Call Me Mayor Chapter 16

Simula ngayon dapat ko ng alamin kung hanggang saan ang limitasyon ko at subukang 'wag lumampas do'n.

Hindi ko pwedeng mahalin si mayor, hindi ko siya pwedeng magustuhan, ni hindi ako pwedeng maging concern sa anak niya.

“Mama!”

Agad na tumakbo si Arkia papalapit sa 'kin saka niyakap ako nang magtungo ako sa dining room. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya saka marahang hinaplos ang buhok niya.

Nakangiti ngayon si Arkia na para bang hindi siya umiyak kagabi, pero malakas ang pakiramdam ko na nagpapanggap lang siya sa mga ngiti niya ngayon. Nalulungkot pa rin siya, nagdaramdam pa rin siya pero hindi na lang niya ipinapakita ang kahinaan niya.

Napatingin ako kay mayor nang makitang nakaupo siya habang nakatutok sa laptop niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya saka nagtungo sa ref para maghanap ng iluluto para kay Arkia.

Tahimik kaming tatlo sa dining room, wala akong balak magsalita hangga't nandito si mayor. Ayoko na siyang kulitin, ayoko na siyang guluhin, ayoko na ulit na lumagpas sa limitasyon ko sa bahay na 'to.

Ipinaghain ko na si Arkia. Nagtimpla ako ng kape para sa sarili ko, ipinagtimpla ko na rin ng kape si mayor pero hindi ko siya binati katulad ng palagi kong ginagawa. Basta na lang akong umupo sa tabi ni Arkia.

Nahahalata kong natitigilan si Arkia at napapatingin sa 'min ni mayor. Alam kong naguguluhan at nagtataka siya kung bakit tahimik ako o kung bakit hindi ko kinukulit si mayor. Siguro dapat masanay na siya.

Sasanayin ko na rin ang sarili ko na maging ganito hanggang sa matapos na ang dapat kong gawin dito.

“What do you want me to buy for you? It'll be my peace offering for not attending to your school's program,” sabi ni mayor habang nakatingin kay Arkia. Ngumiti naman si Arkia sa kanya bago sumagot.

“Gusto ko po ng chocolates, pati si Mama po bilhan mo,” sabi ni Arkia saka yumakap sa braso ko.

“Wag na, hindi naman ako mahilig sa chocolate,” sabi ko na lang saka uminom ng kape.

“Mama, lahat naman po ng nakakain, kinakain mo po eh,” sabi ni Arkia habang nakatitig sa 'kin.

“Hindi na, ikaw na lang.” Uminom na lang ulit ako ng kape saka napaiwas ng tingin sa kanya.

“Okay lang po, Mama. Alam kong gusto mo po ng--”

“I won't buy anything for her if she doesn't want to,” malamig na sabi ni mayor saka sinara ang laptop niya at inilagay iyon sa itim na laptop bag niya.

“I'll go ahead,” sabi niya saka tumayo at binitbit ang bag niya.

Pasimple ko na lang siyang hinabol ng tingin hanggang sa makaalis siya. Napabuntong hininga ako at napahawak sa dibdib ko nang pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na siya.

Parang kahapon lang, kapag nakikita ko siya parang may kung anong mga bulaklak ang tumutubo sa puso ko. Nakakamangha lang na ang bilis nagbago no'n dahil lang sa masasakit na salitang sinabi niya kagabi.

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga 'yon, hanggang ngayon paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko ang mga sinabi niya.

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon, naiinis, nagagalit, naawa sa sarili, at nahihiya. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko naging makapal ang mukha ko na basta na lang lumagpas sa boundaries ko. Bakit hindi ko nagawang itatak sa isip ko na hindi naman ako permanente rito? Bakit hindi nagawang itatak sa isip ko na hindi magkakagusto si mayor sa tulad ko?

Oo nga't may nangyari na sa 'min, pero lalaki din siya, malamang nagawa niya lang akong patulan ng gabing 'yon dahil parte 'yon ng pangangailangan niya bilang lalaki o kaya naman dahil naawa siya sa 'kin dahil masyado kong ipinahalata na desperada ako sa kanya.

