Camp Speed Chapter 24

HE LOST. STUPID, ani Poppy sa sarili nang makita niya ang paghinto ng sasakyan ni Nate sa race track. Kasabay niyon ang malakas na palakpak ni Rodgine—na nobya ni Nick—at ang malakas na sigaw ni Yngrid—na asawa ni Kyle na pinsan ni Nate—dahil sa pagkatalo ni Nate. Kahit nawi-wirduhan nang nakatingin sa dalawa ang ibang mga manonood ay tila walang pakialam ang dalawa sa mga ito. Basta ang sabi nina Rodgine at Yngrid ay dapat matalo si Nate ngayon.

Napapunta siya sa Camp Speed dahil isinama siya doon ng kaibigan niyang si Franz Matthew na patron racer din doon. Hindi ito nakasali sa karera ngayon dahil match-up daw ang mangyayaring karera ngayon at ang mga nanalo noong nakalipas na dalawang monthly patron race ang maglalalaban-laban ngayon. Sa susunod na karera na lang daw sasali si Franz Matthew dahil nag-iipon pa ito ng pang-registration fee at isa siya sa mga inuutangan nito.

A million! Iyon ang registration fee kada-monthly patron race. Mani lang siguro iyon sa ibang leisure racers katulad ni Nate dahil mayaman ang mga ito. Pero sa katulad ni Franz Matthew na aspiring racer na unti-unting gumagawa ng pangalan sa mundo ng motorsport at hindi naman ganoon kayaman ay kailangan nito ng sponsorship. Kapwa model niya si Franz Matthew at isa ang modelling sa kinukuhanan nito ng sponsorship sa mga karera nito sa ibang bansa.

Wala siyang masyadong alam sa mundo ng pangangarera pero ang alam niya’y isang drag racer si Franz Matthew. Kaya frustrated ito nang hindi ito nakasali sa Camp Speed’s monthly patron race na drag racing ang tema ngayon.

Sumama siya sa Camp Speed kay Franz Matthew dahil wala naman siyang appointment para sa araw na iyon. Hindi niya akalaing makikita niya roon si Nick Velarde at lalong hindi niya inaasahang naroon si Nate.

“’Ayan, Poppy. Malaki na ang pag-asa ng love story n’yo ni Nate. Natalo na siya,” ani Rodgine na nagpatigil sa paglalakbay ng isipan niya.

“Huh? Ano’ng kinalaman ng pagkatalo niya sa love life niya?” nawi-wirduhang tanong niya rito.

“Eh kasi, may myth na kumakalat sa buong Camp na nagsasabing kung sino man ang nasa lowest five kada monthly patron race ay magkakaroon ng kani-kanilang love life sa ayaw man nila o hindi,” paliwanag ni Rodgine.

“O hindi naman kaya’y maaayos nila ang mga love life nila katulad nang nangyari kina Nick at Rodgine,” dugtong naman ni Yngrid.

“Oka—y. I think you two had completely lost your mind,” aniya sa dalawa.

Where is Franz Matthew when you need him? tanong niya sa sarili. Bigla na lang kasi siyang iniwan ni Franz Matthew kanina sa dalawang babae na ito.

Kapwa tumawa ang dalawa sa kanya. “Parang ganyan ang palaging sinasabi no’ng mga natatalo sa race. Pero ‘kita mo naman at ang iba sa kanila’y masaya na ngayon sa kani-kanilang love life,” ani Rodgine.

“Okay. Bakit n’yo naman sinasabi sa’kin ‘yan ngayon?” aniya sa mga ito.

“Dahil may pag-asa na kayong magkabalikan ni Nate,” ani Yngrid.

“Believe me, Yngrid. We both don’t want to go there,” agad na sabi niya rito. Nanlaki ang mga mata ng dalawa sa kanya dahil sa sinabi niya.

“Seriously? Ayaw mong magkabalikan kayo ni Nate? Ibig sabihin ay hindi ikaw ang ipa-partner ng ‘myth’ na ‘yon kay Nate?” eksaheradang tanong ni Rodgine.

“Malamang. After all that happened, there is no way para makipagbalikan pa ako sa kanya,” mariing sabi niya sa mga ito.

“Hay, sayang naman. Gusto pa naman kita para kay Nate,” sabi ni Yngrid sa kanya.

