Call Me Mayor Chapter 15

“Maliit ba ang tainga ko?”

Ilang minuto na yata akong nakatitig sa harap ng salamin habang tinititigan ang tainga ko.

Bakit naman kaya gano'n ang type ni mayor? Ang weird naman ng taste niya. May iba pa kaya siyang kilala na maliit ang tainga bukod sa 'kin?

Maliit ang tainga ko pero hindi lang naman ako ang nag-iisang gano'n sa buong mundo.

Naiinis na napapadyak na lang ako sa sahig at tumayo saka lumabas ng kwarto namin ni mayor. Maaga siyanh umalis dahil may kailangan daw siyang asikasuhin kaya hindi na siya rito nag-almusal.

“Mama.”

Napatingin ako kay Arkia na agad akong sinalubong. Mukhang kakagaling niya lang sa silid niya, halata na kakaligo lang niya dahil basa pa ang buhok niya.

“Nagugutom ka na ba?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Napailing na lang ako at hinawakan ang kamay niya saka hinila siya papuntang dining room. Hanggang ngayon nahihiya pa rin sa 'kin ang batang 'to, kurutin ko kaya siya sa singit para hindi na siya mahiya sa 'kin.

“Arkia, maliit ba ang tainga ko?” tanong ko saka kumuha ng hotcake powder sa cabinet.

Napatingin ako kay Arkia habang hinihintay ang sagot niya. Nakakunot lang naman ang noo niya habang nakatingin sa 'kin na tila ba naguguluhan siya kung bakit ko iyon tinanong.

“They're kinda small. Why did you suddenly ask that?” tanong naman niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pasimpleng napahawak sa tainga ko. Kung ganoon pasok pala ako sa taste ni mayor, ayos 'yon. Sana 'wag ng lumaki 'tong tainga ko.

“May crush kasi ako, Arkia. Tapos sabi niya ang type niya raw sa babae eh yung maliliit ang tainga,” paliwanag ko naman sa kanya saka sinimulang lutuin ang hotcake.

“Si Papa ba ang tinutukoy mo?” nakakunot-noong tanong niya.

“Hindi ah, hindi lang naman Papa mo ang crush ko 'no. Ang dami ko kayang crush,” sabi ko naman saka ngumiti sa kanya.

“Paglaki ko marami rin akong crush,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa 'kin.

Napasinghap ako at dali daling hinango ang hotcake saka lumapit sa kanya. Impit na napatili naman siya nang kurutin ko ng malakas ang pisngi niya.

“Akala ko ba magmamadre ka? Bawal magkacrush nang marami, hindi maganda 'yon,” pananaway ko sa kanya.

“Edi bawal ka rin magkacrush ng marami, si Papa lang dapat,” nakangusong sabi niya habang nakahawak sa pisngi niya na kinurot ko.

Si Mayor lang naman talaga ang crush ko. Ayoko lang talaga na isipin niyang masyado akong patay na patay kay mayor, dapat slight lang.

“Sus, gusto mo na talaga akong maging Mama mo 'no? Wala ka na kasi talagang makikilala na tulad ko. Perfect mother ako para sa 'yo,” napapangiting sabi ko saka inihain sa kanya ang hotcake at gatas niya.

Nanatili naman siyang walang emosyon habang nakatitig sa 'kin. Napakamot na lang ako sa batok ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Badtrip naman talaga 'tong batang 'to, minsan hindi ko maintindihan kung boto ba talaga siya sa 'kin o gusto niya lang ng mapagti-tripan.

Parehas sila ni mayor na hindi ko mabasa ang laman ng isip.

“Mama.”

Napatigil ako sa pagtitimpla ng kape at napatingin kay Arkia. Napakamot siya sa batok niya saka napatungo. Binubuka niya rin ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin kaso nahihiya siya.

“Ano 'yon? May gusto ka bang sabihin?” tanong ko saka umupo sa tabi niya habang hinahalo ang kape ko.

“M-may ano kami,” nauutal na sabi niya. Halatang hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.

“Ano 'yon, Arkia? Sige na, sabihin mo sa 'kin.” Hinaplos ko ang buhok niya saka inipit ang mga 'yon sa likod ng tainga niya.

“May family program kami bukas, I'll sing on the stage,” mahinang usal niya habang nilalaro ang mga kamay niya.

