PAKIRAMDAM ni Kaycee ay nahulog ang puso niya pagkakita niya kay Mitch. The man from her picture collections and photos in the internet was standing in front of her. Mitchell Esguerra in flesh. At nakatingin ito sa kanya na kunot na kunot ang noo.
This was not what she expected to be their first encounter. She dreamed of Mitch mesmerized by her beauty and not the other way around. Kaya nga nag-effort pa siyang mag-dress at mag-make-up ngayon para rito. Para magpa-cute at magpa-impress dito.
Pingarap niyang mabigyan siya nito ng papuri at hindi kunot-noo. Pinangarap niyang kiligin siya sa unang pagkikita nila at hindi iyong parang gusto na niyang bumuka ang lupa ngayon at kainin siya ng buhay.
Ohnoes!
Tumalikod siya rito at muling hinarap ang mga salarin kung bakit siya napahiya sa pinakamamahal niyang lalaki. Yumuko siya sa kanyang Kuya Zeke at bumulong. “Bakit hindi n’yo sinabi na nand’yan na pala si Mitch? Todo sigaw pa ako,” aniya rito.
May parte sa kanya na kinikilig dahil sa wakas ay nakita na rin niya sa personal ang pinakamamahal niyang si Mitchell Esguerra pero malaki ang parte niya na kinakabahan at napahiya rito. Hindi talaga ganoon ang in-imagine niya noon na magiging scenario ng una nilang pagkikita. Pakiramdam niya’y may race cars na nagkakarerahan sa dibdib niya dahil sa sobrang kaba niya.
Kung bakit ba naman kasi hindi sinabi sa kanya ng mga kausap niyang ito na naroon na pala sina Mitch kasama ang ibang patrons ng Camp Speed. Napahiya tuloy siya. Dapat pala’y siya na ang pumunta sa Racer’s Place para hindi ganoong hindi niya ma-compose ang sarili niya. She was caught off guard by Mitch’s sudden appearance.
“Ayos lang ‘yon. At least, may puntos ka na sa kanya,” nakangising bulong nito sa kanya.
“Puntos? Oo nga. Mukhang naka-strike ako sa kanya eh. Parang gusto n’ya akong kainin ng buhay,” nakangiwing saad niya rito. Zeke tapped her shoulders.
“Ayaw mo no’n? Makaka-first base ka agad,” panunudyo pa nito sa kanya.
Sinimangutan niya ito. Pakiramdam niya’y nakatingin pa rin sa kanya si Mitch at kunot na kunot pa rin ang noo nito. Ayaw niyang makita ito na ganoon ang hitsura dahil pinanghihinaan siya ng loob.
Ano ka ba naman, Kaycee? Ngayon ka pa ba naman susuko eh nand’yan na nga si Mitch sa harapan mo? Ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Ipakita mo sa kanya na ikaw ang karapat-dapat na babae para sa kanya, udyok ng makulit na bahagi ng isipan niya.
Napangisi siya sa kanyang sarili. Hindi isang pagkakamali lang ang pipigil sa kanyang makamit niya ang ultimate goal in life niya: ang maging Mrs. Mitchell Esguerra. Naalala pa niya noong nanumpa siya sa harap ng mga kaibigan niya tungkol doon. Right hand up, left hand on her chest as she swore…
“I promise to myself and to all of you, magiging future Mrs. Mitchell Esguerra ako. I swear! Gagawin ko ang lahat maging asawa ko lang si Mitch. Do or die ‘to!”
At pagkatapos niyang gawin iyon ay anong hagalpakan ng tawa ng kanyang mga kaibigan. Akala siguro ng mga ito’y nagbibiro siya pero hindi. Mananatili ba siya sa Camp Speed kung nagbibiro siya? Naroon siya dahil kay Mitch. Dahil gusto niyang mapalapit dito.
