CHAPTER FIFTEEN
Four Days Later.
HINDI maiwasang hindi mapaisip ni Mira habang naghihintay siya na ma-check up ni Doctor Joseph Baquiran. Ngayon ang follow-up check up niya sa cardiac surgeon at dahil na-late siya ng gising ay siya ang pinakahuling pasyente nito. Matagal siyang naghihintay hanggang sa siya na ang ma-check up nito. At sa paghihintay niya ay iyon siya, napapaisip na naman.
Mag-isa lang siyang pumunta sa check-up niya dahil iginiit niya na huwag na siyang samahan ng pamilya niya. Kaya na naman niya. Hindi siya imbalido. Alam niyang may kanya-kanyang gawain ang pamilya niya at hindi niya gustong istorbihin ito. Inihatid na lang tuloy siya ng Ate Clari niya sa ospital bago nito puntahan ang nobyo nitong si Eugene upang bisitahin. Monthsary kasi ng mga ito.
So far ay maayos naman ang puso niya. Physically---ulit. Because emotionally, alam niyang nadudurog na naman iyon kahit na ba alam niyang hindi naman dapat. Dahil nagkasundo sila ni Rhett.
She just missed him badly…
Pero pumayag siya sa usapan nila ni Rhett. Kahit alam niyang mahihirapan siya, pumayag siya dahil naniniwala siya na para sa ikabubuti iyon ng relasyon nila. Ganoon pa man, hindi niya maggawang magsisi na pumayag siya. Gusto niya na makasama si Rhett. Suportahan ito. Suportahan nila ang isa’t isa. But he wanted to grow…without her by his side.
Nagulat si Mira sa ipinagtapat sa kanya ni Rhett. Ang ibig sabihin nito ay ama nito si Mang Chito? Iyon ba ang dahilan kung bakit nararamdaman niya ang possessiveness ng matanda kay Rhett? Kaya ba nito nakayang magtiis na kasama lang si Rhett sa isla na iyon? Kaya ba wala itong reklamo sa kahit anong gusto ni Rhett? Dahil all along… anak nito si Rhett. Mahal at hindi nito kayang iwan ang lalaki dahil laman at dugo nito ito…
“Ang araw na bumalik kami muli sa Maynila, ipinagtapat niya sa akin dahil hindi niya matanggap na makakaya ko siyang ipakulong. Inamin niya na anak niya ako. Na siya ang gumawa ng panghahalay sa Mama ko na siyang nagpasira ng buhay nito.
“Matagal na pala siyang may gusto kay Mama. Alam ko na dati siyang kasambahay ng pinakamalapit na kapitbahay namin. Sa tuwina ay nakikita niya si Mama at ang sabi niya ay kahit hindi siya nito pinapansin ay nagkagusto siya rito. Maganda si Mama. Hindi naman siya magiging model kung hindi. At ang obsesyon niya ay lumalim kahit na ba nang minsang i-approach daw niya si Mama ay hindi siya nito pinansin. Pero masyado na siyang naloko kay Mama para hindi angkinin ito. Kaya plinano niya na pumasok sa bahay kung saan nag-iisang nakatira ang Mama upang gahasain ito. Dahil alam ni Mang Chito na day off ang nag-iisang katulong ni Mama sa bahay noong araw na iyon, ginawa niya ang krimen.
“Matalino si Mang Chito sa kabila ng mababang pinag-aralan at trabaho nito kaya hindi ito nahuli. Sa kasamaang palad ay nagbunga ang ginawa nito at alam nitong siya ang ama noon. Birhen si Mama nang makuha niya ito. Nabalita pa sa buong baranggay namin ang kahihiyan at ang masamang balita na sa bukod sa panghahalay ay nagbunga pa ang pangagahasa.
“Inamin rin sa akin ni Mang Chito na sinadya nito ang pagpasok sa buhay naming mag-ina. Pumasok siya bilang all-around helper namin at dahil hindi naman alam ni Mama ang tungkol sa ginawa niya ay pinayagan nito ang matanda. Isama pang wala naman itong hiniling sa Mama niya noon kundi pagkain at ang pagtira sa bahay niya kaya naging madali para rito ang makapasok. Ang tanging mahalaga sa kanya noon ay ang makasama ako at ang paminsan-minsan na makita ang Mama ko na lihim niyang minahal. Pero naglaho rin ang pagmamahal na iyon dahil sa naging pagbabago ni Mama. Ang dating mabait na modelo noon ay nawalan ng career ngayon. Sinira ni Mama ang mundo nito dahil naging napakasakit pa rin ng lahat sa kabila ng emotional support rito ni Lola noong nagbubuntis ito. Pinandirihan ito ni Mang Chito sa ginawa nito sa sarili, sa ginawa nito sa kanya. Nang dahil roon ay nabaling ang atensyon niya sa akin at kaggaya ng nangyari sa kanya kay Mama, he became obsessed with me. Hindi niya gustong malayo ako sa kanya na siya namang nais palang gawin ni Lola noon.