Napasinghap ako sa sinabi niya, hinawakan ko ang baba niya at pinaharap siya sa 'kin. Napangiti ako saka nanggigigil na pinisil ang magkabilang pisngi niya. Napanguso naman siya sa ginawa ko.

Kahit maldita 'tong si Arkia, hindi maikakaila na ang cute niya talaga palagi. Kahit nagsusungit siya, ang cute niya pa rin.

“Wow! Pupunta talaga ako ro'n at papanuorin kita. Ano pa ba'ng ginagawa sa family program?” tanong ko.

“May games, tapos performance. Hindi ko masyadong alam, first time kong pupunta sa gano'n,” sabi naman niya saka muling napakamot sa batok niya.

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kanya. Halata sa mga mata niya ang excitement at kaba, siguro dahil first time niyang um-attend sa gano'n. Pero at the same time naaawa ako sa kanya, mukhang noon niya pa gustong magparticipate sa mga gano'ng program kaso hindi niya magawa dahil walang na-attend sa kanya.

“Dapat magready tayo ro'n ng maigi, wag kang mag-alala, pupunta talaga ako!” excited na sabi ko.

Natigilan ako nang mapansing natahimik siya. Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya.

“Bakit malungkot ka pa rin?” nag-aalalang tanong ko.

“G-gusto kong pumunta si Papa ro'n, kahit panuorin niya lang ako na kumanta, okay na sa 'kin,” nakatungong sabi niya.

Napabuntong hininga ako at napakamot sa kilay ko. Hindi ko siya mabibigyan ng siguradong sagot sa bagay na 'yon. Talent ko'ng kulitin si mayor, pero hindi naman kasi ako sure, baka busy siya bukas.

“Mama, pwede mo bang pilitin si Papa na pumunta sa school bukas? Saglit lang ang performance ko, 4 to 5 minutes lang 'yon. Hindi naman niya kailangang magpakita sa mga tao bilang Papa ko.”

Tumingin siya sa 'kin saka kumapit sa laylayan ng damit ko. Napabuntong hininga na lang ako at alanganing ngumiti sa kanya.

Muli akong napatingin sa mukha niya, lalo na sa mga mata niyang umaasa. Mukhang gustong gusto niya talagang mapanuod siya ni mayor bukas.

Sabagay, iyon ang unang beses niyang magparticipate sa program, malamang gusto niya talagang makita si mayor do'n para naman mabawasan ang kaba niya kahit papa'no.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya saka hinawakan ang mga kamay niya.

“Hindi mo ba ako kilala, Arkia? Talent ko ang mangulit, ako'ng bahala, kukulitin ko talaga si mayor na magpunta sa program bukas,” sabi ko na lang saka nagtaas-baba ng kilay.

Napasinghap siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya na tila ba tuwang tuwa siya sa sinabi ko.

Napangiti na lang siya at niyakap ako ng mahigpit. Napabuntong hininga ako at marahang tinapik ang likod niya.

Maaaring buhay ko ang kapalit dito, pero bahala na.

* * *

“Mayor.”

Napatigil si mayor sa pagpunas ng basang buhok niya at napatingin sa 'kin. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa kanya.

Nadi-distract ako dahil sa hitsura ni mayor. Hindi ko tuloy masabi ang gusto kong sabihin dahil ang gwapo niya. Nakikita ko pa ang muscles niya sa braso na parang inaakit ako na hawakan siya.

“Are you just going to stare at me?” masungit na tanong niya.

Napatikhim na lang ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Siguro dapat sabihin ko na lang ang kailangan kong sabihin nang hindi natingin sa kanya.

“Mayor, kumain ka na ba?” tanong ko saka muling tumingin sa kanya at ngumiti ng matamis.

Dapat busog si mayor kapag sinabi ko ang pakay ko para hindi siya masyadong mainis. Kapag busog siya hindi siguro siya masyadong maiinis sa sasabihin ko at makakalimutan niyang may baril siya.

“I haven't eaten yet, but I usually skip dinner,” sabi na lang niya saka muling pinunasan ang buhok niya.

Napasinghap ako sa sinabi niya at agad na napatayo. Hinila ko siya at pinaupo sa kama at inagaw ang towel mula sa kanya.

“Ako na ang magpupunas ng buhok mo para mabilis. Ipagluluto kita ng masarap na hapunan, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom,” pananaway ko sa kanya saka sinimulang punasan ang buhok niya. “Alam ko na gusto mo maging macho, pero hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom,” dugtong ko.

