"Mama, ayos na po ba ang sugat mo?" tanong ni Arkia habang nakain ng sandwich.
Napalunok ako at pasimpleng tumingin kay mayor. Hindi kami nito binalingan ng tingin, abala lang siya sa pagkakape. Mukhang hindi ito napuyat at mukhang masarap pa ang tulog.
Grabe lang, ganyan lang ang reaksyon niya matapos niya akong halikan kagabi. Samantalang ako hindi nakatulog ng ayos kakaisip kung bakit niya ako hinalikan.
Nagandahan ba siya sa 'kin? Naakit ba siya sa lips ko?
Imposible namang hinalikan niya ako dahil lang sa may sugat ako. Kung iyon ang dahilan, lagi ko na lang susugatan ang sarili ko.
"Okay na ang sugat ko beh, kiss lang pala ang sagot para mawala ang sakit," sabi ko saka ngumiti ng matamis sa kanya.
Palihim akong natawa nang matigilan si mayor at napatingin sa 'kin. Napatikhim pa siya saka ininom ang kape niya.
"Effective talaga ang kiss mo Arkia, kapag nagkasugat ako, magpapakiss ulit ako," sabi ko saka pasimpleng tumingin kay mayor.
Natigilan ako nang mapansing nakatingin din siya sa 'kin. Napailing na lang siya at muling humigop ng kape.
"Pero mas effective ang kiss ng yorme," bulong ko saka napahawak sa baba ko.
Natigilan kami ni Arkia nang masamid si mayor. Agad ko akong lumapit sa kanya at inabutan siya ng tubig.
"Grabe naman, bakit bigla kang nasamid?" tanong ko at pinalo-palo pa ang likod ni mayor.
Tiningnan niya ako ng masama. Nagpeace sign na lang ako sa kanya. Bakit ba siya nagagalit? Wala naman akong sinabing masama.
Napailing na lang ako at bumalik na sa tabi ni Arkia.
"Papa, magtatrabaho ka po whole day?" tanong ni Arkia saka kumagat sa sandwich.
"No," tipid na sagot ni mayor. Napakunot ang noo ko.
Wala na bang ihahaba ang sagot niya?
Tumayo na si mayor nang maubos na niya ang kape niya saka umalis. Malamang maliligo na ito at maghahanda sa pagpasok sa trabaho.
"Mama, nagkiss kayo ni Papa last night 'no?" tanong ni Arkia saka pinaningkitan ako ng mga mata.
"Magtigil ka nga, ang bata bata mo pa, kiss na 'yang iniintindi mo. Kurutin ko singit mo riyan eh," pananaway ko sa kanya.
"Ang mahalaga nagkiss kayo," sabi niya naman.
"Hindi nga kami nagkiss, ang ginawa namin ay kiss for healing purposes only," sabi ko naman.
Ano ba 'tong pinagsasasabi ko kay Arkia? Bakit naman kasi may alam na siya sa kiss kiss na 'yan? Ang bata niya pa ah, mahihila ko na talaga ang buhok niya eh.
"Healing purposes? Wala namang gano'ng kiss eh," nakasimangot na sabi niya. Napataas ang isang kilay ko.
"Eh bakit ni-kiss mo 'ko kagabi? Sabi mo nakakawala ng sakit ng sugat 'yon," sabi ko naman.
"Pakitang-tao lang 'yon," sabi niya saka umirap.
"Wow, magmamadre ka ba talaga? Ang sama ng ugali mo."
"Magmamadre ako," pagmamatigas niya.
"Oo na, wala naman akong pakialam," pang-aasar ko.
Tiningnan niya ako ng masama, palihim akong natawa. Magkamukhang magkamukha sila ni mayor kapag ganyan ang mukha niya.
"Ang cute cute mong bruha ka, pa-kiss nga," nanggigigil na sabi ko saka kinurot ang pisngi niya.
Napangiwi siya ng dampian ko ng halik ang magkabilang pisngi niya.
"Eww naman! You're so eww, si Papa na lang ang i-kiss mo!" naiinis na sabi niya.
Natawa na lang ako habang nakatingin sa nandidiring mukha niya. Mukhang bet na niya ako maging Mama niya.
