Hindi ka sa paglipas ng panahon natututo kundi sa mga karanasan na pinagdaanan mo. Nakadepende na sa 'yo kung habang buhay kang matatakot at magtatago o matututo kang tumayo sa sarili mong mga paa at labanan ang sarili mong emosyon at takot.
“Pretty doctor, kumusta na po ang pusa ko?” nag-aalalang tanong ni Lina, ang batang may-ari ng pusa na nasa tauhan ko ngayon. Sinisipon kasi ang pusa niya, dinala nila sa 'kin dahil may lumalabas na ring dugo sa ilong ni Lian, ang pusa niya.
“Kailangan niya pang mag-stay rito para sa ilang tests, pero wag kang mag-alala, gagamutin ko siya,” sabi ko na lang saka ngumiti sa kanya.
Isang taon pa lang akong veterinarian, pero marami na akong karanasan sa paggamot sa iba't ibang hayop. Madalas abala ako at talagang maraming napunta dahil ito lang ang nag-iisang vet clinic sa lugar na 'to, tapos dalawa lang kaming veterinarian ng kasama kong si Dr. Orlando.
“Doc! Yung aso ko po, hindi nagalaw!”
Napatingin ako sa biglang pumasok sa clinic. Dalawang bata sila na may bitbit na maliit na aso na hindi nagalaw. Agad ko silang nilapitan, dahan dahan kong kinuha ang aso mula sa kanila at inihiga sa hospital bed.
Marahan kong pinakiramdaman ang tiyan ng aso, naninigas ang tiyan nito. Napabuntong hininga ako at inutusan ang tauhan na tawagin si Doc Orlando.
Sa tingin ko at may problema sa paghinga o digestion ang aso, masyadong sensitibo ang ganito.
“Doc, magagamot po ba ang aso niya?” walang emosyon na tanong ng bata at itinuro ang kaklase niya na mukhang nag-aalala sa aso nito.
“Magagamot ang aso niya, pero teka, bakit doc na naman ang tawag mo sa 'kin?” natatawang tanong ko at hinila siya para yakapin.
Pakiramdam ko natanggal ang lahat ng pagod ko nang mayakap ko siya. Isang yakap lang talaga galing sa kanya, okay na ako.
“You're my mother but you're still a doctor, we're in a vet clinic, I should address you properly,” seryosong sabi nito habang nakatitig sa 'kin.
Palaging nagtatayuan ang mga balahibo ko kapag nakatingin siya sa 'kin ng ganyan, pakiramdam ko hindi bata ang kaharap ko at ka-edad ko lang.
“Van, tinulungan mo ba ang kaklase mo?” tanong ko sa anak ko saka napatingin sa kaklase niya na panay ang tingin sa glass wall sa silid ng aso niya na chine-check up na ngayon ni Doc Orlando.
“Hindi po, pinilit niya lang ako,” walang emosyon na sabi pa nito. Napangiwi na lang ako, sabi na nga ba.
“Okay lang, very good ka pa rin dahil tinulungan mo siya... Kahit pinilit ka lang niya,” sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.
“Babalik na po ako sa school,” sabi ni Vander saka humalik sa pisngi ko saka lumabas na ng clinic.
Napabuntong hininga na lang ako at hinabol ng tingin ang anak ko, malapit lang ang clinic namin sa school nina Vander kaya napunta ako minsan doon para silipin siya.
Anim na taon pa lang si Vander Alair Macarios, pero mas matured siyang mag-isip kaysa sa mga ka-edad niya. Noong anim na taon ako, ni hindi ako makapagbasa ng ingles nang ayos, pero siya matatas na magsalita ng ingles sa panonood lang ng English movies at pagbabasa ng mga libro na walang drawing at hindi naman dapat binabasa ng mga bata sa edad niya.
Sa totoo lang pino-problema ko ang ugali niya na palaging tahimik at walang emosyon, sa pagkakatanda ko nga ay isa lang ang kaibigan niya na nakakapag-tiyaga sa kanya. Madalas din siyang magkaroon ng mga kaaway sa school dahil nami-misinterpret ang mga sinasabi niya, kaya minsan umuuwi siya ng may galos. Nag-aalala na talaga ako sa batang 'yon. Sinubukan ko siyang panoorin ng makukulay na cartoons pero nakakatulugan niya, mas gusto niyang manood ng documentaries o mystery o murder cases.
