Four Months Later…
ISANG masaya at pinagpalang araw na naman ang dumaan sa buhay ni Mira. Isang buwan na ang nakalilipas nang magsimula siyang gamitin muli ang pinag-aralan niya. Sa ngayon ay nagtuturo siya sa mga bata. Pero hindi kagaya noon ay hindi na siya naglilibot-libot pa sa buong Davao para magturo ng values at Christian religion. Nag-settle na lang siya sa pagiging teacher sa isang private catholic school hindi kalayuan sa bahay nila. Naging mas masaya si Mira at kontento sa ginagawa dahil kahit English Major siya ay ginawa siyang Religion Teacher sa school na iyon. They based on her experience that is why she was picked. Malapit pa rin sa Diyos ang kanyang ginagawa.
Masaya at pakiramdam niya ay pinagpala siya dahil gusto talaga niya ang magturo. Mababait rin ang mga estudyante niya at kahit isang buwan pa lamang silang magkakasama ay nagkalapit na ang mga loob nila.
Kahit na ba nakakapagod ay masaya si Mira sa ginagawa niya. Isama pa na kung ipagkukumpara sa pagiging missionary teacher niya noon sa Davao, mas madali ang trabaho niya ngayon. Lahat naman ng trabaho ay nakakapagod pero kapag mahal mo ang ginagawa mo ay bale wala lang ang mga iyon.
Mag-a-alas sais na ng gabi nang lumabas si Mira ng paaralan. Halos wala ng tao sa loob ng paaralan dahil kanina pa ang oras ng uwian ng mga estudyante. Dahil hindi niya gustong iuwi ang ilan sa mga trabaho niya sa bahay kaggaya na lang ng mga pagtse-tsek ng mga test papers ay sa paaralan na lang niya iyon ginawa. Na-late tuloy siya ng alis. Pero nagulat siya nang matagpuan na kahit halos wala ng tao ay may taong naghihintay sa kanya paglabas niya ng gate.
“Joseph? Anong ginagawa mo rito?” hindi maiwasang mapangiti ni Mira nang matagpuan ang guwapong Doctor.
“Masama bang hintayin ka?” sinagot naman nito ng tanong ang tanong niya.
Hindi iyon ang unang beses na sinundo siya ni Joseph sa paaralan. Sa tuwina, kapag libre ito ay niyaya siya nitong lumabas. “Patatabain mo na naman ba ako?”
Sumimangot ito. “Kahit ano naman yatang ipakain ko sa `yo, hindi ka naman tumataba,”
Tumawa si Mira. Somehow ay totoo iyon. Mabilis ang metabolism niya.
“Pero hindi pa rin ako susuko. Gusto pa rin kitang patabain kaya gusto kitang imbitahan ng dinner para ngayong gabi,”
“Iyon lang ba? No problem,” nanguna pa si Mira na sumakay sa kotse nito. Natatawa namang sumakay rin si Joseph at dinala siya sa isa sa mga alam nitong paborito niyang kainan.
Habang nakain sila ay napansin ni Mira na ilang beses na paulit-ulit na tumingin sa kanya si Joseph. Hindi niya maiwasang tanungin ito. “May problema ba?”
“I am just admiring your beauty,”
Kung ang iba ay mapapangiti kapag sinabihan ng ganoon ng isang napakaguwapong Doctor, ibahin mo si Mira. Napabuntong-hininga siya. “Joseph, napag-usapan na natin ito. Ang akala ko ay naintindihan mo na---“
Mapait na ngumiti ang Doctor. “Alam ko. Pero hindi ko mapigilan. At masama ba na purihin ang isang kaibigan? Eh sa maganda ka talaga, eh.”
Kaibigan. Kahit nakipag-date si Mira kay Joseph ay tila immune pa rin siya sa charms nito. Oo, napapatawa at napapangiti siya ni Joseph. Masaya na kasama ito. Pero pagsapit ng gabi o kahit magkasama pa sila, may isang lalaki pa rin na nasa isipan niya.
Isang lalaki na kahit apat na buwan na ang nakalilipas ay hindi pa rin nagpapakita sa kanya.
Pero nanatili pa rin sa puso at isipan niya.
“Fine, Mira. Mahirap tanggapin na kahit ano ang gawin ko ay hindi pa rin kita kayang masilo sa kanya kahit wala naman siya sa tabi mo. Pero sana, pagbigyan mo ako sa huling kahilingan ko.”
