Fourth Year College, July 2007
“WHAT THE HELL is this kind of paper, Miss Romano?!”
Napakagat labi si Clari nang halos sumigaw si Doc Neil na thesis professor nila. Mabuti na lamang at sila na lamang dalawa ang nasa loob ng classroom nang kausapin niya ito o mas tamang sabihin na hinayaan niya itong kausapin siya nang wala ng makakita ng pagkakamali niya. Inaasahan na niya ang magiging galit nito sa ginawa niya pero iba pa rin pala talaga kapag nasa sitwasyon ka. Tanging pinagpapasalamat na lamang niya na excited nang umuwi ang mga kaklase niya at wala ng natira---kahit kaibigan pa man din niya para maghintay sa kanya. Walang nakasaksi nang galit nito sa kanya.
“Sir---“
“Fourth year college ka na, ni hindi mo pa alam ang ibig sabihin ng research? Didn’t you know that what you did is a crime? Nag-copy paste ka lang sa internet nitong mga ginawa mo! Ni hindi ka man lang naglagay ng references. That’s plagiarism!
“I really thought you are a bright student. Kilalang-kilala ka sa university na ito. You’ve been receiving leadership awards every year. But with what you did to this term paper? Nagbago na ang tingin ko sa `yo. Isama pang thesis proposal pa lang itong pinapaggawa ko pero nangopya ka na agad. Paano kung final paper na? I am so disappointed in you,”
Napayuko si Clari. Aminado naman siya sa ginawa niya. Individual ang thesis nila kaya talagang nahirapan siya. Alam rin niya na hindi tama iyon at makakaapekto nang husto sa image niya sa institution nila kung sakaling malaman na ginagawa niya ang mga ganoong bagay. Tama pa naman ang professor niya nang sabihin nitong kilala siya sa college nila bilang isang magaling na leader. Sa kasamaang palad nga lang ay doon lang siya nag-e-excel.
Graduating na si Clari pero sa kabila noon ay parang hindi pa rin niya natutunan na mahalin ang kursong kinuha niya. Aminado rin siya sa sarili niya na hindi niya talaga gusto iyon, na napilitan lang siya. Pero nuncang aaminin niya sa iba ang dahilan kung bakit ganoon ang kanyang kinuhang kurso.
Simula elementarya ay kinikilala si Clari ng mga kaklase niya bilang magaling na leader. Buong elementary at highschool years niya ay siya ang nahahalal na president ng klase at nang mag-fourth year highschool at naging president pa siya ng buong student council. Ngayong college siya ay palaging siya pa rin ang presidente, hindi lang sa klase kundi pati na rin sa mga organizations na sinasalihan niya. Ilang leadership awards ang natatanggap niya taon-taon. Ngayon ay president rin siya ng university student council. Marami nga ang nag-aakalang kukuha siya ng Political Science pagka-graduate kaya marami rin ang nagulat sa kursong pinili niya.
Ilang beses ng pumapasok sa isip niya na hindi para sa kanya ang kursong nursing. May mga pagkakataon na gusto na nga niyang sumuko dahil sa mga nangyayari. Hindi miminsang mababa ang nakukuha niyang grado mula sa mga professor niya, written man iyon o oral. May mga kaklase rin niya ang nakikita ang kahinaan niya pagdating sa academic. Pero malayo na ang narating niya. Fourth year college na siya. Isang taon na lang at graduate na siya. Siguro nga ay marami ang nakakapansin na palpak siya. Pero hindi siya ang babaeng basta-basta na lamang sumusuko. Iindahin na lamang niya ang lahat ng ito.
Nakayuko pa rin si Clari sa harap ni Doctor Neil nang biglang bumukas ang pinto.
“Sir, someone said you---“ napatigil ito nang waring makita kung sino ang nasa loob ng classroom. “I’m sorry. I should have known. Someone might have been playing with me again,” kahit bulong ang mga huling sinabi nito ay rinig na rinig niya iyon kagaya na lamang nang mabilis na pagtibok ng puso niya.