Minsan napapaisip ako na baka namana niya 'yon sa tatay niya.
Napailing na lang ako at mahinang sinampal ang pisngi ko para i-alis siya sa isip ko. Hindi ko na dapat iniisip pa ang walang kwentang lalaking 'yon. Muntik ng mawala sa 'kin si Vander ng dahil sa kanya.
“Vander! Bakit may sugat ka na naman?!” nag-aalalang tanong ko kay Van nang sunduin ko siya sa school.
Nanatili siyang walang emosyon at napakamot na lang sa buhok niya. Napangiwi ako at pinagpag 'yon nang mapansin kong may buhangin do'n.
“Mukha raw po akong galit,” sabi naman niya saka pinagpag ang buhok niya.
“Bakit naman hindi ka nagsumbong o lumaban?” naiinis na tanong ko at tiningnan ang pisngi niya.
“I'll do that when I'm powerful enough, I will surely crush their whole existence,” sabi niya saka napakunot ang noo.
Napakurap na lang ako at napatikhim dahil seryosong seryoso ang mukha niya at walang bahid ng pagbibiro.
Bigla akong kinabahan, baka seryoso siya sa sinabi niya at talagang gumanti siya sa mga ito balang-araw.
“Anak, magsisimba tayo sa linggo. Wag kang mag-isip ng kung ano-ano riyan,” panenermon ko na lang saka kinurot ang ilong niya.
Nagpabili muna siya ng libro sa bookstore bago kami umuwi, mukhang madadagdagan na naman ang mga libro niya.
“Ma, magagamot po ba yung aso ng kaklase ko?” tanong ni Van pagkababa namin ng kotse.
“Wow, concern ka sa aso kaklase mo? Teka, ano ba'ng pangalan ng kaklase mong 'yon?” tanong ko.
Ngumiti ako sa mga katulong na nadadaanan namin at binabati kami.
“I don't know, I forgot,” tipid na sabi niya habang nakayakap sa libro niya. Napakamot na lang ako sa kilay ko, hindi na ako nagugulat. Isang kaklase lang ang kilala niya, si Pzalm, yung cute na batang babae na maraming kaibigan. Nagtataka nga ako kung paano niya kinaibigan si Vander eh.
“Magbihis ka na ha, tapos maya-maya rin kakain na tayo,” sabi ko na lang saka dinampian ng halik ang noo niya. Tumango na lang siya at nagtungo sa sariling silid niya.
Nagtungo ako sa kwarto ko para magshower na at magpalit ng pambahay. Minsan gusto kong kausapin si Van ng masinsinan, hindi ko mabasa ang iniisip niya. Malambing naman sa 'kin at madalas akong yakapin at halikan, tipid lang talaga itong magsalita. Gusto ko na nga siyang patigilin manuod ng mga murder case at books, kaso naaawa naman ako kapag tumitingin siya sa 'kin na tila nagpapaawa.
“Hello, Ate Ayen,” bati sa 'kin ni Gina, ang pinakabatang katulong dito.
“Hello, Gina, kumusta pala ang pag-aaral mo?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Ayos naman po, Ate, matataas naman po ang grades ko. Gusto ko po talagang maging veterinarian katulad mo,” nakangiting sabi niya saka nagpunas ng kamay nang matapos siyang maghugas ng mga pinggan.
“Nararamdaman ko na magiging veterinarian ka rin. Kapag kailangan mo ng tulong sa pag-aaral, sabihan mo lang ako.”
Lima lahat ang katulong dito at lahat sila ay kasundo ko.
“Ayen.”
Agad akong napatayo nang tuwid nang marinig ko ang boses na 'yon. Nanunuksong napatingin sa 'kin ang mga katulong, agad na nag-init ang magkabilang pisngi ko at napailing na lang.
Ito na naman sila sa panunukso nila.
“Ikaw pala, Vaughn, kumusta ang araw mo ngayon?” tanong ko pagkaharap ko sa kanya.
“I'm fine, medyo napagod lang. By the way, where's Vander?” tanong niya habang tinatanggal ang necktie niya.
