Belle Trilogy Chapter 2

PROLOGUE

“THEY ARE all grown-ups,” hindi mapigilan ni Cyrus Romano na mapabulaslas nang makita ang sunod-sunod na graduation pictures ng kanyang tatlong anak. Nakasabit ang mga iyon sa dingding sa sala ng kanilang bahay kasama ang mga awards na nakuha ng mga ito simula nang magkaisip ang mga ito. Nakaramdam siya nang malaking pagmamalaki nang maisip kung ano ang mga bagay na naabot ng mga ito sa buhay.

“Huwag mo sabihing naiiyak ka na naman?” wika ng kanyang may bahay na si Isabelle. Humawak ito sa balikat niya. Sabay nilang tinignan ang larawan ng kanilang mga anak. Kagaya niya ay nahihimigan niyang proud na proud rin ito sa mga ito kahit wala ang mga ito sa tabi niya.

“Mahirap pigilan kapag nakikita ko ang lagay nila ngayon. Ang lalaki na nila, ang gaganda at---“

“Matatagumpay lahat,” putol ng misis. “Oh, I missed them so much, Cyrus,” yumakap ito sa kanya.

“I missed them, too,” he said and hugged her back.

Kailan nga ba simula nang umuwi ang tatlong anak niya at nakumpleto sila? Halos hindi na niya maalala. Simula nang makatapos ang mga ito sa kolehiyo ay nagkaroon na ang mga ito ng sari-sariling buhay. Bihira nang umuwi ang mga ito sa bahay. Nami-miss na niya ang mga ito.

Naputol ang pagmumuni-muni nilang dalawa nang makarinig ng ingay sa labas ng kanilang bahay. Sabay silang napatingin ng kanyang esposa sa may pintuan.

There was standing their first born---Claribelle. Sa tatlong anak niyang babae, ito ang masasabi niyang pinakanagmana sa kanya. Sa pisikal na anyo pa lamang ay kuhang-kuha na nito sa kanya. Namana nito sa kanya ang katangkaran niya, ang moreno niyang balat at pati na rin ang maitim nitong mata.

Palagi niyang ipinagmamalaki ang kanyang panganay dahil sa galing nito sa pagiging leader. Elementary hanggang highschool ay ito ang palaging nagiging president ng klase. Marami ang nag-aakalang pagdating nito ng kolehiyo ay kukuha ito ng kursong Political Science dahil sa leadership abilities nito pero hindi iyon nangyari. Mas pinili nitong mag-aral ng nursing. Sa ngayon ay sa Cebu ito nagtatrabaho at nang dahil doon ay bihira lang itong umuwi.

Kagaya nang pangalawang anak niyang si Lorabelle ay kilala si Claribelle sa pagiging matatag at matapang nito. Hindi ito magiging isang magaling na leader kung hindi ito ganoon. Kagaya naman nang bunso niyang si Mirabelle ay mahilig rin itong ngumiti. Kaya ipinagtataka niya na dumating ito sa bahay na tila pinagbagsakan ng lupa at hindi mailarawan ang mukha.

Tumakbo ito papunta sa kanilang dalawa ng asawa at bumulalas ng iyak. Pakiramdam niya ay may humawak na malamig na kamay sa puso niya nang makita ang anyo nito. Ito ang unang beses na nakita niyang umiyak ang panganay sa harap.

“Anong nangyari sa `yo, Anak?”

“Dad, h-he’s back...” she said between tears.

“Sino?”

“The Geek...”

CHAPTER ONE

Three months ago...

“PUTTING my defences up, `cause I don’t want to fall in love... If I ever did that, I think I’d have a heart attack!” pakanta-pakanta pa si Claribelle o mas kilala sa palayaw na Clari habang naka-duty sa trabaho. Alas dos na nang madaling araw at kapag ganoong oras pa naman ay madalas na inaantok siya pati na rin ang mga kasama niya sa nursing station. Para maibsan ang kanyang nararamdamang kaantukan ay kumakanta na lamang siya.

“RIP Demi Lovato’s Heart Attack,” nag-unat na wika ni Roxanne, isa sa dalawang nurse na kasama niya sa nursing station ngayong gabi at naging kaibigan na rin niya.

“Gusto mo talaga kaming gisingin eh `no?” sabat ni Ramon, ang isa pa nilang kasama. Bumangon ito mula sa pagkakaub-ob sa table. Halatang inistorbo talaga ng pang-frustrated singing contest na boses niya ang pagsisi-siesta ng mga ito. Hindi kasi toxic sa ospital kaya hindi sila busy.

