Call Me Mayor Chapter 10

"Bakit kanina ka pa tahimik?" tanong ko kay Arkia.

Hindi siya sumagot at napatungo na lang habang nagbabasa ng bible. Napakamot na lang ako sa batok ko, bakit naman kaya hindi ako pinapansin ng batang 'to?

"Alam ko na kung bakit. Galit ka siguro sa 'kin dahil pinahiya kita sa school 'no?" tanong ko pa.

Hindi pa rin siya nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagbabasa niya. Mukhang seryoso siya nung sinabi niya na mahilig siyang magbasa ng bible.

Bakit hindi siya bumait?

"Bahala ka, wag mo na lang akong pansinin. Balak pa naman kitang isama maggala sa labas dahil pinayagan tayo ng Papa mo, pero wag na lang pala," pagpaparinig ko.

Natigilan naman siya at agad na napatingin sa 'kin. Pinigilan ko ang pagngiti ko nang mapansing napangiti siya sa sinabi ko.

"Wag kang ngumiti riyan, nagbago na ang isip ko," kunwaring masungit na sabi ko

"H-hindi naman ako galit sa 'yo, hindi ko lang alam ang sasabihin ko," naiilang na sabi niya saka napaiwas ng tingin sa 'kin.

Kinuha ko ang bible na binabasa niya at inilapag 'yon sa mini table. Hinawakan ko ang balikat ni Arkia at pinaharap siya sa 'kin. Humarap naman siya kaso nanatili siyang nakatungo. Napailing na lang ako.

"Ano ang nararamdaman mo kung hindi ka galit sa 'kin?" seryosong tanong ko.

Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa balikat niya saka muling kinuha ang bible.

"W-wag ka na ngang magtanong ng magtanong," sabi na lang niya.

Natatawang napailing na lang ako, malakas ang pakiramdam ko na kaunti na lang, magiging close na kami ni Arkia ng totoo.

Worth it naman pala ang pakapahiya at pambubugbog na natamo ko sa amazonang babae kahapon, hanggang ngayon masakit pa rin ang mga sugat na natamo ko kahit maliliit lang ang mga 'yon.

Napatingin ako sa magazine na nasa mini table. Napaismid ako nang makita ang sikat na artista na nasa front cover ng magazine.

"Angel Mendoza? Sabagay, mukha talaga siyang anghel," bulong ko habang nakatingin sa magazine.

Mukha siyang sopistikada at talagang maganda, ganitong babae kaya ang mga type ni mayor? Yung tipo ng babae na luluwa ang mga mata mo kapag nakita ko.

Napabuntong hininga na lang ako at padabog na inilapag ang magazine sa mini table.

Natigilan kami ni Arkia at napatingin kay mayor na mukhang kalalabas lang ng kwarto niya. Naka-three piece suit na siya at mukhang handa ng magpunta sa munisipyo.

Agad akong lumapit sa kanya. Grabe, ang bango talaga palagi ni mayor, parang ayoko na lang siya paalisin, kaso hindi ko naman siya boyfriend.

"Mayor."

Natigilan ako nang tingnan niya ako ng masama. Napatakip ako sa bibig ko, bawal ko na nga pala siya tawaging mayor sa hindi malamang dahilan.

"Arken, diba pinayagan mo kami lumabas ni Arkia kagabi?" tanong ko saka ngumiti ng matamis sa kanya.

Excited na kasi akong ilabas si Arkia, masyado na siyang maputla. Halatang hindi siya nasisinagan ng araw.

"When did I say that?" masungit na tanong niya habang inaayos ang necktie niya.

"Ang daya mo naman, kagabi pumayag ka eh. One hundred times kasi kitang kinulit," sabi ko naman.

Hindi ko talaga siya pinatulog kagabi hangga't hindi siya pumapayag, antok na antok na siya no'n. Tinutukan niya pa nga ako ng baril para tumahimik na 'ko pero hindi ako nagpatalo hanggang sa pumayag siya.

"Mayor--este Arken naman, tingnan mo si Arkia oh, mukha na siyang binabad sa suka dahil sa putla. Kailangan niya rin ng sunlight 'no, hindi niyo ba pinag-aralan 'yon?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita at akmang aalis na nang hawakan ko ang braso niya ng mahigpit.

"Pumayag ka na kagabi, 'wag ka namang madaya, saka gusto rin kaya ni Arkia lumabas. Diba 'no?" tanong ko saka tiningnan si Arkia.

