“ARE YOU the Grouchd?”
Napakunot-noo si Rhett nang ang tanong na iyon ang bumungad sa kanya nang dumating na ang pamilya ni Mira na tinawagan niya ang ilang oras na ang nakalilipas. Sa ngayon ay nasa isang malaking ospital sila sa Cagayan De Oro. Isang clinic lang kasi ang mayroon sa islang iyon at hindi sapat ang mga kagamitan roon upang ayusin ang lagay ni Mira. Minabuti na lang nilang dalhin nila ito sa CDO na siyang pinakamalapit na lugar sa islang iyon.
Magwawalong oras na simula nang mangyari ang insidente pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Mira. Alalang-alala si Rhett sa kalagayan nito. Marami ng ginawang test ang Doctor sa lagay nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon tapos. Dahil naisip ni Rhett na nararapat rin na malaman ng pamilya nito ang lagay ngayon ng dalaga, minabuti niyang tawagan ang mga ito gamit ang cellphone ni Mira. Mabilis na naggawa naman niya iyon at ngayon ay dumating na ang mga inaasahan niya.
Isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa fifties at babaeng nasa late forties naman ang una niyang nasilayan. Kasunod nito ang isang babaeng may hawig kay Mira na nahihinala niyang ang nakatatandang kapatid nitong ikinukuwento nitong si Claribelle. May kasama rin itong isang lalaki. Kaggaya niya ay punong-puno ng pag-alala ang mukha ng pamilya nang lapitan siya.
Ganoon pa man, hindi lang pag-alala ang nabasa ni Rhett sa mukha ng matandang lalaki na sa tantiya niya ay ama ni Mira. Mukhang may galit rin roon. He called him Greed. Pakiramdam ni Rhett, sa kabila ng sakit na nararamdaman sa nangyari kay Mira, ay mas nasaktan pa siya sa itinawag ng ama nito sa kanya. Ganoon ba ang naikuwento ni Mira sa kanya sa magulang nito?
“A-ako po si Rhett, Mr. Romano. Ako po ang nagdala kay Mira sa ospital,” sa halip ay sagot ni Rhett.
“Diyos ko, kumusta na ba ang anak ko? May balita na ba tungkol sa kanya?” si Mrs. Romano ang sumagot.
Umiling si Rhett. “I’m afraid but---“ bago pa naituloy ni Rhett ang sasabihin ay lumabas na ng operating room ang Doctor kung saan dinala kanina si Mira.
“Nasaan po ang pamilya ng pasyente?” paghahanap agad nito. Tumaas ang kamay ng tatlo.
“Doc, kumusta na po ang lagay ng anak ko? Maayos na po ba siya?”
Sa halip na sumagot ang Doctor ay nagsalita ito. “Nagkaroon po ba ng rheumatic fever ang pasyente noong bata pa siya?”
Tumango ang babae. “Noong apat na taon po siya. Hindi po ba at isa iyong bacterial infection?”
“Bata pa lang po ay sakitin na ang anak ko, Doc. Pero sinisigurado naman po namin na gumagaling siya agad. Ibinibigay namin ang best care para sa anak namin, lalo na kay Mira dahil may pagkamahina ang katawan niya. Hindi namin po siya pinapagod hangga’t maari,”
Napakunot-noo si Rhett sa ipinaliwanag ng ama ni Mira. Sakitin si Mira at may pagkamahina ang katawan? Bakit hindi niya alam iyon? Pero siguro nga ay tama si Mira nang sabihin nito sa ama na isa siyang Greed. Isa siyang sakim. Dahil hindi niya muna tinuklas kung ano ang totoong estado ng mga empleyado niya, o hindi kaya ay itong napalapit na sa kanya. Ito ang palaging nag-a-adjust sa kanila. Ito ang umaayos sa kanya at hindi man lang niya binibigyan ang sarili ng pagkakataon para tanungin kung ano ang nakaraan nito kaya hindi niya alam iyon.
Na naging dahilan naman ngayon ng isang masaklap na pangyayari.
