Broken Vows Trilogy Chapter 31

“ANG AKALA ko ay tulog ka na?”

Muntik nang mabitawan ni Clara ang baking pan na hawak nang marinig ang boses na iyon ni Alekos. Dis-oras na ng gabi at kasalukuyan siyang nasa kusina ng bahay ni Alekos upang mag-bake ng cake. Hindi niya inaasahan na makikita na mahuhuli siya roon ni Alekos. Pagkatapos ng lahat, ang akala niya ay matutulog na rin ito nang umalis ito nang makatulog si Lexi.

Hindi naalis ang lakas ng tibok ng puso ni Clara kahit naka-recover na siya sa gulat. Sa simpleng paglapit lamang ni Alekos ay pakiramdam niya ay sumikip na ang paligid niya. Napakalakas talaga ng epekto nito sa kanya dahilan para lalo lang niyang gustong layuan ito sa kabila ng hirap na gawin iyon. Nasa iisa lamang sila na bahay. Palagi pa silang nagkakalapit dahil na rin sa anak nila. Pero sinusubukang gawin ni Clara ang lahat ng paraan. Mistulang magkunwari siyang maunang matulog kaysa kay Lexi ay ginagawa niya para lamang hindi sila magkaroon ng oras pa para makausap si Alekos ng sila lamang dalawa. Natatakot siya. Lalo na at nang unang gawin nila iyon ay may ginawa itong kapangahasan sa kanya.

Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang malaman ni Alekos ang lahat. Tatlong araw na rin sila nitong hindi pinapayagan na umalis sa poder nito at ganoon rin ang mga mata nito sa kanila---partikular sa anak niya. Gusto man ni Clara na makatakas rito pero iniisip rin niya ang anak. Maraming taon siya na naging sakim rito para hindi man lang ipakilala ang ama nito rito o kahit ang konsepto noon. Hindi aware si Lexi na may isa pa dapat na nag-aalaga rito bukod sa kanya dahil kapareho nang matalik at palagi lang na bata na sinasamahan nito, wala rin ama ang batang iyon. Hindi ito madalas na nakikihalubilo at dahil hindi naririnig ang salitang Daddy, hindi ito naku-curious kung ano o nasaan ba ang taong iyon na dapat ay nasa buhay nito. Siya lang ang kilalang pamilya nito.

Malaki ang pagkakamali ni Clara. Aminado siya roon. At lalo lang siyang na-guilty sa ginawa nang makita kung gaano kasaya at kasigla si Lexi ngayon. Nararanasan na nito ang mga bagay na nararapat rito. Nabubuhay ito nang masagana kagaya na lamang ng mga bagay na nararanasan niya noon. Ibinili rin ito ni Alekos ng mga laruan at nakakagawa rin ito ng mga bagay na hindi nito madalas na maranasan noon kagaya na lamang ng pagsi-swimming sa sariling swimming pool sa bahay ng ama nito. Sa mga nangyari sa nakalipas na araw, lalo lang tumindi ang pakiramdam ni Clara na dapat ay manatili talaga sila sa poder ni Alekos.

Ngunit paano siya? Ang puri niya? Ang puso niya?

Hindi niya gustong bumalik sa piling ni Alekos. Playboy si Alekos. Hindi niya masisigurado kung siya lamang ang babae sa buhay nito. Paano kung paglaruan lang siya nito? Kahit may anak sila, hindi niya sigurado kung magbabago ito para sa kanya. Isama pa, ang tanging gusto lang nito ay ang bumalik siya sa mga kamay nito. Para ano? Para maging laruan nito? Para maging isang babae nito na libre nitong mahawakan, mahalikan, kagaya na lamang ng palaging ginagawa nito? Pagkatapos ng lahat, hindi kasal ang inalok nito sa kanya. Malaki ang tsansa na hindi siya nito seseryosohin kagaya na lang ng ginawa nito sa mga babaeng napaugnay rito.

“N-naggising lang ako. Ikaw, bakit ka nandito? Ang akala ko ay tulog ka na rin.” Naramdaman ni Clara ang panghihina. Dahil nagbe-bake siya, bukas ang ilaw ng kusina. Maliwanag na nakikita niya si Alekos na hindi niya napansin na nakarating roon. Wala itong pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot. Hindi naman ganoon na mainit sa kusina pero ngayong naroroon si Alekos, pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya. He was so hot. He looks so hot.

“Naiinitan ako. Gusto kong uminom ng tubig,” pumunta ito sa ref at kumuha ng maiinom. Inalok rin siya nito pagkatapos.

“Huh? Bakit?”

