Barely Heiresses: Amira Chapter 41

Amira was ready for battle. Nakasakay siya sa Bentley na gamit ni Attorney Ferrer at patungo sa opisina ng Banal Mining. She was wearing a cream blouse and black pants. Pinatungan niya iyon ng ethnic jacket na Sagada weaving ang print. She felt empowered. A woman who was part of the nature. A warrior. Alam niya na simula pa lang ito ng anim na buwang pakikibaka niya para mabawi ang Kanayama.

Be brave. Hold your head up. Tandaan mo kung ano ang Banal Mining Corporation at kung anong ginawa nito sa pagkatao natin. Huwag mong hayaang matangay ka nila. Huwag mong kalilimutan kung ano ka, Amira.

Iyon ang mensaheng nakuha niya mula sa inang si Himaya kaninang umaga. Handa siyang harapin ang board of directors, shareholders at ang mga empleyado ng kompanya. She was preparing herself for the worst.

Naputol ang malalim niyang pag-iisip makatanggap ng text message galing kay Francois. Good morning! I am sure you are on your way to your meeting and looking as serious as a heart attack. Smile and think about me. I will see you later.

Awtomatiko siyang ngumiti at saka itiningin ang mga mata sa labas. Saka lang niya na-appreciate ang magandang view sa labas – ang pagtagos ng sikat ng araw sa nakahilerang pine trees sa gilid ng kalsada, ang ekta-ektaryang flower farm na may iba’t ibang kulay. Biglang naging makulay at magaan ang araw niya.

She didn’t know how that guy could easily transform her mood into something light. And of course, the kiss. Naramdaman niya ang pag-iinit ng katawan. He could also make her feel hot with just the memory. The kiss.. was not so bad at all.

Muli siyang nakatanggap ng isa pang text message. Dali-dali niyang binasa iyon sa pag-aakalang galing kay Francois. Biglang bumigat ang loob niya nang makita ang mensahe mula sa ina.

Huwag kang magtitiwala kahit na kanino. Mag-iingat ka, anak.

Lumabi siya at huminga ng malalim. Wala sigurong masama kung magtiwala siya kay Francois. He was a chef, after all. Wala itong kinalaman sa Banal Mining Corporation. At sa lahat ng pinagdadaanan niya ngayon, masaya siya dahi may rason pa rin siyang ngumiti dahil na rin sa binata. At excited na rin siya sa pagkikita nila mamaya. Kailangan siguro niya iyon matapos ang unang araw niya sa kompanya.

“We are here,” pagkuwan ay wika ni Attorney Ferrer.

Humimpil ang sasakyan sa harap ng isang gusali na may apat na palapag. “Gawis ay agew yo,” bati sa kanila ng security guard at itinaas pa ang sombrero.

Nakangiting tumango si Amira at binati rin ito. She was ready to disdain everyone in that building. Pero dahil sa pagbating iyon, pakiramdam niya ay welcome siya. Kankana-ey ang salita at iyon din ang ginagamit sa tribo ng mga Lambayan. Sa halip na “Good morning” ay sa ganoong salita din siya binati ng iba pang nakakasalubong nila. Mukhang magagalang at palangiti ang empleyado doon.

“Kankana-ey ang gamit nila?” tanong niya kay Attorney Ferrer.

“Iyon ang gusto ng lolo mo. Ayaw ng lolo at lola mo na makalimutan ng mga tagadito ang sarili nilang wika,” paliwanag ng abogado. “Matatas sila sa English at Filipino. Marunong ka palang mag-Kankana-ey.”

“Tinuruan po ako ni Nanay bata pa lang ako. Pati na rin ang mga kaugalian ng mga Lambayan ay itinuro niya sa akin. Ayaw niyang makalimutan ang pagiging isang Lambayan ko kahit saan pa ako makarating,” sabi niya at ngumiti sa mga bumabati. Proud na proud siya sa ginawa ng nanay niya.

“Katulad sa lolo mo. Ayaw niyang kalimutan ng mga tao dito kung anong pinagmulan nilang tribo at ang kultura. Maraming mga kabataan ngayon ang mas gusto na malulong sa kung anong dulot ng makabagong teknolohiya. Gusto nilang itakwil ang kultura nila. Kaya sa palagay ko ay magugustuhan mo dito at mapapalagay ang loob mo sa mga tauhan ng Banal Mining.”

She highly doubted it. Kung mayroon man siyang gustong gawin nang mga oras na iyon ay hanapan ng butas ang mining company. Alamin ang kahinaan ng mga ito. Kung may makakasundo man siya sa mga tao doon, pwede siguro niyang ibahin ang isipan ng mga ito. Na may iba pang hanapbuhay nang di kailangang manira ng kalikasan. Parang iyon ang mas gusto niyang i-project. Kung paano babaguhin ang mind-set ng mga tao doon.

Taas-noo siya habang nakatayo sa harap ng conference room. Nang bumukas ang pinto ay tumutok agad sa kanya ang tingin ng lahat. Subalit ang nahagip agad ng paningin niya ay si Caridad na may kausap na ilang kalalakihan.

“Oh! She’s here,” nausal nito at nakangiti siyang nilapitan. She was as graceful as a snake. She looked regal in her royal blue over-all blouse and pants. Bineso-beso siya nito sa magkabilang pisngi at pinigilan ang sarili na sumingasing. Nakakahilo ang amoy ng pabango nito na nanunuot sa ilong niya. “Good morning, hija.” At binati din nito ang abogado. “Good morning, Attorney. Do you want coffee? Have you had breakfast? Nagpahanda ako ng light breakfast buffet para sa lahat. Ikukuha ko kayo.”

“Hindi po na kailangan,” aniya sa malamig na boses. “But thank you for the offer.” Tapos na siyang mag-agahan sa lodging house kanina.

Ikiniling ng madrasta niya ang ulo nito at pinagmasdan siya. “Mukhang hindi ka yata nakatulog. Excited ka siguro sa pagpunta dito.”

“Of course, I am elated to be here. But I had a lovely night, thank you.”

Bahagyang kumunot ang noo nito. Akala siguro nito ay miserable siya nang nagdaang gabi. Muling gumuhit ang ngiti sa labi nito. “Come. I want you to meet everyone. Attorney, kanina pa kayo gustong makausap ni Jackson.”

Nagtatanong ang mga mata ng abogado kung dapat ba siya nitong iwan sa mga kamay ni Caridad. Tumango na lang siya. Kaya naman niya ang sarili. Isa pa, hindi naman magkakamali si Caridad na hamunin siya sa harap ng lahat. Natitiyak niya na kung gusto siya nitong bumagsak, she would do it in a more subtle way. At iyon na lang ang kailangan niyang paghandaan.

Mga shareholders at board of directors ang nandoon. Pawang matatagal nang kakilala at kaibigan ng mga Banal. Nagmula rin sa Cordillera ang mga ito at nagustuhang mag-invest at magtrabaho sa Banal Mining Corporation dahil sa magandang pamamalakad ni Don Alfonso.

“My condolences, hija,” anang si Mr. Gordon Fernan, ang Chief Financial Officer ng kompanya. “Nakakalungkot siguro na sandaling panahon mo lang nakilala ang lolo mo. He was a good man. Ang totoo, nang ma-comatose ang ama mo ay sinabi niya sa amin na hinahanap niya kayong magkakapatid. Plano niyang ipakilala sana kayo sa alta sociedad. Too bad it didn’t push through.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.