Dapat sana’y sa Europe pero dahil mahal ang pumunta sa Europe para lang mang-stalk kay Mitch ay mas pinili niyang sa Camp Speed na lang magtrabaho dahil patron doon si Mitch. Iyon nga lang, nang una siyang magpunta roo’y sakto namang alis nito patungong Europe para mangarera sa pamosong GP3 Series. Kinailangan tuloy niyang maghintay hanggang ngayon para makita ito.
Kaya dapat ay hindi siya sumuko agad dahil lang sa simpleng pagkapahiya rito. Kailangan niyang ibangon ang napahiya niyang ego. Hindi siya magiging si Kaycee Jean Morales kung susuko agad siya.
Tama! Magiging legal akong si Mrs. Esguerra, aniya sa sarili. Pampalakas-loob.
“Hi, Mrs. Esguerra,” nakangising bati sa kanya ng Kuya Vonn niya.
“Hello, Kuya Vonn!” nakangiting bati niya rito. Naialis na niya sa kanyang sarili ang pagkapahiya at nagkaroon muli siya ng confidence dahil alam niyang kakampi niya ang mga taong naroon. Suportado siya ng mga ito para maging Mrs. Mitchell Esguerra.
“Ang ganda natin ngayon ah. Ano’ng mayro’n?” anang Kuya Zen niya.
“Ano ka ba naman, Zen? Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang inaabangan nilang pagtatagpo ng asawa niya,” anang Kuya Zeb niya saka inginuso si Mitch.
Bago tuluyang dumako ang tingin niya kay Mitch ay pinakiramdaman muna niya ang kanyang sarili. Kinakabahan pa rin siya pero keri lang iyon. Kailangang simulan na niya ngayon pa lang ang misyon niyang maging future Mrs. Mitchell Esguerra.
“Hi, Mitch!” buong suyong bati niya rito.
Sa wakas! Nakausap mo na rin siya! kinikilig na sabi niya sa sarili. Minsan lang siya nitong naka-tweet sa Twitter at naka-message-an sa Facebook pero masaya na siya sa ‘minsan’ na iyon. Malaking bagay na iyon sa stalking career niya. Kahit nga ma-Retweet lang nito ang tweet niya’y ayos na sa kanya.
“Hello,” bati rin nito sa kanya. Napahawak siya sa mesang malapit sa kanya dahil baka mamaya’y hindi niya mapigilan ang sarili niya at maglumad na lang siya sa sahig dahil sa kilig. Binalingan niya ang mga kuya niya at ngumisi sa mga ito bago muling bumaling kay Mitch.
Lumapit siya rito at naglahad ng isang kamay. “I’m Kaycee Jean Morales, by the way. I’m—“
“Your future wife,” sabay-sabay na turan ng ilang lalaking naroon saka sabay ring nagtawanan ang mga ito.
Sinimangutan niya ang mga ito. Pagharap niya kay Mitch ay mas lalong kumunot ang noo nito. Kaya naman binigyan niya ito ng kanyang pinakamatamis na ngiti. Pero tila wala iyong epekto rito dahil hindi nito tinanggap ang pakikipagkamay niya. At tinalikuran pa siya nito sabay labas ng Speed Café.
Ano’ng nangyari do’n? tanong niya sa sarili na para bang masasagot niya iyon.
Strike two sa pagkapahiya. Nyahaha! pang-aasar pa sa kanya ng makulit na bahagi ng isipan niya.
Napasimangot siya. Laglag ang balikat niyang bumaling sa mga lalaking naroon. Saka siya inakbayan ng Kuya Zeke at Kuya Zeb niya.
“Hayaan mo, Kayce, igaganti ka namin kay Mitch mamaya dahil sa pagpapahiya niya sa’yo,” anang Kuya Kent niya sa tonong nang-aasar.
“Tatalunin namin siya para sa’yo,” segunda pa ng Kuya Dennis niya. As if, matatalo nga ng mga ito si Mitch gayong leisure racers lang ang mga ito.
Bumuntong-hininga siya. Cheer up, self! Nagsisimula pa lang ang laban. Fighting!
