Bloof of Roses & Heart of Bullets Mafia 3-4 Chapter 24

Chapter 24

Tukso

In just a flash .. I was broken. I don't know if I will ever be rebuilt.

Nakatulog ako sa balikat ni Felix ng mga sandaling iyon. Pagkamulat ko ay nasa isang yacht na kaming dalawa o baka ngayon ko lang napansin na nakaupo na ako sa kama sa loob ng yacht dahil sa lalim ng pag iisip ko.

"You brought this yacht?" tanong ko.

Tinitigan niya ako habang nag aayos siya ng aming kakainin na nasa mesang maliit aa gilid.

"Pinabili ko lang sa kakilala ko dito dahil kakailanganin natin to. We'll spend our night here tsaka tayo patungong Batangas.."

Ngumisi ako ng malungkot. "Uhm..why are you doing this?"

Huminga siya ng malalim kinuha ang alak sa mesa at pumutok iyon ng buksan niya.

Tinitigan ko siyang binuhos sa wine glass ang laman nun tsaka niya binigay sakin ang isa.

Umupo siya sa aking tabi at tinungga ang sa kanya.

"Bloom.. Nakita kitang lumaki. You are more than friend for me. Let's just cheers alright?"

Ngumuso ako at binangga namin ang aming wine.

Wala akong dalang damit kaya hindi na ako nagtaka ng hubarin ni Felix ang kanyang polo at pinasuot iyon sa akin. May kinuha naman siyang sando at sinuot iyon.

Kakagaling ko lang sa banyo at sinuot ang kanyang polo nang makita ko siyang papalabas.

"Saan ka?"

When he turned to me. His eyes were bloodshots. Kinagat ko ang aking labi.

"Sa taas lang, magpapahangin." hinila niya ako ng hindi ako kumibo. Nakaakbay siya sa akin nang lumipat kami sa mataas na deck.

Sumabog at kumalat ang aking buhok nang hampasin ito ng malakas na hangin. I shivered but Felix heat was enough to tampered the cold wind.

Mayroon doong isang couch kaya pinagkasya namin doon ang aming sarili. Busog kaming dalawa sa dami ng aming kinain kanina sa kuwarto.

"So there's something between you two huh?" tukoy ko kay Addelyn.

He smirked arrogantly. Nangunot ang aking noo dahil doon.

"I'm serious..damn serious." ulit ko.

Hindi siya sumagot. Imbes ay kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Here he comes again. His old habbit.

"Ano ba talaga? We are childhood friends pero hindi ko alam tungkol kay Addelyn."

"You still do not know much about me." aniya at ibinuga ang usok. Ngumuso ako at tumango.

"Yeah.. you are right."

Tama siya. Bukod sa kilala ko siya noon pa man, grupo siya ng isang frat noon pero nag aaral bilang isang guro.

Ganon ka kumplikado noon ang buhay niya. Parang hindi mapag tagpi tagpi tapos nalaman ko na lang na Mondragon pala siya. Kilala rin siya nila mama at papa noon. Kahit na palipat lipat kami, Felix did everything para lang makausap ako o makita man lang.

"Kalaban ng mga Mafia ang ama nila Diego at Addelyn." panimula ni Felix.

Alam ko ang tungkol doon. Kaya nga bihag ang ama nila ngayon.

"Bata pa lang sila nang mawalay si Addelyn sa tunay nyang pamilya. I was somewhere in Manila province for my studies.."

"Barumbado ka kasi noon kaya ka palipat lipat."

Hindi niya iyon pinansin.

"First year college when I first met her." naging seryoso siya habang titig na titig ako sa kanya. Parang kumikirot ang puso ko. Pakiramdam ko..nasasaktan rin ngayon si Felix. Hindi ko lang alam kung bakit.

"Ako naman ay bumalik lang sa lugar na iyon dahil sa misyon ko sa Fraternity. Nagrerecruit na rin. I... I can't resist her..then I took advantage."

"What advantage huh?"

Kinagat niya ang kanyang labi at inakbayan ako at humilig kami sa sandalan.

"Tied her while she's begging for her.  life. "

Naningkit ang aking mga mata.

"Really huh? Ano pa.." niyugyog ko pa siya para udyukin na magsalita pa pero ayaw na niya.

"Ayoko nang sabihin.."

