PINAKATITIGAN ni Anna si Daimon habang nakaharap ito sa kanya at binibigkas ang wedding vows nito. Nakangiti ito, makikita ang sinseridad at pagmamahal sa berdeng mga mata nito. Nakakawala ng lahat ng bigat na dinadala niya sa ngayon na may isang kagaya ni Daimon ang nagmamahal ng ganoon sa kanya.
Love Conquers All... Iyon na lang ang iniisip ni Anna. Sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan niya, umaasa siya na malulutas rin iyon dahil alam niyang mahal siya ni Daimon. Kahit masasabi ng iba na sandali pa lang ang isang taon na pagkakilala nila, hindi na rin siguro iyon mahalaga. Ang mahalaga ay mahal siya nito. Mahal niya nito. Nagmamahalan sila.
Labing siyam na taong gulang pa lamang ngayon si Anna at si Daimon naman ay dalawampu’t apat na taong gulang. Lahat ay nagsasabing napakabata pa nila para magpakasal. Lalo na siya. Iyon rin naman ang nasa isip ni Anna. Nagsisimula pa lamang si Daimon ng career nito at siya naman ay hindi pa nakakatapos ng kolehiyo. Marami ang nagsasabi na mali ang nangyayari pero kahit mismong pamilya na rin ni Daimon ang nagsasabi noon, hindi rin naman pumayag ang mga ito na hindi sila magpakasal.
Apat na buwan ng buntis si Anna. Hindi gusto ng mga itong magkaroon sila ng anak na hindi pa sila kasal. Sa kabila ng hindi kagandahang reputasyon ng pamilya Jason, may pagkakonserbatibo pa rin ang mga ito.
Kakaunti lang ang dumalo sa kasal nila ni Daimon. Ginanap iyon sa yate na pagmamay-ari ng pamilya nito sa Manila Yacht Club. Simple at tahimik lang ang kasal. Tanging ang dalawang nakatatandang kapatid lang ni Daimon sa pamilya nito ang dumalo at ilang malalapit na kaibigan. Sa parte naman ni Anna, dahil wala na siyang masasabi pang pamilya, tanging ang kaibigan na si Alexa na lamang ang kanyang inimbita. Makikita niya ang saya sa mukha ng kanyang kaibigan, kaiba naman sa mga kapatid ni Daimon na sina Cristiano at Alekos. Hindi naman sa hindi siya ng mga ito gusto para kay Daimon. Kahit madalas na abala ay ilang beses na rin naman niyang nakita ang mga ito at wala namang ipinapakita ang mga ito na pagkadisgusto sa kanya. Ngunit ramdam niyang hindi ng mga ito gustong mag-commit ng ganoon kabilis ang nakababatang kapatid ng mga ito. Marami pang pangarap ang mga ito para sa kanyang nobyo. Ngunit wala na rin naman na magagawa ang mga ito dahil kahit si Daimon ay hindi papayag na hindi sila magpapakasal sa kondisyon niya. Masyado siya nitong mahal para hindi na lang panagutan.
“I, Daimon Jason, commit myself to you, Anna Tolentino, to share with you my life. I promise to love you when life is easy and when it seems hard. To be there with you, take care of you, in sickness and in health. To always hold you in the highest regard...
“I love you enough to fight for you, to believe in our relationship, to stand by it through the worst of it, to have faith in our strength as a couple, and to never give up on us. I will be there for you to spend the rest of my life. I will be there for you when you need or want me, and never ever want to leave you or live without you. I promise that you’ll be the only woman in my life from now on. Hinding-hindi kita ipagpapalit dahil ikaw ang nagpapakompleto sa buhay ko. I love you more than words can show, Anna.”
Hindi inalintana ni Anna ang nag-ubuhang mga bisita sa mga nakakaantig na sinabi ni Daimon. Hindi dapat niya iniisip ang mga problema. Ang naging pagkakamali dahil na rin napakabata pa nila. Ang mga takot. Mahal niya si Daimon. Kahit marami ang nagsasabi na bata pa siya para maisip at masabi iyon, nararamdaman niya sa puso niya. Ito na rin ang natatanging lalaki na gusto niyang makasama sa buhay. He was the sweetest man that came into her life. Binago nito ang mga pananaw niya sa buhay. Nagtitiwala siya na gagawin lahat ni Daimon ang mga sinabi nito.
Iba si Daimon sa pamilya nito. Iba rin ito sa ama niya. Nagtitiwala at naniniwala siya sa isipin na iyon.
Kinuha niya ang kamay ni Daimon at inilagay sa isang daliri nito ang singsing na takda ng kanilang pagmamahalan.
“Sabi nila, love hurts daw. Pero nang makilala ko at nagsimulang magtiwala kay Daimon, naniniwala ako na hindi totoo iyon. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someone hurts. Envy hurts. Ang mga bagay na iyon, palagi na lang naipapagkamali sa pag-ibig. Pero kung titignan natin ang realidad, ang pag-ibig ang natatanging bagay na bumabalot sa lahat ng mga sakit at siyang nagpaparamdam sa isang tao na maging masaya muli. At ikaw, Daimon Jason, ikaw ang nagparamdam sa akin noon at naging dahilan na sa kabila ng pinagdadaanan ko, naggagawa kong sabihin ang bagay na mga ito...
“I, Anna Tolentino, take you, Daimon Jason, to be my lawfully wedded husband. To have and to hold. To stay with you for all the good things that you had done and not to leave you for one thing you would done wrong. I’m thankful---“
Pinutol ni Daimon ang pagsasalita niya nang halikan siya nito. “I won’t do that. I’ll include that on my vow, too. Never will do a single wrong thing to my wife...”
Napangiti si Anna. Sa isang taon na pagkakakilala nila ni Daimon, at sa ilang buwan na itinagal ng relasyon nila, wala siyang masasabi na ginawa nga nito na mali sa kanya. He was faithful. Palagi itong nasa tabi niya kapag kailangan niya ito. He was the man she needs. Hindi rin siya nito sinaktan, pisikal o emosyonal man. Lahat ng ipinapakita nito sa kanya ay mabuti. Dahil sa mga iyon, naniniwala siya na totoo pala talaga ang pag-ibig. Marami rin na magandang bagay na ipinakita at pinadama sa kanya si Daimon na akala niya ay hindi na totoo. Na isang ilusyon lamang. Pinadama sa kanya ni Daimon ang akala niya ay imposible. Nagtiwala siya rito. Nagtitiwala at naniniwala rin siya na tutuparin nito ang pahabol na vow nito.
“Right. And because of that, I’m thankful that you are here to remind me that the most important things in life are right in front of me...” masuyong tinignan niya si Daimon na tila nagliliwanag ang mukha sa kasiyahan. “I vow to love you. To you be the only man I will commit myself in to. I vow to share the rest of my life with you. I love you. I’m completely in love with you, Daimon...”
Sa pagtatapos ng pagbigkas ng mga wedding vows nila ni Daimon ay siya namang pag-anunsiyo ng pari na mag-asawa na sila. Hinalikan siya ni Daimon. Mangiyak-ngiyak si Anna dahil sa saya na nadarama. Ito na ba ang sinasabing “happily ever after” sa mga fairy tales? Is Daimon really her happily ever after?
Pero kagaya nga nang palagi niyang sinasabi sa sarili. Pinagkakatiwalaan at pinaniniwalaan niya si Daimon. Hindi siya nito sasaktan. She felt his love for her. She felt it in his actions, in his words, in his vows and promises.
Even though they said, promises are meant to be broken.