“Mama, I'm worried about you.”

Natigilan ako nang hawakan ni Arkia ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya, parang may kung anong humaplos sa puso ko nang makita sa mga mata niya ang pag-aalala sa 'kin. Napangiti na lang ako at hinaplos ang pisngi niya.

“Okay lang naman ako beh, wag kang mag-alala,” sabi ko na lang saka dinampian ng halik ang noo niya.

Hangga't nandito ako, ipaparamdam ko kay Arkia ang pagmamahal ng isang ina kahit hindi ako ang tunay niyang nanay. Sa totoo lang ay natutunan ko na ring pahalagahan at mahalin ang batang 'to, hindi ko yata kakayanin kapag naiwan na naman siyang mag-isa kapag umalis na 'ko.

“Bakit hindi mo kinakausap si Papa? Saka bakit ayaw mo ng chocolate?” nakangusong tanong niya. Natawa na lang ako at kinurot ang ilong niya.

“Arkia.”

Napatingin siya sa 'kin nang mapansing naging seryoso na ang boses ko. Napabuntong hininga ako at hinaplos ang buhok niya habang nakatitig sa kabuuan ng mukha niya.

“Yung sa amin ng Papa mo, hindi na talaga natin pwedeng ipagpilitan. Hindi niya talaga ako gusto, hinding hindi niya ako magugustuhan. Ang trabaho ko lang sa bahay na 'to ay maging nanay mo ng pansamantala, hindi na dapat ako maghangad ng kahit ano,” sabi ko na lang saka mapait na ngumiti sa kanya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

“Papa likes you,” tila siguradong sabi niya. Natatawang napailing na lang ako.

“Arkia, hindi na talaga natin pwedeng ipilit ang hindi pwede. Wag mo na akong paasahin sa ganyan, pinaasa ko rin ang sarili ko at wala namang magandang kinahinatnan 'yon,” sabi ko na lang.

“No, I'm certain that Papa likes you too, I can see it,” sabi niya saka napatungo.

Napangiti na lang ako at bahagyang ginulo ang buhok niya. Nanunuksong ngumiti na lang ako sa kanya.

“Ikaw ha, mukhang gusto mo na talaga akong maging Mama mo, sabi na nga ba at mahuhulog ka rin sa charms ko eh,” pang-aasar ko na lang sa kanya para maalis na si mayor sa usapan.

“Yes, I fell for your charms... Papa fell for your charms too, he just doesn't realized it yet. Please don't give up on him, he just thought that he's not capable of loving someone because he sees himself as a monster.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami, ngingiti ako sa sinabi niya at sasabihin sa kanya na hindi ko susukuan si mayor... pero ayaw ko na kasi talaga.

Wala ng iba pang dahilan si mayor kaya niya sinabi ang mga 'yon kagabi, sinabi niya ang mga 'yon dahil hinding hindi niya magugustuhan ang tulad ko.

“I want you to be my real mother, I don't want anyone, ikaw lang ang gusto kong maging Mama ko,” sabi ni Arkia habang nakatingin sa mga mata ko.

“Gusto rin naman kitang maging anak, kaso hindi pwede,” sabi ko na lang saka mapait na ngumiti sa kanya.

* * *

“Wrena!”

Napakunot ang noo ko habang nililibot ng tingin ang bahay nina Tita Celina. Binigyan kasi ako ng susi ni Wrena para raw pwede akong pumasok sa loob ng bahay kapag bumisita ako.

“Linggo naman ngayon, bakit wala si Wrena?” tanong ko na lang saka umupo sa sofa.

Gusto ko sanang maka-kwentuhan si Wrena ngayong araw para gumaan naman ang loob ko kahit papa'no. Hindi ko naman ik-kwento sa kanya ang totoong sitwasyon ko, gusto ko lang marinig ang mga kwelang kwento niya na minsan hindi totoo.