“Sorry to burst your bubble, Yngrid, but I don’t want anything to do with Nate anymore. What happened between us ended several years ago. At wala na akong planong balikan pa ang nakaraan,” aniya.

“Matanong nga kita, Popcorne. Bakit ba ang taray mo? Sa pagkakakwento naman nina Nick at Kyle sa’min, hindi ka naman daw mataray noon,” biglang sabi ni Rodgine.

“Eh, kung lokohin ka ba naman ng taong mahal mo, matutuwa ka ba? Kung ako si Poppy, magagalit talaga ako kay Nate,” sabi naman ni Yngrid.

“Hindi naman kasi pinakinggan ni Poppy ang side ni Nate kaya umabot sa limang taon ang hindi nila pagkakaintindihan,” sabi naman ni Rodgine.

“Eh, ‘di dapat nag-effort siya na magpaliwanag pa rin kay Poppy kahit na anong mangyari. Gano’n kaya ang ginawa ni Kyle sa’kin dati. Pero naiintindihan ko rin ang side ni Poppy. Gano’n din kasi ang naging initial reaction ko no’ng malaman ko na niloko ako ni Kyle,” sabi naman ni Yngrid.

“Naiintindihan ko naman sila pareho. Pero alam mo, kaunting pag-uusap lang nila ng maayos, magiging okay na ulit sila eh,” ani Rodgine.

“’Yon nga lang, ayaw nila parehong mag-usap ng maayos,” sabi naman ni Yngrid.

“You both know I’m right here!” naiiritang sigaw niya sa dalawa.

Base sa mga narinig niya sa mga ito, alam ng mga ito kung ano ang nangyari sa kanila ni Nate noon. Ang ipinagtataka niya’y kung paano nalaman ng mga ito ang nangyari sa kanila noon. Clearly, Nate wouldn’t blab about what happened. He’s not that kind of person. He always takes control of everything.

Even his game, back then, nang-uuyam na sabi ng isang bahagi ng isipan niya.

“Oh, well. Tingnan na lang natin kung sino ang partner nino,” ani Rodgine.

Napu-frustrate na napabuntong-hininga siya. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at nagpaalam kina Rodgine at Yngrid. Hahanapin niya si Franz Matthew dahil gusto na niyang umuwi. Ang sasakyan kasi nito ang ginamit nila papunta doon sa Camp Speed. Kung alam lang niyang naroon din si Nate ay hindi na sana siya sumama pa dito. Hindi kasi niya alam na nahilig na si Nate sa pangangarera.

Kinuha niya mula sa bitbit niyang bag ang kanyang cell phone at i-d-in-ial doon ang numero ni Franz Matthew. Agad namang sinagot ni Franz Matthew ang tawag niya.

“Baby, what’s up?” bungad sa kanya ni Franz Matthew. Nasanay na siya sa tawag nitong “baby” sa kanya dahil alam niyang iyon ang palagi nitong tawag sa mga babaeng kaibigan nito.

“Hoy, Francisco! Nasaan ka na? Uwing-uwi na ako at gutom na gutom na ako! Baka gusto mong makatay?” iritadong sabi niya rito.

“I’m here at Food Rush, baby. Hihintayin kita rito. I’ve got a good news for you,” masayang sabi sa kanya ni Franz Matthew.

“Fine. Basta ilibre mo ako, okay?” sabi niya rito saka pinatay ang tawag. Ang damuhong iyon, nagpapakasaya na pala sa Food Rush hindi man lang siya sinabihan.

Alam na niya ang papunta sa Food Rush mula sa racing arena dahil nanggaling na sila doon ni Franz Matthew kanina. Nang makarating siya sa Food Rush ay agad niya itong nakita na kausap ang dalawang babae. Napailing na lang siya. May pagkamaloko kasi talaga si Franz Matthew at sanay na siya sa mga “moves” nito.

“Hi, Poppy!” bati sa kanya ni Franz Matthew.

Napataas ang isang kilay niya rito. Anong nangyari sa “baby”? Pagkuwa’y napangisi siya. “Hello, baby,” bati niya rito saka niya ito hinalikan sa pisngi bago ito niya ito nayakap mula sa likuran. Tila umepekto naman ang ginawa niya rito dahil naging uneasy ito.

