SA KABILA ng naging pagod na naramdaman ni Anna sa lakad nila sa Hongkong ay naging maayos naman iyon. Hindi pinabayaan ni Daimon si Jaysen at lalong-lalo na rin siya. Kahit ramdam niya na pagod na pagod ito sa unang araw pa lamang ng lakad nila ay hindi ito nagreklamo. Sa tingin pa nga niya ay mas nag-enjoy pa ito dahil kakaiba ang naging ngiti nito, lalo na pagkatapos siya nitong buhatin. Tila may nag-iba rito.
Gustong balewalain ni Anna ang lahat ng iyon. Hindi dapat niya pinapansin ang mga pagmamalasakit ni Daimon, hindi dapat niya iniisip ang mga pag-aalala nito at pati na rin ang kakaibang naramdaman niya rito noong nasa Hong Kong sila. Pero sa kabila ng mga pagpipigil niya, may isang bahagi ng puso niya na tila gustong mangyari muli iyon.
Tila may kagustuhan siyang magkalapit sila ni Daimon.
Iniisip ni Anna na siguro ay dahil lamang iyon sa kabang nararamdaman ngayon. Kailangan niya ng susuporta sa kanya. Bukas na ang operasyon ng anak nila at kahit naman sinigurado ng Doctor na magkakaroon ng malaking tsansa na maging matagumpay iyon ay natatakot siya. Mahigit isang linggo pagkatapos nilang bumisita sa Disneyland ay ang schedule ni Jaysen ng operasyon nito. Naggawa naman nilang pagpahingahin ang anak pagkatapos noon at nang ipa-check sa Doctor muli ilang araw bago ang operasyon ay sabing nasa maayos na kondisyon pa rin ito. Malaki ang tsansa na maka-survive at maging matagumpay ang operasyon. Ngunit hindi pa rin maggawang mapanatag ni Anna. Natatakot siya para sa anak.
Kailangan niya ng karamay. Sa kasamaang palad naman, wala siyang makapitan dahil noong isang araw ay nagpunta ang best friend niyang si Alexa sa Italy upang sumali sa isang art competition roon.
Naalala rin niya ang mga panahong nasa ganoong sitwasyon ng mamatay ang kanyang Lolo. Si Daimon ang kasama niya noon. Ito ang umalo sa kanya, ang nagpakalma. Tila ba gusto niya na mangyari muli ang mga iyon. Gusto niyang sumandig kay Daimon. Ang maramdaman na sa kabila ng lahat, nasa tabi niya pa rin ito. Pero pinipigilan siya ng mga sakit. Hindi pa siya nakakalimot sa mga ginawa nito. Kahit tatlong taon na ang nakalipas, may sakit pa rin. Bumabalik pa rin kasi ang alaala. At kahit na may kagustuhan siyang maulit muli ang mga nangyari sa nakaraang araw kung saan nagkakalapit sila, alam niya na hindi niya puwedeng puwersahin. Ni hindi niya nga sigurado kung may nararamdaman pa rin ang asawa sa kanya.
Sa loob ng tatlong taon, binalewala niya si Daimon. Hindi niya alam kung ano ang mga activities nito sa buhay o kung may inilalabas ba itong babae simula ng magkahiwalay sila. Wala naman siyang naririnig kaya hindi niya pinoproblema. Isama pa na ang mahalaga sa kanya ay ang pagtrato nito sa anak nila. Sa department na iyon, wala naman siyang problema. Ginampanan nito nang mabuti ang responsibilidad kay Jaysen. Umuuwi rin ito palagi ng maaga sa trabaho kagaya na lang ng isang normal na ama sa pamilya nito.
