Call Me Mayor Chapter 21

"Okay lang ako, mayor, hindi naman masakit."

Hindi nagpatinag si mayor at tinuloy lang ang paggamot sa kalmot sa mukha ko at sugat sa gilid ng labi ko. Napakamot na lang ako sa batok ko at hinayaan na lang siya.

Hindi na kasi maganda ang kutob ko sa mga ganitong paggamot niya ng sugat ko, kapag ginagamot niya ang sugat ko, may nangyayari palaging kakaiba, kung hindi halikan, ano naman... Basta, iyon.

"Mayor, ano... Balak mo ba talagang barilin si Vierra kanina? O baka joke time mo lang 'yon?" tanong ko saka tumingin sa kanya.

"I can kill whoever I want, I don't care if she's Arkia's mother," malamig na sabi niya saka muling nagfocus sa paggamot sa sugat ko.

Napalunok na lang ako sa sinabi niya at alanganing ngumiti sa kanya. Kung gano'n pala, gano'n niya lang din kadaling patayin ako. Sa nanay nga ni Arkia wala siyang pakialam eh, paano pa sa 'kin?

"D-diba nanay siya ni Arkia? Bakit wala kang pakialan sa kanya? Imposible namang hindi kayo nagkaroon ng relasyon noon, wala lang ba siya sa 'yo?" pasimpleng tanong ko.

Sana hindi niya mahalata ang tunay na agenda ko sa pagtatanong tungkol do'n, gusto ko lang malaman kung may gusto pa ba siya kay Vierra o mahalaga ba si Vierra sa kanya.

"We were just fuck buddies back then, nothing more, nothing less, but I got her pregnant and she couldn't take responsibility for it, and now she's being a bitch for some reason," sabi naman niya saka marahang hinaplos ang pisngi kong may kalmot, napapitlag naman ako sa ginawa niya.

"Mayor, hindi mo dapat siya patayin. Kahit wala ka ng pakialam sa kanya ngayon, isipin mo pa rin na siya ang nanay ni Arkia. Galit ako sa kanya dahil bruha siya, pero ayoko namang mamatay siya," tila nakikiusap na sabi ko sa kanya.

Natahimik siya, hindi na lang siya nagsalita at inayos ang first aid kit saka isinara 'yon. Natigilan ako nang may maalala ako. Napangisi ako at tila nanunuksong kinalabit ang braso ni mayor, napakunot naman ang noo niya saka nagtatakang tumingin sa 'kin.

"Naalala ko yung sinabi mo kanina, mayor. Sabi mo ganito." Tumikhim muna ako bago muling nagsalita. "Who gave you the right to hurt my woman in my own house?" sabi ko saka pinilit na ginaya ang tono ng boses niya.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko upang magpigil ng tawa nang makita kong sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"I didn't say that," pagtanggi niya. Naningkit naman ang mga mata ko.

"Sinabi mo kaya, rinig na rinig ko nga eh. Hindi ko na lang pinansin dahil may hawak kang baril, natakot ako. Pero rinig na rinig ko 'yon. Ikaw mayor ha, woman ako pero hindi ako sa 'yo," sabi ko na lang saka napailing.

"You're mine," sabi naman niya saka tumayo at kinuha ang first aid kita saka muling ibinalik iyon sa drawer.

Natigilan ako at natulala sa sinabi niya. Pakiramdam ko nagwawala na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko, dalawang salita lang ang sinabi niya pero kung anong kakaiba na agad ang nagwala sa sistema ko.

Napatikhim na lang ako at pilit na pinakalma ang sarili ko saka napakagat sa ibabang labi ko na pinagsisihan ko rin agad.

"Aray," napadaing ako nang maalala kong may sugat nga pala ako sa labi.

Agad na napatingin sa 'kin si mayor. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa kama, katabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakatitig sa 'kin.

"Saan masakit?" tanong niya. Napakurap na lang ako at itinuro ang sugat ko sa labi.

"Okay lang ako, mayor. Wag kang OA, masyadong obvious na nag-aalala ka sa 'kin eh," panunukso ko na lang sa kanya saka sinundot-sundot ang tagiliran niya. Napasimagot na lang ako nang hindi siya nagreact.

