Broken Vows Trilogy Chapter 7

DALAWANG araw at isang gabi na mananatili sila Anna, Daimon, Jaysen at isang bodyguard na isama ni Daimon sa Hongkong para na rin sa seguridad at makakasa-kasama ng kanilang pamilya para umalalay. Sa unang araw ay binisita na agad nila ang Hongkong Disneyland. Ito ang unang pagkakataon na nakarating siya roon at pati na rin si Jaysen. Walang pasidlan ang anak niya sa tuwa nang makarating sa magandang pasyalan. Buhay na buhay ang enerhiya nito. Halos lahat ng rides ay gustong sakyan nito. Gustong-gusto rin nito ang mga nakikita dahil mahilig ito sa mga Disney stuffs.

Isang araw pagkatapos nilang mapagdesisyunan ang pagpunta sa Disneyland ay nagpa-appoinment sila sa Doctor para sa operasyon ni Jaysen. Kahit nakakatakot ang sakit nito ay hindi pa naman ganoon ka-severe ang sakit nito kaya sinabi nito maaari pa rin naman na mabuhay ng normal ang kanilang anak. May mga gamot rin ito para habang hindi pa nasasagawa ang surgery ay ma-i-stabilize ang kondisyon nito. Binigyan sila ng clearance ng Doctor dahil nagtitiwala naman ito sa kanila na hindi nila matinding papagurin ang anak. Magulang sila ni Jaysen at siyempre, nasa best interest nila ang pagiging maayos nito. Isama pa na kagaya ng sinabi sa kanya ni Daimon, ilang linggo pa naman bago ang operasyon. Kapag natapos ang trip nila sa Disneyland, marami pa rin na oras si Jaysen upang magpahinga. Ang tanging ipinagbawal lang nito ay ang huwag pagudin ng husto ang anak. Maaari pa rin itong mamasyal pero kailangang alalayan.

Tinupad ni Daimon ang sinabi nito na hindi papayagan na mapagod ang anak. Sa buong durasyon ng paglilibot nila sa Disneyland ay buhat-buhat nito si Jaysen. May dala man silang stroller na appropriate sa edad nito ay hindi iyon gustong gamitin ng anak kaya napilitan sila na buhatin na lang ito. Ilang beses na nagrereklamo ang anak dahil mas gusto raw nito na maglakad pero hindi ito pinayagan ni Daimon. Sinigurado nito na maaliw ang anak pero hindi mapapagod.

Maya’t maya rin na tinatanong nila ito ni Daimon sa nararamdaman. Naiinis na nga si Jaysen roon dahil okay na okay naman daw talaga ito. Makikita rin naman nila na okay nga si Jaysen dahil puro saya lang ang makikita sa mukha nito. Tila ba natupad ang matagal na nitong pinapangarap sa pagpunta sa pasyalan na iyon.

Pero kung tila hindi naman mauubusan ng saya si Jaysen, kaiba naman iyon kay Anna. Hindi siya sanay sa mga ganitong klase ng lakaran, ng gala. Pagod na pagod na siya samantalang hindi pa lumulubog ang araw. Ang plano pa naman ay mamayang gabi pa sila babalik ng hotel dahil manonood sila ng parade of lights ng mga Disney characters ngayong gabi.

Sinubukan ni Anna na ipagkatiwala na lang muna ang anak kay Daimon. Ayaw man niyang alisin ang tingin sa anak, lalo na sa kondisyon nito ngayon, pakiramdam niya ay hindi na niya makakaya ang pagod. Napakasakit na ng kanyang paa. Naramdaman naman niya na hindi talaga pababayaan ni Daimon ang anak. Nagpaiwan siya sa isa sa mga bench upang doon ay magpahinga.

“No, Mommy! I want you to come with us. Marami pa po tayo hindi napupuntahan,”

Napangiwi si Anna sa pagiging mapilit ni Jaysen. “Anak, please understand... Sasamahan ko naman kayo muli talaga mamaya, eh.”

Gusto rin naman niya na makasama ang anak pero natatakot siyang baka basta na lang rin siya maglupasay mamaya kung pipilitin pa niya ang kanyang sarili.

Itinaas ni Anna ang paa. Pakiramdam niya ay kailangan na rin yata niya na magpa-foot massage dahil sa sobrang sakit noon. It was so soar.