“Poppy, maupo ka muna. Ano’ng gusto mong kainin?” tanong nito sa kanya. Natawa siya sa ekspresyon ng mukha nito na animo naiilang. Kahit kailan ay hindi niya nakitaan ng pagkailang itong si Franz Matthew mula nang maging magkaibigan silang dalawa. Ngayon lang. He was always confident.

“Girlfriend mo ba siya, Franz?” tanong ng seryosong babae sa harapan nila.

“Hindi, hindi. Magkaibigan lang kami. ‘Di ba, Poppy?” agad na tanggi ni Franz Matthew.

“Kanina lang, ‘baby’ ang tawag mo sa’kin eh,” nakangising sabi niya rito.

“If that’s the case, ipu-pull out na namin ang sponsorship sa’yo, Franz,” sabi ulit ng seryosong babae.

“Ah, para sa sponsorship pala,” aniyang nakatingin kay Franz Matthew. “I’m Poppy Belmonte. Don’t worry, magkaibigan lang kaming dalawa. Though he did try to hit on me back then,” pakilala niya sa dalawang babae habang inaasar pa rin si Franz Matthew.

“Nice to meet you, Poppy. I’m Kathreen and this is my elder sister Khamya Sebastian. Nakipag-deal lang kami kay Franz kaya no worries,” anang isa pang babae.

Tumayo na ang seryosong babae na nagngangalang Khamya. “Basta siguraduhin mo lang na magagawa mo ang pinag-usapan natin. Kung hindi, ipu-pull out namin ang sponsorship sa’yo,” banta nito kay Franz Matthew bago nag-walk out doon.

“Okay, ate. Got it,” pa-cool naman na sabi ni Franz Matthew dito.

“Good luck on your assignment, bro!” sabi naman ni Kathreen dito bago sumunod kay Khamya.

“Ano’ng assignment at deal ‘yon?” curious na tanong niya kay Franz Matthew.

“Secret,” sabi lang ni Franz Matthew.

“Yeah, right. Whatever,” aniya rito.

“So, did you see him?”

“No. And I don’t want to see him,” aniya rito. Si Nate ang tinutukoy nito.

“Well, sorry, baby but the myth actually is starting right now,” makahulugang sabi ni Franz Matthew sa kanya bago nito itinaas ang isang kamay at may tinawag sa likuran niya. “Nate! Over here!” Nanlaki ang mga mata niya rito saka niya ito kinurot sa tagiliran. “What? Ang sabi mo sa’kin, bale-wala na lang siya sa’yo. You’re mad at him, right? Kaya ‘wag mo na lang siyang pansinin. I just want to talk to the girl he’s with,” paliwanag nito sa kanya.

He’s with a girl? anang isang bahagi ng isipan niya.

Nagulat ka pa. Hindi na bago ‘yon. The last time you checked, kabila’t kanan ang mga babae niya, sabi naman ng isa pa.

“Franz,” anang boses ni Nate mula sa likuran niya. Alam ba nitong nasa harapan siya nito ngayon? God! She could still remember the sound of his voice. Kaya kahit hindi siya lumingon ay alam niyang si Nate ang nagsalita.

Pakiramdam niya’y nanigas ang katawan niya lalo na ang leeg niya. May isang parte niya na gusto itong lingunin pero mas nanaig ang pride niya na huwag na lang itong tingnan o huwag itong pansinin man lang.

“Oh, the stupid guy,” sabi naman ng boses ng isang babae.

“I’m not stupid,” nakangiting sabi ni Franz Matthew sa nagsalitang babae pero hindi nito maitatago ang inis sa boses nito.

“Fine. Isip-bata na lang,” anang babae pagkuwa’y nakarinig siya ng mga yabag palayo.

“Hoy! Hindi pa ako tapos sa’yo,” sigaw ni Franz Matthew saka ito tumayo at hinabol ang babae. Pati siya ay napatayo na rin. Iniwan na naman siya ng damuho.

“Franz Matthew!” tawag niya rito pero hindi siya nito pinansin. Doon niya nakita si Nate na nakatayo sa harapan niya ngayon.

It’s been a long time since they stood close to each other like that. Hindi niya iyon napaghandaan. Hindi niya akalain na ganoon ang magiging reaksyon niya kapag muli silang nagkitang dalawa—mabilis ang pintig ng puso niya. Hindi niya alam kung kaba ba iyon o excitement sa muli nilang pagkikita. May parte sa kanya na nagsasabing na-miss niya ito pero may parte din naman sa loob niya na naiinis na muli silang nagkita nito. When she’s feeling something like that, she knows that something’s wrong with her.