"You're stupid as fuck, why didn't you fight back? Ang tapang tapang mo nung nakaraan," tila nanenermong sabi niya saka kinurot ang pisngi ko.

Natigilan ako sa ginawa niya, nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa pisngi ko na kinurot niya. Halatang natigilan din naman siya nang mapagtanto niya ang ginawa niya. Napatikhim na lang siya at napaiwas ng tingin sa 'kin.

Kinurot niya ba talaga ang pisngi ko?

"I mean, you should fight back next time," sabi naman niya. Napasimangot ako.

"Kung ibang babae siya, talagang papatulan ko siya 'no, kaso hindi ko basta magagawa 'yon dahil nanay pa rin siya ni Arkia," sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Hindi naman siya sumagot at humiga na lang sa kama. Napatingin ako sa kanya, mukhang pagod siya ngayong araw, mukhang dumagdag pa sa pagod niya ang away namin ni Vierra.

"Mayor, kumustahin mo rin kaya si Vierra? Napalakas kasi ang tulak mo sa kanya kanina."

Hindi siya sumagot at pumikit na lang.

"Don't mind her, just take a shower and sleep early," sabi naman niya habang nanatiling nakapikit.

Tumango na lang ako at tumayo saka kumuha ng pantulog sa cabinet. Pumasok na ako sa banyo para magshower.

Medyo nahirapan ako magshower dahil naramdaman ko na lang ang pananakit ng katawan ko. Hindi talaga biro ang pambubugbog ng Vierra na iyon sa 'kin, dinaganan niya pa talaga ako, sa liit kong 'to, ang tangkad tangkad niya.

Buti naman at kahit papa'no nagawa kong makapagshower nang ayos. Lumabas din ako kaagad pagkatapos kong magbihis at magtoothbrush.

Naabutan ko si mayor na tutok na tutok sa laptop niya, napakibit-balikat na lang ako at kinuha ang blower sa drawer. Sinaksak ko iyon sa saksakan saka sinimulang i-blower ang buhok ko.

Napatingin sa 'kin si mayor. Natigilan ako nang isara niya ang laptop niya saka lumapit sa 'kin, kinuha niya ang blower at suklay mula sa 'kin at siya na ang nagblower ng buhok ko.

"This fucking blower is loud as fuck," naiinis na reklamo niya habang bino-blower ang buhok ko. Natawa na lang ako habang nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng malaking salamin.

"Mukha kang poging bakla sa parlor," tila nang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Don't can't call me that, remember that I fucked you real good last night and you screamed my name like your life depends on it," sabi naman niya saka itinuloy na lang ang ginagawa niya.

Natahimik ako sa sinabi niya kasabay nang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko, bigla akong nahiya sa sinabi niya. Bakit ko ba nakakalimutan na wala palang filter ang bibig ni mayor?

Ilang minuto rin yata bago natapos ang blower session namin ni mayor, natatawa pa ako sa kanya minsan dahil halatang hindi siya marunong pero ginagawa naman niya ang best niya.

"Mayor, sa tingin ko mas maganda kung blower na lang ang hahawakan mo kaysa sa baril. Parang parehas lang naman 'yon eh, magkaiba lang ng nilalabas," sabi ko saka ngumiti nang matamis sa kanya.

Tumingin siya nang masama sa 'kin saka ibinaling na lang ang tingin sa laptop niya. Napanguso na lang ako at umupo sa tabi niya saka nagfacebook na lang.

Napangiti ako nang makita ang post ni Aljen, halatang pinariringgan niya si Wrena.

Aljen Mijares

8 minutes ago

Kadiri naman ang taste mo, girl.

Mayroong 395 reacts at mahigit 100 comments sa post niyang 'yon, famous talaga 'tong si Aljen kahit puro kalokohan ang pino-post niya. Puro babae rin kasi ang friends niya sa facebook, hindi rin naman kasi maikakaila na gwapo ang lalaking 'yon.

Agad akong nagcomment do'n habang nakangisi, minention ko pa talaga si Wrena.

Ayen Macarios: Wrenashi Bautista pinaparinggan ka ni future attorney oh.

Agad namang nagreply si Wrena sa comment ko.