Ibinaba ni Daimon si Jaysen. Lumapit ito sa kanya at tinignan ang kanyang paa. Napangiwi si Daimon nang masuri iyon. “This looks bad. Gusto mo bang dalhin na kita sa clinic ngayon?”

Umiling si Anna. “Hindi na siguro kailangan noon. Kailangan ko lang siguro itong ipahinga.” Inilayo niya ang paa kay Daimon. Ayaw niyang mag-alala ito. Dapat ay ikinatutuwa niya ang pag-aalala nito pero pinilit niyang balewalain kagaya na lamang nang ginagawa niya rito noon pa.

Nasa ganoon silang puwesto nang bigla na lamang tumakbo si Jaysen. Dahil ibinaba ito ni Daimon, naggawa nitong tumakbo.

“Jaysen, no!” Akmang tatayo na siya para sundan ito nang agapan siya ni Daimon. Pinaupo siya nito pero sa halip na sundan ang kanilang anak ay tinawag nito ang bodyguard.

“Sundan mo ang anak ko. Kung maging mapilit pa rin siya na gumala, attend to her. And most importantly, `wag mo siyang papagurin. Take care of her.”

Sumunod naman agad ang bodyguard. Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Anna sa nangyari kaya hindi agad siya naka-react. “Hindi mo dapat ginawa iyon!”

Kumunot ang noo nito. “And what should I do? Ang pabayaan ka rito? Mas malala pa ang kalagayan mo ngayon kaysa kay Jaysen! Isa pa, kanina pa nagrereklamo ang bata dahil sa ilang beses na pagbuhat ko sa kanya. Masama rin naman sa bata ang palagi na lang pinaghihigpitan.”

“Pero kahit na! Mapapagkatiwalaan mo ba ang bodyguard na iyon? Paano kung pabaya pala---“

“Raymond has been my bodyguard for almost seven years now. Kilalang-kilala ko na rin siya. Kilala rin siya ni Jaysen. Kahit ikaw, kilala mo rin siya. At sa tingin mo ba, hahayaan ko na lang basta na pasamahin ang anak ko sa alam kong hindi makabubuti para sa kanya?”

Sandaling natameme si Anna. Totoo naman ang mga sinabi ni Daimon. Kahit siya ay kilala na rin ang bodyguard na isinama nito. Ito ang pinakamabait na bodyguard ng pamilya. Medyo close rin ito kay Jaysen dahil na rin palagi itong nakikita ng anak na kasama ni Daimon. Masyado lang talaga siyang nag-alala kaya nasabi rin niya iyon. Isama pa na hindi niya gustong mapag-isa kasama si Daimon.

“Now, ibigay mo sa akin ang paa mo.” Akmang magrereklamo na si Anna nang kinuha na iyon mismo ni Daimon. Hinilot-hilot pa nito iyon. Nagustuhan ni Anna ang ginagawa nito at sandali rin siyang natigilan. Nag-alinlangan kung tama ba na hayaan na lang niya ito. Nakakaginhawa iyon ng pakiramdam. Pero mas nanaig ang nakakatakot na pakiramdam na unti-unting bumabangon sa kanyang puso dahil sa concern nito.

“D-don’t....”

Kumunot ang noo ni Daimon. “Pagtatalunan pa ba natin ito, Anna? You are hurt.”

“Hindi mo na ako dapat alalahanin pa, Daimon. Napag-usapan na natin ito, `di ba? Tatlong taon na ang nakakalipas. Tanging si Jaysen na lang ang mag-uugnay sa ating dalawa...”

Napansin niyang bumalot ang sakit sa mukha ni Daimon. “Anna....”

“You shouldn’t be concerned about me.”

“But I want to.” Mahina lang iyon pero malinaw na narinig iyon ni Anna. Bumuntong-hininga si Daimon. “Fine, just consider this offer to you as a friend, okay? Or a stranger who just wanted to help someone who is in trouble...”

Hindi na inantay ni Daimon ang sasabihin niya at ipinagpatuloy muli ang paghilot sa kanyang paa. Dahil hindi na rin naman niya kaya, hindi na lang siya nagreklamo pa. Para sa ikabubuti naman niya ang ginagawa ni Daimon.