Kumunot ang noo niya. “Ano iyon?”
“There would be a family gathering in my uncle’s house this Saturday. And I want you to be my date.”
Sandaling napaisip si Mira. “Kung maipapangako mo sa akin na friendly date lang ito kaggaya ng iniisip kong palagi nating ginagawa, wala akong nakikitang mali roon.”
Ngumiti ito. Pero kaggaya noong una ay mababakas pa rin ang pait roon. “It will always be on your command.”
HINDI lubos akalain ni Mira na napakapabuloso pala ng family gathering na sinasabi ni Joseph. Sa bahay nga iyon ng tito nito ginanap. Pati ang bahay ay napakaganda at napakalaki. The party was so grand.
“Ano ba ang okasyon at bakit ganito kaganda at kapabuloso ang party?” hindi maiwasang magtanong ni Mira. May hinala siya na mayaman talaga ang pamilya ni Joseph---kita na naman iyon sa itsura at kilos nito. Mabuti na lang at nagdamit rin siya ng sa tingin niya ay naayon sa party na magkakaroon ang pamilya nito. Kaya lang ay hindi niya talaga lubos na inaasahan na ganoon kalaki ang party. Paano kasi ay kahit kakarating pa lamang nila roon ay ang dami na agad niyang nasilayan na kilalang tao sa lipunan.
“My uncle owns a multimillion company in America. Marami rin siyang business rito sa Pilipinas. Nakabase siya sa America pero tuwing birthday niya ay umuuwi siya sa Pilipinas para dito mag-celebrate. Birthday niya ngayon pero bukod roon ay may sasabihin raw siyang announcement. Hindi kami ganoong ka-close kaya wala akong ideya kung ano ang announcement na iyon,” paliwanag naman sa kanya ni Joseph.
Na-curious rin si Mira sa announcement pero tumango na lang siya. Niyaya siya ni Joseph sa isang table kung saan nakaupo ang mga magulang ng mga ito. Mababait ang mga magulang ni Joseph. Minsan na niyang nakilala ang mga ito. Naging komportable siya na kasama ang mga ito.
Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang party. Ipinakilala ang Tito nito at ang asawa nito. Napakunot noo siya nang mapatingin siya sa asawa nito. Maganda ang babae at mukhang glamoroso. Pero may pinapaalala sa kanya ang anyo nito. May kamukha ang babae.
Nasa ganoong katayuan si Mira nang biglang tumunog ang cellphone ni Joseph. Nagpaalam ito na sasagutin muna nito ang tawag. Umalis ito sa tabi nila. Kasabay ng pag-alis nito ay saka nagsalita ang lalaki na may birthday.
“I know you all know well that today is my birthday. But aside from that, I want to introduce to you a special person. A person that I have always dreamed of but unfortunately haven’t been blessed to have. He maybe not my blood but he was my wife’s so I would whole-heartedly considered that he is mine, too….” Mukhang proud na proud pa ito habang sinasabi iyon. “My wife’s only son, and now I considered my son, too, Rhett…”
Malakas ang tibok ng puso ni Mira nang marinig ang pangalan noon. It excites her whenever she heard that name. Pero pakiramdam niya ay mahihimatay yata siya nang pagkatapos banggitin ang pangalan ay lumabas ang ipinakilala ng matanda.
Ngayon ay nagkaroon na siya ng paliwanag kung bakit napansin niya na may kamukha ang asawa ng Tito ni Joseph. Iyon ay dahil nagpapaalala iyon sa kanya kay Rhett. Dahil iyon ang ina nito.
Rhett was back. And Rhett was here.
“MAY I have a dance with you?” napapitlag pa si Mira nang marinig ang boses ni Joseph. Kahit ilang sandali na ang nakalipas simula nang malaman niya na nandoon si Rhett sa party ay parang wala pa rin siya sa sarili. Nawiwindang pa rin siya. Maayos na si Rhett ngayon pero bakit hindi nito ipinaalam iyon sa kanya?
Dahil windang pa rin sa mga nangyayari ay tinanggap niya ang pakikipagsayaw ni Joseph. Matagal itong nawala dahil na rin sa tawag na tinanggap nito. Halos kababalik lang nito mula sa pagtanggap ng tawag kaya ngayon lang din niya masasabi rito ang nalaman.