Wrenashi Bautista: putang ina niya. Siya nga ang walang taste eh, nakita ko siyang nakikipaglandian kay Perla!

Natawa ako sa reply niya. Grabe talaga ang babaeng 'to, pati si Perla na nananahimik dinamay niya pa.

Natigilan ako nang magreply rin agad si Aljen. Excited na binuksan ko iyon upang tingnan.

Aljen Mijares: Wrenashi Bautista masyado kang ma-issue, nagseselos ka yata eh.

Napahagalpak ako ng tawa sa reply ni Aljen. Naramdaman kong napatingin sa 'kin si mayor, alanganing ngumit na lang ako sa kanya at nagpeace sign.

Nagreply agad si Wrena.

Wrenashi Bautista: Aljen Mijares kapal mo naman. Baka nga ikaw ang nagseselos sa ka-date ko eh.

Aljen Mijares: Ewan sayo! Pumunta ka na lang dito, dalhan mo ako ng kape pati ng monay, magrereview ako. Hihintayin ko yon ah!!!

Kinikilig na napahagikhik na lang ako, nabitin ako sa away at selosan nila, pero okay lang, alam ko naman kung ano ang kahahantungan nila. Ito talagang si Aljen, masyado ng obvious, gano'n din naman si Wrena.

Tumambay na lang ako sa facebook at twitter para magpaantok. Natigilan ako nang makita kong nagpost ulit si Aljen, binura na niya ang post niya kanina.

Nagpost siya ng picture ng kape at tinapay, iyon lang ang post niya pero meron na agad mahigit 500 reacts kahit kaka-post niya pa lang. Napangiti ako nang mabasa ko ang caption.

Aljen Mijares

12 minutes ago

3-in-1 lang naman 'to, instant coffee, pero daig pa nito ang starbucks dahil ikaw ang nagtimpla.

Napahagikhik ako nang makitang nagcomment si Wrena ng sticker na galit.

Wrenashi Bautista: Ulol, korni mo.

Napailing na lang ako habang hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Sabi na nga ba at magkakatuluyan ang dalawang 'to, noon pa man ramdam ko na ang kahihinatnan nilang dalawa.

Natigilan ako at napatingin kay mayor nang mapansin kong may pinapanood siya sa laptop niya. Nanonood ba siyabng movie? Aba, parang ngayon ko lang siya nakitang manood.

"Sinabi ba ni mayor na gusto ka niya rito? Sinabi ba ni mayor na gusto ka niya rito? Sinabi ba niya na makikipagbalikan siya sa 'yo? Binalingan ka ba niya ng tingin sa tuwing nagpapapansin ka? Ikaw ba ang gusto niyang halikan? Ikaw ba ang gusto niyang hawakan? Ikaw ba ang gusto niyang katabi sa kama? Ikaw ba ang gusto niyang maka-sex? Ni hindi--"

Agad akong napatayo nang mapagtanto ko kung ano ang pinapanood niya. Sinubukan kong kuhanin ang laptop mula sa kanya pero agad siyang tumayo at inangat 'yon. Titig na titig pa rin siya ro'n at tila nagfofocus sa panonood.

"Mayor naman eh! Bakit may CCTV sa kusina?!" naiinis na tanong ko habang pilit na inaabot ang laptop niya pero masyado siyang matangkad.

Nakakahiya pa naman ang pinagsasabi ko ro'n!

"Mayor, itigil mo na 'yan, hindi nakakatuwa," pagmamaktol ko saka napapadyak pa sa sahig.

"Damn, this is entertaining as fuck," napapangising sabi niya habang hindi maialis ang tingin sa laptop.

Mabagsakan sana ng laptop ang mukha niya!

"--simple lang naman akong babae, pero bakit ako ang hinahanap-hanap ni mayor?"

Napatalon ako sa kama at nagtalukbong ng kumot dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko namang umupo si mayor sa tabi ko.

"This is funny, I'll watch it again."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Agad akong inalis ang kumot at gulat na napatingin sa kanya.

Kagat kagat ni mayor ang ibabang labi niya na tila ba nagpipigil ng tawa habang pinapanood ulit 'yon. Naiinis na binato ko ng unan ang laptop niya.

"Hindi ka na nakakatuwa, mayor. Naiinis na talaga ako!" naiinis na sabi ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Naiiyak ako dahil sa kahihiyan.