“Ayen! Bakit ka napadalaw?”

Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Aljen. Agad akong napangiti at sinugod siya ng yakap. Natawa naman siya saka binuhat ako at inikot-ikot.

“Kumusta ka, babe ko? Bakit naman ngayon ka lang nagpunta? Nangulila talaga ang puso ko dahil wala ka,” pagd-drama niya habang nakahawak pa sa dibdib niya. Natawa na lang ako at hinampas ang braso niya.

“Sus, bakit naman mangungulila ang puso ko eh nandito naman si Wrena?” tila nanunuksong sabi ko. Napangiwi naman siya sa sinabi ko.

“Wag mo munang banggitin ang pangalan ng balahurang babae 'yon,” sabi niya na lang saka napailing.

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Palagi niyang sinasabihan ng balahura si Wrene, pero iba yata ang dating ng pagkakasabi niya ngayon. May halong bitterness.

“Sus, kunwari pa kayong dalawa eh, alam kong may something sa inyong dalawa ni Wrena,” nanunuksong sabi ko na lang.

“Ano ka ba naman, Ayen? Alam mo namang napakaloyal ko sa 'yo kahit si mayor tanda ang pinili mo,” napapailing na sabi niya na lang.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang mabanggit niya si mayor, nagpunta ako rito para kahit papa'no makatakas ang isip ko sa pag-iisip kay mayor pero mukhang imposible 'yon.

“Nasaan nga pala si Wrena? Bakit wala siya rieo eh Linggo naman ngayon?” nagtatakang tanong ko na lang para maiwas ang usapan tungkol kay mayor. Napakibit-balikat naman siya.

“Ewan ko ba sa babaeng 'yon,” sabi na lang niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Wrena na nandito ako sa bahay nila. Napakunot na lang ang noo ko nang lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa rin siya nagrereply. Ano naman kaya ang nangyari ro'n?

“Ayen, ano'ng problema niyo ni mayor?” seryosong tanong niya habang nakatingin sa 'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Paano naman kaya niya nalaman na may problema sa 'min ni mayor? Sobrang observant niya talaga.

“W-wala naman kaming problema, saka bakit kami magkakaproblema eh secretary niya lang naman ako?” sabi ko na lang saka pilit na tumawa at hinampas ang braso niya.

“Sa mga libro at movies, sumusulpot ang second leading man kapag may problema yung babae sa ka-partner niya,” sabi niya saka inakbayan pa 'ko. Natawa na lang ako at siniko ang tiyan niya.

“Ewan ko sa 'yo, attorney. Kung ano-anong pinagsasasabi mo. Ilibre mo na lang ako ng fishball diyan sa labas, namiss ko kumain no'n eh,” sabi ko na lang.

Agad kaming lumabas ng bahay at nagtungo sa plaza dahil doon maraming bilihan ng kung ano-anong street food.

“Wow, namiss ko talaga ang fishball,” sabi ko habang nag-eenjoy sa pagkain ng fishball na nilibre sa 'kin ni Aljen.

“Bumalik ka na lang kasi rito, Ayen. Ang boring ng buhay mo ro'n kay mayor panigurado,” napapailing na sabi naman niya.

“Wag mo 'kong isipin, Aljen. Kung ako sa 'yo, maghanap ka na ng babaeng liligawan ng totoo. Malay mo nasa malapit lang sila,” sabi ko naman saka nagtaas-baba ng kilay sa kanya. Pinapahiwatig ko talaga sa kanya na si Wrena ang babaeng dapat niyang ligawan.

“Hindi ko yata magagawa 'yan, Ayen. Sa lahat ng babaen niligawan ko, walang nakahigit sa 'yo, ikaw ang pinakamaganda at mabait sa kanila kaya loyal talaga ang puso ko sa 'yo,” sabi naman niya saka inabutan ako ng juice.

“Tange, ako lang naman kasi ang babaeng niligawan mo eh.”

“Oo nga, sabi ko nga,” sabi na lang niya saka napatango.

