nasasaktan. “Lalo na kapag nakatagpo siya ng lalaking bolero at manloloko. It might break her heart.”
“Come on. Hindi naman lahat ng lalaki ay ganoon. Marami pa ring mababait na tulad ko.”
Ito? Mabait? Weeeh!
Umiling siya. “Nah! I am not buying that.”
Umungol ito. “Come on. Be fair. Hindi mo pa naman ako nakikilalang mabuti. You will like me once you get to know me better.”
“How cocky.” Gusto niyang mainis sa kayabangan at kompiyansa nito pero natatagpuan niyang parang may pising nakatali sa gilid ng labi niya at may humihila para ngumiti siya. “Bakit ka nga pala ikaw ang nagsisilbi sa akin? Masyado kang maraming trabaho. You are a driver, kidnapper and a chef. Ibang klase.”
”I am a family friend. I am doing them a favor. Ayaw ng lolo mo na kung kani-kanino lang nagpapaluto at nitong nagkasakit siya ay naging maselan siya sa pagkain niya. Luto ko lang ang kinakain niya. Masaya ako na masaya ang lolo mo na makita kayong magkakapatid. Na makakasama niya kayo.”
Nagsalin siya ng tsaa at nilagyan ng stevia powder. “Aalis na rin ako bukas. May importante akong aasikasuhin.”
“I can surely change your mind,” he said in a sugary voice. Tinaasan niya ito ng kilay. “Pwede kitang ipagluto. I can give you a massage. I am good at it.”
Napatingin siya sa mga kamay nito at na-imagine iyon na naglalakbay sa katawan niya. Pinigil niyang mapaungol. Drat! She wanted those hands on her. So where did that idea come from? That was too… sexual and sensual. Ovulation period ba niya at parang kung anu-anong nararamdaman niya at naiisip pagdating sa lalaking ito?
“Pass,” aniya at uminom ng tsaa. “You see, I don’t belong here. May totoong mundo sa labas na naghihintay sa akin.”
“Hindi ko alam kung anong kwento mo. Hindi ko alam kung anong ginawa sa iyo ng mga Banal pero sana bigyan mo sila ng chance. Your grandfather is dying.”
Ayaw niya sa lahat ay ginagamitan siya ng emotional blackmail. Buo na ang desisyon nila. Matapos nilang mag-usap ni Don Alfonso ay aalis na siya. Kung ipapatigil nito ang minahan sa Sagada, she would be free to go her own way. Di nila kailangang magkasagupaan. Kung magmamatigas ito, there would be war.
“Thanks for the tea, Chef Francois. At salamat din pala ang strawberry shortcake kanina. Pero nagselos yata ang ibang mga kapatid ko.”
“I am glad you enjoy the cake because you owe me a kiss.”
“Excuse me? Anong kiss ang sinasabi mo diyan?” tanong niya sa mataas na tono. “Ibang klase ka talaga.”
“Sabi mo mahahalikan mo ang nag-bake ng cake. So kiss me now.”
Biglang umurong ang dila niya. “S-Sandali. A-Akala ko babae ang nag-bake o kaya matandang lalaki…”
“Excuses, excuses, excuses. Sige. Pipikit na lang ako tapos halikan mo ako.” Pumikit ito at nanatiling nakatayo doon. “Nangako ka kaya dapat tuparin mo iyon. I know how much you value your word of honor. And I know you want to kiss me.”
It was silly. He was really expecting her to kiss him. Ano naman ngayon? Iyon naman na ang huling araw niya sa bahay ng mga Banal. Baka mula bukas ay di na rin sila magkita.
Tumingkayad siya at humawak sa balikat nito. Pero paano niya ito hahalikan? She didn’t like kissing. May ilang attempt ang mga lalaki na pilitin siyang halikan pero nauuwi lang iyon sa pananampal niya. This one was different. Siya mismo ang hahalik kay Francois. The ball was on her court. At lalo siyang ninerbiyos.
He was perfection. That mouth could make her salivate. What kind of kiss should she bestow to such perfection when she knew nothing about kissing?
Idinikit niya ang labi dito. Dapat ay smack lang ang gagawin niya at uurong na siya pero sa bilis ng pagkakahalik niya dito ay nawalan siya ng balanse at napahawak siya sa balikat nito para di siya tuluyang matumba. Sa halip na mailayo niya ang labi dito ay lalo pang dumiin iyon. Pakiramdam niya ay may kuryente na dumaloy sa buong katawan niya sa simpleng pagdidikit lang ng labi nila. Ganoon ba talaga ang nararamdaman kapag hinalikan ng lalaki? Di ba’t sa mga kwento lang naman iyon? Bakit iyon ang nararanasan niya? At bakit nakadama siya ng nakaliliyong sensasyon dahil doon?
Nanlaki ang mata niya nang ma-realize na parang gustong-gusto niyang halikan ang binata. Itinulak niya ang dibdib nito para lumayo sa kanya.
There was fire in his eyes. Saka ito pilyong ngumiti. “Next time, don’t do that.”