“Nasa kwarto niya, nagbabasa na naman,” sabi ko na lang saka kinuha ang bag niya mula sa kanya, nakasanayan ko ng gawin 'yon.
Mas naging busy si Vaughn simula nang tumakbo siyang governor ng Sorsogon. Marami naman ang sumusuporta sa kanya dahil siya ang mayor dito sa Sorsogon City pero siyempre, kailangan niya pa rin mag-effort sa pagtakbo, hindi rin naman kasi basta basta ang mga kalaban niya.
“Luto na ang pagkain, Sir, kakain na po ba kayo?” tanong ni Aling Gina. Ngumiti naman si Vaughn sa kanya saka tumango.
“Ayen, yayain mo na si Vander na kumain, magbibihis lang ako.”
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Pumasok ako sa silid niya nang pumasok din siya at inilapag ang bag niya sa bedside table.
“Vaugh, salamat nga pala sa pagsuporta mo sa clinic namin, malaking bagay 'yon para sa 'min,” sabi ko na lang saka ngumiti sa kanya.
Tipid na napangiti rin siya at lumapit sa 'kin saka marahang hinaplos ang pisngi ko. Napapitlag ako nang makaramdam nang kakaibang kuryente sa hawak niya.
“You know that I can give everything you want, just don't leave me,” sabi nito saka lumayo na at nagtungo sa banyo.
Napabuga ako ng hangin at tila nakahinga nang maluwag, palagi ko namang naririnig 'yon sa kanya pero parang hindi masanay-samasanay-sanay ang puso ko.
Wala naman akong balak na iwan siya.
Napailing na lang ako at lumabas ng silid niya saka nagtungo sa kwarto ni Vander. Naabutan ko siya na nakaupo sa kama habang nanonood na naman ng kung anong murder case.
“Vander, nandito na si Vaughn, kakain na tayo,” pag-aaya ko sa kanya.
Hindi naman siya nagsalita at pinatay na lang ang TV saka lumapit sa 'kin at humawak sa kamay ko. Nagtungo na kami sa dining room, naghahain na ro'n sina Aling Cordelia.
“Nako, Ate Ayen, malakas po ang kutob ko na mananalo si Mayor Vaughn sa pagka-gobernador, ang dami niya pong supporters, lalo na mga babae,” natatawang sabi ni Gina. Naningkit naman ang mga mata ko.
“Mali naman yatang i-boto nila si Vaughn dahil gwapo siya,” nakakunot-noong sabi ko saka napaismid. Nagtawanan naman ang mga katulong.
“Nagseselos si Ate Ayen,” panunukso nila. Napailing na lang ako.
Umupo si Vander sa tabi ko, ipinaghain naman siya nina Aling Cordelia. Akmang kakain na siya nang hampasin ko ang kamay niya.
“Ano ka ba? Hintayin mo muna si Vaughn,” pananawan ko sa kanya.
“Why do I have to?” malamig na tanong niya. Tiningnan ko naman siya nang masama.
“Vander Alair, hindi ako natutuwa sa ugali mo,” panenermon ko sa kanya. Tumahimik na lang siya at binitiwan ang kutsara.
“My boy, Vander.”
Napatingin ako kay Vaughn na nakapagpalit na ng damit saka umupo sa tapat namin. Lumapit siya kay Van at marahang ginulo ang buhok ng anak ko, hindi naman kumibo si Van.
“How's your day? Wait, is that a bruise?” tanong ni Vaughn saka itinuro ang nasa pisngi ni Van.
“Napaaway na naman siya, magrereklamo ako sa teacher niya bukas. Hindi na ako natutuwa kapag umuuwi siyang may sugat,” napapailing na sabi ko saka marahang hinaplos ang pisngi ni Van.
“You don't have to, I will kill them someday, I'll surely do,” sabi ni Van saka sumubo ng kanin.
Alanganing ngumiti na lang ako at napatingin kay Vaughn. Palagi namang sinasabi ni Vander iyon pero nahihiya pa rin ako kapag naririnig ni Vaughn, baka isipin niya future serial killer ang anak ko o ano.
“Anak, diba sabi sa church, masama ang gumanti sa kapwa mo?” tanong ko sa kanya.