Naging malaki ang epekto ng panloloko sa kanya ni Daimon noon at alam niyang ang naging ganti niya rito na pagtanggi sa lahat ay naging malaki rin ang epekto rito. Ganoon naman ang lahat ng epekto ng mga gawaing hindi magaganda `di ba? Naging civil man siya kay Daimon pagkatapos ng panloloko nito, alam niya na nasaktan rin niya ito nang husto dahil hindi niya pagtanggap sa pagkakamali nito. Pero hindi madali ang lahat, lalo na sa isang tao na may nakaraan na kagaya niya. Isama pa, kung may nararamdaman pa rin sa kanya talaga si Daimon... hindi ito basta-basta susuko sa kanya. Oo, sinubukan nito na amuin siya, na hingin ang kapatawaran niya, pero naging sandali lang iyon. Sumuko rin ito nang makitang hindi na niya muling tatanggapin ito na parte ng buhay niya maliban na lamang bilang provider ng pamilya at pati na rin ama ng anak niya.
Pero mahirap pa rin pala na pinili niyang maging ganoon na lamang sila ni Daimon. Sa mga panahon na nangangailangan siya ng partner, hindi siya makakapag-demand rito dahil siya mismo ang nag-alis noon. Kailangang panagutan niya ang lahat dahil pinili niya ang landas na ito.
Natulog si Anna na ganoon ang iniisip. Natulog rin siya na kinakabahan dahil na rin bukas na isasagawa ang operasyon ng anak. Pero sa halip na tungkol sa anak na siyang mas dapat niyang alalahanin ang kanyang napaginipan, si Daimon ang napaginipan niya.
She dreamt of Daimon being away for her. Naghiwalay na raw sila ng tuluyan. Natira man sa kanya si Jaysen ay tuluyan ng lumayo sa kanya si Daimon. Hindi na niya ito araw-araw na nakikita, hindi na sila nakatira sa iisang bahay. Naging isang rebelasyon rin kay Anna ang naramdaman na sakit kahit isang panaginip lang iyon.
Nagising si Anna. Naramdaman niyang may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Nakita niya si Daimon na nasa kuwarto na pala niya. Dahil sa sitwasyon nila, hindi sila nagtatabi sa iisang kuwarto. Ginagamit nito ang guest room samantalang siya ay ang master’s bed room para na rin mas malapit siya kay Jaysen tuwing may kailangan ito sa gabi. Nakakonekta iyon roon.
Daimon was bending over her.
“Masamang panaginip?” he soothed. Tila nawala ang takot sa loob niya nang makita ito. Isang panaginip lang ang lahat. Nasa harap niya si Daimon. Hindi ito aalis sa tabi niya.
Pero hanggang kailan? Susot ng isang bahagi ng kanyang isip. Maaaring sa tatlong taon ay nakatagal si Daimon ng ganoon. Pero paano na sa susunod? Hahayaan na lang ba niya na kagaya sa panaginip ay mawala sa kanya si Daimon?
Pero paano rin ang galit? Paano ang kasiguraduhan na hindi siya nito sasaktan muli?
Kaya na ba niya ang magpatawad? Lalo na ngayong kahit papaano ay nagkakalapit sila ni Daimon ay hindi niya maitatangging tila may nararamdaman pa rin naman siya sa kanyang asawa?
“Iniisip mo siguro si Jaysen bago matulog. Naiintindihan ko. Kahit ako ay hindi rin makatulog. I admit, kinakabahan ako.”
“Magiging maayos siya,” mas matatag si Daimon kaysa sa kanya at nakakapanibago na mas nauna pa itong umamin ng lahat ng iyon. Isama pa na ngayong gabi ay mas pinili nitong matulog sa couch sa kuwarto ng anak. Ibig sabihin lang noon ay mas nag-aalala pa ito kaysa sa kanya. Nang dahil rin roon, naggawa rin siguro nitong marinig ang mga naging hikbi niya siguro dahil sa panaginip.
Ngumiti si Daimon. “Positibo ka. Mabuting pangitain. Pero nanaginip ka ng tila masama. Gusto mo ba na ikuha kita ng maiinom? Milk, maybe?”
Akmang palayo na si Daimon sa kama nang magsalita siya. Kinagat muna ni Anna ang ibabang labi at sinabi ang gusto niyang sabihin rito, pati na rin sa kanyang panaginip.