“Alam ko ang pagpaplano ni Lola na pumunta kami sa States. Gusto niya ang environment roon at gusto niya talagang doon bumase. Wala pa akong sinasabi tungkol roon pero pinaplano na niya. Nalaman iyon ni Mang Chito at nalaman niyang hindi kaggaya dati ay hindi na ito isasama ng Lola ko. Nagalit ito dahil ilalayo ako ng Lola sa kanya kaya pinatay niya ito. Hindi niya makakayang mawala ako sa kanya.
Hindi maiwasang maguluhan ni Mira. Napakahirap ng nangyari. Napakahirap ng pinagdaanan ni Rhett, ng parte ng nakaraan nito. Ang akala niya ay mahirap na ang sinapit nito sa Mama nito pero mas mahirap pa pala ang ngayon. Ang taong pinagkatiwalaan nito ay siya palang nanloko rito. Tama siya sa hinala sa matanda. Naloloko na nga ito.
Hindi niya inaasahan na bukod sa hinala ay mas matindi pa pala roon. Naiyak siya dahil sa awa rito. “Rhett, I---“
“See, Mira? Umiyak ka na naman. Ano na lang ang kahihinatnan mo sa akin? Isa akong kaawa-awang lalaki. Isang sugatan at---“
“Hindi. Huwag mong sabihin `yan, Rhett. I just feel sad about what happened to you. You don’t deserved this. All people don’t deserve what happened to you.”
Bumaba ang tingin nito. “And you don’t deserved me. Napakaganda mo, Mira. Napakabait. You are a ray of sunshine. Ako ang magiging bagyo sa buhay mo. At ako ang magiging pasakit sa buhay mo.”
“Ayaw kong marinig muli sa `yo ang mga yan, Rhett. Naiintindihan mo? Don’t feel so bad and down about yourself. Oo, alam ko napakasakit ng nakaraan mo. At ngayon ay nalaman mo pa na galing ka sa isang hindi kanais-nais na tao. Nang dahil roon ay nararamdaman mo ang mga ganito. Na nai-insecure ka. Pero sana ay maintindihan mo rin na willing kong yakapin ang lahat ng tungkol sa `yo. Tatanggapin ko ang lahat ng tungkol sa `yo dahil mahal kita. All your flaws, kaya kong tanggapin `yan dahil parte mo iyon. Ikaw iyan at mahal kita sa kahit sino ka man, ano ka man o kung saan ka man nagmula.”
Tumingala ito. Ngayon ay maliwanag na maliwanag na ang mukha nito. “Mahal na mahal rin kita, Mira. Patawad at kailangan kong sabihin sa `yo ang mga iyon. Patawad at kailangan mong mahalin ang isang tao na kaggaya ko. Patawad dahil isa akong insecure, troubled at scarred na lalaki. Masaya ako na nandiyan ka pa rin sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa akin. Lalo na sa nalaman kong parte ng pagkatao ko ngayon. Tinanggap mo ako sa kung ano ako kahit alam ko na napakahirap noon. Minahal mo ako kahit sa ibang tao ay imposible akong mahalin.” pagkatapos nitong sabihin iyon ay mapait na ngumiti ito. “Pero kahit ganoon, Mira, I still need to leave you.”
“No, Rhett! `Wag mong gawin---“
“I am leaving for good, Mira.. Magpapatingin ako sa espesyalista kaya kailangan kong lumayo.” Pagpatuloy naman nito.
Relieved na nakahinga si Mira. Ang akala naman niya ay iiwan na talaga siya nito. Hindi niya makakaya iyon.
“Gusto kong buuin ang sarili para sa `yo. Gusto kong maging karapat-dapat para sa `yo,”
Mira was touched for his words. Ngayon ay magbabago na si Rhett para sa kanya. Aalisin na nito ang mga takot sa katawan nito para sa kanya. She felt more than happy. Mahal niya si Rhett sa kabila ng nakaraan at kahinaan nito pero alam niyang mas mamahalin rin niya ito kapag minahal rin nito ang sarili nito. Kapag naisipan nitong paggalingin ang lahat ng mga sugat nito.