“MITCH, what the hell are you doing? Bakit hindi ka nag-pit stop? Your tires aren’t the same as the ones you use in GP3!” singhal kay Mitch nang coach ni Rev—ang coach niya sa racing event na iyon. A pit stop is where a racing vehicle stops to refuel, change tires, repairs and for mechanical adjustments.
“There are only three laps left. I can do it,” kampanteng sabi niya rito sa team radio nila.
He took the risk of not refueling gas and changing tires for he was leading the race and he didn’t want to risk his lead. Pinaghirapan niyang maging race leader sa seventeen laps na nagawa niya. Kapag nag-pit stop siya’y siguradong mawawala ang lead niya. Sinulyapan niya ang gas range ng sasakyang gamit niya, abot pa iyon hanggang sa huling lap. At ang mga gulong naman niya’y pakiramdam niya’y maayos pa naman at hindi na kailangang palitan pa.
Ganoon ang training nila sa GP3. Kailangang ang driver ang magdesisyon para sa race at para sa kotse dahil ang driver ang mas may alam kung ano ang dapat gawin sa race. Oo at mayroong coach staff at team managers na gumagabay sa kanila roon pero nasa kanila pa rin ang huling desisyon. Dahil ang driver ang mas malapit sa sasakyan. Kumbaga ang tunay na magka-partner ay ang driver at ang sasakyan. In a race, a driver and a car become one.
Hindi na muling nagsalita mula sa kabilang linya ng radyo si Rev. Malaki ang pasasalamat niya rito dahil ito ang unang tao na nagbigay ng oportunidad sa kanyang makapasok sa motorsport. Noong nagsisimula pa lang siya’y ito ang naging mentor niya. He also sponsored his races in Asia when he was still in karting and in the Toyota Racing Series in Singapore. Hanggang sa pumirma siya ng kontrata sa MW Arden ng GP3 Series kung saan siya opisyal na race driver ngayon.
Ayaw man niyang iwan ang Camp Speed at lumayo sa Pilipinas ay kinailangan niyang gawin iyon para mas lalong lumago ang kaalaman niya sa racing. Lahat naman ng amateur racers ay pangarap na makaabot sa international league of racing kaya naman hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataon nang alukin siya ng MW Arden na sumali sa koponan ng mga ito.
Ganoon din naman ang ginawa nina Vonn La Croix at Keith McGraw na pioneer patrons ng Camp Speed at ngayo’y kapwa Formula One racers na. Balang araw ay nakikita niya ang kanyang sariling katulad na ng mga ito. Nakamit na ng mga ito ang pangarap na maging isang Formula One race driver. Gusto rin niyang maging Formula One driver katulad ng mga ito. Iyon ang pinaka-goal niya sa kanyang racing career.
Kailangan niyang mag-focus ng maayos para marating niya ang goal niyang iyon. Kaya naman lahat ay ginagawa niya ngayon para manalo sa GP3 Series. Kapag kasi siya ang nanalo sa Series na iyon ay aabante siya sa GP2 Series na isang rangko na lang patungo sa Formula One. Kapag naipanalo naman niya ang GP2 Series ay aabante na siya sa Formula One. At iyon ang magiging pinakamasayang araw ng buhay niya.
Hindi niya hahayaang may maging balakid sa pangarap niyang iyon. Alam niyang marami ang nag-e-expect na marating niya ang kanyang pangarap kaya naman gagawin niya ang lahat makaabot lang sa Formula One. Hindi niya sasayangin ang tiwala at suporta ng pamilya niya, mga kaibigan, sponsors at siyempre ng Camp Speed.
Last two laps, Mitch. You got this, aniya sa sarili.