Kung nanlalamig siya kanina habang kinakausap ang professor, ngayon ay mas nanlamig siya nang marinig ang boses na iyon. Bihira lang naman niyang marinig ang boses na iyon kahit pa magkaklase sila dahil bihira lang din magsalita ang lalaki. Pakiramdam rin niya ay natuliro siya, lalo na nang marinig ang sumunod na sinabi ni Doctor Neil.
“No, no one is playing with you, Mr. De Castro. Pinatawag talaga kita para makausap ngayon,”
Tumango ang lalaki. “Okay, Sir. Dito na lang po muna ako sa labas habang nag-uusap kayo ni Miss---“
Pinutol ng iling ng professor ang sinasabi ni Eugene. Itinaas pa nito ang kamay para tawagin ito. “Actually, I need you to be here too while I am discussing with Miss Romano,”
Napanganga si Clari sa sinabi ng professor. Hindi ang tipo ni Doctor Neil ang mahilig magpahiya ng estudyante. Pero nagkamali pala siya ng hinala. At sa lahat pa naman ng tao kung saan siya puwedeng ipahiya nito ay sa harap pa ni Eugene.
Face your consequences, Clari.
Sumunod si Eugene sa sinabi ng professor. Kumuha ito ng isang upuan at umupo sa harap niya. Ngayon ay double purpose na ang pagyuko niya---para itago ang pamumula at kahihiyan na nararamdaman niya.
“The whole class knew how intelligent you are, Mr. De Castro. And because of that, I need a little of your help. Alam kong magiging abala ito para sa `yo pero wala na akong maisip na puwedeng tumulong kay Clari bukod sa `yo,”
Iginalaw-galaw ni Eugene ang salamin nito sa mata habang naglipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Doctor Neil. “I don’t understand, Sir. Bakit po kailangan ni Clari ng tulong ko?”
Tumingin muna sa kanya ang professor sa kanya bago ito muling nagsalita. “Mamaya ko na ipapaliwanag. Gusto ko munang malaman ang sagot mo kung puwede mo siyang tulungan. Is it a yes or a no?”
No! Sigaw ng mahiyaing bahagi ng isip niya. Yes! Sabi naman ng kabila---ang malanding bahagi.
“ATE, MAY PROBLEMA ka ba?”
Mula sa pagkakahalumbaba sa harap ng desktop ay napalingon si Clari nang marinig ang isang malambing na boses. Iisa lamang ang kilala niyang may ganoong boses at iyon ay ang nakababata niyang kapatid na si Mirabelle or Mira para sa mga nakakarami. Kung gaano kasi kalambing ang ugali nito ay ganoon rin ang boses nito.
Pinilit niyang ngumiti sa harap ng kapatid. Isa sa pinakaayaw niyang gawin ay ang ipakita rito na malungkot siya o kapag may problema siya. Well, hindi lang naman pala rito niya gustong ipakita iyon. Sa lahat ng mga kakilala niya, gusto niyang ipakita na matatag siya. Pero mas malala ang kagustuhan niya na ipakita iyon kay Mira.
Bunso si Mira at sa kanilang tatlong magkakapatid ay ito ang pinakamahina. Bata pa lamang kasi ito ay sakitin na ito at dahil bunso, ito rin ang palaging pinoprotektahan ng pamilya. Pero sa kanilang tatlo ay ito ang pinaka-sweet kaya ito rin ang pinakamahirap na saktan. Palagi kasi itong nag-aalala kapag may itong may problema ang mga tao sa paligid nito. Kaya hanggang maari ay hindi niya pinapahalata rito na malungkot siya.
“No, Baby. Okay lang ako. Don’t worry about me,”
"Sigurado ka? Kanina pa kita napapansin na parang hindi ka makapag-concentrate sa ginagawa mo. May maitutulong ba ako, Ate?”
Umiling siya. Tatlong taon ang tanda niya kay Mira at malayo rin ang kursong kinukuha nito sa kinukuha niya kaya alam niyang mas mahihirapan lang ito kapag sinabi niya rito ang problema niya.