Kung sana ay iningatan lang niya si Mira. Kung sana ay hindi niya hinayaang mapagod ito noong una pa lang. Kung sana ay binigyang pansin ni Rhett ang napansin niyang sintomas noon pa lang nang mag-mountain climbing sila ni Mira. Hindi dapat sila hahantong sa ganito. Siguro ay mas naagapan pa nila ang pangyayari.
Pero lalong isinumpa ni Rhett ang sarili nang marinig ang sumunod na sinabi ng Doctor.
Tumango ang Doctor. “Kung ganoon po ay maaring doon nagmula ang na-diagnose naming karamdaman ngayon ng pasyente. Hindi dahil sa nabigyan natin ng best care ang anak niyo noon ay magiging tunay na maayos na ito. The rheumatic fever initial infection occurs only in children. Pero ang problema sa puso na associated roon ay maaring hindi makita hanggang sa makalipas na dalawampu hanggang apatnapung taon. Sa mga oras na iyon ay nagiging inflamed ang heart valves, the leaflets stick together and become scarred, rigid, thickened and shortened. Dahil sa mga iyon ay nagkakaroon ng mitral regurgitation.
“Matapos ang ilang test na ginawa namin sa pasyente, we diagnosed that the patient is suffering from an acquired heart valve disease. It was not that chronic but we think it would be best if the patient will undergo under a heart valve repair operation as soon as possible.”
“ATE CLARI, para kang ulaga. Kung makapagdrama ka ay para namang mamatay na ako,” naggawa pang tumawa ni Mira sa kabila ng kondisyon niya. Ngayon ay nagkaroon na sa kanya ng linaw kung bakit naninikip ang dibdib niya nitong mga nakaraan. She regretted that it come to that point pero wala na rin siyang magagawa ngayon. Dahil binalewala niya ang mga paninikip ng dibdib at inisip na baka dahil lang iyon sa pagod at pagiging sakitin niya noong bata, ngayon ay nasa ganoon siyang kondisyon. Alam niyang hindi rin naman maiiwasan na dumating siya sa punto na iyon dahil sintomas na ang mga pananakit ng dibdib niya. Kahit naman kasi inagapan niya ang pagpunta sa Doctor, ganoon pa rin ang mangyayari. Kaya lang ay alam niyang mas lalo pa tuloy nag-alala ang mga tao sa paligid niya nang dahil roon.
Masakit at mahirap para sa iba na tanggapin ang kalagayan niya. Ganoon rin naman si Mira. Pero dahil lumaki siya na madalas na pinapatignan sa Doctor o kaya ay nako-confine sa ospital, hindi na siya ganoong nabahala.
Nang maggising siya ay inamin sa kanya ng pamilya ang kondisyon niya at kung ano ang planong gawin roon. Tinanggap naman niya ang sitwasyon niya. Sanay na si Mira na binibigyan ng diagnosis ng Doctor na may sakit. Hindi na siya natatakot. Isa pa ay nagtitiwala naman siya sa mga Doctor na gagamot sa kanya lalo na at bukas ay ililipat na siya bukas sa Philippine Heart Center kung saan gagawin ang operasyon sa kanya ilang araw makatapos ngayon. Para sa ikabubuti rin niya ang operasyon.
“Clari, huwag ka ng mag-alala, okay? Tama nga si Mira. Tignan mo, mas kinakabahan ka pa sa kapatid mo. Gagawin lang ang operasyon para hindi na lumala pa ang sakit ni Mira,” pagpapanatag naman ng fiancé ng Ate Clari niya na sa Eugene. Isa itong Doctor at umayon ito sa kagustuhan ng espesyalistang iyon sa CDO tungkol sa pag-a-undergo niya sa isang operasyon.
