Beneath the Summer Solstice Moon Chapter 30

HINDI mapigilan ni Kristian na pagmasdan si Alta habang nakapikit ito. She looked beautiful and innocent. Crush? Sinong beinte uno anyos na babae ang magkaka-crush pa? Mukhang hindi pa ito nagkaka-boyfriend kahit na kailan. Hindi pa ito nadidisilusyon sa pag-ibig.

Sino kaya ang maswerteng lalaking gusto nito? Gusto niyang malaman para naman mapilipit niya ang leeg nito kung sakaling di nito deserve ang affection ni Alta.

Isinuklay niya ang daliri sa basang buhok niya. What the heck! You don’t own her, sermon niya sa sarili. She is under you care. That’s all.

Alta was not even his type. He preferred matured women. Ayaw niya sa mga inosenteng babae na hindi alam kung paano ang laro ng buhay. Naroon siya para protektahan si Alta sa maaring magsamantala dito kasama na ang sarili niya.

Nagulat siya nang bigla itong umahon sa tubig. Tuloy-tuloy itong naglakad papunta sa exit. She didn’t even bother with the robe. “Alta, saan ka pupunta?” tanong niya.

“Si Homer,” usal nito sa hangin.

“Ano?” bulalas niya at biglang umahon ng pool. “Nasaan siya?”

Baka napasok na sila ng mga kalaban ay hindi pa niya alam. But Valle de la Luna Roja was almost impenetrable. Si Kristoff mismo at ang mga anak nito ang nag-design ng security features ng lugar para matiyak na di sila mapapasok ng mga kalaban.

“Kailangan ko siyang puntahan,” usal ulit nito na parang wala ito sa sarili. “Kailangan niya ako. Pupuntahan ko siya.”

Wala nga ito sa sarili. Nakakatitig ang mga mata nito sa kawalan at parang walang ibang nakikita. Pero alam niya kung sino ang nakikita nito – si Homer, ang lumikha dito. Tinatawag ito ng tagapaglikha nito para magsilbi dito. Sinumang lumikha sa bampira ay siyang aangkin dito. Si Homer ang kumagat kay Alta kaya ito ang may kakayahang kumontrol dito.

Ang alam niya ay mahina pa rin si Homer dahil sa lason ngunit hindi na nito pwede pang patagalin ang pagtawag kay Alta dahil maari na nilang turuan si Alta na i-block ito sa isipan nito at mahihirapan na itong mabawi o utusan pa si Alta.

HInawakan niya ang balikat nito. “Hindi mo siya maaring puntahan, Alta. Dito ka lang.” Niyugyog niya ang balikat nito. “Alta, makinig ka! Hindi ka pwedeng pumunta sa kanya.”

“Hindi mo ako mapipigilan,” sigaw nito at itinulak siya.

Nabitiwan niya ito dahil di mahigpit ang pagkakahawak niya dito at malakas ng pagkakatulak nito sa kanya. Malakas ito. Mas malakas kaysa nang magising ito nang nakaraang gabi at naging bagong bampira. Naramdaman niya ang pagkayod ng talampakan niya sa semento. Napauklo siya para di siya matumba ng tuluyan.

Sinamantala nito ang pagkakataon na matakbo mula sa kanya. Tinungo nito ang kagubatan. Nakayapak lang ito at naka-swimsuit kaya siguradong magkakasugat-sugat na naman ito. Sinundan niya ito. Mas kabisado niya ang terrain na iyon kaysa kay Alta. Mapanganib ang mga Umbra. Kung hindi man mapasakamay ng mga ito si Alta ay tiyak na uutusan ng mga ito si Alta pumatay. Hindi rin niya ito maaring pabayaang makalayo dahil baka mapalaban ito sa ibang mga guwardiya. Kung makakapatay ito ng isa sa mga taga-club o tauhan sa club sa kagustuhanng makatakas ay di mangingimi ang ibang naroon na patayin din ito. Iyon ang patakaran ng club. Responsibilidad niya na maiwasan iyon.