Kahit sa kabila ng pagkalito ay naggawa naman ni Mira na magtapat rito. Nasa dance floor na sila “Joseph, nandito siya.”
“Sino?” wala itong ka-ide-ideya. Malamang ay hindi talaga nito narinig ang announcement o nakita man lang.
“Si Rhett. Siya ang announcement na sinasabi ng Tito mo. Anak siya ng asawa niya…”
Kumunot ang noo nito. “Alam ko na may anak sa iba si Tita Jeanette. Pero dahil hindi sila nagkasundo nito ay hindi na muli nito nakuha ang anak nito gaano pa man gusto ni Tito Bernard na magkaanak. He was sterile kaya hindi ko siya masisisi.”
“At ngayon ay bumalik na si Rhett. Kung ganoon ay nagkaayos na sila ng Mama nila.”
Dahil wala siyang balita kay Rhett ay hindi niya alam kung ano ang klaseng pagpapagamot ang ginawa nito, kung nagpagamot nga ba ito o nag-reach out lang ito sa Mama nito. Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang ginawa rin nito ang huli.
Naging mahirap para kay Rhett ang mga pinagdaanan nito noong bata pa ito. Pero ganoon pa man sa nalaman niya ngayon ay alam niyang na-overcome na nito ang lahat. Magaling na siguro ito. Hindi naman siguro ito papayag na ipakilala ng bagong pamilya nito kung hindi pa ito totoong maayos. Isama pa na napansin niyang malaki rin ang pinagbago ng anyo nito. He looked good more than ever.
“At nandito siya ngayon…” sa kabila ng pagkagulo sa hindi nito alam na sinabi niya ay tila nawindang rin si Joseph. “Nagbalik na siya.”
“Oo, nagbalik na ako. And do you mind if I have my girl back in my arms again?”
Pareho pa silang napapitlag ni Joseph nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It was Rhett. Nasa paligid lang ito. At alam nito na nasa party siya! Nakita siya nito!
“O-of course…” nagpaubaya si Joseph. Sa isang iglap ay hawak-hawak na siya ni Rhett.
Ngayon lubos na natitigan ni Mira si Rhett. He really looked good, more handsome than ever. Hindi ito nakangiti habang nakatitig sa kanya pero ganoon pa man malaki ang sayang nararamdaman ng puso niya. Lalo na nang magsalita.
“I missed you…”
He missed him, too. So much. Sa loob ng apat na buwan ay walang lalaki, kahit si Joseph, ang nakapalit sa puso niya rito. Napagtanto niya at napatunayan rin niya na mahal talaga niya ito. Binigyan niya ang sarili ng pagkakataon na mapalapit sa iba but it was always been him. It was always been Rhett.
Pero sa halip na sagutin ni Mira nang kaggaya ng nararamdaman niya si Rhett, mas nanguna ang kuryosidad niya. “Bakit hindi mo ako pinuntahan? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad na maayos ka na? Na nakabalik ka na? Hinayaan ko pang matuklasan sa ganitong paraan…”
Hindi rin maiwasang magtampo ni Mira. May nangyari ba rito kaya hindi nito nasabi iyon sa kanya? Hindi na ba siya nito mahal? Nangako ito sa kanya na babalik sa piling niya sa oras na maging maayos ito pero hindi nito iyon ginawa.
“At ipinamukha mo rin sa akin na ipinagpalit mo nga ako sa iba,” sa halip ay sagot naman nito. “Pero sino nga ba ako upang mag-inarte ngayon? I forced you. Hinayaan kita. And that was the biggest mistake of my life. I lost you.”
Umiling siya. “Mali ka ng inaakala, Rhett. Joseph and I are---“
Tinakpan nito ng daliri nito ang bibig niya. “It was okay, Mira. Mahal pa rin kita pero tanggap ko na hindi ikaw ang nararapat para sa akin. At sa mga tanong mo kanina, plinano ko talaga ang lahat ng ito. Noong nakaraang linggo ay lumabas na ako mula sa psychiatric center kung saan dinala ko ang sarili ko para ayusin. Para mawala ang mga trauma ko. Pagkatapos noon ay sinubukan kong contact-in si Mama. I wanted to fixed everything first in my family before I come into you. Kahapon lang kami nagkausap nang maayos kaya hindi kita agad na puntahan at ang party nito ay biglaan rin para sa akin. Pero hindi man kita naimbitahan, destiny had find a way for us to meet again here. And for me, too, to find out that you have replaced me.