“Eh bawal naman kasi talagang matulog. Saka pagbigyan niyo na ako. Minsan-minsan na nga lang ako kumanta,”

“Hmmm... Sabagay. Simula nga pala nang pormahan ka ni Doc Patrick, bihira mo na ilabas `yang kabalahuran mo,”

Mahinang hinampas niya si Ramon. “Excuse me, ano naman tingin mo sa akin? Nagpapaka-Maria Clara nang dahil sa Doctor na `yun? Hindi ko type `yun, uy!”

“Sus! Tanggi ka pa! Crush kaya `yun ng buong female population, isama mo na rin pati ang mga bading, ng ospital na ito,” siniko ni Ramon si Roxanne. “At alam kong kahit itong si Roxy na may boyfriend ay crush `yun,”

Biglang kumislap ang kaninang antok na antok na mata ni Roxanne. “Kasi naman, guwapo naman talaga si Doc Patrick. Parang Chris Evans of the Philippines ang physical features! At kapag dumadaan, gosh, parang best friend yata si Joel Cruz dahil pinanliligo lamang ang mga pabango,”

Umingos siya. “Para `yun lang? Basta hindi ko type si Doc Patrick. Kaya lang naman ako hindi nag-iingay nitong nakaraang araw ay dahil nagkasakit ako. `Yun lang ang dahilan noon,”

Totoo ang sinasabi niya. Nagkatrangkaso siya nang nakaraang linggo at nang dahil doon ay ilang araw siyang um-absent. Isama na rin na kahit gumaling na siya ay sinisipon pa rin siya kaya hindi siya masyadong nakakapag-ingay. Totoo rin ang sinabi sa kanya ni Ramon na pinopormahan nga siya ng guwapong Doctor. At totoo rin ang sinasabi niyang wala siyang pakialam roon.

Sa itsura at ugali ay wala siyang problema kay Doctor Patrick. Pero sa kung anong estado nito sa buhay at ang nararamdaman niya para rito, iyon ang problema niya.

“Eh bakit naman ayaw mo sa kanya, aber?” humalukipkip pa si Roxanne.

“Wala naman akong nararamdaman para sa kanya. Hindi naman ako kinikilig kapag nakikita siya. That’s it,” simpleng sagot niya.

Tinaas nito ang isang kilay. “Tell me Clari, bato ba `yang puso mo? Doc Patrick is perfect and so your past suitors. Bakit kasi hanggang ngayon wala ka pa rin boyfriend?”

Tinitigan niya ang dalawa. Isang taon na rin niyang co-nurses ang mga ito at kahit hindi araw-araw ay pare-pareho sila ng shifting, ang dalawa ang masasabi niyang pinakanaging kaibigan niya sa ospital. Pareho kasing hindi tubong Cebu ang dalawa at hindi rin bihasa sa wikang Cebuano. Pare-pareho kasi silang galing Maynila na nakahanap ng trabaho sa Cebu.

Hindi ang dalawa ang unang nagtanong sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang boyfriend. Marami kasi ang nagtataka kung bakit nanatili pa rin siyang single sa edad niyang beinte-siyete anyos.

“Wala nga kasi akong type. Saka wala akong nararamdaman sa kanila, gaano man sila kaguwapo at kayaman,” sagot pa rin niya na totoo naman. Hindi nga lang ang buong katotohanan.

Hindi lang si Doc Patrick ang nagparamdam ng interes sa kanya sa ospital na iyon. Karamihan ng mga binatang doctor o nurses man ay nagtanong sa kanya. Pero pare-parehas lang na tinanggihan niya ang mga iyon.

“Parang hindi kapani-paniwala. `Yun lang?” nakaungos pa na wika ni Roxanne.

Bumuntong-hininga siya. “Saka ayaw ko rin ng isang Doctor. `Yun pa naman ang madalas na pumoporma sa akin,”

Kumunot ang noo ng dalawa. “Bakit naman?”

Sandaling nag-isip siya kung sasabihin niya sa dalawa ang sagot nang biglang may tumawag sa kanilang guard. Sa pagkakaalala niya ay ito ang nakadestinong guard sa may emergency room. Nakadestino sila sa first floor nurse station ng ospital pero hindi sa emergency room kaya pare-pareho silang nagulat nang makita ito.

“Ma’am, Sir, pumunta raw po kayo sa Emergency Room. Hindi kinakaya ng mga naka-assign doon `yung pasyente dahil malubha---“

Hindi na nila pinatapos ni Ramon ang pagsasalita ng guard at alertong tumakbo sa Emergency Room. Naiwan si Roxanne. Habang tumatakbo ay tinanong niya ang guard kung anong nangyari.