Nakita niyang tumigil rin mula sa paglalakad ang sumunod sa kanya na si Lora. If Mira was the most affectionate among the three of them, si Lora naman ang “emotionless” kung tawagin nang mga nakakilala sa kanila. Hindi kasi ito palangiti at may pagkasuplada rin. Madalas ay tahimik lamang ito hindi kagaya nilang dalawa ni Mira. Para itong walang pakialam sa mundo kaya ang simpleng paglingon lang nito nang marinig ang pag-uusap nilang dalawa ni Mira ay mahalaga na sa kanya. Ibig sabihin lang noon ay may pakialam rin ito kapag nakakaramdam siya ng problema.
Nginitian niya ang dalawang kapatid para ipakitang okay lang siya kahit ang totoo ay hindi. “Medyo nahihirapan lang ako rito sa thesis namin pero kaya ko ito. Nag-i-internalize lang si Ate kaya napapatulala ako,” sabi niya sa kapatid.
Medyo totoo naman ang sinabi ni Clari kay Mira. Dahil wala siyang maisip na thesis proposal na pinaulit sa kanya ni Doctor Neil ay napatunganga na lamang siya sa harap ng desktop. Pakiramdam niya ay dumudugo na ang utak niya sa ginagawa. Isama pa ang pag-iisip kay Eugene at sa desisyon nito.
Hindi niya masisisi si Doctor Neil na si Eugene ang inatasan nito para tulungan siya. Bukod kasi na si Eugene ang pinakamatalino sa klase nila, ito rin ang taong alam niyang hindi siya mapipintasan sa pagkakamali niya. Marami siyang kilalang matalino na puwede rin naman na tulungan siya. Pero lahat ng mga ito ay alam niyang pipintasan lamang siya. Sino ba naman kasi ang hindi magtataas ng isang kilay kung ang tinitingala sa University nila ay kailangan pang magpa-tutor para lamang maipasa ang subject nito?
Mukhang napansin naman ni Doctor Neil ang bagay na iyon. Pansin rin nito ang ugali ng mga kaibigan niya siguro ay dahil psychology ang pre-medical course nito. Nakita siguro nitong si Eugene ang maaring tumulong sa kanya dahil wala itong mga kaibigan na puwedeng pagtsismisan nito ng mga kahinaan niya kagaya na lamang nang maaring puwedeng gawin ng mga kaklase niya. Sa isip-isip ni Clari ay tamang-tama ang desisyon nito. Hindi man sila close ni Eugene at bihirang-bihirang mag-usap ay marami siyang bagay na alam rito. Alam niyang hindi ito kagaya nang mga kaklase niya dahil tahimik lang ito. Wala rin nakikipagkaibigan rito dahil lahat ay nai-intimidate sa talino nito at nawi-weirduhan rin sa mga pagkikilos at ayos nito. Tampulan ito palagi ng tukso. Asar na asar ang mga tao sa makapal na eyeglasses nito, ang nakakairita raw na tignan na braces nito at ang mga mumunting tagihawat sa mukha nito. Isama pang payatot rin ito at may katangkaran. Ichabod Crane nga ang tawag rito ng karamihan sa mga kaklase nila. Nang dahil roon ay wala itong mga kaibigan, at hindi rin ito nagtatangkang makipagkaibigan sa iba. May sarili itong mundo---ika nga ng sinasabi nang marami kapag kailangang i-describe ang ugali nito.
Isa iyon sa mga problema niya ngayon. May sariling mundo si Eugene kaya hindi niya gamay ang ugali nito. Oo, marami siyang bagay na alam rito dahil magaling siyang mag-research ng mga personal infos. Pero hindi niya alam kung ready ba itong tulungan siya sa problema niya. Hindi kasi nito diretsahang sinagot si Doctor Neil nang kinausap sila nito kagabi. Hindi na rin naman sila nagkalinawan dahil na rin bigla siyang tinawagan sa bahay. Gabing-gabi na kasi noon at kinailangan na niyang umuwi. May curfew kasi silang magkakapatid. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung ano ang pasya ni Eugene, bukod pa sa magiging reaksyon niya kung pumayag nga ito sa mga kagustuhan ng professor nila. Walang ipinangakong kapalit si Doc Neil kay Eugene para sa tulong na kailangan niya. At nature na ng mga tao na kailangang may kapalit bago ang tumulong.