Ngumisi si Alekos. Lalo lamang iyong nagpainit sa pakiramdam ni Clara at nagpainit lalong tignan kay Alekos. “You looked so disturb. Tense. At sa tingin ko ay may sagot na ako kung bakit. Iyon ba ay dahil naapektuhan ka sa akin?”

Ang yabang talaga! Gusto sanang sabihin ni Clara. Pero hindi niya masabi dahil pakiramdam niya ay may mali. Hindi naman nagyayabang si Alekos---nagsasabi lang ito ng naiisip nito at sa parte niya ay totoo iyon. Pakiramdam niya ay may nag-iinit at nanunuyo nga ang lalamunan niya dahil rito. Pero nuncang aaminin niya iyon. Kailangan niyang tanggihan si Alekos. Masama ang nararamdaman niya rito. Ayaw na niya muling magkamali. Ayaw na niyang maramdaman ang matinding damdamin na iyon. Ipapahamak lang siya noon kagaya ng nangyari dati.

“Nakikita mo na nagbe-bake ako. Siyempre, mainit itong ginagawa ko. Kalalabas ko lang din ng pan mula sa oven kaya talagang mainit,” nagpasalamat si Clara na nakahanap kaagad siya nang magandang palusot. Ibinaba niya ang hawak-hawak na baking pan sa lamesa at isinara ang ginamit na oven.

Mukhang tinanggap naman iyon ni Alekos. Inilayo nito ang tubig sa kanya. “Fine. Pero bakit ka nga ba nagbe-bake? At sa ganitong oras?”

“Birthday ni Papa bukas.” Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ni Clara sa pamilya, palagi niya pa rin na naalala ang mga ito.

“At gusto mo siyang bigyan ng cake sa kabila ng mga nangyari?”

Mataman na tinitigan ni Clara si Alekos. “Anong alam mo?”

“Anong alam ko?”

Iniisip ni Clara kung alam na ba ni Alekos ang lahat ng mga nangyari sa kanya sa mga nakalipas. Ramdam niya na wala itong alam dahil madalas na tinatanong nito sa kanya kung ano ang nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya. Pero kung mag-iimbestiga si Alekos, madali lang siguro nito iyon na malalaman.

Umiling si Clara. Naramdaman niya na tila wala pa rin na alam si Alekos pero hindi na niya iyon inintindi. Ayaw niya na rin naman na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. “Ama ko pa rin siya pagkatapos ng lahat. Mahal ko siya. Kaya gusto ko siyang regaluhan.” Kahit malamang, hindi na naman niya tatanggapin.

“What a daughter. Pagkatapos ka niyang tanggihan na tulungan, naggawa mo pa rin iyon?”

“H-hindi na iyon mahalaga. Naiintindihan ko naman sila. Isa pa, okay na naman si Lexi. Hindi ko na dapat sila sinisisi.”

Tumango-tango si Alekos. “May punto ka. Kung tinulungan ka nila, hindi ka lalapit sa akin. Hindi ko malalaman na may anak pala ako.”

Tumingin siya kay Alekos. Nakita na naman niya ang galit sa mga mata nito sa pagbanggit noon. “Galit ka pa rin sa akin.”

Natawa si Alekos. “Iniisip mo na magiging madali para sa akin ang magpatawad?”

Napakagat labi si Clara. “Alam ko na hindi. Mahirap.”

“At lalong magiging mahirap dahil hindi ka nakikipag-cooperate sa gusto kong kapalit. Palagi mo akong iniiwasan,”

“Kailangan mo na maintindihan na hindi na ako ang babae na minsan ay nakuha mo ng madali noon...”

Kahit nakakaramdam ng kakaiba si Clara kay Alekos kagaya noon, gusto niyang pigilin iyon. Minsan na siyang nagkamali nang bumigay at umibig siya rito noon. Pero gusto niyang sisihin ang sitwasyon niya noon. Bata pa siya at gulo sa buhay. Naramdaman niya ang kaunting paglaya sa piling ni Alekos. Hindi niya naisip ang mga hinaharap dahil masaya siya. She was immature, impulsive. Pero iba na ngayon. Mature na siya. Alam na niya ang tama at mali. Ayaw niyang malagay na muli sa alanganin.

Nagkamali siya at alam niyang kailangan niya na magbayad. Pero hindi lahat ay kaya niyang gawin, lalo na at natuto na siya sa pagkakamali noon. Alam na niya ang consequences. Mali ang ginagawa niya pero kailangan rin na isipin ni Clara ang sarili niya. Kaya laking ipinagpapasalamat niya na sa kabila ng lahat, hindi naman ganoong dinamdam ni Alekos ang pagtanggi niya kahit ramdam niya na hindi ito susuko. Kagaya na lamang nang paghalik nito sa kanya sa pool na malaki rin ang epekto sa kanya kagaya ng presensiya nito.