“Don’t go...”
Nanigas si Daimon. Nakatalikod na ito. Bahagya pa siyang napahiya nang makita ang pagkagulat sa mukha nito sa kanyang sinabi. Tama ba talaga na sabihin niya iyon kay Daimon samantalang hindi nga siya sigurado sa nararamdaman nito para sa kanya? Maaaring nag-aalala nga ito sa kanya, pero iba pa rin kung susundin nito ang request niya.
“G-gusto mo akong humiga sa tabi mo?” napalunok pa si Daimon pagkatapos.
Nahihiyang tumango si Anna. Sandaling nag-alinlangan pa rin si Daimon pero tumabi rin naman ito sa kanya. Anna felt better. Hindi man dumikit sa kanya si Daimon, ang malaman na nasa tabi niya lamang ito at hindi kagaya ng sa kanyang panaginip ay nagpakalma na sa kanya.
Nakatulog ng diretso si Anna hanggang umaga. Pero nagising siya na nakadikit na si Daimon sa kanya. Napakalapit nito sa kanya. Ang mukha nito ay nasa dibdib niya at nakayakap ang mga kamay nito sa katawan niya. Naaalala ni Anna na noong maayos pa ang relasyon nila ni Daimon ay madalas rin na nagigising siya na nasa ganoon silang puwesto. Palagi itong nakapulupot sa kanya na para bang ayaw nitong mawala siya.
Bigla-bigla, na-miss ni Anna ang ganito. She missed Daimon, too.
Nakaramdam si Anna ng kasiyahan sa kabila ng mangyayari ngayong araw. Sa halip rin na galit sa kapangahasan nito, iyon ang kanyang naramdaman. Tila wala rin siyang naramdaman na galit dahil nagustuhan niya ang naramdaman. Naramdaman niya ang init nito na yumayakap sa kanya.
Mukhang naramdaman naman agad ni Daimon na naggising na siya. Mabilis na lumayo ito sa kanya. “M-mukhang hindi yata magandang ideya na magtabi tayo sa kama...”
Nag-alinlangan si Anna kung ngingiti ba. Ano ang ibig sabihin ni Daimon? Na hindi nito nagustuhan na nagkatabi sila sa kama? Sa isipin na iyon, nalungkot siya.
Dahil roon, mas lalong nagkaroon ng hinala si Anna sa nararamdaman niya kay Daimon.
It seems like she was not over him. Pero alam niyang hindi tama iyon kaya mas kailangang hindi na lang niya pansinin.
Mas kailangang pananigin ni Anna ang mga sakit kagaya ng ginawa niya sa mga nakalipas na taon. Naging masaya man ang pagsasama nila ni Daimon noon ay mahirap ikonsidera iyon pagkatapos niyang ibigay ang puso niya rito, ipagkatiwala na hindi nito sasaktan.
One drop of ink can spoil a whole bucket of milk. One drop of tears can spoil the whole life of happiness.
NAKAHINGA ng maluwag si Daimon nang maggawa rin niyang mapatulog si Anna. Ilang oras na ang nakalipas simula nang matapos ang operasyon sa anak nila. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin niya masabing pagkatapos nang sinabi ng Doctor na matagumpay naman ang operasyon ng anak ay kalmado si Anna. Paano kasi ay mayroon pang beinte kuwatrong oras silang aantayin hanggang sa makapiling ito. Kasalukuyan na nasa recovery room ang kanyang anak. Nag-aalala pa rin si Anna dahil masasabing critical pa rin ang lagay nila habang naroroon.
Pero nagpasalamat siya na naggawa niyang ma-persuade si Anna na magpahinga. Kumuha siya ng private room sa ospital para lang rin doon. Kapag naging maayos na rin si Jaysen ay doon ito dadalhin pagkatapos. Nang makakuha ng private room ay pinapahinga niya roon si Anna at sa awa ng Diyos, nakapagpahinga naman ito at ngayon ay mahimbing na natutulog.
