Call Me Mayor Chapter 22

“Magbabakasyon po tayo?!”

Sabay kaming napatingin ni Arkia kay mayor. Tipid na ngumiti lang si mayor at tumango.

“Hmm,” tipid na sagot ni mayor saka tumango.

Kaya pala hindi niya pinapasok si Arkia sa school ngayong araw.

“Seryoso? Kasama ba ako?” tanong ko.

“Of course,” sagot naman ni mayor habang nililigpit ang mga platong pinagkainan namin.

Napatili kami ni Arkia at nagtatalon. Halos maglambitin sa 'kin si Arkia dahil sa tuwa.

“Saan tayo magbabakasyon, Papa?” excited na tanong ni Arkia. Lumapit ito sa Papa niya saka yumakap sa baywang nito.

“Cebu, there's a beautiful beach there.”

Napasinghap ako sa sinabi niya, gulat na napatingin din sa 'kin si Arkia habang malaki ang ngiti sa labi nito. Kitang kita sa mga mata niya ang excitement.

“Pack your things now, dalawang araw tayo ro'n,” sabi naman ni mayor.

Agad na nagpaalam si Arkia at pumunta sa silid niya para maghanda ng mga damit, dapat tutulungan ko siya kaso kaya na raw niya ang sarili niya.

“Paano ang trabaho mo, mayor?” nag-aalalang tanong ko.

“Adham will take care of that, he'll update me everytime.”

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang silid namin. Naglabas siya ng bag saka inilagay 'yon sa kama. Nakaupo lang ako habang pinapanood ang ginagawa niya.

Naglagay na siya ng mga damit niya sa bag. Pati mga damit ko siya na rin ang naglagay sa bag. Nanonood lang ako sa kanya habang nakaupo sa kama.

“I love your panties, they're small,” nakangising sabi niya saka inangat ang dalawang underwear ko.

“Mayor!”

Napaismid na lang ako nang ilagay niya ang mga 'yon sa bag, kumuha rin siya ng mga towel at inilagay 'yon sa bag. Kumuha na lang ako ng isang unan at niyakap 'yon.

“Kailan tayo aalis, mayor?” tanong ko.

Tumingin muna siya sa 'kin bago sumagot.

“Ngayon,” sagot niya saka isinara na ang bag. Napasinghap naman ako at tila hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

“Ngayon? Right now? Right now talaga? As in ngayon?” pangungulit ko.

“Let's go,” sabi niya na lang saka binitbit ang bag at lumabas.

Lumabas na siya ng kwarto namin. Agad naman akong sumunod sa kanya. Kumapit ako sa braso niya, natigilan ako nang inalis niya ang pagkakahawak ko ro'n saka humawak sa palapulsuhan ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at hinayaan siya.

“Mama! Papa! Ready na po ako, nagdala po ako ng swimsuit ko!” excited na sabi ni Arkia pagkalabas niya sa kwarto niya saka lumapit sa 'min.

Napangiti na lang ako nang kumapit siya sa kamay ko, binitbit naman ni mayor ang bag niya. Halatang tuwang tuwa talaga siya at excited. Sabagay, ako rin naman.

PRIVATE JET ni mayor ang sasakyan namin papuntang Cebu. Medyo kinakabahan ako dahil first time kong sasakay sa ganito pero mas dumadaig naman ang excitement sa nararamdaman ko.

“Wow, Mama! Ang ganda ng airplane ni Papa!”

Panay ang ikot namin ni Arkia sa loob, maliit lang ang ito at hindi tulad ng tipikal na eroplano na makikita sa mga airport pero talagang maganda ang sa loob at halatang mahal talaga. Binilang ko ang lahat ng upuan, 16 lang lahat 'yon. Para itong bahay dahil may mesa at may maliit na ref din sa loob. Sobrang nae-excite na ako.

“Wow, Arkia! Lilipad tayo,” excited na sabi ko at napatili. Napatili rin si Arkia at napapalakpak.

Napapailing na lang si mayor habang nakatingin sa 'min, tahimik itong nakaupo sa kabilang gilid, muli niyang ibinaling ang tingin sa laptop niya.

“Arkia, mag-picture tayo.”

Inilabas ko ang cellphone ko at nagtungo sa camera saka inilagay sa front cam. Tumingin kami ni Arkia sa camera saka ngumiti.

“Mama, doon naman po tayo magpicture!” sabi niya saka itunuro ang pwesto malapit sa bintana.