“I'ts not revenge, I'll just give them a dose of their own medicine, just like a doctor, right?” tila inosenteng tanong niya sa 'kin pero walang emosyon. Napakamot na lang ako sa kilay ko at napapikit nang mariin.
Naloloka ako sa anak kong 'to. Mukhang kailangan ko na rin siyang pagbasahin ng bible, bakit ba hindi siya nagmana sa ate niya?
Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko ang batang 'yon, kumusta na kaya siya? Malamang malaki na siya ngayon at mas gumanda.
“Van, ano ba talaga ang trip mo sa buhay?” naitanong ko na lang. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.
“Mama, pwede po ba Vander and itawag niyo sa 'kin o Alair?” tanong niya. Napakunot naman ang noo ko.
“Bakit naman? I like calling you Van, katunog ng pangalan ni Vaughn, diba nga kay Vaughn nanggaling ang pangalan mo?” sabi ko na lang saka hinaplos ang buhok niya.
“That's why I hate it,” malamig na sabi ni Vander at uminom ng tubig saka tumayo. Hinabol ko na lang siya ng tingin nang makaalis na siya sa dining room.
“Vaughn, pasensya ka na kay Vander. Alam mo namang sa sama ng loob ko talaga ipinaglihi ang batang 'yon,” hinging paumanhin ko sa kanya.
“It's fine, he never liked me in the first place. He's not kind and approachable to everyone around him, except you,” sabi na lang niya saka ngumiti.
Naiinis talaga ako kapag ganito ang pagtrato ni Vander kay Vaughn, ilang beses ko ng ipinaliwanag na si Vaughn ang dahilan kung bakit nakaligtas kami noon pero parang wala siyang pakialam sa katotohanang 'yon.
Si Vaughn Regnier ang nagligtas sa akin noong gabing 'yon na umalis ako sa poder ni Arken Zaviere. Iniligtas niya ako at dinala sa ospital, kinupkop niya rin ako at dinala rito sa Sorsogon dahil wala na akong ibang malapitan nang panahong 'yon dahil ayaw kong guluhin ang kaibigan ko na sina Aljen at Wrena.
Sa ngayon wala na akong balita sa kanila dahil pinutol ko na ang komunikasyon ko sa Caloocan, alam kong nag-alala sila dahil sa biglang pagkawala ko pero ayoko ng bumalik do'n at alalahanin ang nakaraan. Masaya na 'ko ngayon dito.
Ipinaalam ko rin sa pamilya ko na nasa Camarines Sur na ngayon ang tungkol sa pagbubuntis ko dati, nagalit sila noong una pero nawala rin ang galit nilang 'yon nang isilang ko si Vander, lumambot ang puso nila sa anak ko noong dalhin ko sa kanila si Vander. Minsan ay napunta kami ni Vander doon upang bisitahin sina nanay at tatay.
Sa totoo lang ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung wala si Vaughn. Pinilit niya ako na mag-aral ulit at tuparin ang pangarap kong propesyon, hindi ko naman pinagsisisihan 'yon dahil veterinarian na ako ngayon.
Lahat ng kailangan namin ay ibinigay ni Vaughn, pero may isang bagay lang siya na gusto kapalit ang lahat ng 'yon... ang wag namin siyang iwan.
Wala kaming relasyon, hindi ko alam kung may nararamdaman ba siyang pagmamahal sa 'kin o talagang gusto niya lang kaming tulungan mag-ina... pero mahal ko siya, mahal ko si Vaughn.
“Pakasalan mo na si Vaughn at wala ka ng makikilala na gano'ng lalaki!” sabi ni Mama na tila nanenermon.
Kinukulit na naman ako ni Nanay na pakasalan ko na raw si Vaughn.
Napabuntong hininga na lang ako at itinuloy ang pagpupunas ng buhok ko habang kausap si Nanay sa phone, sabi na nga ba at si Vaughn na naman ang pag-uusapan namin.
“Nay, wala naman kaming relasyon ni Vaugh. Tinutulungan niya lang kami dahil mabait siya.”
Ilang beses ko ng sinasabi kay Nanay 'yan pero talagang gusto niyang mapangasawa ko na si Vaughn, kahit si Tatay naman ay gano'n din.
