“Hmm.”
Napalunok ako nang maramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap sa 'kin ni mayor na para bang ayaw na niya 'kong pakawalan.
Tumingala ako at tiningnan ang mukha niya, tulog na tulog pa rin siya pero ang higpit niya yumakap. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at humawak sa matipunong dibdib niya.
Habang buhay ko na yatang maaalala ang nangyari kagabi. Mukha lang mailap si mayor pero mabagsik pala siya sa kama, kahit hindi sa kama mabagsik din siya.
Napasubsob na lang ako sa dibdib niya nang maramdaman kong nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Ngayon ko lang yata naramdaman na parang sobrang babae ako. Hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari kagabi.
Pero sa totoo lang masakit ang buong katawan ko ngayon, yung mga hita ko, mga braso, yung likod ko, lalo na ang pagitan ng mga hita ko. Hindi ko yata maihahatid si Arkia sa school ngayon dahil parang binubog ang katawan ko.
Napangiti ako nang bahagyang gumalaw si mayor at niyakap na naman ako. Sakop na sakop ng malaking katawan niya ang sa 'kin, may kaliitan kasi akong babae. Halos madali lang sa kanya ang ibalibag at buhatin ako kagabi.
Naalala ko na ginawa namin ‘yon kagabi habang nakasandal sa pader at isang braso lang ang pinanghawak niya sa 'kin.
Napasinghap na lang ako at napailing sa mga naiisip ko. Ang aga aga, kahalayan ang pumapasok sa isip ko. Kasalanan ni mayor 'to eh, masyado siyang mahilig.
Pero sa tingin ko kasalanan ito ng red ballpen.
“Jonalyn.”
Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko nang tawagin ni mayor ang pangalan ko. Ngayon niya lang yata ako tinawag sa pangalan ko, lalo pang nakakakilabot dahil sexy ng boses niya nung binanggit niya ang pangalan ko.
“M-mayor?” tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Dahan dahan niyang idinilat ang mga mata niya. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Ang gwapo niya kahit bagong gising, ang sarap niyang kagatin.
Sana lang talaga wala akong muta o panis na laway. Sasapakin ko talaga ang sarili ko kapag meron.
“Does it hurt?” tanong niya. Tumango na lang ako saka napaiwas ng tingin sa kanya.
May nangyari na sa 'min at lahat lahat, bakit ngayon pa ako tinablan ng hiya sa kanya?
Natigilan ako nang bumangon si mayor. Napaiwas ako ng tingin sa katawan niya, nakasuot naman siya ng boxer pero nahihiya pa rin ako.
Napasinghap ako nang walang pasabi niyang inalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko saka binuhat ako. Kahit hiyang hiya ako, hindi na lang ako nag-abala na takpan ang sarili ko. Para saan pa?
“We'll take a bath together,” sabi niya saka dinala ako banyo.
“M-mayor, masakit pa,” nakatungong sabi ko.
“I know, we'll just take a bath, relax,” sabi naman niya. Napakurap na lang ako at tumango.
Napalunok ako nang dahan dahan niya akong pinaupo sa may bowl na may takip. Napangiwi na lang ako dahil masakit talaga ang pagkababae ko. Bakit naman kasi napakawild ni mayor kagabi? Nagustuhan ko tuloy kaya hindi ko siya napigilan.
“I'm a little bit insatiable last night, it's been a long time since the last time I had sex... And you seduced me,” sabi niya saka bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Napasinghap ako sa sinabi niya.
“Hindi naman kita inakit ah, yung red ballpen ang may kasalanan,” sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kanya.
Natigilan ako nang mapansing natahimik siya. Napatingin ako sa kanya, napalunok ako kasabay ng pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko nang mapansing nakatitig siya sa 'kin.
“M-mayor.”
“Hmm?”
“N-nag-enjoy ka ba kagabi?” tanong ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang tapang na itanong sa kanya 'yon, curious lang talaga ako kung ano ba ang naramdaman niya kagabi. Kung nag-enjoy ba siya, kung satisfied ba siya.
“Just thinking about last night makes me hard as fuck... Did that answer your question?”
Napalunok ako sa tanong niya saka tumango. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang pigilan na mapangiti.
