Beneath the Summer Solstice Moon Chapter 12

Nanginginig ang kamay niy Alta nang pumunta sa labas ng eatery na di maingay at doon kinausap si Kristian. “H-Hello.”

“Miss Alta Kintanar, this is Kristian Cordero. Natanggap mo ba ang padala ko sa iyo?”

Napasinghap siya sa suwabeng boses nito. Parang humahaplos sa kaluluwa niya ang boses nito na nakakahipnotismo. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya nagtapuan ang sariling boses. Tumikhim siya. “Yes, Sir. Thank you. Pero para ba saan iyon?”

“Para sa allergy mo sa init ng araw. You see, I have that same allergy when I was a kid. It is nasty. You want stay under the sun but you can’t because of the allergy.”

“T-Talaga? Pareho tayo?” Pumitlag ang puso niya. Akala niya ay siya lang ang may ganoong problema. Naiintindihan marahil nito ang pinagdadaanan niya. Baka gaya niya, nararanasan din itong laiitin dahil sa pagiging kakaiba nito.

“Bago ka tumapat sa init ng araw, ipahid mo iyan. Iyan din ang ginagamit ko noong bata pa ako. Galing pang Russia ‘yan. Hindi basta-basta mabibili ‘yan kung saan.”

“Thank you. Nag-abala pa kayo. Mahal siguro ‘yon…”

“It doesn’t matter. Ayoko nang inaalala mo ang allergy mo lalo na kapag may competition ka. It will affect your performance. And besides, I still want you as our model.”

“Seryoso kayo, Sir?” di makapaniwalang tanong ng dalaga. Gusto na niyang magta-tumbling sa saya. “Pero…”

“Hindi mo na problema ang allergy mo, di ba? Wala na tayong problema.”

“Pero akala ko si Wanda ang kukunin ninyong model.”

“I never asked her. Ang pagkakatanda ko ikaw lang ang inalok ko. Six gold medals? You might as well be a superwoman. Ngayon pa lang, idolo ka na ng maraming kabataan. You will be a good role model. So I want you.”

I want you. Umaalingawngaw sa kanya ang mga salitang iyon. Napasandal siya sa dingding. Siya ang gusto nito at hindi si Wanda.

“…as our model of course,” dugtong ni Kristian at pakiramdam niya ay bumagsak siya sa lupa. Sobrang aga naman niyang mangarap. “Maybe we can meet for dinner tomorrow night. We can discuss what the commercial is all about and the talent fee.”

“May trabaho po ako bukas ng gabi.”

“The café. Nabanggit sa akin ni Coach Monty ang tungkol sa isa mo pang trabaho. Para hindi ka maabala, pupuntahan na lang kita sa café bukas. So I will see tomorrow?”

Tumango siya. “S-Sige po, Sir Kristian.”

“Just call me Kristian and I will call you Alta, if that is okay with you.”

“S-Sure, Kristian. Hihintayin kita bukas.”

Hindi niya alam kung appropriate ang sinabi niya o kung masyado siyang excited na sasadyain pa siya nito bukas. Excited talaga siyang makita itong muli. Hindi niya masydong iniisip ang commercial. Si Kristian lang ang nasa isip niya.

Hindi mawala ang ngiti sa labi niya nang balikan ang mga kaibigan sa mesa. Naroon pa rin si Homer at puno ng tanong ang mga mata. Naabutan niya si Amphie na inaamoy na ang nakabukas na bote. “Parang juice. Pahingi naman.”

“Hindi iniinom ‘yan. Para ‘yan sa allergy ko,” aniya at kinuha ang bote dito saka isinara.

“Ang sweet naman ni Kristian,” kinikilig na sabi nito. “Talagang pinadalhan ka pa niyan. Niyaya ka ba niyang mag-date?”

Tumawa si Homer. “Parang yayayain kang mag-date noon.”

Matalim niya itong sinibat ng tingin at namaywang. “For your information, siya pa mismo ang dadalaw sa akin sa café bukas. Ako pa rin daw ang kukunin niyang model para sa commercial niya at hindi si Wanda.”

“Naniwala ka naman,” kontra ni Homer. “May gusto lang iyong makuha sa iyo kaya ganoon. Kapag nakuha na niya, iiwan ka rin niya. Ganyan naman ang mga mayayaman.”

“Hindi rin. Sa palagay ko sincere siya,” giit niya at handa siyang ipagtanggol si Kristian kahit ano pang sabihin nito. Naramdaman niya na nag-aalala talaga ito sa kanya. At sa mga bagay na parang nag-iisa lang siya, sinamahan siya nito. Ipinaramdam nito na may isa pang nilalang sa mundo na katulad niya.