Nang maramdaman ni Anna na guminhawa na kahit papaano ang pakiramdam ng paa ay pinatigil na niya si Daimon. “Are you sure?”

Tumango siya. “Magpapahinga lang siguro ako saglit. Puntahan mo na si Jaysen. Susunod na lang ako sa inyo mamaya. I’ll call you kapag okay na ako.”

Umiling si Daimon. “Hindi ko gustong iwan ka rito, Anna.”

“I’ll be fine. Naniniwala naman ako na hindi siya pababayaan ni Raymond pero iba pa rin kapag may kasama siyang magulang habang namamasyal. Kung makakaya ko nga lang talaga, I’ll be with her but---“

“Ayaw mo talagang kasama ako `no?” mababakas ang sakit sa boses nito.

Ito ang mga sandali kung bakit ayaw niyang nakakasama si Daimon na sila lamang dalawa. Ipinapakita nito sa kanya na sobrang guilty nito at pinagsisihan nito nang husto ang mga iyon. Ayaw niyang magpaapekto sa mga ganoon kaya pinili na lang niya palagi na balewalain, iwasan si Daimon. Isama pa na iyon rin ang napagkasunduan nila.

O mas tamang sabihin na siyang ginusto at pinilit mo rito, bulong ng isang bahagi ng utak ni Anna.

“Ang gusto ko lang ay ang the best para sa anak ko.” Akmang tatayo na siya para hindi na sila magtalo pa ni Daimon nang mapaupo muli siya dahil nanakit na naman ang kanyang paa. Hindi pa rin talaga niya iyon puwedeng puwersahin.

Pumalatak si Daimon. “Hindi ko alam kung pinipilit mo lang ang sarili mo dahil ayaw mong mapag-isa tayong dalawa o nag-aalala ka talaga kay Jaysen.”

“I’m worried about Jaysen, too. Kaya nga ayaw ko na rin makipagtalo sa `yo. Hindi mo rin naman ako gustong sundin, pipilitin ko na lang ang sarili ko na ako talaga ang sumama sa kanya.”

“Nag-aalala rin naman ako sa kanya. Gusto ko rin siyang makasama. Pero hindi ko gustong iwan ka rito, Anna. Nasa ibang lugar tayo. Paano kung may mangyaring masama sa `yo? Wala kang kasama at masama pa ang lagay mo. But I have an idea. Maaari pa rin naman natin masundan si Jaysen.”

“Natin?”

Bumaba si Daimon. Tinapik nito ang balikat. “Piggy back ride,” ngumiti pa ito pagkatapos.

“Niloloko mo ba ako?” sa mga nakalipas na taon, iniiwasan rin niya na pisikal na mapadikit kay Daimon. Hindi man iyon ganoong maiiwasan dahil na rin kahit malabo ang relasyon ay sa iisang bahay pa rin sila tumitira. Pero hangga’t maaari, nilalayo niya ang sarili rito. At kahit nasa ibang lugar sila ngayon at mahirap na sitwasyon para sa kanya, hindi niya gusto na mapalapit rin rito.

Para sa kanya ay matagal na silang tapos. Wala ng dahilan para mapalapit pa muli siya rito. Hindi na niya gusto muli kahit mahirap ang sitwasyon.

Pero ginawa mo noong araw na nalaman mo ang tungkol sa kondisyon ni Jaysen...

Exception iyon, pangungumbinisi ni Anna sa sarili. Masyadong masakit ang nangyari at kailangan talaga niya ng karamay. Walang malisya iyon kahit na ba kakaiba ang naramdaman niya ng gabing iyon. Sa loob ng tatlong taon, noon na lang niya naggawang yumakap ng ganoon kay Daimon. Pero kakatawang hindi niya naitanggi na may kakaiba siyang naramdaman. Na-comfort siya. Lumakas rin ang tibok ng puso niya. Kahit malaki ang galit niya kay Daimon, hindi niya pa rin maitatangging nagustuhan niya ang pakiramdam na yakapin siya nito...

Ngunit ayaw na mapalapit ni Anna kay Daimon. Tama na ang ginawa niyang pagtake risk dati. Kung palalapitin niya pa ang sarili lalo rito, kung ibibigay muli niya ang mga depensa niya, mas lalo lamang siyang masasaktan muli. Tama na ang isang beses.

