NAPANGIWI si Kaycee nang talikuran siya ni Mitch. Nakaka-strike three na siya rito. Concern lang naman siya rito at gusto niya iyong iparating dito. Gusto niyang malaman kung maayos lang ba ang lagay nito. Kung nagalusan ba ito? Kung may masakit bad ito? Sheesh! The concern she felt for him was eating her!
Nang makita niya sa live timing screen ang pag-crash ng sasakyan nito sa fence ng track ay labis na pag-aalala ang nararamdaman niya. She wanted to rush over to him that very minute but Kuya Juno and the pit crews didn’t allow her to. Hindi pa kasi tapos ang karera noon. Kaya naman nang makita niyang lumabas sina Mitch ng safety car ay sumabay na siya sa Kuya Juno niyang lapitan ito.
“Are you sure na okay ka lang? I saw the crash. It’s—“
“I’m fine,” he said as he cut through her words. Bahagya pa nitong itinaas ang dalawang kamay nito saka umikot sa harapan niya para maipakita sa kanyang walang nangyaring damage sa katawan nito.
Seeing him like that was what she’s used to. Mitch in a racing suit. At ito talaga ang favorite niyang get up ni Mitch. His racing suit was wrapped around his waist and his white racing undershirt revealed his body which seems to be perfect for the beach. Fit na fit kasi sa katawan nito ang racing undershirt nito kaya kitang-kita niya ang hubog ng magandang katawan nito. Well, racers should be fit also. Hindi lang naman sila basta sakay ng sakay sa kanilang racing cars. Their diet was somewhat the same with that of a model.
And she loves what she’s seeing because Mitch looks so freaking hot! She fought the urge to hug him, to feel that hard chest and those strong arms around her. Ano kaya ang pakiramdam na mayakap nito kahit isang segundo lang?
Isang segundo lang? Hindi mo pa sagarin, anang pilyang bahagi ng isipan niya.
Stop right there, Kayce! saway naman sa kanya ng kabila. Pumikit siya ng mariin para palisin sa kanyang isipan ang tuksong iyon. Nakakahiya kay Mitch kung sakali. Nag-aalala siya rito, hindi ba? Bakit biglang sa pagnanasa napunta ang pag-iisip niya?
Ah, pesteng katawan kasi! Why did he have to be so freaking hot?
“See?” untag sa kanya ni Mitch. He was looking at her intently. No, correct that. He was looking at her like she’s some kind of a weird person. “Thank you for your concern,” pagkuwa’y sabi nito saka muli siyang tinalikuran.
Strike four, Kayce! Sadya bang masama ang mood nito o ayaw lang talaga siya nitong kausapin? Ouch, that hurts! Pero ‘wag kang susuko. Go get him! pagtsi-cheer niya sa sarili.
Hindi niya dapat palampasin ang pagkakataong ito. Bago matapos ang buwan ay aalis muli patungong Europe si Mitch at matatagalan ito bago bumalik kaya kailangan niyang dumiskarte dito. She has to make an impression to him. At may isang alas siya para makausap ito ng matagal.
“Okay. Ano’ng nangyari? Bakit nawalan ka ng control?” tanong niya rito.
Muli siya nitong hinarap. Now with a smug look on his face. “Look, Miss—“
“It’s Kaycee,” gagad niya rito.
“Kaycee, I don’t want to be rude but I really don’t want a persistent fan asking about the race now,” prangkang sabi sa kanya ni Mitch. But she just smiled at him. Kahit na nasaktan siya sa sinabi nito. Hindi pala magiging ganoon kadaling mapalapit dito katulad nang inaasahan at inaasam niya.
“Oh, but I’m not on fan mode. Right now, I’m trying to be Camp Speed’s press officer. So, do me a favor and answer some of my questions okay?” pakiusap niya rito. She turned on her voice recorder. Tinawag niya si June na isang pit crew doon na siyang may hawak ng video camera niya.