Natigilan ako nang mapatingin sa bilihan ng mga damit mula sa di kalayuan. Lumapit ako ng kaunti at kinusot pa ang mga mata para masiguro kung siya ba talaga ang nakikita ko.

“Si Wrena 'yon diba?” tanong ko kay Aljen at kinalabit pa siya.

“Si Wrena nga 'yan, pero sino 'yong kasama niya?” nakakunot-noong tanong niya habang nakatitig sa pwesto ni Wrena.

Napailing na lang ako. “Kaya naman pala hindi nagre-reply ang gaga sa text ko e, may ka-date naman pala,” sabi ko na lang habang nakangiwi.

“Iyan talagang babaeng 'yan, kahit kailan. Ni hindi ko nga kilala 'yang kasama niya eh, kung kani-kanino na lang siya nakikipagdate, hindi mukhang katiwa-tiwala,” nakakunot-noong sabi ni Aljen.

Pasimpleng ngumiti na lang ako habang nakatingin sa kanya. Masyado na siyang obvious, bakit kasi iniisip niya pa rin na ako ang gusto niya hanggang ngayon? Halata naman

na si Wrena na ang gusto niya.

“Sundan natin sila,” nakangising sabi ko kay Aljen saka hinila siya papalapit kina Wrena. Agad naman siyang tumigil sa paglalakad, napatingin na lang ako sa kanya.

“Bakit natin sila susundan? Artista ba sila?” tila labas sa ilong na sabi niya.

“Ano ka ba? Sa 'yo na nga nanggaling diba? Hindi kamo katiwa-tiwala ang hitsura nung lalaki, edi dapat natin silang sundan. Halika na, wag ka ng mag-inarte riyan,”sabi ko na lang saka hinila siya.

Nagtago kami sa katabing bilihan ng damit at nagkunwaring nagtitingin ng mga damit habang pasimpleng nakatingin kay Wrena pati sa kasama niya.

“Wrena, gusto mo ba 'to? Mukhang bagay 'to sa 'yo,” sabi ng lalaking kasama ni Wrena saka ipinakita rito ang kulay puting dress.

“Talaga? Bagay sa 'kin 'to?” nakangiting tanong ni Wrena saka tiningnan ang dress.

Natawa ako nang mapansing napaismid si Aljen.

“Ang pangit naman ng taste ng ka-date ni Wrena. Hitsura pa lang mukhanh jologs na, wala talagang taste sa lalaki 'tong si Wrena,” napapailing na sabi ni Aljen.

“Ayos naman yung lalaki ah, saka bagay naman talaga kay Wrena yung puting dress, mukha siyang anghel,” tila nang-aasar na sabi ko sa kanya.

Pero totoo naman talagang maganda si Wrena, medyo burara lang talaga siya at parang hindi babae manalita at kumilos.

“Mukhang anghel? Si Wrena? Nakakatawa 'yon ah,” natatawang sabi na lang ni Aljen.

Napailing na lang ako at hindi na lang nagsalita. Nagtungo naman kami sa bilihan ng mga inihaw, nagtago kami sa bilihan ng buko juice na malapit lang habang nakatingin kina Wrena.

“Tangina, bakit sila nagsusubuan? Kadiri, ano sila teenager?” bitter na sabi ni Aljen habang nakatingin kina Wrena at sa ka-date niya na nagsusubuan ng barbecue.

Kanina ko pa talaga gustong humagalpak ng tawa dahil dito kay Aljen, masyado kasing obvious na nagseselos siya, idinadaan na lang niya sa panlalait.

“Ang sweet nga eh, ganyan kaya ang type ng mga babae, yung sweet lover,” nanunuksong sabi ko sa kanya.

“Sweet lover? Mukha bang sweet lover ang lalaking 'yan? Mas mukha siyang kidnapper eh.”

Tuluyan na akong natawa sa sinabi niya. Napakabitter talaga niya, parang gusto ko tuloy i-record ang mga pinagsasabi niya ngayon at iparinig kay Wrena eh.

