Camp Speed Chapter 23

“BOTH OF YOU should win this fucking race! Understand?”

Tinawanan lang nina Nate at Aze ang coach nila para sa Camp Speed’s Monthly Patron Race ngayon na si Raoul. Tila anumang oras ay bubuga na ito ng apoy pero hindi naman ito galit. Ganoon lang ito palagi—control freak. Gusto nitong nasa ayos ang lahat. Gusto nitong aayon dito ang lahat ng pagkakataon. Kinaaawaan niya ang mga taong laging nakakasama nito. Mabuti na lang at minsan niya lang itong makasama—tuwing nasa Camp Speed sila.

Ang Camp Speed ay ang pamosong racing place sa Batangas kung saan dumarayo ang mga mangangarera, ang mga mahihilig sa pangangarera at ang mga babae. Most of the patrons there have their own fans club. Even he has his own fans club. Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon niyon dahil hindi naman siya propesyunal na mangangarera. He just do racing out of boredom and because he enjoys the adrenaline rush its giving him.

Tuwing nangangarera ka kasi, sky’s the limit. Iiwasan mo lang nga ang masira ang sasakyan mo at maaksidente. At iyon ang kanina pa pinapaulit-ulit sa kanila ni Raoul. He looks like their father rooster. Hindi ito mapakali sa hindi nila mawaring dahilan.

“Shut up, Raoul. Natutulili na ang tainga namin sa’yo,” reklamo dito ni Aze.

“Tandaan n’yong hindi pa nalalagay sa lowest spot ang mga nahawakan kong racer,” nanunubok na sabi ni Raoul.

“We’re not going to put your noble name in trash, dude. Chill,” sabi pa ni Aze dito.

“And you, Nate. Don’t even think about losing this race just because of that fucking myth!” pangunguna nito sa kanya na ikinakunot niya ng noo.

“Shut up, Raoul,” aniya rito. Sinulyapan niya ang wall clock na nasa may team garage nila. Tatlumpung minuto na lang at magsisimula na ang karera nila.

Ang monthly patron race ngayon ay drag racing pero hindi iyon magiging katulad nang nakagawiang drag racing na nangyayari sa ibang bansa. Imbes na maging “race relay” na siyang tradisyunal na drag racing—legal man o illegal—ay hindi iyon ang susundin nila. They’ll do it the Camp Speed way.

Sampu silang mangangarera na maglalaban-laban sa “survival of the fittest” drag racing theme. Only their speed track time would determine whether they’ll stay on the race or not. Ibig sabihin ay matira ang matibay. Ang pinakamabagal na racer ay matatanggal sa race hanggang sa isa na lang ang matira. Siyempre pa ay naroon pa rin ang “golden rule in racing” na kung sino ang unang maka-checkered flag ay siya ang panalo. Stock car pa rin ang gamit nila pero hindi na iyon ordinaryong stock car lang. Juno’s Camp Speed engineering and mechanical team—like any other drag racing team—added equally charged turbo engines with nitro oxide fuels in each cars. It wouldn’t be called drag racing without those super speed turbo engines.

Masusing pagkukumpuni ang ginawa ng team ni Juno sa mga sasakyang gagamitin nila ngayon at kanina lang ay napanood nila ang pre-inspection ng mga racing authorities ng bansa sa bawat sasakyan. Lahat naman ay nakapasa sa safety standards ng mga ito.

Nasa pole position siya kaya kampante siya na siya ang mananalo sa race. Dahil match-up ang mangyayari ngayon, co-pole position grid mate niya si Lexos na nanalo sa second monthly race nila.

Limang taon na mula nang muling magbukas ang Camp Speed pero ngayong taon lamang naisipan ng limang may-ari na ibalik ang Monthly Patron Race na ginagawa noon pa man ng mga patrons dahil nagnanais ang Camp na kumuha ng pondo sa pagmementena ng buong lugar. At isa pa’y para naman may abangan ang ibang patron, racing enthusiasts at fans sa lugar. Mas maraming events doon, mas marami ang kita ng mga establishments at nang Camp mismo. Isa pa’y ang monthly patron race ang nagiging kasiyahan ng mga patron racers doon.

“You’re not thinking about losing the race, are you?” tanong sa kanya ni Raoul.

“Of course not! I don’t friggin’ believe in that fucking myth!” inis na sigaw niya kay Raoul.

Pagkuwa’y bumaling ito kay Aze na ipinorma ang dalawang braso sa isang ekis. “I’d win the race for you, babe,” pang-aasar ni Aze kay Raoul.