“Bakit hindi na lang sina Nate ang interview-hin mo since sila naman ang nanalo sa race?” ani Mitch.
“I would interview them later. Mas maganda kung mas mauuna ka. So, ready?” tanong niya rito.
Huminga ito ng malalim na para bang sinasabing do I still have a choice? “I’ve made a wrong decision on track. Dapat ay nag-pit stop ako but I didn’t kasi akala ko’y makakaabot pa ‘yong tires ko at ‘yong fuel until the last lap. Then, the thing happened. On my last turn, bigla na lang sumulpot ‘yong car ni Vonn sa gilid ko. Hindi ko siya napansin. Napamali ako ng pihit ng manibela and that got me off track. Plus, my tires had been gutted. Tough track I might say,” mabilis na paliwanag ni Mitch.
Kumunot ang noo niya rito. Nakita niya kung ano ang nangyari. Parang may kulang o may mali sa eksplanasyon nito. “Racers are safe drivers, right? Hindi mo alam na may ibang kotse na nasa likod mo? Aren’t you aware that you’re on a race?” tanong niya rito.
Alam niyang may mali sa tono ng pagtatanong niya rito pero may gusto siyang makuhang sagot mula rito. At hindi rin niya alam kung ano iyon. She had this gut feeling that he’s hiding something.
“I am very well aware that I am on a race then,” sagot nitong halos magsalubong na ang kilay.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya dahil nag-aalangan na siyang magtanong dito. Pakiramdam niya’y maling-mali na ang impresyon nito sa kanya. She has to make up for it. Paano na ang pangarap niyang maging Mrs. Mitch Esguerra kapag hindi siya nito natandaan at nagustuhan ngayon?
“If you’re aware of that, what got you distracted?” tanong niya rito. Natigilan ito sa sagot niya.
That’s it! He had been distracted. Pero bakit? Ano’ng naka-distract dito?
“Bakit mo naman naisip na na-distract ako? I just went out of control, that’s all. That really happens on races,” katwiran nito. But she knew better. Alam niyang na-distract talaga ito.
Napanood niya ang halos lahat ng karera nito sa Youtube. He always, if not, most of the time, makes the right decision on track which made him GP3 Series’ leading race driver of the season. Palagi nitong sinasabi sa interviews nito na tuwing nasa karera ito’y talagang nakapokus ito sa karera. At kanina nga’y nanguna pa ito ng ilang laps bago nag-crash ang sasakyan nito. Isa lang ang naiisip niyang rason para magkamali ito ng desisyon, na-distract ito at gusto niyang malaman kung bakit at kung ano ang naka-distract dito.
“Napanood ko halos lahat ng karera mo sa Youtube at napanood ko ng mabuti ang karera n’yo kanina, I know the difference between them,” makahulugang sabi niya rito.
Humalukipkip ito habang nakaharap sa kanya sabay taas ng isang kilay. Napangiti siya sa naging reaksyon nito. He looked sexier looking like that. Pakiramdam niya’y tinutukso siya nito. Syemas naman o! Nakakatukso!
“You know about racing that much?” nanunubok na tanong nito.
“Hindi naman,” aniya.
“Then, don’t act as if you know racing as much as I do,” seryosong sabi nito sa kanya saka siya nilayasan kahit hindi pa man tapos ang interview niya rito. Napatingin na lang siya rito habang naglalakad ito palayo.
Strike five, girl!
“Hey, Mitch! Where are you going? Pag-uusapan pa natin ang schedule mo sa academy,” anang Kuya Raff niya ritong tinutukoy ay ang consequence nang pagkatalo ni Mitch. Ang pagtuturo nito sa mga bata sa Camp Speed Racing Academy.
“Tawagan n’yo na lang ako,” walang lingon-likod na sagot ni Mitch dito.
“Ano’ng nangyari do’n?” baling sa kanya ng Kuya Rev niya. Kaya lahat ng mata’y sa kanya napokus ang atensyon ngayon.
