Broken Vows Trilogy Chapter 30

“MOMMY, ang sarap po dito sa pool. Ligo ka na rin po. Please?” pakiusap ni Lexi sa ina habang ipinagdaop ang kamay nito. Kasalukuyan itong nasa swimming pool at sakay-sakay ng salbabida na pinabili niya pa para lalong mag-enjoy ang anak habang nasa bahay niya. Sa kasalukuyan ay tatlong araw na itong nanatili sa bahay niya at lalo pa niyang na-o-obserbahan na kahit na ba masaya ito na nasa paligid siya, gusto pa rin nito na palaging kasama ang ina nito. Tuwing hapon ay palaging gusto ni Lexi na maligo sa swimming pool pero palagi itong tinatanggihan ni Clara. Hinahayaan na lang siya nitong kasama ang anak habang ito ay nakabantay lang sa paligid.

Kagaya ng nakalipas na araw, tinanggihan muli ni Clara si Lexi. “Enjoy ka na lang with your Daddy, okay?” ngumiti ito sa anak at binigyan ng flying kiss upang hindi magtampo ang bata. Pero hindi iyon kinuha ni Lexi. Sumimangot ito. Hindi nagustuhan ni Alekos ang nakita.

Inamin naman sa kanila ni Clara kung bakit hindi nito gustong maligo sa swimming pool. Minsan na daw kasi itong muntik na malunod noong bata pa ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-recover. Naiintindihan naman niya ito pero parang may gumugulo sa loob niya sa isipin na tila ayaw nitong takutin ang takot nito. Napangisi si Alekos nang bigla siyang may maisip.

Bumulong siya sa anak. “Gagawa ako ng paraan para makaligo si Mommy sa pool. But promise me, you’ll behave while I’ll pick her, okay?” nasa mababa man silang parte ng pool ngayon at kahit may salbabida si Lexi ay hindi niya pa rin gustong iwan ito ng basta na lang. Malayo ang ilang empleyado niya sa pool upang bantayan ito. Nang tumango si Lexi ay umahon si Alekos sa pool. Lumapit siya kay Clara na ngayon ay abala na nagbabasa ng diyaryo. Iyon ang madalas na ginagawa nito kapag lumalangoy sila ni Lexi tuwing hapon.

Kinuha ni Alekos ang diyaryo na hawak ni Clara. Kaagad naman na nag-react ito. “A-anong ginagawa mo?”

Halatang nagulat si Clara sa paglapit niya rito. Pero tila normal na sa kanya na parang nanginginig ito tuwing nagsasalita sa kanya. Nagsimula iyon nang araw na sabihin niya rito ang gusto niyang consequence upang hindi niya kuhanin si Lexi rito.

Hindi si Alekos ang taong basta-basta na lang nagpapadalos-dalos sa desisyon. Madalas ay pinag-iisipan niya ang mga bagay-bagay. Nagkaroon naman siya ng isang araw upang mag-isip sa magiging set-up nila Clara pero tila kulang pa rin iyon. Galit pa rin siya rito. Dapat ay ginawa niya ang nararapat. Gusto niyang saktan rin si Clara upang makaganti at magagawa niya iyon kapag kinuha niya si Lexi rito. Pero kapag ginawa niya iyon, alam niyang sasaktan rin niya si Lexi. Nakita niya ang pagmamahal nito sa ina. Hindi niya gustong saktan ang kanyang anak.

Mahal na niya ang anak at dahil mahal niya ito, ayaw niyang maging sakim. Kahit ikasasakit niya iyon, kung ikasisiya naman ng kanyang anak na makasama ang ina, kaya niyang tiisin iyon.

Pero alam ni Alekos na hindi lang iyon ang dahilan. Naapektuhan pa rin siya kay Clara. Pinag-iinit pa rin nito ang dugo niya. Gusto niyang gumanti rito pero tila mas malaki ang kagustuhan niya na maangkin ito.

At napatunayan niya iyon ng gabing hinalikan niya ito.

Hindi man na naulit ang pangyayaring iyon dahil halatang iniiwasan siya nito ay aminado si Alekos sa sarili na ginugulo siya noon. Tila ba torture na makasama sa iisang bahay si Clara na hindi niya nagagawa iyon. He wanted her. Ramdam niyang hindi pa ito ganoon kasigurado dahil na rin sa ilang beses na pag-iwas nito sa kanya sa nakalipas na tatlong araw pero gagawa siya ng paraan na maging pareho ang nararamdaman nila. Hindi pa man niya maggawa ngayon dahil iniisip rin naman niya ang sitwasyon.