Agad kaming nagtungo ro'n para kumuha ng picture, ipinakita talaga namin ang bintana sa picture. Gusto ko sanang i-post ang mga 'to sa facebook o instagram kaso bawal.

“Mama, isama natin si Papa sa picture,” bulong ni Arkia sa 'kin. Napangiti naman ako saka tumango.

Agad kaming lumapit kay mayor. Natigilan siya nang biglang umupo si Arkia sa kandungan niya, umupo naman ako sa tabi nila saka itinapat sa 'min ang cellphone ko.

“Mayor, ngumiti ka ha,” sabi ko saka tumingin sa camera at ngumiti.

Napaismid ako nang makitang ang sama ng tingin ni mayor sa camera. Agad ko siyang nilingon saka kinurot ang pisngi niya nang malakas, halata namang natigilan siya sa ginawa ko.

Napahagikhik naman si Arkia at kinurot naman ang kabilang pisngi ni mayor. Napakunot na lang ang noo ni mayor habang nakakurot kami ni Arkia sa pisngi niya.

“Ngiti ka na po, Papa. Talent po ni Mama ang mangulit, kukulitin ka po niya hanggang sa pumayag ka,” tila nananakot na sabi ni Arkia.

Napabuntong hininga na lang si mayor nang binitiwan na namin ni Arkia ang pisngi niya. Muli kaming humarap sa camera saka ngumiti. Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang ngumiti na lang din si mayor, maliit na ngiti lang 'yon pero ayos lang. Ang gwapo niya pa rin.

Natigilan ako nang i-abot sa 'kin ni mayor ang cellphone niya. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya.

“Send the pictures to me,” tipid na sabi niya saka napaiwas ng tingin. Napangiti na lang ako saka sinunod ang utos niya.

“Mama! Naandar na ang airplane natin!” tila tuwang tuwa na sabi ni Arkia habang titig na titig sa bintana.

Agad akong lumapit do'n at napatitig sa pag-andar ng private jet na sinasakyan namin. Halos mapanganga ako habang nakatitig sa labas. Para akong bata kung umakto ngayon pero sadyang tuwang tuwa lang talaga ako at excited.

Wala kaming ginawa ni Arkia kundi ang maglikot sa loob. Halatang naririndi na sa amin si mayor dahil panay ang kunot ng noo niya pero hindi na lang nagsalita at hinahayaan kami.

“Mayor, masasarap ba ang mga pagkain dito?” tanong ko kay mayor saka kumapit sa braso niya habang hawak naman niya ang kamay ni Arkia sa kabilang kamay niya.

“Papa, ipadala na lang po natin ang gamit natin sa beach, magpunta muna po tayo sa church at magsimba,” sabi ni Arkia. Agad akong napangiti sa sinabi niya saka tumango.

Wala namang nagawa si mayor, pinadala na niya sa mga tauhan niya ang mga gamit namin sa beach na pupuntahan namin para pagbigyan si Arkia at magsimba.

Nagcommute lang kami papuntang simbahan. Dapat magpapadala si mayor ng kotse pero namilit ako na magcommute na lang kami para maranasan naman nilang mag-ama 'yon, naparanas ko na kay Arkia dati na sumakay sa jeep, dapat maranasan din ni mayor.

“Naiinitan ka ba?” bulong ko kay mayor habang nasa jeep kami.

Panay ang pahid niya sa noo at pisngi niya. Halatang naiinitan siya dahil hindi siya sanay sa ganito. Buti na lang talaga at simpleng t-shirt at itim na beach broad shorts lang ang suot ni mayor. Kung nagkataong naka-coat at trousers pa siya, baka nasiraan siya ng bait sa sobrang init.

Kinuha ko ang panyo ko at pinahid ang namumuong pawis sa noo at leeg niya, hinayaan naman niya ako.

“Ang sweet niyo naman po,” kinikilig na sabi ni Arkia na nasa gitna namin ni mayor. Kinurot ko na lang ang pisngi niya nang manahimik na siya.

Nakarating din kami sa malapit na simbahan makalipas ang ilang minuto, mukhang pamilyar na si mayor sa Cebu, hindi na niya kailangan magtanong tanong. Mukhang nakapunta na siya rito.

“Ang laki ng simbahan,” ngiting ngiti na sabi ni Arkia. Napasinghap siya nang mapatingin sa mga madre na dumaan.

“Gusto ko rin po maging madre,” sabi ni Arkia habang titig na titig sa mga madre.

Sakto at may misa ngayon. Marami-rami ang tao pero hindi naman ganoong kasikip, kaso naiinitan pa rin yata si mayor.

