Lumingon ang lalaking mahaba ang buhok na may hawak kay Alta at ngumisi. “Homer, ikaw muna ang bahala sa mezzo. Patatahimikin ko lang ang pakialamerong rojo na ito.”
Naglatang ang galit sa mata nito nang pumailanlang ang sigaw ng dalawa sa mga Umbra na kalaban ni Hideo. “Master Dexter!” sigaw ng isa sa mga Umbra.
“Hindi!” bulalas ni Dexter. Hindi na niya kailangan pang lingunin para malaman kung anong nangyari. Ibig sabihin ay abo na ang dalawa sa mga alagad nito.
Binitiwan ni Dexter si Alta at sumugod sa kanya. He was faster than the other four Umbras who were fighting against Hideo. Mas mabilis ito, mas malakas at mas bihasa sa pakikipaglaban. Mas matindi din ang kasamaang bumabalot dito. Hindi lang basta dugo ang nais nito. Nais din nito ng kapangyarihan at maraming kamatayan di lamang sa mga inosenteng tao kundi para sa mga rojo na tulad niya.
Inatake siya nito ng pilak na kutsilyo. Bahagya siyang lumihis. He snaked his arm against his arm that was holding the knife. He flinched and he heard the bone in his opponent’s arm crack. Nabitiwan nito ang patalim. Handa na siyang itarak ang pilak na kutsilyo sa dibdib nito ngunit ibinuka nito ang palad. May pulbos na kulay puti sa palad nito at hinipan.
Naramdaman ni Alta ang pagpasok ng mala-pulbos na substance sa mga mata niya. Napapikit siya sa sakit at nabitiwan ang kutsilyo. Pakiramdam niya ay may mumunting talim iyon at tumutusok sa mata niya. Parang mabubulag siya. Kinuha na rin nito ang kutsilyong nabitiwan nito kanina.
“Homer, umurong na tayo!” utos ni Dexter at umurong na. Naramdaman niya ang paglayo ng mga ito kasama si Alta. Hindi iyon pwede. Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng kalaban niya kanina. “Huwag kang mag-alala. Hindi ka pa mabubulag, rojo. Pero hindi mo makukuha ang mezzo sa amin.”
“Kristian, hahabulin ko sila,” sabi ni Hideo sa likuran niya.
“Hindi tatagal ang halakhak niya,” sabi niya at bahagyang idinilat ang mga mata.
Ginamit niya ang kapangyarihan ng liwanag at dilim sa paligid niya. Bahagya niyang ibinuka ang mga mata at nakita niyang tumalon sa ibabaw ng mga nakaparadang trailer truck si Homer at sinundan ito ni Dexter. Hindi niya basta-basta patatakasin ang mga ito. Hindi niya isusuko si Alta ng walang laban.
Gamit ang anino ay pumaloob ang kapangyarihan niya sa Umbra. May kakayahan siyang kontrolin ang mga nilalang na mahahawakan ng anino niya.
“Akin ka na,” usal niya at parang robot na inutusan ang katawan ng Umbra upang saksakin si Homer. Tumarak ang patalim sa likuran ni Homer.
Napahiyaw sa sakit si Homer. Hindi man sa puso ang tama ng kutsilyong iyon ay masakit iyon at parang sinusunog mula sa loob dahil sa pilak. Isang malakas na sipa ang ibinigay nit okay Dexter. Bumagsak si Dexter sa kalsada. Si Dexter naman ay nakaplakda pa sa tabi ng trailer truck. Maghihilom ang injury nito ngunit matagal pa bago ito makagalaw o makabangon. Hindi ito threat sa kanila.
Ibinaba ni Homer si Alta sa ibabaw ng trailer truck. Hindi na nito magagawa pang itakas si Alta dahil sa saksak sa likuran nito. Ni hindi nito matanggal ang pilak sa likuran nito at nananatiling nakatarak iyon. At iyon lang ang gusto niya. Ang mabawi si Alta mula dito.
“Iiwan ko siya sa inyo ngayon para huwag ninyong kalimutan na sa akin siya. Sa akin lang si Alta,” wika pa ni Homer at tumalon sa ibabaw ng bubong ng warehouse sa harap nito.
Gusto niya itong habulin at tapusin para hindi na nito balikan pa si Alta. “Kristian, huwag mo na siyang habulin,” utos ni Hideo na mukhang nahulaan ang balak niya. Nakaunan na sa kandungan nito si Alta na sisinghap-singhap. Namumutla na ito. Umaagos ang dugo sa leeg nito at pinapangapusan ng hininga.
“But he must die. He must pay,” usal niya at kuyom ang palad.
“Some other time. Mas importante si Alta. Malapit na siyang mamatay.”
Dali-dali niya itong nilapitan. Pinagdikit niya ang dalawang daliri at sinalat ang pulsuhan nito sa leeg. “Kailangan natin siyang dalhin sa ospital. O sa Valle…”
Umiling si Hideo. “Alam mong wala nang oras para diyan.”
Hinaplos niya ang mukha nito. “Alta, wake up. Please…”
Dumilat ang mga mata ni Alta at ngumiti nang makita siya. It was a weak smile. “S-Sir K-Kristian?”
Inangat nito ang kamay para hawakan niya ang mukha niya. She looked angelic and peaceful at that moment. Iba sa babaeng ikinukwento sa kanya ni Coach Monty na maraming responsibilidad. Di lingid sa kanya ang pang-aapi dito ng tiyahin nito sa batang edad pa lang. May pamilya itong binubuhay. Marami itong responsibilidad at marami ring pangarap. She had a lot of potential and she was a mezzo.
“You must turn her or she’ll die,” mariing wika ni Hideo. “Give her the blood kiss, Kristian. Ikaw lang ang pwedeng bumuhay sa kanya.” Matagal na itong bampira ngunit kahit kailan ay di nito ginustong gawing bampira ang kahit sino. Ayaw isalin ang pagiging bampira nito sa iba kaya magkasundo silang dalawa. Ngunit ngayon ay binibigyan siya nito ng imposibleng responsibilidad. Na parang nakasalalay sa kamay niya ang buhay ni Alta. “Give her your blood now. O gusto mong iwan na lang natin siya dito para tuluyang mamatay?”
Blood kiss. Iyon ay ang pagbibigay ng dugo sa isang taong mamamatay na para maging bampira. Ang kapangyarihan na magmumula sa dugong una nitong ininom ang magiging basehan ng lakas at kakayahan nito bilang bampira.
Hindi pa siya nagkakaroon ng ganito kabigat na responsibilidad. Nasubukan na niyang tumapos ng buhay ng isang bampira para siya ang mabuhay. Pero hindi pa niya naranasan na sumagip ng isang taong malapit nang mamatay at gawing bampira. Napakalaking responsibilidad nito para sa kanya at hindi iyon madali. Habambuhay niyang kailangang bantayan si Alta.
Pero hindi rin niya maaatim na mamatay ito. He didn’t want to let her down. She waited for him. Kasalanan niya ito. Kung mas maaga sana siyang dumating at hindi siya nakabangga ng sasakyan, nagkausap na sila at hindi ito nakuha ng mga Umbra.