Author's Note: Rest in peace, Ezra Brylle Belo. 🥺💙

×××
#BTSEp28
"Liv . . ." Tuloy-tuloy na umagos ang luha mula sa mga mata ko. My sobbing didn't end at all until we reached the hospital.
For the whole drive, walang malay si Ezra. Patuloy ko siyang tinatapik sa mukha. Inalog-alog ko pa ang katawan niya.
Pero walang nangyari.
He was just lying his head on my lap. Halata ang panghihina sa paghinga niya. Natatakot ako na baka ano mang oras, malagutan na lang siya ng hininga. Na baka sa mga kamay ko na lang siya mawalan ng buhay. At hindi ko iyon kakayanin. Hinding hindi.
Noong makarating na kami sa emergency room, agad kaming tinulungan ng mga nurse. Wala na akong pakialam kung may makakilala man sa akin sa gitna ng mga tao na nasa emegercy room.
Nandoon lang ako, sinusundan si Ezra na nakahiga sa hospital bed. Buong lakas iyong tinutulak ng mga lalaking nurse. Habang ako naman ay nakahawak lang sa kamay ni Ezra. Hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko binitawan ang kanyang kamay nang makarating na kami sa isa sa mga ward.
From there, inawat na ako ng mga nurse. Humahagulgol ako noong binitawan ko ang kamay ni Ezra. Nanginginig ako sa takot. Dahil hindi ko talaga kakayanin kapag lumabas si Ezra sa ward na iyon nang walang ng buhay.
For a moment, tinanong ako ng mga nurse. Pero hindi ako makasagot. Hindi ko kayang sumagot. I was there, crying the whole time. Sa pagkatuliro ko ay hindi ko na maintindihan ang tinatanong nila.
Sa huli, si Liv na lang ang naisipan nilang tanungin. Liv answered their questions with a forced calm face. Matapos ay inabot niya iyong bote ng tableta na ininom ni Ezra.
Agad na isinara noong mga nurse ang green na kurtina noong tumakbo na sa loob iyong Doctor. From that moment, I wait with a wishful thinking for my best friend's life. Nakahawak ako sa bibig ko habang patuloy ang pagbuhos ng maiinit na luha sa mga mata ko.
Nakakapanghina iyong kaba.
Sumisikip ang dibdib ko.
Hindi ko mapigilan ang paglakas ng hagulgol ko.
Kasi hindi ko talaga kakayanin. Hinding hindi ko kakayanin kapag nawala sa amin si Ezra. He was nothing but a supportive friend to us. He is practically the Mr. Congeniality of our group. Lahat, kaibigan niya. Maski nga si Liv na lagi siyang sinusungitan, hindi niya pinapalampas, eh.
One thing is for sure, my life will never be completed again without him in it.
Naramdaman ko ang pagyapos sa akin ni Liv. Then he landed his lips on my temple. He was hushing me as he run his palm on my arms.
"Baby, everything will be fine," He told me with his hug getting tighter as I sob more, "Ezra will be fine."
Pero wala akong maisagot sa kanya. Kasi sa mga oras na iyon-- sa nakakapanghinang oras na iyon, mahirap ang maging positibo. Mas madali pa ang ibaling ang isip sa madilim na parte ng mga mangyayari.
On that specific moment, my mind was flying to idea of a dead Ezra.
And it was too dreadful for me to imagine.
The inevitable pain. The desolate emotion. The endless tears. Those three are just too much for me to take in. I found myself breaking down. I found myself sobbing so loud that Liv has to hug me even tighter than before in order to help me calm down.
It was a long moment of my agonizing thoughts when the Doctor started to came out of the ward. He was in a neutral face. Bagay na nakapagpakaba sa akin. Hindi ko mabasa kung maganda ba o malungkot ang ibabalita niya.
Noong mga oras na iyon, rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko kung papaano ito manlaban mula sa dibdib ko. Sa lakas ng dagundong nito ay nanghihina ako sa kaba.
"The patient is . . ." The Doctor started and I really hate that he had the nerves to do a long moment of pause, "he is safe."
Napakurap ako. Kasabay iyon ng pagbuntong hininga ni Liv.
"Po, Doc?" Natitigalgalan kong sambit. Patuloy sa pagkurap. Tinitignan ko iyong siya na para bang isa siyang himala.