Padabog akong humiga at tumalikod sa pwesto niya. Narinig kong itinigil na niya ang panonood no'n saka inilapag niya ang laptop sa bedside table.

Humiga siya sa tabi ko saka hinawakan ang balikat ko.

"Are you mad?" tanong niya saka marahang niyugyog ang balikat ko.

Muli akong napakagat sa ibabang labi ko dahil sa boses niya. Nagtatampo dapat ako eh, kaso ang sexy ng boses niya.

Naiinis na hinarap ko siya saka sinimangutan.

"Ikaw kasi eh, kita mo na ngang hiyang hiya ako! Nasabi ko lang naman 'yon kasi naiinis ako kay Vierra," sabi ko na lang saka napairap.

"Fine, I won't watch it again," sabi na lang niya saka ikinulong ako sa mga braso niya.

"Burahin mo na 'yon ah, kapag pinanood mo ulit 'yon wawasakin ko talaga ang laptop mo kahit barilin mo pa 'ko," nakangusong sabi ko. Tumango na lang siya at mas hinigpitan ang pagyakap sa 'kin.

"Can I watch it when I'm having a bad day?" hirit niya pa. Sinuntok ko naman ang matipunong dibdib niya.

Ang cute ni mayor ngayong gabi.

"Mayor."

"Hmm?" tanong niya. Tumingala ako upang tingnan ang gwapong mukha niya.

"Gusto ko ng binatog," sabi ko habang nakatitig sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

"Gabi na," sabi naman niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Alam ko, mayor, pero mas masarap ang binatog kapag gabi diba?" tanong ko saka hinila ang sando niya na tila ba pinipilit siya.

"We'll buy that tomorrow, sleep now," sabi naman niya at kinumutan ako saka muling niyakap.

Muli akong napabuntong hininga dahil sa sinabi niya. Napatango na lang ako at gumanti ng yakap sa kanya. Inamoy ko ang dibdib niya, ang bango talaga ni mayor. Gusto ko siyang kagatin.

Ilang minuto na ang nakalipas na nakahiga kami at magkayakap pero hindi pa rin ako makatulog.

"Mayor, tulog ka na?" tanong ko habang nakatitig sa mukha niya.

"What?" tipid na tanong niya habang nakapikit pa rin.

"Mayor, sa tingin ko talaga kailangan nating kumain ng binatog, tayong dalawa," sabi ko saka muling hinila pababa ang sando niya. Napabuntong hininga naman siya saka idinilat ang mga mata niya. Tumingin siya sa wall clock.

"11:30 na, wala na tayong mabibilhan," sabi naman niya saka seryosong tumingin sa 'kin.

"Diba mayaman ka naman?" tanong ko na lang. Napabuntong hininga siya at bumangon saka kinuha ang phone niya sa bedside table.

Nagpabili na lang si mayor ng binatog, kaso wala na talagang mabilhan kaya nagpabili na lang siya ng ingredients sa paggawa ng binatog.

"Marunong ka ba, mayor?" tanong ko habang pinapanood si mayor na ihanda ang ingredients sa paggawa ng binatog.

"Hindi. I'll just follow this video," sabi niya habang tutok na tutok sa laptop niya at sinusundan ang steps sa paggawa ng binatog.

"Ahm, ako na lang kaya, mayor?" tanong ko. Umiling naman siya.

"Just sit there, I know what to do," sabi naman niya.

Napakamot na lang ako sa batok ko at hinayaan siya. Masyado talagang OA itong si mayor, paulit-ulit ko ng sinasabi na okay lang ako at hindi na masakit ang katawan ko pero ayaw pa rin akong pakilusin.

"Oh fuck, am I doing it right?" bulong niya. Napahagikhik na lang ako habang pinapanood siya.

Inabot din yata siya nang mahigit 30 minutes dahil madalas siyang magkamali, sinusubukan ko siyang tulungan kaso nagagalit siya, kaya na raw niya.

"Yehey!" excited na sabi ko at napapalakpak pa nang ihain na niya ang binatog na ginawa niya.

"You know, it was my first time making binatog, It's not that delicious," sabi na lang ni mayor saka umupo sa tapat ko.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at agad na kinuha ang kutsara saka nasasabik na tinikman 'yon.