“Kaya mo `yan, Ate. Ikaw pa, ang galing-galing mo kaya! Makakaraos ka rin diyan,” pagpapalakas pa ng loob ni Mira sa kanya. Niyakap pa siya nito.
Kung kaya lamang ni Clari sanang sabihin na hindi naman talaga siya kagalingan. Magaling siya as a leader pero palpak siya sa mga aralin hindi kagaya ni Lora at pati na rin si Mira. Pero ayaw niyang maging disappointment sa mga ito. Binabawi niya lahat ng mga palpak niya sa mga ibang awards na alam niyang madali lamang para sa kanya na makuha.
“Ay wait lang. Mukhang may tao sa labas,” kumalas si Mira sa pagkakayakap nang marinig na tumunog ang door bell. Siya naman ay ipinagpatuloy ang pagbabasa sa internet para sa research niya nang lumapit muli sa kanya si Mira.
“Ah Ate, hinahanap ka noong nasa labas,” wika nito nang makabalik.
Kumunot ang noo niya. Wala siyang ine-expect na bisita ngayong araw. Lumapit siya sa pinto at ganoon na lang ang gulat niya nang makita kung sino ang nandoon.
Dininig ng Diyos ang panalangin ni Mira na makakaraos rin siya dahil pinadala nito ang taong makatutulong sa kanya. With his looks, mukhang handang-handa na ito na tulungan siya. May mga dala pa itong libro. Pero may isang tanong na agad pumasok sa isip niya:
Makakaraos ba talaga siya kung may isang hindi maipaliwanag na damdamin sa puso niya ngayong magkaharap pa lamang sila?
KAHIT hindi nakatingin ay ramdam ni Claribelle ang nang-uusig na titig sa kanya ng mga kaibigan. Hindi man ng mga ito tuwirang sabihin sa kanya ay alam niyang nagtataka na ito sa mga ginagawi niya nang mga nakaraang araw. Kapag kasi vacant hours nila ay hindi na siya nasama sa mga ito. Ilang araw na rin niyang hindi nakakausap ang mga ito dahil bukod sa busy siya sa student council’s office ay kinailangan niya rin na bigyan ng oras ang thesis na ginagawa sa tulong ni Eugene.
“I am sorry, guys. May importante kasi akong lakad ngayon,” hindi pa man nagsasalita ang mga kaibigan ay inunhan na iyon ni Clari.
Tinaasan siya ng kilay ni Ethel, isa sa mga kabarkada niya. “With whom? With that freaky nerd? Seriously, ano ang nakain mo at sumama ka sa kanya, Clari?”
Dahil kilalang leader si Clari ay na-develop na niya ang pagkakaroon nang mahabang pasensya. Pero sa sinabi lang na `yun ni Ethel ay dagling nag-init ang ulo niya.
“Oo nga, Clari. Bakit ka sumasama roon? We saw you together yesterday. Nililigawan ka ba niya?” segunda naman ni Samantha.
“What? Nililigawan ka ni Eugene? Please, Clari! `Wag kang bulag! Paano na si Gino?” exaggerated naman ng baklang kabarkada nila na si Richie na ang tinutukoy na Gino ay ang engineering student na batchmate nila na matagal ng nanliligaw sa kanya.
“Kumalma nga kayo. Hindi nanliligaw sa akin si Eugene. Saka ano ba ang masama kung kasama ko siya? Wala namang masamang makipagkaibigan `di ba?” awat ni Clari sa mga kaibigan.