Napalunok naman si Arkia saka tumango, halata sa mukha niya na gusto niya talagang lumabas.

Napabuntong hininga si mayor at tila nandidiring inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya.

Ang arte naman.

"Fine, but if something bad happens to my daughter, you know what will happen to you, right?" mahinang tanong niya para hindi marinig ni Arkia.

"Oo naman 'no, saka kung may mangyayari mang masama kay Arkia, hindi na ako magpapakita sa 'yo," sabi ko na lang.

Napatakip na lang ako sa bibig ko nang tingnan niya na naman ako ng masama.

"Joke lang, yorme," sabi ko saka nagpeace sign sa kanya.

"Yorme?" nakataas-kilay na tanong niya. Tumango naman ako.

"Ayaw mo ng mayor eh, edi yorme na lang."

Kapag tinatawag ko siyang yorme, parang magtropa lang kami. Ayos na rin 'yon, hindi rin kasi ako komportableng tawagin siya sa pangalan niya.

Hindi na lang siya sumagot. Akmang aalis na siya nang hawakan ko ulit ang braso niya.

"Wait lang, yorme."

Agad akong tumakbo at kinuha ang magazine sa mini table saka muling lumapit kay mayor at ipinakita sa kanya ang front cover ng magazine.

"Mayor, kilala mo ba siya?" tanong ko at itinuro ang artista sa front cover.

"Why are you asking that?" walang emosyon na tanong niya. Napaismid na lang ako.

"Ganitong babae ba ang type mo?" bulong ko sa kanya.

Nakakahiya kapag narinig ni Arkia.

"Ewan ko sa 'yo," sabi na lang niya bago tuluyang umalis.

Napaismid na lang ako at padabog na ibinalik ang magazine sa mini table. Ang dali dali lang ng tanong ko hindi niya pa masagot.

"Arkia, magbihis ka na. Aalis na tayo!" excited na sabi ko.

Napangiti ako nang agad na tumayo si Arkia, napansin ko rin na nagpipigil siya ng ngiti. Sus, kunwari pa ang batang 'to, halata namang excited din siya.

Umalis kami agad pagkatapos magpalit ng damit ni Arkia. Halatang hindi siya mapakali habang nasa kotse kami.

"Kalma ka lang, Arkia. Sure ako na matutuwa ka sa mga pupuntahan natin, saka wag kang mag-alala dahil palagi na tayong maggagala. Wala namang nagagawa si mayor kapag nangulit na 'ko eh," tila proud na sabi ko saka ngumisi sa kanya.

Mukhang talent ko na yata ang pangungulit kay mayor. Siyempre nakasalalay rin kasi ang buhay ko sa bawat pangungulit ko, baka mapikon na talaga 'yon at barilin ako ng tuluyan eh.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Arkia habang nakatingin sa bintana.

"Ang una nating pupuntahan ay mall, nakapunta ka na ba sa mall?" tanong ko.

"H-hindi pa," tila nahihiyang sabi niya.

Napailing na lang ako. Grabe naman, ako kahit walang pera nagpupunta pa rin ako sa mall. Minsan nagpapalamig lang ako ro'n o kaya naman may part-time job.

"Wow, ang laki ng mall!"

Napangiti ako nang makitang excited si Arkia nang makarating na kami sa mall. Agad kong hinawakan ang kamay niya bago kami pumasok sa loob.

"Maraming mabibili rito sa mall, buti na lang dumukot ako ng pera sa wallet ng Papa mo," nakangising sabi ko saka inilabas ang limang libo na kinuha ko sa wallet ni mayor kagabi habang tulog siya.

Napahagikhik si Arkia sa sinabi ko.

"Dumukot ka ng pera sa wallet ni Papa? Bad kaya 'yon," natatawang sabi niya.

"Okay lang 'yon, babarilin niya lang naman ako kapag nalaman niya," sabi ko na lang.

Nagpunta muna kami sa isang fast food restaurant para kumain. Hindi naman siya nagreklamo at sumama na lang sa 'kin.

"Tikman mo 'to," sabi ko saka sinubuan siya ng French fries. Mukha namang nasarapan siya at muling kumuha.

Mukha namang nagustuhan niya ang mga kinain niya dahil napadami siya ng kain.

"Saan naman tayo?" halatang excited na tanong niya.

"Pupunta tayo sa lugar na gustong puntahan ng mga batang tulad mo," sabi ko naman saka ngumiti sa kanya.

Agad kaming nagtungo sa arcade. Manghang mangha naman siya nang makapasok na kami sa loob.