“Halika, pupunta na sila ng court,” sabi naman ni Aljen saka siya na mismo ang humila sa 'kin.

Nagpatianod na lang ako sa kanya nang magtago kami sa may puno na malapit sa basketball court. Tinuturuan na ngayon nung lalaki na magbasketball si Wrena.

“Tangina ano'ng katangahan na 'yan? Bakit niya tinuturuan magbasketball si Wrena eh mas magaling pa nga magbasketball sa 'kin ang balahurang 'yan,” naiinis na sabi ni Aljen na kulang na lang ay batuhin ang ka-date ni Wrena.

Natatawang tinapik ko ang balikat niya para pakalmahin siya.

“Kalma ka lang, Aljen. Gusto talaga ng ibang mga babae ang ganyan,” sabi ko na lang. Nagtatakang napatingin sa 'kin si Aljen.

“Gusto nilang tinuturuan sila ng basketball?” tanong niya. Binatukan ko naman siya.

“Tange, gusto nila na parang ginagabayan sila ng mga lalaki. Basta, yung parang itinuturing silang prinsesa,” sabi ko naman.

“May prinsesa bang naglalaro ng basketball?” pilosopong tanong niya.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Suko na ako rito kay Aljen, napaka-in denial niya. Ang sarap niyang iuntog hanggang sa matauhan siya.

“Woah, tingnan mo 'yon, hinahawakan niya ang kamay ni Wrena,” kunwaring kinikilig na sabi ko at hinampas pa si Aljen.

Hinawakan nung lalaki ang mga kamay ni Wrena para turuan itong magshoot ng bola sa ring. Natawa ako nang makitang napangiwi si Aljen na para bang diring diri siya sa nakikita niya.

“Ano ba'ng tingin niya kay Wrena? Hindi marunong humawak ng bola? Grabe na 'to, Ayen. Hindi na kinakaya ng mga mata ko, nakakadiri na talaga. Halika na nga!”

Natatawang nagpatianod na lang ako sa kanya nang hilahin niya ako palayo kina Wrena.

Naglakad-lakad na lang kami ni Aljen. Napansin kong medyo natahimik siya pero alam ko na naman kung ano ang dahilan kaya hindi na ako nagtatanong.

“Okay ka lang ba?” tanong ko saka bahagyang tinapik ang balikat niya.

Inabot na kami ng dilim sa paglalakad-lakad habang tila wala sa sariling nakatulala siya at sinisipa ang mga kalat na nadadaanan niya.

“Okay lang ako, sumakit lang talaga yung mga mata ko kanina. Bakit naman kasi gano'n? Tangina, bakit gano'n yung taste ni Wrena? Mauubos na ba ang mga almost perfect na lalaking tulad ko sa mundo at kung sino na lang ang pinatos niya?!”

Napapitlag ako nang mapalakas ang sipa niya sa latang nadaanan niya, halos tumalsik 'yon sa malayong lugar. Napakamot na lang ako sa batok ko.

Natigilan ako nang magvibrate ang cellphone ko. Napangiti ako nang makitang kay Wrena galing ang text.

“Nagtext sa 'kin si Wrena,” nakangiting sabi ko.

“Ano'ng sabi?” tanong ni Aljen saka agad na lumapit sa 'kin.

“Sorry raw at hindi niya ako napuntahan agad dahil busy siya,” sabi ko habang binabasa ang text niya. Napakunot naman ang noo ni Aljen.

“Busy siya sa jologs na ka-data niya? Ayos 'yan,” sarkastikong sabi niya.

Natatawang napailing na lang ako at yumakap sa braso niya. Napaismid naman siya saka napakamot sa kilay niya.

“Umamin ka na kasi kay Wrena,” bulong ko sa kanya.

“Ano naman ang aaminin ko sa babaeng 'yon?” masungit na tanong niya.

“Sus, 'wag ka ng maging in denial, attorney. Obvious naman na gusto mo na siya eh,” sabi ko na lang.