Sa twenty-lap race ng tradisyunal na Camp Speed Patron stock car race na iyon ay dalawang beses na siyang nag-pit stop at sa tingin talaga niya’y tama na iyon. Hindi siya propesyunal na stock car racer, isa siyang formula race driver. Pero noong nasa Camp Speed pa siya’y naturuan siya ng iba’t ibang karera. Marunong din siyang mag-motocross pero hindi siya magaling doon. Marunong din siyang humawak ng big bikes pero hindi rin niya masyadong gamay iyon. Mas gusto talaga ang four-wheel drive.
Mas madaling magamay ang formula cars dahil hindi manibela katulad ng mga sasakyan ang gamit doon kundi parang remote control stirring wheel katulad nang sa mga PSPs.
Here you go, Mitch. Last lap, aniya sa sarili. Sa pag-ikot niya sa may committee garage ay nakita niya ang isang babaeng naka-radio head phone at tila nagtsa-chant ito ng kung ano habang nakataas ang mga kamay sa ere. He recognized the girl as Kaycee Jean Morales—ang babaeng tinatawag ng kanyang mga kasamahan na Mrs. Esguerra.
Naalala niya kung ano ang isinigaw nito kanina nang dumating sila sa Speed Café dahil ipinatawag daw sila roon ni Zeke Figuerroa—ang may-ari ng café. Nagulat na lang siya ng marinig ang sigaw ng babae habang papasok sila ng café at sa panggigilalas niya’y siya pa ang tinutukoy ng sigaw nito.
“I love you, Mitch Esguerraaaaaaaa!” sigaw ni Kaycee kanina. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito pagkarinig niya niyon. Not that he has to say something. But the feeling he felt after hearing those words coming from that girl was equally embarrassing and…good.
‘Yon din kaya ang isinisigaw niya ngayon? tanong ng isang bahagi ng isipan niya. Kahit na nakalampas na siya sa parteng iyon ay tila na-stuck sa isipan niya ang hitsura ng babae.
She was petite and cute. She really looks adorable in that dress. Hindi ito katulad nang mga grid ladies na palagi niyang nakikita sa bawat race niya sa Europe na malalaking babae. Hindi rin ito maikokompara sa mga fans niya sa Europe at kahit sa mga babaeng ipinakikilala sa kanya ng mga kaibigan niya na pulos sexy at magaganda. But there’s something about Kaycee that made him think of her, that made his mind stuck with that scene.
Whoa! What’s that, Mitch? You interested to that girl? kastigo niya sa sarili.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. He still has a race to win. Pero nagkaroon ng aberya. Hindi niya namalayan na may nakahabol na pala sa kanyang kotse. Ipinihit niya ang manibela sa kanan dahil kung hindi ay sasalpok sa kanya ang kotse ni Vonn pero sa pagmanibela naman niyang iyon ay na-off track siya. At hindi pa roon natapos ang kalbaryo niya.
Pagkaalis ng sasakyan niya sa track ay pumutok ang isang gulong niyon sa kanang-unahang bahagi ng sasakyan dahilan para umikot ang sasakyan niya at sumalpok iyon sa fence ng circuit.
Damn! mura niya sa sarili. He lost his lead and he lost the race. All because his mind was stuck thinking of that girl. Stupid, Mitch. Stupid! How could you let that happen? kastigo niya sa sarili.
Naging training nila sa pangangarera kahit noong nasa Camp Speed pa lang siya na kapag nasa isang karera ay dapat ang buong atensyon at buong pokus ng utak at katawan ay nasa track, pero anong ginawa niya ngayon? Hinayaan niya ang kanyang sarili na ma-distract na lang basta ng isang babae.
Naihampas niya dalawang kamay sa manibela. Hindi siya makapaniwala na natalo siya nang dahil lang doon. But he only got himself to blame for his carelessness. Muntikan pa siyang maaksidente. Mabuti na lang at naging cool at relax siya sa pagmamaniobra.
“’You all right?” tanong sa kanya ni Rev na agad na rumesponde sa crash.
“Yeah. Hindi naman ito kasing lala no’ng natanggal ‘yong apat na gulong ng car ko sa Silverstone,” aniya kay Rev. Then, he smirked at himself.