"Wow! Ang ganda rito!" tuwang tuwa na sabi niya at tumatalon-talon pa. Natawa na lang ako habang nakatingin sa kanya.

Hindi na siya mukhang nagpapanggap ngayon, mukhang masaya talaga siya.

"Ano'ng una mong gustong laruin?" tanong ko.

Itinuro niya ang claw machine na may malalaking teddy bear sa loob. Napangiwi ako, wala pa naman akong swerte sa ganyan.

"Let's go! Malamang hindi mo alam pero expert ako riyan," mayabang na sabi ko.

Nagpapalit kami ng maraming tokens saka nagtungo sa claw machine. Naghulog ako ng token, titig na titig naman si Arkia sa mg teddy bear na nandoon.

"Ano'ng gusto mo riyan? Kukuhanin ko," mayabang na sabi ko.

"Ayun!" sabi niya saka itinuro ang kulay pink na teddy bear. Napangiwi ako, medyo alanganin ang pwesto ng teddy bear na 'yon, mahirap kuhanin.

"Sige, kukuhanin natin 'yan, watch and learn, Arkia."

Palihim akong humiling na sana makuha ko 'yon, ayoko namang ma-disappoint ang bruhildang bata na 'to. Mukha pa namang masaya talaga siya ngayon.

"Sayang," nakangusong sabi ni Arkia nang hindi ko nakuha ang teddy bear. Napakamot na lang ako sa batok ko.

Natigilan ako nang maghulog ulit ng token si Arkia sa claw machin. Napataas naman ang isang kilay ko sa ginawa niya.

"Ita-try mo?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Ako na lang po, mukhang hindi ka magaling," mayabang na sabi niya, Napangisi na lang ako.

"Wag kang masyadong mayabang, Arkia. Hindi madali ang makakuha ng teddy bear sa mga ganyan dahil may daya--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ipakita sa 'kin ni Arkia ang nakuha niyang teddy bear. Napaawang na lang ang labi ko habang nakangiti siya ng matamis sa 'kin.

"Hindi ka lang po marunong," napapailing na sabi niya saka niyakap ang teddy bear.

Ang daya naman, ilang beses na 'kong naglalaro ng ganyan pero hindi pa 'ko nakakuha ng teddy bear kahit isang beses.

"Sa basketball tayo!" excited na sabi niy saka hinila ako. Natawa na lang ako at nagpahila sa kanya. Mukhang enjoy na enjoy siya eh.

* * *

"Ano 'yan?" tanong ni Arkia saka tinuro ang bilihan ng mga fishball.

"Rich kid ka kaya hindi mo alam ang mga ganitong pagkain kaya papakainin kita nito ngayon."

Nagtungo kami sa park pagkatapos naming mag-enjoy sa mall. Medyo hirap nga lang kami ngayon dahil limang teddy bear ang nakuha ni Arkia sa claw machine, pinamigay na lang namin yung iba sa mga bata. Nakakaloka.

"Safe po ba iyan kainin? Mukhang dirty naman ang--"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Arkia nang tingnan siya ng masama ng tindero. Itong batang 'to, masyadong pahamak.

"Ano ka bang bata ka? Ubod mo naman ng arte, hindi dirty 'yan 'no," pananaway ko sa kanya.

Hindi na lang nagsalita si Arkia saka umismid. Bumili na lang ako ng fishball at kikiam, pinalagay ko sa dalawang paper cup para tig-isa kami ni Arkia.

"Oh, tikman mo 'yan. Kapag natikman mo 'yan, paniguadong mawawala ang kaartehan mo sa katawan," sabi ko na lang saka inabot sa kanya ang paper cup.

Naglakad lakad na kami habang nakain ng fishball. Pasimple akong tumingin sa reaksyon ni Arkia. Napangiti na lang ako nang makita kong nagustuhan niya iyon.

"Ano? Masarap 'no?" tanong ko sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin sa 'kin.

"Hindi kaya, gutom lang talaga ako kaya ko kinakain," pagde-deny niya. Napailing na lang ako.

Manang mana siya kay mayor, pag-untugin ko silang mag-ama eh.

"Mama! Tingnan mo, si Papa 'yon oh!"

Natigilan ako nang kumapit si Arkia sa damit ko at itinuro ang malaking tarpaulin na may seryosong mukha ni mayor. Napangiwi na lang ako, kahit sa tarpaulin man lang, hindi niya nagawang ngumiti.