"Ang damot. Kwento lang naman.."

"Trying to forget the pain eh?" tukso niya sakin. "Wag kang mag alala. Mamahalin naman kita kung ayaw sayo ni Diegong gago.."

Mas siniksik ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"You are way better than him.." wala sa sarili kong sinabi. Ngumuso ako at nilagay ang aking kamay sa kanyang abs.

Yung tipong nasa bingit na ang hawak ko at may makakapa na akong hotdog.

"Stay there baby..." halakhak niya.

Umirap ako. "Hinihipuan lang kita kasi namiss ko katawan ni Diego.."

Tumawa siya ng malakas. Yung tipong yumugyog ang couch dahil sa hagalpak niya.

"So this is all a rebound huh?" aniya pagkatapos.

Umiling ako. "No. Noon pa man alam ko nang walang patutunguhan ang pag ibig ko sa kanya. Parang nasa ere ako at walang alam tungkol sa lahat. Yun pala yung kambal ko ang mahal niya. I am the rebound. Lahat ng pinakita niya para iyon lahat kay Melissa."

Nangingilid ang luha ko ng maalala yung mga binili niya sakin. Pilit niya akong pinasuot ng t shirt at sneakers para mag mukhang si Melissa.

So, hindi talaga ako sa simula pa lang.

Si Melissa yung Maria Clara at ako yung kontrabida. The blacksheep.

Yumugyog ang aking balikat dahil sa aking pinipigilang luha. Hinagilap ni Felix ang aking baba at pinaharap sa kanya. Pinunasan ng likod ng kanyang palad ang aking mga luha habang ako ay halos humiga na sa kanyang ibabaw dahil sa pagkakayakap niya sa aking baywang.

" Makakaya ko naman to. T-this is just a stupid puppy love.." I cried more.

Seryoso niya naman akong tinititigan.

"Gusto kong pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo.." bumaba ulit ang kanyang kamay sa aking baba. Hinawakan niya iyon at hinimas.

Naluluha akong tumitig sa kanya. Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi.

"I can be your boyfriend. Even just a rebound. I wont mind. Wag ka lang malungkot."

"Kaya mo?" pumiyok ang aking boses. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako lalo o masisiyahan sa mga sinabi niya. Lagi na lang siyang ganito..nagpapaubaya..nagbibigay.

"Paano si Addelyn?"

"She's engaged. She don't even love me."

Oh..kaya pala pareho kaming duguan ngayon.

Hinila niya ako pataas kaya nakapatong na ako sa kanya. Parang hinihele ako ng haplusin niya ang aking buhok na para bang kanya akong pinapatulog.

"Thank you so much Felix.." ngumiti ako habang titig na titig sa madidilim ng mga tingin. Nakatingin lang rin siya sakin ng malamlam na tila ba ayaw niyang madagdagan ang aking mga pighati.

He just nodded and look at my lips. Nang mailang ako ay kinagat ko ang aking labi.

Unti unti niya akong hinila pataas para maglebel ang aming mukha at hinawakan ang aking pisngi bago pumikit nang maramdaman ang kanyang labi.

Isang patak lamang iyon at hiniga niya ako sa couch. Siya na ngayon ang nakapatong sakin.

Hindi ko mabatid kung ano itong nararamdaman ko.

Imbes na halikan niya ako sa labi ay bumaba ang kanyang halik sa aking panga at dibdib. Humigpit ang hawak ko sa kanyang buhok nang halikan at dilaan niya ako sa leeg.