“I’m sorry, I was too late. Pero mahal pa rin kita. Nandiyan man si Doctor Joseph pero ngayong malakas na ako, hindi ko papayagan na basta-basta na lang sumuko. Hindi ako magpapatalo. I would fight for you, Mira. Dahil mahal kita sa kabila ng katotohanang naipagpalit mo na ako. Just wait and see….” Pagkatapos noon ay iniwan na siya ni Rhett sa dance floor.
Tinangka niyang habulin si Rhett pero dahil mabilis ito at maraming humarang sa dinaraanan niya ay hindi na niya naggawang hanapin ito. Hindi ito nakinig sa paliwanag niya. Nasaktan si Mira nang dahil roon. He haven’t lost her. Her heart was still beating for her. He had always been inside her heart.
Bumalik siya sa table nila at nakita si Joseph. Kinausap niya ito tungkol sa nangyari. Nangako itong tutulungan siyang magpaliwanag. Pero natapos na ang gabi ay hindi na muli niyang nakita si Rhett.
CHAPTER NINETEEN
TANGHALI na nang maggising si Mira kaya hindi siya nakasama na magsimba kasama ang kanyang pamilya. Napagdesisyunan na lang niya na magsimba sa hapon ng mag-isa.
Sanay naman si Mira na magsimba ng mag-isa. Kapag ganoong tinatanghali siya ng gising at hindi nakakasama sa pamilya ay ginagawa niya iyon. Mas hindi niya kasi ang gusto ang hindi magsimba dahil lang wala siyang kasama.
Alas singko ng hapon ang panghapon na simba sa pinakamalapit na simbahan sa bahay nila. Maliit lang ang community sa lugar nila kaya kakaunti lang rin ang nagsimba. Isama pa na madalas ay sa umaga nagsisimba ang mga tao. Hindi gaano kapuno ang simbahan at wala rin katabi si Mira.
Nagsisimula na ang misa nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Ramdam niya na mag-isa lamang rin ang taong iyon pero hindi na niya ninais tignan pa. Nag-focus na lang siya sa pakikinig sa misa.
Lumipas ang mga sandali at dumating na ang portion ng “Ama Namin”. Nang itaas niya ang kamay ay inabot iyon ng lalaki. Hinawakan nito iyon. Pakiramdam ni Mira ay may kuryente na dumaloy sa mga kamay niya kaya hindi niya napigilang ma-distract. Pamilyar sa kanya ang pakiramdam na iyon. Tanging isang tao lang ang nakakapagparamdam sa kanya noon.
“Rhett…” hindi mapigilang magsalita ni Mira. At nang tignan niya ang katabi ay hindi nga siya nagkakamali. Si Rhett iyon.
Sandaling nagulat si Mira sa nakita. Lalo na nang makita niyang nakangiti pa si Rhett. Ibig sabihin lang noon ay hindi ito galit sa kanya kaggaya ng inaakala niyang naramdaman nito pagkatapos siya nitong iwan sa party kagabi.
At mukhang binabantayan rin siya nito. Nasa paligid lang si Rhett. Hindi ito galit sa kanya at nararamdaman niyang magkakaayos sila.
Dahil nasa misa sila ay pinili niyang huwag munang komprontahin si Rhett. Marami silang oras para roon. Sa ngayon ay itutuon muna niya ang pansin sa taong binisita niya roon---ang Diyos.
Nagpasalamat si Mira na dumating na ang araw na matagal na niyang inaantay. Bumalik na muli si Rhett. Magiging maayos na sila dahil maayos na ito. They could love each other freely now, without insecurities and without the shadows of the past.
Or so she thought.
Nagkomunyon siya kaya sandaling iniwan niya si Rhett. Hindi ito sumunod sa kanya at napakunot-noo pa siya nang makitang wala na ito sa kinauupuan nila kanina. Umalis na ito ng simbahan. Iniwan siya nito. Mali ba siya ng akala nang isipin niya na hindi talaga ito galit sa kanya? Dahil kung hindi, bakit siya iiwan na lang nito ng basta-basta?