Napapatingin ako kay mayor habang nasa misa. Halatang hindi siya maalam sa mga nangyayari sa simbahan, daig na daig siya ni Arkia na alam na alam ang mga sasabihin. Palagi kasi itong nanonood ng mga live mass sa internet o kaya naman sa TV. Hindi na talaga ako magugulat kung magiging madre siya.

“Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo,” sabi ng pari.

“At sumainyo rin.”

Muli akong napatingin kay mayor na napatikhim na lang at napakamot sa kilay niya dahil hindi siya nakakasabay, napailing na lang ako. Mukhang kailangan na talaga niyang magsimba palagi.

“Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa,” muling sambitbng pari.

Napatingin ako kay Arkia na nakikipagpalitan ng ‘peace be with you’ sa mga tao sa paligid niya, ako rin naman ay gano'n.

“What are you murmuring?” tanong ni mayor. Napabuntong hininga ako at napakamot sa batok ko.

“Peace be with you, mayor. Nagbibigayan kami ng kapayapaan sa isa't isa. Magsimba ka rin kasi paminsan-minsan, daig na daig ka ng anak mo oh,” bulong ko saka ini-nguso si Arkia.

UMALIS din kami agad pagkatapos ng misa. Nagyaya naman si Arkia na kumain ng street food na ikinatuwa ko, mukhang natututo na talaga sa 'kin ang batang 'to.

Walang nagawa si mayor nang basta na lang namin siya hinila sa stall ng mga street food.

“Wow, proben ba 'to?” tanong ko sa tindero. Tumango naman ito.

“Wow, mukhang masarap, Mama,” sabi naman ni Arkia habang nakatingin sa tinda ni kuya.

Tumingin ako kay mayor, tumingin din si Arkia sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at naglabas ng wallet saka nagbayad sa tindero.

Umupo kami sa may bench ni Arkia nang makabili na kami. Napatingin ako kay mayor na tahimik lang habang nakatingin sa 'min. Napangiti ako at inilapit ang chicken proben sa labi niya. Umiling naman siya na tila natanggi.

“Papa, masarap po,” pangungumbinsi ni Arkia sa Papa niya.

“Sige na, mayor, wag ka namang killjoy. Birthday kaya ni Arkia kahapon,” nakangusong sabi ko na lang.

Wala ng nagawa si mayor saka sinubo ang proben. Lumaki ang ngiti ko saka muli siyang sinubuan, hindi naman siya kumontra at sumubo na lang ulit.

Sa totoo lang habang nakikilala ko si mayor, hindi naman pala siya nakakatakot gaya ng una kong pagkakilala sa kanya. Habang tumatagal nga ay nagiging cute siya sa paningin ko, para siyang bata na marami pang dapat matutunan.

Pagkaubos namin ng proben, nakakita naman si Arkia nang bilihan ng fishball at kwek-kwek, agad naming hinila si mayor doon upang magpabili.

“Mayor, ahh!” sabi ko saka inilapit sa labi niya ang maliit na kwek-kwek, parang pugo lang ang itlog sa loob, kaya keri lang.

“Fuck, ang init.”

Natawa kami ni Arkia nang mapamura si mayor at umiihip-ihip pa. Natatawang inabutan ko siya ng tubig, agad niya namang kinuha 'yon at ininom, nalimutan ko palang hipan ang kwek-kwek.

“Do you want to kill me?” nakakunot-noong tanong niya. Natawa na lang ako at lumapit sa kanya upang tingnan ang labi niya.

“Wag ka ng magalit, kiss ko na lang para hindi masakit.”

Nagulat siya nang basta ko na lang dinampian ng halik ang labi niya. Impit na napatili naman si Arkia na tila kinikilig.

“Hindi na ba masakit?” tila nanunuksong tanong ko. Napakunot naman ang noo niya.

“That ain't enough, kiss me again,” sabi niya saka yumuko. Sinubuan ko na lang siya ng fishball saka itinulak ang mukha niya papalayo sa 'kin.

Ang landi naman ni mayor.

NAGTUNGO na rin kami sa beach pagkatapos naming kumain ng kung ano-anong street food.

“Wow! Excited na 'ko magswimming!” tuwang tuwa na sabi ni Arkia saka nagtatakbo papuntang dagat.

Nakitakbo naman ako kay Arkia at dinawdaw ang paa ko sa dagat, lumaki ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ko ang lamig no'n.

“Mayor, magswimming na tayo!”