Hindi na lang nagsalita si mayor. Hindi na lang din ako nagsalita at itinuloy ang pagpupunas sa buhok niya.

Natigilan ako at napatitig sa mukha niya. Nararamdaman ko pa lang ang presensya ni Mayor Arken, para ng nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Paano pa kaya kapag ganito kaming kalapit sa isa't isa? Baka yung mga paru-paro sa tiyan ko naging lawin na.

“Mayor, pwede pa-kiss?” tanong ko saka ngumuso sa kanya.

Agad na tumayo si mayor at tinakpan ang mukha ko gamit ang kamay niya. Grabe, talagang nasakop ng kamay niya ang buong mukha ko.

“Shut the fuck up and just cook for me,” masungit na sabi niya saka hinablot ang towel mula sa 'kin.

Napasimangot ako at napakamot sa batok ko.

“Hindi naman ako nagpapakiss kasi gusto ko 'no, kailangan ko lang magpractice para magaling na 'ko kapag nagkaboyfriend ako,” palusot ko na lang.

Natigilan ako nang tingnan niya ako nang masama. Naitikom ko na lang ang bibig ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Nagtungo na kami sa kusina, pinaupo ko na lang siya at hinayaan siya na panuorin ako. Kailangan ko siyang pagsilbihan ng maigi para maawa siya sa 'kin at pumayag siya sa request ko.

“Mayor, 'wag kang mag-alala dahil special ang iluluto ko sa 'yo,” sabi ko saka ngumiti nang matamis sa kanya. Nanatili naman siyang walang emosyon na nakatingin sa 'kin.

Ang sungit naman, akala mo kung sinong gwapo.

Gwapo naman talaga siya, pero nakakainis talaga.

“Kaunting hintay na lang, yorme. Maluluto na 'to,” sabi ko na lang saka naglagay ng kanin sa plato habang hinihintay maluto ang niluluto ko.

“Ayan luto na! Excited ka na ba, mayor? Okay lang 'yan, ang bango kasi ng niluluto ko kaya malamang nae-excite ka.”

Patuloy lang ako sa pagdaldal habang siya naman ay walang kakibo-kibo. Ang hirap talaga makisalamuha sa taong tulad ni mayor na parang ipinaglihi ng nanay niya sa robot.

Bakit kasi sa kama lang siya expressive? Jugjugan is life ba ang motto niya?

“Tada! Iyan na, masarap 'yan.”

Napakunot ang noo ni mayor habang nakatitig sa inihain ko sa kanya. Para bang ayaw niyang kainin iyon.

Umupo ako sa tabi niya at inabutan siya ng kutsara't tinidor.

“What the fuck is this?” masungit na tanong niya saka itinuro ang niluto ko.

Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Napaka-ignorante ni mayor sa mumurahin pero masasarap na pagkain. Hindi siya tunay na Pilipino, isinusuka siya ng bansa.

“Ano ka ba naman, mayor? Wag kang magmura sa harap ng pagkain, blessing 'yan na galing sa Panginoon. Hindi maganda na nagmumura ka sa harap ng pagkain,” napapailing na sabi ko.

Hindi talaga kami compatible ni mayor, pero okay lang, gano'n daw talaga kapag meant to be.

“Anyway, ginisang sardinas 'yan, mayor. Sobrang sarap niyan, maniwala ka sa 'kin,” sabi ko saka kumuha ng kutsara at tinikman 'yon.

Masarap naman ang pagkakaluto ko, saka paborito ko rin kaya ito.

“You made me eat binatog last time and now this... sardines?” nakakunot-noong sabi niya saka dinuro pa ang sardinas. Hinampas ko naman ang kamay niya.

“Masarap nga 'to, magtiwala ka sa 'kin,” napapatangong sabi ko pa.

Napabuntong hininga na lang siya at kinuha ang kutsara at akmang kakain na nang hawakan ko ang braso niya.

“Mayor naman, wala ka bang natututunan kay Arkia? Dapat nagdadasal ka muna bago kumain, magmamadre ang anak mo, igalang mo ang Diyos na pagsisilbihan ni Arkia.”

Napakamot na lang si Mayor Arken sa kilay niya saka nagsign of the cross saka pumikit. Ibig sabihin Katoliko pala si mayor, parehas kami, walang hassle kapag kinasal kami sa future.

Napabuntong hininga na lang si mayor at nagsimula ng kumain pagkatapos niyang magdasal.