“Good. Then both of you, win the race,” utos sa kanila ni Raoul.

“Aye, aye, captain!” ani Aze dito.

Kinuha na nila pareho ang kani-kanilang drinking bottle, helmet, gloves at head set bago sila nagsi-tungo sa grid lane kung saan abala ang pit crews nila sa pagpo-posisyon ng kani-kanilang sasakyan.

“He’s a freaking control freak,” bulong ni Aze sa kanya.

“And you’re a freaking ass,” asik niya rito. Malakas itong tumawa sa kanya.

“Good luck in the race, dude. Someone’s watching over you,” makahulugang sabi nito sa kanya. Kinunutan niya ito ng noo. “You’re ex,” anito sa kanya.

“Who?” aniya rito.

“Oh, you mean, who among them?” pang-aasar nito sa kanya.

“Fuck up, Aze!” inis na sabi niya rito. Humiwalay siya rito at nagtungo sa unahan ng grid kung saan naghihintay ang pit crews niya. Surprisingly, Nick is also there.

“Your girl is back,” agad na bungad sa kanya ni Nick. Kinunutan niya ito ng noo.

Pero alam niya kung sino ang tinutukoy nito. May parte sa puso niya na nagagalak sa narinig na balita mula rito pero may parte din naman doon na kumirot.

Pinagsisisihan na niya ngayon kung bakit pa siya nakipag-inuman dati dito, sa mga kaibigan nito at sa tatlong pinsan niyang sina Nicko, Kyle at Cage. Ang sapantaha niya ay nilasing talaga siya ng mga ito dahil vulnerable pa siya noon para maisiwalat niya sa mga ito ang lahat ng nangyari sa kanya. Kabe-break pa lang kasi nila ni—

Clear your mind, Nate. Mangangarera ka pa, aniya sa sarili kaya agad niyang winaglit sa kanyang isipan ang babaeng iyon.

“So?” aniya kay Nick.

“You’re not affected? Wow! Parang kailan lang no’ng naglasing ka dahil nasaktan ka—“

“Shut up,” mahinahong sabi niya rito.

“Okay. Good luck in the race. You’re not thinking of losing because of—“

“I don’t believe in that fucking myth!” inis na sigaw niya rito.

“’Yo! Me too. It’s all stupid,” ani Lexos na nasa kabilang side ng grid kung nasaan ang sasakyan nito.

“Okay. Sabi mo eh. But you need to know this. She’s back for you,” ani Nick.

Tiningnan siya nito ng mataman na tila naghihintay ito sa magiging reaksyon niya pero isang minuto na siguro ang lumilipas ay hindi pa rin siya nagre-react sa sinabi nito.

Iyon ay dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Nalilito siya sa mga nararamdaman niya.

“Good luck,” sabi na lang ni Nick sa kanya saka ito umalis sa grid lane. Ipinilig niya ang kanyang ulo para mapalis sa kanyang isipan ang mga isipin na bumabalik sa kanyang nakaraan.

She’s back for you, paulit-ulit na nagre-rewind sa kanyang isipan ang mga katagang iyon ni Nick.

“Believe me, Nate. If you’re meant to lose the race, you’ll lose it no matter how good you are at racing,” anang isang tinig sa likuran niya. Paglingon niya ay nakita niya si Mitch Esguerra na may nakasabit na camera sa leeg nito.

“Why are you here?” tanong niya rito.

“It’s vacation time for me,” sagot naman nito sa kanya.

“Okay. Congrats nga pala sa championship trophy,” aniya rito.

“Thanks! But I got more than that,” nakangiti at nangingislap ang mga matang sabi nito sa kanya.

“Kaycee. Kaya pala nagiging alila ka na niya ngayon,” aniya ritong sinulyapan ang camera na nakasabit sa leeg nito. Ang girlfriend kasi nitong si Kaycee ang Press Officer ng Camp Speed at ito ang nagko-cover ng monthly patron race doon.

Napakamot sa ulo si Mitch. “I’ll give in to her every plea, man,” nakangising sabi nito sa kanya.

A man in love, komento niya sa kanyang isipan. Napailing na lang siya rito.

“Just a piece of advice, be careful on using the ‘Jug’. Be wise,” ani Mitch sa kanya saka siya nito nilubayan dahil tinawag ito ni Kaycee. Ang ‘Jug’ na sinasabi nito ay ang turbo engine ng sasakyan niya.