She hates to look into his eyes but she did. Pakiramdam niya’y trinatraidor siya ng kanyang katawan. Nate’s facial expression said nothing about what he felt. Samantalang, siya siguro ay kitang-kita ang pamumula ng mukha ngayon dahil nararamdaman niya ang pag-init ng magkabila niyang pisngi sa hindi niya mawaring dahilan.

“You’re with a stupid guy,” basag ni Nate sa katahimikang namayani sa kanilang dalawa.

“And I pity that girl. She’s with a playboy. The worst of your kind,” ganti niya rito. Naikuyom niya ang magkabila niyang kamao dahil sa sinabi nito.

Pagkatapos ng ilang taon nilang pagkakalayo, ang inaasahan niyang una nitong sasabihin sa kanya ay “sorry”. But he’s Nathaniel Alonzo anyways. Kasing-tayog siguro ng Mount Everest ang pride nito, control freak na animo aayon sa kanya ang lahat o hindi naman kaya’y kailangang nakaayon sa gusto nito ang lahat at selfish. Those things were definitely the reasons why she broke up with him.

Ang unfair mo naman, Poppy! Puro bad sides ni Nate ‘yon ah. Good sides naman, anang isang bahagi ng isipan niya.

Oh, well. Nate would always be romantic and sweet. He would always come up with things to surprise her then. He would make you feel secured, cared for and loved. Kaya hindi rin niya masisisi kung may mga babaeng papayag pa ring makipagrelasyon dito. Kaya maraming babae ang naloloko nito. But she already had enough of him.

“You’re not here for me, are you? Because if you are, you’re just wasting your precious time,” prangkang sabi sa kanya ni Nate na ikinalaki ng mga mata niya.

“I’m sorry to burst your bubble, dude. I’m not here for you. Heck, I don’t even think about getting back with you,” inis na sabi niya rito.

“Just making things clear,” sabi nito.

“Bakit? You’re hoping na makikipagbalikan ako sa’yo? Oh, wait. Nagpatalo ka sa race dahil naniniwala ka sa myth na ‘yon. Wow! I didn’t know you’re being superstitious now,” sarkastikong sabi niya rito.

“What? Hell, no! I don’t believe in that fucking myth!” tila naiinis nang sabi nito sa kanya.

“Just making things clear,” ulit niya sa sinabi nito kanina para maasar ito.

“Baka naman ikaw ang naniniwala sa myth na ‘yon,” anito sa kanya.

“Of course not,” agad na tanggi niya rito.

“Who brought up the myth issue then?” ganti nito sa kanya.

Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi nito. Shit ka, Nate! “I hate you,” inis na sabi niya rito. Bakit ba kasi siya nakinig sa mga sinabi nina Rodgine at Yngrid kanina?

“Fair enough,” sabi naman ni Nate sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit pero may kumurot sa puso niya pagkasabi niyon ni Nate. Hindi ganoon si Nate dati kaya nagulat siya sa sinabi nito sa kanya.

Don’t feel that way, Poppy. Bale-wala lang siya sa’yo. Kahit ano pang sabihin niya, sabi niya sa sarili.

“Curse you, Nate! I hope that myth won’t apply to you,” inis na sabi niya kay Nate.

“See? You really believe in the myth,” pang-aasar pa nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng masama samantalang ito’y cool lang na nakatingin sa kanya. “You’ll beg on me again, Nate,” inis na sabi niya rito dahil alam niyang iyon ang makakapagpawala ng pasensiya nito. Sigurado siyang ayaw na nitong maalala pa ang pagmamakaawa nito sa kanya noon. Pero imbes na ito ang mainis sa sinabi niya ay mas nainis pa siya dahil sa reaksyon nito.

“Sabi ko na nga ba. Who’s thinking of getting back with each other now?” sarkastikong sabi nito sa kanya.

“Damn you!” galit na sigaw niya rito na nakakuha ng atensyon ng ibang kumakain doon sa Food Rush. Saka siya nag-walk out kay Nate.

Hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikita at lalong hindi niya inaasahan na magkakaroon sila ng ganoong pag-uusap ni Nate. Everything had changed between them. Everything fell apart for the both of them. At sa tingin niya’y mas mabuti na iyon para sa katahimikan nilang dalawa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.