Napangiti ako nang mapansing tila nagustuhan niya iyon. Kunwari pa siya ba poker face at walang pakialam, obvious naman na nasarapan din siya sa luto ko.

Hindi na lang ako nag-aksaya ng oras na itanong kung nasarapan siya, malamang ide-deny niya 'yon.

“Mayor, nagdadasal ka pa rin ba kahit makasalanan ka?” tanong ko habang pinapanood siyang kumain.

“I don't pray for myself. I'm just praying for Arkia, I just hope she won't end up like me and pursue her dream to become a nun,” sabi niya saka muling sumubo ng kanin.

Marami akong gustong itanong habang nakatitig sa kanya ngayon. Pero ang pinakagusto kong malaman ay kung bakit siya nagkaganito.

Sa totoo lang, hindi naman siya gano'ng kasama sa paningin ko. Malamig man ang mga tingin niya at palaging walang reaksyon, pakiramdam ko may damdamin pa rin naman na nakatago sa puso niya.

Mas pinili ko na lang na hindi tanungin ang bagay na 'yon, may limitasyon din naman ang pangungulit ko sa kanya.

“Mayor, may program sa school ni Arkia bukas. Kakanta siya sa stage, gusto ka niyang makita na pinapanood siya kahit saglit lang.”

Natigilan siya sa sinabi ko. Uminom siya ng tubig saka tumitig sa mga mata ko.

“What time is it?” tanong niya. Napasinghap naman ako at napangiti.

“3 pm ang performance niya, pupunta ka ba?” excited na tanong ko.

“If I'm not busy, of course I'll come.”

Napatili ako sa tuwa at niyakap siya. Halata namang natigilan siya sa ginawa ko. Ngumiti na lang ako at hinarap siya saka dinampian ng halik ang pisngi niya.

“Thank you, mayor!”

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin, tila ba pino-proseso ng isip niya ang mga pinaggagawa ko.

“You're welcome,” sabi na lang niya saka muling ibinaling ang tingin sa pagkain niya. Napangiti ako nang matamis.

Ang cute ni mayor.

* * *

“Wag kang kabahan, dadating na ang Papa mo para panoorin ka. Wag kang mag-alala dahil magch-cheer talaga ako para sa 'yo,” sabi ko kay Arkia saka nagthumbs up pa sa kanya.

Kahit halatang kinakabahan, ngumiti lang sa 'kin si Arkia saka tumango. Nanggigigil na niyakap ko siya saka hinaplos ang likod niya.

“Thank you, Mama. You're the best, I love you.”

Natigilan ako sa sinabi niya saka gulat na napatingin sa kanya. Wala naman si mayor, bakit ang sweet niya pa rin?

Tanggap na ba niya 'ko? Nagtitiwala na ba siya sa 'kin?

“Arkia, you're up next.”

Napatingin kami sa teacher niya saka tumango. Muli akong tumingin kay Arkia saka hinawakan ang magkabilang balikat niya.

“Kaya mo 'yan, Arkia. Support lang ako sa 'yo, galingan mo ha,” nakangiting sabi ko saka dinampian ng halik ang noo niya.

Nagtungo na sa backstage si Arkia. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko para i-text si mayor. Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon? Magsisimula na ang performance ni Arkia.

Napakagat ako sa kuko ko at tumingin sa paligid upang hanapin si mayor, bumagsak ang mga balikat ko nang hindi ko siya makita. Nasaan na ba siya?

Kinabahan ako nang makitang nasa stage na si Arkia, nagsisimula na rin ang tugtog at mukhang kakanta na siya.

Nanghina ako nang mapansing tumitingin siya sa paligid na tila ba hinahanap niya ang Papa niya. Napatingin siya sa 'kin at kitang kita ko ang lungkot sa inosenteng mga mata niya.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo upang i-cheer siya.

“Go Arkia! You're the best! I love you!”

Napapatingin sa 'kin ang mga tao sa paligid pero wala akong pakialam at todo cheer lang kay Arkia. Tipid na ngumiti naman siya sa 'kin saka nagsimula ng kumanta.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at agad na kumuha ng video.

Worship song ang kinanta niya. Halos lahat yata ay namangha sa mala-anghel na boses ni Arkia, hindi ko alam na magaling pala siyang kumanta. Parang may humahaplos sa puso ko habang pinakikinggan siyang kumanta.

Sayang lang at hindi ito napanood ni mayor. Kahit pa may video sa cellphone ko, iba pa rin ang marinig niyang kumakanta si Arkia sa harap ng maraming tao sa personal.