He’ll win the race. He’s sure of that.

Uminom muna siya ng maraming tubig mula sa kanyang drinking bottle saka iyon ibinigay sa isang pit crew nila. Isinuot niya ang kanyang headset pagkatapos ay ang kanyang helmet saka siya sumakay sa kanyang sasakyan dahil magsisimula na ang karera. Pagkasakay niya ay doon lang niya isinuot ang kanyang gloves at inilagay niya sa kanyang unahan ang steering wheel na ibinigay ng isang pit crew.

Tumingin siya sa paligid. Kahit gabi na ay buhay na buhay pa rin ang mga taong nanonood sa racing arena. Kanya-kanyang sigawan ang mga fans para sa mga sinusuportahan ng mga ito. Kanya-kanya ring banner at cheering materials ang dala ng mga ito. Pero isang banner para sa kanya ang nakakuha ng pansin niya dahil iyon lang ang kakaiba sa lahat ng banners na nakita niya.

May you lose, Nate.

Nang bumaba ang tingin niya sa taong naghahawak ng banner na iyon ay napailing na lang siya. Si Rodgine na nobya ni Nick ang may hawak ng banner. Katabi nito si Yngrid na asawa ng pinsan niyang si Kyle at si Poppy. Sumikdo ang puso niya pagkakita pa lang niya rito. Hindi pa man nagsisimula ang karera ay pakiramdam niya’y nagsimula na ang karera ng puso niya.

She’s back for you, muling nag-rewind sa isipan niya ang sinabing iyon ni Nick kanina.

So, she’s really back. But I doubt it if she’s really back for me, naiiling na sabi niya sa sarili. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, imposibleng balikan pa siya nito. Not that he wanted to get back with her. No. He doesn’t want anything to do with her anymore too.

Of course, you do!

“Burnout, Nate! Burnout!” sigaw ng boses ni Raoul sa radio phone nila. Agad niyang ini-start ang sasakyan. “Burnout” is performed to heat the tires for a much better traction. Tatapakan mo ang accelerator at brake at the same time.

Shit! Get your head in the race, Nate! mura niya sa sarili.

Nang mag-green na ang ilaw ng stop lights ay agad niyang binitiwan ang brake at dere-deretso siyang nag-accelerate hanggang sa magkaroon siya ng distansiya kay Lexos. Ang mga sumunod na oras ay ang ingay na lang ng sasakyan niya ang naririnig niya.

One-point-eight miles ang tatakbuhin ng race na iyon. Kung ano ang starting grid ay ganoon pa rin ang rankings nila hanggang sa dumating na sila sa “back half” ng karera na ang ibig sabihin ay kalahati na lang ng track at matatapos na ang race.

“Kent’s out of the race. His car ‘blown’. Be careful on using the Jug,” ani Raoul sa radio phone nila. Ang ibig sabihin ng “blown” ay ang pagkasira ng sasakyan dahil sa sobrang paggamit ng turbo engines.

Eight competitors to go and you’re in pole position, Nate.

Lexos tailed at him. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. So, he tried to shove him off. He swerved from left to right. When he swerved to the left, Lexos got that opportunity to drag off him and hit his own Jug giving him the incredible distance that’s too impossible to reach unless you don’t have a Jug.

“It’s time to use the Jug, baby.” Then, he hit his own Jug giving him incredible speed to reach on to Lexos.

“Terrence’s out of the race too. Blowover,” pag-update sa kanya ni Raoul. “Blowover” means the flipping of the car due to air pressure underneath it—basically because of smoke pressure from too much tire heat traction.

“Do not overtake on turn one, Nate. I repeat, do not overtake on turn one,” utos sa kanya ni Raoul. Pero hindi siya nakinig dito dahil nakita niya ang oportunidad na maunahan niya si Lexos.

He drove over to Lexos’ side and overtook on him. But he made a wrong call. Naubos na pala ang nitrous oxide na nasa Jug niya at biglang tumigil ang sasakyan niya.

“Damn it, Nate! Grenade!” inis na sigaw ni Raoul sa kanya.

Fuck! mura niya sa sarili. “Grenade” means his car was wrecked due to internal malfunctions. It basically happens after the Jug wears off. Ibig sabihin ay imposible na niyang maipagpatuloy pa ang karerang iyon. He should’ve listened to Raoul.

Naipukpok niya ang kanyang kamay sa manibela. Nang makalampas sa kanya ang ibang sasakyan ay hinubad niya ang kanyang helmet saka siya lumabas sa kanyang sasakyan. Saktong dating naman ng safety car at ng pit crews ng team nila.