“Pero weird siya. Hindi ka dapat sumasama sa kanya `no. Dapat kay Papa Gino ka na lang sumama dahil siya ang nararapat sa `yo. He is Mr. MVP and you are the student council’s president. Pareho kayong sikat in a good way. Bagay na bagay kayong dalawa. Unlike Eugene na sikat nga...sa pagiging nerd,” humagikgik pa si Richie pagkatapos. Nahawa rin rito ang kanyang mga kaibigan.
Nag-init lalo ang ulo ni Clari. Hindi niya akalaing ganoon kalaitera ang mga kaibigan niya. Oo mga chismosa ang mga ito pero hindi naman ito mapang-api. O hindi lang talaga nila napapag-usapan si Eugene kaya ngayon niya lang nalaman na pinagtatawanan rin pala ng mga ito ang lalaki?
“Wala akong pakialam kung sikat man si Gino sa magandang paraan at si Eugene ay hindi. He is a nice friend,” pagtatanggol pa ni Clari.
“Talaga? O baka naman hinuhuthutan mo lang rin si Eugene kagaya ng iba nating kaklase para mag-excel ka sa klase?” pang-aasar pa ni Samantha.
“Well, it was a good tactic though. Kapag nga naman nakipag-friends si Clari kay Eugene, paniguradong mataas ang grades niya. Ang talino mo, girl, huh? Eh gawin mo na rin kayang boyfriend para kompleto ang package? For sure, igagawa ka pa niyan ng mga projects kapag naging love interest mo siya,”
Pinilit ni Clari na kalmahin ang sarili sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan. She couldn’t afford to get mad. Siguradong pag-uusapan sila. Ayaw niya ng issue kaya hinayaan na lang niya ang mga ito. Makakasama sa image niya kung mang-aaway siya. Siguro naman ay mawawala rin ang issue na iyon kapag nagtagal. Naiinggit lang siguro ang mga ito kaya nasasabi ng mga ito iyon.
Maya-maya ay nagpaalam na siya sa mga kaibigan at dumiretso sa parking lot. Hiyang-hiya na lumapit siya kay Eugene na kanina pang nag-aantay sa kanya roon. Ganoon pa man ay wala man lang siyang mababakas na galit o inip sa mukha nito. Tahimik lang itong nakasandal sa kotse nito.
“`Sorry to keep you waiting. Dinaldal pa kasi ako nila Sam,” paliwanag niya rito.
Ngumiti ito. Lumitaw ang braces mula roon. Naalala niya noong minsang pinagtatawanan ito ng mga kaklase niya tungkol sa mga braces nitong ang sagwa raw tignan. Pero para kay Clari ay okay lang iyon. It just tells that he was willing to improve. Correction ang braces nito sa baku-bako nitong ngipin. “Its okay, Clari. For sure, nami-miss ka na ng mga kaibigan mo kaya hinarang ka nila,”
“Siguro nga,” tumango na lang si Clari. Pinasakay na siya ni Eugene sa loob ng kotse nito. Napansin niyang hindi ang daan patungo sa bahay nila ang dina-drive ni Eugene. Kunot-noong tumingin siya rito.
“I’m taking you to my home. Napansin ko kasing hindi komportable ang kapatid mo na si Lora habang nandoon ako noong huli kitang tinuruan,”
Naalala nga niya ang inis na tingin ni Lora nang tinuruan siya ni Eugene noong isang araw. Maldita talaga kasi ang kapatid niyang iyon at ayaw rin ng maingay at may tao sa bahay bukod sa kanila. Napansin pala iyon ni Eugene. Nahiya na naman siya rito.
“I’m sorry ulit. Iba kasi talaga ang ugali ng kapatid ko na `yun,”
“Its not a big deal. Ako nga ang hihingi ng pasensya sa `yo kasi wala kaming mga home-made goods kagaya ng madalas na pinapakain mo sa akin kapag nasa bahay mo ako. But don’t worry, nag-order naman ako ng pizza para hindi tayo magutom,”
“Nag-abala ka pa. Ako nga ang humihingi ng favor sa `yo,”
Nginitian lang siya nito. Madalas na tahimik lang si Eugene pero ganoon pa man ay kahit ilang linggo na niya itong nakakasama ay hindi pa rin mawala ang kaba sa puso niya. Alam niyang hindi lang dahil iyon sa hindi siya sanay na kasama ito. Iyon ay dahil matagal na niyang crush ito.