Tumaas ang isang kilay ni Alekos. Pagkatapos ay unti-unting lumapit ito sa kanya. Napaatras si Clara hanggang sa maramdaman na lamang niya na dumikit na ang likod niya sa pader ng kusina. Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi lalo na nang maisip kung ano ang maaaring gawin sa kanya ni Alekos. Lalo lang na nakaramdam si Clara ng matinding sensasyon na siya rin naging dahilang upang mapapikit siya ng mga mata kagaya na lang ng palagi niyang gustong gawin habang hinahalikan ni Alekos.

She wanted to give in to the pleasure.

Pero nang ilang sandali ay walang naramdaman si Clara na lumapat sa kanyang labi ay napamulat siya. Nakita niya si Alekos na ngingiti-ngiti na nakatingin lang sa kanya.

“Shit,” hindi na napigilan na ibulong ni Clara sa sarili. Napahiya siya!

“Bakit gusto mo pa na magpakipot samantalang obvious naman na gusto mo rin ako? Na naapektuhan ka rin sa akin? But well, hindi ko gustong mamilit ng babae. O kung nagagawa ko man minsan, hindi ko iyon sinasadya. Kaya sige na nga, magpapalit na lang ako ng bagong consequence sa kasalanan na ginawa mo sa akin dahil hindi ko nagugustuhan ang pinagkikilos mo. Ang ayaw ko sa lahat ay ang mga taong pakipot.” Pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang iyon ay umalis na si Alekos sa harap niya at pati na rin sa buong kusina.

Sandaling natulala si Clara. Dapat ay maging masaya sa pagbabago ng desisyon ni Alekos. Ligtas na siya sa mga pang-aakit nito. Hindi na siya gagawa pa ng isang pagkakamali. Pero bakit tila nakaramdam pa siya ng kahungkagan na hindi na iyon ang gusto ni Alekos? Na para bang sinasabi nito na kaya ganoon ay hindi siya nito gusto?

Pero ayaw isipin ni Clara na ganoon. Marami pa naman ang dahilan upang makaramdam siya ng kahungkagan. Isa na roon ay ang maaaring maging mas mabigat ang parusa na nakalaan para sa kanya. Wala siyang maiisip sa ngayon kung ano ang maaari ngunit dahil kilala niya si Alekos, maaaring mas magiging mahirap iyon.

Maaaring lahat ng gawin nito ay para sa ikasasama. Tinulungan man siya nito tungkol kay Lexi ay hindi niya pa rin lubos na masasabing pinagkakatiwalaan niya ito. Madalas ay gusto niyang i-set na lang ang isip niya sa negatibo kapag pagdating kay Alekos. Pagkatapos ng lahat, kilala ito bilang ruthless na tao. Minsan na rin niyang inilagay ang isip sa positibo pagdating rito pero nang sinubukan niyang gawin iyon, doon na nagsimulang dumaloy ang libo-libong sakit na pagkatapos ng mga nakalipas na taon ay hindi pa rin niya maggawang ialis sa isip...

NAPAKAGULO ng isip ni Clara. Gusto niyang magtiwala kay Alekos na ipaglalaban siya nito. Gusto niyang kahit papaano ay mag-grow rin siya. Gusto niya na kagaya nito ay ipaglaban rin niya sa pamilya niya ang nararamdaman niya.

Ngunit hindi pa man nagagawa ni Alekos ang pangako nito sa kanya, sorpresang bumisita ang pamilya ni Jeffrey Cruz sa bahay nila. At isa lang ang pakay ng mga ito---ang pag-usapan ang kasal nila!

“Papa, bakit ang bilis naman po?” alam naman ni Clara na malapit ng dumating ang araw na ipapakasal siya kay Jeffrey ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganoon kadali.

Hinawakan ng kanyang ama ang balikat niya. “Matagal mo na naman na alam ang lahat ng ito `di ba? Bakit hindi pa natin gawin ngayon?”

“P-pero kakatapos lang po ni Jeffrey ng masters niya sa States...”

“Eh ano? Kahit naman anong mangyari, siya pa rin ang hahawak ng negosyo nila. Magiging maayos ang buhay mo sa kanya. Matagal na rin na nakaplano ang lahat kaya walang problema kung mamadaliin.”

