“Unfortunately,” tipid niyang sagot. Ayaw niyang ulanin pa ng intriga ang pagpapakilala sa kanila sa publiko. Mas gugustuhin niya ang tahimik na buhay. Isang malaking kontrobersiya kapag kumalat sa mga kakilala niya na isa siyang Banal at baka maapektuhan pa ang mga proyektong hinawakan niya noon.
“Kahit na wala na siya, tinitiyak ko sa iyo na nasa mabuting mga kamay ang kompanya. We will make sure that we will uphold your grandfather’s vision.”
“Aasahan ko iyan, Mr. Real.”
“Pwede mo akong tawaging Tito Gordon, hija. Kundi mo naitatanong ay parang isang malaking pamilya kami dito. Mula sa matataas na empleyado pababa. Kaya mga maraming gustong magtrabaho dito dahil malalapit kami sa isa’t isa.”
Isang kiming ngiti ang naisagot niya. Anim na buwan lang siya sa Banal Mining Corporation. Di niya alam kung nanaisin ng mga ito na maging parte siya ng “pamilya” ng mga ito.
Isang matikas na lalaki na mapalad at balikat at may katangkaran na nakasuot ng grey suit ang sumunod na ipinakilala ni Caridad sa kanya. “The President and the CEO of the company.”
“I am Romualdo Mosqueda, Miss Banal,” pormal nitong bati at kinamayan siya. “Pasensiya na kung hindi ako nakadalaw para sa burol at libing ng lolo mo. You see, kadarating ko lang kagabi galing sa conference sa Europe. I am sorry about that. Parang ama ko na si Tito Alfonso.”
Kung ganoon ay ito ang pinakamataas na opisyal ng Banal Mining Corporation. He had that air of authority around him. May tikas din ng isang mandirigma. At ito ang matinding makakasalungat niya sa mga dadating na buwan, sa palagay niya.
“I understand, Mr. Mosqueda,” sabi niya at di agad binitiwan ang kamay nito. “Mosqueda?” Kamag-anak kaya ito ni Francois?
“Yes? May problema ba, hija?” tanong ng lalaki.
Ipinilig niya ang ulo. “W-Wala po.”
Maliban sa kulay ng balat ay wala nang masyadong pagkakahawig si Francois sa lalaki. Marami namang Mosqueda sa Pilipinas. Baka nagkataon lang na magka-apelyido ang mga ito.
Ayaw niyang isali pa si Francois sa isyu ng Banal Mining Corporation. Mabuti nga at may isang tao na walang koneksiyon sa kompanya. Isang tao na sa palagay niya ay pwede niyang pagkatiwalaan at hingahaan ng mga sama ng loob niya at iba pang stress niya sa buhay. Mas malayo ito sa Banal Mining Corporation ay mas makakabuti para sa kanya.
She put her game face on. “Why don’t we start our meeting right away? It is almost nine thirty. Akala ko magsisimula tayo ng alas nuwebe.”
At di niya maitago ang pagkadismaya. Partikular siya sa oras dahil importante iyon. Ayaw niyang may nasasayang na panahon. Lahat sa silid na iyon ay negosyante. Natitiyak na gumagalaw din ang mga ito ayon sa minuto.
“May hinihintay pa tayo, hija,” anang si Caridad. “Isa sa shareholders. He is on his way.”
Tumaas ang kilay niya at muling tiningnan ang wristwatch. “Do we really have to wait up for him? Maraming nasasakyang na oras. I am sure everybody’s time here is precious.”
Tinanguan ni Romualdo ang sekretarya. “We are starting in five minutes, with and without…”
“He is here, Sir. ,” anang sekretarya ni Romualdo na si Althea. “Kapa-park lang daw po niya ng kotse.”
“Tell him to hurry up. We are starting in five minutes,” anang si Romualdo sa maigting na boses. “Let’s take a seat, Miss Banal.”
Sumunod lsiya sa mas matandang lalaki at umupo sa tabi ni Attorney Ferrer. Sa tapat naman nila umupo sina Romualdo at Caridad. Mukhang seryoso pa ang pinag-uusapan ng mga ito tungkol naman sa foundation ng babae at kung anu-anong projects ang plano nito.