“Bahala ka nga diyan,” asik ni Homer at iniwan sila.

“Akala ko kaibigan ko siya. Di man lang siya matuwa dahil maswerte akong kinuha ni Kristian para sa commercial,” nagtatampo niyang wika nang sundan ng tingin si Homer.

“Huwag mong pansinin. Selos lang iyon,” sabi ni Chenie. “Paano matagal ka na niyang dinidiskartehan pero gusto mo magkaibigan lang kayo. Pero isang tingin mo lang kay Kristian kinilig ka na.”

Hindi niya alam pero nang nakaraang gabi lang ay natatakot siya sa nakita niya dito. Hindi na rin naman naulit pa ang pangitain niya kaya wala siyang dapat na alalahanin. Ang kailangan niyang paghandaan ay ang muli nilang pagkikita bukas.

Nag-aabang siya ng jeep sa harap ng eatery nang tabihan siya ni Homer. “Sorry kanina. Nag-aalala lang naman ako sa iyo. Wala akong tiwala sa Kristian Cordero na iyon. Mukhang fuckboy.”

“Homer, alam ko naman na nag-aalala ka sa akin pero di naman yata tama na basta mo na lang husgahan si Sir Kristian. Mukha siyang mabait at marespeto.”

Matiim ang mga mata siya nitong tinitigan. “Alta, gusto ko na mag-ingat ka sa kanya. Nararamdaman ko na may masama siyang balak sa iyo.”

Tinapik niya ang balikat nito. “Napapraning ka lang. Saka malaki na ako. Alam ko na kung anong ginagawa ko. Mag-focus ka na lang sa training mo.”

“Basta mag-ingat ka kay Kristian Cordero, Alta. Mag-ingat ka.”

Isang malungkot na tingin ang ibinigay niya dito nang sumakay siya ng jeep. Nakasunod pa rin ng tingin sa kanya si Homer at matiim ang mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit mas natatakot siya dito nang mga oras na iyon.

UMANGAT ang ulo ni Alta mula sa kaha at awtomatikong ngumiti nang marinig ang pagbukas ng pinto. "Good evening, Sir, Ma'am! Welcome to Thrilla Cafe!"

Naglaho ang ngiti niya pagkuwan dahil hindi iyon si Kristian. Alas onse na noon ng gabi at malapit na siyang mag-out sa trabaho.

"Ngumiti ka naman," anang kasamahan niyang si Betchay at siniko siya matapos ilapag ang order na cappuccino at mocha java. Parte ng swimming team si Betchay ngunit hindi ito nakasama sa SEA Games. Gusto kasi ng may-ari ng café may background din sa sports ang mga staff doon para maging interesado ang mga sports enthusiast na pumunta doon. Puro sports channel din ang mapapanood sa telebisyon ng café.

"Nakangiti naman ako, ah!” aniya at ngumiti sa mga estudyanteng umoorder.

"Pero halatang dismayado ka kapag nakikita mo 'yung pumapasok. May inaasahan ka bang darating?" tanong nito.

"Si Kristian,” sagot niya pagka-punch ng order at pagkabigay ng sukli sa mga ito. “'Yung ikinukwento ko sa iyo kanina."

"Ah! 'Yung gusto kang kuhaning model? Hindi ba bukas pa dadating 'yon?"

"Malay mo pumunta ngayon,” sabi niya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. Di naman siya ganito ka-excited na makita ang isang tao.

Humagikgik ito at napailing na lang nang lagyan ng whipped cream ang chocolate chip. "Excited much? Siguro sobrang guwapo ng Kristian na 'yan kaya ka nagkakaganyan."

"Hindi naman kaguwapuhan niya ang importante sa akin. Pero nakakatanga talaga ang kaguwapuhan niya. Maraming guwapo pero konti lang ang mabait, mukhang matalino at mabango. Inalok niya sa akin ang commercial kahit na siniraan ako ni Wanda. Binigyan pa niya ako ng gamot sa allergy. Pakiramdam ko may connection kaming dalawa." Nararamdaman niya sa puso niya na malaki ang gagampanan nito sa buhay nya. Pwera lang ang pagiging bampira nito sa pangitain niya. Di niya alam kung bakit iyon ang nakita niya. Di naman na naulit.

"Wow! Masyado namang malalim 'yang connection na sinasabi mo. Parang soulmates,” anito at tinawag ang pangalan ng customer na umorder.

A silly grin shone on her lips. "Soulmates."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.