Sino ba ang hindi? Kahit ako gusto ko ng mapangasawa si Vaughn at masabi sa kanya na mahal ko siya, pero wala akong lakas ng loob na sabihin 'yon.
Alam kong magkaiba sina Vaugh at Arken, pero natatakot na 'ko, nadala na 'ko. Natatakot na akong sabihin ang mga salitang 'yon, baka may magbago, baka may mangyari na namang hindi maganda.
“Vaughn, hindi ka ba makatulog?”
Umupo ako sa tabi ni Vaughn, sabi na nga ba at nandito lang siya sa may hardin at nakaupo habang nainom ng wine. Routine niya na yata ito tuwing gabi, lalo na kapag hindi siya nakakatulog.
“Go to your room and sleep, baka inaantok ka na,” sabi na lang niya saka tipid na ngumiti sa 'kin.
“Hindi pa naman ako inaantok, sasamahan muna kita rito,” sabi ko na lang saka hinawakan ang bulaklak na nasa tabi ko at marahang hinaplos 'yon.
“Ayen.”
Napalingon ako kay Vaughn. Natigilan ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya saka yumakap sa baywang ko. Napalunok ako kasabay ng pagwawala ng puso ko, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at umaktong normal.
“Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
“I'm fine, I'm just wondering, how can I make Vander like me?” tanong niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi niya at napabuntong hininga. Sabi na nga ba at naiisip niya 'yon, kahit palagi niyang sinasabi na ayos lang sa kanya, hindi niya pa rin maiwasan na mapaisip kung paano mapapalambot ang puso ni Vander.
Natigilan ako nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin saka inipit ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko sa ilalim ng tainga ko.
“Anyway, it's fine, as long as you won't leave me, I don't give a fuck on how he deals with me.”
Naging seryoso ang boses niya habang nakatitig sa 'kin, hindi naman ako nag-iwas ng tingin sa kanya at nakipaglabanan ng titig sa kanya. Sa totoo lang, unpredictable talaga ang mood ni Vaughn. May mga oras na pakiramdam ko ay hindi ko nababasa ang iniisip niya. Pero isang bagay lang ang alam ko, ayaw niyang iwanan namin siya.
“Diba sabi ko naman sa 'yo na wala kaming balak na iwan ka,” sabi ko na lang saka hinawakan ang pisngi niya. Napangiti naman siya sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya.
“You promised me, Ayen. You won't marry anyone and you will stay with me forever, even if Vander's father comes back,” sabi niya saka binitiwan ang kamay ko. Ngumiti na lang ako saka tumango.
Hindi niya rin kilala kung sino ang tatay ni Van, hindi ko sinabi sa kanya kung sino dahil ayaw ko na talaga 'yong balikan, iginalang naman niya ang desisyon ko na hindi sabihin at hindi na ako pinilit na magsalita.
“You and Vander, you're mine, I won't let anyone have you,” seryosong sabi niya habang nakatitig pa rin sa 'kin.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang tumunog ang phone niya. Agad niyang kinuha 'yon at sinagot ang tawag. Tumayo siya at lumayo nang kaunti sa 'kin.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na pagkabog ng puso ko. Palagi niya namang sinasabi 'yon pero hindi masanay-sanay ang puso ko.
“What the fuck?! Are you fucking serious?!”
Natigilan ako at napatingin kay Vaughn nang galit itong sumigaw. Napapitlag na lang ako nang naiinis na inihagis niya ang phone niya saka walang pasabi na umalis.
Hindi talaga mabilis magalit si Vaughn, nakikita ko siyang magalit pero kapag may mabigat na problema lang sa city hall o sa Sorsogon City, napakadalang na mangyari no'n kaya nagtataka ako kung bakit galit na galit siya nngayon, mukhang may kinalaman 'to sa pagtakbo niyang gobernador ng Sorsogon.
Kinuha ko ang phone niya na inihagis niya at tiningnan 'yon. Natigilan ako nang makita ang article na nandoon. Pakiramdam ko bumigat ang paghinga ko kasabay ng kakaibang pakiramdam na umaakyat sa batok ko.
The former mayor of Caloocan City, Arken Zaviere, is now running for the position of governor in Sorsogon.