Pero sa akin po ay mayroon. Gusto sanang sumagot ni Clara. Hindi siya sanay na sumuway sa kanyang mga magulang. Naging mabait ang mga ito sa kanya. Ibinigay ng mga ito ang luho niya. Maaaring mahigpit ang mga ito sa kanya ngunit sa kabilang banda ay naiintindihan naman iyon ni Clara. Iniingatan lang siya ng mga ito.

“Huwag mong sabihin na gusto mong suwayin kami ngayon, Clara?” tinitigan siya ng ama. Naniningkit ang mga mata nito.

“H-hindi naman po pero---“

“Nandito na sila ngayon. Kung may hindi ka gusto roon, maaaring mamaya ka na magpaliwanag. Inaasahan ko na pakikitunguan mo sila nang mabuti. Lalo na si Jeffrey. Malaki ang utang na loob natin sa pamilya nila. Tinulungan nila tayo noong mga panahong muntik na tayong bumagsak. Hindi natin kayang ipahiya sila.”

Tumango si Clara. Tama ang kanyang ama. Marami pa naman siyang oras para magpaliwanag sa mga ito. Sa ngayon ay kailangang harapin na lang muna niya si Jeffrey. Hindi niya puwedeng ipahiya ang mga ito. Kahit napag-usapan ang kasal at gusto niyang tumanggi, hindi niya maggawa. Inisip na lang niya na maaaring gawin naman niya iyon mamaya, kapag wala na ang pamilya ni Jeffrey. Sa ngayon ay pakikisamahan na muna niya ang mga ito.

Ginawa ni Clara ang utos ng mga magulang. Pinakitunguhan niya nang mabuti si Jeffrey at ang pamilya nito. Kahit hindi niya gusto ang nangyayari, lalo na ang pilit na pakikipaglapit sa kanya ni Jeffrey sa buong oras na nandoon ang mga ito sa bahay nila ay tiniis niya. Makakahanap rin siya ng tiyempo kung kailan makakapagpaliwanag. Natatakot siya pero pilit niyang kakayanin. Hindi pa man tinutupad ni Alekos ang pangako ay nanatili naman silang in touch sa isa’t isa. Ibig sabihin lang noon ay hindi siya nito pababayaan. Kapag tinupad na ni Alekos ang pangako nito, doon lang rin siya magkakaroon ng lakas ng loob para ipaglaban rin ang nararamdaman niya. Hindi pa nga lang siya nakakahanap ng tamang tiyempo na sabihin dito ang tungkol kay Jeffrey dahil iniiwasan niya na maisip at pag-usapan ang tungkol doon. Pero inisip naman niya na kapag naggawa niyang sabihin kay Alekos ang lahat ay maiintindihan nito iyon.

Sa kasamaang palad nga lamang, naunahan si Clara ng masamang sitwasyon. Tinupad ni Alekos ang pangako nito sa isang hindi magandang pagkakataon...

“Anong ibig sabihin ng pagdating ng lalaking iyon dito sa bahay, Clara?!” kompronta sa kanya ng ama ng gabing sorpresang binisita siya ni Alekos na kapareho rin ng gabi na bumisita ang pamilya Cruz sa bahay nila.

“Papa...” gusto na niyang maiyak. Natakot siya, hindi lang sa lakas ng boses na ginamit ng ama kung hindi na rin sa maaaring mangyari. Ang galit ng kanyang ama, ang kahaharapin niyang galit ni Alekos. Gulong-gulo siya.

“May relasyon ba kayo ng lalaking iyon? Hindi mo ba naisip na muntik na tayong mapahiya sa pamilya ni Jeffrey dahil sa pagdating ng lalaking iyon?”

“Pero Papa, gusto ko po si Alekos. Mahal ko po siya. At ramdam ko na ganoon rin ang nararamdaman niya sa akin. Ipinangako niyang pakakasalan niya ako. Iyon ang sa tingin ko na dahilan ng sorpresang pagpunta niya rito sa bahay.”

Nanlaki ang mga mata ng ama ni Clara. “Hindi maaari. Gumaya ka sa Tita Serena mo! Umibig ka sa isang Jason!”

Umiiyak na tumango si Clara. “I’m sorry. Alam ko po na mali. Pero hindi kagaya ni Tita Serena, pananagutan ako ng isang Jason. Pananagutan ako ni Alekos.”

“Bullshit! Wala akong pakialam kung ganoon man. Alam mo na kinamumuhian natin ang mga Jason at nakipaglapit ka sa isa! Sa panganay pa na siyang pinakanagmana sa kanyang ama!” galit na galit ang ama ni Clara.