Pinakatitigan ni Daimon si Anna. Kung hindi siya nakakuha nang maayos na tulog kagabi, malamang ay bibigay na rin ang kanyang katawan. Pero salamat kay Anna at nagkaroon siya nang mahimbing na tulog. Hindi niya inaasahan ang paanyaya nitong iyon pero na-appreciate niya iyon nang husto.
He really missed that a lot. He really missed her. Napakalapit ni Anna sa kanya pero parang napakalayo pa rin nito.
“Ang tanga mo talaga,” ang boses na iyon ni Alekos ang nakapagpatigil sa pagmumuni-muni ni Daimon kay Anna.
Lumingon si Daimon sa panganay na kapatid. Pagkatapos ng trabaho nito ay dumalaw ito sa ospital pati na rin ang isa pang kapatid na si Cristiano. Umuwi lang ng maaga si Cristiano dahil na rin sa anak nitong si Santo na nasa poder nito ngayon.
“Hindi ito ang tamang oras para sermunan mo ako, Kuya,”
Ngumisi si Alekos. “Alam ko. Pero hindi na yata talaga siguro magkakaroon ng tamang oras para maalerto ka na nagpapakatanga ka lang sa kanya.”
“Hindi mo ako kagaya. I-I’m not that ruthless.”
Maaaring nagkasala siya sa asawa noong unang taon ng kasal nila pero masasabi niyang mas mabuti siya kaysa sa kapatid. Alekos was a playboy. He had a bunch of mistress. At inamin nito na hindi ito gagaya sa kanilang dalawa ni Cristiano na magpapakasal. Na iibig. Hindi raw ito naniniwala sa pag-ibig. Marami na rin itong babaeng napaiyak dahil sa ugali nitong iyon.
“Whatever. At least, I am not stupid. Hindi ako kagaya mo na nananatili pa rin sa tabi niya kahit alam mo na wala na talagang pag-asa. Na patuloy pa rin siyang sinasamba kahit wala na talaga siyang nararamdaman para sa `yo.”
“Kasalanan ko kung bakit nangyari iyon kaya dapat lang naman na magsisi ako.”
Lumapit sa kanya si Alekos. “I don’t think you really should feel guilty about it. Hindi ka naman talaga nagtaksil sa kanya.”
Napapikit si Daimon. Inamin niya sa mga kapatid ang katotohanan noon. “B-but I was tempted...”
“Pero pinigilan mo ang sarili mo. Walang nangyari sa inyo. It was just a wild kiss. Sa huli, nanaig pa rin ang pagmamahal mo kay Anna.”
Totoo ang sinabi ng kanyang panganay na kapatid. Wala naman talagang nangyari sa kanila ni Geraldine ng araw na iyon. Pero hindi niya maitatanggi na natukso rin siya. Hindi niya gusto ito pero nang halikan siya nito ay tila may nagbago.
Masyadong naging abala si Anna nang ipinanganak nito si Jaysen. Halos lahat ng oras nito ay napunta na sa anak nila. Alam niya na dapat na naiintindihan niya ito. Kung napapabayaan man siya nito, para sa ikabubuti naman iyon ng anak nila. Pero sa loob-loob ni Daimon, nag-iiba ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay napapabayaan na siya ni Anna. Ang dating umiikot lang na mundo nito sa kanya bago sila magkaanak ay nawala nang lumabas si Jaysen sa mundo. Nanibago siya.
Kapag libre na si Anna dahil tulog na si Jaysen ay pagod na ito palagi. Ni hindi siya nito napapagbigyan sa mga gusto niya. Kahit simpleng lambingan lang iyon. Pero hindi naman niya maggawang isantinig ang mga nasa loob dahil alam niya na may mali rin siya. Napakabata pa ni Anna nang mabuntis niya ito. Napakabata pa nito para maako ang responsibilidad na hindi pa naman dapat talaga nito ginagawa. Kung dadagdagan pa niya ang pressure rito, baka lang lalo itong mahirapan. Hindi naman niya gusto iyon.