“That would be nice. Willing kang i-sacrifice na alisin ang kinatatakutan mo para sa akin. I’m going with you all the way. Susuportahan kita.” Nakangiti pang wika ni Mira.
Umiling si Rhett. “Hindi, Mira. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ninais kitang makausap. Aalis ako pero hindi kita gustong isama.”
“Ano? Bakit?”
“I want to do this alone. Nang walang tulong mo. Napakarami na nating pinagdaanan. Marami ka na rin pinagdaanan sa akin. Sa mga susunod na araw ay mas magiging mahirap para sa akin at ayaw kong isama ko roon. Sapat na ang pagsusuporta mo sa ating dalawa. You became my knight in shining armor even if you are a princess. Sapat na iyon, Mira. Ngayon, hayaan mong ako na lang mag-isa ang lumaban sa giyera.”
Umiling si Mira. “Kaya naman nating i-work out ang lahat ng ito, Rhett. Hindi mo kailangang palayuin ako o ang lumayo sa akin,” pangungumbinsi niya rito.
“Alam ko. At hindi naman talaga ako lalayo. Nandito lang rin ako sa Maynila habang nagpapagaling. A-ang gusto ko lang sana ay lumayo sa `yo sa mga pagkakataong iyon. Gusto kong hanapin ang sarili ko at sa tingin ko ay maggagawa ko lang iyon kapag nakawala ako sa anino mo, Mira. But please, don’t get me wrong. Hindi dahil sa ayaw kong makasama ka kaya ginagawa ko ito. In fact, ginagawa ko ito para sa `yo. Para masasabi kong maging karapat-dapat ako para sa `yo.
“Marami kang naitulong sa akin at talagang pinagpapasalamat ko iyon. You’ve been a great part of my life. Pero gusto ko munang ayusin ang sarili ko na hindi nangangailangan ng tulong ng iba. Gusto kong tumayo sa sarili ko at masabi kong naggawa ko ang lahat ng ito ng walang tulong ng iba. Gusto kong patunayan na kaya kong tumayo sa sarili ko at hindi lang dahil tinutulungan mo ako. I want to be whole without your help, Mira. Para masabi kong hindi lang ako isang paligtas na prinsipe sa kuwento natin. I want to do the whole session without you on my side, without you helping me.”
“Pero ayaw kong malayo sa `yo, Rhett. I love you. I think I can’t live without you…” nagsimula nang gumaragal ang boses ni Mira. Hindi niya matanggap na kailangang lumayo nito sa kanya. Kaya niyang tulungan ito. Magtutulungan sila. Balewala sa kanya ang mga hirap basta kasama niya lamang ito.
“Ako rin, Mira. Ayaw kong malayo sa `yo pero gagawin ko ang lahat ng ito para sa ikabubuti ng lahat. Para sa ikabubuti lalo ng relasyon nating dalawa. Para rin sa sarili ko. Alam ko na mahirap intindihin pero sana ay maintindihan mo. Alam kong magiging mahirap ang mga sessions at ayaw kong isama ka sa journey ko na iyon. Ayaw kong mahirapan ka,”
“Gusto kong mahirapan kung para naman sa `yo ang mga iyon,”
“Pero ayaw ko, Mira. Masyado na akong maraming sakit na naidulot sa `yo para ilagay ka pa muli sa mga gulo. Please, just let me do this…”
“Rhett…”
“`Wag kang mag-alala. Nasa tabi mo pa rin naman ako pagkatapos ng lahat ng ito. Ipinapangako ko ang lahat ng iyon sa `yo. You would always be the one for me…”
Huminga nang malalim si Mira. “Kailangan ba talaga nating humantong sa ganito?”
“Our story should be both our story. Pero sa istorya natin, parang ako lang ang nagliliwanag dahil ako ang may pinakamalaking problema. Paano ay dahil sa masakit kong nakaraan. The reason why I became a greed. Ayaw ko ng mangyari muli iyon. Pagkatapos ng pagpapagaling ko, gusto kong ikaw naman ang intindihin. That this story wouldn’t be revolved around me, but revolved around you, too.”
“Hindi ko kailangan ng lime light sa istorya o ano pa man. Ang kailangan ko ay ikaw lang. At sigurado na ako roon. Pero kung gusto mo ng ganito, gusto mo ng space… kahit masakit, sige ay pagbibigyan kita.” Sa wakas ay pagpapayag na ni Mira.
Love is also about giving what your partner wants especially if what he wants was for good, naisip ni Mira. Alam niyang mahihirapan siya pero may isang bahagi rin ng puso niya na gustong sumang-ayon sa gusto ni Rhett. She wanted to make him stand in his own foot, too.