“Come on, Anna. Isipin mo rin si Jaysen. Gusto rin niyang makasama ka. Gusto mo rin na makitang nagsasaya siya `di ba? Kung papatulan mo ang offer ko sa `yo, magagawa mo iyon.”

“Hindi...”

“Hindi kita sasaktan, Anna. `Wag kang matakot. And wait, hindi ba at sabi mo sa akin ay wala ka na naman nararamdaman sa akin? Bakit nga ba kapag nilalapitan kita, tinutulungan at hinahawakan ay tumatanggi ka?”

“Because I disgust you.” Pinanaig ni Anna ang galit.

Tumaas ang isang kilay nito. “Talaga lang? O natatakot ka lang dahil naapektuhan pa rin kita?”

Pinaningkit ni Anna ang mga mata pero hindi niya naggawang makapagsalita. Nagulat siya sa akusasyon ni Daimon dahil alam niyang may punto ito.

“Kung wala ka na talagang nararamdaman para sa akin, patunayan mo sa pamamagitan ng paglapit mo sa akin. Kahit iyong mga ganitong simpleng bagay lang. Pagkatapos ng lahat, beneficial rin ito para sa `yo.”

Pagod na si Anna kaya hindi na rin niya gustong makipagtalo kay Daimon. Pinatulan niya ito. Sumampa siya sa likod nito at kahit hindi niya nakikita, nararamdaman niya na napapangiti ito.

Sa pagsampa ni Anna sa likod ni Daimon, hindi niya napigilan na pakiramdaman ang sarili. Ginagawa niya iyon upang patunayan sa asawa na totoo ang sinabi niya rito na wala na talaga siyang nararamdaman rito. Dapat lang naman iyon. Naging napakasakit para sa kanya ng ginawa nito sa kanya noon. Nagtiwala siya rito noon kahit buo na ang kanyang isip na hindi na siya magtitiwala pa sa mga lalaki. Nagtiwala siya na iba si Daimon sa kanyang ama. Hindi man kaggaya ng kanyang ama na iba’t ibang babae...pero halos ganoon na rin iyon.

Daimon became unfaithful to her when he vowed he’d not even do even a single wrong thing to her.

Nasaktan si Anna sa ginawa sa kanya ni Daimon noon. Sa sobrang sakit, he disgusted him. Big word, all right. Pero ilang buwan ang lumipas na hindi man lang niya naggawang tignan sa mga mata ito o kahit ang itsura nito. Iwas kung iwas talaga ang ginawa niya. Pakiramdam niya ay ito ang pinakamasamang tao sa buong mundo noon. Kinamuhian niya ito.

Nang dahil roon, sinabi ni Anna sa sarili at sa lalaki na nawala na lahat ng pagmamahal na naramdaman niya rito. Sinubukan man na ilapit muli ni Daimon ang sarili nito sa kanya, dahil kahit papaaano ay kinakain rin ito ng guilt, ay hindi ito naging matagumpay. Alam kasi nito na siya rin mismo ang nagbigay ng dahilan para patuloy niyang tanggihan ito.

Sa ngayon, kahit papaano ay naka-recover na rin naman siya sa nangyari. Nagagawa na niyang titigan si Daimon. Nakakausap kahit papaano. Pero ang ganoong klase ng intimacy, hindi maaari na mangyari na iyon. Ayaw na niya muling bumalik pa sa nakaraan. Masarap man sa pakiramdam, mas gusto na niyang panagutan talaga ang paniniwala niya ngayon na wala na siyang nararamdaman rito.

Kahit na ba pakiramdam niya ay niloloko lang niya ang sarili niya.

Pero mas mabuti na ang ganoon kaysa naman ang maloko siya muli ni Daimon...

KINOKONSIDERA ni Anna na isang pagkakamali nang mabuntis siya ni Daimon. Napakabata pa niya noon. Bago pa lang rin ang relasyon nila. Pero dahil pareho silang bata pa ni Daimon, naging mapusok sila. Isama pa na simula nang maging opisyal ang relasyon nila, halos hindi na siya hinihiwalayan nito. Niyaya rin siya nitong magsama sila sa iisang bahay dahil na rin sa estado ng buhay niya nang mawala ang Lolo niya. Ayaw nitong maging mag-isa siya o maramdaman lang niya iyon. May sariling unit si Daimon kaya naging madali lang naman iyon.