Nagpadala siya ng mensahe kay Pinunong Kaptan gamit ang isip niya. Tatay, tinatawag si Alta ng Umbra na lumikha sa kanya. I need help. Sinusubukan niyang tumakas ngayon para puntahan si Homer.

Pigilan mo siya, utos nitong mariin. Sasabihan ko ang guwardiya na bantayan ang lahat ng daanan para di siya makalayo. Magpapadala din ako ng mga guwardiya na tutulong sa iyo para mapigilan siya.

Itinodo niya ang bilis niya at dali-daling naharang ang dadaanan ni Alta. “Hindi kita hahayaang makalayo dito,” mariin niyang wika.

Huminga ito ng malalim at tumalim ang mata. Kasunod niyon ay ang pagtalas ng kuko nito at ang paglabas ng pangil nito. “Kung ganoon ay dapat kang mamatay.”

Sumugod ito sa kanya. Marahil ay iyon ang utos ni Homer dito at parang robot ito na susunod lang. Sinumang pumigil dito ay kamatayan ang sasapitin.

Iwinasiwas nito ang kamay at nagawa niyang umiwas ngunit nahagip ng matalim nitong kuko ang sikmura niya. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang pagguhit ng hapdi sa sikmura niya. Pwede siyang magbago pa ng anyo para madominahan at pigilan ito subalit maaring masaktan din niya ito. Hindi niya ito kayang saktan.

Sinagod siya nito at dinaluhong. Nagpagulong-gulong sila sa mga tuyong damo. Naglalaban kung sino ang mas nakapangyayari sa kanila. Nang pangibabawan niya ito ay biglang umamo ang mga mata nito. Umurong ang pangil nito pati ang kuko nito. “Huwag mo akong saktan. Huwag,” malambing na pakiusap nito.

“H-Hindi kita sasaktan, Alta.” He put his guard down. Ayaw niyang matakot ito sa kanya. Humawak ito sa balikat niya at bumangon. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang muling pagtalim ng mga mata nito at paghaba ng pangil. Bago pa siya makahuma ay bumaon na ang pangil nito sa balikat niya.

Shit! He had been conned. Sa tanda niyang ito ay nauto pa siya ng isang simpleng trick. Sobrang tanga talaga niya. Kung maubos man ang dugo niya ngayon ay kasalanan din niya dahil sa katangahan niya. Saan ba napunta ang utak niya pagdating kay Alta?

It has been fifty years since a woman tricked him into feeding from her. Iyon ay nang mauto siya ng baronesang umubos ng lakas at dugo niya. Simula noon ay wala nang babaeng nagpaikot pa sa kanya. He hated the feeling of being trapped, of being cheated.

He could make her weak the way she feeds on him. Kahit na bampira siya ay maari pa rin siyang manghina kung kukuha ito ng maraming dugo mula sa kanya. He felt pain along with orgasm rolling right through him. The piece of heaven that comes from feeding.

Nang inakala nitong nanghina na siya ay tumayo na ito at akmang iiwan siya. Bumangon agad siya at hinabol ito. Marahil ay liyo pa rin ito mula sa dugo na kinuha nito mula sa kanya. "Bitiwan mo ako!"

Hindi na siya nito mauuto pa sa pagkakataong ito kahit pa magmakaawa ito sa kanya. "I won't let you go."

Namayani ang pagiging mas malakas niya mula dito. Isinalya niya ito sa puno at pinigilan ang mga kamay nito upang di na siya makalmot pa. Then he pressed his body against hers so she won’t move anymore. She let out an anguish cry as if she was hurt.

He could hear the rush of her blood. Hindi niya alam kung paano ito makokontrol. Ang tanging paraan para makawala sa impluwensiya ni Homer ay kung mamamatay si Homer. Dahil hindi pa alam kung saan ito nagtatago ay mahirap mangyari iyon.

Then something else kept on nagging inside her head. When she fed from him, he couldn’t contain how his body reacted to her. Mahirap yatang gawin iyon lalo na’t magkadikit ang mga katawan nila. Tuwing nanlalaban ito sa kanya ay lalong tumitindi ang nararamdaman niya dito.

With a growl, he gave into the sensation and kissed her.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.