“AN APPLE a day keeps the Doctors away,” hindi na mapigilang mapaismid ni Mira nang sa ikapitong boses ay nabasa na naman niya ang note na iyon. Isang linggo na ang nakalipas nang araw-araw siyang pinapadalhan ng apple na may kasamang note na iyon. At kahit iniiwan lang sa gate ng bahay nila iyon tuwing umaga, alam ni Mira na para sa kanya at kung sino man ang nagbibigay noon sa kanya.
“Hindi pa rin siya umaamin?” tanong ng kanyang Ate Clari na kasunod pala niya sa may gate. Mukhang pati ito ay naging habit na ang pag-alala sa araw-araw na package na iyon.
“Naasar na ako, Ate. Hindi ko sigurado kung nagpatingin nga ba talaga siya. He was still weak as ever. Sinabihan niya ako na ipaglalaban niya ako pero anong nangyari? Ni hindi niya maggawang lumapit sa akin. Dinadaan niya ako sa package na ito araw-araw na para bang may relasyon talaga kami ni Joseph. Hindi na ako natutuwa,”
Mira can’t help to burst out her feelings. Bilang guro ay natuto siyang maging mahaba ang pasensya. Pero kapag inaabuso na talaga ay nagiging manipis na ang pasensya niya. Nangako sa kanya si Rhett pero hindi naman nito tinutupad ang sinasabi nito kaggaya na lang noong una. Hindi pa rin talaga siya lubos na pinagtitiwalaan ni Rhett.
“Kalma, bunso. Baka naman may iba pang rason kung bakit ganoon si Rhett.”
“Pagod na ako sa mga rason niya! Napaka-injustice na ng ginagawa niya sa akin. Matiyaga akong naghintay sa kanya tapos dahil lang sa maling akala niya ay tino-torture niya ako ng ganito. Hirap na hirap na ako!”
Umalis siya sa harap ng Ate niya bago pa siya tuluyang umiyak. Naasar na talaga siya. Bakit ba ganito si Rhett? Akala niya ay magaling na ito pero ngayon ay nag-iinarte na naman ito sa kanya.
Dahil ngayong nalaman niyang magpinsan ito at si Joseph, siguro naman ay nakompronta na nito ang kanyang kaibigan. Natanong na nito kung totoo ba ang inaakala nitong relasyon nila. Nang tawagan rin siya ni Joseph nitong nakaraan ay mukhang nagkausap na naman ito. Surely, sinagot naman siguro ito ni Joseph ng totoo. Pero bakit ganoon pa rin si Rhett?
Para maiwasan ang pagdadrama niya sa bahay ay napagpasyahan ni Mira na aliwin na lang ang sarili. Umalis siya ng bahay at pumunta sa mall. Gusto niyang magpalipas ng sama ng loob at sa palagay niya ang paglabas ng bahay ang magiging solusyon roon. Kailangan niyang mag-unwind.
Tanghali na nang makapunta si Mira sa mall. Na-traffic siya sa biyahe. Kumain muna siya ng tanghalian bago niya napagpasyahan na maglibot. Sa paglilibot niya ay napapunta siya sa Bookstore. Napangiti siya. Parang kay tagal na rin panahon simula nang makadalaw siya sa bookstore. Matagal na siyang hindi nakakabili ng libro. Isa pa naman iyon sa paborito niyang libangan.
Napagdesisyunan ni Mira na bumili ng libro. Pero bago pa siya makapili ay naagaw ang atensyon niya ng event sa loob rin ng bookstore. May book signing event na nagaganap ngayon sa book store at halos lahat yata ng tao ay nanonood roon. Dahil curious siya ay pumunta siya sa event. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa kung sino ang writer na magkakaroon ng book signing ngayon.
New York Times Best Seller first ever book signing and public appearance… Rhett Rid.
Nakalagay sa tarpaulin na binasa niya kung anong oras ang event. One in the afternoon at ngayon ang date noon. Napatingin si Mira sa relo niya. Ala-una na. Ibig sabihin lang ay magsisimula na ang event.
Sobrang crowded ng bookstore. Marami rin siyang nakikitang may dalang camera at mayroon pa na media roon. May nakikita rin siyang mga foreigners. Announced ba ang event? Wala siyang balita. Sabagay ay hindi naman madalas na nanonood ng news ang pamilya niya.