Hindi nila sinasadya ang pagkabuo ni Jaysen. They have been careless. Hindi niya sinisisi si Daimon roon dahil alam niyang may mali rin siya. Ginusto rin naman niya ang nangyari sa kanila ni Daimon. Ang pagbubuntis niya ang naging pangunahing dahilan kung bakit nakapagpakasal sila sa kabila ng bata pa nilang edad.

Ngunit sa kabila ng lahat, hindi rin inaasahan ni Anna ang naging epekto sa kanya ng pagdating ni Jaysen. Nang una niyang makita ito ay minahal niya na agad ito nang husto. Naging kakaiba ang kasiyahan niya. Naging masyadong malaki iyon. Para rin siyang nagkaroon ng obsession rito at ng dahil roon, ginusto niya na siya na lang ang mag-alaga rito kahit maaari naman silang kumuha ng katulong para roon.

Mahal ni mahal Anna ang anak. Naging masaya siya sa pag-aalaga rito kahit mahirap. Ilang beses man siyang nagkasakit lalo na noong mga unang buwan ng kanyang anak dahil na rin sa sobrang pagod ay okay lang sa kanya. Naging masyado rin siyang abala sa pag-aalaga rito na halos hindi na niya mapansin ang asawa. Nahirapan siyang balansehin ang oras niya para sa asawa. Kapag kasi nakakauwi na ito galing sa trabaho ay pagod na siya para pagbigyan pa ito sa mga hiling nito. Hindi rin niya ito gaanong naasikaso.

Mag-iisang taon na si Jaysen nang maramdaman niya na tila madalas na natutulala si Daimon. Tila ba may malalim na iniisip. Noong una ay iniisip niya na baka pagod lang ito sa trabaho kaya ito ganoon. Sinubukan niya na tanungin ito kung anong problema at ang sinagot nga nito ay tungkol nga lang sa trabaho ang gumugulo rito. Naniwala siya roon.

Dahil rin sa problema ni Daimon, naisipan ni Anna na dalawin ito sa trabaho. Isang araw ay dinalhan niya ito ng lunch sa office nito kasa-kasama ang anak nila. It is supposed to be a surprise pero si Anna ang nasorpresa nang makita na may babae sa loob ng opisina ni Daimon. Wala namang ginagawang masama ang mga ito dahil natagpuan niya na nag-uusap lamang ang dalawa. Pero ang ipinagtataka niya ay ang kakaibang suot ng babae. Maikli lang ang dress na suot nito at sleeveless pa. Hapit na hapit rin sa katawan. Tila hindi pang-opisina. Nakilala niya ang babae na nagtatrabaho rin sa opisina ni Daimon. Sa totoo lang ay ito ang sekretarya nito. Dati. Isang buwan lang nagtagal ang babae sa trabaho nito ayon kay Daimon dahil hindi nagustuhan ng kanyang asawa ang performance nito. Pero ano ang ginagawa nito sa opisina ng kanyang asawa sa itsura na iyon?

“I better get going,” wika ng dating sekretarya ni Daimon at lumabas na ng opisina. Tinignan siya ni Daimon na para bang wala lang rito ang nakita niyang tagpo.

“What are you doing here, honey?” tanong nito at ngumiti. Kinuha rin nito si Jaysen mula sa pagkakahawak niya at nilaro. Kahit madalas na abala sa trabaho, ginagampanan pa rin nito ang trabaho nito bilang ama sa kanilang anak. Mahal na mahal rin ni Daimon ang anak nila.

“Gusto ko lang i-check ka. Sinabi mo sa akin kagabi na napapagod ka dahil sa trabaho. Naisip ko na kapag dumating kami rito ay baka kahit naman papaano, ma-relax ka.”

Tumango si Daimon. Tinanong nito ang mga dala niya at base sa gana nito sa pagkain ay mukhang nagustuhan at na-appreciate naman nito ang ginawa niya. Dahil roon, binalewala na lamang niya ang tungkol sa pagkakakita sa dating sekretarya nito na may kakaibang suot sa opisina. Nagtitiwala siya kay Daimon. Hindi siya lolokohin nito. Isa pa, kung may ginagawa itong masama, mahahalata naman niya base sa aksyon nito na guilty ito? Pero sa durasyon ng lunch ay genuine ang ngiti at saya nito. Tila walang problema at masaya pa ito na dumating siya sa opisina nito.