Nakipagkulitan muna ako kay Arkia, nakakatuwa rin kasi inisin ang batang 'to. Parang gusto niya rin akong barilin kapag naiinis siya sa 'kin.
"Let's go."
Natigilan ako nang tumayo siya at hinila ako papuntang kwarto namin ni mayor. Tumigil kami sa tapat ng pinto, nagtatakang napatingin na lang ako kay Arkia.
"Asikasuhin mo si Papa para talagang ma-fall siya sa 'yo, saka sumama ka sa pupuntahan niya. Hindi siya napunta sa work kapag linggo," bulong niya sa 'kin. Napakunot ang noo ko.
"Saan siya napunta kapag linggo?" tanong ko naman.
"I don't know, kaya nga dapat sumama ka sa kanya. Diba talent mo ang mangulit?" nakataas-kilay na tanong niya.
"Oo nga, talent ko nga ang mangulit, pero gusto ko pang mabuhay," sabi ko na lang. Napairap naman siya.
"Kailangan mong malaman kung saan napunta si Papa kapag Sunday, malay mo may iba siya babae."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Grabe naman, saan niya naman nakuha ang ideyang 'yon?
"Grabe naman, babae agad? Hindi ba pwedeng nagsisimba lang siya?" tanong ko. Tiningnan niya ako ng masama.
Sabagay, malamang masusunog ang Papa niya kapag pumasok 'yon ng simbahan.
"Mama, this is a serious matter," seryosong sabi ni Arkia.
Hindi ko alam kung ano'ng trip ng batang 'to at dinadamay pa ako. Nanahimik ako rito eh, gusto ko pang mabuhay... pero curious din talaga ako kung saan nagpupunta si mayor tuwing Linggo.
"Kaya mo 'yan, Mama. Fighting," sabi niya saka binuksan ang pinto sa kwarto at tinulak ako papasok sa loob saka agad na isinara ang pinto.
Natigilan ako nang makita si mayor na nagsusuot na ng polo niya. Napabuntong hininga ako dahil sa pagkadismaya. Sana mas maaga akong pumasok dito sa kwarto, nakabihis na tuloy si mayor.
"What are you doing here?" masungit na tanong niya.
Napaismid na lang ako at lumapit sa kama saka kinuha ang suklay sa bedside table.
"Magsusuklay ako, bakit? Masama ba'ng magsuklay? Sinabi ba sa batas na bawal magsuklay?" tanong ko saka sinimulang suklayin ang buhok ko.
Hindi na lang nagsalita si mayor at sinuot ang coat niya. Ang gwapo talaga ni mayor, minsan gusto ko siyang makita na simpleng t-shirt at pants lang ang suot, siguro bagay rin 'yon sa kanya.
"Mayor, sasabay sana ako sa paglabas mo," sabi ko saka inilapag ang suklay sa bedside table.
"Why? You have your own car," sabi niya saka tumingin sa 'kin.
"Wala lang, lalabas din naman ako eh, saka dapat nagtitipid tayo sa gas," sabi ko habang tumatango.
May sense ba 'tong sinasabi ko?
"Bahala ka," sabi na lang niya saka agad na lumabas ng kwarto.
Napakamot ako sa batok ko at agad na sumunod sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko rito sa pinapagawa sa 'kin ni Arkia eh, saka bakit ko ba siya sinusunod?
"Arkia, alis lang ako ha!" pagpapaalam ko kay Arkia.
Napatigil si Arkia sa pagbabasa ng bible at napatingin sa 'min ni mayor. Napangiti lang siya saka tumango.
"Sige po, bye!"
Hindi naman halatang excited siya.
Lumabas na kami ng bahay ni mayor saka nagtungo sa itim na kotseng palagi niyang ginagamit. Gaya ng inaasahan ko, hindi niya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse kaya ako na lang ang nagpapasok sa sarili ko. Sa may shotgun seat ako umupo para magkalapit lang kami ni mayor.
Napatingin na lang ako kay mayor nang paandarin na niya ang kotse. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa labi niya.
Kailan kaya kami magki-kiss ulit? Parang gusto ko tuloy magkasugat ulit.
"Mayor, saan ka pupunta?" tanong ko.
"Why are you asking that?" masungit na tanong niya.
Hindi na lang ako sumagot at napaismid. Nagtanong ako sa kanya tapos tanong din ang isinagot niya sa 'kin. Mali naman yata 'yon.