“Car Accident, Ma’am. Malala ang sinapit ng pasyente. Grabe `yung dugo sa katawan pati na rin sa ulo ng pasyente. Nahimatay tuloy `yung isang intern na nurse sa takot. Kinailangan pang asikasuhin noong iba kaya kulang na sila,” paliwanag ng guard.

Nang makarating sila sa may ER ay nakita nga nilang toxic nga roon. Maraming nurses na pauli-uli at tila nagpa-panic na sa nangyayari. Napatingin rin siya sa matandang babaeng nakita niya sa gilid at pumapalahaw nang iyak. Suddenly, her heart stopped when she realized her face was kinda familiar. Kamukhang-kamukha nito ang lalaking naging malaking parte ng buhay niya noon.

“Eugene, ang anak ko...” paulit-ulit na usal nito.

Bata pa lamang siya ay marami na ang nagsasabing matapang siya. Kailanman ay hindi siya natakot sa dugo, sa mga nakikita niyang sugatan o kaya mga patay sa ospital. Pero nang makita ang babae at marinig ang inuusal na pangalan nito ay tila binagsakan ng langit at lupa ang mundo niya. Lalong-lalo na nang maisip na malayo sa imposible na ang pangalan na binibigkas nito ang lalaking unang pumasok sa isip niya.

Sa mga sandaling sumilip siya sa cubicle ng ER kung nasaan ang pasyenteng pinagkakaguluhan ay napahawak siya kay Ramon. Nanghina siya hindi lang dahil sa nakakaawang anyo nito.

Hindi pa man niya sinasagot ang tanong nina Roxanne at Ramon ay nagkaroon na iyon ng sagot ngayon. At hindi lang verbal na sagot iyon dahil ang lalaking nasa harap niya ngayon ang mismong kanyang dahilan.

Why oh why do we have to meet again? At sa ganitong kondisyon pa?

BAGO PA MAN idilat ni Eugene ang kanyang mga mata ay pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Parang pinagbagsakan ng sampung bakal ang katawan niya. Ang bigat-bigat noon, isama na rin ang kanyang ulo! What the hell happened to him? Unang katanungang pumasok sa isip niya.

Iminulat ni Eugene ang mata. He saw a white ceiling and wall on his surroundings. Hindi siya pamilyar roon. Nakita niya rin na may mga kung anu-anong device sa tabi niya at naka-dextrose rin siya. Noon lang din niya naramdaman na may benda pala ang ulo niya.

Tumingin siya sa paligid. He was not in an ordinary hospital room---he was maybe in the intensive care unit. Alam niya iyon dahil nursing ang kursong kinukuha niya. Then he saw a nurse coming towards him. Pinikit-pikit niya pa ang kanyang mga mata nang makitang pamilyar ang mukha ng babaeng iyon. Pinagtataka niya na nandoon ito. Hindi ba’t patakaran sa University nila na hindi pa puwedeng mag-duty sa ICU ang isang nursing student? Bakit nandoon si Clari?

Baka naman pinilit talaga niya na dito mag-duty para mas maalagaan ako.

Sa kabila nang masamang nararamdaman ay hindi niya mapigilan na mapangiti sa naisip. Ah, masuwerte talaga siya na sa kabila nang lahat ng kakaibang tingin sa kanya ng mga tao ay minahal siya ni Clari. And he loved her, too. Kahit na isang linggo pa lamang simula nang maging sila, alam niyang ito na ang babaeng para sa kanya. Ramdam rin niya ang pagmamahal nito at isa na nga sa patunay niyon ay ang pag-aalaga pa nito sa kanya. Isang pag-aalaga at pagpapahalagang tanging dito niya naramdaman.

“Oh thank God! You’re finally awake!” kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito at ang relief. She checked on her. “Anong nararamdaman mo?”

“I think I’m all right now that you are here,” he held her hand. “What happened to me, Love?”

Kahit mainit ang pakiramdam ay naramdaman niyang tila lumamig iyon dahil sa ginawa at sinabi niya. Napakunot noo siya. Mukhang nagulat ito sa sinabi niya.

She blinked. “W-what? Anong itinawag mo sa akin?”

Lalo siyang nagtaka sa ginagawi nito. Ano ba ang nangyayari rito? Ano ba ang nangyayari sa paligid niya? Surely, kaiba ang itsura nito sa huli niyang naalala. But still, hindi niya malilimutan na ang babaeng nasa harap niya ngayon ay si Claribelle Romano, ang girlfriend niya. Ang babaeng kahit sa kabila ng kasikatan nito ay binigyang pansin ang isang lalaking kagaya niya na palaging gustong mapag-isa sa isang sulok para mag-aral. Ang babaeng minahal siya sa kabila ng estado niya na nerd at geek sa buong unibersidad nila.