Nang tumigil siya at magkatinginan kaming dalawa ay punong puno na nang tukso ang aming mga mata.

~~~

Pagka gising ko kinaumagahan ay papadaong na ang yacht sa Batangas.

Lumabas ako ng kuwarto at nakitang nakaantabay na sila ni Felix sa pagdaong ng Yacht sa pantalan.

Hinihipan ng malakas na hangin ang aking buhok. Nang maramdaman ni Felix ang presensya ko ay nilingon niya ako.

"You should sleep more." Utos niya.

Umiling ako at tumitig sa Pantalan na malapit na.

"Malapit na tayo kaya hindi na ako matutulog. Saan tayo mamaya?"

He crawled his hand on my waist.

"Uuwi kana sa daddy mo. He called me earlier today. Alam niyang magkasama tayo."

Natigilan ako. Wala akong maramdaman na kahit ano. Walang takot o kaba. Hindi ako ang taong nagsinungaling kundi sila kaya bakit ako matatakot at kakabahan?

Tapos na ako sa ganoong pakiramdam. Kapag nakakaramdam ka ng takot ay madali kang matatalo. Ayoko maging talunan.

"Okay." simpleng sagot ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Nililipad rin ng hangin ang kanyang buhok. Ngumisi ako. Ang guwapo niya.

"Why you are smiling? Hindi ka nababahala?"

"Bakit naman ako mababahala? Kay Don? No way. Kung ako sa kanya itakwil niya na lang ako para sa ganon ay mamumuhay na lang ako ng tahimik."

Speaking of Don.

"Where's your mom and dad by the way?" I asked him. It's been a long looong time since I saw his parents. Tingin ko bata pa ako noon.

Umiwas siya at mas lalong nangunot ang noo.

"They were ambush."

Nangilabot ako nang marinig iyon. Nagkumahog ako kung ano ba ang puwede kong sabihin upang mapagaan ang kanyang loob.

"Namatay silang dalawa. Ako lang nakaligtas. Marco was furious that time.."

"Nasaan na ang mga kriminal?"

"I killed them." he drawled slowly. Hindi siya tumingin sakin kundi sa madilim na dagat. Tila ba doon tinutuon ang kanyang galit. His arms corded,kaya hinawakan ko iyon at hinimas para kumalma siya.

"Calm down." sabi ko  habang nakatingala sa kanya. "Everythings happened for a reason."

Tila tinanggap niya naman ang sinabi ko at kumalma siya. Umawang ang labi niya at kinabig ako upang yakapin.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Nakadaong na kami sa pantalan sa Batangas pero hindi ko parin maipinta ang mukha ni Felix. Basta parents niya ang pinag uusapan nag iiba agad ang timpla niya. Hindi niya ito nasabi sa akin. Minsan ko na nakasalamuha ang parents niya noon!

May nakaabang nang itim na sasakyan at sumakay na kami doong dalawa.

"Tayong dalawa lang?" I asked him. Napansin ko kasi na hindi sumama ang mga tauhan niya.

"I can protect you without my men, Bloom."

I nodded. Syempre naman alam ko iyon.

"Hanggang kailan kaya Felix?"

Nasa daan na nakatuon ang kanyang tingin. Puro burol na ang nakikita ko sa gilid ng daan at sa kabila naman ay dagat.

"As long as you are with me."

"You are my Knight and shining-"

He chuckled. "That's an old cheap line."

"Totoo naman ah."

Mahaba ang naging biyahe lalo na at huminto pa kami ni Felix para kumain sa isang Restaurant.

Alas dos na nang hapon nang makarating kami sa mansyon. Tahimik ang mansyon nang kami ay dumating. Ni hindi napagod si Felix kaka drive.

"Papasok ka pa ba?" Nakakagod talaga ang umupo.

"Yes. Don Cleo wants to talk to me."

Nangunot ang aking noo.

"Para saan?"

"About us.." prangkang sagot niya. Nagkatitigan kaming dalawa. May mga ideya na pumapasok sa isipan ko.

"What ever." Pag sawalang bahala ko. Tuloy tuloy akong pumasok ng bahay. Abala ang mga katulong hindi tulad ng dati. Napatigil ako at tinaasan ng kilay ang isang katulong.

"What's going on?"

"Ah..Senyora. Nandito na po kasi si senyorita Diego at si Senyora Melissa."

Parang sumabog iyon sa harapan ko. Pero nakuha ko pang tumango pero nakatulala.

"Nice.." tanging sagot ko at tinungo  na ang aking kuwarto. I do not know why I feel so numb.

Sa ibang pagkakataon gusto kong magdabog, mambaril at manakit ngunit ngayon wala na akong maramdaman.

Pakiramdam ko kapag nandiyan si Felix, ayos ang lahat.