Hindi pa naman chronic ang sakit ni Mira pero ang sabi raw ng Doctor ay malapit ng pumunta siya sa lagay na iyon kaya hanggang maaga ay aayusin na ang lahat. Kung idadaan sa pag-inom ng gamot kaggaya ng karamihang ginugusto ng mga pasyente nito ay baka wala rin daw kapupuntahan iyon dahil na rin sa malapit na delikadong lagay na niya kaya minabuting maoperahan na siya hanggang maaga upang mawala na rin ang nararamdaman niya at hindi na rin lumala pa ang sitwasyon niya. Ganoon rin ang mungkahi ni Eugene. Pumayag naman ang mga magulang niya sa gusto ng Doctor dahil hindi rin nito gustong mangyari iyon.
“Oo nga naman, Ate. Friend ni Kuya Eugene ang gagawa ng surgery sa akin. For sure, hindi ako pababayaan noon,” pagpapalakas pa ni Mira ng loob niya at pati na rin sa Ate niya. Silang tatlo ang magkakasama sa loob ng hospital room niya dahil lumabas ang mga magulang niya upang kumain. Doon nag-break down ang Ate Clari niya sa totoong nararamdaman nito sa kalagayan niya. Mangiyak-ngiyak ito ngayon.
Kilala niya ang fiance nito ngayong si Eugene dahil noong bata pa siya ay madalas na bumibisita ito sa bahay nila. Dati itong naging nobyo ng Ate niya at naging tutor rin noon. Dahil doon ay nakilala at naka-close niya rin ito. Mabait si Eugene kaya pinagkakatiwalaan niya ito. Isa itong Doctor at kahit hindi nito specialization ang cardiology ay may alam rin naman ito tungkol roon bilang Doctor. Ito ang nagrekomenda ng Doctor na magsasagawa sa kanya ng percutaneous valvuloplasty na siyang procedure ng operasyon na mas safe na gawin sa kanya. Bukas ay lilipad na sila patungo sa Maynila para paghandaan ang kanyang operasyon.
Sa percutaneous valvuloplasty, magagawa ang procedure through a groin artery. Walang kahit anong hihiwain sa dibdib niya. The doctor will send a catheter or a flexible tube with a balloon attached in the end. The balloon inflates to stretch the opening of the valve. Mas madali iyon kumpara sa mga open heart surgery dahil wala ng hihiwain pa. Madali rin siyang makaka-recover ayon sa Doctor niya rito sa CDO at sa tingin rin ni Eugene.
“Siya ang bunsong kapatid ko. Hindi ko lang maiwasang mag-alala,” sagot naman ng Ate Clari niya. Hindi naman niya ito masisisi dahil close sila nito noon.
“I understand. Pero hindi magandang magpakita ng kahinaan sa mga ganitong sitwasyon,” pangaral pa ni Eugene. “And tama si Mira. Kaibigan ko si Joseph. He was the best cardiac surgeon in the Philippines. Didn’t you hear Mira’s Doctor’s when I told him we can afford to have him as her surgeon? He was relieved because he also knew that Joseph is the best. Kaibigan ko na rin siya noon pa noong presidente pa ako ng pharmaceutical company namin at halos lahat ng kilala kong Doctor o tao man ay recommended siya. Siguradong in good hands siya kay Joseph. At kung wala nga lang lalaking umaaligid rito ngayon sa kapatid mo, nireto ko na siya roon. Napakagaling na kahit bata pa,”
“Kuya Eugene!” namula si Mira sa sinabi nito.
Tumawa si Eugene. “I’m just kidding. But Joseph is a good catch anyway,” pahabol pa rin nito.
Wala si Rhett sa area pero kahit ganoon ay hindi niya gusto pang pag-usapan ang iba pang lalaki. Eh ano naman kung good catch ang Joseph na iyon at talaga namang may ipagmamalaki ito? Si Rhett lang ang lalaki sa buhay niya. Si Rhett lang ang gusto niyang makasama kahit na ba wala ito sa tabi niya ngayon.
