Behind The Spotlight Chapter 28

#BTSEp27

Sumikip ang pag-hinga ko. Kasabay iyon ng pag-kurap ko nang unti-unting lumapit sa amin si Aless. Her jaw was tightened. Along with her balling fists, she was in it to attack and I am currently defenseless on what's bound to happen.

"Fuckers," I can clearly saw how Aless harshly let out an irritated breath, "ang galing mo. Napakagaling mo, Ate Asia." Then there was her teary eyes, she is trying to blink it away pero hindi niya magawa. Kusa siyang tinatraydor ng mga luha niya katulad ng kung papaano ko siya trinaydor.

Nanliliit ako. Wala pa rin akong imik. Kasi ano bang sasabihin ko? Sorry? Sorry kasi inagaw ko ang boyfriend niya?

Ang sama ko.

Ang sama-sama kong kaibigan.

Bakit ngayon lang ako na-konsensiya? Bakit ngayon pang nakasakit na ako? Ngayon pang nakasira na ako ng tao?

Naramdaman ko lang na humihigpit ang hawak ni Liv sa kamay ko. I can clearly feel that he is tensed right now. The sweat on his palm is evident that he really is.

"Hindi mo ba alam, matagal ko nang nafi-feel na aahasin mo ako sooner or later? Well, fuck you. My radar was strong, you are nothing but a whore!"

"Aless!" Liv tried to cut her off. And I was still here, being succumbed by the silence as Aless continued to ruin me with her words. "You fucking stop it! Walang kasalanan si Asia dito!"

Nang ibaling ko ang tingin kay Liv, umiigting ang panga niya. Ganoon na rin ang mata niyang matalim na dumadako kay Aless.

Napatungo na lang ako.

Kasi hindi ko alam ang gagawin.

Kasi alam ko, may mali ako. Na cheater nga ako. Kasi ginusto ko namang hilingin na mag-hiwalay sila para magkaroon naman ako ng chance kay Liv. Choice kong mang-ahas. Ako iyong mali, eh. Ako iyong tanga. So in a way, I deserved her dreadful words.

"Wow, so you are her knight in shining armor now?" Aless is sobbing. Her trembling voice. Her raspy tone. It was painful on my ears. "Wow, just wow. Congrats, Ate Asia ha? Congrats, knight in shining armor mo na pala iyong boyfriend ko na inagaw mo?"

Nanunuyo ang lalamunan ko. I am biting my lower lips to stiffle a sob when I started to stare at Aless. She is now standing near me. "It's not what you think--" natigilan ako. Ano bang sinasabi ko? Gaga? May gana pa talaga akong i-justify ang pang-aahas ko?

"It's not what I think?" With the tears avalanching on Aless' eyes, there was an obvious sign that she is about to explode at any moment. Sa pagbigat ng hininga niya at sa pag-buhos pa lalo ng kanyang luha, I knew that I have to ready myself for the worse.

"It's not what I really think, you say?" Naiintimidate akong makipagtitigan sa kanya. Feel ko, mamamatay ako sa talim ng tingin niya.

"Sagutin mo ako!"

Napaigtad ako sa gulat. Nanahimik ako. Marahan kong hinahaplos ang braso ko na animo isang kriminal na nahuli sa kanyang krimen.

"Aless, you should stop now. Leave us alone. Wala na tayo. Tapos na tayo. Lubayan mo na kami." Liv said through his gritted teeth. Mahigpit pa rin ang paghawak niya sa kamay ko. "Lahat ng nangyari sa atin, hindi si Asia ang may kasalanan n'on."

Naramdaman kong humugot ng malalim na hininga si Liv. "Ako itong nahulog sa kanya. Ako itong na-fall out of love sa 'yo. Ako iyong dapat mong sisihin, hindi siya."

"No! Liv, 'wag mo nang i-justify ang pang-aahas niya! Kasi 'to? Itong malandi 'to?" Dinuro ako ni Aless, "I will never forgive her!"

Napakurap ako nang bigla niyang ginawaran ng sampal ang pisngi ko.

Noong mga oras na iyon, bigla akong na-blanko. Bigla akong natuliro.

That moment, my mouth was agape as I caress my flaming cheeks. Doon na kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. I tried to keep my balance as I felt how my knees to tremble as if someone is about to kill me alive.

"Aless! Sumosobra ka na!" Sasampalin na sana akong muli ni Aless nang mahuli ni Liv ang kamay niya. Right now, Liv is tightly gripping her wrist. Sinubukang magpumiglas ni Aless but Liv has no choice of letting her go.

When Liv let go of my hand, I found myself drowned due to the crashing wave of pain. Hanggang sa tuluyan na akong malunod sa mga luha ko noong hinila ni Liv si Aless papalayo sa akin.

And then, they were gone the moment the elevator closed.

Pinipigilan ko ang mapahagulgol noong kinuha ko ang pinamili namin ni Liv.

Hindi ako dapat umiyak.

Bakit ako iiyak? Ginusto ko naman 'to, eh. Ginusto kong maging kontrabida para makuha si Liv. Ginusto ko 'to kaya hindi ako dapat umiyak. Dapat akong matuwa. Kasi heto naman iyong gusto ko, iyong masira sila. Iyong masira sila para makapasok naman ako sa eksena.