NAGTUNGO na kami ni mayor sa kusina pagkatapos naming maligo. Binuhat niya pa talaga ako kahit na sinabi ko na kaya ko namang maglakad.
“Mama, what happened to you po?” tanong ni Arkia.
Iniupo ako ni mayor sa tabi ni Arkia. Naiilang na ngumiti na lang ako, ano ba'ng pwede kong idahilan?
Napatingin ako kay mayor na umupo sa tapat ko. Sana naman tulungan niya akong magdahilan, yung kapani-paniwala sana.
“Maraming nangyari kagabi, Arkia,” sabi ko na lang. Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. Mas lalo niyang nagiging kamukha si mayor kapag ganyan ang mukha niya.
“Ahm, lumindol kagabi, tapos yumugyog ang kama...” Napatingin sa 'kin si mayor, ngumiti na lang ako sa kanya.
Trust me, mayor.
“...nalaglag ako tapos sumakit yung katawan ko. So ibig sabihin, kasalanan ng red ballpen,” napapatangong sabi ko.
Tila naguguluhang napatingin naman sa 'kin si Arkia. Napatingin ako kay mayor at hindi nakawala sa paningin ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya. Napapailing na lang siya saka nagbasa ng diyaryo.
Laking pasasalamat ko nang hindi na lang nagtanong si Arkia. Kahit na nahihirapan akong kumilos, tumayo pa rin ako para ipagluto siya ng almusal saka timplahan siya ng gatas.
Nagtimpla na rin ako ng kape ko pati na rin ng kape ni mayor pagkatapos kong magluto. Napabuntong hininga ako at napatingin sa lagayan ng asukal. Hindi ako makatingkayad dahil ang sakit ng mga hita ko.
Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na abutin 'yon. Natigilan ako nang may kumuha na no'n at inabot sa 'kin. Napatingin ako kay mayor na nasa likod ko, napakurap ako nang halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
“S-salamat,” nauutal na sabi ko at inilapag ang lagayan ng asukal.
Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko nang marahan niyang kinagat ang tainga ko. Pakiramdam ko may kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
Gulat na napatingin naman ako sa kanya at napahawak sa tainga ko.
“Ano'ng trip mo, mayor?” tanong ko. Walang emosyon na tumingin lang siya sa 'kin.
“Your ears are small,” sabi niya na lang saka muling bumalik sa upuan niya.
Napatulala na lang ako habang nakahawak sa tainga ko. Ano naman kung maliit ang tainga ko? Bakit niya naman kinagat?
Napailing na lang ako at mahinang sinampal-sampal ang pisngi ko. Pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko ngayon.
Pinilit ko na lang na magfocus sa ginagawa ko. Ipinaghain ko na si Arkia nang matapos kong timplahin ang gatas niya, inabot ko na rin ang kape ni mayor bago umupo sa tabi ni Arkia.
“Mama, edi hindi mo po ako maihahatid sa school today?” tanong ni Arkia.
“Kaya ko namang--” agad na pinutol ni mayor ang sasabihin ko.
“Adham will take you to school today,” sabi naman ni mayor bago ininom ang kape niya. Napatango naman si Arkia.
“Mama, sana po gumaling na ang legs mo,” sabi ni Arkia saka yumakap sa 'kin. Napangiti na lang ako at tumango.
“Oo nga eh, grabe naman kasi yung lindol kagabi, masyadong harsh,” sabi ko saka pasimpleng tumingin kay mayor.
“Hindi naman po lumindol kagabi, Mama,” nakakunot-noong sabi ni Arkia. Napakamot na lang ako sa batok ko.
“There was an earthquake last night, tulog ka na yata kaya hindi mo napansin,” sabi naman ni mayor saka isinara ang diyaryo niya. Napatango na lang si Arkia.
Napatingin ako kay mayor habang nagpipigil ng tawa. Hindi ko akalaing sasakyan niya ang dahilan kong 'yon.
Naligo na agad si Arkia at naghanda sa pagpasok pagkatapos niyang kumain. Dumating naman kaagad si Adham pagkatapos na pagkatapos ni Arkia maghanda sa pagpasok.
“Bye po! Mama, take care po. Sana po magaling ka na bukas,” nakangusong sabi ni Arkia. Napangiti naman ako saka tumango.