Kanina pa niya hinahanap si Rhett pero ayon sa kanyang pamilya ay lumabas ito. Kanina raw ay nandoon ito noong tulog pa lang siya at ngayong gising na siya ay hindi pa ito bumabalik. Masyado niyang na-missed ang pamilya kaya hindi na lang muna niya ito pinagtuunan ng pansin lalo na at pagkatapos niyang magtanong ay hindi na ito muling napag-usapan. Pero ngayon, dahil nabanggit ni Eugene ang tungkol sa lalaki, ayon at dumapo muli sa isipan niya si Rhett. Isang oras na siyang mahigit na gising pero hindi pa rin ulit ito bumabalik. Hindi niya pa ito nakikita.
“Nasaan na kaya si Rhett?” bigla na tuloy naisingit ni Mira sa usapan.
“Ang sabi niya ay lalabas lang siya sandali. Umabot na pala siya nang mahigit sa isang oras. Hmmm… Ano na nga kayang nangyari? May number ka ba niya?”
Tumango si Mira. Nakita niya ang cellphone niya na nakapatong sa beside table. Tinawagan niya si Rhett. Sinagot naman nito agad iyon.
“Mira? You’re awake?”
“Yes. Nasaan ka?”
“W-well, nasa labas lang ako.”
“Anong ginagawa mo diyan?” curious na tanong ni Mira. Hindi sumagot si Rhett kaya nagsalita muli siya. “Inaantay mo bang sunduin pa kita diyan?”
“Goodness! No! Its just that…” narinig niyang bumuntong-hininga ito. “I’ll come inside,” wika nito at pinatay na ang tawag. Eksaktong kababa lang niya ng cellphone niya ng may kumatok sa pinto at pumasok. It was Rhett. Kung napakabilis nitong nakarating roon, ibig sabihin ay nasa malapit lang talaga ito. Hindi niya lang sigurado kung bakit hindi ito pumapasok.
“I missed you…” hindi na napigilan ni Mira ang masabi kay Rhett ang totoong nararamdaman niya. Well, she really have missed him so much. Halos buong araw rin siyang nakatulog dahil na rin sa pagkahimatay niya sa dance floor.
Napansin niyang namula si Rhett sa bulgar na pagsasabi niya noon at tumikhim naman si Eugene. Niyaya nito ang Ate Clari niya na lumabas ng hospital room niya. Pumayag naman ito. Naiwan silang dalawa sa kuwarto niya. Lumapit sa tabi niya si Rhett.
“Bakit hindi ka agad bumalik?” may halong pagtatampo pa ang boses ni Mira nang sabihin iyon kay Rhett.
“Nandito naman ako kanina. Kaya lang ay lumabas ako sandali at nang marinig kong gising ka na, nag-alinlangan akong pumasok. I believe it is better that you should spend more time with your family first,”
Tumango si Mira. “Pero hindi mo ba ako na-miss at kahit silip lang ay hindi mo naggawa?”
“Na-miss siyempre. Pero sabi ko nga, ayaw ko munang abalahin kayo ng pamilya mo. Alam kong matagal mo na rin silang hindi nakita at nag-alala na sila sa `yo. Isa pa ay medyo naiilang rin ako na kasama sila kaya lumabas na lang muna ako…”
“I see. Pero kaunti lang naman sila, bakit naiilang ka pa rin? Or they treated you badly?” hindi maiwasang magtanong ni Mira. Alam niyang mabait naman ang pamilya at mga magulang niya. Kaya lang ay may pagka-overprotective rin ang mga ito, lalo na ang Papa niya. Hindi kilala ng mga ito si Rhett kaya naman sandaling nagduda siya.
Umiling si Rhett. “Mabait naman sila although nakikita kong parang hati ang kalooban sa akin ng Daddy mo. He called me “Greed”…”
Napasinghap si Mira. “Oh no, I’m sorry, Rhett. Hindi ko intensyon na---“
Naalala niya na minsan nga pala niyang naikuwento sa magulang ang tawag niya kay Rhett noon. Tama naman ito sa mga akala ng mga ito na ang tinutukoy niya noon na Greed ay si Rhett. Pero hindi pa rin pala maliwanag sa mga magulang niya na hindi na ito ganoon, na maayos na ang relasyon nila ng dating pinakamakasariling tao na kilala niya.