“I’m sorry,” hinging-paumanhin niya sa kanyang mga pit crew na tumutulak na sa sasakyan niya ngayon patungo sa team garage nila na malayo-layo pa sa lugar na pinaghintuan ng sasakyan niya.

“Pasalamat ka na lang dahil hindi sumabog,” anang isang pit crew.

“Thanks,” sabi naman niya rito. Ang kailangan na lang niyang pakinggan ngayon ay ang walang kamatayang sermon ni Raoul sa kanya. Sumakay siya sa safety car at ilang minute lang ay nasa team garage na nila siya kung saan naghihintay ang nakasimangot na si Raoul.

“Sorry, Raoul,” agad na sabi niya rito bago pa man ito makapagsalita.

“What the hell, Nate? You should’ve listened to me! You’re on pole position pero hinayaan mo lang ‘yong mawala dahil sa carelessness mo,” galit na sigaw sa kanya ni Raoul.

“What happened, happened already. Sorry,” aniya rito.

“Ire-request ko kina Rev at Juno na dagdagan ang parusa mo. Two weeks of karting lessons,” ani Raoul sa kanya. Ang mga nasa lowest five kasi kada monthly patron race ay kailangang magturo sa Camp Speed Racing Academy kung saan nag-aaral ng karting ang mga batang nasa sampu hanggang labing-apat na taong gulang.

“I have business to attend to, Raoul! You know that,” reklamo niya rito.

“That’s final, Nate. Kompara sa mga karera sa ibang bansa, mababaw lang ang parusa ko sa’yo. You didn’t follow a team order. Bakit sa tingin mo ay nandito kami? Pasalamat ka dahil hindi sumabog ang sasakyan mo,” sermon pa sa kanya ni Raoul.

“Whatever,” umiiling na sabi niya rito. Pagtalikod niya kay Raoul ay saka naman siya sinalubong ni Kaycee, nang cameraman nitong si Jun at ni Mitch na may dalang camera. Nakangisi ito sa kanya.

“Hi, Kuya Nate! I’m sorry about the race,” sabi sa kanya ni Kaycee.

“Yeah. Wrong call,” sabi lang niya rito. Gusto na niyang makaalis doon dahil tiyak na hindi makokontento si Kaycee sa sinabi niyang iyon. Lalo na kung nakita nito ang nakita niya kanina.

“Nagkaroon ng sabi-sabi na kusa mo daw ipinatalo ang race. Totoo ba ‘yon?” deretsang tanong sa kanya ni Kaycee.

“That’s not true. Bakit ko naman ipapatalo ang race? Eh ‘di nasayang ang registration fee ko dito?” aniya rito.

“Because of a certain Poppy Belmonte?” ani Kaycee.

BOOM! Strike to the heart, dude.

Noong una ay hindi niya nasagot ang tanong ni Kaycee. Pero nang marinig niyang pinukaw ni Raoul ang atensyon niya’y agad siyang napasagot dito. Ayaw niyang isipin ng mga ito na apektado pa rin siya sa babae.

Whatever happened to ‘I don’t want anything to do with her anymore’? kastigo niya sa sarili.

“Kung kanino mo man narinig ang tsismis na ‘yan, it’s definitely not true, Kaycee. I lost because my car grenaded. Wrong call for using the Jug. ‘Should’ve used it later. The good thing is, hindi naman ako ang kulelat so, ayos lang sa’kin. Pasok pa rin ako sa Quick Eight, ‘yon nga lang, top five lang ang importante dito sa Camp Speed,” paliwanag niya kay Kaycee.

“First instinct mo ba ang paggamit agad ng Jug dahil nakita mong nauungusan ka na ni Kuya Lexos?” tanong pa sa kanya ni Kaycee.

“Definitely. When you’re in a race, you must do everything to win. I did what I thought was right but turns out it’s not,” sagot niya rito.

“Okay. So, who’s Poppy Belmonte in your life, Kuya Nate? Don’t worry, it’s off the record,” nakangising sabi ni Kaycee sa kanya. Kinunutan lang niya ng noo si Kaycee saka niya ito tinalikuran. He heard her chuckle. “You’re meant to lose the race, Kuya Nate. She’s back. Good luck sa love life mo! I’m sure it’s going to be a roller coaster ride,” pahabol pa sa kanya ni Kaycee kahit na nakalayo na siya rito.

Stupid myth.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.