Naiwan na kami ni mayor sa bahay nang makaalis na sina Adham. Naiilang na napatingin ako kay mayor na nakaupo pa rin habang nagbabasa ng diyaryo.
“Mayor, hindi ka ba pupunta sa city hall?” tanong ko habang nakatitig sa kanya.
Hindi nakakasawang titigan si mayor, kahit titigan ko siya buong araw, ayos lang.
“I won't go to work if you don't want to,” sabi niya saka sinara ang diyaryong binabasa niya at seryosong tumingin sa 'kin.
“Bakit naman kita pipigilang pumasok sa trabaho? Mayor ka, hindi ka dapat uma-absent basta basta,” pananaway ko sa kanya.
Tumayo siya at lumapit sa 'kin. Napasinghap na lang ako nang buhatin niya 'ko at walang kahirap-hirap na nai-upo sa mesa. Itinuon niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
“Are you sure? You're still sore,” sabi niya saka napatingin sa bandang ibaba ng katawan ko.
“K-kaya ko naman, wag mo na akong intindihin,” sabi ko na lang saka bahagyang nilayo ang mukha ko sa kanya.
Baka masunggaban ko siya at mahalikan ng wala sa oras, baka isipin niya pa na masyado akong patay na patay sa kanya... na medyo totoo naman.
“Really?” tanong niya saka mas inilapit ang mukha sa 'kin.
Napalunok na lang ako at napakapit ng mahigpit sa mesa. Kaunti na lang magdidikit na ang ilong namin, amoy na amoy ko na rin ngayon ang mabangong hininga niya na medyo amoy kape. Parang gusto ko na talagang sunggaban siya ng tuluyan.
Kaso kailangan kong magpakatino, kailangan ko ng matinding pagkokontrol sa sarili.
Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?
“M-mayor, kung gusto mo ulit akong halikan, sabihin mo na lang hindi yung tinutukso mo ako ng ganito, nagpapaligoy--”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang dampian niya ng magaan na halik ang labi ko. Napalunok na lang ako at napatingin sa kanya. Nagwawala na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko, parang sasabog na rin ang puso ko sa bilis ng tibok no'n.
“Stop provoking me, I'm not someone you can easily deal with,” sabi niya sa malamig na boses habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.
“So what? Kabayong bundat.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at huminga ng malalim. Natigilan siya nang yumakap ako sa batok niya saka inilapit siya sa 'kin. Mas lalo siyang nagulat nang siilin ko ng halik ang labi niya.
Inaasahan ko na itutulak niya ako o kaya naman ay lalayo siya ngunit napahawak lang siya sa baywang ko at tinugon ang halik ko.
Napaigik ako nang hilahin niya ang baywang ko papalapit sa kanya saka mas pinalalim ang paghalik sa 'kin. Mas yumakap na lang ako sa batok niya at pilit na nilabanan ang halik niya kahit hindi ako gaanong marunong.
Umakyat ang kamay ni mayor sa braso ko at marahang hinaplos 'yon habang nagsisimulang marahan niyang kinakagat ang ibabang labi ko saka sinisipsip 'yon. Pakiramdam ko mamamaga na naman ang labi ko dahil sa ginagawa niya.
Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko kasabay ng pagdaloy ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko nang maramdaman ko ang marahang paghagod ng dila niya sa ibabang labi ko hanggang sa maipasok na niya 'yon sa bibig ko. Napasabunot na lang ako sa malambot niyang buhok upang kumuha ng lakas do'n.
“I can't kiss you like this...” Natigilan ako ng hinihingal na tumigil siya sa paghalik sa 'kin. Dinampian na lang niya ng magagaang halik ang leeg ko, pababa sa balikat ko.
“...without fucking you roughly in any positions I want until you can't take it anymore,” usal niya sa tila paos na boses. Napalunok na lang ako at napapikit nang maramdaman ko ang kamay niya na pumapasok sa loob ng damit ko.
“M-mayor,” mahinang usal ko at napakapit sa matipunong braso niya.
“Don't call me that, I'm restraining myself from fucking you right now. Be a good girl even just for today...” he said in a husky voice.