Weird man na isipin pero crush niya talaga si Eugene. Kaya lang ay hindi maggawang isantinig iyon ni Clari dahil na rin sa puwedeng sabihin sa kanya ng mga tao sa paligid. Example na roon ang mga pinagsasabi sa kanya ng mga kaibigan kahit hindi naman talaga alam ng mga ito ang sitwasyon. Ayaw naman niya nang ganoon saka babae rin siya. Hindi dapat niya sinasabi ang mga ganoong bagay sa maraming tao.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay kilala na niya si Eugene highschool pa lamang siya. Minsan kasi siyang isinama ng professor nila sa isang quiz bee kung saan kasali ito. As expected ay nanalo si Eugene. Na-perfect nito ang lahat ng rounds. Noon lang siya nakakita ng ganoong klase ng tao kaya napahanga talaga siya. Isa pa ay hindi naman talaga ganoon kapangit si Eugene. Hindi naman ito baduy manamit. Hindi lang talaga bagay rito ang malaking salamin nito sa mata at ang mga braces nito. May mga tagihawat rin ito sa mukha pero sa tingin naman niya ay kapag naalis ay makikita ng marami na guwapo naman ito.
At ngayong nakilala ni Clari ang tunay na si Eugene ay mas lalong lumala ang paghanga niyang iyon. Napakabait kasi ni Eugene. Kahit nalaman niyang wala naman palang kapalit ang hininging pabor rito ng professor nila ay tinutulungan pa rin siya nito. Dinadala rin nito ang mga libro nito ng Medicine para maging references. Ang mga concepts ay pinapaliwanag nito sa paraang alam nitong maiintindihan talaga niya. Hindi rin niya ito nakitaan ng pagkainis kapag hindi niya naiintindihan ang iba.
Nang makarating sila sa bahay nito ay walang nasabi si Clari kundi “wow”. Tila palasyo sa laki ang bahay ng mga ito.
“Ang laki-laki nga, wala naman halos nakatira,” wika ni Eugene nang nagkomento siya tungkol sa laki ng bahay.
“Bakit? Wala ka bang mga kapatid?”
Umiling ito. “And my Dad seldom go home so see how lonely could this house be. Puro mga katulong lang at ako ang naninirahan,”
“At ang Mommy mo?”
Napansin niyang nag-iba ang reaksyon ng mukha nito. Parang dumilim iyon. “S-she left us when I was still a baby...”
“Oh, I-I’m sorry,”
Hindi ito nagsalita. Bagkus ay niyaya na siya nito sa loob ng study room nito na kasing laki na ng bahay nila. Kagaya ng dati ay matiyagang tinuruan siya nito. Pero hindi na ito ganoong ka-enthusiastic na magturo. Sa tingin niya ay sinira niya ang mood nito dahil sa pagbanggit sa ina. Hindi naman niya ito matanong muli roon dahil natatakot siya na baka lalong masira iyon. Masakit siguro para kay Eugene ang pag-iwan ng ina nito.
Nang mag-aalas-siyete na ay nagpaalam na siya rito para umuwi. Inalok pa siya nito na ihatid siya pauwi.
“I insist. Mahirap makalabas dito sa village namin dahil exclusive. Medyo malayo pa ito sa main road. Mapapagod ka,”
Tumango si Clari. Pero pagdating nila sa garahe ng mga ito ay nakita nilang inaayos ng isang lalaki ang sasakyan nito.
“Naka-schedule nga pala para sa maintenance check ang sasakyan ko. `Di ko naman puwedeng dalhin ang ibang sasakyan dito dahil lahat automatic. Hindi ko pa nata-try na i-drive `yun kahit na sabi nila ay mas madali kaysa sa manual. Wala rin ang family driver dahil kasama ni Daddy,” pagpapaliwanag ni Eugene. “Okay lang ba sa `yo na ihatid kita via motorbike?”