Nakausad naman kami ngayong araw, alam kong nalungkot si Arkia sa hindi pagsipot ng Papa niya pero hindi naman niya iyon pinahalata at todo ngiti lang habang nakikiparticipate sa program.

“Nag-enjoy ka ba ngayong araw?” tanong ko habang nagmamaneho na pauwi.

“Masaya, sobrang saya ko po, Mama. Kaso mas masaya ako kung nandoon si Papa,” sabi niya saka tipid na ngumiti.

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na lang nagsalita. Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob niya, sa tingin ko si mayor lang ang makakagawa no'n.

“Arkia.”

Tinawag ko siya nang akmang papasok na siya sa kwarto niya. Hinawakan ko ang balikat niya saka ngumiti sa kanya.

“Ang galing mo, sobrang proud ako sa 'yo. Pinasaya mo 'ko ngayong araw.”

Napabuntong hininga ako at pumantay sa kanya saka hinaplos ang pisngi niya.

“Nalulungkot ka ba dahil hindi nagpunta ang Papa mo?” tanong ko.

“Inaasahan ko na naman na hindi pupunta si Papa, p-pero nalulungkot pa rin ako.”

Pakiramdam ko may kung ano akong naramdaman nang makitang namula ang ilong at pisngi niya kasabay nang pagdaloy ng masaganang mga luha mula sa mga mata niya.

“S-sagabal lang ako kay Papa, pahirap lang ako sa kanya. Nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil nabuhay ako pero sana hindi na lang ako pinanganak para hindi nahihirapan si Papa sa pag-aalaga sa 'kin,” sabi niya saka napahikbi habang pinapahid ang mga luha niya.

Pakiramdam ko naluluha rin ako habang pinagmamasdan siya. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

“Mahal ka ng Papa mo, Arkia, wag mong isipin 'yan. Hindi ka abala sa Papa mo, mahal na mahal ka no'n.”

Umiyak lang si Arkia habang nakayakap sa 'kin. Wala naman akong nagawa kundi ang samahan siya hanggang sa makatulog siya.

Gabi na nang makauwi si mayor. Huminga ako nang malalim saka hinarap siya upang kausapin.

“Sabi mo pupunta ka sa program ni Arkia,” seryosong sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya.

Napatigil siya sa paghuhubad ng waistcoat niya saka napatingin sa 'kin.

“I didn't promise anything, I said I'd come if I'm not busy,” malamig na sabi niya habang nakatitig sa 'kin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi ko maintindihan pero pikon na pikon ako sa kanya ngayong araw. Ngayon lang yata ako nainis kay mayor ng ganito.

“Tatay ka niya! Wala naman siyang ibang hiling sa 'yo kundi ang panoorin siyang magperform sa program nila! Kung nakita mo lang kung paano siya nadismaya at umiyak nang hindi ka nagpunta. Iniisip niya na abala lang siya sa 'yo at hindi mo siya mahal! Palagi mo siyang kinukulong dito sa bahay na 'to, hindi mo siya magawang ipagmalaki sa mga tao. Anong klaseng tatay ka?!”

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin, walang emosyon na makikita sa mga mata niya na para bang wala siyang pakialam sa pinagsasabi ko.

Napasinghap ako nang kwelyuhan niya ako saka hilahin palapit sa kanya. Napalunok na lang ako habang nakikipaglabanan ng titig sa kanya.

“Why are you acting like her real mother?”

Natigilan ako sa tanong niya. Pinigil ko ang paghinga ko nang mas hinila niya ako papalapit sa kanya.

“I told you before that you're not going to be her real mother so don't act like one. Don't go beyond your limits, don't wish to fly high. You know what will happen if you do, right?” Kinuha niya ang baril niya mula sa bulsa ng coat niya at itinapat iyon sa sentido ko. Napalunok na lang ako habang nakatitig sa mga mata niya.

“Know your fucking place,” malamig na sabi nito saka marahas akong binitiwan saka nagtungo sa banyo.

Nanghihinang napaupo ako sa kama saka napasapo sa dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko hindi dahil sa takot sa baril niya.

Sa totoo lang, hindi ko na magawang matakot sa baril niyang 'yon, tanggap ko na ang kahihinatnan ko kapag hiniling ko na lumagpas sa limitasyon ko.

Nanginginig ako ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko, para akong naduduwal dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.