“...before I lose control of myself and fuck you even if you're still sore down there,” sabi niya pa bago lumayo sa 'kin.
Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag nang makalayo na siya sa 'kin, pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin pulang pula na ang mukha ko ngayon.
“Hey, breathe,” tila nang-aasar na sabi ni mayor.
Napabuga ako ng hangin nang mapansin kong nagpipigil pala ako ng paghinga. Napaiwas na lang ako ng tingin kay mayor.
“I'll go to work, call me if you need something,” sabi niya saka umalis.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang hinahabol siya ng tingin.
Delikado na talaga ang puso ko kay mayor.
* * *
“Okay ka lang ba talaga? Bakit ganyan ka maglakad?” naiiritang tanong ni Wrena.
Napangiwi na lang ako at pinilit na ayusin ang paglalakad ko. Akala ko pa naman magiging maayos na ang paglalakad ko kinabukasan, hindi pa rin pala. Pero hindi na naman kasing lala katulad kahapon, nakakapagdrive na ako ngayon.
Nandito kami sa palengke ni Wrena ngayon, mamimili ako ng prutas at mga panglaman sa ref. Saka binilhan ko na rin si Arkia ng mga tigpi-pisong tsitsirya at candy para naman maranasan niya, binilhan ko rin siya ng pogs, teks, Chinese garter, at kung ano-ano pang mga laruan. Sayang ang childhood niya kapag hindi niya naramasan ang mga 'yon.
“Nadulas nga kasi ako sa banyo, ang kulit mo,” kunwaring naiirita na sabi ko na lang.
“Ano ba kasing katangahan ang ginawa mo at nadulas ka sa banyo? Mas okay sana kung nagkaganyan ka dahil pinagod ka ni mayor, ang engot mo talaga.”
Napatigil ako sa pagpili ng mga prutas dahil sa sinabi niya. Napatikhim na lang ako at pinilit na maging kalmado.
“Ano ba'ng ‘pinagod ni mayor’ pinagsasasabi mo? Ang bastos mo naman,” sabi ko na lang saka binayaran ang mga prutas na binili ko.
Natigilan ako nang nagtatakang napatingin sa 'kin si Wrena. Napakurap na lang ako habang nakatingin din sa kanya.
“Ano bang bastos ang sinasabi mo? Pinagod sa trabaho kasi ang sinasabi ko, ano ba ang nasa isip mo?” tila nang-aasar na tanong niya.
Napakamot na lang ako sa batok ko at palihim na binatukan ang sarili ko. Nagiging marumi na tuloy ang isip ko, hindi maganda 'to.
“Ikaw ha, nagiging bastos na ang isip mo. Hindi ka naman ganyan dati. Umamin ka nga sa 'kin...”
Napalunok ako nang tumingin siya ng seryoso sa 'kin. Napakagat ako sa dila ko habang nag-iisip ng idadahilan sa kanya sa isip ko.
“...natututo ka na bang manood ng porn?”
Pakiramdam ko nakahinga ko ng maluwag sa tanong niya.
Pilit na tumawa na lang ako at pabirong hinampas ang braso niya. Sobrang thankful ako ngayon na medyo may pagka-engot itong si Wrena.
“Ano ka ba? Normal lang na manood ako ng porn sa edad kong 'to, para naman may alam na ako kapag nagka-boyfriend na 'ko,” sabi ko saka muling tumawa.
“Oo, okay 'yan para alam mo na ang gagawin mo kapag naging boyfriend mo na si mayor,” kinikilig na sabi niya.
Tumatango na lang ako sa sinasabi niya. Nakakaloka lang isipin dahil hindi ko pa boyfriend si mayor pero nagawa na namin 'yon. Malamang makakalbo ako ni Wrena kapag nalaman niya.
“Wala bang improvements sa relationship ninyo ni mayor?” tanong niya habang nakain ng dirty ice cream.
“Ano ba'ng improvements ang pinagsasabi mo riyan?” pa-inosenteng tanong ko na lang.
“Improvements, the act of improving something or the act or process of making something better, pwede rin namang the quality of being better than before... Credits sa dictionary,” sabi niya saka ipinakita sa 'kin ang meaning ng improvement sa cellphone niya.