Nang dumating si Geraldine bilang sekretarya niya, masasabi niyang naiilang siya rito. Ilang beses na nagpaparamdam sa kanya pero sa kabila ng kalagayan niya, hindi niya ginustong patulan ito. Maganda si Geraldine pero matapat siya kay Anna. Alam rin niya ang tama at mali. Isama pa na hindi niya ginusto ang performance nito dahilan para tanggalin niya ito. Pero hindi pa rin ito tumigil. Ilang beses itong bumalik sa opisina at tinatawagan siya. Gusto raw siya nito. Tinanggihan niya ito.
Hanggang dumating ang araw na bl-in-ackmail siya nito. Nang halikan siya nito bigla sa bahay nito ay nagulat siya. Hindi niya inaasahan iyon dahil nagpanic pa siya nang malaman na gusto nitong magpakamatay dahil lang sa obsession sa kanya. Pero iba ang kanyang nabungaran at nakita. She tricked him. She just wanted to seduced him. Ang una niyang inisip noon ay ang itulak ito. Pero nang laliman ni Geraldine ang halik ay tila nag-iba ang mundo niya. Naalala niya si Anna at matagal-tagal na rin niyang pinapangarap muli na pagsaluhan nila. He was lost in a moment. Pero bago pa lubusang matanggal ni Geraldine ang kanyang damit ay natauhan siya. Iniwan niya ito. Iyon nga lamang, dahil na rin siguro sa sobra siyang nagulo ng araw na iyon, ay hindi na niya naggawa pang suriin ang sarili at pakiramdaman. Nagmadali siyang umuwi. Inalala niya si Anna dahil naisip niya na baka nag-aalala na ito sa kanya kung magtatagal pa siya. Na-traffic rin kasi siya papunta roon kaya kahit may kalapitan lang naman ang bahay ni Geraldine sa kanila, medyo nagtagal ang pag-alis niya ng bahay. Nahuli agad siya ni Anna at dahil guilty rin naman siya in a way, umamin siya agad ng kasalanan at hindi nakapagpaliwanag nang maayos rito.
Umiling si Daimon. “Pagkakamali pa rin iyon. Nangako ako sa kanya sa mismong kasal namin na hindi ko siya gagawan ng kahit anong pagkakamali. Isang pagkakamali ang matukso kahit hindi naman talaga masasabi na bumigay...”
Nakakaunawang tumango si Alekos. “Pero naalala mo rin ba ang naging vow niya sa `yo noong kasal niyo? I didn’t remember the exact words but the meaning is about she will stay with you for the good things and not to leave you for one wrong thing. Sa totoo lang, humanga ako sa inyong dalawa noon. Kahit medyo nakakaloko dahil napakabata niyo pa, mararamdaman na mahal niyo rin ang isa’t isa. Na para bang kayang-kaya niyong panindigan ang mga mabibigat na pangako na iyon. Pero hindi mo rin pala mapapanindigan ang mga pangako niyo sa isa’t isa. Wait, pareho kayo.”
Natigilan si Daimon sa sinabi ni Alekos. Sa tatlong taon na malabo ang relasyon nila ni Anna ay hindi niya naisip iyon. Tanging ang mga pangako lang niya na binali ang naisip niya dahil masyado siyang guilty sa ginawa niyang mali noon.
To stay with you for all the good things that you had done and not to leave you for one thing you would done wrong.
Sinaktan niya si Anna. Masyado siyang nabulag roon. Kinain siya masyado ng kasalanan niya rito. Naging napakasakit kay Anna nang nangyari, ramdam niya iyon. Naging isang malaking pagsisisi rin iyon sa kanya. Ginusto niyang magpaliwanag rito pero dahil sa masamang dinanas nito pagkatapos ng naging pag-aaway nila ay hindi na siya nagkaroon pa ng lakas ng loob...