"Safe na ang pasyente. Wala pong namamatay sa pag-inom ng maraming vitamins." Napapailing siya. At halos malaglag talaga ang panga ko sa sahig.
"He passed out due to overfatigue. He only needs rest for now and he'll be discharged tomorrow." Pagpapatuloy ng Doctor habang ako ay nabibilaukan sa sariling laway. Si Liv naman ay rinig na rinig ko kung papaano iritadong nagpakawala ng buntong hininga.
"Maiwan ko na kayo." The Doctor generously bowed his head at me. Tila bang siya talaga ng nahihiya para sa amin! Letchugas!
At totoo, halos hindi talaga ako makatingin nang diretso sa mga nurse na lumabas mula sa ward. Tila ba silang napapangiti sa nangyari. Mga hinayupak! Tawang tawa, teh?! Enjoy na enjoy?!
Noong makapasok na ako sa ward ay nahihimbing sa pagtulog si Ezra. Sinaksakan siya ng dextrose sa kanang kamay. Swear, halos mabato ko talaga siya ng sapatos!
"Liv, pigilan mo ako." Paninimula ko. Nangigigil talaga ako. "Sasamain sa akin 'to. Hahampasin ko talaga 'to. Matutuluyan talaga sa akin 'to!" Dinuro ko ang walang malay na si Ezra.
"Go on, baby." Natatawang sambit ni Liv.
Napapakamot ako sa pisngi kong umupo sa tabi ni Ezra. Siraulo talagang lalaking 'to!
Pero deep inside, I was thankful. I was really thankful na ligtas ang bestfriend ko.
Ilang minuto ang nakalipas ay sunod-sunod na nagsidatingan ang mga kaibigan namin. Sinabihan pala sila ni Liv habang papunta kami dito. Nauna si Carlise na naka-boxers pa! Hindi na nahiya!
"Anong nangyari?!" He is about to cry. Sa lahat ng mga lalaki kasi, sila ang mas close.
"H'wag ka nang mag-alala. Nag-over fatigue lang ang tarantado. Vitamins lang talaga iyong ininom niya. Kahit kailan talaga, tanga." Liv said with his knitted brows.
"Putangina?!" Sa walang hiya ni Carlise, babatukan niya talaga si Ezra kung hindi ko siya napigilan!
Sinundan si Carlise ng mga babae naming kaibigan. Nakakuha na kami ng room for Ezra noong dumating na sila. Jopay, Avryl and Billie were with all their tears as they all come to touch Ezra. Hagulgol talaga ang ginawa ng tatlo at hinayaan ko lang sila. Makaganti manlang! Ang daming luha rin iyong naubos ko kanina, ah!
"Girls, he's fine. Na-over fatigue lang." I said while enjoying them cry.
Avryl being the baby of our group was the one who cried more. "Pero ano iyong sinabi ni Liv? Nag-suicide daw siya?"
Billie added, "Ano ba, Ezra? Jusko naman!"
"Mabuti na lang talaga at tanga ang lalaking 'yan. Napagkamalan niya sigurong kung anong gamot iyong vitamins niya." I said, laughing.
That exact moment, lahat sila ay sabay-sabay na huminto sa pag-iyak. Lahat sila ay lumayo sa walang malay na si Ezra.
Swear, hahambulusin talaga siya ni Jopay kung hindi lang siya naawat nina Avryl at Billie!
"Siraulong 'to! Tinakot pa tayo!" Anas ni Jopay na bumubuga ng iritadong hangin.
"Kaya nga!" Avryl was still crying. Natatawa na lang akong niyakap siya.
Noong makarating na rin dito sina Javi, Gustov, Dashmiel, Hendrix at Lechel ay alam na nila ang kagaguhan ni Ezra. Nagalit pa nga ako kay Billie kasi siya iyong nagsabi sa kanila! Gusto ko sanang makaganti pa!
"Ezra! Isa kang malaking charot!" Yumakap ang baklang si Hendrix sa nahihimbing na si Ezra. "Sakit mo sa bangs! Napapa-walling na ako kanina, eh! Ba't hindi mo pa tinuloy?! Charot!"
Agad siyang pinigilan ni Javi. "Hoy, chansing ka na."