Napailing ako at hindi na lang pinansin ang pinagsasasabi niya. Minsan talaga nakakahawa na ang pagiging loka-loka ni Wrena, pakiramdam ko nahahawa na rin ako minsan.
“Teka nga, bakit may binili kang mga laruan? Ano'ng trip mo?” nakakunot-noong tanong ni Wrena saka itinuro ang mga pinamili kong laruan.
“Wala lang, gusto ko lang bumalik sa pagkabata. Masama ba?” nakataas-kilay na tanong ko.
“Noong nakaraan gummy worms ang binili mo, ngayon naman Chinese garter, teka, at pogs, pati mga tsitsirya? Kung hindi lang kita kilala iisipin kong may tinatago kang anak eh,” napapailing na sabi ni Wrena.
Napalunok na lang ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Dapat sa susunod wag ko na siyang isama kapag binibilhan ko ng kung ano-ano si Arkia at baka mai-kwento niya pa kay Aljen, malakas pa naman ang pakiramdam ng lalaking 'yon palibhasa future lawyer.
“Ewan ko nga sa 'yo, magpunta na lang tayo sa plaza, may announcement yata si mayor doon,” pag-iwas ko na lang sa usapan.
“Hindi ka na ba nagsasawa? Araw-araw mo na ngang nakikita ang pagmumukha ni mayor eh, saka diba secretary ka niya, dapat alam mo na ang ia-anunsyo niya.”
“Wag kang masyadong panira. Halika na, panoorin natin siya,” sabi ko na lang at hinila siya papuntang plaza kahit na pa-ika ika pa akong maglakad.
“Ayun si mayor, nasa stage,” sabi ni Wrena at itinuro si mayor.
Napangiti ako nang makita siya ro'n na kausap ang ilan sa mga konsehal. Ang gwapo niya rin kahit sa malayuan, ang seryoso rin ng mukha niya at talagang ma-otoridad ang dating niya.
“Uy gaga, tingnan mo iyong babaeng 'yon na katabi ni mayor,” sabi ni Wrena at itinuro ang sopistikadang babae na katabi ni mayor.
Napalunok ako at nakipagsiksikan sa iba at mas lumapit sa stage upang makita ang babae.
Nanliit ako sa sarili ko nang makita ang babae. Matangkad ito at talagang maganda ang katawan, bukod pa ro'n, mala-artista ang ganda nito. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko, nakakapanliit siya.
“Si Mayor Paola Juancho ang babaeng 'yan, mayor ng Valenzuela at talagang matalino. Saka tingnan mo naman ang hitsura niya, nakakahiyang tumabi sa kanya. Marami ngang nagsasabi na mas maganda pa siya sa ibang artista. Alam mo bang ang daming nagp-pair sa kanila ni Mayor Arken. Kesyo bagay raw silang dalawa, marami ring pictures sa social media na sweet sila kaso yung iba mukhang edited, pero yung iba naman totoong pictures talaga.”
Napalunok na lang ako habang nakatingin sa babaeng alkalde na may ibinubulong kay mayor. Halata namang nakikinig sa kanyang maigi si Mayor Arken at parang nasa babaeng 'yon lang ang atensyon niya.
“Nako, mahirap na kalaban 'yan, Ayen. Almost perfect na ang gagang 'yan eh. Sikat na nga ang love team nila ni mayor sa social media, kesyo perfect couple raw sila. Pero okay lang 'yan, wag kang susuko,” sabi ni Wrena at tinapik pa ang balikat ko.
Pakiramdam ko may kung anong tumarak sa dibdib ko nang matisod ang babaeng alkalde at napakapit kay mayor, napahawak naman si mayor sa baywang niya para alalayan siya. Napalunok ako nang magtilian ang mga tao sa paligid at kinukuhanan pa sila ng mga litrato.
“Wrena, k-kailangan ko pala munang umuwi. Mauuna na ako ha.”
Agad akong tumalikod at umalis sa lugar na 'yon. Narinig ko pang tinawag ako ni Wrena ngunit hindi ko iyon pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis.
Nanginginig ang mga kamay ko, pakiramdam ko ang bigat bigat ng dibdib ko na para bang may mabigat na nadagan do'n.
Alam kong wala akong karapatan, pero sobrang nagseselos ako.