Malaki ang pinagbago ng pisikal na anyo ni Clari pero para sa kanya ay normal pa rin naman ang tibok ng puso sa kabila nang bilis niyon ngayong nakita niya ito at inaalagaan siya. He knew he sounds corny but he was just in love. Pero hindi siya tinawag na henyo para hindi niya mapansin na may mali sa eksena.

“Love,” pag-uulit ni Eugene. “Clari, you’re my girlfriend. May karapatan naman siguro ako na sabihin `yun `di ba? Besides, that is my endearment to you. Sabihin mo nga, ikaw ba talaga ang nagkasakit? Parang maraming nagbago sa `yo at---“

Umiling ito. Tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. “Why---“ hindi pa nito naitutuloy ang sasabihin ay nakita na agad niyang nawalan ng kulay ang mukha nito. Tumingin ito sa benda sa ulo niya. “A-ano ang huli mong naalala?”

Nag-isip siya. Kumirot ang ulo niya pero sinabi niya rito iyon. “Sem-end party. I was driving you home. And we kissed...for the first time,” ang alaala ng unang halik na pinagsaluhan nilang dalawa lang ang lumabas sa isip niya. Pagkatapos noon ay parang wala na. Parang may biglang nawala sa pagkatao ni Eugene na hindi niya maipaliwanag.

Gulat na gulat na napahawak si Clari sa bibig. Nanlaki ang mga mata nito. “T-that was seven years ago, Eugene,”

“WE HAVE suspected that the patient is suffering from a traumatic amnesia. It is a memory loss caused by a hard blow to the head. Dahil nasangkot siya sa isang car accident, iyon ang naging basis natin sa nangyari,” maikling paliwanag ng Doctor na sumuri kay Eugene. Siya ang kasama ng Doctor na kumausap kay Mrs. De Castro---ang ina ni Eugene. Kasalukuyan silang nasa waiting ng lounge ng intensive care unit kung saan nagpapahinga ang huli.

Lumakas ang iyak ng ina ni Eugene. “H-hanggang kailan siya makakaalala? `Yun lang ba ang nangyari sa kanya? Okay na ba siya? Ano?” sunod-sunod na tanong nito.

“Sa ngayon ay hindi pa natin alam kung hanggang kailan siya magkakaganyan, Ma’am. Amnesia is a rare case, but base on studies, it maybe temporarily or even permanently. There isn’t a single or standard treatment for this condition. Pero may ilang mga treatment na puwede nating gawin para maka-recover ang pasyente. Bukod doon ay wala na naman dapat ipag-alala. Ang mga sugat na natamo niya sa katawan ay mabilis rin naman gagaling sa pamamagitan ng mga ibinigay naming gamot,”

Tumango ang ginang. “Pero Doc, paano niyo na-diagnose na may amnesia ang anak ko? At gaano katagal ang huling memorya niya?”

Tumingin sa kanya ang Doctor. “Si Nurse Clari na po ang bahalang magpaliwanag sa inyo niyan. Siya po ang unang nakausap ng pasyente at ang totoong nakasuspetsa nang nangyari rito,” tinapik siya ng Doctor. Tumango siya rito na waring sinasabing siya na ang bahalang magpaliwanag sa lahat. Kahit kinakabahan siya sa maaring mangyari, lalong-lalo na sa puwedeng maging reaksyon nito kapag nakilala siya ay sinikap niyang kalmahin ang sarili. Siya lamang ang tanging puwedeng magpaliwanag sa lahat.

Umalis na ang Doctor pagkatapos. Naiwan sila ng Ginang sa lounge. “Y-you are Clari?” tanong agad ng Ginang.

Sa kabila ng nararamdaman ay nagulat si Clari sa sinabi nang Ginang. Kahit ilang buwan rin nagtagal ang relasyon nila ni Eugene pitong taon na ang nakalilipas ay hindi siya nagkaroon ng tsansa na makilala ito. Tanging sa litrato niya lamang ito nakita nang ipagtapat sa kanya ni Eugene ang totoong pagkatao nito. “Kilala niyo po ako?”

“Not really. Pero naalala kong minsan ay nabanggit ni Eugene ang pangalan mo,”

Really? Ibig sabihin lang ba noon ay sa nakalipas na taon ay hindi pa rin ako nakakalimutan ni Eugene?

Pero hindi nga ba’t ikaw ang huling nasa alaala niya ngayon?