Nagsigawan ang mga tao bago pa man makalapit si Mira. Lumabas na ang celebrity---si Rhett. Kumaway ito sa mga tao. Pinakatitigan niya nang husto ang mga kilos nito. Hindi na ito ang dating Rhett na nanginginig kapag napalibutan ng maraming tao. Magaling na nga siguro ito.
Bago ang signing ay may nag-interview rito.
“So how does it feel that finally, you have made your public appearance?”
Ngumiti si Rhett. Nagsigawan ang mga tao. May narinig pa siyang sumigaw na mahihimatay daw ito dahil sa kaguwapuhan ni Rhett. Mukhang nakuha na agad ng mga tao ang puso ni Rhett. Nakaramdam si Mira ng kirot sa puso niya sa isiping hindi na lang siya ang nagmamahal kay Rhett. Marami na siyang magiging kaagaw rito lalo na ngayong nakita na ng publiko kung gaano kaguwapo ito. Nagseselos siya.
“Nervous,” huminga nang malalim si Rhett. “But not the same as I feel then whenever I think I would make a public appearance. I will admit that I stayed to be a closet novelist because I want to add more mystery on my self to make my books sell more but it is also because I have an agoraphobia then. I have a fear of crowds, of open spaces, on people. It was developed because of my bad childhood. But I am healed now so I decided to take this kind of event.”
Tumango-tango ang babaeng interviewer. “You are changed. Can you tell us what have been the reason why you have changed? If you don’t mind, of course.”
Napansin niyang mas naging malawak ang ngiti ni Rhett. “It is because of a girl…”
Yeah, me. Si Mira naman ay lumawak rin ang ngiti. Naalala niya kung paano niya napabago si Rhett. Gusto niyang ipagsigawan iyon pero pinigilan niya ang sarili niya.
Isang mahabang “oh” ang narinig mula sa mga tao. “That means you are taken?” narinigan niya ng kalungkutan ang boses ng interviewer.
Matagal bago nagsalita si Rhett. Mukhang nag-a-alinlangan itong sagutin ang tanong. Pero sa huli ay ginawa nito at kapansin-pansin ang pagbabago ng mukha nito. Naging mapait iyon pati na rin ang boses nito. “Unfortunately, she is with another guy now…”
Kaiba sa reaksyon ni Rhett ay naghiyawan ang mga tao. Ang buong akala ng mga ito ay totoo ang sinasabi ni Rhett. Ang akala ng mga ito ay single muli si Rhett. At si Mira, kakaiba rin ang naging reaksyon. She felt like her heart was stabbed by a knife with Rhett’s words. Siya pa ang nagmukhang masama samantalang ito nga ang hindi gumagawa ng paraan---kahit na ba nagbitiw na ito ng salita---na ayusin ang relasyon nila.
Sa sobrang sama ng loob ay umalis ng lugar si Mira. Inubos niya ang oras sa paglilibot sa buong mall. Kumain rin siya ng mga comfort foods niya kaggaya ng ice cream at cake para kahit papaano ay mabawasan ang sama ng loob niya. Hanggang sa makapagdesisyon siya kung ano ang mas mainam na gawin. Mag-a-alas siyete na ng gabi nang bumalik siya muli sa book store. Bumili siya ng libro na akda ni Rhett at nagtangkang pumila. Huling batch na pala iyon at masuwerteng nakahabol pa siya. Siya ang pinakahuli sa pila.
Kakaunti na ang tao sa bookstore ng sa wakas ay naiabot niya iyon kay Rhett. Nagulat ito nang makita siya sa lugar.
“Mira…”
Hindi niya nginitian ito o sinabihan man lang ng “Hi o Hello”. Sa halip ay nag-request siya. “Puwede mo bang lagyan ng “I love you” ang dedication sa libro ko, Mr. Ridd?” ginawa pa niyang pormal ang pagkakasabi noon.
“Hindi na kailangan. Alam mo naman na---“
Mariing pumikit si Mira at pinutol ang pagsasalita nito. “Just do it,”
Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niyang nagsusulat na ito sa title page ng libro. Sinunod nga nito ang gusto niya.
“I love you,” basa niya sa dedication nang iabot nito pabalik sa kanya ang libro. “Three words. One powerful statement. It can make a woman’s heart leap, pounce or even melt. I used to feel this, too. But not now. Not today. Not anymore.” Madamdaming wika ni Mira at mabilis na nilisan ang lugar kaggaya ng paglisan rin ni Rhett sa buhay niya.