Iniwan si Clara ng kanyang ama. Lalo lamang siyang napaiyak. Gulong-gulo ang kanyang isip. Hindi siya pinakinggan ng ama at ganoon rin si Alekos. Ilang beses niyang tinawagan ito upang magpaliwanag pero hindi ito nakinig sa kanya. Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya hanggang paghigpitan lalo siya ng kanyang ama. Kinuha nito ang cell phone niya at siniguradong hindi siya makakalabas ng bahay.

Masasabi ni Clara na parang namumuhay siya sa impyerno sa loob ng mga araw na iyon. Napakasama ng pakiramdam niya. Napakalamig ng pakikitungo ng mga magulang sa kanya. Iyon ang unang beses na trinato siya ng mga ito ng ganoon. Ramdam na ramdam niya ang galit ng mga ito sa kanya. At mas naramdaman niya pa iyon nang isang umaga ay nakita na lang niya ang sarili na nagsusuka at muntik ng mahimatay dahil sa sobrang sama ng pakiramdam.

Nakitaan ni Clara ng pag-aalala ang pamilya ng dahil doon. Pero nang malaman ang dahilan ng mga sama ng pakiramdam niya ay dagling nawala rin ang mga iyon. Napalitan iyon ng galit na noon lang niya nakita sa mga mata nito.

“Lumayas ka sa bahay na ito, Clara. Hindi na kita gusto muli na makita...” seryoso ang boses ng kanyang ama.

Nanlaki ang kanyang mga mata. “Papa, hindi niyo po maaaring gawin sa akin ito.”

“Kaya ko at gagawin ko. Gagawin ko na ngayon.” Tinawag nito ang katulong at pinahanda ang mga gamit niya. “Wala akong anak na disgrasyada!”

Lumuhod si Clara sa ama. “Papa, parang awa niyo na. Gagawin ko ang lahat ng parusa na ibigay niyo sa akin, huwag niyo lang ako itakwil. Kailangan ko po kayo, lalo na sa mga panahong ito...”

“Pero hindi ka na namin kailangan! Inalagaan kita, Clara! Ibinigay ko ang lahat ng kailangan mo pero naggawa mong gawin sa amin ang lahat ng ito. Napakasakit! Hindi ko na maaatim na makita ka pa pagkatapos ng lahat. Simula ngayon, idinedeklara ko na hindi ka na miyembro ng pamilya na ito! Nakakahiya ka!” tumingin ito sa kanyang ina at sa nag-iisang kapatid na ngayon ay napauwi galing sa America. “At kung sino man ang sumubok na tumanggap sa babaeng ito pagkatapos ng lahat ng ginawa niya ay itatakwil ko rin. Maliwanag ba?”

Wala ng naggawa si Clara nang palayasin siya ng kanyang ama. Napakasakit pero alam ni Clara na kailangan niyang bumangon. Sinubukan niyang pumunta kay Alekos at humingi ng tulong rito. Alam niyang ito na lang ang maaaring tumulong sa kanya. Anak nito ang dinadala niya. Kailangan niya ito.

Ngunit lalo lamang gumuho ang mundo ni Clara sa muling paglapit kay Alekos. Nang subukan niyang pumunta sa condominium unit nito na ayon sa sekretarya nito ay kasalukuyan itong nandoon ay nagulat siya sa natagpuan. Nakabukas ang pinto ng unit ni Alekos kaya naman naging malaya para sa kanya na makapasok upang makakita ng isang napakalaking kasalanan.

Si Alekos, may kasamang babae sa unit nito. Tulog ang mga ito at magkayakap.

Hindi na kailangan pa ni Clara kung ano ang nangyari upang magkaroon siya ng hinala kung ano ang ginawa ng mga ito.

Naging masakit para kay Clara ang lahat. Alam niya na malaki ang pagkakamali niya pero tama ba na hindi man lang siya pakinggan ni Alekos? Sinubukan naman niya. Gumawa siya ng paraan. Pero hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag man lamang. At ito ang lalaki, may kasamang ibang babae samantalang halos wala pang isang buwan ang nakalilipas nang yayain siya nitong magpakasal. Hindi man lang nito naggawa na maging faithful kahit papaano sa kanya.

Ipinangako nito sa kanya na hindi siya susukuan nito sa kabila ng sakit. Pero nang maramdaman nito iyon, hindi man lang siya nito hinayaan na makapagpaliwanag. Hindi man lang siya nito inantay.

Kahit hindi rin naman masisisi ni Clara si Alekos sa ginawa nito, naging masakit pa rin para sa kanya ang lahat. Minahal niya ito.

Sa mga nangyari sa buhay ni Clara, akala niya ay iyon na ang magiging katapusan niya...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.