Lumapit ako kay mayor at hinila siya papalapit sa dagat. Todo hagikhik naman si Arkia saka naglaro sa tubig pero hindi pa naman siya nalublob sa tubig.

“Hindi pa tayo nagbibihis,” sabi naman ni mayor.

“Okay na 'tong suot ko,” sabi ko na lang.

Nakasuot ako ng simpleng t-shirt at floral na cotton shorts. Si Arkia naman mukhang wala na ring pakialam sa suot niya at excited ng magswimming.

“Okay,” tipid na sabi na lang ni mayor saka walang sabi-sabing hinubad ang t-shirt niya.

Napakunot ang noo ko nang makaagaw siya ng atensyon ng mga tao, lalo na ng mga babaeng naka-bikini, yung iba mga foreigner pa yata.

Kumapit ako sa matipunong braso ni mayor at hinila siya papalapit sa 'min ni Arkia. Kailangang makita ng mga babaeng 'to na pamilyadong tao na si mayor at bawal na siyang pagnasahan.

“Let's go!” excited na sabi ko saka hinubad din ang t-shirt na suot ko.

“What the fuck are you doing?” tanong ni mayor saka hinawakan ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Napakunot naman ang noo ko at nagtatakang napatingin sa kanya.

“Bakit? Hindi naman mahalay ang bra ko eh, partner naman ang kulay niya sa short ko,” sabi ko saka pinasadahan ng tingin ang katawan ko.

“Mama, okay lang po, ang sexy mo po!” sabi ni Arkia at nagthumbs up pa sa 'kin. Napangiti naman ako at kumindat sa kanya. Supportive talaga 'tong si baby Arkia.

Sinubukan kong i-alis ang pagkakahawak ni mayor sa braso ko pero hindi niya ako pinakawalan. Hinawakan niya ang baywang ko at iniharang ang malaki niyang katawan sa 'kin. Napalunok na lang ako nang matipunong dibdib niya ang bumungad sa 'kin.

“Ano ba'ng trip mo, mayor?” nakapamaywang na tanong ko.

Hindi siya sumagot. Napakamot na lang ako at nagtungo sa dagat kahit na dikit na dikit sa 'kin si mayor. Mukhang nage-gets ko na ang ginagawa niya, mukhang inihaharang niya ang katawan niya sa 'kin para walang masyadong makakita sa akin. Ayos din itong si mayor eh.

“Mayor naman, paano ako makakalangoy kung para kang lintang nakadikit sa 'kin?” nakapamaywang na tanong ko.

Hindi na naman siya sumagot at yumakap lang sa baywang ko at tinakpan ako gamit ang mga braso niya.

“Mayor, wag ka ng mag-ano riyan, hanggang tingin lang naman sila. Ikaw lang ang nakakahawak sa 'kin, okay na?” tanong ko.

Napatitig muna siya sa 'kin bago tuluyang lumayo ng kaunti, pero malapit pa rin siya sa 'kin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan na mapangiti, sobrang cute talaga ni mayor.

“Arkia, langoy tayo. Marunong ka ba lumangoy?” tanong ko kay Arkia na abala sa paglublob sa tubig.

“Hindi po, Mama,” nakangusong sabi niya.

“Kumapit ka sa 'kin, tuturuan kitang lumangoy,” nakangiting sabi ko saka hinawakan ang baywang niya para turuan siya.

Nakatingin lang sa 'min si mayor habang tinuturuan ko si Arkia, fast learner talaga ang batang 'to, natututo na siyang lumangoy kahit papa'no, pero inaalalayan ko pa rin siya.

Inabot na kami nang hapon kakalangoy hanggang sa mapagod na si Arkia at magyaya na magpahinga.

Nagtungo kami sa malaking modern cottage kung nasaan ang mga gamit namin. Halos mapanganga kami ni Arkia nang nakapasok sa loob, kung maganda sa labas ng cottage, mas maganda naman ang loob. Talagang moderno ang disenyo no'n at di hamak na mas malaki sa mga tipikal na bahay.

Naligo na kami at nagpalit ng damit, pagkatapos nagyaya na ulit na kumain si Arkia. Nagtungo kami restaurant sa beach na fresh seafood ang sine-serve.

Ganadong ganado ako sa pagkain, dahil siguro mahilig talaga ako sa seafood. Pero sa totoo lang, napansin ko rin sa sarili ko na mas tumatakaw na ako kaysa dati. Nag-aalala nga ako na baka manaba ako eh.

“Wow, Mama, ang lakas mo po kumain,” tila manghang mangha na sabi ni Arkia habang nakatitig sa plato ko.