“Thank you, Love. Thank you so much for understanding. Pero bukod pa diyan, may gusto pa sana akong hilingin sa iyo…”
Kumunot muli ang noo ni Mira.
“Try to open your heart to someone, too. I know I have been greedy, I have been selfish. At ngayon, ginagawa ko na naman iyon. Pero hanggang doon na lang iyon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako gagaling pero ayaw kitang paghintayin. Masyado na akong maraming pasakit na dinala para sa `yo para ikulong ka pa rin pagkatapos ng lahat. I want to give you your freedom.
“Don’t get me wrong, Mira. Gagawin ko ito para sa `yo. I’ll promise you, you still can have me after I am well. Pero dahil hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako roon, alam ko na mag-aantay ka. Sa pag-aantay mo, puwede kang mainip and who knows? Makahanap ka ng iba. Ibang lalaki na mas karapat-dapat sa `yo at mas mamahalin mo. Kapag dumating siya, go and be with him. Huwag mong alalahanin ako. I can manage. Maiintindihan ko kung magmamahal ka ng iba sa mga panahong wala ako sa tabi mo.
“Sigurado ako na mahal kita at sa iyo pa rin ako pagkatapos. Pero ikaw, nasa labas ka. Maraming taong makakita sa `yo rito. And with your looks, I know within a minute, someone can fall in love so hard for you. At gusto rin kitang bigyan ng pagkakataon na mag-isip. Alam ko na bago sa `yo ang nararamdaman mo na ito. Paano kung kaya mo lang naman pala naramdaman ang mga iyon sa akin ay dahil naawa ka sa akin? O dahil ikinulong kita at wala kang choice kung hindi ako lang sa nakalipas na buwan? Dahil ako lang ang napalapit sa `yo nang ganoon? I want you to be free and try to love someone else… if destiny would make you to.”
“Miss Mirabelle Romano?” naputol ang pag-iisip ni Mira ng tawagin ng doctor’s assistant ang pangalan niya. Siya na pala ang susunod na tse-check-up in ni Doctor Joseph. Hindi na niya namalayan na sa sobrang pag-iisip niya ay nag-iisa na pala siya sa waiting lounge. Tumayo si Mira at pumasok na sa loob ng klinika ni Doctor Joseph.
Sinalubong siya ng masayang ngiti ni Doctor Joseph at ng kinang ng mga mata nito. “How are you, Mira? I hope you are feeling fine.”
“I am fine, Doc. Sa tingin ko ay hindi ko na nga talaga kailangang magpa-check up. Wala akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko pagkatapos kong makalabas ng ospital,”
Except for the hurt that I missed Rhett so badly…
“Well that is good to hear. Yet we all know that follow-up check-ups are necessary. Lalo na sa `yo dahil ginawan ka ng major surgery. Now let me examine you…” ginamit nito ang stethoscope nito para i-examine siya. Marami rin itong ginawang breathing test sa kanya bago nito tinanggal ang stethoscope at kausapin siya muli.
“Sigurado ka ba talaga na maayos ka na? Na wala ka ng nararamdaman na kakaiba?”
Sandaling kinabahan si Mira. May narinig ba ito mula sa stethoscope nito? May mali ba sa kanya? “S-sigurado ako, Doc. Hindi na naninikip ang dibdib ko at hindi na ako kinakapos ng hininga. Hindi na po ako nagtatago kaggaya ng dati. May problema ba?”
Pinakatitigan ng Doctor ang mukha niya. Tila ine-examine iyon. “You still looks so sad,”
“Kung inaakala mo na effect iyon sa pagkaka-opera sa akin, nagkakamali kayo. Its because---“
“Of that guy? Sinaktan ka muli niya?”
“Its not what you think…” bumuntong-hininga niya. “Pinili niyang lumayo. Hinayaan ko siya.” Hindi na napigilan ni Mira na magkuwento sa surgeon.
Matagal bago nagsalita ang Doctor. “You don’t deserved him.”
“Bakit ba pare-pareho na lang kayo na sinasabi ang mga iyon? Eh ano kung may masama siyang nakaraan? Kung siya ang nakakapagpasaya sa akin at siya ang gusto kong kasama, to hell with what he did and what his past, too! Mahal ko siya at hindi ko na maggagawang magmahal ng iba pa kung hindi rin naman siya ang mamahalin ko…”
“Not even with me, Mira?”
Nanlaki ang mga matang tumingin si Mira kay Doctor Joseph. Totoo nga ba ang hinala niya sa Doctor? Na may gusto nga ito sa kanya? And when he looked into her eyes… she seems to know the answer.
His eyes looks so sincere…