Masyado pang mabilis ang lahat. Kailangan rin na mag-adjust ni Clara sa sitwasyon. Natatawa na lang si Alekos sa isipin na may puso rin naman pala siya. Iniisip niya ang nararamdaman ni Clara. Pero iniisip niya na baka kaya ganoon ay dahil sa anak. Isama pa na hindi rin niya gusto na mamilit ng isang babae sa isang affair. Hindi niya ugali iyon.

Hindi sinagot ni Alekos si Clara. Sa halip ay nilapitan niya pa ito lalo at nakangising binuhat. Nanlaki ang mga mata ni Clara, sumigaw na ibalik niya ito sa puwesto kanina pero hindi iyon pinansin ni Alekos.

“Because you are a stubborn woman, you deserve to be punished.” Wika ni Alekos pagkatapos ay inihagis si Clara sa swimming pool. Kagaya ng inaasahan ay naghisterya ito roon. Natatawang tumalon siya upang sagipin ito.

Hawak-hawak na niya si Clara pero hindi pa rin nito gumawang kumalma. “Buwisit ka! Bakit mo ako inihagis dito? Baka malunod ako! Dalhin mo ako sa---“ hindi na pinatapos ni Alekos ang sinasabi ni Clara dahil nakaisip na siya ng magandang paraan upang kumalma ito.

Hinalikan ni Alekos si Clara.

Naalala niya noon na ang kahinaan ni Clara ay ang halik niya. Ilang beses rin nitong sinabi iyon sa kanya. At noong hinalikan niya ito muli ay naramdaman rin niya ang panghihina nito. Naisip ni Alekos na magandang paraan upang kumalma si Clara. Nagtagumpay naman si Alekos. Natigil sa pagprotesta si Clara. Mukhang nanghina ito.

Pero hindi lang si Clara ang hina. Alekos felt weak and melting, too. Kakaiba talaga ang labi ni Clara. It was soft as marshmallows, tasted like his favorite sweet wine. Hindi miminsan na ipinagkumpara niya sa ibang mga babae na hinalikan ang klase ng pakiramdam na ibinigay ng mga halik ni Clara. Walang sinoman ang nakahigit.

Napatigil lang si Alekos sa paghalik kay Clara nang maramdaman niya na tila umaambon. Nakita niya si Lexi na sinasabuyan sila ng tubig sa hindi kalayuan. Napansin agad ni Alekos na namula si Clara at pakiramdam ni Alekos ay naging ganoon rin siya. Nakalimutan niya na nandoon nga pala ang anak bago niya gawin iyon.

“Mommy and Daddy kissed!” masaya pa na wika ni Clara. “Yehey!”

Sinubukang maglakad ni Clara papunta sa anak. “Wala iyon, Anak...”

“Wala? Bakit naman po? `Di ba po kayo ang nagsasabi sa akin na kaya binibigyan ng kiss dahil love siya? Kagaya mo po sa akin. Kaya lagi mo po ako binibigyan ng kiss...”

Lalong namula si Clara. Pero hindi ito nagsalita sa anak. Ganoon rin naman si Alekos. Nakaramdam siya ng saya. Sa totoo nga lamang ay gusto niyang mapangiti, lalo na sa sinabi ng anak. Pakiramdam niya ay naapektuhan siya. Pero mas ginusto niya na mag-isip.

Hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang motto ni Alekos tungkol sa pag-ibig. Pero nakakatawang sa halip na magalit ay ganoon ang nararamdaman niya. Love? Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon kay Clara. Makatapos ng lahat ng ginawa nito sa kanya, paano niya magagawang mahalin ito?

Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Hindi siya natatakot sa isipin na maaaring ganoon ang sitwasyon. Epekto lang ba iyon ng halik? O sadyang talagang matindi ang nararamdaman niya para rito?

Anong ibig sabihin ng lahat? Hindi maaari. Galit siya kay Clara. Dapat. Kahit gusto niyang maangkin ito, masama pa rin ang loob niya rito. Mahirap makalimot. Pero sa nararamdaman niya ngayon, pakiramdam ni Alekos ay na-o-overpower ng nararamdaman na iyon ang galit kay Clara.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.