“Hindi ka kasi nakinig sa’kin. Sinabi ko na sa’yong dapat nag-pit stop ka,” ani Rev.
“Sorry, boss. You’ve honed a hard-headed guy,” nakangising saad niya rito. Tinanggal niya sa pagkakakabit ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse. “Magagalit ba si Rhyu n’yan?” tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang Head of Engineering ng Camp Speed.
“Si Juno,” simpleng saad ni Rev na ang tinutukoy ay ang partner nitong siyang Technical Director ng Camp—ang brains behind the cars—at ang kapatid ni Rhyu.
Napailing lang siya. “Bibigyan ko na lang siya ng special video presentation kung paano nagkukumpuni ng sasakyan sa GP3,” panunuhol niya.
“Kausapin mo siya. Anyway, don’t feel bad, Mitch. Hindi naman ikaw ang kulelat sa rankings.”
“Sino?” kunot-noong tanong niya.
“Si Gabby. Hindi niya natapos ang race.”
Nagtaka siya sa sinabi nito. Tatanungin pa sana niya ito kung bakit pero niyaya na siya nitong sumakay sa safety car na naghihintay para sa kanila. Dinala sila ng safety car sa committee garage kung nasaan naroon ang kapwa niya race drivers, pit crews, coaches at Camp Speed staff.
Ina-announce na ni Raff kung sino ang mga nanalo. Ang top five ay sina Nate, Rhyu, Dennis, Terrence at Kent—repectively. At ang least five nama’y sila nina Slater, Keith, Vonn at si Gabby na hindi nga natapos ang race. Hindi pa rin niya alam kung ano ang nangyari dito. He was on P9 though.
P9, huh? A worse result than your Silverstone race. And it’s all because of a girl.
“What happened to you, Mitch?” tanong ni Zen na hindi niya alam kung nag-aalala o nang-aasar. Kilala niya ito bilang isang makulit na nilalang kasama na ang dalawa pa nitong ka-triplet kaya walang kaso sa kanya kung aasarin siya nito dahil sa pagkatalo niya.
“Wrong decision, gutted tire,” kibit-balikat na sagot niya rito. Tinanggal niya ang pagkakasara ng racing suit niya at hinubad niya iyon sa may manggas saka itinali ang suit sa kanyang beywang.
“Today is my lucky day. Kaycee, sabi ko sa’yo igaganti kita kay Mitch eh,” naulinigan niyang sabi ni Dennis.
Pinakikiramdaman niya ang buong paligid. Hindi niya alam kung nasaang lugar si Kaycee pero alam niya, ramdam niyang nakatingin ito sa kanya dahil iyon ang sinasabi ng isipan niya.
What the heck, man? Don’t listen to your stupid mind! Siya ang dahilan kung bakit ka natalo. She distracted you, aniya sa sarili.
Right, sagot na lang ng isang bahagi ng isipan niya na para bang hindi siya ang pinaka may kasalanan ng kanyang pagkatalo. Kung hindi naman siya nagpa-distract dito ay hindi siya matatalo.
“Mitch, okay ka lang ba?” tanong ni Juno na tinapik siya sa balikat. Pagkatingin niya rito’y nakita niyang kasama pala nito si Kaycee. She was looking at him with a worried look. At tila may kung anong kumalabit sa puso niya pagkakita sa hitsura nitong iyon. Even then, she still looks adorable.
Sap that thought, Mitch! You don’t need a distraction, pigil niya sa sarili. And he could only agree to that.
“Yeah. Sorry for the car,” sagot niya kay Juno.
“It’s okay. By the way, iwan ko muna kayo. Kayce, ikaw na ang bahala kay Mitch,” nakangiting paalam sa kanila ni Juno.
“I’m okay,” aniya kay Kaycee sabay talikod dito. Kung may gusto ito sa kanya, ngayon pa lang ay dapat na niya itong itaboy dahil kung misyon nitong paibigin siya’y magsasayang lang ito ng panahon.