“Its okay, Mira. Tanggap ko naman. I am really greedy, aren’t I? Marami akong ipinagbawal sa `yo dahil sa ugali ko. Naging napakamakasarili ko na hindi ko man lang kita hinayaang makipag-communicate sa pamilya mo noon. Pero ang pinakapinagsisihan ko ay ang hindi ko man lang inisip ang kapakanan mo.
“Napapansin ko na nitong mga nakaraan na may nararamdaman kang kakaiba pero sa halip na pagtuunan koi yon ng pansin, mas pinagtuunan ko pa ang pag-aayos ng sarili ko. I’m sorry, Mira. I should have feel. I should have known.”
“And I should have told it about you,” napabuntong-hininga si Mira. “Ayaw ko lang naman na mag-alala ka at akala ko ay kaggaya lang din ito noong mga sakit ko noon. Patagong bumili naman ako ng gamot na iniinom ko noon kapag may mga ganito akong nararamdaman pero dahil ang akala ko ay mawawala rin iyon kaggaya nang mga nangyari noon, hindi na ako nag-abala pa,”
“Nararanasan mo na rin iyon dati pa?”
Tumango si Mira. “Noong bata ako ay sakitin talaga ako. Ang sabi naman ng Doctor ay dahil sa asthma ko iyon. Ang akala ko ay kaggaya lang rin iyon ng dati. Gumaling naman kasi dati at ang akala ko ay bumalik lang. Pareho lang kasi ng symptoms---shortness of breathing and chest pain. Pero sa kasamaang palad ay hindi na pala ito kaggaya ng dati.”
“Pero bakit hindi mo sinabi sa akin? You should have trusted me. Siguro ay hindi na tayo umabot sa ganitong punto. You made me worried a lot.”
“I am worried, too. But it is because of you. Ayaw kong mag-alala ka, Rhett. Masyado ka ng marami pang problema para bigyan pa kita ng alalahanin at ang akala ko nga ay simpleng asthma lang ito.” Paliwanag naman ni Mira. “But I’ll be fine. Alam na ng Ate Lora ang tungkol sa lagay ko at siya ang magbibigay ng lahat ng financial needs ko sa operasyon. Kaya `wag ka ng mag-alala, ha? Ayaw kong madagdagan pa ang mga burden mo ng dahil sa akin. You have enough already…”
“Of course hindi ko maiiwasan ang mag-alala. You mean so much to me. You matter a lot to me. I don’t want anything wrong happened to you. I couldn’t lose you, Mira….” Naramdaman ni Mira ang lungkot sa boses ni Rhett. Alam niya na natatakot ito sa maaring mangyari sa kanya. Ganoon rin naman siya para sa sarili niya. Pero kung pananaigin niya ang takot sa mga ganitong panahon, lalo lang siyang matatakot. Kailangan niyang lumaban.
Hinawakan ni Mira ang pisngi ni Rhett. “You wouldn’t lose me, Rhett. Ipinapangako ko sa `yo `yan. Para kang si Ate Clari kanina. You really care for me that much, ha?”
“You know that. You are everything to me,” madamdamin pang wika ni Rhett sa kanya. Hindi man iyon ang pinakagusto niyang marinig rito na “I love you”, pero kahit ganoon ay halos katumbas na iyon. Kontento na si Mira sa mga ganoon sa ngayon. At isa rin iyon sa mga motivation niya para maging mas matatag pa sa pinagdadaanang pagsubok ngayon.
Kapag naging mahina siya, alam niyang magiging ganoon rin si Rhett. At hindi niya gugustuhin na mangyari muli sa binata ang sinasabi nito sa sariling iyon. Ngayong natuklasan na niya ang damdamin niya kay Rhett, may bago rin na natuklasan si Mira. Their feelings are one and whatever each other feels, it always affect each other.
Like a soulmate.