“Motorbike? Sigurado ka?” napatingin si Clari sa motorbike na nakaparada sa garahe. “Sa `yo `yan? Marunong ka ba niyan?”
Tumawa si Eugene. “Hindi ko naman isa-suggest na dito kita ihahatid kung hindi ako marunong. Ano, game ka ba?”
“I-“ sandaling nag-alinlangan si Clari. First time niyang makakasakay ng motorbike kaya medyo natatakot siya. “I trust you,”
Si Eugene naman ang natigilan dahil sa sinabi niya. Parang kay laking big deal dito ng sinabi niya. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mapataas-kilay. Bakit kaya ito biglang nagkaganoon?
“Tara na?” putol niya nang wala yata itong balak na gumalaw muli.
“But of course,” wika ni Eugene nang makabawi. Inalalayan siya nitong makasakay sa motorbike.
“You can hold the handle at the back para hindi ka malaglag,” wika pa sa kanya ni Eugene bago umalis. Pinahiram rin siya nito ng helmet. Sinunod naman ni Clari ang mga bilin nito. Smooth lang kung mag-drive si Eugene kaya wala siyang naramdamang takot habang inihahatid siya nito pauwi. Kaya lang ay medyo nangalay ang mga kamay niya sa paghawak sa likod na handle. Sinubukan niyang alisin ang mga kamay para paghingain iyon saglit nang bigla namang magpreno nang malakas si Eugene. May humps pala na hindi agad nito napansin. Napasubsob si Clari kay Eugene. Narinig agad niya ang eratikong tibok ng puso niya.
“I’m sorry. Nangalay kasi ang kamay ko kaya biglang---“
“Puwede mo akong yakapin sa likod kung nahihirapan ka na,” suggestion pa nito sa kanya.
Sandaling nag-alinlangan si Clari. Tama ba ang gagawin niya? Baka lalong maging eratiko ang tibok ng puso niya dahil sa pagdidikit nila. Hindi kaya magka-heart attack siya?
But this is your chance! Giit nang malanding isip ni Clari.
“Oh, thanks but---sige na nga!” niyakap nang mahigpit ni Clari si Eugene. His smell lingers in her nose. Pakiramdam niya ay nasa cloud nine siya dahil napakasarap palang yakapin nito. Pero hindi naging dahilan ng mga iyon na maging manhid siya para hindi rin maramdaman ni Clari na nanlamig si Eugene.
“A-are you comfortable?” na-conscious siya bigla sa kalandian niya.
“D-don’t worry about me. As long as you are,”
At dahil sa sagot na iyon ng lalaki ay pinagpatuloy niya ang kalandian.
“ACCORDING to Freud psychology, infatuation is only an attraction between male and a female and is astate of being completely carried away by unreasoned passion. foolishly extravagant feeling and unappreciated often completely unwarranted emotion..this is called---Damn! Infatuation! This is only infatuation!”
Nais matawa ni Clari nang marinig niya si Eugene na paulit-ulit na sinasabi iyon sa sarili habang nasa parking lot. Kanina pa siya nandoon pero dahil naaliw siya sa itsura ni Eugene ay hindi muna siya nagpapakita. Pawis na pawis ito habang china-chant sa sarili ang mga katagang iyon. Paikot-ikot pa ito na parang walang patutunguhan.
“Calm down, Eugene. This is only---“ napatigil si Eugene sa ginagawa nang sa wakas ay mapansin siya nito. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito.
“May problema?”
Parang mababali ang leeg ni Eugene sa pag-iling. “Wala, ah! May sinasaulo lang—“
“`Di ba sa psychology `yan? Matagal na tayong tapos sa Psych, ah,”
“I know. Inaalala ko lang. Baka kasi nalimutan ko na,” depensa naman agad nito.