Dumating ang unang taon ng kaarawan ni Jaysen. Pagod na pagod si Anna dahil naging isang malaking kasiyahan iyon. Nakatira na sila ngayon sa isang eksklusibong subdivision at may sariling bahay roon. Dahil araw-araw niyang pinapaarawan ang anak sa parke sa loob rin ng subdivision, nagkaroon na si Anna ng mga masasabing kakilala. Inimbita niya ang mga iyon at pati na rin ang anak ng mga ito kaya maraming dumalo. Nang gabi na ay wala na sana siyang gustong gawin kung hindi magpahinga. Pero nang biglang magpaalam sa kanya si Daimon na aalis kahit dis-oras na ng gabi ay hindi niya maggawang magpahinga. Importante raw ang kailangan nitong gawin. Nag-alala siya rito dahil kinailangan pa nitong umalis sa oras na iyon, lalo na sa kabila rin ng naging pagod sa kaarawan ng kanilang anak.

Dahil na rin hindi pinatulog ng pag-alala, inabala na lang muna ni Anna ang sarili na mag-facebook. Dahil ginagamit ni Daimon ang laptop kanina bago ito umalis dahil gusto raw nitong mag-upload ng mga litrato sa unang kaarawan ng anak nila ay bukas na iyon. Naiwan rin na bukas ang facebook nito. Nakita niya rin agad ang naka-pop out na message bar sa facebook nito. Kahit iyon ay hindi man lang nito na-close. Aksidenteng nabasa tuloy niya ang message roon.

“I can’t wait for you to come here, xoxo” Iyon ang eksaktong message na nabasa ni Anna. Binalot ng kaba ang puso niya. Ayaw niyang pagdudahan si Daimon dahil na rin mahal niya ito at malaki ang tiwala niya rito. Lalo pa iyong lumaki sa paglipas ng mga panahon. Pero ngayon...

Binuksan ni Anna ang profile ng nag-message na iyon kay Daimon. Wala man sagot si Daimon sa message ng babae at hindi rin kahina-hinala ang mga dating usapan ay nakaramdam siya ng sakit. Lalo na nang makita na ang babae ay ang mismong dating sekretarya ni Daimon.

Iyon ba ang dahilan kung bakit nahuli niya ito sa opisina ni Daimon ng araw na dalawin niya ang asawa roon? Kaya ba umalis si Daimon ngayon para puntahan ito? Are they having an affair?

Kung anu-anong espikulasyon ang pumasok sa utak ni Anna. Hindi puwedeng mangyari iyon. Mabait si Daimon. Hindi siya lolokohin nito. Kahit sandali pa lang silang mag-asawa, alam niya na tapat ito sa kanya. She was holding on to his vows, too. Hindi nito sisirain iyon lalo na at alam nito ang nakaraan niya....

Pinipilit ni Anna na ialis sa isip ang mga espikulasyon pero iyon mawala. Isang oras makaalis ni Daimon ay bumalik ito. Kilala niya si Geraldine at naikuwento sa kanya ni Daimon na may kalapitan lang ang bahay nito sa kanila. Kulang-kulang fifteen minutes lang ang biyahe papunta roon. Ngunit bakit tumagal ng ganoon si Daimon bago makabalik?

Pinilit ni Anna na huminahon. Bumaba siya, binuksan ang ilaw para makapag-usap sila. Alam naman niya na paminsan-minsan ay nagkakaproblema ang mag-asawa. Madalas ay misunderstanding lang iyon. Pero nang makita ang itsura ni Daimon pagbalik nito ay tila gumuho ang lahat ng pangarap niya. Alam niya na hindi lang basta misunderstanding iyon dahil nagkaroon siya ng pruweba.

She saw a hickey on his neck.

“Anna....” kitang-kita ang guilt sa mukha nito nang tanungin niya ang tungkol sa malaswang nakita.

“Y-you vowed to me that you won’t even do ang single wrong thing to me, Daimon. Inihabol mo pa iyon sa vow mo...”