Natigilan ako nang itigil ni mayor ang kotse sa tapat ng bahay nina Wrena. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"I know what you're scheming. Don't you dare follow me," pananakot niya habang seryosong nakatingin sa 'kin.
Napaismid na lang ako at agad na bumaba ng kotse niya. Hinabol ko na lang ng tingin ang kotse niya nang paandarin na niya 'yon.
Mission failed, wala akong mukhang ihaharap kay Arkia. Pero wala naman akong magagawa eh, kapag nagpumilit pa ako baka mabaril na talaga ako ng totoo.
"Ayen!"
Natigilan ako nang marinig ang malakas na boses ni Wrena. Agad akong napangiti at sinugod siya ng yakap.
"Bakit ka naligaw rito? Pinayagan ka na naman ni mayor maggala?" tila nanunuksong tanong niya. Hinampas ko ang braso niya.
"Day off ko kaya ngayon 'no. Teka, bakit nandito ka sa bahay? Wala ka bang trabaho?" tanong ko.
"Para ka namang ewan, diba pahinga day naman talaga natin ang Linggo saka nagsisimba tayo," sabi naman niya.
Oo nga pala, muntik ng mawala sa isip ko ang pagsisimba. Sa susunod na linggo nga ay isasama ko si Arkia sa pagsisimba para hindi siya sa TV nanonood ng misa.
"Simba tayo?" tanong ni Wrena. Ngumiti naman ako at nagthumbs up sa kanya.
Pumasok na kami sa loob ng bahay para makapagbihis na si Wrena.
"Wrena, kapag ba hinalikan ka ng lalaki, ano'ng ibig sabihin no'n?" tanong ko.
Napatigil si Wrena sa paglalagay ng lip tint saka naiinis na tumingin sa 'kin. Para bang gusto na niya akong sakalin sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin.
"Aba malay ko, depende naman 'yon sa pag-iisip ng lalaki nung hinalikan niya ang babae saka ro'n sa sitwasyon," sabi naman niya saka inayos ang buhok niya.
"Eh paano kapag may sugat yung babae tapos sabi niya nakakawala raw ng sakit ang kiss?" tanong ko pa.
Natigilan ako nang mapahagalpak ng tawa si Wrena.
"Ano ba naman 'yon, girl? Ano ba'ng tingin ng lalaking 'yon sa babae?Grade one?" natatawang tanong niya. "Sino ba ang babaeng tinutukoy mo na may sugat?" nakataas-kilay na dagdag niya pa.
"W-wala! Mema tanong lang 'yon. Halika na nga, baka ma-late pa tayo sa misa," sabi ko na lang.
Nagpunta kami sa simbahan na malapit lang sa 'min. Habang nasa simbahan kami, ipinagdasal ko rin si Arkia at mayor, pati nga si Adham pinagdasal ko na rin. Ang sasama kasi ng ugali nilang tatlo.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Wrena nang matapos na ang misa.
"Wag na tayong gumala, gusto kong tumambay sa bahay niyo. Nasaan nga pala si Aljen? Busy sa law school?" tanong ko. Napairap naman siya.
"Wala akong pakialam do'n, bahala siya sa buhay niya," naiinis na sabi niya.
Palagi na lang talaga silang nag-aaway, magugulat ako kung isang beses hindi sila magkaaway eh.
"Sigurado ka hindi tayo gagala?" tanong pa ni Wrena nang makarating na kami sa bahay nila. Umiling na lang ako.
Wala ako sa mood gumala, hindi rin kasi ako nakakupit ng pera sa wallet ni mayor. Nakakatamad gumala ng walang pera.
Napailing na lang ako sa naiisip ko. Kakasimba ko lang pangungupit na agad ang nasa isip ko. Mukhang kailangan ko na yatang magbasa ng bible kagaya ni Arkia. Kaso nagbabasa na nga siya ng bible masama pa rin ang ugali niya eh.
"May gusto ka bang kainin Ayen?" tanong ni Wrena habang nagtitingin ng pagkain sa ref.
Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa bag ko. Napasinghap ako sa gulat at agad na sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni mayor sa caller ID.
"H-hello?"
"I'm here, let's go home together," sabi niya saka agad na binaba ang tawag.
Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan na mapangiti. Let's go home together daw. Grabe naman 'tong si mayor, masyadong pa-fall.
"Wrena, kailangan ko ng umalis ha. Sa susunod na lang ulit, bye!" pagpapaalam ko sa kanya. Tila nanunuksong ngumiti na lang siya saka tumango.
Napangiti ako nang makita ang kotse ni mayor paglabas ko ng bahay ni Wrena. Agad akong lumapit do'n at pumasok sa loob.
"Hello, mayor," nakangiting bati ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot at pinaandar na lang ang kotse. Ang sungit naman, para namang inutusan ko siya na magpunta rito at sunduin ako.
"Mayor, makinig tayo sa music, pwede?" tanong ko. Tumango na lang siya.
Napangiti ako at agad na binuksan ang radyo, bakit naman hindi siya nagpapatugtog kapag nagd-drive siya? Mas maganda kaya ang may pinapakinggang music kapag nagd-drive.
"Mayor, alam mo ang kantang 'yan? Favorite ko 'yan."
Pinapatugtog sa radyo ang cover ng Can't Help Falling In Love na kanta ni Elvis Presley. Mas gusto ko pa rin ang original, pero ayos din naman ang cover.
"Take my hand, take my whole life too... for I can't help falling in love with you," pagsabay ko sa kanta.
"Ang pangit ng boses mo," masungit na komento ni mayor.
Agad ko siyang tiningnan ng masama. Grabe naman siya makalait sa boses ko, sabi nga ni Aljen mala-anghel daw ang boses ko eh.
"Wow, bakit? Maganda ba ang boses mo, mayor?" panghahamon ko.
Hindi siya sumagot at itinigil na ang kotse. Hindi ko na namalayan na nakauwi na pala kami. Agad siyang bumaba ng kotse at iniwan ako, napaismid na lang ako at bumaba rin.
Napakagentleman naman niya.
Sumunod na lang ako kay mayor nang magpunta siya sa silid namin.
"Mayor, hindi ka ba nagugutom?" tanong ko saka umupo sa kama.
"I'm not hungry," tipid na sagot niya habang hinuhubad ang coat niya.
Bigla tuloy akong na-curious kung saan siya nagpunta. Kumain na ba siya sa lugar na pinuntahan niya? Baka naman may babae sa pinuntahan niya at ipinagluto siya.
Hinabol ko na lang ng tingin si mayor nang pumasok siya sa banyo. Napaismid na lang ako at humiga sa kama.
Ano kaya ang sasabihin ko kay Arkia bukas kapag nagtanong siya?
Muli akong bumangon, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para magsearch sa internet.
Paano i-crushback?
Hindi ako nagsearch ng ganito para kay mayor, curious lang talaga akong tao.
"Number one, maging sweet kay crush? Sweet naman ako palagi sa kanya ah," bulong ko habang nakahawak sa baba ko.
Napangiwi na lang ako at hindi na itinuloy ang pagbabasa no'n saka inilapag ang cellphone ko sa bedside table.
Natigilan ako nang mapansin ang mga ballpen ni mayor do'n. Napangisi ako at kinuha ang red ballpen, sinulatan ko ang hintuturo ko.
"Ayos na ba 'to?" tanong ko habang nakatingin sa daliri kong may sulat.
Lumabas na rin si mayor ng banyo makalipas ang ilang minuto. Napakamot ako sa pisngi ko dahil naamoy ko kaagad ang mabangong amoy niya. Nagkakasala talaga palagi ang isip ko dahil dito kay mayor eh.
Napatingin ako sa matipunong braso niya. Naiinis talaga ako dahil sando ang sinusuot niyang pantulog, torture sa 'kin 'yon.
"Mayor!"
Natigilan si mayor sa pagpupunas ng basa niyang buhok saka napatingin sa 'kin.
"Hmm?" tanong niya. Lihim na napangiti ako nang lumapit siya sa 'kin.
"Tingnan mo mayor, may sugat ako," sabi ko saka ipinakita ang daliri kong sinulatan ko ng red ballpen.
Napakunot ang noo niya habang nakatitig do'n.
"What happened to your finger?" tanong niya.
"Naghihiwa kasi ako kanina habang naliligo ka, kaso nahiwa ko yung daliri ko. Gamutin mo, mayor," sabi ko saka ininguso ang daliri ko.