Itinaas niya ang dalawang kamay niya. “Wala akong ginawang masama. Hindi pa nga nag-iinit ang usapan namin eh,” aniya sa mga ito.
“Baka naman si Mitch ang nag-init,” pabirong saad ng Kuya Vonn niya.
“Ooooh! Ano ba’ng ginawa mo at nag-init sa’yo si Mitch, Kayce?” anang Kuya Keith niya sa kanya.
“In-interview ko lang siya,” aniya.
“Nothing physical?” nakangising tanong nito sa kanya.
“Hoy! ‘Wag n’yong tanungin si Kaycee nang ganyan dahil inosente pa ‘yan,” saway dito ng Ate Gianna niya na siyang Hospitality Manager ng Camp. Ibig sabihin ay ito ang namamahala sa pagmementena ng lugar ng mga sasakyan ng pro at leisure racers pati na rin ng karts na ginagamit sa racing academy.
“So, ikaw ang gusto mong tanungin namin sa gano’n?” pang-aalaska dito nang Kuya Vonn niya.
Napailing na lang siya sa mga ito. Noon lang niya naalalang patayin ang voice recorder niya. Hinanap niya si June pero kanina pa pala ito wala sa tabi niya.
“June, nakuha mo ba footage?” tanong niya rito nang lapitan niya ito.
“Ha? Alin?” maang na tanong nito.
“’Yong interview ko kay Mitch,” aniya rito.
“Ha? Interview ba ‘yon? Akala ko kasi nag-uusap lang kayo kaya hindi ko na kinunan. Sorry,” anito.
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Bakit hindi mo kinuhanan? Halos mamatay na nga ako sa kaba habang kausap si Mitch nang gano’n, ‘tapos hindi mo kinunan?” halos pasigaw na sabi niya rito.
“Sorry. Next time na interview-hin mo siya, kukunan ko na,” anito.
Nanggigil na kinuha niya rito ang video camera at tinalikuran niya ito. Agad siyang lumabas ng committee garage at hinanap kung nasaan si Mitch. Nakasalubong niya ang isang pit crew at sinabi nitong nasa parking lot na daw si Mitch. Agad naman siyang nagtungo roon.
Makakagawa siya ng article at blog entry tungkol sa naging interview niya kay Mitch pero kailangan niya ng video footage niyon para ilagay sa Camp Speed website. Mawawalan sila ng entry para sa buwang iyon sa video section ng site kapag nagkataon. Minsan na nga lang nagkarera si Mitch doo’y wala pa silang interview dito. Kailangan niyang magkaroon ng interview dito.
Swerte namang naabutan pa niya si Mitch na pasakay pa lang ng kotse nito. It was a Honda SIR model. “Mitch!” humihingal na tawag niya rito.
Lumingon naman ito sa gawi niya at agad siyang lumapit dito. “Ano na naman ngayon?” tila iritadong tanong nito sa kanya.
“Ito naman, lubusin mo nang makausap ako dahil baka hindi na kita pansinin sa susunod,” pabiro at nagpapa-cute na sabi niya rito. Wrong choice of words, Kayce. Dahil sa sinabi niyang iyon kaya muli na namang nagsalubong ang kilay ni Mitch habang nakatingin sa kanya.
“This is not about my fan-girling thing. Kasi, hindi nakunan ni June ‘yong interview natin kanina. Wala akong maipo-post sa website ng Camp tungkol sa interview ko sa’yo. So, kung hindi nakakaabala sa’yo, pwede bang sabihin mo ulit ang sinabi mo kanina sa interview?” pakiusap niya rito.
“Seriously? Gusto mong ulitin ko lahat ng sinabi ko kanina?” anito.
Tumango siya rito. “Kahit ‘yong unang paliwanag mo lang,” aniya.
“Alam mo, Kaycee, hindi ko na kasalanan kung hindi efficient ang tao mo. Nagawa na natin kanina ang interview at ayaw ko ng gawin pang muli ‘yon,” masungit na sabi ni Mitch.