“Ah,” tumango-tango si Clari. But she doubt kung inaalala nga lang talaga nito ang pinag-aralan nila noon. Para kasing may itinatago ito dahil sa reaksyon nito. “Nga pala, tinapos ko na kagabi `yung Chapter three kaya puwede pala muna tayong magpahinga ngayon,”
“What? Bakit mo tinapos? Edi ibig sabihin hindi tayo magkakasama ngayon?” disappointed was in Eugene’s voice.
Gustong mapangiti ni Clari. Bakit ito na-disappoint na hindi siya makakasama ngayon? Baka kagaya niya ay may...nararamdaman na rin ito sa kanya? Gusto niyang gumulong sa kilig!
“Well, its up to you. Free naman ako ngayon. How about I treat you na lang?” pag-aalok ni Clari.
Bumalik ang sigla sa mukha ni Eugene. “That’s great! But its just two in the afternoon. How about we stroll in the mall first? Or watch movies?”
Namilog ang mga mata ni Clari. “L-like a date?”
“Ahmmm...”
May biglang naisip si Clari. “Alam ko na! Have you been to Star City?”
Umiling ito. “I am not fascinated by this rides. Pero kung gusto mo ay...”
Hinawakan niya ang kamay nito. “May bago raw na rides roon. I want to try it! Okay lang ba sa `yo?”
Hindi ito nagsalita bagkus ay nakatingin lang sa kamay nitong hawak niya.
Nahihiyang binitawan naman iyon ni Clari. “Oh, I’m sorry,”
“No, its okay. And its okay for me to go to Star City,” nakangiting wika pa nito. Halos magtatalon sa tuwa si Clari. Ganoon rin ang reaksyon niya nang makapasok sa loob ng amusement park. Si Eugene ay parang naging bata rin tignan habang niyaya niya itong sumakay sa ibang rides. He was enjoying.
Sinakyan nila ang halos lahat ng bigating rides sa Star City. Kahit ang mga horror house ay pinatos rin nila. May pagkamatatakutin si Clari sa mga ganoong klase ng entertainment pero dahil alam niyang nasa tabi lang niya si Eugene at hindi siya pinabayaan ay pinatos niya iyon. Isang paraan rin kasi niya iyon para mapalapit pa lalo kay Eugene. Halos hindi na niya ito binitawan sa buong durasyon ng paglalakad nila sa tatlong horror houses sa Star City. Wala naman itong reklamo sa ginagawa niya.
Pagkatapos nilang kumain nang mapagod ay naglaro sila ng mga indoor games. Dahil hindi magaling doon si Clari ay pinabayaan niya si Eugene. Tuwang-tuwa siya nang manalo ito sa isang laro. Ibibigay na sana ng tindera rito ang malaking teddy bear nang pigilan ito ni Eugene.
“Can I have that big red flower instead?” parang stuff toy rin ang tinutukoy nito, flower lang ang design. Tumango ang sales lady at kinuha ang bulaklak.
“Teddy bears are too overrated so here is for you,” ibinigay sa kanya ni Eugene ang flower.
Kinikilig na tinanggap niya iyon. Niyakap niya pa si Eugene sa tuwa. “Thank you!”
Naramdaman ni Clari ang panlalamig na naman ni Eugene sa kanyang ginawa. Hindi na niya ito naiwasang tanungin. “May problema ba, Eugene? May masama ba sa yakap ko?”
Umiling ito pero mataman pa rin na nakatingin sa kanya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya dahil lamang sa simpleng pagtitig nito sa kanya. Pero binalewala iyon ni Clari dahil parang mas gusto niyang hulihin ito.
“`Oy ha, `wag mong sabihing may nararamdaman ka sa akin?” hopeful joke iyon. Pero hindi pa rin natinag sa pagkakatitig si Eugene sa kanya hanggang nailang na siya. Tumalikod siya at dahan-dahang naglakad. Ginaya niya ang ginagawa nito kanina.
“According to Freud psychology, infatuation is only an attraction between male and a female and is a state---“ Clari started to chant. Pero napatigil siya nang maramdamang may kamay na humawak sa likuran niya at pinaharap siya rito.
“Its not infatuation, Clari. I-I think like you,” pag-amin na ni Eugene sa kanya.