Nandoon na ako sa kuwarto at nakita kong may transparent na vase doon. Lumapit ako doon at kinuha ang cellphone ko.

"Kill the old memories." I smirked. Lumubog ang cellphone ko doon at may lumabas na mga bola.

Nagkulong ako sa kuwarto buong hapon. Ayokong makakita ng kahit ano na laman ng mansyon na ito.

Sumapit ang gabi at marami na akong naiisip na kalaswaan sa aking utak dahil sa buryo nang mapasyahan kong maligo.

Huhugot na sana ako ng damit pero may kumatok sa pintuan ng aking kuwarto at pumasok si Addelyn.

"Yes?" tinaasan ko siya ng kilay. I'm not shock at all.

Nakayuko siya at nang magtama ang tingin namin ay malamlam ang tingin niya sakin.

"Puwede ba tayong mag- usap?" mahinang tanong niya.

Ngumuso ako. I closed my cabinet at humalukipkip na nilapitan siya.

"As your senyorita..I don't give you the right to talk to me as long as I want to. We are not friends.." tipid akong ngumiti.

Napalunok siya at nanatili sa kanyang kinatatayuan.

"Senyorita. Isa lang po. K-Kayo ba ni Felix-"

"Hindi." Putol ko sa kanya. Inaasahan ko na ito mula sa kanya. "Pero mananatili ako sa tabi niya, dahil mahalaga siya sakin. Hindi ko siya sasaktan tulad ng ginawa mo. He does not deserved you. Bitch."

Namilog ang mga mata niya ng marinig iyon. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Leave now." utos ko. She slowly nodded and face me.

"Mag ayos na po raw kayo sabi ni Don Cleo para sa intimite dinner senyora."

"Ofcourse. I will."

Iniwan ko siya doon na nakatayo. Nang makapasok ako sa banyo ay uminit ang gilid ng aking mga mata. Kinagat ko ang labi at pumasok na sa shower para mahimasmasan sa aking nararamdaman.

Nagsuot ako ng itim na hapit na dress. May strap iyon at hinayaan ko ang mahaba kong buhok na lumugay. Parang sa kung saan na burol ako pupunta nito but I don't mind.

Bumaba na ako at pumunta sa gilid ng pool area. Doon raw kasi ang aming dinner. Hindi ko ito inaasahan. May iilang bisita si Don Cleo na naririto at napatingin sila sa akin nang makita ako.

Hindi ako umimik at lumapit nalang. I am aware of Diego's and Mellissa's stare.

"Hija!" masiglang pagbati ni Don Cleo. Hayop.

"Your two daughter's is really beautiful.." anito ng isa. Pinakilala ako doon ni Don Cleo pero parang lutang ako.

Melissa was wearing a whiter and pink dress habang nasa tabi niya si Diego.

Doon palang, ramdam ko na ang pagtraidor ng lahat.

Nilapitan ko si Don Cleo. Nandidilim ang paningin ko.

"Excuse me.. Don Cleo, can we talk?" sabi ko. Ni hindi ako umupo sa kahit anong upuan.

Napawi ang ngisi niya.

"Of course." anito at nilahad sakin ang isang hallway na papasok sa mansyon.

Nakasunod ako sa kanya. Huminto siya nang makalayo na kami sa maraming tao.

"Ano ang mapaglilingkod ko mahal kong anak?" magiliw ang mukha niya nang harapin ako.

Habang ako, nanginginig na ako sa lahat nang dapat kong isumbat.

"Huli na pala ako sa balita Don Cleo? Mayroon pala akong kambal?"

Tumawa siya. Ang tamis tamis ng tawa niya.

"Goodness Mystique. I am so sorry to hid it from you. Alam mo, katulad mo rin..gusto ring umalis sa puder ko ang kambal mo kaya malayo siya sakin. So I decided to let her.."

"She's inlove with.. Diego?" I slowly asked. Parang mabubuwal na ako.

"Yes.." titig na titig sakin si Don Cleo nang sagutin niya ako. "She's inlove with Dan Geigo." he confirmed.

" I am inlove with Diego.." pag amin ako.

Ang pag iling ni Don Cleo at ang disappoinment sa mukha niya ay klarong klaro sakin.

"Melissa needs Diego."

"Paano ako Don? Alam nyong mahal ko si Diego-"

"You don't need him! Goodness Mystique! Mahal siya ng kambal mo! Do not push my buttons!"

Nabigla ako sa pagsigaw niya sakin.

"I am not telling you this to beg anything Don C-Cleo. I am telling you this because you are being u-unfair-"

"Mystique... they are happy before without you. Do not ruin anything or else..itatago kita sa piitan."

Then he left me.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.