"Ay, ganorn?! Judgementalism?!" Inirapan siya ni Hendrix bago lumapit sa akin. Yayakapin niya sana ako nang bigla akong higitin ni Liv. Kaya sa huli, Hendrix satisfied himself with just giving Liv a poker face.
"Gagong 'yan. Puro inom kasi ang ginawa nitong nakaraang araw." Paninimula ni Lechel. He has this american accent. Laking New York, eh.
"Bakit ano bang problema?" Tanong ni Jopay. Nakaupo siya sa gilid ni Ezra. Sa sinabi niya ay nanliit ako. Nakonsensya ako. Kasi alam ko, isa ako sa problema ni Ezra.
"Hindi niyo pa ba alam?" Lechel said with a blaming tone. "Bubuwagin na daw ang loveteam nila ni Ysabelle."
"What?!" We all exclaimed.
Napangiwi si Lechel. "Kalma, okay? Ewan, nabasa ko lang kanina sa news, eh. The management decided to end their loveteam due to the issue of Ysabelle."
Huh? Masiyado na ba akong busy sa sarili kong buhay para makaligtaan ang nangyayari sa best friend ko?
"Right." Billie said while crossing her arms. "Gaga kasi, ilang beses nang nahuli on cam na umaattitude. Dagdagan pa iyong naglilipanang sex videos niya."
"What the hell?" I am blinking.
It was Javi's turn to speak up. "Kaya pala ang balita sa amin, hindi na daw umaattend si Ysabelle sa lahat ng shoot nila ni Ezra. Iniwan niya sa ere itong gago." Tinuro niya si Ezra gamit ang nguso. "Kaya ayon, boom buwag."
"Nasaan na si Ysabelle ngayon?" I asked, nagsimula akong mangamba.
Avryl responded, "We don't know. Hindi niya sinasagot ang tawag ko, eh."
"Me too." Came by Jopay's voice.
"Ganda joined the group." Pagtataas ng kamay ni Hendrix.
"Ano na bang nangyayari sa gagang 'yon?" Napapailing ako. Thinking about Mother Lizly, paniguradong nai-stress siya sa pamangkin niya ngayon. Kaya pala hindi ko na siya nakakausap these past few days.
"Anyway, dito sa gagong 'to," Dashmiel pointed his finger at Ezra. "Anong gagawin natin diyan? Baka mamaya niyan, ituloy niya na talaga next time ang kagaguhan niya."
Avryl pouted, "We really need to help him forget his problems for a while."
Jopay told us, "Mag-bonding tayo." Tapos para bang kuminang ang mga mata niya noong sinabi niyang, "Tara mag-camping!"
Nagtatalon habang pumapalakpak ang haliparot na si Hendrix. "Ay bet! Bet!"
"Who's in?" Patuloy sa pagkinang ang mga mata ni Jopay. Paborito niya kasi ang mag-hiking at camping.
Dahil alam kong matampuhin ang babaeng 'to. Alam kong ikamamatay niya sa sama ng loob kapag hindi ako sumangayon, I raise my hand. I nudge Liv and that made him raise his hand too. Hanggang sa ginaya na rin kami ng lahat.
"Great! Akong nang bahala sa lahat! Leave this to me!" I never seen Jopay this happy.
"Ita-try kong i-contact si Ysabelle. We also need her to join this group bonding." I said while pursing my lips.
But we all turn our gaze on Javi when he raise his hand. Tapos ay parang tanga, ngumisi siya kay Liv. "Teka, parang nakakalimutan natin si Thorn? Isasama ba natin siya, Liv?"
Napangiwi ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagkakaayos ang dalawa. Well, nag-sorry na naman sa akin si Thorn at pinatawad ko na siya. Itong si Liv lang talaga ang mataas ang pride.
"Gusto mong ituloy ko sa 'yo iyong hindi nagawa ng gagong 'to?" Tinuro ni Liv si Ezra.
Lahat kami ay nagtawanan. Napalakas yata iyon dahil biglang nagmulat ng mga mata si Ezra. With his weak tone, he told us, "Ang ingay niyong mga mother father kayo. May natutulog dito, oh."
And that was the moment he knew, he's fucked up. Lahat kami ay tig-iisang kinutusan siya!
×××
Author's Note: Issapraaaank! 😂
#EzraPrank