Hindi alam ni Clari kung tadhana na ba ang nagdikta na mangyari ang bagay na iyon sa kanilang dalawa. Pagkatapos ng pitong taon na pagkawalay ay sa ganitong paraan pa sila magkikitang muli. Nasa panahon ito na nobya siya nito at nagkataon pang siya ay isa sa mga nurses na gumamot rito ngayong may sakit ito.

Kung alam lang ni Eugene kung gaano siya natakot nang oras na nakita niya itong nagkamalay. Pero hindi lang iyon takot dahil sa kung anong puwedeng mangyari rito. Takot na rin iyon sa kung anong magiging reaksyon nito kapag nakita siya nito. Sakto pa namang pagkatapos nitong maaksidente ay isang linggong na-assign siya sa ICU unit kung nasaan ito. Pero kahit kinakain siya ng takot sa kaalamanang makikilala siya ni Eugene, hindi rin naman mapigilan ni Clari na mag-alala. Hindi na siya nagpalipat pa ng assignment at siya pa ang palaging nagche-check rito nang mga oras na hindi pa ito nagkakamalay. Tatlong araw rin itong na-comatose bago nagkamalay.

Kinakabahan man nang mapansin niyang gumalaw si Eugene ay pinuntahan ito ni Clari. Ang isipin na itaboy siya nito kapag nakita siya nito ay nawala sa isip niya masigurado lang kung anong kalagayan nito. Pero mas kinabahan at natakot pa siya sa kaalamanang hindi ito galit sa kanya dahil nasa panahon ito kung kailan umiikot pa ang mundo nito sa kanya. Kung kailan hindi pa ito galit sa kanya, kung kailan hindi pa nito inakalang niloloko lamang niya ito...

“Ganoon po ba?” wika ni Clari sa Ginang.

Tumango ito. “Kahit hindi pa niya ako lubusang pinapatawad sa mga naggawa ko sa kanya ay sinusubaybayan ko ang buhay niya. Alam kong naging malaking parte ka ng nakaraan niya...”

Nagyuko si Clari ng ulo. Kung anuman ang ikinuwento rito ni Eugene tungkol sa kanya, hindi na siya magtataka kung puro masama lahat ng mga iyon. Self-admitted naman siya na sinaktan niya si Eugene, na masama ang ginawa niya rito.

Pero kung sana ay nakinig lang ito sa kanya...

Nagtaas ulit siya nang tingin. “Ma’am, hindi po naalala ni Eugene ang mga nangyari sa nakalipas na pitong taon,” ikinuwento niya rito ang naging reaksyon ni Eugene nang magising ito.

Natutop ng Ginang ang bibig. “S-so it means, those were the times that---“

“She loves me and she hates—“

“Me,” bumuntong-hininga ito. “Oh God! Anong gagawin ko ngayon?” nagsimula nang umiyak ang Ginang.

Hinaplos niya ang likod nito. “Ma’am...”

Dahil naging nobyo niya si Eugene noon, alam niya ang pinagdaanan nito pati na rin ang mga sikreto nito. He was so open to her that’s why she can’t blame him too for being hurt that much when he found her secret. Galit ito sa Mommy nito.

“Alam kong naging malaki ang kasalanan ko sa anak ko. I left him when he was young. Hinayaan ko siyang palakihin ng ama niyang alam kong walang idudulot na maganda sa kanya. Lumaki siya na halos ang kanyang mga yaya lang ang nag-aalaga. Lumaki siya na halos walang kaibigan dahil sa higpit ng kanyang ama. Lumaki siya na halos walang nagmamahal sa kanya, walang nagmamalasakit. Alam kong puwedeng mangyari iyon nang iniwan ko siya pero ginawa ko pa rin. Natakot kasi ako na baka ako ay maging ganoon rin,

“Pero huli na nang ma-realize ko na mas nakakatakot pala ang magiging epekto ng lahat ng ginawa ko. Binalikan ko si Eugene nang mamatay ang kanyang ama pero parang mas binigyan ko pa siya lalo nang burden sa ginawa ko. I thought he grew as a good guy, iyong tipong kapag bumalik ako sa kanya ay mapapatawad niya rin ako. But he was as stubborn as a bull...”

I feel you, gusto sanang putulin ni Clari ang pagsasalita nito. Parang may bumikig sa lalamunan niya nang marinig ang mga sinabi nito. May tumulo rin luha sa kanyang mga mata. Alam na alam niyang ganoon ang puwedeng mangyari dahil halos ganoon din ang nangyari sa kanilang dalawa....

And then she remembered the part of her past that she wanted to cherish and at the same time erase on her memory...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.