"Oo, tingnan mo naman ang pagmumukha ng Papa mo riyan, mukhang hindi nabigyan ng ayuda," napapailing na sabi ko na lang.

"Ang pogi kaya ng Papa ko. Diba nga crush mo siya?"

Napaubo naman ako sa tanong niya. Grabe naman 'tong batang 'to, mababatukan ko na 'to eh.

"Grabe ka naman, simpleng crush lang 'yon 'no. Gwapo ang Papa mo, napopogian lang ako sa kanya. Wag ka ngang ano riyan," sabi ko na lang saka napairap.

Muli akong napatingin sa tarpaulin na may mukha ni mayor. Ang gwapo niya kahit mukha siyang galit sa mundo.

"Akala ko ba may gusto ka sa Papa ko? Gusto ko maging love mo siya!" galit na sabi niya.

Napakamot na lang ako sa batok ko habang nakatingin sa galit na mukha niya. Kakaiba rin talaga ang batang 'to, anak talaga siya ni mayor.

"Bakit naman gusto mong maging love ko siya? Akala ko ba ayaw mo 'ko maging Mama mo?" panghahamon ko.

Napaiwas naman siya ng tingin sa 'kin saka muling kumain ng fishball.

"Mas okay na ikaw na lang ang maging Mama ko kaysa ibang tao," nakatungong sabi niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan na mapangiti. Sabi na nga ba at lalambot din sa 'kin ang batang 'to eh.

"Wag kang masyado maging happy, wala lang talaga akong ibang mapagpilian kaya ikaw na lang," masungit na sabi niya habang panay ang iwas ng tingin sa 'kin.

"Ay sus, ang arte mo naman girl. Aminin mo na lang kasi na na-fall ka rin sa charms ko," sabi ko na lang. Napairap naman siya.

"Charms your face," masungit na sabi niya. Natatawang napailing na lang ako.

Pagkatapos naming kumain ng fishball, hinila ko siya sa bilihan ng dirty ice cream. Gaya ng inaasahan ko, nag-inarte siya nung una pero nagustuhan din naman niya.

"Papayag ba si Papa na lumabas tayo palagi?" tanong niya saka tumingin sa 'kin.

"Oo naman, wala ka bang bilib sa talent ko?" mayabang na tanong ko. Napaismid naman siya.

"Baka mabaril ka na niya ng tuluyan," sabi niya. Napangisi naman ako.

"Bakit? Concerned ka sa 'kin? Nag-aalala ka na baka barilin ako ng Papa mo?" tila nanunuksong tanong ko.

"Ang kapal ng face mo, Mama," sabi naman niya.

Napangiti na lang ako, natatawag niya akong Mama ng hindi niya namamalayan. Mukhang binubuksan na talaga niya ang puso niya sa 'kin.

"Arkia, doon tayo," sabi ko saka tinuro ang bilihan ng mga laruan na tig-sasampung piso.

Natigilan ako nang matisod ako sa isang bato at tumumba sa sahig.

Ano ba naman 'yan? Panibagong sugat na naman.

* * *

"What the hell are you doing to yourself?" nakakunot-noong tanong ni mayor habang ginagamot ang sugat sa tuhod ko.

"Eh kasi naman, kasalanan nung bato," nakasimangot na sabi ko.

Napangiwi ako dahil medyo mahapdi ang sugat ko sa tuhod na ginagamot niya.

Hindi ko rin talaga alam ang pinaggagagawa ko sa buhay ko nitong mga nakaraang araw at nagkakasugat ako.

"Papa."

Napatingin kami kay Arkia na pumasok ng kwarto namin ni mayor. Lumapit siya sa 'min saka umupo sa tabi ko.

"Masakit ba, Mama?" tanong niya saka tinuro ang sugat ko sa tuhod.

"Hindi, parang kagat lang ng langgam--aray naman!"

Tiningnan ko ng masama si mayor nang diinan niya ang paglapat ng bulak sa sugat ko. Tadyakan ko kaya siya?

"You said it doesn't hurt," tila painosenteng sabi niya saka tumingin sa 'kin. Napaismid na lang ako.

"Mama, nagsearch ako, sabi nawawala raw ang sakit ng sugat kapag kini-kiss," sabi ni Arkia habang inosenteng nakatitig sa 'kin.

"Eh? Kadiri naman kung iki-kiss ang sugat ko, dirty," nakangiwing sabi ko.

Lumapit sa 'kin si Arkia at dinampian ng halik ang pisngi ko. Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Baka po gumana kapag sa cheeks ni-kiss," sabi naman niya.