Bumuntong-hininga si Amira at uminom ng tubig sa kopita na nasa harapan niya. Naiinis siya sa kung sinumang shareholder na hinihintay nila. Masyadong paimportante. Base sa reaksiyon ni Romualdo ay parang di nito gusto ang sinumang shareholder na iyon. At ngayon pa lang ay minamarkahan na niya ito sa mga taong di niya makakasundo sa kompanya.
Bumukas ang pinto at nakita niyang sumilip ang ulo ng isang lalaki na naka-brush up. It must be him. She was ready to disdain him at sight, nang makilala niya si Francois. Pumitlag ang puso niya at bigla siyang napatayo sa kinauupuan. He was here! Nakasuot ito ng white polo sleeves, black trousers and black leather shoes. May kapormalan ito. Naka-pony pa ang mahabang buhok nito kaya naman kitang-kita ang kaguwapuhan nito.
Ngayon lang niya ito nakitang nakapormal. Baka ito ang nag-asikaso ng breakfast buffet nila at naroon ito para i-check kung okay lang ang pagkain. Pero sa palagay niya ay nandoon rin ito kung okay lang ang kondisyon niya.
“Francois!” tawag niya dito at excited nilapitan. Wala siyang pakialam kung malapit nang magsimula ang meeting at dadating na ang kung sinumang Poncio Pilatong late na shareholder. “You are here.”
“Amira,” anitong mukhang nagulat pa nang makita siya. “H-Hi! Uhmmm… Akala ko nagsisimula na ang meeting.”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi pa naman kami nagsisimula dahil may hinihintay pa kaming shareholder. So, will we meet up tonight after work?” She really needed to know. Kung may plano ito para sa kanila sa araw na iyon, gusto niyang malaman para may asahan siyang maganda sa pagtatapos ng araw.
“Well, about that…”
“You are finally here. Akala ko hanggang anong oras mo pa kami paghihintayin,” narinig niyang sabi ni Romualdo.
“I am sorry, Sir,” anang si Francois sa mapagpakumbabang boses.
“May problema ba kay Francois, Sir?” tanong niya kay Romualdo. May problema ba sa pagkaing ihinanda ng binata? May di ba ito naihanda.
“Yes. He is late as always. Perhaps you already know my son, Francois La Croix-Mosqueda. He is also one of the shareholders of Banal Mining Corporation,” pagpapakilala ni Romualdo.
“Your son? A shareholder?” di makapaniwala niyang usal at maang na tiningnan si Francois.
Hindi lang basta anak ng presidente si Francois. Kasama rin ito sa shareholder ng kompanya. Umiikot ang ulo niya. Ang lalaking pinagkatiwalaan niya. Ang lalaking nakakaalam ng mga sekreto niya. Ang lalaking hinalikan niya. Hindi niya ito kakampi. Kasama ito sa kalaban.
“Take a seat, young man. Marami nang oras ang nasayang dahil sa iyo,” utos ni Romualdo dito.
“Yes, Sir,” magalang na sabi ni Francois at may piping pakiusap sa mga mata nito. Hindi niya alam kung anong hinihiling nito – na bigyan siya ng oras magpaliwanag? Huwag niya itong husgahan agad?
Inirapan niya ito. Saka niya naalala ang bilin ng kanyang ina. Huwag kang magtitiwala kahit na kanino. Mag-iingat ka, anak.
Huli na. Hindi siya nag-ingat. Masyado siyang nagpadala sa emosyon niya. Nagpadala siya sa maling akala. Tama ang sinabi ng nanay niya na hindi siya dapat magtitiwala sa guwapo at makisig na lalaki.
She had been conned big time. Nasayang ang lahat ng pagsisikap niya na pangatawanan na magiging iba siya sa nanay niya. Na hindi siya magpapakatanga sa isang lalaki. That she was smarter and well-equipped for this. Subalit nabulagan siya. Wala siyang kaibahan sa mga babae na naging hangal dahil sa pag-ibig.
Itinaas niya ang noo at matapang na sinalubong ang abuhing mata ni Francois Mosqueda. Hindi pa siya in love dito. Her heart was still intact. At ngayon ay nagwawala ang puso niya. Nag-aapoy.
This is war!