“What?” gulat niyang tanong. Di nito nagustuhan ang halik niya? Kapal!
“Kiss a stranger as if he is your Prince Charming. The truth is I am not a forever kind of guy. Baka bigla kang ma-in love sa akin. I don’t have much to offer.”
“At sino naman ang nagsabi sa iyo na mai-in love agad ako dahil lang sa isang halik? I am not some silly little girl, Francois. Get over it. Salamat sa tsaa. Makakaalis ka na,” aniya at binuksan ang pinto.
Ang impaktong lalaking ito. Magpapahalik-halik sa kanya at pagkatapos ay kung anu-ano ang sasabihin. Nakakainsulto talaga ito.
“You should be thankful for that. I don’t usually issue warning to other girls. They just fall for me at their own risk. I don’t want to see you hurt. Goodnight, Amira. Sweet dreams.”
She wanted to get out of this house. Away from the Banals. Away from Francois Mosqueda. She promised herself not to kiss any man. But she kissed Francois. A torrid kiss at that and he threw it back to her face.
Mababaliw na talaga siya. She wanted her sanity back.
NAKATAYO sa tabi ng bintana si Amira habang pinagmamasdan ang pagtagos ng sikat ng araw mula sa makapal na ulap. It was a bit gloomy. Umuusok din ang bibig niya dahil sa lamig ng panahon. Alas sais pa lang ay gising na siya. Nagpa-serve na lang siya ng agahan sa kuwarto niya. Wala namang utos si Don Alfonso na kailangan nilang magsalo-salong magkakapatid sa agahan. Ayon nga sa kawaksi na natanong niya, bukod kina Yumi at Vera Mae na lumaki sa mga Banal ay naghihilik pa ang ibang mga kapatid niya.
Naka-empake na ang mga gamit niya. Ang kailangan na lang niya ay makausap si Don Alfonso. Nagpalipas siya ng oras sa pagbabasa ng dokumentong kailangan niyang i-present sa don. Paraan din niya iyon para hindi na maisip pa si Francois.
That man was like a curse. Nawala ang antok niya dahil sa halik nito. Nang makatulog naman siya ay ito rin ang laman ng panaginip niya. Na nanatili daw siya sa mansion ng mga Banal dahil sa pangako nitong masahe. Dahil lang masahe ay itatapon niya ang lahat ng plano niya sa buhay. She was horrified.
Of course, it was just a silly dream. Pero mula nang makilala niya si Francois ay marami siyang ginawa na di niya normal na ginagawa. That was dangerous. It could be her hormones and libido talking. Kaya mas mabuting umiwas na siya sa lalaking iyon habang maaga pa.
Nag-ring ang intercom. "Ma'am, si Manang Carol po ito. Nasa may porch po si Don Alfonso. Nasabi ko na po na gusto ninyo siyang makausap."
"Anong sabi niya?"
"May sasabihin din daw po siya sa inyo."
"Salamat po." Lumabas siya ng silid dala ang laptop niya. She was ready for battle.
"Good morning, Don Alfonso," pormal niyang bati. Mabuti na lang at wala doon si Carrie na parang anino ng don. Gusto niya kapag kinausap niya ito ay silang dalawa lang.
"Mahimbing ba ang tulog mo? Halika. Saluhan mo akong mag-agahan."
"Tapos na po ako."
"Mukhang handa ka na para sa tour natin. You see, hindi lang dito sa Sagada ang properties natin. Marami tayong plantation sa iba't ibang bahagi ng Cordillera. I am sure you will enjoy the tour to the tea plantation. Mahilig ka sa tea, hindi ba?"
"Hindi na po ako makakasama sa tour."
"Why?"
"Because I have work to do. Hindi po ako nagpunta ng Sagada para sa isang family reunion o sa isang field trip. You know that. I came here to discuss about the mining operation of Banal Mining Corporation."
Humigop ito ng kape. "It is too early to discuss business, hija."
"Nothing is too early for you. You are a businessman. And nothing is too early when it comes to taking care of nature."
Pinagsalikop nito ang mga kamay at tiningnan siya. "Okay. We will discuss it after the tour and after you visit your father. Naka-confine siya sa ospital na pag-aari natin dito sa Sagada. He is in a coma. Baka makatulong na malaman niyang napagsama-sama ko na kayong mga anak niya."
"No!" she answered in a curt tone.
"No?"
"No to the tour. I am not interested with your properties. At hinding-hindi gugustuhing makita si Alfie Banal. I won't give him that pleasure. Wala akong pakialam kung hindi siya matahimik. Mabuti nang malaman niya na may isa siyang anak na kinamumuhian siya. And he deserves it. Kaya mabuti pa ay pag-usapan na natin ang tungkol sa minahan para malaman ko kung pwede tayong magkasundo dito o magkakalaban tayo. I am sure hindi ninyo gugustuhing ako mismo ang mamuno sa pambabatikos sa minahan ninyo sa publiko,” taas-noo niyang wika at naghahamon na pinagmasdan ang don.