Napangiti na lang ako habang nakatitig sa kanya. Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi.

Tinitigan ko ng maigi ang mga mata niya, hindi na siya mukhang namp-plastik. Halata sa mukha niya na concerned talaga siya sa lagay ko ngayon.

"Okay na 'ko, effective pala ang kiss," nakangiting sabi ko saka hinaplos ang buhok niya.

Bahagyang namula ang magkabilang pisngi ni Arkia saka napaiwas ng tingin sa 'kin. Agad naman siyang tumayo.

"Sige po, matutulog na 'ko. Take care of her po, Papa," bilin ni Arkia kay mayor. Tumango na lang si mayor bilang sagot.

Lumabas na ng kwarto si Arkia. Napatingin na lang ako kay mayor na abala pa rin sa paggamot sa sugat ko. Doktor ba siya? Bakit ang dami niyang kaartehan na nilalagay sa sugat ko?

Kinuha ni mayor ang kamay ko at ginamot ang sugat ko ro'n.

"Yorme, sagutin mo ang tanong ko kanina. Type mo ba 'to?"

Muli kong kinuha ang magazine na mukha ni Angel Mendoza ang front cover saka itinapat sa mukha niya. Naiinis na inalis niya 'yon saka inihagis sa mini table.

"Why are you so interested with my type? Do you have a crush on me?" masungit na tanong niya. Napasinghap ako.

"Hindi 'no! Curious lang akong tao, curious din ako sa type ni Cadence, ni Zakarius, ni Ashteroh pati ni Xanthos," sabi ko na lang. Napakunot naman ang noo niya.

"You still remember their names?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Oo naman, sino ba'ng makakalimot sa pangalan ng mga gano'ng ka-gwapong nilalang?"

Gwapo talaga sila, pero hindi ko sila crush. Si mayor lang ang crush ko sa ngayon, o kung crush ko lang ba talaga siya.

Hindi na lang nagsalita si mayor. Napasinghap ako nang diinan niya ang pagdampi ng bulak sa sugat ko sa kamay.

"Ang sakit ah, may galit ka ba sa 'kin?" naiiritang tanong ko. Hindi naman siya sumagot.

Napakagulo talaga ng mood ni mayor, parehas na parehas sila ni Arkia.

"Hay, ang dami ko ng sugat, hindi na 'ko maganda."

Makinis talaga ang balat ko at maputi rin ako, pero ewan ko na lang ngayon, puro sugat na 'ko dahil sa mga kalokohang pinaggagawa ko nitong mga nakaraang araw.

"I don't think so."

Natigilan ako at napatingin sa mukha ni mayor. Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

Tama ba ako ng narinig? O baka naman nagkakaroon na 'ko ng auditory hallucination?

"Ha?" tanong ko.

Tinigil niya ang paggamot sa sugat ko saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.

Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa 'kin. Napatitig din ako sa mga mata niya, hindi ko alam pero kahit na anong pananaway ang gawi ko sa isip ko, hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya.

Napalunok ako nang mas lumapit siya sa 'kin saka marahang hinawakan ang pisngi ko. Napakagat ako sa dila ko habang pinipigil ang paghinga ko, papalapit na ng papalapit ang mukha niya sa 'kin.

Parang sasabog na ang puso ko sa bilis ng tibok no'n.

Pakiramdam ko may kakaibang kurtente na dumaloy sa buong katawan ko nang tuluyan ng dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.

Napapikit na lang ako nang mapunta ang kamay niya sa batok ko upang mas palapitin ako sa kanya. Tila wala sa sariling napakapit na lang ako sa balikat niya.

Hindi ko alam ang gagawin nang maramdaman ko ang banayad na paggalaw ng labi niya. Hindi ko talaga alam ang gagawin, ito ang unang beses na may humalik sa labi ko.

Impit na napadaing ako at napakapit ng mahigpit sa balikat niya nang tila nanggigigil na kinagat niya ang ibabang labi ko.

Tila natauhan siya at lumayo sa 'kin. Napadilat ako at tumitig sa mga mata niya. Hinihingal na napalunok ako at napatingin sa labi niya na namumula dahil sa paghalik niya sa 'kin.

Agad siyang lumayo sa 'kin saka napaiwas ng tingin. Tila nanghihinang napakapit naman ako sa sarili kong mga hita. Literal na nanginginig ang mga kamay ko ngayon.

"Arkia said that a kiss can ease the pain of your wounds, I hope it helps. Go to sleep now."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.