Seryosong nakatitig sa 'kin si mayor na tila ba abang na abang sa sasabihin ko tungkol sa binatog niya.

"Mayor," sabi ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

"What? Was it bad?" tanong niya. Pinigilan kong matawa nang makitang nagtaas-baba ang Adam's apple niya.

"Ang sarap! Mas gusto ko 'to kaysa sa binatog sa mall!" tuwang tuwa na sabi ko saka muling tinikman 'yon.

Napakunot naman ang noo ni mayor at kinuha mula sa 'kin ang kutsara saka tinikman 'yon.

"What the hell are you blabbering? The binatog in the mall tastes ten times better than this," masungit na sabi niya saka naiinis na ibinalik sa 'kin ang kutsara.

"Gano'n ba? Siguro masarap siya para sa 'kin dahil ikaw ang nagluto," tila wala sa sariling nasabi ko saka muling tinikman 'yon. Halata namang natigilan si mayor sa sinabi ko.

Napatikhim siya at napaiwas ng tingin sa 'kin at uminom na lang ng tubig.

"Ewan ko sa 'yo," sabi na lang niya saka tumayo at iniwan ako sa dining room.

Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya saka muling kumain ng binatog. Sobrang cute talaga ni mayor.

* * *

"Bakit ka po aalis, Mama?" tanong ni Arkia kay Vierra.

"I need to, darling. Don't worry, I'll still visit you," sabi naman nito sa anak.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa kanila. Malamang isa ako sa dahilan kung bakit aalis si Vierra. Ayoko sa kanya pero nalulungkot pa rin ako para kay Arkia, nanay niya pa rin si Vierra.

"It's fine, Mama, I know you're busy rin po because you're a model. Alam ko rin po na bawal malaman ng mga tao na may anak ka na, naiintindihan ko po and I'm used to it. Nandito naman po si Mama Ayen para alagaan ako," sabi ni Arkia saka yumakap sa baywang ko. Napangiti na lang ako at hinaplos ang buhok niya.

"I know, baby. Alam kong hindi ka pababayaan ni Ayen. By the way, can I talk to your Mama Ayen privately? Mag-uusap lang kami saglit," sabi ni Vierra habang nakatingin kay Arkia. Ngumiti naman si Arkia at tumango saka iniwan kami.

"Masaya ka ba na aalis ako?" nakangiting tanong niya sa 'kin nang tuluyan na kaming iwan ni Arkia sa living room.

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kanya. Ayokong mag-away kami sa huling araw niya rito.

"Mag-iingat ka, bisitahin mo palagi si Arkia dahil anak mo pa rin siya," sabi ko na lang. Napangisi naman siya sa sinabi ko.

"Arkia doesn't need me in the first place, hindi ko rin naman siya kayang panindigan," parang wala lang na sabi niya saka kinuha ang bag niya.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nagagawang sabihin 'yon na para bang walang halaga si Arkia sa kanya?

"Mahal mo ba talaga si Arkia?" nakakunot-noong tanong ko.

"Of course, I love her. I'm not a heartless bitch," napapailing na sabi niya.

"The real heartless here is Arken. You should be careful of him, he's not someone who's easy to deal with," babala niya.

"Alam ko," sabi ko na lang habang nakikipaglabanan ng titig sa kanya. Napangisi naman siya

"Alam mo? Alam mo na ba ang lahat lahat sa kanya bukod sa pumapatay siya ng tao? Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan niya? Alam mo ba kung ano ang tumatakbo sa isip niya? Alam mo ba ang totoong nararamdaman niya? Ako? Alam ko ang lahat ng 'yon."

Natahimik ako sa sinabi niya, para akong naputulan ng dila at hindi nakabwelta sa kanya. Tama kasi ang lahat ng sinabi niya, wala akong nalalaman tungkol kay mayor.

"Don't fall for him, Ayen. He's not capable of loving anyone, he doesn't love you, he doesn't love Arkia, and he doesn't love himself. You should stop dreaming and wake up," tila nanunuyang sabi niya.

"He'll throw you like a bag of dirt when he's done playing with you later on. You should prepare yourself, he will never love you. Never."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.