“I’m sorry, Anna. Hindi ko naman ito intensyon. I-its not deliberate.”

“Not deliberate? Nakita ko ang message niya sa `yo sa Facebook, Daimon. Huwag kang magsinungaling sa akin! Pinuntahan mo ang babaeng iyon!”

Yumuko si Daimon. Dahilan para magmukha lalo itong guilty. Hindi na napigilan ni Anna na umiyak. Kailangang huminahon siya pero dahil sa inaksyon ni Daimon, hindi niya naggawa. Guilt was over his face. Niloko siya nito.

“Takot akong magmahal dahil sa nakaraan ko, Daimon. Alam mo iyon. Alam na alam mo iyon. Pero ikaw, ikaw ang nagpawala ng lahat ng takot na iyon. Ang pagmamahal mo sa akin ang nagpaniwala sa akin sa pag-ibig. You replaced the fears. Ni hindi ko lubos maisip na ikaw rin ang magbabalik ng lahat ng takot na iyon.”

“Anna... I admit, nagkamali ako. Geraldine was seducing me. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit tinanggal ko siya bilang secretary ko. Hindi na nga maganda ang performance niya, nararamdaman ko pa na gusto niya akong akitin. Para maiwasan iyon, tinanggal ko siya. But she keeps on coming back to me. Hindi ko pinapansin iyon dahil na rin sa `yo pero ngayon, pinadalhan niya ako ng text, bukod pa sa message na nakita mo sa Facebook. Bl-in-ackmail niya ako na magpapakamatay raw siya kapag hindi ako nagpunta sa kanya. I think she turns crazy. I panic. Hindi ko sinabi sa `yo dahil na rin kinain ako ng takot kaya nagmadali ako at isa pa, ayaw ko rin na mag-alala ka.

“Pero pagpunta ko roon, she was really not on the edge of killing herself. Pinapunta niya lang ako sa lugar niya para lalo niya lang akong i-seduce. She was naked. She kissed me wildly.”

“At pinatulan mo siya?” Iyon ba ang dahilan kung bakit nagtagal ito?

Yumuko muli si Daimon. “I-I was tempted.”

Nanlaki ang mga mata ni Anna. Lalong sumama ang pakiramdam niya sa naging rebelasyon ni Daimon. Pagod na pagod na nga siya dahil sa party ng anak, ito pa ang makukuha niya ngayon?

At ang salita nito... Tempted. Ilang beses niya ba na narinig iyon sa bibig ng kanyang ama nang nag-aaway ito at ang kanyang ina? “I was just tempted. Natukso lang ako. Lalaki ako. Its inevitable!” iyon ang palaging sinasabi ng kanyang ama kapag nag-aaway ang mga ito at ang kanyang ina. Napakababaero nito at palaging iyon ang dahilan nito.

Tila bumalik si Anna sa mga panahon kung saan nag-aaway ang mga magulang niya. Si Daimon ang kanyang ama...at siya ang kanyang ina---dahil nasasaktan siya. Pero hindi niya gustong maging kagaya ng kanyang ina na martyr na lang sa mga naging pagkakamali ng partner nito. Hindi rin niya ipinilit kay Daimon ang sarili kaya hindi niya deserve ang lahat ng ito.

“You turned out to be like my father...” punong-puno ng sakit at pait ang boses ni Anna. Matagal lang din siya na nakatayo sa harap ni Daimon. Tinitigan ito. Gusto niya pang magsalita pero tila wala ng lumalabas sa bibig niya. Masyado ng kinain ng sakit ang puso niya. Kahit ang paglapit at pagyakap sa kanya ni Daimon ay tila balewala sa kanya. She felt numb that all the comforting he’s giving her felt like nothing. Mas nanaig ang lahat ng sakit ng nakaraan, lalo na ang rebelasyon ngayon.

It seems like history is repeating itself. Sa kanyang mga magulang at sa kanya naman ngayon.

“Anna? Anna! What’s happening to you?” nag-aalala ng wika ni Daimon nang hindi na siya nito marinig na magsalita. Hindi rin niya maggawang saktan ito.

Tila wala na rin siyang nararamdaman. And all of a sudden.... her whole world turned pitch black.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.