She eyed him thoroughly. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya rito. Pakiramdam niya’y ibang Mitch ang napapanood niya sa interviews noon sa Youtube maging ang Mitch na nagtu-tweet sa Twitter at nagpo-post sa Facebook. Ang kilala niyang Mitch Esguerra ay iyong race driver na magiliw sa fans, seryoso ngunit madalas ay ngumingiti rin lalo na tuwing nananalo ito sa karera, at hindi masungit.
Maybe this was just a bad day for him. He lost today’s race afterall, aniya sa sarili. Pero sadyang madaldal siya.
“Ganito ka bang makipag-usap sa fans mo sa personal? I mean, hindi ka naman masungit sa Twitter at sa Facebook. Ngumingiti ka rin sa interviews mo, bakit sa interview natin kanina, ni hindi ka man lang ngumiti? ‘Tapos, ang sama-sama pa ng tingin mo sa’kin,” aniya rito.
Natigilan ito dahil sa mga sinabi niya pero sandali lang. “I don’t indulge on persistent fans,” katwiran nito.
“But fans are always persistent,” sabi naman niya rito.
Humarap ito sa ibang direksyon saka bumuntong-hininga bago muling bumaling sa kanya. “Look, Kaycee. I know what you want from me but I can’t give it to you. I’m not planning to date someone and having a relationship isn’t really on my list right now. Kaya kung sinusubukan mong makipagpalagayang loob sa’kin, nagsasayang ka lang ng panahon dahil two weeks from now ay aalis na ulit ako papuntang Europe,” diretsong paliwanag nito sa kanya.
So now she gets it. Ganoon ito kung makitungo sa kanya dahil marahil noong una pa lang, dahil sa isinigaw niya sa Café Drive kanina’y nalaman na nitong ang pagsinta niya rito at ang plano niyang mapalapit dito. He’s not planning on having any romantic affairs now so he’s scaring her off.
Nginitian niya ito. It was good to hear honesty from him like that. “Pero hindi naman ako susuko hanggang sa maisipan mo nang makipag-date at makipagrelasyon,” confident na sabi niya rito.
Aba, matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito, palalampasin ko pa ba?
Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito. It was like he was caught off guard. Gotcha!
“Kaycee, my goal in life is to be a Formula One race driver. Gagawin ko ang lahat para makamit ‘yon,” seryosong sabi nito sa kanya.
“Mitch, my goal in life is to be your wife. At gagawin ko ang lahat para makamit ‘yon,” nakangiting sabi niya rito. Muntikan na siyang mapatawa nang makita niyang muntikan nang mapaawang ang mga labi nito dahil sa sinabi niya.
“You serious?” anito.
“Yup,” aniya. Ooooh. This conversation is going somewhere.
“Don’t you have other things to do in life? Other dreams? Other goals?”
“Narating ko na ang gusto kong marating. Kontento na ako sa buhay ko. May stable na akong trabaho. Other dream? Nothing that I can’t think of except you. Other goals? None. Sabi ko naman sa’yo, my goal in life is to be your wife,” aniya rito.
“Are you obsessed with me?” he asked, frowning.
“I love you,” sagot niya rito.
“But, I don’t,” sabi naman nito.
Ouch! “Don’t worry. I will make you love me,” aniya.
He scoffed at her. “Good luck with that. Just a piece of advice, you’re going to waste your time on me.”
Nginisihan niya ito. “Every time with you is worth wasting.” Nagpa-cute pa siya rito pagkatapos niyang sabihin iyon.
Kung inaakala nitong magba-back out siya’s nagkakami ito. Mas makulit pa yata siya kaysa sa pinakamakulit na parte ng pag-iisip nito. Ito ang kailangan ng “good luck” dahil sisiguraduhin niyang bago ito bumalik ng Europe ay in love na ito sa kanya.