“Gano'n talaga eh, wala tayong magagawa,” sabi ko na lang saka tumuloy sa pagkain.

Napatingin naman ako kay mayor na hindi masyadong nakain. Mas abala siya sa pagbabalat ng hipon na kinakain namin ni Arkia pati ang pagbubukas ng alimasag at lobster para sa 'min ni Arkia.

Bumalik na kami sa cottage pagkatapos naming kumain. Agad namang nakatulog si Arkia pagbalik namin dahil siguro sa pagod, madilim na rin kasi.

“Mayor, magpapahangin lang ako sa labas ha,” pagpapaalam ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot si mayor, lumabas na lang ako basta at nagtungo sa tabing dagat para maglakad-lakad.

Napatingin ako sa repleksyon ng buwan sa dagat, ang ganda no'n tingnan, hindi nakakasawa.

Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang simoy ng hangin. Dapat pala nagsuot ako ng jacket, nakalimutan kong magdala.

Natigilan ako nang may maglagay ng jacket sa balikat ko, napangiti naman ako at agad na lumingon sa kanya.

“Mayor, thank-- ay kalabaw!”

Napapitlag ako at napaatras nang mapansing hindi pala si mayor ang naglagay ng jacket sa 'kin. Agad kong hinubad ang jacket at ibinalik sa lalaki.

May hitsura rin ang lalaking 'to at matangkad, sa tingin ko lang ay mas matangkad ng kaunti si mayor sa kanya. Pero wala akong pakialam kahit gwapo pa siya, hindi ko siya kilala.

“Mukhang nilalamig ka, sa 'yo na 'to,” sabi niya at ngumiti saka muling ibinalik ang jacket sa 'kin. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya saka umiling.

“H-hindi na po, kuya,” sabi ko na lang saka lumayo ng kaunti sa kanya.

“Sige na, malamig talaga rito kapag gabi. Suotin mo na--”

Natigilan ako at napasinghap nang may sumipa sa lalaki. Napatakip ako sa gulat nang halos tumalsik sa buhanginan ang lalaki.

Napapitlag ako nang maramdaman kong may jacket na bumalot sa katawan ko. Napalingon ako at napatingala sa pamilyar na amoy na 'yon.

“M-mayor,” nauutal na sambit ko na lang. Nanatili namang walang emosyon si mayor habang nakatitig sa lalaki saka hinila ang baywang ko papalapit sa kanya.

Akmang lalapitan pa ni mayor ang lalaki nang hawakan ko ang braso niya.

“M-mayor, wag na. Umalis na lang tayo, baka isumbong ka pa niya sa mga pulis,” kinakabahang sabi ko at sinubukan siyang hilahin palayo sa lalaki.

“I'll shoot his head,” mariing sabi niya habang nakatitig nang masama sa lalaki.

“Mayor, u-umalis na tayo. Please,” pakiusap ko sa kanya.

Napatitig sa 'kin si mayor, tila nagsusumamong tumingin ako sa kanya at marahang hinaplos ang braso niya. Napabuntong hininga na lang siya at nagpatianod nang hilahin ko siya palayo sa lalaki.

Hindi ko alam kung bakit ginawa ni mayor 'yon. Kilala niya ba ang lalaki at talagang galit siya ro'n? O baka naman nagseselos siya dahil kinausap ako nito at binigyan ng jacket?

Ayokong umasa pero kung iyong pangalawa ang dahilan, mukhang hindi pala magandang magselos si mayor.

“Mayor.”

Nanatili akong nakakapit sa braso niya habang naglalakad kami sa dalampasigan pabalik sa cottage namin.

“Hmm?”

Napatigil ako sa paglalakad, napatigil din siya at nagtatakang napatingin sa 'kin. Ngumiti na lang ako nang matamis sa kanya saka kinuha ang kamay niya at idinikit iyon sa pisngi ko. Hindi naman siya pumalag o kumontra, seryosong nakatitig lang siya sa 'kin.

Napapikit ako nang maramdaman kong gumalaw ang hinlalaki niya na tila ba hinahaplos niya ang pisngi ko.

Nagwawala na naman ang puso pati ang mga paru-paro sa tiyan ko. Simpleng haplos lang 'yon galing sa kanya pero pakiramdam ko nagbigay init na 'yon sa buong katawan ko hanggang sa pagkatao ko.

Nasabi ko ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya sa lenggwahe namin sa probinsya.

“Arken Zaviere, namumutan ta ka.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.