Natawa na lang siya sa sinabi ko at inakbayan ako. Mukhang hindi niya pa rin matanggap na gusto niya na si Wrena.

“Ay kalabaw!”

Napatili ako nang makarinig ako ng putok ng baril.

“Tangina, si mayor ba 'yon?”

Natigilan ako sa tanong ni Aljen. Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan niya. Pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko nang makita si mayor na papalapit sa pwesto namin... may hawak siyang baril.

“Get you fucking hands off her,” malamig na sabi ni mayor saka tinutukan ng baril si Aljen.

Halata namang natigilan si Aljen at hindi makapaniwalang napatingin kay mayor. Naramadaman kong lumawag ang pagkakaakbay niya sa 'kin.

“M-mayor, pakiusap. B-bitiwan mo 'yan, baka mabaril mo ang kaibigan ko,” kinakabahang sabi ko habang hindi maalis ang tingin ko sa baril niya.

“Get in the fucking car and stay away from that motherf-cker,” malamig na sabi niya habang walang emosyon na nakatingin sa 'min.

“Tangina, mayor, labag sa putanginang batas ang ginagawa mo,” sabi naman ni Aljen at hinigpitan ang pagkakahawak sa 'kin na para bang ayaw niya akong ibalik kay mayor.

“Do you really want to die you fucking bastard?”

Napalunok ako at sinubukang alisin ang pagkakahawak ni Aljen sa 'kin pero hindi siya nagpatinag na para bang hindi siya natatakot na barilin ni mayor.

“Hindi ko ibibigay ang kaibigan ko sa 'yong gago ka,” seryosong sabi ni Aljen habang nakikipagtagisan ng tingin kay mayor.

“A-Aljen, bitiwan mo na 'ko, pakiusap. B-babarilin ka talaga niya, k-kaya ka niyang patayin,” bulong ko sa kanya habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa 'kin.

“Kaya nga hindi kita pwedeng ibigay sa kanya!” galit na sigaw ni Aljen saka mas hinila ako papalapit sa kanya.

“You fucking moron,” mariing mura ni mayor habang nakaigting ang panga.

Napatili ako nang muli niyang paputukin ang baril niya. Napaigik si Aljen nang dumaplis sa braso niya ang bala.

“Aljen!”

Agad kong tiningnan ang braso niya. Hinawi naman niya 'yon.

“Daplis lang 'to,” tila wala lang na sabi niya.

“M-mayor, please, k-kumalma ka. W-wag mong babarilin si Aljen, h-habang buhay talaga akong magagalit sa 'yo kapag pinatay mo siya!”

Naluluha na 'ko dahil sa takot na baka magdilim ang paningin niya at mapatay si Aljen. Hindi ko talaga alam kung mapapatawad ko pa siya kapag nangyari 'yon.

Muling nagpaputok ng baril si mayor sa paanan ni Aljen dahilan para mapabitiw ito sa 'kin.

Agad akong tumakbo papalapit kay mayor at nanginginig ang mga kamay hinawakan ang baril niya na tila ba pinipigilan siya.

“Ayen! Wag kang sasama sa kanya!” sigaw ni Aljen habang nakahawak sa braso niya.

Nanginginig na ang buong katawan ko habang nakatitig kay mayor. Walang bahid ng kahit anong emosyon sa mga mata niya na para bang desidido siyang patayin si Aljen.

“Get in the fucking car. I'll end that motherf-cker's life,” malamig na sabi niya at itinulak ako.

Muli niyang ikinasa ang baril at akmang babarilin na si Aljen nang lumapit ako sa kanya saka niyakap siya nang mahigpit sa baywang.

“M-mayor, please, g-gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Wag mong papatayin si Aljen, p-pakiusap.”

Kahit nanginginig ang buong katawan ko, pinilit ko pa ring higpitan ang pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko ang baril na hawak niya at ibinaba ang braso niya. Nanatili naman siyang walang emosyon na nakatingin kay Aljen.

“Get in the car before I change my mind and kill your friend in front of you.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.