Kontrabida ako.

Hindi ako dapat umiyak.

I am swallowing the rising bile on my throat as I enter my condo unit. Napaupo na lang ako sa sofa. Doon na ako sunod-sunod na napahagulgol habang hinahaplos ang kumikirot kong pisngi. Alam ko, hindi pa sapat iyong sampal ni Aless para mapagbayaran ko ang kasalanan ko sa kanya. Walang kabayaran ang pang-aahas ko.

Ang sama kong tao.

Hindi na ako humihingi ng chance para mapatawad niya ako kasi ramdam ko, hindi na iyon mangyayari pa. Walang kapatawaran ang kagagahan ko.

For a moment, I was catching my breath as I sob. Para akong batang humahagulgol. Aping-api. Wow, kung makaiyak, parang siya iyong inahas? Wow, Grace, wow.

Pero biglang nag-ring iyong cell phone ko kaya agad kong kinalma ang sarili ko. I am doing the inhale and exhale thing as I learned that the call was came from Ezra. Nakakainis na ang bad timing niya. Pero sinagot ko pa rin iyong tawag niya.

"Hello?" I mumbled, medyo kumakalma na. Pero iyong bigat sa puso ko, hindi pa rin nawawala.

Napakurap ako nang marinig ang boses ni Ezra. Para ba siyang hinihingal. Para siyang hinang-hina. Para siyang naghihingalo.

"Hi . . . Asia." His voice is too weak for me to imagine.

Patuloy ako sa pagkurap. "What happened, Ezra? You sounded unwell."

"Gusto ko lang mag-sorry sa 'yo." He told me in between of his breathless cough. Nakakapanlumo siyang pakinggan. "Sorry kung nahulog ako. Pasensya ka na, marupok lang. Ikaw kasi, eh. Bakit ka ganyan? Bakit ang dali mong mahalin?"

Naniningkit ang mga mata ko habang patuloy siyang pinapakinggan.

"Sorry kung hindi ko kinaya iyong sakit." He is now coughing and I am afraid by the way how he sounds right now. He seems . . . dying. "Tangina kasi, eh. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang harapin iyong katotohanang olats ako sa 'yo. Na tangina, olats na naman ako."

"Hey? Tell me, what happened?" I began to panic as I heard how his voice turned closed to breathless. Nawawalan siya ng hininga, sigurado ako.

"Sorry sa ginawa ko." There was his sobbing voice. He is crying. His voice is shaking as he told me, "h'wag mong sisihin ang sarili mo sa ginawa ko ngayon, ha?"

Narinig ko ang sunod-sunod niyang pag-ubo. "You are not . . . the reason for my death. You can never be . . . the reason why I chose . . . to end my life today."

Sa narinig ay nanginig ang kamay ko. Hanggang sa nabitawan ko iyong cell phone ko. Wala akong hinintay na oras, napatakbo ako sa labas ng unit ko. I was franctically running with the wind as I reached the elevator. Mangiyak-ngiyak ako noong para bang nanadya ang tadhana, ang tagal ng pagbukas nito.

Wala akong oras para maghintay. I directed my way towards the stairs. Wala akong oras para magpaligoy-ligoy, hindi ko na inalintana pa kung madadapa ba ako sa hagdan. Kasi noong mga oras na iyon, I am not afraid for my own life. I was afraid to face the death of my best friend.

Dahil nasa ibabang floor lang naman ang unit ni Ezra, agad akong nakatakbo papunta sa pinto niya. My body was shaking as I type his passcode. Nahirapan pa ako dahil nanlalabo ang mga mata ko. Binabalot ito ng walang hanggang luha ko.

But I succeeded, the door opened and I literally didn't waste any time as I enter his unit. Agad akong tumakbo sa kwarto niya.

At napahawak na lang ako sa bumungad sa mga mata ko. Ezra was lying on his bed with his hand resting on the floor. Nasa sahig iyong cell phone niya. Katabi ng bote ng hindi pamilyar na tableta ng gamot.

I run towards him. Putlang-putla ang mukha niya. Punong puno iyon ng pawis. At wala na siyang malay. That was the reason why I tightly hold his shoulders. Sinubukan kong alugin siya nang malakas habang humahagulgol. Pero wala . . . walang nangyari. He is just lying here, gone are the Ezra that I used to know. The Ezra who is playful. Who is practically the life of any party.

Patuloy ako sa paghagulgol habang inaalog pa rin siya. "I am not going to give up on you, Ezra!"

Kagat-labi, naisipan kong lumabas para humingi ng tulong. Kasi baka may paraan pa? Baka kaya pa? Baka pwede pang maiwasan ang trahedyang ayoko nang isipin?

When I went out of the door, the first thing I saw was the worried face of Liv. He is so quick to cup my face when I started to cry hard infront of him.

"What happened, baby? Tell me!" Nag-aalala niyang bulyaw sa akin.

Pero hindi ako makahanap ng salita para itugon sa kanya. Napakapait na pag-iyak ang ginagawa ko habang tinuturo ang unit ng matalik kong kaibigan.

"Si Ezra . . .  Liv, si Ezra . . ."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.