Napabuntong hininga siya at nagtungo sa drawer na lagayan ng first aid kit. Agad ko naman siyang pinigilan.
"Hindi 'yan ang kailangan ko, mayor!" pagpigil ko sa kanya.
Naiinis na lumapit siya sa 'kin habang nakakunot ang noo. Mukhang babarilin na talaga niya 'ko anumang oras.
"What the fuck do you need then?" tila naiiritang tanong niya.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko saka bahagyang ngumuso.
"Baka kailangan ng kiss para mawala yung sakit," bulong ko saka hinipan ang daliri ko na may kunwaring sugat.
Natigilan ako nang batuhin ako ni mayor ng unan sa mukha. Naiinis na binato ko rin 'yon sa kanya saka tiningnan siya ng masama.
"Bakit mo 'ko binato ng unan?! Grabe ka, gusto ko lang naman mawala ang sakit ng sugat ko," pagmamaktol ko.
Natigilan ako nang kuhanin niya ang baril niya sa drawer saka itinutok iyon sa 'kin.
"Wala ka ng mararamdaman pagkatapos nito," masungit na sabi niya saka ikinasa ang baril niya.
Sa totoo lang, dahil palagi ko ng nakikita ang baril niya, hindi na ako natatakot kapag tinututukan niya ako no'n.
"Kumalma ka naman, mayor. Masyado kang high blood, pumutok sana ang ugat mo," naiinis na sabi ko.
Napailing na lang siya at muling ibinalik ang baril sa drawer niya. Hindi ba siya natatakot na baka kuhanin ko ang baril niya at siya ang barilin ko?
Pero sabagay, alam niya siguro na ni hindi ko kayang humawak ng baril. Baka atakihin ako sa puso.
"Joke na sugat lang talaga 'to, mayor," sabi ko na lang saka binura ang sulat ng ballpen sa daliri ko.
Hindi na lang nagsalita si mayor at umupo na lang sa couch. Napakamot naman ako sa batok ko at tinitigan siya.
Nagiging bastos na rin yata talaga ang isip ko, kapag napapatingin ako sa labi niya, gusto kong halikan niya ako ulit katulad kagabi, kaso mukhang hindi na mauulit 'yon.
Natigilan ako nang mapatingin sa 'kin si mayor. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa labi niya, hindi ba talaga kami pwedeng magkiss ulit? Kahit ilang segundo lang.
Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Sinampal-sampal ko ng mahina ang magkabilang pisngi ko upang gisingin ang sarili ko sa realidad.
Naiinis na kinuha ko ang red ballpen at sinulatan ulit ang daliri ko. Ramdam kong nakatingin sa 'kin si mayor pero tuloy lang ako sa ginagawa ko.
"Mayor, may sugat ulit ako," sabi ko saka ipinakita sa kanya ang daliri ko.
Natigilan ako nang mapansing seryosong nakatitig sa 'kin si mayor. Napalunok na lang ako at muling ibinaba ang kamay ko. Galit na ba talaga siya?
Napakurap ako nang tumayo siya at lumapit sa 'kin. Nanatili naman akong nakatingin sa mukha niya habang sinusuri ang emosyon niya.
Galit ba siya o ano? Hindi ko mabasa ang iniisip niya ngayon.
Natigilan ako nang hinawakan niya ang kamay ko na sinulatan ko ng ballpen.
"Does it hurt?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napalunok ako habang nakikipaglabanan ng titig sa kanya. Ano ba ang dapat kong sabihin? Alam naman niya na ballpen lang 'yon, bakit tinatanong niya pa kung masakit?
Napasinghap na lang ako nang hilahin niya ako patayo saka binuhat ng walang kahirap-hirap. Napakapit ako sa batok niya, iniyakap naman niya ang mga hita ko sa baywang niya saka isinandal ako sa pader.
Pakiramdam ko bumigat ang paghinga ko habang nakatitig sa nag-aalab na tingin niya. Hindi ko maialis ang tingin ko, mayroong kakaiba sa mga mata niya na para akong hinihila.
"I'll help you alleviate the pain," bulong niya habang hindi maalis ang titig sa 'kin.
Hindi na ako nakapalag nang siilin niya ng halik ang labi ko.